Second Time Around • SB19 Ken...

By Nahhhlia

28.8K 1.3K 3K

As a combative return to her cheater ex-fiancé, she sent him a video of herself shaking sheets for the first... More

Second Time Around
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46

CHAPTER 13

543 33 60
By Nahhhlia

Chapter 13

Ken's POV

"Stell, may ganiyan pa?" Tanong ko sa kinakain niyang munchkin.

"Meron pa oh," inabot niya sa 'kin yung bucket. Puro choco glazed at yung parang maliliit na donut na lang ang nakikita ko dito.

"Wala nang ganiyan?" Tukoy ko sa kinakain niya na may kulay orange.

"Ahh, choco butternut? Wala na, last na 'to."

I got a bit sad. "Aw,"

"Oh, hati tayo." Alok niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at sinubo ang kalahati na lang na natitora dahil nakagatan na niya iyon. Nagpagpag siya ng kamay pagkatapos at uminom ng iced coffee.

"Eto pa pala, may isa pa." Lumapit siya sa 'kin hawak ang choco butternut at maingat iyong sinubo sa akin. Nag thumbs up ako sa kaniya bago ako uminom ng iced coffee.

We're currently on a break from our training. Ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng training dahil madalas ay may kani-kaniya kaming lakad.

I was busy picking some photos to post on my Instagram account. Ngayon na lang kasi ulit ako makakapag-post sa IG since wala naman kami masyadong ganap, as a group or solo.

After tapping the upload button, dinagsa agad ako ng likes at comments makalipas lang ang ilang segundo. Pinatay ko na muna ang phone ko at pinatong iyon sa couch tsaka ako bumalik sa mesa para kumuha pa ng munchkin.

"Ken!"

Lumingon agad ako kay Pau nang tawagin niya ang pangalan ko. Hawak niya ang phone ko habang naglalakad palapit sa 'kin. Kahit ngumunguya pa ako ay naglakad din ako para salubungin siya.

"May tumatawag sa'yo, si Mikaella C." Aniya habang nakatingin sa screen ng phone ko.

Kumunot agad ang noo ko nang marinig iyon. Dali-dali kong kinuha sa kaniya ang phone ko at nakita ang username ni ma'am sa screen. Ano na naman kaya ang ginawa nito at bigla na lang siyang tumatawag? Hindi kaya lasing na naman 'to?

"Uyy, sino 'yan ha? Hindi ata pamilyar sa 'kin." Ani Stell. Ngulat ako sa biglaan niyang pagsasalita kaya mabilis kong tinago ang screen ng phone ko sa kanila.

"Oo nga. Maganda, dre." Segunda ni Pablo.

"Yieee, may nililigawan na siya." Kantiyaw pa ni Stell.

"Tss, wala." Tanggi ko agad. "Sagutin ko lang 'to ah." Paalam ko sa kanila. Lumakad na ko papunta sa pinto para lumabas.

"Sus, diyan nagsisimula ang lahat, Ken!" Rinig kong sigaw ni Josh bago ko tuluyang makalabas. Hindi ko na lang siya pinansin at sinara na ang pinto. Sinagot ko na agad ang tawag bago pa iyon mag end.

"Hello?"

It took her a few seconds to answer. [H-Hello, Ken.]

"Lasing ka na naman ba?" Taas kilay kong tanong.

[Ano? Hindi,] sagot niya agad.

Himala, hindi siya lasing ngayon.

"Akala ko lasing ka na naman eh. Lumalapit ka lang naman sa 'kin pag lasing ka." Totoo naman eh.

[Gago, h-hindi 'no.]

Luh, namura pa 'ko. Ano ba kasing kailangan nito?

"Guesting?" I asked.

[Oo, punta ka. Sa lunes na 'yan.]

Nag message pala siya last week, hindi ko nakita. Hindi nag notif eh. Naka do not disturb kasi yung phone na madalas kong gamitin. Tsaka sa dami ba naman ng notifications na natatanggap ko, hindi ko na yun magawang isa-isahin.

I nodded. "Sabihin ko muna sa manager ko."

[Sige, basta punta ka ah.]

"Depende sa sched,"

[Basta pumunta ka.]

Tumaas ang isa kong kilay. "Desisyon ka?"

[Basta pumunta ka. Iko-confirm ko na 'to sa coordinators namin.]

"Ewan ko sa'yo." Iyon na lang ang nasabi ko habang bahagyang umiiling.

Nakipagtalo pa siya sa 'kin sa pag se-send ng email. Siya na nga itong may kailangan sa 'kin, siya pa yung paladesisyon at may ganang mag sungit. Tsk.

Matapos ang maiksi naming pag uusap ay nag send na agad ako ng message kay ate Leah, my manager. I informed her about the invite before going back inside the studio.

"Oh, ayan na si lover boy. Tara na." nanunuksong saad ni Stell.

Umiling na lang ako at hindi na pinansin ang mga kantiyaw nila sa 'kin. Pag ba bagong pangalan at mukha, nililigawan o girlfriend na agad?

Familiar na ako sa university na 'to dahil pangalawang beses ko nang nakarating dito. Malawak ang eskwelahang 'to, maraming building at may mga gym at oval pa. Doon ulit kami dumiretso sa tinatawag nilang COED building dahil iyon ang pinaka malapit sa closed gym. Dumaan kami sa hagdan sa labas papunta sa second floor at dumiretso sa holding area kung saan kami nag stay din noon as a group.

As far as I know, kinuha rin nila akong judge sa hip-hop competition, hindi lang bilang guest. I was honored to be a judge, of course, so I accepted their request.

I saw her at the backstage, si ma'am, pero hindi ko siya tinitingnan o kinakausap dahil baka may makapansin at mabigyan pa ng ibang meaning. She was wearing the same clothes as those students, I think. Sasayaw sila? Sumasayaw din siya?

I was a bit shocked and amazed, honestly. She knows how to play the guitar, she could probably sing too. And now she can also dance? Damn, she's talented.

I'm looking forward to their performance. So when I heard her name being called, I sat properly and waited for them to start. Let's see your dance moves, ma'am.

...

Kael's POV

Wala akong alam sa plano ng mga bata sa tugtog na gagamitin namin. Nang magsimula na kami sa practice, tsaka lang nila pinaliwanag ang plano nila.

They picked four popular KPop girl group songs that everyone knows. Minash up lang nila ang mga kanta. We'll be performing for a staggering 8 minutes.

Una na nga ang Wannabe ng ITZY dahil sa iconic intro dance move. Nang mg chorus na ay ako na ang nasa gitna, pumalakpak ang mga tao hanggang sa mag bago na ang kanta.

I can't stop me, can't stop me
No, woah-woah

Iyon pa lang ay lumakas na naman ang hiyawan. Sinabayan ng lahat ang kantang ito. Pati ako ay nakiki lip sync at binabagay ang facial expressions dahil parte iyon ng performance. This song is has difficult dance moves, especially that we only danced sa chorus part. Maiksi, pero mahirap at nakakapagod.

The next one, instrumental pa lang ay malakas na ulit ang hiyawan ng audience. This song is called Pink Venom by Blackpink, at sasayawin namin ang chorus at iconic breakdance nito hanggang sa outro. Ah, yeah, I love this dance so much. I feel like I was suddenly possessed by Lisa.

Stop drop
I bring the pain like
Ratatata ratatata

We're on to our last song. This is the only song that we're going to dance the whole choreography. Ito ang sinasabi sa akin ng mga estudyante na sa noong una ay hindi ako pabor dahil ang gusto ko ay kaming lahat ang bida, but they all insisted and I felt their genuine excitement for me. So I gradually agreed.

Nasa gitna nila ako at nakatalikod sa audience. I took off my jacket and threw it on the side, sila naman ay hindi hinubad ang suot na jacket. Pagkatapos ay luminya silang lahat sa harapan ko at naupo naman ako sa likod bilang parte ng choreography.

When the song began, everyone went wild.

I came here to drop some money
Dropping all my money
Drop some money
All this bread so yummy, yeah

I even learned the lyrics for this one so I could lip sync with the song. Sa totoo lang, dito ako pinaka kinakabahan at nape-pressure dahil nasa akin ang pinaka spotlight. Bukod sa ayaw kong mag mukhang bida-bidang teacher eh ayaw ko rin magkamali at mag mukhang tanga sa harap ng mga estudyante at kapwa guro ko. So I practiced hard on this one, kahit na sa apartment.

"Nakaka excite, ma'am! Lalo na dun sa part na 'everyone silent' tapos tatahimik yung buong gym! Sheesh! Nakakakilabot agad, iniisip ko pa lang!"

This was it, the moment that we've all been waiting. Kinakabahan ako dito...

Everyone silent

Tinaas ko ang kanan kong kamay habang nakaangat ang hintuturo. And to my surprise, the crowd went silent.

Listen to my money talk

Tsaka lang ulit sila humiyaw at naki kanta.

Tangina, ang saya ko. Hindi ko maipaliwanag. That made me gain more confidence and continued to perform with all my heart. Hindi ko na naramdaman ang pagod. Ang nasa isip ko na lang ay kung gaano kasarap mag perform lalo na at masaya ang mga nanonood sa amin.

For the whole dance break until the outro, the audience are cheering. At nang matapos na ang kanta ay hinold muna namin ang last pose namin for a few seconds habang hinahabol ang hininga. I wandered my eyes around and my smile widened as I saw the happiness in their eyes.

Ngayon ko lang napansin na nakatayo na ang tatlong judges, including Ken. He was clapping loudly while smiling a bit. When our eyes met, the corner of his lips rose up, making it look like a smirk.

Nag form na kami ng line sa gitna at nag bow. Sakto namang umakyat ang dalawang host.

"Let's give it up for Dakila dance troupe at ang super pasabog ngayong araw, ma'am Mika Ella Castillo!" Even the hosts are clapping with such a wide smile on their faces.

"Grabe! Napa-standing ovation ang ating judges sa intermission performance!"

"Oo nga, partner. Grabe talaga. Ang gagaling talaga ng mga estudyante dito sa Breakthrough. Hindi lang estudyante, pati teacher! Kita mo nga naman, beauty and brain!"

"Yesss! Correct ka diyan, partner. Before umexit ang ating magagaling na students and teacher, tanungin muna natin sila saglit."

Sa pinakadulo na ako tumayo at hinayaan ang mga estudyante ko ang sumagot sa mga katanungan ng hosts. They just asked who taught us the choreo and how did they came up with that idea.

"Thankfully, umagree din po si ma'am sa idea namin afterwards kasi ayaw niya po talaga at first. Sabi niya po kasi, gusto niya na mag shine kaming lahat." The crowd awed in response. "Pero gusto po naming ipakita na hindi lang students ang pwedeng mag-slay dito sa BU, kundi pati ang teachers namin, of course!" They they all cheered while looking at me. Pumalakpak naman ako habang nakangiti.

"Dito naman tayo kay ma'am Ella," lumapit sa 'kin ang babaeng host. "Ano namang feeling na maging Lisa for today, ma'am?"

I was feeling a bit shy since the attention is on me, and there are lots of people in here, probably thousands.

"Ahh, hindi ko alam. It's far from Lisa's performance. Pangmalakasan na yun eh." Sagot ko habang umiiling at tumatawa ng bahagya.

Sumingit ang lalaking host. "Syempre, Lisa is different naman. She's good at performing, and so are you, ma'am." The crowd agreed by cheering.

"Thank you, thank you. I'm glad that you enjoyed our performance. Hindi ko inasahan na ganito ang magiging reaction niyo, sobrang nakakataba ng puso. Pinaghirapan namin 'to, lalo na ng mga students natin. I won't be able to perform today if it wasn't for them. They are so good in planning and execution." I replied while pointing my hands to my students.

After that short interview, bumaba na rin kami sa stage para maituloy na ang hip-hop competition. Kinuha ko muna ang jacket na hinubad at hinagis ko kanina bago kami dumiretso sa backstage.

"Congrats everyone! Ang gagaling niyo!" Sabi ko agad sa kanila.

"Ang galing mo rin, ma'am! Grabe!"

The teachers and other staff also congratulated us. We took some group photos on my phone since my students said that I own an iPhone, i-send ko na lang daw sa kanila para high quality.

Nag stay muna ako sa venue hanggang sa matapos na ang competition. Nag perform ulit si Ken ng isang kanta. It was a mellow one. I haven't heard this song before. But I can't deny that he sings good, his voice we're pleasant to the ears.

Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you

I know that it was his raw vocals since I could hear the sound of his bracelet dangling. He sings so smoothly. Isa pa, ang sweet din ng lyrics.

After his performance, tsaka lang siya na-interview. Kinamusta lang ng hosts ang experience niya as a judge at kung nag enjoy ba siya. Of course he answered positively.

"Pwede ba naming maitanong yung title ng song na kinanta mo kanina? Ang ganda eh. Reminder lang, guys, live vocals yun. Parang recording sa sobrang ganda."

He chuckled and bowed a bit while saying thank you. "That song is called Moving Closer. I chose that song to perform since it's Valentine's day today."

"Ahh, Moving Closer. Ise-search ko 'yan mamaya sa YouTube at Spotify." Both hosts agreed while laughing. "Parang ang ganda kantahin nun pag may ka-duet ka, 'no? Tapos in love na in love kayo sa isa't isa while singing. When kaya?"

The female host agreed. "True, partner. Balak ko sana aralin pero since nasabi mo 'yan, tsaka ko na lang pala siya kakantahin pag may ka-duet na rin ako."

"Ikaw, sir Ken? Na-try mo na ba yung may ka-duet?"

"Ahm," he paused for a second while trying to come up with an answer. "Since I have a group, sa SB19, hindi lang duet kasi lima kaming nag ha-harmonize–"

Naputol ang sagot ni Ken ng hiyawan ng mga audience. They seemed like cheering for a name or something? Pati tuloy si Ken at ang hosts ay nagtataka.

"Ano 'yon? Sino?" Tanong ng babaeng host. "Ma'am Ella?"

Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang pangalan ko. Nasa gilid kasi ako ng stage habang nanonood. Nang tingnan ko ang audience at pinakinggan ng maigi ang sinisigaw nila ay naririnig ko na rin ang pangalan ko.

"Duet si Ken and ma'am Ella?"

The crowd cheered louder. Nakita ko sa isang sulok ang mga estudyante na kasama ko kaninang nag-perform. Malamang sila ang pasimuno nito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Tumatawang nilapitan ako ng isa kong co-teacher at tinapik sa braso.

"Mapapasubo ka pa ata, ma'am." Tukso niya sa akin.

"Sana pala nagtago na lang ako sa backstage." Biro ko rin.

"Gusto niyo ba ng duet?!" The crowd agreed. "Pwede ba? Okay lang ba kay ma'am? Kay sir Ken?"

Tumango si Ken. "It's fine, okay lang." Of course he would say that!

Wala na akong nagawa ng sunduin ako ng male host mula sa gilid. Ngumiti na lang ako kahit na sa loob ko ay hindi ako ganoon ka-komportable. Pinagtabi nila kami ni Ken. Naglaan ako ng haunting space sa aming dalawa.

"Sir Ken, si ma'am Ella. Isa sa pinaka magaling at talented na teacher sa aming university." Pagpapakilala nila sa 'kin.

Ken and I smiled at each other and shake hands, without them knowing that we already knew each other.

"Alam mo ba yung song na kinanta kanina ni Ken, ma'am?"

Umiling ako. "Hindi eh," sagot ko, umaasang makakatakas na dito.

"Ano pa ba yung songs na pwedeng duet?"

At talagang nag isip pa nga sila!

"A Whole New World!" The female host suggested.

"Alam niyo ba 'yon, ma'am? Sir Ken?"

Ken nodded. "Konti,"

"Uhh," hindi agad ako nakasagot dahil gusto ko talagang tumanggi.

"Syempre alam yun ni ma'am! Si ma'am Ella pa ba?" Gatong ng male host.

I forced a laugh. Ano pa nga ba? Let's just do this para matapos na.

Ken started singing sa first verse until chorus without any instrumental, yet he still sounded good. Umalis ang dalawang host sa tabi namin at hinayaan kami sa gitna. He was looking at the crown while singing. Sinusulyapn niya lang ako paminsan-minsan. Ako naman ay nakangiti at nakiki-vibe kunwari para naman hindi mag mukhang KJ.

Sumunod akong kumanta sa kaniya. Nag cheer saglit ang audience at tumahimik din agad para marinig ang boses namin. Ken was looking at me with a small smile. When I glanced at him, I saw encouragement in his eyes. Perhaps he could tell that I was a bit nervous and uncomfortable.

"A whole new world," I sang.

Ken did the second voice. "A whole new world,"

"That's where we'll be,"

"That's where we'll be,"

"A thrilling chase,"

"A wondrous place,"

And then we harmonize with each other for the last line.

"For you and me."

We smiled at each other for a bit before clapping our hands. Nang bumalik na ang dalawang host sa tabi namin ay nag pasalamat na sila sa amin, sa wakas ay naka exit na rin ako.

Bumalik na ako sa building at nag bihis na agad ako ng uniform. Inalis ko na rin ang makeup ko at naglagay ng panibagong light makeup lang. Pati ang hairstyle ko ay inalis ko na at binasa na lang ng tubig ang buhok para dumiretso. I still have things to do and I can't work properly while looking and dressing up like an idol.

May inaasikaso ako habang kumakain, nakakagutom ang mga pangyayari today. The awarding would be held later around five at the same venue.

"Ma'am, nasa holding area na ulit si Ken." Anang isang co-teacher ko na coordinator din. May bitbit siyang mga pagkain at inumin. "Ito daw yung foods para kay Ken at sa staff niya, kararating lang kasi nung rider."

"Sige, ma'am. Tulungan na kita mag distribute." Hindi naman siya lalapit sa 'kin kung hindi niya kailangan ng tulong.

Inayos na namin ang dalawang box ng pizza, isang box ng ensaymada, bottled water at soft drinks na ibibigay sa kabilang faculty room kung nasaan si Ken at ang staff niya.

When we entered the faculty room, we greeted them first before giving them the foods. Nagpasalamat naman sila havang tinatanggap iyon. We handed them the drinks each, and I was the one who gave Ken. Nakaupo siya sa monoblock at nakapatong ang kamay sa teacher's table habang tahimik na ginagamit ang cellphone.

I was about to leave after putting the drinks on top of his table when he suddenly grabbed my wrist. Nagtataka ko siyang nilingon, luminga agad ako sa paligid para makita kung may nakatingin ba sa amin.

Mabilis niyang inalis ang pagkakahawak sa pulsuhan ko at nilahad ang kamay kung saan naroon ang isang singsing sa palad niya. I gasped when I realized what it was.

"Naiwan mo sa gilid ng sink last time." Mahina niyang paliwanag.

It was mine. Tinanggal ko iyon nung naghugas ako ng plato sa condo niya. Nakalimutan ko pala.

"Thank you," sagot ko bago iyon kunin sa kamay niya.

"Kumakanta at sumasayaw ka pala." There was a hint of amazement in his voice.

"Oo. Bakit? Bilib ka naman sa 'kin?" Sagot ko na may halong pagyayabang.

He shook his head in disbelief.

"Pero, galing mo." Pahabol niya.

"Para namang 'di mo pa na-try skills ko before." Nakangisi kong biro.

Umiwas siya ng tingin at napailing na lang ulit. Mahina akong natawa sa reaksyon niya.

"Charot. Thank you, maliit na bagay. Ikaw din, galing mo." Sambit ko bago ako kumaway at maglakad paalis.

Tsaka ko lang napansin si ma'am Nads na mukhang kanina pa sa amin nakatingin. May kakaibang ngiti siya sa labi kaya agad ko siyang nilapitan. Nang tumabi na ako sa kaniya ay mahina niya akong tinutulak habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

"Dumb bitch,  mukhang close kayong dalawa ah." Pabiro niyang bulong.

"Hindi," tanggi ko. "Pinuri niya lang yung performance ko." Tinaasan ko pa soya ng kilay.

Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti ng kakaiba. "Huy!"

Sabay kaming humagikgik habang naglalakad palabas ng faculty. Bago ko isara ang pinto ay naptingin ako kay Ken. He was already looking at me. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago ko tuluyang isara ang pinto.

Pumunta kami ni ma'am Nads sa awarding. Ang alam ko kasi ay may certificate of appreciation kami dahil sa intermission namin. Binigyan din ng certificate ang mga judges, at isa na doon si Ken. They took photos with him before leaving the stage.

Oo nga 'no? Ang tagal ko nang kilala si Ken at ilang beses na rin kaming nagkikita pero hanggang ngayon, wala pa rin kaming picture together.

Pero may video naman kami together noon.

Umiling ako nang bigla na lang iyong pumasok sa isip ko. Pero totoo din naman...

Nang makabalik na siya sa backstage ay hinintay niy munang matapos ang pag a-announce ng winners para raw ma-congratulate sil at para makapag picture with them. Tinatanong kasi siya ng mga staff niya kung aalis na raw ba sila pero umayaw siya.

Right after the announcement of winners, he stepped on the stage a bit, congratulated the winners, took a photo, and then he went back here and bid goodbye.

"Bye, everyone. Thank you so much." Kumakaway siya gamit ang dalawang kamay at nag bow pa.

Nginitian ko rin siya tsaka ako bahagyang kumaway nang tumingin siya sa gawi ko. He smiled back before leaving the tent.

Sa gilid ng gym siya dumaan, pinapaligiran siya ng mga staff niya dahil pinagkakaguluhan siya ng mga estudyante. May van naman na nakaabang sa labas kung saan dali-dali siyang sumakay. Kumaway pa siya ulit saglit bago sinara ng isang staff ang pinto ng van.

I sighed heavily in relief. Finally, day one is done.

A few minutes after he left, I took my phone out in my pocket and sent him a message on Instagram.

Me
Thank you ulit tuwang tuwa yung mga estudyante sa'yo

Thank you for the ring also

Ingat!

I wasn't expecting an immediate reply from him. Natuto na kasi ako nung nakaraan. But when I turned my phone off, it vibrated. Nang buksan ko iyon muli ay nakita ko ang username niya sa notifs.

felipsuperior
No prob thank you din

-> Ingat!
You too

I smiled as I double tapped both of his replies to give it a heart reaction. Today was tiring, but it was a blast.

Kinabukasan, maaga ulit akong gumising dahil hindi pa tapos ang kalbaryo. Unang araw pa lang ang natatapos, may day 2, day 3, at mga susunod na day pa. Pagkatapos maging performer, coordinator naman ang trabaho ko.

Naghihikab pa ko sa antok habang hinihintay na maluto ang instant noodles, spicy beef flavor. Umiinom ako ng kape habang nakatulala sa kawalan. I checked my phone for any announcement. Nang buksan ko ang mobile data ko ay sandamakmak na notification ang bumungad sa 'kin. Sa sobrang dami ay ayaw nang tumigil sa pag va-vibrate ng phone ko.

Anong video? Anong trending? Ha?

Nang makita ang pangalan ni ma'am Nads, iyon agad ang pinindot ko. Kumot noo kong binabasa ang sandamakmak niyang chat na naka caps lock pa. This was an hour ago, alas kwatro ng madaling araw.

Nads
HOY DUMB BITCH

GAGA KA SIKAT KA NA

TANGINA KA I'M SO PROUD

😭😭😭😭

Nads sent and attachment.

Nads sent a video.

GRABE ANG DAMING LIKES AT COMMENTS SA TIKTOK😭

SIKAT KA NA RIN SA TWITTER DUMB BITCCHHHH

SHET INSTANT CELEBRITY

I don't know why, but my heart began to beat loud and in a hurry. I gulped before checking the video and attachment that she sent.

My heart was beating so loud that I could feel a bit of pain in my chest as I watched the video of my Money performance and my duet with Ken yesterday.
____________________

Sorry sa late update! Medj busy lang nung nakaraan hehe. Hope you liked this chap. ❤️

- Nath(Nahhhlia)

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 213 21
CLANDESTINE LOVE SERIES #2: Love In The Spotlight "Gusto kitang mahalin at ipagsigawan, ngunit paano ko yun gagawin kung sila na mismo ang humahadlan...
54K 1.7K 47
He roams his eyes around the crowd, trying to spot someone he can give the agreement to fulfill the warmth of his wild and naughty side without anyon...
15.8K 323 14
Inspired by Senior High Teleserye | of ABS-CBN, Dreamscape Entertainment and iWantTFC 🌟 An Alternate Universe (AU) of Roxy Cristobal and Archie Ague...
6K 220 21
He was just buying gifts for his nieces and nephews when a girl approached him and said, "Hi hello annyeong. I'm Lemon. I saw you entered the shop an...