Trouble With The Heir ✓

By talksofpat

9.4K 436 194

[ COMPLETED ] Penelope Veena M. Clemonte is frustrated after she got fired from her previous job. She badly... More

Author's Note
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 20

133 6 0
By talksofpat


Kabanata 20 - WEDDING

“Saan ka pupunta? Is today the wedding of your friend?” Narinig kong tanong niya habang nagsasalamin ako sa sala ng bahay. 

This man almost does not have strength to leave me alone. He's always following me like a dog. Kahit nandito iyong babae niyang kinakasama palagi niya pa rin akong sinusundan. 

Hindi ko nga alam kung bakit hindi nagrereklamo iyong Callian sa ginagawa ni Claudius sa akin. She must be jealous right? Dahil may sila!  Claudius is so confusing.

“Oo, bakit?” 

“Can I come?” he suddenly replied the most unexpected question. 

Kumunot ang noo ko sa kanya at tinignan siya, tumigil ako sa pagpupulbo. 

“Seryoso ka ba?” 

His brows furrowed a bit. “Yes, when did I become unserious? I want to come.” 

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. I cleared my throat and continued fixing my face with a powder. 

“Paano siya? Iiwan mo na lang?” I asked him my brow shot up. 

“She can handle herself here..she doesn't need me.” 

“Paano ka nakakasiguro? He's your responsibility since you know her. You should accompany her, not me.” Diretso kong sinabi.

“She’s my responsibility..yes, but you're the one I want to accompany, Penelope..” Marahan niyang sinabi, hindi ako nagsalita hanggang sa narinig ko ang boses ni Papa sa labas ng bahay. 

“Penelope, anak! Nandito na si Totoy!” he shouted from outside. 

Dali-dali kong inilagay ang pulbo sa bag ko at tumalikod na sa salamin. 

“Who’s Totoy?” He frowned upon hearing a guy's nickname. 

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa labas. Nakita ko ang lalaking naka-buzz cut na nakasakay sa MIO na green. 

He smiled at me. 

I gave him a smile too before I went near him. “Hello, ikaw ba si Totoy?” 

“Oo ako ’yun, pinadala ni Ate Padyang, ikaw ba si Penelope?” 

“Oo, ako ‘yun.” 

“Saan si Ate Ericka?” He asked. 

“Hahabol na lang daw siya mamaya, bumabayahe pa siya ngayon. Binigyan ko naman siya ng location kung saan ang reception.” I informed. 

“Ay gano'n ba. Sumakay ka na. Pasensya na kung MIO lang itong dala ko ngayon. Hiniram kasi ni Papa iyong tricycle.” sabi niya habang papalapit ako sa motor. “Sinundo niya rin kasi iyong kamag-anak namin.” he informed. I settled myself in his MIO before answering. 

“No, problem. Sanay naman ako dito sa MIO.” I smiled at the side mirror of his motor. 

Nakita ko ang maliit niyang ngiti sa sagot ko. Papaandarin na niya sana ang motor ng biglang narinig ko ulit ang boses ni Papa sa loob. 

“Anak! Sasama daw si Max!” sabi niya na ikinatigil ko. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa bahay at nakita ko ang naka-mask na si  Max na nagpapalit ng damit habang naglalakad papunta sa amin, kitang kita ang katawan nito. 

Napalunok ako. 

“Sino ‘yan?” I heard Totoy's confusion.

“Ah…ano..” Utal kong sinabi ng tuluyan ng lumapit sa amin si Max at nagsalita. 

“I’m coming. Saan ako uupo?” He said breathly. 

“Si Max ’yan! Oo yung kasama ko sa bahay. Sinabi rin kasi ni Ate mo na iimbitahan ko siya.” Walang preno kong sinabi at naramdaman kong uminit ang aking pisngi sa kahihiyan. Gusto ko na lang magpalamon ng lupa!

“Ah, Tama pala. May sinabi rin pala sa akin si Ate kanina..sana talaga tricycle na lang iyong dinala ko.” 

“It’s okay. Kung hindi mo kaya, might as well let me drive.” Claudius said dominantly. I almost really want the soil to bury me down alive! 

Claudius! Anong kahihiyan na naman ‘yan! 

“Ah, hindi na, Kuya ako na lang—” 

“Ako na..” 

“Hindi, sinabi kasi ni Ate na—” 

“Don’t worry. I know how to drive well.” I heard Claudius say it persuasively with a sense of dismissal. 

Napalunok na lang ako. “Max..” 

“Kuya nakakahiya naman po sa inyo..” Narinig ko ang pag-aalinlangan ni Totoy at halos gusto ko na lamang pukpukin sa ulo si Claudius sa pinangagawa niya. 

“No need. Ako na. How many kilometers did you drive just to get here?” He suddenly asked. 

Nakita ko ang pagkatigil ni Totoy kaya halos napabuga ako ng hininga ko.

“Ah—mga nasa lim—” Natigil ang pagsagot ni Totoy sa tanong ni Claudius nang bigla akong umalis sa pagkaka-angkas. 

Lumapit ako kay Max at pinisil ang balat sa kanyang gilid. 

“Ouch..” He groaned. “Penelope..”

Lumapit ako kay Totoy at sinenyasan siyang umalis sa MIO. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Confusion was very palpable. 

I smiled a bit. “Ako na ang magdadrive..” 

Hinawakan ko ang motor at maya maya'y nagtataka at gulat na umalis si Totoy sa MIO.

“Ate…” 

“Ako na..kaya ko na.” saad ko at nang nakapwesto na ako ng maayos sa motor ay nagsalita ulit ako. “Sumakay na kayo, lalo ka na Max. Dalian mo.” 

Narinig ko ang boses ni Totoy. “Ako ang mauuna..” 

“Hindi. Ako. Ako ang muuna.” saad ni Claudius sa mariin na boses at biglang umangkas sa likod ko. Kaagad naman aking napakapit sa handle ng MIO. 

I blow a breath. Ang bigat naman nito. 

Maya maya pa ay umangkas na rin si Totoy. 

“Okay na ba kayo diyan?” 

“Yes, Penny..”

“Opo, ate.” 

I rolled my eyes when I heard Claudius' voice. Maya maya pa ay pinaharurot ko ang MIO papunta sa reception ng kasal. 

“Hindi ka ba nabibigatan?” I heard Claudius's voice behind me. His hand is resting on my side. “Do you want me to substitute you?” 

Kumunot ang noo ko at nagsalita ng hindi siya tinitignan. “Mabigat kayo. Lalo na ikaw, ano ba ang kinakain mo ng nakaraang araw at sobrang bigat mo.” 

He chuckled a bit. “You’re feeding me so many vegetables those days..that's why.” 

Hindi ako nagsalita dahil napagtanto ko na totoo rin naman ang kanyang sinasabi. I've been cooking so many vegetables lately. Nilulubos ko na ang pagluluto ng maraming gulay dahil libre lang ito sa probinsya, kung sa syudad kasi ang mahal ng mga gulay.

“Totoy, okay ka lang ba diyan?” Malakas kong sinabi para marinig ng nasa likod ni Max. 

“Opo, ate..ikaw po diyan? Kaya pa ba? Baka gusto mo po na ako ang mag-dadrive baka nabibigatan ka..”

“Hindi, Kaya ‘to. Tinatanong kita dahil ang tahimik mo diyan.” saad ko at naramdaman ko ang paglapit ni Max sa tenga ko. 

“He should be quiet, because he might distract you..” he answered. 

I snorted. Akala mo naman hindi siya nakakadisturbo. 

“Ikaw ba? Hindi ka ba nakakadisturbo? Kanina ka pa salita nang salita diyan.” 

“Am I a distraction?” 

“Hindi ba?” 

“I’m not.” 

“Oh, why? Bakit naman? Justify it.” 

“I’m just talking to you so you won't be bored!” 

“I’m not bored! Don't you see I'm driving?” Bahagyang malakas ang aking boses ng sinabi iyon. 

Naramdaman ko siyang tumahimik. 

He suddenly whispered in my ear. 

“Sorry…I'll be quiet, Penny. Don't be mad at me please?” He pleaded. 

Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi ng narinig kong nagsalita si Totoy sa likod niya. 

“Liko riyan sa may gold na gate!” He informed me. 

I nodded before I maneuvered the handle of the motor to the said direction. Nakita ko ang guard na kakalabas sa guard house sa gilid ng gate. His brows were slightly furrowed when he saw us, especially the two behind me. 

I smiled at the guard. 

“Guard! Pasok na kami!” Totoy said cheerily. 

“Oh okay! Pasok lang! Nandiyan na rin ‘yung Tatay mo! Sabi susunduin mo pa daw iyong anak ng kumpare niya!” Mabilis na sinabi ng guard. 

“Okay, guard, noted.” Sigaw ni Totoy nang nadaanan na namin ang guard. 

The environment looks like a garden of fairies. Maraming fairy lights at mga formed bushes sa gilid, maraming mga puno sa paligid. May nakita rin akong fountain na may mga angels. The place was dominated by nature! 

“Doon sa may pavilion lang, Ate..” Narinig kong sinabi ni Totoy. Kaagad naman akong sumunod at nag-drive papunta sa may Pavillion kung nasaan ay nakita ko ang ilang hindi pamilyar na mga itsura. Siguro mga relatives ito ni Ate Padyang. 

Nakakakunot rin ang mga noo nila habang nakaupo sa Pavillion. Inaayusan ang sarili. Naka-make up na sila't damit at parang masisira iyon sa kunot-noo nilang tingin sa amin. 

Naramdaman ko ang init sa aking pisngi. I pressed my lips together.  

“This is the wedding, right?” Claudius asked. 

I nodded slightly. 

Tumigil kami sa harapan ng fountain. At naramdaman ko kaagad na umalis sa pagkaka-angkas si Totoy at kasunod naman no'n si Claudius. 

“Totoy! Sino ’yan? Bakit siya ang pina-drive mo!” Matandang babae ang nagtanong. Siguro ito ang Nanay nila. Nakasuot na kasi ito ng dress at nakamake-up na. 

Nakita ko ang pagkalot ni Totoy sa batok niya. “Si Ate Penelope po..'yung kaibigan ni Ate Padyang..” 

Umalis ako sa pagkakasakay at lumapit sa kanila. Naramdaman ko rin na sumunod si Claudius sa akin. 

“Hello po..Penelope Veena po,” 

Pagpakilala ko at inilahad ang kamay para mag-mano. Ibinigay iyon ng ginang sa akin habang tinitignan ako ng mabuti na parang hinahalungkat ako sa kanyang memorya. 

Nang bahagyang maitas ko ang kamay ay naramdaman ko ang konting sakit roon. 

Jusko, nangalay yata ako! 

“Ah, Penelope! Iyong kalaro ng anak kong si Padyang noon! Kumusta pala si Papa mo?” She suddenly asked, smiling. 

I smiled. “Okay lang po siya, nagtratrabaho po siya ngayon sa sakahan ni Auntie Mildred.” 

“Ay gano'n ba..” Her eyes suddenly shifted to the man beside me. Her eyes have its curiosity in it. “And this is? Bakit asul ang mga mata mo? Boyfriend mo ba, hija?” 

Kumunot ang noo ko. “Hindi po—” 

“I'm her boyfriend, Ma'am. Mano po..” He answered instead of me. Nagmano siya sa ginang na may tuwa na sa mga mata. 

“Aba’t! Mukhang kayo ang susunod na ikakasal!” She suddenly exclaimed. 

Nag-aalinlangan akong napangiti. “Hindi naman, auntie..” I said, chuckling fakely. Before I side eye glare Claudius who glanced at me when he noticed my sharp gaze. 

Ibinalik ko ang tingin sa kay Auntie nang nagsalita siya. “Ang ganda ng mga mata ng nobyo mo! Parang mga mata rin ng asawa ni Padyang!” she laughed. “O siya Nasa loob si Padyang! Naroon kasi ang make-up artist niya! Mini-make upan na siya. Papasok muna ako roon kung may space pa, pati kasi mga pinsan niya naroon para sa make up.” 

I smiled and nodded. “Okay po, maghihintay lang po kami dito.” 

She nodded too, smiling and then her eyes shifted to Claudius before she left to check her daughter. 

Nang pumasok na siya sa hindi kalayuan na pintuan ay hinarap ko si Claudius. Kung saan ang mga mata'y bumagsak sa mga kamay ko. 

“Claudius…ano na naman iyong pinagsasabi mo kay Auntie? Alam mo bang—” Napatigil ako sa pagsasalita nang iniangat niya ang aking kamay at minasahe iyon. 

“Anong ginagawa mo?” I asked, following his fingers tracing my arms.

“You’ve been driving for almost 30 minutes. I know your hands are nangangalay. I want to massage it, it needs a massage.” 

Napanguso ako ng kaunti. “Normal lang ito sa pag-dadrive.” 

“Well, for me it's not. I will not let you drive again under my supervision. Ako na ang mag-dadrive sa susunod. Don't insist.” He suddenly commanded with dismissal.

Ngumuso ako at tinignan siya ng masama na tingin. “Kasalanan mo rin naman! You've been so kulit to Totoy! Nakakahiya kaya iyon, Max..” 

“Okay..I won't do it again. Bibili rin ako ng motor sa susunod.” 

Napanguso na lang ako sa kanyang sinabi. 

His message was gentle with force. Hindi masyadong masakit at hindi rin masyadong mahina. Katam-taman lang. 

My mouth slightly went open when his fingers spotted the fault. “Yan diyan, masakit.” I said when he's massaging near my knee. 

“Penelope! Pwede ka ng pumasok!” Narinig ko ang boses ng ginang. 

Napatingin ako sa direksyon niya na kalalabas lang ng pintuan. Kasama ang isang batang babae. 

“Okay po..” 

“Pwedeng doon muna iyang nobyo mo sa buffet! At mauna na siyang kumain!” She suggested. 

I nodded at her, smiling before my eyes shifted to Claudius, who's busy massaging my left arm. 

“Max, aayusan muna nila ako. Doon ka na lang muna sa buffet. Maraming pagkain roon. Mga manok, baka nagsawa ka na sa mga gulay. ” saad ko. 

“Hindi ako magsasawa sa mga luto mong gulay…I think it's more delicious than all the delicacies I've ever tasted.” 

Kumunot ang noo ko sa kanya at dahan-dahan na binawi ang kamay. “Pag-sure, Max. Hindi ako ganyan kagaling!” 

“But I'm more used to your cooking now than anyone else..” 

Umiling na lamang ako sa kanya kahit nasarapan ang aking puso sa kanyang sinabi. “Oh, sige na. Pumunta ka na roon sa buffet! Mag-aayos muna ako.” 

“I’ll wait for you to enter the door.” 

“Seryoso ka ba, Max? Hindi naman ako mamatay sa pagpasok lang ng pinto.” 

“No, I want to..” 

I blew a breath. “Okay, you're so stubborn. O sige mauuna na ako. Bye, kita tayo later!” Bago pa ako makaalis sa harapan niya ay naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking palapulsuhan. Nararamdaman ko kaagad ang malambot niyang labi sa pisngi ko, naibaba na ang mask na suot niya.

He left a soft kiss sound. “Alright..see you later, love.”

I heard a click of a camera and I saw a cameraman smiling at us. “Ganda naman! Pwede isa pa.” he joked. 

Namula ako at umiling. “Sorry..” 

“Sorry, maybe later. My girlfriend needs to dress up.” sagot pa ni Max sa biro habang binabalik ang mask na suot. 

I gave Claudius a death glare. “Mamaya ka sakin, Max.” I whispered threatening him, before I walked away from him to enter the bride's room. 

My heart's inevitable beating caused me to almost run out of breath. Halos ilang metro ang tinakbo mo sa lakas ng kabog ng puso ko. 

Jusko! Ano itong nangyayari sa akin! Kasalanan mo ito, Max!

“Okay na po ba ate?” Marahan kong tanong habang na sa harapan ng variety mirror. At the moment minimake-upan kami ng mga sosyal na make-up artist ni Ate Padyang. 

Nasa gilid ko si Ate Erika na sobrang relax na relax sa mga ginagawa sa kanya. Hindi matagal nang nakapasok ako sa Bride's room ang pagdating ni Ate Ericka. Halos mahulog na nga ang mga mata ni Ate kanina dahil umagang umaga bumiyahe para pumunta sa probinsya

“Ayos na po, Ma'am..ang ganda niyo po!” The make up artist praised me. 

I blinked my eyes and looked at myself at the mirror.  Naka-fancy bun ang buhok ko, nahuhulog ang kulot na takas kong buhok sa noo ko. May mga maliliit rin na mga flowers sa buhok ko, parang diwata talaga.  Nilagyan din ng mascara ang pilikmata ko. Lalagyan sana nila ng fake lashes ngunit sabi ng make-up artist ay mahaba na rin naman ng pilikmata ko, hindi na kailangan lagyan pa.  

“S-Salamat..” I smiled tightly.

Ang motif kasi ng kasal ay parang garden ng mga bulaklak, may maliit na flower farm kasi na business ang asawa ni Ate Padyang kaya gano'n ang motif.

“Hala ma'am! Mukha ka ng diwata!” Giit ng isa pang make-up artist habang nakangiting pinagmamasdan ako.

Napalunok ako at tinignan ulit ang sarili sa salamin. Nakita ko nga kung bakit siya namangha sa kanyang ginawa. My lips were covered with Chic Plum Burgundy Lipstick. My nose was more defined because of the contour. I won't ever forget how they did my brows. They curved it respectfully and beautifully.

I was wearing a white V neck Bridesmaid Dress Chiffon Ruffle Sleeve with a side not long slit on my right leg.

Umiling lang ako habang natatawa.

“Meron ka na po bang nobyo?” Biglang tanong ng Make-up artist. 

Umiling kaagad ako. “Wala—”

“Meron! Ang gwapo nga eh!” Sulpot ni Ate Ericka. Nanlalaki ang mga mata ko sa kanya. Bago ko siya sinamaan ng tingin ng makitang natatawa siya.

Pagkatapos ng make-up ay inatasan kami na sumakay sa isang kotse papunta sa simbahan. Nasa kabilang kotse si Ate Padyang at nasa iisang kotse naman ang mga bridesmaids. 

Nang nakarating ay pinagbuksan kami ng driver at kaagad ay bumaba kami. 

Napaawang ang aking labi ng mapagmasdan ang maraming tao na papasok sa simbahan. 

“Penelope, nasaan si Max? Kasama mo siya diba?” 

“Oo…hindi ko siya ma-contact ngayon. Wala siyang cellphone.” saad ko ngunit pinalaro ang mga tingin sa paligid para hagilipin si Claudius.

Saan kaya iyon sumakay kanina? Simula noong pumasok na ako sa Bride's Room ay hindi ko na siya nakita o nasulyapan man lang. 

Umuwi na ba siya? 

Sa katanungan na iyon ay naalala kong naroon pala sa bahay iyong kilala niyang babae. Iyong nobya niyang babae. Baka siguro umuwi na iyon, napagtanto siya siguro na mas importante iyon kaysa sa pagsama sa akin dito. Sino naman kasi pumilit sa kanya na sumama sa akin! 

“Line up!” Narinig ko ang boses ng instructor. 

Sinabi ni Ate Padyang sa akin kanina na sa likod daw ako ni Ate Ericka. Ako raw ang pinakahuling bridesmaids. I was holding the small bouquet of white roses tightly in my hand as I pressed my lips. 

Naramdaman ko ang papatubong inis sa loob ko nang hindi ko talaga masilayan si Max kahit man lang sa loob ng simbahan. 

I was thinking that he's coming home to her now and plans to leave me! Because he may realize that he wasted his precious time on me and that he should spend it on her. I gritted my teeth and breathed heavily. 

Alright, alright. Tama na. Ano naman kung aalis siya? Edi go! Aalis siya! Hindi ko naman siya pipigilan. Dahil noon naman ay sinasabihan ko siyang bumalik siya sa kanyang kinaroroonan para maharap niya ng mabuti ang kanyang problema. 

Tama naman na aalis siya…

I saw Ate Ericka's arms sneaking into her partner. At sa harapan nila ang naglalakad na mga bridemaids papasok sa simbahan. Bahagyang kumunot ang noo ko ng wala akong makitang kasama. 

“Hoy, kulang. Nasaan ang partner mo hija?” Tanong ng instructor. 

Umiling ako. “Hindi ko po alam..baka po na late..” 

His face crumpled. “Alam mo ba kung sino ang partner mo?” 

Umiling ako. “Wala po akong ideya..” 

Napatampal siya sa kanyang mukha ng may napagtanto. “Ay tama! Nag-back out pala iyong si Jose!” 

Nanlalaki ang mga mata ko. Ibig sabihin no'n ay wala akong partner?!

“Po?!” 

“Oo, hija. Pero—”

“I’m here, where's my bride?” I heard a familiar voice behind me. Napatigil ang mundo ko nang makita ko siya. 

Oh my gosh..

He was wearing a color black suit with a white long-sleeve polo inside and a black colored slack under. His hair is slick back with some of his escaped hair going down on his temple and forehead. May bulaklak rin siya sa gilid ng suit niya. 

Napanganga ako sa nakita. 

“Alright! Solve na! Perfect! You two look beautiful! Let's go!” Masayang sinabi ng instructor na may malaking ngiti sa labi. 

“Claudius..” The word I can only whisper at the moment. 

He gave me one of his gentle precious smiles that I can fully see now, with this outfit and without his freaking mask.

“You’re not wearing a mask..” I trailed off. 

“I don't want to..I don't want to look like a rug when you're walking on the red carpet looking all so beautiful…” 

“Pero, Max….” 

“Imagine this as our mock wedding..” 

My heart skipped a beat because of what he said. 

“Anong—what wedding?!” Hindi niya maisagot ang aking tanong dahil inilagay na niya ang aking mga kamay sa kanyang braso. 

“Sa susunod…tayo naman,” He suddenly whispered. 

My heart instantly again skipped a beat.

He said that as if a promise to the wind that he hoped would still linger ‘till we're both breathing the same in this universe.

Oh, Claudius.. 

Continue Reading

You'll Also Like

496 160 17
Eva met Aldrei in a very unexpected way. She remembered his name thinking that she would never see him again. But, their paths met again when she ent...
985 51 15
Si Evren Alice Alcantara ay isang writer. Nagsusulat s'ya ng mga nobela tungkol sa kung gaano ka, hindi patas ang mundo sa mga mahihirap. Nang makata...