Chapter 38.5: Revelations Part 2
Cheska's POV
Ganun pala talaga kapag mahal mo ang isang tao kahit gaano kasakit hangga't kaya pa ng puso mo kakayanin mong tiisin ang lahat.
Umalis ako kaagad sa birthday ni Timothy nagpahatid sa driver. Sa sobrang lakas ng tugtog sa loob di mo maririnig na ang lakas na pala ng buhos ng ulan dito sa labas. Sobra sobra ang iniiyak ko ngayon hindi ko masagot ang tawag nina Cheene at Kimmy.
Papalabas na kami ng parking area nang may humarang sa gitna. Nababasa na siya ng ulan. Gustong gusto niya yatang magkasakit.
Pinaalis ko muna si Manong Driver sinabi ko sasabay nalang ako kay na Cheene dahil baka marinig niya ang magiging usapan namin ni Timothy. Nilabas ko siya at isinukob ko sa dala dala kong payong.
Hinabol parin pala niya ako hanggang dito.
Gusto kong ipaglaban kung ano man ang meron sa amin dati kaso di ko alam kung paano ko sisimulan. Kung paano ko sasabihin sa kanya at kung mahal pa niya ako.
Nag-assume ako na siya ang nagbibigay sa akin ng mga sulat at libro kaya ganito kasakit. Masyado akong umasa sa kanya. Ang tagal na ng panahon ang lumipas di ko pa rin mabitawan lahat ng meron sa amin. Dahil siguro hindi ko pa kayang mag-move on or some part of him I know kahit papano mahal pa rin niya ako. Kahit konti lang pakiramdam ko meron pa din.
''Anong ginagawa mo basang-basa ka na baka hinahanap ka na sa loob.'' sigaw ko sa kanya dahil baka hindi niya marinig ang lakas ng ulan.
''Listen to me Ches.''
''Timothy kailangan ka na sa loob.'' pagpipilit ko sa kanya ayaw ko muna kasi talagang marinig ang sasabihin niya. Gusto ko muna makapag isip isip.
''Just listen to me first.'' ang kulit niya -________-
''Ayoko Timo--'' bigla niya kasi akong niyakap dahilan para mabitawan yung hawak hawak kong payong.
Nabasa na rin ako ng ulan inalis ko ang sarili ko sa pagkakayakap niya at iniharap siya.
''Timothy. Ano bang ginagawa mo?'' inis kong sabi
''Sumama ka sa akin.'' sabay higit niya sa akin at isinakay sa kotse niya
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Dinala niya ako sa bahay nila. Pesteng yan basang basa din ako...
bago ako makiligo sa kanila, may ibinigay siya sa akin na damit at kasyang kasya eto sa akin. Nagtataka ako dahil wala namang kapatid si Timothy.
''That's my mom's clothes. Just sit there maliligo lang ako Ches. Kung gusto mong kumain pwede kang bumaba sanay ka naman dito sa bahay'' so anong pinalalabas mo ngayon? Kailangan ipamukha saken na palagi akong naririto dati? Actually, patago lang yung mga panahong 'yon graduation ng highschool nalaman kong mag pinsan pala kami. We're both surprised of course, dahil immature pa kami noon napagdesisyunan namin pareho na itigil kung ano man ang namamagitan sa amin. At dahil na rin sa hindi namin alam kung anong gagawin kung saka-sakaling malalaman ng pamilya namin.
I stared at his room for awhile. I stood up and came near his shelf, having a quick glances on his arranged books. Then I noticed something...
There's this certain book missing and then I realized it was the book I borrowed to him. I haven't given it back yet though I'm done reading the pages. Not because I forget to bring it back, it's just that I don't want to. It's the only thing I have...only thing I have so that I can still come near to him with no other reasons of being ''forbidden''.
Accidentally, I bumped into his study table stacks of boxes fell into the floor. I gathered them up quickly but a small box caught my attention containing too many photos of mine.
Kinuha ko ang isang piraso ng litrato ko na nakaposturang tulog sa student council room. I read a note at the back saying...
''"Sleep my little baby-oh
Sleep until you waken
When you wake you'll see the world
If I'm not mistaken...
Kiss a lover
Dance a measure,
Find your name
And buried treasure...
Face your life
Its pain,
Its pleasure,
Leave no path untaken."
―Neil Gaiman, The Graveyard Book 08.26
08.26? August 26? As far as I remembered nung araw din na 'yon nakatanggap ako ng librong ''Graveyard Book'' mula kay Kent.
As I get another one, yung picture ko naman na nakanganga dahil sa kakatawa
"You had to know a person well to make them laugh like that."
― Cassandra Clare, Clockwork Prince09.09
September 9. Araw na natanggap ko yung book na Clockwork Prince at naalala ko may play kaming ginagawa non at nauwi sa katatawanan. Lahat ng nakita kong picture related sila sa araw na binibigyan ako ni Kent ng libro.
Narinig kong nagbukas ang pinto ng C.R niya kaya akaagad kong ibinalik lahat sa box at iniayos ang lagay. Dali dali naman akong kumuha ng libro at kunwaring nagbabasa. Nakakapagtaka naman siya ba ang nagpipicture sakin? At yung penmaship katulad nung sa mga sulat na natatanggap ko dati.
Bawat isang linggo nakakatapos ako ng libro kaya naman bawat linggo laging may nag-iiwan ng bagong libro sa lamesa ko. At nalaman ko pang si kent pala 'yun.
Nagtataka siya tumingin sa akin dahil kinabahan talaga ako sa ginawa kong pangingielam sa gamit niya kaya naman, nagsalita ako na bababa muna at iinom ng tubig.
Ganun pa rin ang itsura ng bahay nila walang pagbabago nag diretso ako sa kitchen para uminom ng tubig nang marinig kong dumating na sina Tito at Tita mula sa birthday ni Timmy at tawag ng tawag si Tito sa anak niya.
''Timothy! Where are you?'' galit nitong sabi
Jusko! Pag nalaman nilang nasa bahay nila ako baka magtaka sila at kwestyunin na naman ako kaya nagtago ako sa cabinet nila na lalagyanan ng mga walis, tambo etc. Sakto naman ang oagdating ni Tita at kumuha ng bote ng alak. Kabang kaba ako dahil naiwan ko yung baso ko sa lamesa at sa kasamaang palad lumanit ang lipstick ko dito. Kinuha ito ni Tita at mariing tinitigan mabuti na lang ay dumating si Timothy kasunod si Tito na inis na inis sa kanya dahil umalis siya ng walang paalam at iniwan ang fiancee niya.
Speaking of fiancee -_________________________-
Bilisan mo Timothy claustrophobic ako ayoko ng na-e-enclose sa ganito kaliit na space. Naghahabol na ako ng hininga, maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng cabinet at agad niya akong niyakap.
''Are you okay?'' pag-aalala niyang tanong sa akin, niyakap ko nalang din siya pabalik dahil sa sobrang tagal nilang nag-usap sa kusina akala ko mamatay na ako.
Para kaming nag-h-hide and seek nina Tito at Tita nasa kwarto na sila at nagbibihis kaya safe niya akong nadala ulit sa kwarto niya. Bumaba ulit si Timmy para ikuha ako ng tubig.
Dahil curious ang lola mo nagkalkal pa ako ng mga gamit niya at doon napatunayan ko ang lahat. Lahat ng kasagutan sa isipan ko kanina pa...
Kinuha ko ang regalong libro na ibinigay ko sa kanya noon at ibinaling ang tingin sa pinakadulong pahina...
Our love is like a poetry
That even though time had passed away
It's still alive, with it's raging beauty
If our love is just a mere frivolity
Then why does our hearts tears away distance
Finding its way back to where it should be.
~Timothy Chase Conner
I love you every minute of everyday...C.C
Ang mga bawat linya ng tulang ito....
Lahat ng linyang ito ay tungkol sa amin dalawa...
Bago lumipas ang tatlong linggo ang huling natanggap kong libro ay ganitong ganito ang pagkakasulat sa huling pahina yun at yun din ang nakasulat.
Kung pagdudugsungin mo ang pangyayari parang si Timothy talaga ang nagbibigay sa akin ng mga libro. Ang penmanship niya, yung mga litrato at yung mga saktong araw na nakakatanggap ako ng libro.
''Ches. Eto na yung tubig mo.'' -Timothy
''May problema ba? Ches?'' tanong niya sa akin
Mula sa pagkakayuko ay humarap ako sa kanya at patuloy umaagos ang luha sa mga pisngi ko.
Iniharap ko sa kanya ang librong hawak hawak ko at mukhang naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.
''Ikaw ang nagbibigay sa akin Timothy?'' hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lamang sa akin ng seryoso
''Hindi pwede. Nakita ko si Kent siya ang nagbibigay sakin neto.'' untag ko sa kanya
''Guess we're two of us having interest into a bookworm like you. But to tell you the truth Ches I never stopped giving you books and letters.''-Timothy
''Pero lumipas ang tatlong linggo Timothy anong sinasabi mong hindi ka tumigil.'' inis kong sabi
''Ches I stopped dahil plano ko nang sabihin sa'yo ang lahat pero hindi ako makakuha ng tyempo. Napag isip isip kong sasabihin ko sa'yo dapat ngayon pero lagi mo nalang akong pinangungunahan na bawal tayo! Hindi tayo pwede!''
''Timothy may fiancee ka na. Bakit mo pa 'to ginagawa?''
''Tingnan mo na Francheska ayan ka na naman pinangungunahan mo na naman ng mga negative thoughts mo ang mangyayari.'' inis naman niyang sabi
''Di pa pwedeng isipin mo naman yung ikaliligaya mo huwag yung iisipin mo yung magiging reaksyon ng iba. Ano naman kung may fiancee ako? KAPAG SINABI KONG MAHAL KITA! MAHAL KITA! KAPAG IKAW IKAW LANG WALA NA AKONG PAKIELAM SA IBA. Naiintindihan mo ba?'' sabay lapit niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit
Grabe! Parang gusto kong ipaulit ulit sa kanya ung mga sinabi niya. Siya lang talaga ang nakakapagpatikom ng bibig ko.
''So answer me, them? Who always dictates everything you do then judge you afterwards or me? Who always stayed beside you no matter who you are or no matter what you do, you're still pleasing to my eyes? There are only two choices Ches.''
Omygod. Kinikilig ako ang bango niya. Hindi ako makasagot hindi dahil sa hindi ako makapili kundi dahil grabe yung ngiti ko kaya lang di niya nakikita kasi nakayakap siya sa akin. Alam naman niya kapag nanahimik ako.
''Silence means...it's me.''