Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

141K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 19

2.5K 54 32
By kemekemelee

Inferiority

Seeing Simon confidently own the red carpet at the music awards, grinning for every camera, made me feel a bit insecure. I’m not sure if it’s cool to be feeling this way. Alam kong hindi naman dapat pero bakit nararamdaman ko ito?

Is it because reality is telling me that Simon’s on a whole different level? Na habang ako naman ay wala talagang maibubuga kung wala ang parents ko? Habang siya, successful na dahil sa sariling pagsusumikap niya.

Ano nga ba ako kung wala ang yaman ng parents ko? Matalino? Hindi rin. Mas bobo pa nga ako sa bobo. Maganda? Siguro iyon lang. May talent sa drawing? But is it enough to make money?

Hindi ko tuloy alam kung anong nakita niya sa akin. Bakit niya kaya ako nagustuhan? Sigurado akong kung hindi naman ako nag-first move hindi niya rin ako mapapansin. I’m not even special. Maganda lang tapos mayaman.

I’ve really changed. Simon took things to a whole new level for me. I never felt insecurities like this before because I was confident I could snag any guy I wanted. But after meeting him, I started questioning myself and even my worth.

“Fan po kayo niyan Ma’am diba?” tanong sa akin ni Manang Ethel habang nilalapag sa harap ko yung pagkain na ni-request ko.

I nodded. Kinuha ko ang remote para lakasan pa ang volume ng TV. Naka-livestream kasi yung awards show kaya pwede kong panoorin. Hindi rin naman ako nakapunta dahil exclusive lang for artists yung event.

“Ang gwapong binata talaga ng mga member! Lalo na ang vocalist. Simon iyon diba?” dagdag pa ni Manang Ethel.

“Opo, daming fans niyan. Gwapo kasi.”

“Ay, naku! Ang apo ko nga. May malaking poster sa kwarto niyan. Jusko at talagang wala pang suot na pang-itaas ang piniling idikit sa pader!” bulalas ni Manang Ethel at bigla pang nag-sign of the cross.

“Santisima! Paano ka makakapagdasal kung gano’n ang nakikita mo palagi?!”

I chuckled. “Inspiration po siguro para mag-aral? Kahit sino naman po gaganahan sa itsurang iyan.”

“Maling inspirasyon iyan. Ang magulang dapat hindi yung abs abs na iyan!” narinig kong bulong bulong pa niya habang naglalakad na pabalik sa kusina.

Humalakhak na lang ako at binalik na ang tingin sa pinapanood ko. Nakaupo na sila sa assigned seats nila. Kumunot naman ang noo ko nang makita kong nagamit ng phone si Simon. Seryoso ba siya?!

Hindi pa nga tuluyang nagsi-sink in sa akin nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Simon Griffin Benitez

Boring award show 😢
Wish I could see you after this

i can see you

Really? Where are you?

livestream
kita kita boi nagcecellphone ka

Is it bad to use phone?

nope pero as a respect
itago mo yan
we’ll talk later

I’m not the only one using phone here.
Felix is talking to his girl. 😒

ay, may gf na si felix?

Uh huh
Secret lang

bakit secret

Breach of contract.

you did not tell me about this.

Oops

???

I’ll explain later.

Mas lalong dumami ang mga tanong ko after ng conversation namin. Kahit nag-perform pa sila Simon ng bagong song nila, hindi ko na rin iyon na-appreciate dahil sa huling sinabi niya.

Artists don’t usually date. Kung meron man ay kadalasan patago lang. Lalo na kung marami talagang fans. May mga immature pa naman na fans na talagang ina-unfollow ang artist kapag nalaman na taken na.

Sa kaso ng Equinox, pati yata mga teenager nasa fandom na rin nila. Kaya hindi na rin ako nagtaka na nasa contract din nila na bawal silang pumasok sa relationship.

Ano bang iniisip ni Simon at niligawan niya ako?! Breach of contract iyon kung sakali!

“And now, taking home the title of Best Album of the Year, let’s give it up for ‘The Dark Side’ by Equinox!” the MC proudly declared.

Pumalakpak naman ako nang makita ko sa screen sila Simon na mukhang gulat na gulat pa sa award nila. I couldn’t help but smile. Malayo nga talaga siya sa akin.

Muling pinakita sa screen ang mga guest at doon ko nakita kung gaano karami ang magagandang babae na nasa showbiz. Lahat sila malaki ang ngiti habang nakatingin sa Equinox na kasalukuyang nasa stage na.

“Wow... can’t believe we snagged this award. Honestly, I’m still out of words...” Simon chuckled, setting off laughter from the crowd too.

Inangat niya naman ang trophy. “Thank you so much! Grabe wala akong masabi kung hindi thank you talaga. It’s so heartwarming to know that this album had an impact on you. With this, we promise to keep creating music you deserve!”

“Hindi namin makakamit ang award na ito kung wala kayo. To our fans, thank you so much for your neverending support!” si Levi naman iyon.

Felix smiled. “Mahal namin kayo!”

“Daya niyo. Inubos niyo na mga sasabihin ko,” si Jagger naman iyon kaya nagtawanan na naman ang lahat.

After the award show, tons of photos got posted online. I even came across some interactions of Simon with girls from the showbiz industry. And no matter how hard I try... insecurity starts kicking in again. I just feel kind of inferior.

May narating na ang mga babaeng nakausap niya. Sikat na nga at may mga kaniya kaniya na ring bahay at negosyo. Habang ako estudyante pa lang. Mas lalo lang akong nanliliit sa sarili ko.

“Pasensya ka na for visiting you at this hour. I really have no choice kasi ikaw lang naman ang may alam ng tungkol sa amin,” I weakly said.

Nathan chuckled. “Hindi lang ako. Buong class yata namin noong senior high ang may alam pero pinili lang nila manahimik kasi malaki ang respeto nila kay Simon.”

“So, what do you think of us?”

“Honest ba ang gusto mo?” tanong niya.

“Of course. I want an unbiased opinion.”

“You look good together. Saka noon ko pa na-feel na magiging kayo talaga. Hello? Hindi naman ako bulag. Halata rin kaya kayo noon,” sagot ni Nathan.

I sighed. Mabuti pa sila ay iyon ang nakikita noon. Samantalang ako, ni wala sa hinagap ko na makita ang future na ito. And for the record, he’s the only one who humbled me kaya naging maliit ang tingin ko sa sarili ko.

Na ang akala kong posible ay imposible pala. Pero ngayon? Mukhang iba yata ang trip ng tadhana sa akin. Kahit ang batang ako ay hindi aasahan ang mga pangyayaring ito.

“I don’t really know what’s up with me. I should be happy, right? I mean I am happy, but not that happy. Do you get it?” I frustratingly asked.

“Hindi ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin ang buong detalye. If you are comfortable telling me the whole story then go, but if not then at least provide a context that I can understand.”

“Nasabi ko na ba sa’yo na ilang taon na kaming nagkikita secretly? I mean for convenience lang. Hangout kapag malungkot siya,” pag-uumpisa ko.

Umiling naman si Nathan at nanatiling tahimik.

“Syempre pumayag ako kasi akala ko I can take advantage of the situation pero it was the other way around pala. Ako pala ang naisahan ni Simon,” humalakhak naman ako.

I can hear Nathan’s tsk. “Ayan bobo ka talaga.”

“But there’s more. Noong nalaman niyang I am entertaining Enoch, gumawa siya ng bagay para hindi ko siya makalimutan and he was successful dahil talagang nawala lahat ng galit ko after that,” pagpapatuloy ko.

“And ano naman yung ginawa niya?” he asked.

“He kissed me...”

Ang kaninang inaantok na mata ni Nathan ay biglang nanlaki. Napatayo pa siya mula sa pagkakahiga niya dahil sa sobrang gulat niya.

“The fuck? And how was it? Masarap ba?”

I frowned. “Ano ka ba? Nakakahiya naman! Pero oo ang lambot ng lips niya!”

Parehas na kami ngayong nakatayo at parang tangang nagtatalunan. But after a few minutes, bigla rin kaming umupo. Siguro narealize namin na mukha na kaming tanga.

“Proceed,” seryosong saad ni Nathan.

“But after that he ghosted me again, tapos ayun nagparamdam na naman siya noong nagkita kami sa bar.”

“Aba ang gago talaga!” bulalas niya.

“I agree. Kaya nga after that, nagdesisyon na ako makipag-cut ties sa kaniya pero dahil dakila kang epal sinet up mo pa ako sa kaniya,” I chuckled.

Ngumuso naman si Nathan. “Ay, sorry. Hindi ko naman kasi alam! He looks so desperate kasi kaya pumayag ako.”

“And then he confessed. He apologized and told me about his past na galing daw siyang abusive relationship kaya may traumas siya and such. Na ginawa niya lang daw iyon dahil takot na siyang maranasan ulit iyon,” pagpapatuloy ko.

“So, anong status niyo ngayon?”

“He’s courting me, but I feel inferior. I don’t know. Napapraning lang yata ako,” umiling-iling pa ako.

“I have two conclusions about this. Huwag ka munang magsalita. It’s your choice kung anong gusto mong i-take na advice,” panimula ni Nathan.

Nanatili naman akong tahimik. Humikab ako dahil ramdam ko na ang antok. Umayos na lang ako ng upo para pakinggan ang sasabihin ng magaling kong pinsan.

“Sorry for the term pero it’s giving me sad boy and manipulative vibes. Oh? Huwag mo akong matahan d’yan, Darlene. Naku sinasabi ko sa’yo! Ang ganitong mga lalaki ang dapat mong iwasan. Paano ko nasabi?”

Natawa naman ako dahil may nilabas pa siyang whiteboard. Idinikit niya iyon sa pader at nagsimula siyang magsulat.

“Ayaw ka niyang mawala kasi may pakinabang ka sa kaniya. But then after he realized na you’re slipping away from him, he had no choice but to commit. May possibility na gumagawa lang siya ng dahilan.”

“I met a lot of guys sa yellow application. And believe me lahat sila kauri nito. Nasaktan nila ako tapos ang sasabihin nila dahil lang daw sa trauma nila,” dugtong niya pa sabay drawing ng logo ng yellow application sa whiteboard.

“Listen, Darlene. This is the type of guy you should avoid. May possibility na gagamitin at gagamitin nila ang traumas daw nila para i-justify ang wrongdoings nila. Sa case niyo ni Simon, ganito rin ang ginawa niya diba? Malaki ka na. Assess the situation.”

I can’t help but agree with Nathan. Kahit anong deny pa ang gawin ko sa sarili ko, talagang may punto naman ang lahat ng sinabi niya. Mula sa ginawa niya sa akin noon na agad kong kinalimutan dahil lang sa sinabi niyang dahilan.

This is stressing me out. Am I seriously doubting Simon?

“And second, may possibility rin na totoo ang lahat ng sinabi ni Simon. As far as I can remember, may girlfriend siya noong grade 11 kami,” natawa naman ako dahil may hawak na ngayon na stick si Nathan.

Mukha tuloy akong estudyante ngayon. Feel na feel pa ni Nathan ang pagtuturo sa board gamit ang stick at marker niya.

“Pero after ng breakup nila, hindi na rin talaga siya nagka-girlfriend. Kaya pwedeng totoo rin na talagang takot na nga siyang pumasok sa relationship ulit.”

“May classmate kami before si Bettina yung nilait mo n—”

Kumunot naman ang noo ko. “Anong nilait? Wala akong nilait!”

“Shut up. Bawal ka nga magsalita diba? Ako muna, okay? Huwag kang sapaw.”

Humalukipkip naman ako at hinayaan na lang ang pinsan ko sa katarantaduhan niya.

“Basta si Bettina. May rumors noon na MU sila ni Simon pero hindi naman pala totoo. Ni-reject pala siya ni Simon at ang sabi sa kaniya, wala raw siyang interes sa relationship.”

“In conclusion, hindi ko rin alam kung anong paniniwalaan ko,” humagalpak naman siya ng tawa.

I glared at him. “Punyeta ka talaga.”

“Still, it’s your choice. Kaya nga may ligawan stage para makilala mo siya. Try to ask questions din tungkol sa past niya. Mahirap din kung wala kang alam kaya much better magtanong ka na lang.”

I was enlightened after that talk with Nathan. Hindi ko maikakaila na talagang malaki ang naitulong ng mga sinabi niya.

Dumaan pa ang ilang mga araw bago ulit kami nagkita ni Simon. Naging busy kasi ako sa org namin tapos si Simon naman may ilan pang mga photoshoot at gigs na kailangang puntahan.

And now I am here inside his condo. Malinis na malinis iyon at mukhang binago na naman ang arrangement. May bago na namang nakasabit na painting. Akala mo art gallery na ang condo niya sa dami ng painting. Idagdag pa yung display niyang vinyl records.

“I like the new arrangement of your vinyl records,” komento ko.

“Yeah, I included your favorite albums here.”

Kumunot naman ang noo ko. “Paano mo nalaman ang favorite albums ko?”

“I checked your listening history. Palagi yata? And iisa lang halos yung artist na pinapakinggan mo.”

“Pero paano mo nalaman ng eksakto yung album mismo?” tanong ko pa.

“Laging nasa story mo,” he smiled.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. I had no idea he paid so much attention! He actually picked up on my music taste and even knew my listening history!

“Let’s try this one,” pinanood ko naman siya na kumuha ng CD.

Hinawakan niya yung record player at naglagay siya doon ng CD. Marunong pala siya niyan? Ilang segundo lang nang makita kong umiikot na iyon habang pumapailanlang ang paborito kong kanta galing sa paborito kong album.

I rocked my head in rhythm with the music playing on the record player. Nangingiti rin dahil sa kanta at lalo na sa titig ni Simon sa akin habang mahina akong kumakanta.

“This is my favorite song,” I smiled at him.

He nodded. “I know."

My eyes widened a bit, and he just laughed at how I reacted.

“About the contract... paano nga pala iyon?” tanong ko nang maalala ko.

“The contract stated that we are not allowed to date while it's in effect,” he whispered.

“How long?”

He sighed. “4 years din iyon.”

“Matagal pa. Nasa two years pa lang kayo,” saad ko.

“And I am starting to hate the contract.”

“You signed it. Pumayag ka,” I pointed out.

He licked his lower lip and glanced at me. “Yeah, I signed it when I figured I could get over you, thinking my feelings would just fade away.”

“Kasi maaga pa naman. Bago pa lang tayong magkakilala at sa tingin ko imposible naman na tatagal ang nararamdaman ko para sa’yo,” bulong pa niya ulit.

“You liked me since then?” gulat kong tanong.

He nodded, placing his index finger against my lips. Lumamlam ang mata niya habang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya.

“And at that time, all I wanted was to chase my dreams, so I didn’t think twice and signed the contract,” he explained.

“Sinubukan kong lumayo pero ang hirap hirap mong layuan...” namamaos niyang sinabi. “Ang hirap mong layuan lalo na kapag nakikita kong may ipapalit ka kaagad sa akin.”

I couldn’t breathe properly with what he was saying. This is exactly what I need, right? His perspective on all those years I spent questioning his actions toward me!

“But every time I try to get near you, I’m reminded of the traumas I had from my past relationship and the contract as well.”

“Kaya lumayo na naman ako. Malayo na malayo pero pagbalik ko tangina may lalaki ka na,” halos pagalit niyang binulong iyon sa tainga ko.

He kissed the back of my ear. “So I did the most selfish thing I could do—to remind you that I should be the only man you like.”

“Fuck the traumas. I wanted to give it another shot kaso may kontrata...” he hissed.

“Ilang taon na lang naman,” nanghihina kong bulong.

“I cannot wait that long. Ubos na ang pasensya ko,” sagot niya.

“Anong gusto mong gawin? Breach of contract iyan! Hindi ako papayag.”

He sighed. “I was ready to break the contract for you. I can cover the damages.”

“That is so unprofessional.”

Lumayo siya nang bahagya sa akin. Seryoso pa rin ang tingin sa akin. Napalunok naman ako dahil ang gwapo niya tingnan ngayon. Nakasuot siya ng compression shirt at gray na sweatpants.

“So, let’s continue to keep this a secret,” I concluded.

“Fuck,” he hissed.

I chuckled. “Only until the contract ended.”

“Fine,” he rolled his eyes. “If this is what you want, then I'll settle for it.”

Humalakhak na lang ako at tinulak siya. Pumunta na rin ako sa kitchen. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin. Hinarap ko siya at nakita ko ang pagtataka sa itsura niya.

“What are you planning to do?” he asked.

I looked around the kitchen. Binuksan ko rin ang fridge niya at nakita kong kumpleto rin siya sa ingredients.

“Cook? Pagod na ako sa processed foods.”

“Then, what do you want to cook?”

“Adobo lang,” I chuckled.

He nodded. Tinulungan niya na rin ako na i-prepare yung baboy na gagamitin ko. Salitan kami sa paghihiwa ng patatas at paghahati ng baboy. Para tuloy kaming mag-asawa sa ginagawa namin ngayon.

Nang magsimula na akong magluto, nanatili lang siya sa tabi ko at pinapanood ako.

“Marunong ka magluto?” tanong niya.

“Slight, pero mas marunong ako sa baking. When it comes to cooking, just the basics lang. Adobo, fried chicken, tapos sinigang.”

He nodded. “Ang dami mo palang alam.”

“Akala mo lang iyon! Babagsakin nga ako sa program namin!” humalakhak ako.

“Babagsakin? Why?”

“Hindi ko alam kung dahil sa Biology ang program ko pero kung nasa Fine Arts ako? Baka bobo pa rin ako,” sagot ko.

“Don’t say that. Hindi ka naman gano’n,” he firmly said.

Natahimik ako. Nanatili ang tingin ko sa niluluto ko. Habang si Simon naman ay nasa tabi ko pa rin at mukhang wala siyang balak na lubayan ako.

“Hindi na natalab sa akin yung ganiyan na comfort. Kahit anong sabihin niyo, bobo na talaga tingin ko sa sarili ko.”

“I’ll kiss you every time you call yourself that,” he said angrily.

I rolled my eyes. “Bobo ako. Bobo! Bobo! B—”

I lost my grip on the spoon and pot holder as he unexpectedly took hold of my waist. Before I knew it, I felt Simon’s lips against mine. He showered me with hungry kisses—like a starving lion going after its prey. He nibbled on my lower lip, making me gasp a moan.

My eyes were wide open I could catch Simon’s furrowed brows. He looked pretty angry, still going after my lips, trying to get me to open up and let his tongue in.

Halos habulin ko ang hininga ko nang lumayo siya sa akin. Namumula pa rin ang labi niya habang matalim ang tingin sa akin. Siya pa ang galit eh siya na nga itong nanghalik?! Ako dapat ang galit dito!

“Ang dami mong terms. Ako ang magdedesisyon kung anong gusto kong itawag sa sarili ko at hindi ako papayag sa gusto mo!” I angrily said.

“Go on. Try me, Darlene.”

Napalunok ako. “Bo—”

Sumama na naman ang tingin niya sa akin.

“Boboka ang bulaklak, papasok ang reyna. Sasayaw ng cha-cha. Ang saya saya!” I nervously laughed.

Ang hirap naman kasama ng isang ito! Ang hilig manghalik. Syempre gusto ko rin naman pero pagsabihan niya naman ako!

“If only you could see yourself the way I do. You’d never think of yourself that way,” he whispered softly, tucking a few strands of my hair behind my ear.

Huminga ako nang malalim. “Sana nga.”

I really wish this nagging feeling of inferiority would just fade away. It’s been growing over time, like a sneaky virus. It’s taking its toll on me, bit by bit, and honestly, I’m scared that there’s no remedy for this feeling that just keeps gnawing at me.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 47 4
WARNING: MATURE CONTENT || R18 || ON-GOING A virgin man and a liberated woman. Date Started: Date Ended:
305K 5K 43
"Matandang Mayamang Maagang Mamamatay." That's what the retired Lieutenant and multi-billionaire Frederick San Lorenzo is known for. Despite his weal...
801K 16.9K 48
The Prestige Series 2 Alliana had everything in life. For her, career and passion should always be her utmost priority. Not until Abes, came in the p...
5.1K 1.4K 44
She woke up from the deep but uncomfortable sleep. The moment everybody's been waiting for, As the brilliant sun flashes through her gentle face. Her...