Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

931K 32K 21.2K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 1

24.5K 748 334
By JosevfTheGreat

Chapter 1: Dissonance Encounter

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)

Malakas akong napabuntonghininga habang pinagmamasdan ang traffic. Napagod na ako nga kakabuhat, nakaka-stress pa 'tong traffic. Ano ba 'tong bansang 'to?

Tiningnan ko na lang ang Twitter ko habang nasa biyahe. Sinigurado kong maiiwas ko kay Kuya ang phone ko dahil baka mamaya may kung anong lumabas. Itong mga mutuals ko, hindi ilugar 'yung pagla-like. May lalabas na lang bigla na kung ano-ano.

"Zern, gusto mo ng kape? Drive-thru tayo sa Starbucks bago natin sunduin si Katie. Mamaya sa likod ka na, kasi sa harap ang prinsesa ko," aniya at ngumisi nang mayabang.

I hissed. "Tch. Akala ko ba ako lang prinsesa mo?"

"Dugyot. Paano ka magiging prinsesa may lawit ka," aniya at humalakhak.

"Baka nga mas malaki pa sa akin kaysa sa 'yo. Feelingero ka talaga. Minsan supportive tapos madalas basher. Para kang si Papa, ang aga-agang mag-joke," sabi ko habang nakangiwi at umiiling-iling.

Mas lalo siyang humalakhak sa reaction ko. Paborito nila ni Papa kapag napipikon kami ni Mama. Akala naman nila napipikon kami. Nagpa-plot lang naman kami ng murder case at kung paano namin malulusutan.

Tulad ng sinabi niya, dumaan kami sa Starbucks. Kung ano sa kaniya ay gano'n na lang din ang sakin, dahil kapag namili raw ako ay mahal at maraming kaartehan na add-ons kaya hindi na ako namimili. Manlilibre pero puro reklamo 'tong kapatid kong budoy.

Pero hindi ako pumayag na wala akong cookies kaya wala rin siyang nagawa. Pinagbigyan niya ako at pagbibigyan ko rin siya na dito na sa front seat si Katie. Magba-browse na lang ako sa Twitter habang nasa likod. Maglalandian lang 'tong dalawang 'to, eh.

Hindi kalayuan sa Starbucks namin hinintuan si Katie. May dala siyang donut pero mukhang hindi ako bibigyan. Para ata sa date nila. Mga malalanding committed.

"Hi, Zern! Blooming at fresh natin today, ah?" Pagbati sa akin ni Katie at nilingon pa ako mula sa harapan.

I smiled and giggled. "Ang yabang mo, porket anniversary ninyo? Gusto mong purihin din kita. Malalandi talaga kayo. . . hindi mo pa ako bibigyan ng donut mo."

Humalakhak siya. "Huy, hindi kaya! Totoong blooming. Parang in love at fresh na fresh for today's semester, ha?"

Ngumuso ako. "Parang sira 'to! Mamaya ma-drain ako kaka-compliment mo kasi mamaya may existential crisis na naman ako. Stop, nakaka-trigger! Chariz."

Nagtawanan kami ni Katie kaso umepal naman 'tong Kuya ko. "Tigilan mo nga si Katie my princess. Baka ma-virus-an ng kaharutan mo!"

"Ulul. Baka kamo mahawaan ko ng magandang energy at magandang mood. 'Yung energy mo kasi para kang namatayan. Nagpapogi ka pa ngayon, akala mo bagay sa 'yo kang checkered mong polo, e mukha ka namang mantel!"

Nag-apir kami ni Katie. Akala niya! Kakampi ko kaya jowa niya. Dahil ako reporter kung nasaan si Kuya kay Katie. Malamang para bigyan ako ng donut. Since hindi lang ako bading na alipin ng salapi, kundi alipin din ng pagkain. 

Natigil lang kami ni Kuya sa asaran nang bigla na siyang kinausap ni Katie tungkol saan. Humiga na lang ako sa backseat at nag-browse sa Twitter.

tite @zjoshvilla

Sana may pogi this semester. Parang awa mo na Lord please wala akong motivation mabuhay kung walang pogi.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

'Pagkarating namin do'n ay matao ang university. Mukhang maraming nagsisilipatan din ng gamit. Si Kuya naman mostly pagbubuhatin ko, sa second floor lang naman ako. Ngayon niya ipagmayabang 'yung biceps niyang maasim.

"Second floor ako, Kuya. Kukuhanin ko lang 'yung susi sa dorm faculty. Papasama ako kay Katie, maghahanap kami ng pogi. Ibaba mo na 'yung mga gamit para may silbi 'yang biceps mong lantutay."

"Fuck you," sabi niya at tinaasan ko ng middle finger.

Humalakhak kami ni Katie. Nagpaalam lang din siya sa jowa niya at tumungo na rin kami papunta sa dorm faculty.

"Hilig ninyo talaga mag-asaran ng kuya mo, pero minsan ang cute niyan kasi nakukwento ka niya sa akin. Natutuwa raw siya na matataas grade mo at mas napu-push siyang magtrabaho para makatulong sa expenses mo," sabi ni Katie.

Gladness drew a smile on my face. "Oo naman, mahal ko 'yan si Kuya kahit nag-aasaran kami. Love language na namin mag-asaran pero sobrang supportive nila sa akin. Bunso ako tapos palagi akong may regalo kapag birthday ko at kapag pasko. Ang cute lang. . ."

'Pagkarating namin do'n ay parang CCTV ang mga mata ko kung may makikita akong pogi na kumukuha rin ng susi. 

"Hi, good morning! Building 102, second floor room 204. And this is my ID," sabi ko sa front desk.

May pinirmahan lang ako at finill-out at saka ko nakuha ang susi. Parehas kaming napabuntonghininga ni Katie paglabas namin ng building.

"Walang pogi. . . " sabay naming sabi pero sabay rin napahalahak.

Tumulong na ako kay Kuya sa pagbubuhat ng box. Tumutulong din si Katie sa mga magagaan na puwedeng bitbitin at siya na rin ang nagtutulak papasok ng ilang mga boxes sa loob.

"May roommate ka?" sabi ni Katie 'pagkalapag ko ng huling box sa loob at saka niya tinuro ang isang kama.

Tumango ako. "Oo, ayaw ni Kuya ng solo ako. Hindi naman daw ako maganda 'wag na raw ako mag-inarte. Kundi naman mga shonget 'yung ka-roommate ko ay straight na maasim," sabi ko at pinunasan ang pawis.

Mahina siyang natawa. "Sana pogi 'yung roommate mo ngayon. Halo-halong department ba?" aniya at sabay kaming napatingin kay Kuya na kararating lang at may dalang tatlong bote ng C2.

Kinuha ko ang iniabot niya at saka muling hinarap si Katie at tumango.

"Hay nako, sana nga. At sana hindi straight na feeling pogi akala mo naman mabango. Pag inamoy, hmmm! asim kilig." I rolled my eyes.

Humalakhak lang si Katie at uminom na rin sa dala ni Kuya na juice.

"Lalaki na naman tina-topic mo kay Katie! Baka mamaya kakaganiyan mo, maghanap na 'yan ng mas pogi sa akin!" sabi ni Kuya at bahagyang hinihingal pa dahil sa ginawa naming pagbubuhat.

Nangunot ang noo ko. "Buti alam mo. At mas na-realize mong hindi ka pogi." I hissed.

Sasagot pa sana si Kuya pero nagsalita bigla si Katie, "Love, samahan mo ako bilhan natin ng snacks si Zern dito. Kailangan niya 'yon."

"Thank you, Katie. Mas mahal mo talaga ako kaysa kay Kuya," sabi ko at humalakhak.

"Mukha mo, pera ko gagamitin!" singhal naman ni Kuya sa akin.

Dinilaan ko lang siya kaya natawa rin siya. Nagpaalam na sila sa akin. Ako naman ay napabuntonghinga habang tinitingnan ang mga gamit kong nasa box na kailangan kong ayusin dahil wala akong choice.

Pota.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

'Yun oh! Ang daming tao, meaning mas mataas ang chance na marami akong makaka-hook up this semester!

Hinahayaan ko sina Dexter at ang mga kasama niyang dalhin ang mga gamit ko papasok sa building. Nakuha na rin nila ang susi beforehand kaya less hassle. Fully paid for the whole sem. No problemo. . .

Ang tanging role ko lang dito ay maging gwapo at maghanap ng puwedeng maka-hook up. Nakapamulsa ako habang nililibot ang mga mata ko. Kaso. . . puro mga lalaki ang nakikita ko. 

"Caiden!"

Napatingin ako sa lalaking nagjo-jog papunta sa akin. It was Titus. Napangiti agad ako nang malawak at gano'n din siya bago kami nag-bro hug.

"Grabe! Musta? Gwapong-gwapo pa rin, ah?" Sabi ni Titus at malakas akong tinapik sa braso ko.

Mahina akong natawa at hinubad ang shades ko. "Syempre naman. Paano tayo magugustuhan niyan kung hindi tayo pogi?"

"So, mamaya? Club tayo mamaya nina Echo? Mamaya paparating na rin 'yon. Katatapos ko lang din mag-ayos ng gamit ko, e," sabi ni Titus.

Tumango ako. "G! Night out agad bago mag-start ang klase. Dito ako sa building na 'to. Maganda kasi rito. Lumipat ako ng building. Puro mga lalaki na 'yung nando'n sa last kong building, e. Pangit."

"Building 102. Puro BS Architecture diyan, e. Baka wala kang makitang maganda diyan. Baka bading meron," sabi ni Titus at humalakhak.

Napangiwi ako. "'Wag naman sana. Naaalibadbaran agad ako kapag naiisip ko pa lang. When trauma hits, trauma hits talaga. Fuck," sabi ko at napabuntonghininga.

"Ay, 'tol. Mukhang tapos na ata 'yung mga tauhan mo magligpit," sabi niya kaya napatingin ako sa kotse ko.

Wala ng laman ang compartment. Mukhang tapos na nga. Sinamahan ako ni Titus paakyat.

"Anong floor ka, 'tol?" sabi niya habang papasok kami ng building.

"2nd floor."

Nakasalubong ko sina Dexter. Nagpaalam na sila sa akin at simple lang akong nagpasalamat at saka nila binigay sa akin ang susi. Hindi ko puwede ipaayos sa kanila ang mga gamit ko. Gusto ko ako pa rin hahawak ng mga gamit ko.

"Room 204 ka ba?" sabi ni Titus at itinuro ang pintong nakabukas.

Umiling ako. "Hindi, room 205 ako."

Sabay kaming napatingin sa loob ng Room 204. At kaagad akong napangiwi nang nakita ko kung sino ang nasa loob. Ugh. . . 

Natulala siya sa akin at halatang chini-check out ako. Mukhang hinuhubaran na niya ako sa isipan niya. Mas lalo akong napangiwi nang lumibot ang mga mata niya sa katawan ko. 

"Prick," I murmured.

Wala na nga akong nakitang maganda ngayon, ang bubungad pa sa akin ay bading na natulala sa katawan ko. Fuck. Kapag ganitong sitwasyon, kumukulo agad 'yung dugo ko. Lahat ng inis ko sa nangyari sa akin noon, bumabalik ngayon sa akin. 

'Yung pakiramdam na wala akong nagawa kundi hayaan na lang ang mga nangyari. Fuck!

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

155K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
9.6K 427 115
I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #5 The writer's twisted words of love.