Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

919K 31.4K 20.8K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 2

19.2K 700 97
By JosevfTheGreat

Chapter 2: Confusing Ditto

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)

Huh?

Bakit nakangiwi 'yun sa akin? Napa-side eye ako habang nakasimangot. Mukhang dito siya sa room 205. Napatabingi ang ulo ko sa pagtataka habang magkasalubong ang mga kilay.

May binulong siya, e. Nakita ko! Narinig ko rin. Baka nandiri siya dahil pawis ako? Pero ano namang nakakadiri sa akin? Umiling na lang ako at napanguso.

Bigla tuloy nag-activate ang kabadingan ko. Yakap na yakap ang manggas ng kaniyang suot na shirt sa braso niya. Grabe. . . kahit parang nakangiwi siya sa akin, ayos na rin. At least nakakita ako ng pogi ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit 'yon ang motivation ko. Bading kasi. 

Bigla tuloy sumanggi sa isip ko. How long is it been na ba since I had sex? Sa sobrang busy ko last semester, hindi ako makapag-party kaya wala akong maka-hook up at no'ng bakasyon naman bantay-sarado ako ni Kuya.

Kahit lumalabas kami nina Leroy, hindi naman kami makapag-party dahil may hangover pa ako sa plates na tinapos ko no'ng last semester. Puro breakdown at bonding lang sa family ang ginawa ko buong break. Hindi man lang ako nadiligan! Hindi 'to tama. Nami-miss ko na rin.

Napangiwi ako nang napagtanto kong kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko at naligaw na ako nang kusa rito dahil sa nakita kong pogi. Iba rin kasi ang tindig niya. Hinding-hindi ko malilimutan ang pagiging green ng mga mata niya. Maging ang jawline niyang hulmang-hulma, lalo naman ang mga labi niyang pinkish.

Napamaywang ako bigla. . . "Pero bakit siya nakasimangot at para siyang nandidiri sa akin? Napansin niya bang naguwapuhan ako sa kaniya?" 

Dumating na lang sina Kuya ay hindi pa rin ako nakapag-unpack. Hindi maalis sa isip ko 'yung lalaking 'yon. Gusto kong matuwa dahil may pogi pero. . . bakit siya nakangiwi? Pota naman siya kung jinudge niya agad ako.

Pero bakit ko ba ino-overthink? Hindi ko nga siya kilala. Bukod sa sobrang gwapo niya at malaki ang biceps niya, wala ng dapat pahalagahan sa kaniya. Tama na! Kabadingan off mode muna. Kailangan ko ng magligpit pota.

"Wala ka pa ring na-unpack?" Sabi ni Kuya at inilapag sa kama ko ang mga binili nila ni Katie na snacks para sa akin.

Napabuntonghininga ako. "Wala pa, e. May dumaan kasing pogi tapos nakangiwi siya sa akin. Parang nakakadiri ako. Cute naman ako. Maayos naman 'yung hair ko. Medyo pawis lang."

Humalakhak si Kuya. "Feelingero ka talaga, Zern. Feeling mo bida ka sa teleserye. Baka naman napangiwi lang pero hindi dahil sa 'yo. Feeling mo naman dahil pogi, tungkol sa 'yo 'yung ginawa niyang action."

Mahina rin natawa si Katie. "Kung ako sa 'yo, Zern, pabayaan mo na. Mag-unpack ka na para hindi kana tanghaliin diyan. Makapag-asikaso ka pa ng org mo. May early listing kaming nadaanan kanina."

Umirap ako at mahinang naiinis na bumuntonghininga. "Ano pa nga ba? Nagtataka lang ako kasi nakangiwi siya sa akin. Nakakita nga ako ng pogi, pero. . . iba naman 'yung epekto sa akin. Imbis na matuwa ako, nagtaka pa ako," sabi ko.

"Tigilan mo na, Zern! Mag-unpack ka na. Bilis na! Binilhan ka na nga namin ni Katie ng snacks at drinks mo dito. May date pa kami kaya kumilos ka na habang may puwede pa kaming matulong sa 'yo. Itong feeling main character na 'to," pagalit sa akin ni Kuya.

Napasimangot ako at walang ganang nagsimulang mag-unpack. Tama naman si Kuya. Kaso syempre, delusional ako at feelingero. So dapat gawin kong tungkol sa akin 'yung eksena, 'di ba? May pogi, e. Chariz.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag-unpack at pag-organize ng table ko. Tumulong si Kuya at Katie sa paglagay ng bedsheet at punda sa mga unan ko. Ako na lang din ang nag-organize ng mga pinamili nilang snacks at drinks para sa akin.

"Paano, Zern, mauuna na kami ni Katie. May lakad pa kami," sabi ni Kuya sa mahinahon na boses kaya nanibago ako dahil mukhang hindi siya mang-aasar bilang paalam.

Tumango ako at ngumiti. "Sige, Kuya. Salamat sa pagtulong. Thank you, Katie! Enjoy kayo sa date ninyo. Alam ko namang deserve kong tulungan, 'yung mga katulad kong bida palagi, dapat palaging tinutulungan at nililibre," sabi ko at humalakhak.

Mahina silang natawa at umiling-iling naman si Kuya. Mukhang napagod siya.

"Sige na, Zern. Ingat ka rito. 'Wag mo na isipin 'yung lalaking nakita mo. Tingnan mo na lang 'yung picture ko, mas pogi pa ako ro'n," aniya at humalakhak bago ako mahinang tapikin sa braso para ayain akong yumakap sa kaniya.

Nakairap ang mga mata ko habang nakangiwi nang yumakap ako sa kaniya tapos siya tawa lang nang tawa. Alam niyang wala akong masasabi tungkol do'n dahil ino-overthink ko. Wala akong panlaban. Pero sino ba kasi 'yon? Naalala ko na naman tuloy 'yung pag ngiwi niya sa akin.

"Umalis ka na nga, Kuya. Si Asar ka, e. Porket pawis ka at halatang magho-hotel kayo after ng date. May anniversary sex ang mga bading!" Sabi ko at ngumiti nang makahulugan.

Humagalpak ng tawa si Katie kaya alam kong tama ang sinabi ko. Si Kuya ay pinipigilan matawa at mukhang nag-iisip ng pang-asar pabalik. Nakatatawa talaga dahil ganito kami ka-open sa isa't isa. Kung ano-ano na lang talaga ang pinang-aasar namin. 

"Sana all may dilig! Tuyot na tuyot na ang aking petals. Wala man lang malaking water spinkler na magdidilig. . . sad," sabi ko at umaktong malungkot.

Tawa lang sila nang tawa hanggang sa tuluyan na talaga silang nagpaalam sa akin. Naiwanan ako ro'ng nakatayo at hindi alam ang gagawin. Tiningnan ko ang side ko sa kwarto, maayos na at puwede na rin ako magpahinga muna.

Napanguso akong tumingin sa kabilang side ng kwarto na wala pang laman. Nasaan kaya yung roommate ko? Anong oras kaya 'yon dadating? Somehow nilo-look forward ko rin siyang makilala at makasundo man lang. Wala man lang kasi akong nakakasundo sa mga roommate ko dati puro mga gago.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Habang naliligo ako ay naglinis na rin ako ng CR, since gusto ko na itodo 'yung kilos ko ngayon para magpapahinga na lang ako mamaya. Icha-chat ko rin pala sina Leroy at Ashton mamaya. Baka magpasama ako mag-dinner. Mag-aayos din ako ng bag ko bago matulog.

Ang gaan ng pakiramdam ko matapos kong maligo at magbihis. Habang nagpupunas ako ng buhok ko ay napatalikwas ako nang biglang bumukas ang pinto. Malaki pa ang mga mata kong nakahawak sa dibdib ko sa gulat.

Napalunok ako. Tumambad sa akin ang isang lalaking lagpas langit ang kaguwapuhan. Grabe. . . sobrang guwapo niya. 

Nakapusod ang mahaba at wavy niyang hair. Malinis ang pagkakaahit ng kaniyang facial hair. Pero ang kilay at pilikmata niya ang nag silbing pang-define ng mukha niya. Mukha rin siyang kano. Ang dami naman biglang AFAM dito.

"Hello po," sabi ko at sinampay sa head board ng kama ko ang towel bago sinuklay ang buhok ko. Bading na bading si bading, oh.

He chuckled when he noticed I'm trying not to be shy. Hindi naman ako malamya! Nahihiya lang ako kasi guwapo siya at hindi rin naman ako gano'n ka-friendly tapos. . . mukhang mabait naman dahil tumawa siya? Bakit ba ako nagpa-panic! Hindi naman ako halatang bading. So. . . hindi naman siguro siya ma-awkward? Since may mga mabilis ma-awkward sa mga bading.

"You must be my roommate. I'm Mishael Dominic Aloro. 3rd year nursing, ikaw?" aniya at inabot ang kamay sa akin.

Tinanggap ko 'yon. Nanginginig pa 'yan. Bading amputa. Bading. Bading.

"I'm Zern Villarama. May second name ako kaso pang church name ko 'yon."

Ha? Bakit ko 'yon sinabi? Luh? Si Bading nag-panic. TMI siya, oh.

"What?" aniya at natatawa dahil sa sinabi ko. "You're Zern, you must be architecture? Dahil may nakalagay na 'Padayon, Future Architect' sa table mo."

"Ay. . ." akwarward akong tumawa. "Oo, nakita ko kasi sa Facebook. Bilang isang papansin at social climber, pinrint ko tapos pinicturan ko 'saka ko ini-story at may nakalagay na 'hindi ko na kaya'."

Humalakhak siya nang malakas kaya natawa rin ako dahil tawang-tawa siya. Uy, crush na niya ako. Baka mamaya ma-fall ka sa akin. Mukha ka pa namang trap na straight na nonchalant at walang emotional intelligence. Chariz.

"I like that. You're funny. Mukhang magkakasundo tayo. I was nervous kasi baka hindi ko makasundo 'yung kasama ko sa room. Luckily, mukhang mabait ka naman at kwela. . ." aniya habang natatawa pa rin.

"English speaking ba talaga 'yung mga nursing? Or may lahi ka ba or gusto mo lang mag-english? Baka kasi in the future, kapag may kinwento ka sa akin or may sinabi hindi kita maintindihan at ang isagot ko lang sa 'yo ay 'true' kahit hindi ko naman naintindihan."

Humagalpak ulit siya ng tawa. Napaupo pa siya sa kama niya sa sobrang pagtawa. Pinipigilan kong matawa at pinagmamasdan ko lang ang gwapo niyang mukha. Ang gwapo niya kapag tumatawa. Nawawala 'yung mga mata niya. Ganito 'yung masarap i-kiss para manahimik, e. 

"Laugh trip ka, gago," sabi niya at tawa pa rin nang tawa.

Ang expensive naman niyang magmura. 

"Mag-ayos ka na ng pwesto mo, hahapunin ka niyan," sabi ko para tumigil na siya sa kakatawa. Feeling ko kasi hindi siya titigil kakatawa kung hindi rin ako titigil kapapatawa.

Pero it's nice. Mukhang makakasundo ko rin siya kagaya ng sinabi niya. Kaso nga lang bilang isang bida-bida at feeling main character na katulad ko, iisipin ko may gusto siya sa akin at gagawin kong komplikado lahat para mahirapan ako mabuhay. Para masabi kong this generation is not the same as before. Charing.

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 37.6K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
24.2K 1.3K 76
【MAGANDA SI TEN series #1】 ❝All that you are is all that I'll ever need❞ -Ed Sheeran || k.dy x j.jh || Epistolary ⭐dojae ft. nct x sf9
2K 155 9
On the quest to send the arrow that the woman he likes gave him, Cupid meticulously looked for the man who captivated her. Upon taking the shot while...
Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...