DG Series #4: I'm Yours And Y...

By lhiamaya

651K 22.4K 2.4K

Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong s... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
END
Special Chapter

Chapter 20

14.6K 470 44
By lhiamaya

Crizel

"BOSS Kester kami na po dyan."

"Ayos lang para mas mapabilis kayo."

Nilingon ko si Kester na tinutulungan ang mga tauhan ko na magligpit. Tinataob nya ang mga upuan sa ibabaw ng mesa. Mabilis ang mga kilos nya na tila ba sanay na sanay sya. Inaawat sya ng mga tauhan ko pero di talaga sya nagpapaawat.

"Boss ako na po dyan baka madumihan pa po kayo." Awat ni Joseph kay Kester na ngayon ay mop naman ang hawak.

"Ayos lang Joseph. Masyado kang nag aalala sa akin." Natatawang sabi ni Kester na nagmamop na.

"Hayaan mo sya Joseph. Gusto nyang magpasikat eh." Sabat ko habang nililigpit ang mga resibo sa counter.

Tumingin sa akin si Kester at ngumisi. Kunwaring inirapan ko naman sya.

Isang linggo na mahigit nanliligaw sa akin si Kester. Nakikita kong pursigido talaga sya. Sinusundo nya ako sa umaga at hinahatid dito sa eatery para di na ako magcommute. Simula kasi ng maaksidente ako sa motor ay parang nagkatrauma na ako sa pagmomotor. Kaya ang motor ko ay nakatengga na lang sa bahay. Si Clarissa na lang ang gumagamit nun kung minsan. At sa closing naman ng eatery ay sinusundo din ako ni Kester gaya ngayon. Alam na rin ng mga tauhan ko na nanliligaw sya. Pinamalita nya ba naman.

"Sana all talaga si Ma'am Crizel para may Sir Kester." Ani Danica na nagpupunas ng mga plato katulong si Oling.

"Anong may Kester? Hindi pa kami no." Sabat ko.

"Pero malapit ng maging kayo ma'am." Saad naman ni Oling.

Kumunot ang noo ko. "Sinong may sabi?"

"Eh di si Sir Kester. Sabi nya malapit nyo na raw syang sagutin."

Naninigkit ang matang tiningnan ko si Kester na ngingisi ngisi lang. Talagang confident syang sasagutin ko sya.

"Well, tingnan natin kung sasagutin ko sya. Ayaw ko pa naman sa lahat yung lalaking overconfident." Pagpaparinig ko kay Kester na tumawa lang ng malakas.

Pagkatapos magligpit at magsara ay sabay sabay na kaming lumabas ng eatery.

"Uwi na tayo o may gusto ka pang ibang puntahan?" Tanong sa akin ni Kester ng makasakay na kami ng sasakyan nya.

Nag isip naman ako saglit. "Wala na, uwi na tayo." Umayos ako ng upo ng maikabit na ang seatbelt.

"Ako may gustong puntahan." Aniya.

Napalingon ako sa kanya. "Saan naman?"

"Sa club."

Nagsalubong ang kilay ko. "Mambababae ka?" Siraulong to ah!

Tumawa sya. "Grabe ka naman sa akin. Sa club lang pupunta mambababae agad. Di ba pwedeng inom lang."

Inirapan ko sya. Hindi kasi maganda ang tingin ko sa club club na yan. Maraming mga wild na babae doon lalo na kapag lasing.

"Ikaw lang ang pupunta?"

"Syempre hindi. Isasama kita." Nakangising wika nya.

Tumaas ang isang kilay ko. "Kung hindi ako papayag na sumama pupunta ka pa rin mag isa."

"Depende kung papayagan mo ko. Kapag hindi ka pumayag syempre di ako pupunta."

Umusli ang nguso ko. Pinigil ko ang mapangiti sa sinabi nya.

"Sige pumunta tayo ng club." Sabi ko.

"Sigurado ka?"

"Oo, matagal tagal na rin akong di nakakainom."

"Ok, don't worry di naman tayo maglalasing." Binuhay na nya ang makina.

"Eh paano kung malasing ako? Mabilis pa naman akong malasing." Mababa kasi ang tolerance ko sa alak.

"Eh di iuuwi kita sa bahay ko."

Namimilog ang mga matang lumingon ako sa kanya.

Tumawa lang sya.

"Joke lang. Syempre iho-hotel kita -- aray!" Daing nya ng paluin ko sya ng malakas sa braso.

Lalo lang lumakas ang tawa nya. Samantalang ako ay parang sinilaban ang mukha sa init.

"Siraulo ka."

"Joke nga lang. Uy namumula sya." Natatawang sabi nya at pinausad na ang sasakyan sa gitna ng kalsada.

Ako naman ay nagkasya na lang na pagmasdan sya habang tumatawa at nagkukwento. Pero hindi ang kwento nya ang nakapukaw sa akin ng interes kundi ang gwapo nyang mukha. Nakatawa sya, nakasimangot, nakanguso o kahit galit ay gwapo pa rin talaga ang kumag. Pero gustong gusto ko kapag nakatawa sya o nakangiti. Yung mga mata nya bahagyang naniningkit tapos kapag nakangiti sya lumalabas ang pantay pantay nyang mapuputing ngipin. Yung ngiti nyang may bahid ng kapilyuhan. Yung ngiti nyang tumutunaw sa puso ko.

Makalipas ang kulang kulang dalawampung minuto ay nakarating na kami sa isang high end club. Marami ng nakaparada na mamahaling sasakyan sa parking. Sunod sunod na rin ang pumapasok na mga tao mapalalaki man o babae. May mga foreigner pa nga. May grupo, meron namang magkasintahan. Halatang mga mayayaman at may mga sinasabi sa buhay. Ang ibang mga babaeng pumapasok ay medyo revealing pa ang mga suot na damit. Yung huling tatlong babaeng pumasok nga ay halos kita na ang kuyukot at lumuwa ang mga dibdib.

Nagdududang tiningnan ko si Kester. Kasalukuyan na nyang pinapark ang sasakyan. Ina-assist sya ng isang bouncer. Ng huminto na ang sasakyan ay tumingin sya sa akin. Tumaas ang kilay nya.

"Bakit?"

Umingos ako. "Siguro kaya gustong gusto mong pumunta dito sa club dahil sa mga babaeng halos mga nakahubad na."

Ngumisi sya sabay pisil ng pisngi ko.

"Aray!" Tinampal ko ang kamay nya. Pero hindi naman malakas ang kanyang pisil.

"Di pa nga tayo nagseselos ka na."

Umusli ang nguso ko at humalukipkip.

"Hindi no! Ang kapal mo." Sabi ko pero tila labas lang yun sa ilong. Dahil di ko maitatangi naninikip ang dibdib ko sa isiping titingin sya sa mga babaeng yun.

Kuh! Huwag lang talaga syang magkakamali basted agad sya!

"Sanay na ako sa mga babaeng halos mga nakahubad na kung manamit. Wala na silang dating sa akin."

Tumaas ang isang kilay ko. "Talaga lang ha."

Tumawa sya at humarap sa akin.

"I'm telling the truth. Ikaw na lang ang malakas ang dating sa akin."

Umusli ang nguso ko at kumibot kibot. Parang sumirko sirko ang puso ko sa loob.

"Malakas ang dating ng mga kagaya kong wholesome sayo dahil sawa ko na sa mga babaeng halos mga nakahubad. Eh kung magdamit din kaya ako ng kagaya nila."

"Ayos lang. Pero dapat ako lang ang makakakita kahit maghubad ka pa." Nakangising sabi nya.

Pinandilatan ko sya ng mata at pinalo sa braso. Puro talaga sya kapilyuhan.

"Aray! Hindi pa tayo pero bugbog sarado na ko sayo." Natatawang sabi nya habang hinhimas ang brasong pinalo ko.

"So ano, suko ka na?"

"Of course not! Kahit itali mo pa ko sa kama at sinturunin di ako susuko. Kahit ihi lang ang pahinga ko."

Napasinghap ako at namilog ang mga mata sa sinabi nya. Muli ko syang pinalo sa braso ng dalawang beses. Init na init na ang mukha ko at para na itong dinilaan ng apoy.

"Ang manyak mo!"

"Aray!" Natatawang daing nya habang pinapalo ko sya sa braso. Pero obvious naman na di sya nasasaktan. Pinapatigas pa nga nya lalo ang matigas na nyang braso.

"Manyak ka!" Singhal ko pa sabay kurot sa kanyang tagiliran na ikinaigtad nya.

"Bakit ano bang sinabi ko?" Painosente pa nyang tanong.

Sinamaan ko lang sya ng tingin at inirapan. Tawa lang sya ng tawa.

Hindi naman ako naiinis sa kanya. Nabibigla lang ako. Kung ano ano tuloy ang pumapasok sa isip kong mga what ifs.

"Halika na nga bumaba na tayo." Yaya ko na lang.

"Yes po madam!" Natatawang nauna na syang bumaba.

Ako naman ay tinanggal na ang seatbelt at sinukbit ang shoulder bag. Akmang bubuksan ko ang pintuan ng sasakyan pero inunahan na ako ni Kester at inalalayan pa pababa. Dinig ko na ang malakas na tugtog na galing sa loob ng club.

Dumiretso na kami sa entrance ng club. Binati kami ng dalawang bouncer na nakatalaga doon at nagcheck ng laman ng bag ko. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa club. Ang huling pasok ko ay noong fourth year college pa ako. Nagkakayayaan kami noon ng mga kaklase ko dahil graduating na kami.

Medyo nalula ako pagpasok ng club kaya napahawak ako sa braso ni Kester.

"Relax." Bulong nya sa tenga ko at hinawakan ang kamay ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Bahagya pa nya akong hinila palapit sa kanya dahil may mga lalaking dumaraan sa gilid ko. Marami ng tao sa loob ng club at bumabaha  na ang alak. Maingay dahil sa tugtog at tawanan ng mga tao. Nagsasayawan ang mga ilaw na iba't iba ang kulay na sumasabay sa tugtog. May ilan na ngang mga babae at lalaki na sumasayaw na sa gitna ng dance floor. Ang isang babae nga ay halos bumaba na ang suot na tube.

Napailing iling na lang ako at tiningnan ang suot na damit. Nakasuot ako ng checkerd polo na bukas ang mga butones. Sa loob ay may suot akong puting sleeveless top at high waist denim jeans na medyo loose at sneakers na puti naman ang sapatos. Parang ako lang yata ang naiiba ang suot. Wala pa akong kamake up make up at liptint lang ang meron ako. Ang buhok kong kulutan ay nakabun pataas.

Inakay ako ni Kester sa bakanteng couch medyo malapit sa dance floor. Napansin ko pa nga ang ilang mga babaeng napapatingin sa kanya. Agaw pansin naman talaga ang hitsura at lilingunin talaga. May isa pa nga na tinawag sya pero hindi nya yun pinansin na aking ikinatuwa.

Umupo na kami sa couch. May lumapit sa aming waiter at nagtanong ng order namin. Si Kester ay beer ang inorder ako naman ay cocktail drinks lang. Sinamahan pa namin yun ng pulutang sisig at barbeque.

Tumango tango ako ng matikman ko ang cocktail drinks na inorder ko. Manamis namis na medyo maasim at mainit sa lalamunan.

"Like it?" Tanong ni Kester na nakasandal na sa couch at nakadekwatro pa. May ngisi sa kanyang labi.

"Ayos lang." Nagkibit balikat ako at sinimsim muli ang cocktail drinks. Si Kester ay tinungga naman ang beer nya. Paminsan minsan naming nilalantakan ang sisig at barbeque.

"Kelan ka huling pumunta ng club?" Tanong nya.

"Noong college pa. Fourth year college ako noon." Malakas ang boses na sabi ko para marinig nya ako.

Kumunot ang kanyang noo. "Ang tagal na nun ah. Sino naman ang mga kasama mo?"

"Si Belinda at mga kaklase namin. Nagkayayaan kami dahil malapit na graduation namin nun. Parang bonding na rin namin."

Tumango tango sya. "I see."

"Eh ikaw, malamang madalas kang nagpupunta sa mga club."

"Not really. Mas madalas ako sa bar kasama ko ang mga kaibigan ko. Nagiinuman kami tuwing weekend, kami kami lang."

"Walang kasamang babae?"

"Dati syempre meron. Pero ngayon wala na, may mga asawa na sila. Ako naman meron na akong ikaw." Nakangising saad nya sabay kindat sa akin.

Kunwaring inirapan ko naman sya pero ang puso ko naman ay tuwang tuwa at panay pa ang kislot.

"Huwag mo na akong bolahin akala mo naman maniniwala ako sayo." Sabi ko at kumagat sa stick ng barbeque.

"Hindi kita binobola, nagsasabi lang ako ng totoo." Nakangising sabi nya.

"Weh? Di nga?" Sarkastikong sabi ko na lang at ininom ang cocktail drinks na paubos na.
Parang gusto kong magbeer. Tinawag ko ang padaang waiter. Lumapit naman ito na may ngiti sa labi. Infairness may hitsura din si kuyang waiter.

"Isang beer nga yung light lang." Sabi ko.

"Ok ma'am, yun lang po ba?" Binalingan ng waiter si Kester.

"Make it three." Sabi ni Kester.

"Ok po sir, ma'am. Just wait a minute." Umalis na ang waiter para kunin ang order namin.

Ako naman ay inubos na ang cocktail drinks.

"Hindi kita binobola Crizel. Ikaw lang ang babaeng niligawan ko. Itanong mo pa sa mga kaibigan ko."

Nilingon ko si Kester. Seryoso na ang kanyang mukha.

"Aba malay ko ba kung kinuntsaba mo sila."

Tumawa lang sya at umiling iling. Parang may gusto pa syang sabihin pero nagdadalawang isip.

Ilang sandali pa ay dumating na ang dagdag order naming beer. Tumabi na ng upo sa akin si Kester dahil hindi na kami magkarinigan sa lakas ng tugtog. May nakita daw syang kilala nya.

"He is Lucio Canlas. Isa syang architect sa kumpanya ni Matias. May fiance na sya kaya lang sumasideline pa sya sa iba."

Pinagmasdan ko ang lalaking kinukwento ni Kester. Nasa gitna ito ng dance floor at may kasayaw na seksing babae at para silang mga bulateng inasinan sa gaslaw sumayaw. May hitsura ang lalaki, matangkad at maputi. Pero halatang may pagkamanyak. Kung saan saan na nga dumadapo ang mga kamay nito sa katawan ng babaeng kasama. At ang babae naman ay parang wala lang na hinihipuan.

"Alam ba ng fiance nya na sumasideline sya sa ibang babae? Kase kung ako ang fiance nyan babayagan ko yan sabay hiwalay."

Tumawa si Kester. "Ang sabi hindi daw naniniwala ang fiance nya at sinisiraan lang daw sya para maghiwalay sila. Pero kita mo naman di ba?"

"Tanga ang fiance nya."

Nagkibit balikat sya. "Baka talagang mahal lang sya at malaki ang tiwala sa kanya."

Lumingon ako sa kanya at nagtaas ng kilay. "Saan mo naman nalaman ang mga yan?"

"Sa mga empleyado ni Matias kapag natatambay ako doon. Kinukwento nila sa akin."

Umawang ang labi ko. "Tsismoso ka rin pala." Kaya pala magkasundo sila ni Tiyang Amparo, Cristoff at Glen.

"Inosente ako dyan. Kinukwento ko lang ang mga kinukwento sa akin." Nakangising saad nya at tinungga ang bote ng beer.

"Ganun din yun. Baka ako kinukwento mo rin sa iba ha. Naku sinasabi ko sayo Kester. Kapag nalaman kong kinukwento mo ko sa iba manghihiram ka talaga ng mukha sa pwet ng kawali. Ayoko sa lahat ng lalaking kiss and tell." Banta ko sa kanya.

"Hey I'm not like that. Kahit kelan di kita kunuwento sa iba no. Baka macurious pa sila sayo tapos magkagusto sila sayo eh di dadami lang lalo ang karibal ko."

Tinaas ko ang daliri at sinundot sundot ang pisngi nya. Medyo may tama na ako pero di pa naman ako lasing.

"Siguraduhin mo lang Keith Alistair Belleza. Baka imbes na sagutin kita bastedin kita. At hindi lang yun, burado ka na sa life ko." Sabi ko sabay tungga rin sa bote ko ng light beer. Nakatatlong bote na ako kaya medyo may tama na. Mabilis talaga akong tamaan ng alak kahit light lang.

"Never kong gagawin sayo yun. Trust me."

"Hmp sabi mo eh. Umorder ka pa nga ng light beer." Utos ko sa kanya.

"Sure ka? Mukhang may tama ka na." Nag aalangang sabi nya.

"May tama lang pero di pa naman ako lasing. Sige na umorder ka na habang ganado pa ako."

"Sure ka ha. Baka sisihin mo ko kapag nalasing ka na." Kunot noong sabi nya.

"Hindi no! Bakit naman kita sisisihin? Saka di naman ako magpapakalasing. Namiss ko lang talaga uminom."

"Ok." Tinawag na nya ang waiter at nagdagdag ng order ng beer.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

12.1M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
153K 4.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...