Amidst The Vying Psyches

By elluneily

600K 15.3K 9.2K

Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. Sh... More

cassette 381
Hiraya
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Elluneily's Words
Playlist
steven & hiraya ༉‧₊˚✧ extra 01

Kabanata 32

9.8K 265 144
By elluneily

Serenity Hiraya

Loving someone like Steven Alvarez is something that I would always be grateful for. It is a peculiar part of my life that I would never trade for anything. Indeed, the heartbreak is almost unbearable, but it's the kind of risk I would always take.

However, there are times that I need to set things aside in order to achieve something that I longed for. This is one of those times. I made a choice to set aside my feelings and to obtain the only reason why I was in this situation in the first place.

I have to see my mom and in order to do that, I have to be selfish. Because if I don't... alam ko ang mga kaya kong gawin para lang siya ang maging valedictorian.

For me, that's what love is all about; being selfless. And as of now, I decided that I don't need that. What I need to do is to set my eyes on my goal.

"Serenity..." Hindi ko pinansin kahit pang-ilang beses na akong tinatawag ni dada.

Sa loob ng ilang buwan na hindi niya pag-uwi ay dumating siya kahapon. Sinabi yata sa kanya ni tita na sa kanila muna ako tumutuloy.

Kinaumagahan matapos kong malaman ang nangyari ay halos hindi ako makahinga sa konsensyang nararamdaman. Dala ang ibang damit ko at gamit ko ay umalis ako sa apartment namin.

Hindi ko kayang harapin si Steven dahil sa sobrang hiya. Kung tutuusin ay sobrang laki ng nagastos niya sa akin tapos sinabihan ko pa siya ng masasakit na salita.

Moreover, I need to focus on my studies now. Kailangan ko muna siyang isantabi dahil may mga bagay akong mas kailangang pagtuunan ng pansin. I should've done that before we reached this point.

Dumiretso ako kina tita at doon muna tumuloy. Sinabi ko lang na hiwalay na kami pero hindi ako nag-open up tungkol sa reason ng break-up. I just don't want to complicate things more. Ayoko ring may iba pang makaalam dahil hindi naman na nila problema 'yon.

"Nag-aaral ako, dada. Please, leave." I gave him a cold shoulder and continued reading my book.

"Anak... just hear my explanation."

Trust me, dada. I want to... kaso hindi pa ako ready sa ngayon. I wanted to hear his reasons pero gusto ko munang magpahinga. Besides, I need to focus again on my studies to make up for the three days of being absent in my class.

I was drained from everything and I knew I needed a break.

"Sa sunod na araw na lang po tayo mag-usap, dada. Kailangan ko pong mag-aral kasi may long test po kami bukas." I remained polite.

He sighed. "Sige. Sabihan mo ako kapag handa ka ng marinig ang mga paliwanag ko."

Pagkaalis niya ay agad umalpas ang hikbi ko.

Inalis ko ang aking salamin at yumuko sa aking braso. Hindi ko alam kung bakit kailangang humantong sa ganito.

Pagdating ko sa room ay sila Violet ang sumalubong sa akin. Agad nila akong tinanong kung kumusta na ang pakiramdam ko.

"Buti walang nagpa-quiz or recits nung mga nakaraang araw. Ito beh, kopyahin mo na lang notes namin. Hindi na namin ituturo kasi for sure makukuha mo naman siya kaagad." Inabot sa akin ni Marcus ang notebook niya na agad kong tinanggap at pinasok sa bag.

"Huwag muna kayong uuwi mamaya, ah. May study session pa tayo."

Tumawa si Cassandra sa pahayag ni Violet. "Gago, legit ba? Naririnig niyo bang nag-aaya ng study session si Vi? Ano nakain mo, 'teh?"

Sumimangot si Violet. "Ang sama-sama talaga ng ugali mo, 'no? Kaya ko lang naman gustong mag study session para kay Raya, okay? Para makahabol siya."

When I heard her statement, I leaned closer to her and rested my head on her shoulder.

"Thank you, Vi."

"Ano ka ba, parang others naman 'to. Maliit na bagay. Sabi mo rin naman 'di ba kailangan mo ng makakausap? Nandito kami!" She cheered me up.

Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko buong araw. Ang part lang na nahihirapan ako ay ang layuan at iwasan si Steven na hindi ko maiwasang makita lalo pa't nasa iisang classroom kami.

"Sabi ko naman sa'yo, beh. Huwag kang magjojowa ng classmate kasi tingnan mo ngayon, awkward kayo," bulong niya sa akin.

Lalabas kasi sana kami ng room para sa lunch nang saktong pumasok sila Steven kasama ang mga kaibigan niya. Dahil sa kagustuhan kong iwasan siya ay hinila ko ulit papasok si Violet bago humarap sa pader.

"Oo na, sorry na. Pwede na ba tayong bumaba kasi kanina pa ako nagugutom?"

Nagkibit-balikat siya bago humawak sa braso ko at sabay kaming bumaba sa cafeteria.

Gano'n ang naging routine ko sa school. Sa lahat ng pagkakataon ay iiwasan ko siya, kahit pa tumingin lang sa direksyon niya ay hindi ko ginagawa. Mabuti na lang din ay wala kaming groupings na magkagrupo kami kaya mas napapadali ang pag-iwas ko.

Even when he tried to talk to me, I would always make excuses to not have a conversation with him. After a week, he stopped trying and eventually mirrored my actions.

⌗˚ , ᜊ₊˚ ໑

"Mga bebe may damit na kayo?" Bungad ni Violet pagkapasok niya palang sa room. Umupo siya sa tabi ko bago naglabas ng cellphone at in-open ang online shopping app. "Ito pa lang nakikita kong maayos."

First week pa lang ng December pero ang pinoproblema niya na kaagad ay kung ano ang isusuot para sa Christmas Ball na sa third week pa.

Instead kasi na may classroom Christmas party ang mga senior high, nag suggest ang student council na magkaroon na lang ng pangkalahatang Christmas Ball. Hindi kami sigurado kung paano nila napapayag ang principal.

"Wala pa. Maghahanap pa lang ako mamaya, sama ka?" Sagot ni Cass sa kanya.

"Ako sasama," singit ko sa kanila. "Wala pa akong mahanap, e."

"Oo na! Pero after pa ng study session natin!" Inis na sabi ni Violet na masama ang tingin kay Marcus. "Ikaw, tumakas ka pa kahapon! Sabi mo masakit ulo mo tapos nakita ka namin kasama 'yung taga ABM!"

I laughed with her statement. It's true though. Mag-rereview sana kami kahapon but since tinakasan kami ni Marcus, dumiretso na lang kami sa mall para mag-arcade.

Consistent na rin si Violet na mag-host ng study session after class whether it be in their house or a coffee shop. Feel ko nga mas desidido pa siyang bumalik ang ranking ko kaysa sa akin. Gano'n siya ka seryoso na tulungan ako.

Since wala kaming klase ng last subject ay ginamit namin ang oras na iyon para makapag-aral sa library. Isang oras lang ang ginugol namin dahil pare-pareho kaming ayaw gabihin sa paghahanap ng isusuot namin.

We tried on different dresses that matched the theme of the ball which is glitz and glam. Marcus was the one who would rate our outfits and would give side comments that never fail to make us laugh.

After a week of being silent and crying with a heavy heart, I finally laughed again.

Alas sais na halos kami natapos sa pamimili ng isusuot. Si Cassandra ay nagpa-reserve na ng gown samantalang kami ni Violet ay maghahanap pa sa ibang shops. Hinatid nila akong tatlo sa bahay nila tita kung saan agad kaming sinalubong ni dada.

When they left, I remained silent as I walked inside the house.

"Saan po sila tita?" I asked him when I noticed that he was alone.

"May event 'yung pinsan mo kanina pa, magkakasama sila."

I nodded at his response before I went straight to the bathroom.

Pagkalabas ko ay nakahanda na ang hapunan. Nagulat pa ako ng makitang may nakaimplang matcha latte sa mesa kahit pa alam kong hindi nagtitimpla no'n si dada.

"Ginawan kita ng inumin mo... sabi ni Steven favorite mo raw 'yan."

Hearing his name was like a pinch on my heart.

Tahimik kaming dalawa habang naghahapunan. Inoobserbahan niya lang ang galaw ko at pakiramdam ko'y gustong-gusto niya akong kausapin pero nirerespeto niya ang desisyon ko.

"Dada..." I called him. I was facing his back while he did the dishes. "Ready na po akong pakinggan ang paliwanag niyo."

Huminga siya nang malalim bago nanunubig ang matang ngumiti sa akin.

Umupo kami sa sala bago siya nagsimulang magkwento. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko habang nakikinig ako sa kanya. Tuluyan akong humikbi nang malaman kong na-ospital siya.

"Dada... bakit naman hindi mo sinabi sa akin?" I'm frustrated as hell. Mahirap bang sabihin sa akin ang tungkol doon?

"I'm sorry, anak... ayoko lang kasing mawala ang focus mo sa pag-aaral. Ayoko ring mag-alala ka para sa akin..."

Napahilamos ako ng mukha dahil sa paliwanag niya.

"Mag-aalala ako dahil dada kita... pero sana sinabi mo na lang sa akin. H-Hindi na sana nahirapan si Steven sa sitwasyon..." humikbi ako. "Dada... bakit parang iniwan mo ako sa ere?"

"Nagkapatong-patong ang kailangan kong bayaran anak. Nagkaroon ako ng utang doon sa Davao tapos medyo malaki ang bayaran sa hospital. Lahat ng sahod ko napupunta sa pambayad ng utang," paliwanag niya.

"Pero nakakapag padala ka pa ng allowance ko, dada. Sana mas pinili niyo na lang pong bayaran ang bills kaysa ibigay sa akin ang pera."

"Ayokong magalit ka sa'kin kapag hindi ako nakapag-provide sa'yo..." Hinawakan niya ang aking kamay at niyakap ako. Nang marinig ko ang pagbasag ng kanyang boses ay parang binibiyak ang puso ko. "Anak, patawarin mo si dada... nalulong ako sa sugal habang nandoon. Ang nasa isip ko lang no'n ay mabigyan kita ng pera... hindi ko naisip na may ibang babayaran."

Nagpumiglas ako sa yakap niya nang marinig ko iyon.

That's so unreasonable. Hindi ko matanggap na nakaya niyang gawin iyon.

"Dada naman... S-Steven was the one suffering and I-I... oh my God..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sunod-sunod ang pag-iyak ko. "Dada si Steven... I said awful words to him. Nasaktan ko siya..."

"Shhh..." Hinagod niya ang likod ko. "Wala kang kasalanan, anak. Ako ang dapat sisihin dahil naging pabaya ako. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa kanya. Most importantly, kailangan ko ring humingi ng tawad sa'yo."

"Dada please... bayaran natin si Steven. He went through so much pain na..."

Bumalik ang lahat ng sakit na kinimkim ko dahil sa pag-uusap namin ni dada. Nanatili akong umiiyak sa kanyang braso na parang maliit na bata. He stayed with me until I finished crying and I calmed down.

Katulad ng sinabi ni dada ay araw-araw siyang bumabawi sa akin. Mayroon pa rin akong kaunting galit na nararamdaman at pakiramdam ko ay hindi ko pa kayang patawarin si dada hangga't hindi pa siya napapatawad ni Steven.

⌗˚ , ᜊ₊˚ ໑

Mabilis lang lumipas ang mga araw dahil hindi ko na halos napansin na huling araw na naming magkikita-kita bago mag Christmas break.

I was wearing a long fitted gown as I walked through the red carpet designed by the student council. My outfit has a low cowl neck style that revealed a small part of my chest. The fabric also hugs my shape perfectly as the slit reaches my mid thighs.

My hair was tied into a low bun and some strands of my hair were touching my face. The make-up artist decided to create a smokey eye make-up with a touch of sparkles on the corner of my eyes to match my gown.

Maganda rin ang set-up ng gym. May malaking puting christmas tree sa gilid ng stage at maliwanag na christmas lights na nakapalibot doon. Sa right side ng gym ay may photobooth at sa left side naman ang buffet. Marami ring regalo na nakapatong sa ibabaw ng table para sa mga students na sumali sa exchange gift.

"Ay ang ganda, oh! Pak na pak!" Sinalubong ako ni Marcus na nakasuot ng itim na crop top suit na kumikinang.

I twirled in front of him before winking that made us laugh. Sumabay sa amin si Violet na siyang nakasuot naman ng gold na gown.

"Slay! YinYang ang mag-best friend!" Rinig kong sigaw ni Cassandra na bagong dating.

Mabuti na lang ay nakaabot siya bago sarahan ang gate. Ang mga late comers daw kasi ay hindi na papapasukin. Magkakaroon kasi muna ng program proper at ilang performances bago kami mag-party.

"What is up, party people?!" Hiyaw ng emcee na nagpa-ingay sa amin. "Gusto niyo na bang magsimula?"

We yelled in response. Nagsimula ang opening remarks ng dean namin bago nag-start sa mga performance.

May mga dance number ang kada strand. Pagkatapos ng lahat ng grupo ay doon lang nag-open ang buffet para sa snacks. Habang kumakain kami ay nagpatugtog ng masisiglang music ang nagsisilbing DJ.

They played Christmas songs at first—calm and fit for the ball. However, when half of the crowd finished eating, they changed the music from Christmas songs to ones that you typically hear in a bar.

The audience went wild. Ang ibang estudyante tuloy ay sumayaw na kahit may hawak pang pagkain.

Nang maubos naming magkakaibigan ang amin ay agad kaming dumiretso sa gitna at nakipag-sayaw sa mga kaklase namin na nandoon na.

Mas lalo pang umingay nang piliin ang kanta ni DJ Khaleed na All I Do Is Win.

All I do is win, win, win, no matter what

Got money on my mind, I can never get enough

And every time I step up in the building

Everybody hands go up

"Putang ina, alak pa!" Sabay-sabay nilang sigaw—kasama na si Violet.

Lumaki ang mata ko habang natatawang nilingon si dean na halos mahimatay sa gilid nang marinig ang sigaw ng mga estudyante niya. Agad na pinuntahan ng isang teacher ang in-charge sa music na mabilis tumakbo palayo sa kanya.

Tuwang-tuwa kami habang pinapanood ang paghahabulan ng dalawa. Hindi nila alam kung ano ang uunahin—kung itigil ba ang music o habulin ang treasurer ng student council na may hawak na mic.

Nang muling umulit ang part na 'yon ay sabay-sabay ulit ang pagsigaw—this time, kasama na ako.

"Wait, guys!" Sigaw nung treasurer na hinihingal pa mula sa pagtakbo. "Palitan natin ng kaunti. Hindi ba kayo nagsasawa sa alak? Everybody say, 'putangina, mahal pa kita!'"

What the hell?

Kasabay ng samu't saring reaksyon mula sa ibang students ay tumili si Violet sa narinig niya bago itinaas ang kamay ko.

"G daw, sabi ng bff ko!" Natatawang niyang sigaw.

"Turn the music up!" The guy announced before the music played again.

All I do is win, win, win, no matter what

Got money on my mind, I can never get enough

And every time I step up in the building

Everybody hands go up

"Putangina, mahal pa kita!" I shouted at the top of my lungs and laughed.

May nakarinig siguro sa boses ko kasabay ng maraming tao dahil nang oras na para mag-perform ang Dynamics ay parang nananadya pa.

"Good evening, mga people!" Bati ni Cameron. "Na-miss niyo ba kami?"

Nang sumagot ng oo ang mga audience ay tumawa siya.

"Aww, sana all namimiss! 'Yung tropa ko hindi maka-relate!" Asar ni Cameron bago lumingon kay Steven na agad siyang sinamaan ng tingin.

Tumawa rin sila Josiah sa joke niya na nagpangiti sa akin. Ah, I missed them.

"At dahil senti ang kaibigan namin, sad song lang muna tayo, okay lang?" Masiglang sabi niya na parang nag-eenjoy pa.

Nang tumugtog ang intro ng kanta ay nagtilian ang mga tao. A familiar ache erupted on my chest when I heard the intro of Calein's Umaasa. Steven was the one playing the guitar solo that made it more intense.

"Nilibot ang tahanan... tagpuan, wala ka." Si Steven din ang kumanta ng first line.

Pa'no hihilom ang sugat

Na gawa sa pagmamahalan?

Pagmamahalan

"Ouch," side comment ni Cameron bago tumawa. "Feel ko naman par, mahal ka pa no'n."

Sa umpisa ng second verse ay si Cameron na ang pumalit sa pagkanta. "Buong araw kang inisip, mga sulat mo'y binasa..."

Pa'no ba titigil ang pagluha

Na gawa sa pagmamahalan?

Pagmamahalan

"Magbabalik ang nakaraan. Ibabalik ang pinagmulan. Umaasa... umaasa..."

Habang nag-peperform sila ay nag-exchange gift na. Hindi ako sumali dahil nagtitipid ako kaya imbis na tumambay ako roon ay dumaan ako sa C.R.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko—physically and socially. Masyado akong nag-enjoy sa party kaya ngayon ay drained na ang energy ko. Kailangan ko rin ng space dahil sumisikip ang dibdib ko sa loob.

Hindi ako bumalik sa gym. Dumiretso ako sa may quadrangle para makalanghap ng sariwang hangin.

I sat on the bench and looked up to the starry skies. I played with my fingers since I didn't bring anything with me right now—na kayViolet ang purse ko.

Ilang sandali pa ay nagulat ako sa presensyang naramdaman ko sa gilid ko.

I felt my heart skip a beat when I saw his face close again. He was wearing a gray sparkling blazer and a pair of black pants. He sat inches away from me before the silence enveloped us.

No one dared to speak. The only thing you can hear is the howls of wind and his heavy breaths.

"Kumusta ka?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Hindi ako handa makipag-usap sa kanya kaya hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na sumagot.

"Hindi ko alam..." I glanced at him. "Kumusta ka?"

He chuckled humorlessly before he met my gaze. "Can we talk?"

"About what?" I asked, confused.

"About us."

I was about to speak when he tore his gaze away from me.

"I hate you..."

Those three words served as a dagger that pierced my heart. Hearing his voice filled with sorrow and pain was enough to make my lips tremble.

"...I hate that I love you so fucking much—it hurts." His voice was laced with regret. As if pinagsisisihan niyang minahal niya ako.

"I-I'm sorry..." that's the only thing I could say as my eyes glistened with tears.

"I hate how you easily ended things with me when we could talk about it. Bakit parang ang bilis lang para sa'yo na pakawalan ako?" Hinanakit niya.

Tuluyan akong napahikbi nang marinig ko iyon.

"You made an impact on my life, Hiraya. Because of you, I realized that music is not the only one who can make me happy. Because of you, I had someone I could tell random stories to, someone who could appreciate my songs, someone who would..." his voice cracked. "S-Stay by my side. I experienced great things with you, hirang."

My nose burned when I heard him call me by that name. My tears cascaded down my cheeks when he looked at me.

His eyes were bloodshot. When he gave me a loving smile, I completely lost it.

"I'm sorry for leaving you..."

Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang pagpisil niya rito.

"Shh... ayos na. I understand why it had to end... naiintindihan ko na," he said and looked up to prevent his tears from falling. "H-Hindi na ako galit."

Bumitaw ako sa hawak niya bago ginamit ang aking kamay para takpan ang aking mukha. Sunod-sunod akong umiling sa kanya.

"No, p-please. You have the right to be mad. K-Kahit sigawan mo ako or murahin, okay lang..." I sobbed.

"Hiraya please... we're tired. Wala na rin namang magbabago kahit magalit ako sa'yo."

I broke down in front of him. Mahigpit akong napakapit sa inuupuan ko dahil sobrang nanghihina ang katawan ko. Kailangan ko pang habulin ang hininga ko dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"I'm so tired, Hiraya. I'm tired of feeling any emotion that is caused by you. I'm tired of being mad, confused, and sad because of you. Naiintindihan ko naman na ang reasons mo, hindi pa ba 'yon sapat?"

His feelings are valid and he has a right to be tired.

He leaned closer to me and cupped my face. He rested his forehead on mine before closing his eyes.

"I'm b-breaking up with you, too." He was crying. I could feel his damp skin against mine. "We have more important things to focus on. Mas kailangan natin iyong pagtuunan ng pansin. We could sacrifice this love, but not our future," he whispered.

So this is what he felt when I broke up with him, huh? I never knew it hurt like someone was tearing my body apart. It felt like my world came crashing down and no one was there to pick me up.

Amidst the hiccups and sobs I made, I smiled at him.

"I-It's okay—" hindi ko tinuloy ang sasabihin ko dahil nanginginig ang labi ko. "I'm sorry again, Steven."

He handed me my keys to our apartment that I left behind.

"You can come anytime if you want to get your things. Hindi kita pipigilang pumunta roon."

I nodded at him. "Thank you."

Huminga siya nang malalim bago ako hinalikan sa noo nang matagal.

"Padayon, Hiraya. I am always proud of you."

With that, he stood up and walked away from me. He didn't give me a second glance and did not even bother to look back.

I was left with a heavy heart. I hugged my body and cried with myself.

Ah, it hurts like hell. 

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

elluneily 🌷🍰🎫

Continue Reading

You'll Also Like

27.4K 2.2K 35
Victoria Maxenne Villanueva, a 'go-with-the-flow' woman who was contented with what life threw at her, but there was this man named Zack William Hiso...
1.6K 74 56
an epistolary ; aeryka & archer
9K 653 163
pov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this cha...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.