Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

142K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 17

2.6K 57 81
By kemekemelee

Subject

I can still remember what my younger self planned to do—make him fall in just two months and forget about him, similar to what I did with my long list of ex-crushes. I was that confident, but Simon humbled the hell out of me.

Hindi man lang pumasok sa isip ko na dadating ako sa punto na ito. Binaliktad ko na lahat ng prinsipyo ko para lang makuha siya pero saan pa rin ako dinala? Sa huli, wala pa rin akong napala.

Is this my karma for what I pulled in my younger years? Do I really deserve all of this?

Kumurap ako habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. I never had any insecurities about myself. I was that confident in my looks. But when I met Simon, I always feel like I’ll never win when it comes to him. That I’ll just always remain in the shadows, hiding, and was never meant to be seen.

“Maganda ka,” I looked at my reflection in the mirror and tried to put on a smile.

“Palagi kang maganda at walang mali sa’yo,” pag-uulit ko pa.

My smile disappeared when I remembered what went down that night—the first time I saw Simon get emotional.

“I’m a mess,” he answered.

Sandali akong natahimik habang nakatitig lang sa kaniya. Halata sa mata niya ang lungkot, galit, sa sobrang dami ng emosyon hindi ko na iyon mabasa.

Malinaw na sa akin kung ano lang ako sa kaniya. Palibhasa kasi alam niyang available ako palagi, na pwede niya lang paglaruan ang feelings ko kahit kailan niya gustuhin. Ayaw niya lang ako mawala kaya nililito niya ako.

I blinked once again. “Ang gago mo.”

“Nakakairita ka na rin alam mo ba iyon? Akala mo yata walang limit yung pasensya ko pagdating sa’yo! May hangganan din ako, Simon.”

“I’m sorry that you had to put up with all of this, Darlene. I swear it was not my intention. I really just want you to stay close to me,” binasa niya pa ang labi niya habang nakatingin din sa akin.

“You want me near because?” I urged him.

Kita ko kung paano siya napalunok sa tanong ko. Tangina naman! Mukha siyang nagpipigil. Alam kong may gusto siyang sabihin pero mas pinipili niyang manahimik.

“Because you want to play with my feelings? Na natutuwa ka na makitang tangang-tanga ako pagdating sa’yo?!” tinulak ko naman siya pero hindi man lang lumaban.

“Ano ba?! Bakit ba ayaw mo ako sagutin?! Ang hirap sa’yo, sobrang labo mo! Ang lala mo!”

Nag-iwas ako ng tingin. Hinampas ko ang dashboard sa sobrang inis ko. Natapon pa ang coke float na pinatong ko doon pero wala na akong pakialam!

Punong-puno na talaga ako sa lahat ng pinaranas niya sa akin. Alam ko naman ang lahat ng katangahan ko pero hindi naman ibig sabihin na kaya kong pagtiisan pa iyon sa mahabang panahon!

“Darlene... pasensya ka na...”

Iritado ko siyang nilingon. “Puro na lang pasensya tangina. Wala man lang dahilan? Pasensya na lang? Kasi alam mong pinapatawad agad kita?!”

Nag-angat ako ng kilay nang makita ko ang panginginig ng kamay niya. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko kung paano niya pinigilan iyon. Isinantabi ko na lang ang nakita ko at nag-iwas ulit ng tingin.

“Umuwi na tayo. Hindi na kita ibababa sa condo mo. Kapag nakarating na ulit tayo sa Manila, ikaw na ang bahala sa sarili mo,” nanghihina kong sinabi.

He nodded. “Ayos lang.”

Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Kinalma ko na lang ang sarili ko at hindi na nagsalita. Baka mas lalo pang lumala ang lalabas sa bibig ko kapag may sinabi pa ako.

Kumurap ulit ako at binaba ang lipstick ko. Pinasadahan ko ulit ang reflection ko sa salamin. Sinubukan ko ulit ngitian ang sarili ko.

“Maganda ka,” I repeated.

Nang maging satisfied ako sa itsura ko, kinuha ko na ang bag ko para pumasok. Isa lang naman ang subject ko ngayong araw. 2 hours lang din kaya pagtitiisan ko na lang.

“Papasok ka na, Darlene?” tanong sa akin ni Kuya Adam nang makita niya akong pababa.

I nodded. “2 to 4 lang naman po klase ko.”

“Gusto mo bang ihatid kita?”

Ngumuso naman ako habang nakatitig kay Primo at Odette na naglalaro sa may living room. Kinawayan ko naman si Ate Celine na nakaupo sa sofa.

“Hindi na po. Kaya ko na sarili ko,” I winked.

“Ang laki na talaga ng bunso namin,” ginulo niya naman ang buhok ko.

“Of course, Kuya! Hindi na ako baby.”

He chuckled. “You’re still our baby.”

Yumuko naman ako para salubungin si Primo at Odette na biglang yumakap sa mga binti ko. I gently smiled at them, and tousled their hair.

“Sup, kiddos?” I chuckled.

“Tita Darlene, saan po kayo punta?” Primo asked me.

“School lang. Mag-study ang Tita Darlene,” I answered.

Binuhat ko naman saglit si Odette dahil inaangat niya ang kamay niya.

“Ikaw baby ka pa rin talaga,” I kissed Odette’s cheek.

“Favorite ka talaga ng mga bata,” komento naman ni Ate Celine.

“I’m sure she’s going to be a great mother someday,” si Kuya naman iyon na agad kong sinamaan ng tingin.

“Mother agad?! Ayaw ko pa magkaanak! Enough na sa akin ang mga anak mo Kuya,” I frowned.

“Pwede po bang sumama sa school?” ngumiti ulit si Primo sa akin.

Sandali ko namang pinisil ang pisngi niya. Sobrang cute talaga ni Primo! Masyado kasing mataba ang cheeks niya, ang sarap pisilin. Bilugan pa ang mga mata na sigurado akong namana niya kay Kuya.

“Be a good brother muna kay Odette then isasama kita sa school, okay?”

Tumango naman si Primo. “Babantayan ko po si Odette!”

Binaba ko naman si Odette at agad akong napangiti nang makita kong hinawakan ni Primo ang kamay ng kapatid niya. I can see my younger self, and Kuya Adam holding my hand.

“Kuya, I’ll go now,” paalam ko sa kanila.

“Take care, okay?” he softly said.

I nodded. “I will.”

Magaan ang pakiramdam ko habang nagmamaneho ako papuntang school. Pwede siguro akong mag-shopping pagkatapos ng klase. Ang tagal na rin kasi ng huling beses na ginawa ko iyon.

Nagbago na nga talaga ako. Sa mga ganitong panahon noon, sigurado akong natambay na naman ako sa mga dating site pero ngayon? Hindi ko na makita ang sarili ko na ginagawa iyon.

Hininto ko naman ang kotse nang makita kong nasaktuhan kami ng stoplight. Nilingon ko na lang muna ang phone ko para tingnan kung may message ba. May nakita naman akong chat galing kay Nathan.

Ang isang iyon! Ang tagal na rin simula nang makita ko ang pinsan ko. Masyadong naging busy dahil din sa pag-aaral. Akala ko nga mag-aaral kami sa iisang university pero mas pinili pa niya sa iba mag-aral.

kumikinang inang nathan

hi bruha busy ka ba today

may klase ako 2-4 lang bakit

ay bongga!
meet us ngayon

hacked ba acc mo

seryoso nga kasi 😾

ok saan

send ko na lang address hehe
see u 😸

Tinago ko na lang ang phone ko at agad na nag-angat ng tingin sa billboard na nadadaanan ko kadalasan. Solo na billboard lang iyon para kay Simon na endorser na rin ng Bench. Nakasuot lang siya ng puting tank top at seryoso ang tingin.

Medyo magulo pa ang buhok niya sa picture. Kitang-kita din yung tattoo sa leeg kaya talagang mapapalunok ang kahit na sinong tumingin sa billboard na ito! Sinadya pa talagang ilagay dito. Siguro for entertainment kapag traffic?

“Since malapit na ang UAAP season, oras na para lumandi ako ng basketball player,” bulong ni Courtney sa akin.

I shrugged. “Sige, support ko kayo d’yan.”

“Sinasabi ko lang na baka gusto mo akong ireto kay Enoch,” dagdag pa niya.

“Okay, susubukan ko. Pero hindi ko maipapangako, huh?”

Narinig ko naman ang mahina niyang halakhak.

“Sana maging courtside girlfriend ako this season,” she dreamily said.

Umiling na lang ako habang nagsisimula akong mag-take ng notes. Nangarap din ako maging courtside girlfriend noon pero nagbago iyon nang makilala ko si Simon.

Pinilig ko na lang ang ulo ko sa naisip. Ano ba naman iyan?! Sa lahat na lang ng bagay lagi kong naaalala si Simon!

“Mauna na muna ako. May pupuntahan pa ako,” paalam ko sa mga kaibigan ko pagkatapos kaming i-dismiss ng professor namin.

Courtney nodded. “Ang sinabi ko sa’yo, Darlene.”

“Oo, susubukan ko.”

“Ay, nagsisikreto sila. Hindi ba ako kasali sa friendship na ito?” sumimangot naman si Autumn.

“Nagpapareto lang kay Enoch,” ngumisi naman si Courtney.

Autumn smiled sheepishly. “Ah, okay.”

“Hindi ka galit? Crush mo rin si Enoch diba?” tanong ni Courtney.

Umiling naman siya. “Ayos na ako! May kausap na ako na Isko. Sila na lang ichi-cheer ko sa UAAP.”

“Gaga!” binatukan naman siya ni Courtney.

Humalakhak naman ako habang pinapanood ko silang dalawa.

“Una na ako, girls. See you tomorrow!”

Nakasuot lang ako ng simpleng shirt at jeans habang papunta ako sa address na pinadala sa akin ni Nathan. Hindi na rin ako nag-isip pa na magpalit dahil pinsan ko lang naman ang kikitain ko.

“Tangina, ang layo naman nito. Bakit bandang Pasay pa?” reklamo ko habang tinitingnan ang direksyon sa phone ko.

Binuksan ko na lang ang stereo para naman malibang ako habang nagmamaneho. Sinipat ko rin ang paligid hanggang sa dumako ang tingin ko sa pamilyar na mukha. Mukhang may inaabangan ang isang ito kaya binaba ko naman ang bintana ng kotse ko.

“Hi, Poppy! Kamusta?” I smiled at her.

Mukha naman siyang nagulat sa presensya ko. “Uy, Darlene! Ikaw pala.”

“Saan punta mo?”

“MOA lang. May ihahatid ako kay Damian,” inangat niya naman yung folder na hawak niya.

I nodded. “Halika dito. Isasabay na kita.”

“Ayos lang ba?”

“Oo naman. Pasok ka na dali! Sakto kasi papunta rin akong Pasay ngayon,” nangingiti kong sagot.

Nagmadali naman siyang pumasok sa loob dahil naging kulay green na pala yung stoplight. Agad ko namang pinaandar ang sasakyan nang makapasok siya dahil kanina pa ako binubusinahan ng mga nasa likod ko.

“Kamusta naman kayo ni Damian?”

“Ayos naman kami. Still working sa mga naging insecurity namin before,” marahan niyang sagot.

“Mabuti naman. Iba rin kasi talaga tama sa’yo ng tropa namin,” humalakhak naman ako.

Nakita ko namang namula ang mukha ni Poppy dahil sa sinabi ko. Kung tutuusin talaga ay sila lang ang may matinong relationship sa amin. Si Zero kasi broken pa rin hanggang ngayon tapos ako naman nasa alanganin palagi.

“Sana nga magtagal kami.”

“Magtatagal kayo niyan. Mga four years,” I chuckled.

She frowned. “Ay, four years lang?!”

“And more. Ikaw naman kasi hindi mo agad ako pinatapos,” sabi ko.

Binaba ko naman si Poppy nang madaanan na namin ang MOA. Habang ako naman lumiko pa dahil inuna ko na lang munang ihatid ang kaibigan ko. Mga sampung minuto pa akong paikot-ikot sa Pasay hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang coffee shop.

Sarado naman ang coffee shop na ito. Tama ba ang address na sinend sa akin ng magaling kong pinsan? Kapag nalaman kong pinagti-tripan lang ako ng isang iyon, susugurin ko talaga siya sa Taft!

“Good afternoon po. Kayo po ba si Ms. Darlene Kaye Alcazar?” nagulat naman ako nang may babaeng lumabas sa coffee shop.

Nagtataka naman akong tumango. “Ako nga po.”

“May fanmeet po ang Equinox dito. Pasok po kayo,” she smiled.

My brows furrowed in confusion. Ano raw? Nabingi lang ba ako o ginagago ako ng mga tao dito?

“Fanmeet?” I looked around. “Dito?”

She nodded. “Opo, dito nga po.”

Pumasok ako sa loob kahit hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin ang sinabi ng babae. Nilibot ko ang tingin ko sa loob. I couldn’t believe it when I saw touches of blue and white all around—my jaw just dropped! May mga nakapaskil din na litrato ng Equinox sa paligid.

Sa bandang gitna ay may maliit na TV. Naka-play doon ang isang music video nila pero mas nakuha ng pansin ko ang pinsan ko na kasama ang ilan sa mga kaklase niya noong highschool. Pamilyar ang mukha nila sa akin kaya nginitian ko naman sila.

“Finally, you’re here!” nilapitan naman ako ng pinsan ko.

Pasimple ko naman siyang kinurot. “Anong trip ito? Fanmeet pero wala ang Equinox?”

“Upo ka muna. Ang init init agad ng ulo mo!” humalakhak pa siya.

Hinila ni Nathan ang isang upuan kaya agad akong umupo. Nilapag niya rin sa harap ko yung isang tray na may mga pagkain.

“I don’t get it. Anong event ba ito? Wala naman silang announcement na may fanmeet sila?” bulong ko kay Nathan.

“Friend nila tayo tapos fan tayo. Pupunta sila dito tapos makikita natin. Edi fanmeet!” humagalpak naman siya ng tawa.

“So, nasaan sila? Mukhang tayo lang naman ang nandito.”

“Pasok ka doon sa isang room. Pakuha na lang ng bag ko. Tatawagan ko lang sila,” utos ni Nathan.

Ngumiwi ako. “Bakit ako ang kukuha? May paa ka diba? At saka pagod ako sa pagmamaneho!”

“Maawa ka naman sa akin. May cramps pa ako kaka-volleyball ko.”

“Sipain ko pa iyan,” pagdadabog ko.

Kumurap-kurap pa siya. “Please?”

Padabog naman akong tumayo habang bitbit yung iced coffee.

“Anong room ulit?”

Nginusuan niya naman yung pinto na kulay pink. “Pasok ka doon. Doon kasi namin nilagay mga gamit namin kanina. Nakalimutan ko kasi na nasa bag ko pa pala yung cellphone ko.”

Sinundan ko naman iyon at agad kong pinihit ang door handle para makapasok. Hahanapin ko na sana ang bag ni Nathan pero nagulat ako nang iba ang mahanap ko.

“Anong ginagawa mo dito? The fuck? Is this a trap?” nasapo ko naman ang noo ko. “Punyeta ka talaga, Nathan!”

Umahon naman si Simon sa pagkakaupo niya. Ngayon ko lang napansin ang setup ng room na ito. May touch of blue and white pero parang mas special ito. May table sa gitna tapos may mga pagkain na rin na nakahanda.

Nakita kong napalunok si Simon. “Darlene...”

“What?!” iritado kong tanong.

“Upo ka muna,” mahinahon niyang sinabi.

“Bakit? Kasi mainit ulo ko? Kanina niyo pa ako pinapaupo, ha!” sabi ko sabay hila sa upuan para makaupo.

Sinulyapan ko ulit yung pintuan nang makaupo ako. Nakita ko si Nathan na nakasilip habang dahan-dahan niyang sinasara yung pinto. Sinamaan ko siya ng tingin pero kinindatan niya lang ako.

I couldn’t help but frown as I watched Simon get ready and take a seat right in front of me. Gusto kong ipakita sa kaniya na naiinis ako.

“I’m sorry for this, Darlene. Nathan has nothing to do with it. It’s all on me,” he sincerely said.

“Para saan ba ito?”

I glanced around and couldn’t help but notice how adorable this room is. There are tiny Sanrio plushies scattered all over, and the whole place has this charming mix of white and blue. Even the table is super cute—it’s shaped like a bunny!

Pinigilan ko ang sarili ko na mangiti dahil sa nakikita ko. Hindi ko naisip na kayang manatili ni Simon sa ganito ka-cute na room.

“Gusto lang kitang makita,” agad niyang sagot.

I raised my brow. “Oh, malungkot ka? Sabi ko bumili ka na lang sa Mcdo diba?”

“Nope,” umiling siya. “I just want to be with you.”

Natutop ko ang bibig ko sa narinig. Umiling na lang ako at sinipat ang mga pagkain na nakahain sa table. Kahit ang design ng mga pagkain, sobrang cute din. Akala mo mga bata kami na kakain.

Tahimik kaming kumain. Hindi ko maiwasan makaramdam ng awkwardness dahil tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig ko. Natapos na lang akong kumain pero hindi pa rin siya nagsasalita.

“So, hindi mo ba sasabihin sa akin kung para saan ang lahat ng ito? Kung bakit mo ako pinapunta dito?” I bravely asked him.

“I just want to give you a proper date that you deserve,” he answered.

Ako naman ang nagulat sa narinig ko.

“Date? Bakit mo naman ako idi-date? And what kind of date? Friendly ba ito? Or ano bibigyan ko na ba ng meaning?”

He sighed. “This is not a friendly date.”

“I see. So, situationship date?” I jokingly laughed.

“Hindi rin.”

“Oh, ano nga? Tigilan mo na nga ako sa laro mo, Simon! Pwede ba? Pagod na ako sa mixed signals mo.”

“I came from an abusive relationship,” he shared. “And, yeah, it was with Kendra.”

Kumunot naman ang noo ko. “Anong pinupunto mo?”

“I was young when we got together, probably sixteen. At that time, I had no clue about relationships, so I just went along with her lead, thinking she knew what to do since she’s older than me.”

Nalunok ko ang lahat ng sasabihin ko dahil sa narinig ko. Mukhang alam ko na kung saan patungo ito at kung saan ang ugat ng lahat ng ito.

He took a deep breath. “After we broke up, I was scared to get into another relationship because I thought it was all about controlling and manipulating your partner.”

“At ayaw ko nang maranasan ulit iyon...” dugtong niya pa, halatang nahihirapan na.

“So the best idea I had was to stay single because it felt safer for me,” he continued.

“And then you came along... and that’s when I realized I wanted to give it another shot.”

Nakita ko ang panginginig ng kamay niya kaya hinawakan ko iyon. Sinubukan ko siyang ngitian para i-encourage siya.

“Pero natatakot ako... na baka maulit iyon... kaya ang nagawa ko na lang talaga ay ang umiwas sa’yo...”

Yumuko naman siya. “I’m really s—”

“Huwag ka na humingi ng sorry,” I smiled. “Naiintindihan ko na.”

“And this is all I need, Simon. Gusto ko lang ng explanation sa lahat, and I’m thankful na pinagkatiwalaan mo ako,” pinisil ko naman ang kamay niya.

I was surprised when he kissed my hand. My heart started racing, and all I could think about was the way he looked at me. It felt soft and reassuring, so free that he finally voiced out what he’s been hiding all these years.

“I know it was tough for you to reopen those wounds from the past, fearing they might hurt again. But I’m proud of you for surviving all these years, fighting your silent battles,” I said softly.

“You made me want to write songs again,” he whispered softly, just loud enough for me to hear.

Hindi ko alam kung nananaginip pa ba ako sa lahat ng naririnig ko ngayon. Ito ang pangarap ko noon diba? Pero bakit parang namamanhid ako ngayon? Siguro sa halo-halong emosyon. Tuwa, lungkot, at gulat. Hindi ko na alam.

“Simon... hindi ko alam ang sasabihin ko. Leche naman kasi! Parang nananaginip lang ako,” humalakhak ako.

“You’re not obliged to say anything. I just want to share what I’ve been hiding,” he said with an assuring smile.

Marahan niya namang binitiwan ang kamay ko. Pinagmasdan ko siyang kunin yung gitara na madalas niyang gamitin. Umupo ulit siya sa harapan ko at ilang segundo lang, narinig ko yung tono ng isa sa mga paborito kong kanta.

“This time, I’m going to make things right. I’m really sorry for causing you all that trouble for the past few years. Let me do the chasing this time,” he said with finality, strumming his guitar.

Nanatili akong nakangiti habang nakatitig lang sa kaniya. For some reasons, hindi ko pa rin talaga alam kung anong dapat kong sabihin kahit pa sinabi niya na wala naman talaga akong dapat na sabihin.

“When a day is said and done in the middle of the night, and you’re fast asleep, my love. Stay awake looking at your beauty. Telling myself I’m the luckiest man alive.”

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang marinig ko mismo ang lyrics ng kanta. Hindi niya na rin maiwasang mapangiti habang nakatingin sa akin.

I chuckled. “Para tayong mga highschool student amputa.”

Humalakhak din siya at nagpatuloy sa pagkanta.

“Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life. Why you take such a hold of me, girl? When I’m still trying to get my act right?”

“It sounds so you,” komento ko pa.

“What is the reason when you really could have any man you want? I don’t see what I have to offer.”

Mas lalo ko lang naisip na sakto nga para sa amin ang kanta. Totoong kaya kong makuha ang kahit sino mang lalaki na gustuhin ko. Pati na rin si Simon na may mga tanong din sa sarili niya pero siya pa ang nagawa kong gustuhin.

“I should’ve been a season. Guess you could see I had potential. Do you know you’re my miracle?”

“Hindi,” natatawa kong sagot.

“I’m like a statue, stuck staring right at you. Got me frozen in my tracks. So amazed how you take me back each and every time our love collapsed.”

At tulad ng dati, namamangha pa rin talaga ako sa boses ni Simon. Malambing at medyo namamaos. Talagang pakikinggan mo siya dahil nakakadala yung boses niya. Parang lagi kang sinusuyo at hinaharana.

“Statue, stuck staring right at you. So when I’m lost for words everytime I disappoint you. It’s just ‘cause I can’t believe that you’re so beautiful. Don’t wanna lose you, no.”

Pagkatapos niyang kumanta, binaba niya naman ang gitara. Nanood lang ako sa kaniya hanggang sa huminto siya sa harap ko. Inaabot ang kamay ko kaya hinawakan ko iyon.

Ngayon ko lang natitigan nang maayos si Simon. He’s dressed in a brown sweater, and khaki wide leg pants. Silver chains is also hanging around his neck. Iba ito sa madalas niyang suot. Ang cute niya tingnan, parang gagala lang sa mall.

I was taken aback when he suddenly pulled me in for a hug. Mas naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nanatiling nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko.

“Now that I’m not afraid anymore, I’m going to court you...” he whispered gently against my ears.

Tumango ako. “S-sige, ikaw ang bahala.”

He chuckled sexily. Nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin. Mas lalo niya naman akong hinapit palapit sa kaniya. His masculine fragrance filled my nostrils, and I am not even complaining. Ang bango bango niya!

“From now on, you’re gonna be the subject of my songs,” marahan niyang bulong. “At araw-araw mong maririnig iyon. Sa radyo, sa TV, sa Spotify, kahit saan. Maririnig mo ang pagkagusto ko sa’yo hanggang sa magsawa ka.”

“H-hindi naman ako magsasawa sa boses mo,” kinakabahan kong sagot.

Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin. Nakita ko ang nagtatagong ngiti sa mga labi niya.

“Then let’s see?” he smirked.

Continue Reading

You'll Also Like

99.9K 3.5K 33
4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two broken hearts that mend each other. But why...
134K 2.9K 31
Tierra Alta Series #2 | In The Midst Of The War When Roselda Valverde's father passed away, she blamed it on her mother. If her mother didn't force h...
409K 21.6K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
801K 16.9K 48
The Prestige Series 2 Alliana had everything in life. For her, career and passion should always be her utmost priority. Not until Abes, came in the p...