Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

918K 31.4K 20.6K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 3

17.8K 635 123
By JosevfTheGreat

Chapter 3: Hate at First Sight

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"What a bummer! Bakit naman ganito? Bakit naman sa lahat ng puwede kong maging kapitbahay, bading pa? Okay lang sana kung hindi siya gano'n makatingin, e. It icks me. Gay can exist in this world, sana lang mawala 'yung mga nanghihipo at nang-a-assault. Hindi na ako mabuhay nang matiwasay," reklamo ko 'saka napabuntonghininga.

Humalakhak si Titus. "Chill, man. Bakit kasi nag-move rito sa building na 'to? Okay ka naman na sana ro'n sa dati mong building. 'Wag mo na lang isipin 'yung nangyari sa 'yo noon. At isa pa, at least hindi mo naman siya ka-roommate," sabi ni Titus sa mababang tono. 

"And that's supposed to make me glad? Paano kung katulad din siya no'ng mga bading na nanghipo sa akin noon? Hindi nga lang hipo 'yung ginawa sa akin, e. Paano kung gano'n din siya? Mas malapit pa siya sa akin," sabi ko at bahagyang bumigat ang dibdib dahil sa ayaw kong maalala.

"Ang sensitive mo naman, Caiden! Feeling main character ka naman sa lagay na 'yan. Malay mo naman napatingin lang din sa 'yo pero wala naman siyang pakialam sa 'yo," sabi ni Titus kaya binatukan ko nga.

Hindi ko alam kung ngingiwi ako o kung papansinin ko 'yung biglang pagbigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Titus. Bigla lang umiinit ang ulo dahil sa pangyayaring 'to. 

Wala naman akong problema kung bading siya, ang problema. . . iba 'yung dating sa akin no'ng tingin niya. At ang OA man pakinggan, pero ina-anxious ako sa tuwing iniisip kong marami siyang puwedeng gawin. Hindi ko rin maiwasang hindi maalala 'yung nangyari noon. Nahihirapan ako lalo i-express 'yung nararamdaman ko.

"Are you nuts? Gano'n na gano'n 'yung tingin sa akin ng mga bading, Titus. At no'ng hinayaan ko lang sila at wala akong ginawa, 'saka sila gagawa ng way para mapalapit. Fuck. Ina-anxious ako na ewan. . ." Umigting ang panga ko't napailing-iling para subukan pakalmahin ang sarili ko.

"Parang kanina lang preskong-presko ka, ngayon bigla kang pinagpapawisan. Chill, Caiden! Hindi naman siguro aanuhin no'n. Sabi ko nga, baka napatingin lang. Ang OA mo lang kasi. Feeling mo mauulit agad 'yung nangyari noon," sabi ni Titus kaya mas lalong nagpinting ang tainga ko.

Napabuntonghininga na lang ako sa sinabi ni Titus 'saka pumalatak. What the fuck did he just say? Ang hirap-hirap alisin sa akin 'yong nangyaring 'yon noon. Paano ko 'yon basta na lang makalilimutan kung nati-trigger ako agad sa tuwing nakakikita ako ng bading. At kahit magpa-theraphy ako, mas lalo lang ako na nati-trigger. Mas lalo lang akong nahihirapan mag-cope up dahil nape-pressure akong maging okay agad.

"Alam ko na, pre. Bakit hindi na lang ako mag-inquire kung may room pa bang available? Mayroon pa ba sa inyo? Ina-anxious ako bigla rito sa building na 'to. Tangina naman, gusto ko lang sana maging masaya ngayong araw na 'to bago magpasukan, bigla namang may ganitong papasok na eksena," reklamo ko't napakamot sa ulo 'saka napabuntonghininga.

"Wala na rin sa amin. Ang OA mo, Caiden. Magpapalipat ka talaga dahil lang may katabi kang bading? Matagal naman na 'yong nangyari sa 'yo noon. At saka, 'wag kang mag-overreact. Hindi naman lahat ng bading pare-parehas. Malay mo may maayos naman," sabi ni Titus 'saka humalakhak. 

Nagpapanggap lang siyang nagbibigay ng suggestion, pero ang totoo gusto niya lang akong asarin dahil ina-anxious ako ngayon. Great. Kaya kapag sumabog ako ngayon, siguro kasalanan ko, 'no? Paanong hindi ako magagalit. . .? Ano bang dapat kong reaction sa ganitong sitwasyon?

"Shut the fuck up, Titus. Walang kuwenta 'yung lumalabas sa bibig mo. 'Wag mo na 'tong sabihin kina Echo at Magnus. Paniguradong makisasali lang 'yon sa 'yo. Hirap sa inyo, naiintindihan ninyo ako pero kung ano-ano lang din sinasabi ninyo," sabi ko at napailing-iling bago siya inunahang lumabas. 

Napalunok agad ako't natigilan nang nadatnan kong nakabukas pa rin ang pinto niya. Huminga ako nang malalim bago mabilis na naglakad. Nilingon ko rin siya nang mabilis at laking pasasalamat ko dahil nakatalikod siya. It just icks me. Hindi ko kayang makipag-eye contact ulit sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit pa ako lumingon sa loob. Fuck. This is so messed up. 

Nakahinga lang ako nang maluwag nang nakalabas na kami ni Titus. May mga nakita akong grupo ng babae at lahat sila ay nakatingin sa akin. Gustuhin ko mang matuwa, pero mas nangingibabaw sa dibdib ko 'yung nararamdaman kong bigat at pagkabalisa. Tangina talaga. 

Mas lalo lang akong nabwisit 'pagkarating namin sa dorm faculty dahil wala na raw ibang available na room. Except sa building 105. E, 'yon nga 'yung iniiwasan kong building dahil mas marami ro'ng bading. This is so great. . . just fucking great.

"Tangina naman. Bakit naman wala ng bakanteng room bukod do'n sa building na 'yon? Hindi ko alam kung kaya kong bumalik do'n. Pakiramdam ko sa tuwing makikita ko siya, titibok lang nang titibok ang ugat ko sa leeg sa sobrang galit," sabi ko at napapikit 'saka hinilit ang pagitan ng kilay ko.

Hindi ko mapipigilan ang sarili kong magalit sa tuwing makikita ko siya. I cannot control my triggers. I cannot control how to project my emotions properly. Kapag nagtuloy-tuloy ang interaction namin, which is mas mataas ang chance dahil kapitbahay ko siya, malamang sa malamang mabubuhos ko sa kaniya 'tong galit ko. 

I'm just hoping for the best. . . But I cannot really assure myself that I won't get triggered. Because just thinking about the fact that he's too close to my space is too much for me. I will really get mad. That's for sure. 

Napangiwi si Titus sa sinabi ko. "Ang OA mo. Bakit ba kasi nire-recall mo pa 'yung nangyari sa 'yo noon. Past na 'yon, pre. Ang gawin mo, mag-focus ka na lang sa ibang bagay na nagpapasaya sa 'yo. Hindi 'yung kung ano-anong nirereklamo mo, e mukhang hindi ka naman gagalawin no'n," sabi ni Titus.

I clenched my jaw. "You don't understand, Titus. Hindi mo maiintindihan kung gaano ako naaalibadbaran sa ideyang may malapit sa aking bading. Kung hindi mo alam 'yung pakiramdam, mas mabuting manahimik ka na lang. Hindi ko alam bakit ganiyan ka magsalita," naiirita kong sabi habang deretsong nakatingin sa kaniya.

Humalakhak siya't hindi pinansin ang sinabi ko. "Chill, man. Paulit-ulit ka ba? Sabi ko nga, 'di ba, baka naman napatingin lang sa 'yo dahil dumaan nga tayo. Iniisip mo agad may balak sa 'yo. Ang OA na kasi, pre. Chill! Malay mo hindi naman talaga 'yon bading," sabi ni Titus.

I hissed. "I know one, when I see one, Titus. Kung paano pa lang nagkatagpo ang mga mata namin, alam ko na. Hindi naman ako mati-trigger kung hindi, 'di ba?" Sabi ko habang nakangiwi sa kaniya.

"Hay nako, Caiden! Kung ako sa 'yo iinom na lang natin 'yan. Sabi ko nga, hindi ka na dapat nagfo-focus sa mga bagay na ganiyan. Mas mag-focus ka sa mga bagay na magbibigay ng saya sa 'yo. Chill, man. Magsisimula pa lang ang semester. 'Wag kang ma-stress," sabi ni Titus 'saka humalakhak.

Bumuntonghininga ako. Ano pa nga ba? 'Yon naman na ang ginagawa ko since that incident. Palagi na lang akong naghahanap ng ways para mas maging comfortable ako. Kailangan kong maghanap ng mga bagay na magbibigay courage sa akin na magpatuloy. Kaysa lugmukin ko 'yung sarili ko, I need to find ways to live. Kahit mukhang madumi na sa iba ang ginagawa ko, if it it makes me alive, then it matters.

"Maybe you're right. Mukhang 'yon na nga lang. Kaysa i-stress ko ang sarili ko. I'll just vent this out somewhere where I can feel myself more, I guess. Hindi ko alam, pero putangina, bahala na. Ganito naman palagi 'yung pag-cope up ko sa mga bagay-bagay na kinaiinisan ko," sabi ko 'saka saglit na napapikit para i-convince ang sarili kong kumalma na at ituon na nga lang sa ibang bagay ang isip ko.

"See? Loosen up! Maraming puwedeng maka-hook up dito sa university. Puwede pa tayong mag-night club, mas marami kang makaka-hook up do'n. This is your medicine, pre. This is how you do it. Chillax!" Prenteng sabi ni Titus 'saka humalakhak na parang simpleng bagay lang ang nararamdaman ko.

But he's right about one thing. This is how I do it. This is how I respond in terms of coping. I don't know. Kung ano lang 'yung hindi pressuring for me, 'yon ang ginagawa ko. Sex is fun, after all, it makes me happy for a while. The companionship that it offers lingers. 

Tumigil sa pagtawa si Titus nang tumunog ang phone niya. Mukhang may nag-text. Chineck niya 'yon 'saka nag-angat ng tingin sa akin.

"Pre, papunta na raw sina Echo at Magnus. Mukhang mag-aayos na rin sila ng room nila. Kitain daw natin sila sa Building 104. Ikaw lang kasi humiwalay bigla, e," sabi ni Titus 'saka umiling-iling.

"Just shut up, Titus. You're just making it worse for me. . ."

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Tinulungan ko si Mishael sa pag-unpack ng gamit niya. Siya ang nagbuhat lahat paakyat ng mga gamit niya at sabay kaming nag-unpack. Para may permission niya pa rin kung ano 'yung hahawakan ko. Baka mamaya may makita akong kung ano.

Mukha namang siyang straight, at mukhang magiging close naman kami tulad ng sinabi niya. 

Hinapon kami sa pag-aayos ng gamit niya. Ako ang nag-ayos ng table niya at siya naman ang nag-ayos ng iba pa niyang gamit. Hindi na ako nakialam masyado dahil nahihiya akong hawakan 'yung mga gamit niya. Feeling ko masyadong pang lalaki lahat.

Sa akin kasi puro pang-aesthetic at puro pang-social climb na kabadingan lahat. Kaya nahihiya ako hawakan 'yung kaniya. Pakiramdam ko, hindi ko ito kayang hawakan. Chariz. 

"Salamat, Zern!" Masaya niyang sabi at inunat ang kaniyang magkabilang braso.

What a view. Laki naman ng. . . ano. . . ng biceps. Puwede kayang magpa-headlock? 

"Welcome! Mabuti na lang din natapos kang mag-ayos bago maggabi. Kasi nakakatamad kumilos paggabi at para makapagpahinga ka na rin. Maligo ka na tapos magwawalis na lang ako dito. Nalinisan ko na rin 'yung CR kanina no'ng naligo ako."

"Wow. Ang sipag mo naman. Wala ka bang girlfriend? Panigurado malaking puntos 'yan sa mga girls," aniya at mahinang tumawa.

"Ahehehe. . . Wala, e," awkward kong sagot.

Bakit naman ako magkakaroon ng girlfriend? E puro kabadingan nga 'yung inaatupag ko sa buhay ko. Para akong CCTV palagi kapag nasa labas para maghanap ng pogi tapos girlfriend?

Baka akala niya straight ako. 'Yaan mo siya. Para hindi siya ma-awkward-an sa akin, mas mabuting isipin na lang niyang straight ako. Hindi ko rin mahanap ang relevance ng pagsilawat ko ng sexual orientation ko sa kaniya.

"Sige, Zern. Maligo lang ako tapos tulungan kita. Ako na ang magtatapon ng mga basura sa labas. Para talagang malinis na 'tong room natin," aniya at kusang hinubad ang damit niya.

Laway mo, bading. Umiwas agad ako ng tingin para hindi niya mahalatang saglit akong napatitig sa katawan niya. Gago. . . maharot lang ako sa isip ko, pero kapag mga ganitong biglaan parang ang hirap din pala i-process. Unless kung bading din siya, mas madali siguro dahil walang ilangan.

Pasulyap-sulyap ako sa kaniya. Tinanggal na niya ang pagkapupusod ng buhok niya kaya mas nagkaroon ako ng chance masilayan ang muscle-muscle niyang katawan. Maraming veins ang nakabakat mula sa kaniyang umbok na biceps pababa sa kaniyang mga kamay. Matipuno rin ang build ng kaniyang dibdib at hulmadong-hulmado ang kaniyang abs. May mga buhok din na nagta-travel pababa sa kung saan. 

Mapapa-shet ka na lang talaga kung ganito ang makikita mo.

"Treat kita bukas ng dinner, may plans ako ngayon, e. Thank you sa pagtulong mo sa akin," aniya habang nakangiti. Hinawi niya pa ang buhok niya palikod.

Ngumiti ako nang malawak. "Sige, gusto ko 'yan. May plans din ako ngayon. Aayain ko 'yung kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong oras siya darating since nakapaglipat na siya kahapon pero umuwi muna siya sa bahay nila."

Tumango-tango siya. "Ako naman, I'll meet my girlfriend. Sunduin ko siya sa dorm niya, isang bus lang away from here. Kakain din kami," sabi niya at mahinang tumawa.

Sabi ko na nga ba straight siya! Pero ang mahalaga isa siyang straight na mabait. Halatang kahit sabihin ko sa kaniyang isa akong baddieng, hindi niya ako ija-judge. Tama 'yan. Ganiyan dapat ang mga people sa Pilipinas. Hindi 'yung pangit na nga ng palakaran sa bansang 'to, dadagdag pa 'yung mga bwakanangshit na mga tao.

'Pagkatapos kong magwalis ay naliligo pa rin si Mishael. Humiga na lang muna ako at nag-cellphone.

Mga bading (except kay Ashton)

Zern:

@Leroy Ano balak mo? Hapon na. Ano oras ka dadating dito?

Leroy:

Otw na kami ni Ashton. Nagpasundo ako e. Princess treatment :P

Zern:

Ulol, bilisan mo na nagugutom na ako tapos may chika ako about sa roommate ko.

Leroy:

Ano na naman? Hindi mo na naman kasundo. Lahat naman hindi mo kasundo kasi feeling main character ka laging baccla ka.

Zern:

Gago hindi. Mabait siya tapos pogi. Malaki yung biceps ^-^ hineadlock niya ako for free. Dream come true <3

Leroy:

So makakasundo mo na 'yan ngayon? Sure na yan ah. Baka mamaya magsasabi ka sa akin na naiirita ka sa kasama mo sa room.

Zern:

Bilisan mo na. Nagugutom na ako. Wala ng energy yung kabadingan ko kaya bilisan mo na. Papalibre ako kay Ashton since hinatid ka niya dito, dapat ilibre naman niya ako kasi syempre, bakit hindi? Ako to, kaya dapat lang. Charing.

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

794K 27K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
24.2K 1.3K 76
【MAGANDA SI TEN series #1】 ❝All that you are is all that I'll ever need❞ -Ed Sheeran || k.dy x j.jh || Epistolary ⭐dojae ft. nct x sf9
2K 155 9
On the quest to send the arrow that the woman he likes gave him, Cupid meticulously looked for the man who captivated her. Upon taking the shot while...
171K 931 125
In this book, you will see Taylor Swift's songs with lyrics. This was purposely made for Swifties. Support this book by voting and adding this to you...