KILL YOUR HEART

By limmymunez

351 192 19

love doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love. More

PROLOGUE
A NIGHTMARE PAST
MEET AGAIN
EMERGENCY
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

DISTANCE BETWEEN YOU AND ME

17 10 0
By limmymunez

                       inspired by:
                  FLOWER OF EVIL
                       (K-DRAMA)

"ZELLE'S POV"

Hindi maganda ang umaga ni Zelle, tila magirap sa kanya na bumalik sa nakaraang nangyari at lumipas na. Dahil sa pagod, pag-aalala, takot at pag dududang naramdaman niya hindi na niya kayang mag isip ng maayos basta ang nasa isip niya ay ang kapatid niya lamang...

Gusto niyang ialis ang pagdududa niya sa taong di naman niya alam kung totoo nga ba! pero gusto niyang malaman kaya naisip niyang dapat ipansantabi lang muna ang mga bagay na iyon.

Bumangon na siya, nag ayos sa buhok niya at humarap sa salamin. tinititigan niya ang kanyang sarili na tilay nakasimangot siyang titigan ito.

"hayy nako Zelle! tila wala kanang ayus sa sarili mo... pagod kana at kahit kailan walang lalaking magkakagusto sayo! kinakausap niya ang sarili at pinapayuhan niya ito...

"ate? magandang ngiting sabi ni Franco.

"ohh! sabi mo maaga ka ngayon!? bat andito ka pa?

"nakahanda nanga ako ate, ehh kaso......----------

"kaso, wala kang baon..

napakamot sa ulo si Franco at tila nahiya siya ng kunti...

"pasensya na ate.

"nahiya ka pa, ate mo'ko at naiwan ka sa akin kaya responsibilidad kita... nawala man sila mama at papa nandito ka naman sa akin, kaya kung anong gusto mong hingin, hingin mo sa akin kung ma ibibigay ako....--- 'hhm ito na, ayusin mo yan ahh 1week allowance mo yan...

"thank you ate. wag kang mag-alala sisikapin ko para hindi na ako maging pabigat sayo.

"sigeh na, baka ma late kapa...

"bye ate... lab you...

"lab you.

Nagmadali na si Franco para sa skwela niya, habang naghahanda naman ng almusal si Zelle,  Tila tahimik ang bahay at maaliwalas ang umaga ngunit hindi naman maganda ang pakiramdam ni Zelle dahil nangangamba siya lalo pa't nag iisa siya ngayon.

Isang oras ang lumipas, natapos na siya sa mga gawain.. kumain narin siya habang nagbababad sa cellphone niya, at nag aabang sa mga kasambahay at guwardiya na hinire niya kahapon lang. 

Pagkatapos niyang Kumain naisip niyang i check si Kinght kung maayos naba ang lagay nito.

"tila kinakabahan parin ako, sana nga mali ako... hindi naman siguro mabuti na pagdudahan ko siya, pero mali na maging kampanti ako! hayst! sana naman Zelle maging wais ka. Ang tanong ko lang naman, Bakit may maliit na maso sa bag niya? At yung Jacket niya, parehong pareho sa suot ng lalaking iyon na pumatay sa magulang ko! hindi kaya?,,, kasabwat siya ng lalaking iyon! Diyos ko! natatakot ako para kay Franco! Hanggang saan ang pagdududa ko nito sa kanya?"

Bumaba siya ng bahay at pumunta sa Clinic niya, nang umabot na siya ng pinto, ay parang kinakabahan siya at nagdadalawang isip. Nag lakas loob siyang buksan ang pinto at pinigilan ang takot niya at kailangan niyang maging matapang kaya bumuntong hininga siya at agad na binuksan ang pinto, sinilip niyang mabuti ang kurtinang nakaharang sa kama, dahil manipis ang  kurtina ay kunting panliliit lang ng mata ay makikita mo na ang kung sino man ang nandon. at nakita naman ni Zelle na maayos ang lagay nito na parang ang himbing nang tulog nito... pero nakaisip din siya na baka patay na ito at hindi nakarecover.

"e check ko nga ng mabuti! kakainis naman. wala na dapat akong ginagawa tapos responsibilidad pa kita ngayon! at kung alam mo lang lalaki ka? pinagdududahan kita ngayon! kaya human ka! dahil kakadenahan kita, at oras ng pag gising mo? magugulat ka nalang. Mabuti nga niligtas pa kita at naging mabait ako nong mga araw nayun! pero hindi ko rin naman alam na may maso pala sa bag mo!? kaya galit ako sayo ngayon! at kung isa kaman sa kasama ng lalaking pumatay sa magulang ko! hindi ako magdadalawang isip na patayin din kita ng walang nakakaalam, di bali na! may panglaban naman ako..  sabihin nalang nating kaibigan muna kita ngayon! wait? patayin nalang kaya kita? baka ako pa ang unahin mong patayin pag nagising ka! well, sa bagay.... hindi ko pa naman alam kung mabuti ka o masama. basta ihanda mo nalang ang sarili mo! nagsasalitang siya lamang at tila naiinis siya.

Pagkatapos ng mahabang sinabi niya napatitig nalamang siya sa mukha ni Knight , at dahan dahan siyang lumapit at naisip niyang.............. wala lang, cheneck na niya ito at ramdam niyang maayos naman ang pulso nito pero mainit ang kamay niya kaya nagulat siyang baka may lagnat ito. dinikit niya ang kanyang kamay sa nuo ni Knight at tama nga siyang may lagnat ito.

"luh! bat may lagnat ka ngayon? Ang OA mo naman para lagnatin ka! ito nanaman tayo, mag-aalala nanaman ako nito.

Kahit tanggihan niya ang nangyayari, wala siyang magagawa... lalo pa't siya rin ang may gawa... Aminin man niya't sa hindi... kahit papano maay awa din siya sa tao... hindi siya ganon kasama para gumawa ng masama na ikakapahamak pa ng kapatid niya.

Nalutas na niya ang isang problema at pwede narin siyang magpahinga. mamaya lang darating na ang mga kasambahay at dalawang gwardiya na hinire niya.

Kung titingnan ang oras, 11:24 am, Pagod si Zelle, tahimik ang bahay, at boring ang araw niya ngayon. Bukas na Bukas din, papasok na siya sa trabaho bilang nurse. Pero kung hindi pa magising si Knight hindi siya makakapasok, pero pinagdadasal niyang mawala na si Knight ngayon palang!

"Ano bang dapat kung gawin ngayon? gisingin ang lalaking yun at patayin!? malabo! baka ako pa una niyang patayin! hayst! ano ba'tong naiisip ko. hindi siya killer ok!? at di pa tayo sigurado! nakakinis naman kung ganito ang buhay ko araw araw. wait, tawagin ko si Maxine. tila kinakausap niya ang sarili at nililibang ang masalimuot niyang araw ngayon.

PHONE CALLING...

"Low? ayy ikaw pala Zelly! anong meron? napatawag ka? maingay na sabi ng kaibingan niya.

"ikaw naman, tanong agad kung anong meron! defensive aniya.

"bakit? meron ba talaga? chika muna! nagmamadaling banggit niya.

"chesmosa ka talaga kahit kailan... video call nga tayo! ang hirap mong kausap!

"Wag na, mapapagalita ako ehh, alam mo na, duty ko ngayon! siningit ko nalang yung phone ko sa bulsa ko ehh.

"sigeh, pero pwede bang makiusap sayo?

"ano yun?

"ahm, hindi kasi ako sure kung makakapasok ako bukas ehh.. ipakiusap mo naman ako kay doc. alvin.

"nako! ako na bahala! madali naman kausap yun si Alvin. Hindi nga pumasok si Cristy ngayon ehh kahit duty niya ngayon... tapos ikaw bukas sched. mo hindi karin sigurado kung papasok ka so same same lang yan...

"sigeh salamat.

"ehh, si Doc. Rico? di mo kakamustahi? hinahanap ka niyan buong araw. kaya gets ko na sinusuyo ka..

"hmm, hayaan muna yun... mabuti nangalang wala ako diyan ehh, kukulitin nanaman ako niyan ehh "Zelle dinner tayo" "Zelle? lunch tayo? free ka? "Zelle? coffe tayo" "Zelle? milk tea gusto mo!" sawa na ako sa ganon eh...

tumawa nalang si maxine habang natawa narin siya.

"ikaw naman, ang KJ mo! sigeh nah marami pa akong pasiyente.

"sigeh, bye!

"bye.

Bumalik nanaman ang tahimik ng bahay at tumunog bigla ang doorbell. agad siyang napalingon at tumayo.. bumaba ng bahay at ngiti ang sumalubong sa kanya matapos niyang makita ang mga makakasama niya at tutulong sa mga gawain niya.

At inasikaso na niya ang dapat asikasohin. Ngunit hindi parin mawala sa isip niya ang pasiyenteng kanyang binabantayan buong gabi at buong maghapon... at wala narin naman siyang dapat ipagalala pa.

"KNIGHT POV"

matapos siyang makarecover nong isang gabi, tila mabuti na ang kalagayan niya... nito lang umaga maayos na siya, nakaramdam lang siya ng kunting init kanina pero bumalik na ang maayos niyang kalagayan. Hindi pa kaya ng mata niya na idilat ito pero nakakarinig na siya. kaya lahat ng mga sinabi ni Zelle kanina ay narinig niya... hindi naman siya makatayo dahil hindi pa siguradong maayos siya...

Tila binabangongotan siya ngayon ng panaginip, at sakit ng katawan ang naramdaman niya...

"mama! ito nalamang ang nabanggit niya ng magising at tila nangunot ang nuo niya sa sakit na naramdaman ng buong katawan niya.

Gulat nalamang siyang may kadena na ang dalawang paa niya at dalawang kamay. 

"ugh! ano ito? nasaan ba ako? gulat at takot niya ng malamang hindi na siya makakatakas. Ang pumasok sa isip niya ay ang takot na baka ay nahuli na siya ng mga police.

"lagot na! mukhang katapusan ko nato. Hindi pwede! kailangan kung mapagamot si mama, hindi siya maaring mamatay."

takot at kaba ang naramdaman niya, at tila pilit niyang makawala pero mawala siyang magawa, nangangalay nalamang siyang gawin ito.

Ilang minuto pa, ay napansin niyang gumalaw ang pinto, kunwari naman siyang natulog. pagkabukas nito, ay nangamba na siyang lapitan siya nito. Isang babae nalamang ang nakita niyang pumasok at tila nawala ang kaba niya dahil hindi naman ito nakasuot ng police uniform.

"Isang babae? anong ibig sabihin nito? Siya ba ang may gawa sa akin nito? Buw*sit! oras na makalaya ako dito, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!

"Ang tagal namang gumising ng lalaki na to! sa pagkakaalam ko maayos na ang kalagayan mong loko ka! siryusong sabi ni Zelle.

"anong ibig niyang sabihin? siya ang nagligtas sa akin? kung ganon mabait ang babaeng to.. kung ganon lang din naman madali kitang takasan uras na makalaya ako dito."

Gumawa na ng paraan ai Knight, nagkukunwaring kakagising niya lang at nagulat naman si Zelle, na tila hinahanda ang sarili...

"ohh!? nako! mukhang nagigising na siya! tarantang sabi niya at naisip niyang lumabas.

"s-sino k-ka? dahan dahang sabi ni Knight, na parang hirap siyang mag salita...

Napahinto si Zelle, nangunot ang ulo niya at napapikit ang mata niya sa inis... lumingon siya ng dahan dahan, pag harap niya ay seryusong pinakita niya ang mukha kay Knight habang si Knight nakatutok naman siya kay Zelle agad agad..

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin!? seryusong sabi niya.

"Palayain muna ako, hindi mo alam ang ginagawa mo. seryuso ding sabi niya.

"bakit? may gagawin ka? pagapaprinig niya.

"Alam mo? may kailangan ako at importante ito, kaya palayain mo'ko! tila may galit na sa sinasabi niya.

"ahh, may importante kang gagawin? ano naman kaya yun? pwede mo bang sabihin? paglalarong sabi niya.

"Ano bang pinupunto mo?  seryusong tanong niya.

"sigeh, ganto nalang... magkukuwento ako.. at ikaw naman ang sumunod... walang halong biro at dapat totoo lang... kasi..... alam mo?...... may nadiskobre ako,,,,,, sayo?, una sa lahat, nakita kita sa gitna ng kalsada, walang malay, duguan, at nanganganib ang buhay mo! naawa ako, tinulungan kita kasi nurse ako... at kahit di naman ako nurse tutulungan parin kita... ang kaso lang pinapaduda mo'ko! at isang bagay ang nakita ko at nagbalik sa alaala ko na dapat dina ko na iniisip pa. Yung Jacket, at isang maliit na maso! sigurado ako na saiyo yung gamit... kaya ang tanong ko! Isa ka bang mamatay tao?

"kaya, mo ba ako pinagkakadena dahil pinagdududahan mo'kong mamatay tao?

"siyang tunay!

"tch! police ka ba?

"bingi ka ba? nasabi ko nang nurse ako!

"Nurse ka pala! ba't kung makapagsalita ka parang isa kang leader?

"tumahimik ka! gusto kung malaman kung anong tinatago mo!

"wala akong tinatago! kaya palayain muna ako!

"tumigil kanga! alam mo bang nagagalit ako sayo? kaya wag mong ibahin ang usapan! kaya umpisahan monang magsalita at sabihin sa akin kung anong kuwento meron ka!

"gusto mong malaman?

"kanina pa!!!!

"Nasa hospital ang mama ko! puno ng saksak, at nag aagaw buhay siya, gusto kung maabutan siya ng buhay. at kung naitanong mo yung bag, jacket at ang masong iyun? Oo akin yun... dahil gusto kung magnakaw ng pera para may pang bayad ako sa hospital. Isa pang bagay, napilitan akong sumama sa isang bagay na ayaw kung gawin, pero naisip kung kailangan kung sumama para magkaruon lang ng pera... Kaya kung may awa ka sa akin.. palayain muna ako dito.

Naantig ang puso ni Zelle sa kuwento ni Knight, tila naisip niyang nagkakamali siya at napaniwala siya sa sinabi ni Knight. Kaya napaluha siya at nawalan ng gana sa pagsasalita.

Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya, Kahit naiyak siya hindi parin nawala ang galit niya sa tao na parang pinaparamdam sa kanya na dapat hindi siya magpakampanti.

nakaramdam siya ng hiya at hindi niya matanggap ang lahat ng ginawa niya...

"sorry kung, pinagkakamalan kita! pero ito lang masasabi ko... galit parin ako sayo... hindi ko man alam pero... sana hindi nga totoo ang iniisip kung to!

"pasensya narin! at naabala ko ang kabaitan mo! pero tanggalin mo muna ang kadenang nilagay mo sa akin.

"ahm pasensya na, naninigurado lang ako. Kung alam mo lang ang buong kuwento ko... siguradong maiintindihan mo kung bakit ko ito nagawa sayo...

"hindi, utang ko ang buhay ko sayo, kaya nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa akin.

Natanggal na ang kadena sa kamat at paa niya kaya nakaupo na siya mg maayos.

"wala yun!

"Salamat sa lahat, siguro... may panahon na makakabawi ako sayo.

"sigurado ka bang maayos na ang kalagayan mo?

"kaya ko na ang sarili ko!

Kahit maayos na silang nag-uusap, tila wala parin siyang tiwala kay Knight...

"sana nga! hindi ka nagsisinungaling... pero hayaan muna! pwede kanang umalis at Malaya kana.

"maraming salamat...

Tila naging maganda ang loob ni Knight at mas naisip niyang sana hindi na sila magkita pang muli ni Zelle.

"ang inakala ko kanina na isa siya sa tumutugis sa amin ay hindi pala! akala ko, huling araw ko na iyon. Pero humahanga ako sa kanya, ang bait niyang iligtas ako, at yan ang ikinagagalit ng puso kung gumagawa ng masama... Paano ba maging mabuti? kung galit ang nararamdaman ko! hindi ko ma kontrol ang sarili ko sa tuwing nakakakita ako ng dugo... agad kung naiisip na kailangan kung patayin ang isang taong may dugo. para akong baliw at diko alam ang ginagawa ko. minsan kasi may bumubulong sa akin na gawin ang bagay na iyon. Pero ng makilala ko ang babaeng iyon, tila nawala ang lahat! yung galit ko, yung masamang iniisip ko, lahat yun nawala... Pero manganganib lang siya pag magkita kaming muli... dahil sigurado akong hinahanap na ako ngayon ng papa ko! isang bagay pa! di niya dapat malaman kung saan nagpapagaling ang mama ko."

Walang araw ang hindi magulo, lahat ng iyon ginagawa ng isipan na mag hanap ng maling iisipin para magkaroon mg gulo.Lahat ng iyon sinisimulan ng galit, inis, at puot na pagdaramdam, kaya kung minsan kaylangan nating umintindi... dahil kung anong gulo mg isip ay gulo ng kapwa tao.

Alas kwatro na, nakauwi na si Franco ng masaya at nagagalak na makita ang ate niya.

Habang nasa harapan siya ng gate at nasa loob ng kotse ay nagulat siya ng may nagbabantay nito. at kahit anong pindot niya sa busina ng kotse ay hindi siya pinansin... kaya bumaba nalang siya.

"kuya? ba't ho kayo nagbabantay jan! naguguluhang tanong niya.

"gwardiya kami dito! kaya malamang nagbabantay kami! bakit? sino kaba? pagdududang sabi ng nagbabantay.

"ako si Franco kapatid ng may-ari ng bahay at oo pagmamay-ari ko rin! eh bahay namin yan ehh. inis na sabi niya.

"ahmm, pasensya na ho! ikaw pala ang kapatid ng may-ari, eh sinabi niya lang kanina na papasukin ang taong may pangalan na Franco... eh hindi namin alam ikaw pala iyon. napakamot siya habang nagsasalita.

"ehh, kanina pa ako nag bubusina dito ninhindi niyo ko pinansin! ngayon, nagagalit na siya.

"pasensya na po!

"Open the gate now! malakas na boses ang sabi niya, na parang nagmamayabang lang...

Pumasok na siya at pinark ang kotse. At masaya siyang hinahanap ang ate niya.

"Ate? masayang tawag sa ate niya. pero hindi na siya nagtataka sa dalawang kasambahay na nakita niya...

"ahm, matanong ko lang iho? ikaw ba si Franco?  mahinang sabi ng yaya na may respito.

"ahm, opo? nakita niyo si Ate?

"nandon sa kuwarto niya nagpapahinga.

"teka lang, anong pangalan niyong dalawa?

"ako si Rita, siya naman si Patris... sagot agad ng isa sa kanila..

"ahm, Yaya Rita? how old are you po? ngiting tanong niya.

"ahm, 41 na po iho.

"26 naman po ako... sagot ng isa na parang napupusuan si Franco. at naiilang naman ng tumingin si Franco sa kanya.

"ang swerte ko naman, pwede ba kitang tawaging mama Rita? feeling ko kasi ang bait mo.

"Franco? tawag ni Zelle sa kapatid niya habang kasama niya ang tatlo pang yaya.

"ate! ahm, ate may sasabihin pala ako, bukas na yung laban namin sa basketball maaasahan kung pupunta ka hahh!

"ahm, Kumain ka muna. mamaya ko nang sagotin yan...

"oo nga, nagugutom na ako ehh.

"Ahm, aling Rita pwede ho bang ayusin mo yung mga halaman ko... kahit anong gusto niyong maging maganda ang halaman ko, gawin niyo.

"opo, ma'am.

Agad na pumunta si Zelle kay Franco at tila hindi maganda ang tingin niyang hindi rin ikakaganda ng mood ni Franco.

"Ano ate? gusto mo ako na bibili ng susuutin mo bukas? agad ng tanong sa kanyang ate na tila masaya siya.

"ahm, Fraco. hindi ko naman gusto na----------

"hindi ka makakapunta? alam ko. kasi sa mukha mo palang kanina, malabo nang makakapunta ka! malungkot na sabi ni Franco, at hindi naman makasagot ng deretso si Zelle.

"Franco, sumabay kasi na kailangan kung pumasok bukas...

"ok lang ate, at alam ko na responsibilidad mo yung trabaho mo, tapos kailangan din naman para magiging independent ako sa lahat ng bagay.

"Franco alam kung nalulungkot ka pero, pasensya na talaga, gusto ko naman talaga pero priority ko yung trabaho ko ehh..

"na explain ko na ate, at ok na... at wag kanang mag alaala. dahil may sasalba na sa problema ko.

"Ano?

"hindi ano ate, Sino!

"bakit? sino naman ang tinutukoy mo?

"Si yaya Rita!

"ano? napatawa silang dalawa.

"alam mo ate, kanina lang maganda na luob ko sa kanya. kaya ok lang na siya yung support ko bukas...

"ikaw talaga, sigeh hayaan mong ako na magluluto ng baon mo bukas...

"at ang pangalawa kong allowance ihanda mo narin.

"ano? ikaw talaga napaka abusado mo! sabay kurot ng tinga ni Franco

"hindi kana nga sumama hindi mo pa ako bibigyan? pagmamakaawa ng mukha niya. nainis naman ang ate niya.

Lumipas na ang isang araw at sabay gumising ang dalawang magkapatid.

"FRANCO POV"

"sarap gumising pag may bagay na excited kang gawin. Kaso lang nakakalungkot pag mismo yung kapatid mo yung wala... pero ayos lang kung ganon, dahil naniniwala akong lahat ng gusto may paraan."

kagabi lang kinausap ni Franco si yaya Rita na samahan siya nitong manood sa laro niya ngayon. Pumayag naman si Yaya Rita at lubos na natutuwa.

"Good Morning Yaya Rita.. maganda ba ang tulog niyo? magandang bati ni Franco kay yaya Rita.

"Nako! masayang masaya. lalo pa't first time kung manuod ng laro na nanduon ako mismo naghihiyawan.

"ohh dibah ate, kaya sarapan mo yung luto para naman ganahan ako at si yaya Rita.

"oo na, masusunod po kamahalan... birong sabi ng ate niya, na tila nakasimangot.

Pagkatapos mag almusal ng magkakapatid ay deretso na sa eskwela si Franco habang naghahanda naman si Zelle para sa trabaho niya.

"Ohh ayan, malaki na yung naibigay kung allowance sayo ahh... kaya ayusin mo nang hindi masayang yung binibigay ko sayo... at oras na malaman kong hindi maganda ang mga bisyo mo... hindi na kita bibigyan.

"salamat ate... mauna na ako...

"ingat ka, ingat kayo yaya rita.. bantayan niyo ho yan... pag nag kulit kayo na bahalang kurutin siya...

"ayy nako, gagawin ko talaga yan, maliit lang yung pasensya ko. seryusong sabi ni Yaya Rita.

"kinakabahan naman ako sayo yaya Rita. birong sabi ni Franco .

"Manong, kuya. hatid niyo na po sila...

"opo ma'am...

"Kuya, ingatan niyo ang kapatid ko ahh lalo na ho kayo at si yaya Rita. alam niyo na, hindi tayo nakakasigurado sa panahon.

"masusunod po ma'am. gagawin ko ho yung makakaya ko...

"salamat kuya.

"ito naman si ate, over protected! ano bang pinag-alala niya sa akin? ang weird naman! kaya ko naman ang sarili ko. 'siguro!? basta kaya ko'to."

"Ate? lumingon ang ate niya. 'bye, lab you.. masayang sabi niya habang nakangiti.

"bye, ingat kayo. lab you too.

"ZELLE POV"

Hindi napagsasabay si Zelle ang mga bagay na dapat gawin niya at nag aalala siya sa lahat ng mangyayari. lalo pa't takot siyang mawala ang kapatid niya.

Bumalik pa siya sa loob ng bahay, at nag ayos pagkatapos ay kinuha niya ang bag at bumaba na. Tinawag niya ang driver niya... at pinagsabihan ang mga gwardiya na magbantay ng maigi. Ganon ka protektado si Zelle pagkat dinagdagan niya ng anim ang gwardiya niya na magbabantay ng bahay.

Umalis na siya at on the way na siya sa hospital habang tumawag ang friend niya.

"ohh, ano Zelle? sigurado kana bang papasok ka ngayon?

"naman! nakasuot na ako.

"wow naman! reading ready ang frieny ko.

"ganon talaga... sigeh na mamaya nalang tayo mag usap.

"ok bye.

"bye.

"kuya pakibilisan ng kunti...

isang oras din ang biyahe ni Zelle papuntang hospital kung saan siya nagtatrabaho.

Pagbaba niya sa kotse pansin niya agad ang maitim na motor. pero hindi Niya ito pinansan at naglakad nalang...

"kuya, sunduin niyo lang ho ako 4pm..

"ok po ma'am.

pumasok na siya sa loob ng hospital at magandang bati agad ang bumungad sa kanya.

"natutuwa talaga akong pabalikbalik na pumasok sa trabaho kung 'to. Hindi ka magsasawang nguti na makita ang mga katrabaho mong mababait."

Habang naglalakad si Zelle ay napansin niya agad ang taong makulit, mapilit at laging iniiwasan niya.

"ohh, nurse Zelle? i'm glad you are here now... its been a while.

"natutuwa rin akong makita ka, pero nakita mo ba si nurse Maxine at Cristy?

"ahm, may patiente pa silang inasikaso, isang babae na puno ng saksak pero, halos ok na siya.. siguro mga tatlong araw makakalabas na siya...

"nakakagulat namang malaman yan, parang relate ako!

"ops! sorry kung naibanggit ko yun. pasensya na...

"no, ok lang... pwede mo ba akong dalhin sa kanya...

"pwedeng pwede...

Agad silang naglakad papunta roon, at nag-uusap usap din naman sila patunglol sa mga bagay na ikakatuwa nilang dalawa... Unang pumasok si Doc. Rico at sumunod naman si Zelle...

"oh, nandito kana pala Zelle... agad na yakap ni Cristy kay Zelle.

"kailangan kung pumasok ehh...

"so magkasama kayo ni Doc. Rico? ang saya naman... diba magkaiba tayo ng schedule Doc. Rico? agad namang pagpaparinig ni Maxine kay Doc. Rico

"oo nga, papunta na ako ruon..

"Ahm, maayos na po ang kalagayan ng mama niyo, siguro kailangan niyong magpareseta sa doctor kung anong gamot ang kailangan niya.. and 3 days after pwede na siyang makalabas ng hospital.

"Salamat!

Habang kinausap ni  Maxine ang lalaki gulat naman si Zelle ng marinig ang boses na iyon kaya agad siyang nanigurado upang tinganan ito....

"Ikaw? Agad na sabi ni Zelle kay Knight. Habang nagugulat siya agad namang tumingin si Maxine at Cristy sa kanya.

"magakakilala kayo? Agad na tanong ni Maxine at Cristy sa kanya.

Natulala naman ng panandalian si Zelle.

               ----------------------------------

                 KILL YOUR HEART
              
                author:limuel muñez

                         -----------------

❤️ you love my story
💚 you enjoyed reading
💙 you are my supporters
⭐ you will vote my story

                     Thank you...

Continue Reading

You'll Also Like

187K 370 19
Just a horny girl
256K 5.8K 57
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
23.3K 2K 40
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.