Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

141K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 16

2.5K 55 92
By kemekemelee

Mess

After two months, nagkaroon na rin ako ng sarili kong lisensya. I can finally go wherever I want without worrying about our driver. Sobrang hassle din kasi na lagi akong hinahatid at sinusundo. Mabilis naman akong natuto sa driving school kaya nakapasa agad ako sa driving test.

Now that I have my driver’s license, partying every night has become a habit I can’t shake off. Habang tumatagal ay hinahanap na ng katawan ko ang night life. I feel like my week isn’t complete without some alcohol rushing through my veins.

“I think deserve nating malasing pagkatapos ng midterms,” nangingiti kong saad habang busy kami na mag-review dito sa library.

“Naghahanap ka lang talaga ng dahilan para uminom,” bulong ni Courtney sa akin.

“Mali ba ako? After ng hell week, deserve natin ng heaven!” humagikhik ako kaya narinig ko ang saway ng librarian.

Autumn glared at me. Kung ikukumpara kasi ay si Autumn ang seryoso mag-aral sa aming tatlo. Nasa average side naman si Courtney, habang ako naman ang bulakbol. Passing naman pero malapit na sa laylayan.

“Saka mo na isipin ang alak, Darlene. Unahin mo muna kung paano tayo papasa sa Bio Stats,” inabot niya naman sa akin yung reviewer niya. “May extra copy ako ng reviewer ko. Basahin mo tapos saka ka uminom kapag lahat tayo pumasa, okay?”

I nodded. “Thank you, Autumn. Sagot ko na talaga lahat kapag pumasa ako. Nyeta kahit nga pasang-awa lang ayos na sa akin!”

“May reviewer ka na rin ba sa Gen Zoo?” tanong ulit ni Autumn.

“Meron na. May mga naiwan na reviewer si Kuya noon kaya dinampot ko na lang. Halos parehas lang din naman ang content,” sagot ko.

“Good,” tumango-tango si Autumn. “Saka na natin pag-usapan ang party kapag nakapasa tayo.”

It was a very long week for me. Hindi ko nga maisip na kaya ko palang mairaos! Babad na babad pa ako kaka-review kaya sa tingin ko maayos naman ang performance ko sa exam. Kahit hindi na highest basta pasado.

“Tangina alam niyo ba? Sa sobrang review ko napanaginipan ko na yung Bio Stats,” kwento ko kay Autumn at Courtney habang nakain kami.

“Same!” Courtney chuckled. “Naging tao raw yung reviewer ko tapos hinabol ako. Akala ko bangungot na buti na lang nagising ako.”

“Pero sa tingin niyo okay naman ang performance niyo?” nag-aalalang tanong ni Autumn.

Umakto akong nagdadasal. “Si St. Ignatius na ang bahala.”

Humagalpak naman sila ng tawa. Naiiling na lang ako habang naiisip ang santo ng university namin. So far, maayos naman pala ang school na ito. Nasa tamang circle din ako dahil never kong naramdaman ang competition sa aming tatlo. Sabi nila hindi raw nagwo-work ang trio pero sa tingin ko, depende naman iyon.

I scribbled some of my notes. Ang highlights kasi ang natatandaan ko sa tuwing nagsasagot ako kaya malaking tulong talaga iyon. Kung kulay pink ba ang keyword or kulay green. Ah, basta! Sa gano’n ako natututo kaya kaniya kaniyang trip na lang ito.

“Since tapos na ang midterms. Pwede na siguro tayong mag-night out bukas?” I smiled sweetly.

Autumn nodded. “Sama ako! Yayain na rin natin yung mga kasama natin sa dance troupe para mas madami.”

“Chat ako sa GC. Sabihin ko si Darlene na ang bahala sa gastos,” sabi ni Courtney.

“Hold on,” hinawakan ko naman ang braso ni Courtney. “Baka maubos allowance ko. Hindi ko sagot, ah! Kayo lang kaya ko ilibre.”

Tumango naman si Courtney. Sandali naman silang natahimik dahil mukhang nagkayayaan na sila sa group chat. Nilibot ko na lang ang tingin ko at mula dito ay kita ko ang pamilyar na mukha.

Nakapamulsa si Enoch habang naglalakad papunta rito sa canteen. Kasunod niya rin ang mga kaklase niya. Teka lang. Ang layo ng department nila dito. Paanong napadpad sila dito?

“Uy, malapit na pala UAAP. Sino na ba captain ng basketball team ngayon?” tanong ni Autumn.

Nilingon naman ako ni Courtney. “Si Enoch na ba? Naka-graduate na kasi si Franco diba?”

“Siguro? Bakit ako tinatanong niyo?”

Hindi pa sila nakakasagot nang maramdaman ko na may malaking tao na nasa likuran ko. Paano ba naman kasi ay kitang-kita yung anino sa lamesa namin?!

Nag-angat naman ako ng tingin kay Enoch. Malaki ang ngisi niya habang nakatingin din sa akin. Parang gago lang! Akala mo Diyos na tinitingala ko dahil sa sobrang tangkad.

“Napadpad ka dito?” iritado kong tanong.

He raised both of his hands. “Chill ka lang. Nasa iisang school lang tayo. Bawal ba ako dito?”

“Hindi naman. May malapit naman na kainan sa department niyo kaya bakit dito pa?”

“Uy, huwag ka magdamot. Parehas lang tayo ng binabayaran na tuition,” humalakhak naman si Enoch at ginulo ang buhok ko.

I scoffed. “Mama mo tuition.”

“Mali,” he smirked. “Mama ko, mama mo soon.”

Ang tarantadong iyon! Sinubukan ko naman siyang sapakin pero naglakad na siya papalayo. Iwinagayway pa ang isang kamay at halatang nang-aasar pa.

Halos malaglag naman ang panga ni Autumn at Courtney habang nakatitig sa akin. Muli pa nilang sinulyapan si Enoch na nakapila na para siguro bumili ng makakain niya. Nagkibit na lang ako ng balikat.

Ang lakas talaga ng tama ng isang iyon! Nangungulit pa rin kahit ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko sa kaniya. Hindi pa rin natinag dahil lang pinakitaan ko ng interes noon.

“Close kayo?!” bulalas ni Autumn sa akin.

Umiling ako. “Feeling close lang siya.”

“Siya pa talaga?!” saad naman ni Courtney.

“Uy, tangina nito. Ayaw maniwala! Siya nga kasi nakikipag-close sa akin.”

Humalukipkip naman ang dalawa. Palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Enoch na umupo malapit sa table namin. Ramdam ko rin ang nanunusok niyang titig sa akin.

Gusto ko ng celebrity boyfriend, okay? Pero hindi naman si Enoch ang gusto ko! Si Simon po. Baka mamali ng dinig itong si Lord. Kailangan ko na yata maging specific sa mga dasal ko.

“So, gusto ka niya?” tanong ulit ni Autumn.

“I don’t know. Hindi naman ako naniniwala sa kaniya,” sagot ko bago ko hinigop yung sabaw ng ramen.

“Alam mo bang hindi pa nagkakaroon ng girlfriend si Enoch?” si Courtney naman iyon.

“Alam ko. Big deal ba?”

Sabay naman silang tumango. “Big deal talaga!”

“Hindi ko siya gusto. Kung gusto niyo inyo na iyan. Reto ko na lang,” dire-diretso kong sinabi.

Natahimik naman ang dalawa. Umarko ang kilay ko nang makitaan ko ng ningning ang mata nila. Tanginang iyan! Mukhang gusto pa yata nila maireto kay Enoch.

“Imagine ikaw ang first girlfriend ng isang Enoch Sandoval. Ang swerte mo siguro,” Courtney said dreamily.

Halos mangiyak-ngiyak na ako sa anghang ng ramen tapos sila parang lunod na sa daydream nila kay Enoch. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa kinakain ko. Si Simon lang ang gusto ko kahit hindi na naman kami nag-uusap.

Punyeta talaga oh! Kung sino pa ang gusto ko, siya pa talaga ang mahirap hagilapin. Kung sino naman ang hindi ko gusto, siya naman ang madalas kong makita.

“Kung ayaw mo kay Enoch, sino naman ang gusto mo?” tanong ni Autumn na sa wakas ay natapos na sa daydream niya.

I smirked. “Si Simon.”

“Dudang single ang isang iyon. Baka nga may secret relationship sila ni Kendra, yung sikat na model!” sabi naman ni Courtney.

“Single si Simon!” bahagya namang tumaas ang boses ko.

“Uy, parang seryoso iyan. Siya talaga bet mo?”

Tumango ako. “Oo nga kasi.”

“Si Levi naman bet ko sa kanila. Ang gwapo kasi!” napatili naman si Courtney.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sabi ko na nga ba at hindi na naman sila maniniwala sa akin. Iisipin lang nila na ang pagkakagusto ko kay Simon ay kapantay lang ng pagfa-fangirl.

“Si Jagger naman sa akin. Ang cute ng eyes niya. Parang laging nakangiti,” dagdag pa ni Autumn.

“Pero usapang totoo naman. Sino ba talagang bet mo, Darlene? Bakit ayaw mo kay Enoch?”

I sighed. “Si Simon nga.”

“I mean yung totoong tao kasi!” giit pa ni Courtney.

“So, sinasabi niyong hindi tao si Simon?”

“Be realistic kasi,” singit naman ni Autumn.

It’s the same deal with Euphony. I always give honest and real answers, but they just see me as someone who’s just admiring Simon. They keep making me feel like he is just an impossible dream.

Habang tumatagal mas nararamdaman ko lang na baka tama nga sila. Mahirap talagang abutin si Simon—na dapat makuntento na lang tayo sa malayo.

Malayo sa gulo. Malayo sa sakit. Malayo sa kaniya.

“Wala akong nagugustuhan. Realistic na ba iyan?” I smiled fakely.

Mas naniwala naman sila sa sagot kong iyon. Kaya mas mabuti pa talaga na magpanggap na wala akong nagugustuhan kaysa ipangalandakan na may connection kami ni Simon. Iisipin lang nila na isa akong delusional fangirl. Hindi nararapat sa mundo ni Simon.

Nag-decide kami na ialay ang weekend para sa night life namin. I think deserve namin uminom pagkatapos ng midterm exam na halos dalhin na kami sa impyerno. I just wanna get so drunk that I end up crawling on the floor—totally wasted.

“Gusto niyo pa bang daanan ko kayo?” tanong ko kay Autumn at Courtney habang magka-video call kami.

Autumn shook her head. “Ayos na ako. Nag-book na ako ng joyride para makapunta sa lugar.”

“Joyride?” takang tanong ni Courtney. “Hindi ba maasim yung helmet niyan? Ang dami na kayang gumamit no’n!”

I nodded. “Courtney is right. Dadaanan na lang kita Autumn.”

“Edi taxi na lang. Ayos na ako. Magkita na lang tayo doon,” sagot naman ni Autumn.

“Alright. See you mga girlfriend ko,” I blew them a virtual kiss.

After wrapping up the video call, I got myself ready for the long night ahead. I sported a black feather bandeau crop top with some flared leather-coated pants. Mahaba ang binti ko kaya mas lalong bumagay ang pants na pinili ko. Nagsuot din ako ng kwintas para hindi magmukhang plain ang pang-itaas ko.

I tied my hair up in a very high ponytail, letting some strands fall casually on the sides of my face. Mas lalong na-emphasize ang collarbones ko dahil sa pagkakatali ng aking buhok. And to make myself look taller, isinuot ko rin ang black stilletos ko.

Before stepping out, I glanced at myself in the mirror, and I’ve never felt this good in my entire life. I look amazing! Mas lalo akong nagmukhang Latina dahil sa outfit ko.

“You’re going out again?” tanong ni Daddy sa akin nang namataan niya ako.

I nodded and kissed his cheek. “I’ll be back in the morning, Daddy. I love you.”

“Magagalit na naman ang Mommy mo sa’yo.”

“Ikaw na po ang bahala,” I giggled.

Napailing naman si Dad kahit natatawa na rin. Kung tutuusin ay mas maayos ang relationship namin ni Daddy kaysa kay Mommy. Pinagtatakpan niya rin ako minsan lalo na kapag umaga na ako nauwi.

“Take care of yourself, okay?”

“Uuwi po akong buo,” humalakhak ako.

“May shift pa kami ng Mommy mo. Umuwi ka na lang bukas, ha? Bibisita raw dito ang Kuya Adam mo.”

Kumunot naman ang noo ko. “Akala ko po ba aalis na sila papuntang Poland?”

“That would be one week from now. Dito muna sila hanggang sa date ng flight nila,” sagot naman ni Daddy.

“I’m going to miss Kuya Adam,” I pouted.

“He’s heading to Poland for some research. Sundan mo ang Kuya mo kapag nakatapos ka na para mas maintindihan mo.”

Sandali pa kaming nag-usap ni Daddy tungkol sa pagma-migrate ni Kuya at ng pamilya niya sa Poland. Hanggang ngayon nga nabibigla pa rin ako pero mas mabuti na raw iyon dahil matagal daw talaga ang research na gagawin nila doon. Wala rin akong alam tungkol sa research na iyon dahil hindi rin naman sinasabi sa akin nila Daddy.

Ah, bahala sila! Sila lang din naman ang nagkakaintindihan kaya hindi ko na rin dapat alamin kung ano ba talagang pakay nila sa ibang bansa.

Loud music blasted into my ears the moment I walked into the bar. Masyadong hyper ang mga tao kahit nagsisimula pa lang ang gabi. May mga nakita pa akong schoolmates kaya napapahinto pa ako para batiin sila.

“Autumn! Courtney! Kanina pa kayo?” agad ko naman silang nilapitan para yakapin.

Binati ko rin ang mga kasamahan namin sa dance troupe. Kanina pa pala sila dito tapos ako itong late. Medyo tumagal pa kasi ang kwentuhan namin ni Daddy bago ako nakaalis.

“Uy, may pasabog daw ngayon,” bulong sa akin ni Courtney.

Inabutan naman nila ako ng shot glass at agad ko iyong ininom habang may binubulong sa akin si Courtney.

“Ano naman iyon?” tanong ko.

“Tutugtog daw Equinox ngayon!” tumili pa siya.

Muntikan ko nang mabitawan yung shot glass na hawak ko. Pati yung lemon nakagat ko pa ng buo punyeta! Sa lahat ba naman ng pagkakataon, ngayon pa talaga?!

“Anong oras daw?” I asked her.

“In just a few minutes. Inaayos lang yung stage oh,” nginusuan niya naman kaya napalingon ako.

Kaya pala medyo crowded ngayon. Bukod sa weekend ngayon, mas lalo pang naging siksikan dahil guest pala sila ngayon. I mean matagal na rin ang huling beses na nakita ko si Simon. Naging hiatus din ang fansite namin dahil lahat kami busy sa school.

Gusto ko siyang makita ulit pero hindi naman sa ganitong pagkakataon. He ghosted me! Ilang buwan kaming hindi nagkausap kaya ngayon na lang ang una naming pagkikita pagkatapos ng conversation namin.

“Sakit ng paa ko. Upo muna ako,” iritado kong saad bago umupo.

May mga dumaan pang mga ka-schoolmate ko kaya kinawayan ko naman sila.

“Hi, Darlene! Ang ganda mo ngayon,” komento ng babae na sa tingin ko galing sa ibang department.

I frowned. “So, sinasabi mong ngayon lang ako maganda?”

“I mean mas lalo kang maganda ngayon!” humalakhak naman siya.

Sunod-sunod kong tinungga yung alak hanggang sa maramdaman kong nainitan na ang lalamunan ko. I’m getting all fired up. Lalo na nang marinig ko ang boses ni Simon na binabati ang crowd.

Kahit sa pwesto ko, malinaw pa rin sa akin ang naging changes sa itsura niya. Mas lalong humaba ang buhok niya. Abot na iyon hanggang sa balikat niya. Nawala na rin ang highlights pero mas kapansin-pansin na ang tattoo niya sa leeg.

He looked taller than before, or maybe it’s just because I haven’t seen him in four long months. Wearing a black tank top and denim jeans, Simon never fails to make me lose my senses. He’s just breathtakingly beautiful and handsome at the same time.

“Ang gwapo talaga tangina,” komento ko habang nilalagok na naman yung alak.

“Lapitan natin?” udyok ni Autumn.

Hindi pa nga ako nakakasagot pero hinila na nila ako. Siksikan na nga pero nagawan pa nila ng paraan para makalapit. Ngayon tuloy ay halos kaharap ko na sila. Hindi rin naman gano’n kataas ang stage kaya pwedeng pwede mo sila maabot.

Tumingala ako nang bahagya para mas makita si Simon. At kahit nagtatalunan na ang mga tao sa paligid ko, para pa rin akong inugat sa pwesto ko na nakatingin lang sa kaniya.

“She lets me down, then gets me high. Oh, I don't know why she's just my type.”

Ngumisi naman si Simon at lumipat sa kabilang banda ng stage. Tumalon naman siya at tinuro ang crowd kaya sinabayan naman siya ng mga tao.

“She’s bad advice. I don’t think twice. Oh, I don’t know why she’s just what I like.”

Kinindatan niya pa yung isang babae na malapit sa kaniya kaya naman nakita ko kung paanong halos magwala yung babae. Mahina pa siyang natawa habang naglalakad pabalik sa gitna.

Sandaling nagtagpo ang tingin namin. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya pero umiling siya habang pabalik na sa dati niyang pwesto—sa unahan ko.

Pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Kinuha niya ulit yung mikropono at yumuko—diretso sa akin ang tingin. Inangat niya ang isang kamay niya para haplusin ang pisngi ko. Pakiramdam ko inugat ako sa kinatatayuan ko.

Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Wala na akong ibang maisip kung hindi si Simon na nakayuko habang hawak ang pisngi ko. Mas lalo ko pang narinig ang sigawan ng mga tao sa likuran dahil sa lapit niya sa akin.

“But I, I, I love it. I, I, I love it. Love the way she plays with my head,” he sang those lyrics, just staring right at me!

Agad din siyang umahon at pumunta sa ibang pwesto. Habang ako, parang hindi na makaalis sa kinatatayuan ko. The fuck is that?! Alam ko namang ginawa niya lang iyon para sa crowd pero bakit ako pa ang napili niya?!

“She lets me down, then gets me high. Oh, I don't know why she's just my type.”

Parang hindi na ako nag-function kahit pa sobrang ingay na ng paligid. Limang kanta lang naman ang tinugtog nila dahil pagkatapos no’n ay parang nasa VIP area na sila. Mukhang iinom din ang Equinox pero mas gusto ng privacy.

“Ang ganda mo talaga. Sa sobrang ganda mo, ikaw pa ang napili ni Simon na hawakan!” kinikilig na sabi ni Autumn.

“Sa totoo lang! Parang hindi rin malabo na magustuhan iyan ni Simon. Sa dami ba naman ng babaeng maganda dito, si Darlene pa talaga!” bulalas ni Courtney.

Umiling naman ako at kinuha yung shot glass. Dire-diretso kong nilagok iyon. Padarag ko ring kinagatan yung lemon sabay kuha sa nachos.

“Bakit parang hindi ka pa masaya? Hindi ba bet mo si Simon?” siniko ako ni Autumn.

Umismid ako. “Nagkataon lang iyon.”

Gusto ko sanang magpadala sa sinasabi ni Autumn pero natuto na ako. Ito naman ang hilig na laro ni Simon. Magbigay ng mixed signals. Iparamdam sa akin na interesado siya tapos sa huli, hahayaan lang ako sa ere. Ang gago gago niya pero kahit gago siya gusto ko pa rin talaga siya. Kainis talaga!

“Sus ako nga kinikilig kanina! Parang bagay kayo,” dagdag pa ni Autumn.

I sighed deeply. Naramdaman ko ring nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon.

sgbenitez

Still here?

secret

Wanna leave this place?

no thx

Agad ko namang tinago ang phone ko dahil sa nakakairita niyang message. Sunod-sunod ko ulit na nilagok yung alak bago ko hinila ang mga kaibigan ko sa dance floor.

“Let’s dance!” yaya ko sa kanila.

Dumiretso naman kami sa dance floor. Lumalalim na rin ang gabi pero parang hindi man lang ako tinatamaan ng alak. Parang tumaas na yata ang alcohol tolerance ko!

“Uy, tangina niyo. Kung manlalalaki kayo ngayong gabi, magsabi kayo sa group chat,” natatawa kong sinabi sa dalawa kong kaibigan.

Courtney chuckled. “Alright!”

Ilang minuto pa kaming nagsayaw. Nawala na rin silang dalawa sa paningin ko kaya nag-solo na lang ako. May mga nakasayaw pa akong schoolmate ko at ang ilan ay ang mga sikat pa na model!

Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko, napansin ko namang may pares ng mata na nakatingin sa akin. Tumingala ako at nakita ko si Simon sa second floor. Katabi niya si Levi na busy kausap yung isang babae. Magkasalubong ang kilay ni Simon habang may hawak na baso ng alak.

And for some reason, nawala na ako sa mood. Mukhang ayaw niya rin ako lubayan ng tingin kaya kinuha ko na ang mga gamit ko para lumabas sa bar. Sira na ang gabi ko! Hindi ko na mae-enjoy iyon kung alam kong may nanonood sa akin. Magsasabi na lang ako sa group chat namin dahil sa biglaan kong pag-alis.

Agad na nahanap ng mata ko ang kotse ko. Since convertible naman ito, bubuksan ko na lang ang bubong mamaya para makahinga ako habang nagmamaneho. Papasok na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko.

“Putang— Simon?!” bulalas ko.

Mas lalo niya naman akong hinapit sa kaniya. May suot na siyang jacket at cap kaya hindi mo siya mamumukhaan agad.

“Where are you going?” he whispered huskily.

“Ano ba?! Let go of me nga!” binawi ko naman ang braso ko.

Nanatili akong nakasandal sa kotse ko. Siya naman ngayon ay halos malapit na sa akin.

“Sama ako,” sabi niya.

I frowned. “Oh, bakit pinapansin mo na naman ako? Malungkot ka na naman? Distracted ka na naman kaya nage-exist na naman ako sa’yo?”

Huminga naman siya nang malalim at umiling.

“I missed you,” he answered.

“Miss mo lang ako kasi malungkot ka?”

Umiling siya. “I really do.”

“Bolero amputa. Sinasabi mo lang iyan para pumayag ako.”

“I’m sorry for ignoring you.”

Sandali naman akong napahinto sa sinabi niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang nagsusumamo yung boses niya.

At ako naman itong mabilis mauto, bumigay agad dahil lang sa isang sorry niya.

“Sakay ka na,” I weakly said.

Hinintay ko siyang makapasok sa loob. Binalot naman kami ng katahimikan kaya pinaandar ko na ang kotse kahit hindi ko alam kung saan pupunta.

“Where are we going?” he asked.

“I don’t know. Gusto mo sa South?”

He nodded. “Pwede rin.”

“Alright. Halika sa Tagaytay.”

Binuksan ko ang Waze sa phone ko para sa directions. I also turned on the stereo para naman hindi awkward. At least may music para hindi naman masyadong tahimik.

Nanatili kaming tahimik. Mukhang wala ring may balak na bumasag sa katahimikan. I sighed. Ano ba naman kasing aasahan ko? Apat na buwan kaming hindi nagpansinan kaya parang may pader na sa pagitan namin.

“Kamusta ka?”

“How are you?”

Nakagat ko ang labi ko nang parehas kaming nagtanong sa isa’t isa.

“Ayos lang.”

“I’m fine.”

Sabay na naman kaming sumagot kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. Nilakasan ko na lang ang volume ng music para naman maging maingay kahit papaano.

“Kung hindi mo ba ako nakita kanina, hindi mo ba ako maaalala?” matapang kong tanong sa kaniya.

“Lagi naman kitang naaalala.”

“Pero hindi mo naman ako kinakausap,” sagot ko.

“I am just...” natahimik naman siya kaya umiling ako.

I chuckled. “See? Naaalala mo lang talaga ako kapag malungkot ka.”

“But this is what we talked about, right?”

Mapakla akong natawa. Nilingon ko ang paligid at napansin kong malapit na kami sa South. Nagugutom na rin ako kaya sana may Mcdo kami na madaanan.

“Usapan na ikaw lang ang nag-benefit. Asan ka no’ng ako naman ang may kailangan sa’yo?” I jokingly laughed para naman hindi masyadong mabigat ang atmosphere.

“Ang daya mo rin. Mutual agreement pero ikaw lang naman nakikinabang. Paano naman ako kapag malungkot ako?”

Sinipat ko naman ang phone ko at nakita kong may malapit na rin na Mcdo. Mabuti naman dahil nagugutom na talaga ako.

Yumuko naman siya. “I’m really sorry, Darlene.”

“Syempre wala ka namang masasabi kung hindi sorry lang at wala naman akong magagawa kung hindi patawarin ka,” humalakhak ako. “Unfair ka talaga, Simon.”

“I just don’t want you to get tangled up in my miserable life because you don’t deserve it,” he said sincerely.

“Kung ayaw mo pala akong madamay edi sana una pa lang hindi mo na ako niyaya sa ganitong arrangement.”

I heard him sigh. “Then maybe you’re right... selfish nga talaga ako.”

Huminto kami sa tapat ng drive thru. Binuksan ko ang window at hinarangan ang view ni Simon para hindi siya makilala ng crew. Mahirap na at baka ma-issue pa ako sa kaniya.

“Hello po, may I please have your order?”

I scanned my Mcdo application and enumerated my orders.

“Noted po. Is there anything else you want to add?” the crew asked.

I raised my hand. “Hold on. Tatanungin ko lang po itong kasama ko.”

Inangat ko muna ang window para matanong ko si Simon.

“May gusto ka pang idagdag?” I asked him.

He shook his head. “Ayos na iyon,” inabot niya naman sa akin yung card niya. “Sagot ko na.”

Umiling naman ako at tinulak ang kamay niya.

“Ako na.”

Ilang minuto pa kaming tahimik na naghintay sa order namin. After naming makuha yung order, agad akong nagmaneho dahil malapit na rin naman kami sa Tagaytay.

Makalipas yata ang halos dalawampung minuto, nakarating na rin kami sa Tagaytay. Hininto ko ang kotse ko sa isang secluded na area. May mga damuhan pero hindi naman mukhang delikado. Binuksan ko na rin yung bubong ng kotse namin habang kinukuha ko yung pagkain na binili namin kanina.

“Malungkot ka diba? Mcdo therapy is good,” inabot ko naman sa kaniya yung cheeseburger.

Nagtataka niya naman akong tiningnan. Umiling na lang ako habang binubuksan yung nuggets at fries. Inabot ko na rin sa kaniya yung coke float.

“Dito na lang muna tayo. Wala namang tao tapos mahangin pa,” I smiled at him.

“Thank you, Darlene.”

“For what? Hindi ba ito naman talaga ang usapan natin? Tinutupad ko lang,” I meaningfully said.

Umiling na lang ako at tumingala sa kalangitan. Tahimik akong kumain habang dinadama ko ang malamig na hangin.

“I feel bad.”

Nilingon ko naman siya. “Don’t be.”

“Kapag hindi na kita nasisipot, bumili ka na lang sa Mcdo kapag malungkot ka,” dagdag ko pa.

“Nagpapaalam ka na ba sa akin?” mahinang tanong niya.

“Siguro? Ewan ko rin. Tinuturuan lang kita para hindi mo na ako kailanganin.”

“Paano ka?”

“Paano ako?” tinuro ko naman ang sarili ko. “Independent woman yata ito. Kaya ko na ang sarili ko.”

“But maybe I can help...” napapaos niyang sagot.

Huminga ako nang malalim. Naglakas na rin ako ng loob na titigan siya. Dahil maliwanag ang buwan, mas lalo kong napansin ang lungkot sa mga mata niya.

“I asked for your help once, but what did you do?” I said, almost whispering.

Simon nodded. Binalot kami ng katahimikan at wala na ring nagsalita. Mas mabuti na rin dahil hindi ko na rin talaga alam ang sasabihin ko.

I really like Simon, and sometimes I feel like my feelings for him go beyond just 'like'—it’s almost an understatement. Before diving into this, I thought being available would be easy as pie, but I never imagined it could be so draining and exhausting.

I still like him, but I am done chasing him.

“Darlene... I’m fucked up... I’m terrible... I want you by my side... I really do... but I’m scared, really scared...” he covered his face with both of his hands.

Sabihin mo ang hinihintay kong marinig, Simon. Marinig ko lang mismo sa’yo, kakalimutan ko ang lahat ng binabalak ko.

“My life is just miserable, and you’re perfect... you’re almost like an angel... and you don’t deserve my world. You don’t deserve me—you don’t deserve a miserable life with me...” he said softly, his voice laced with sadness.

I just hope he stops talking in riddles. What I need is clear words from him!

“Simon, do you like me?” I asked him.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at dahan-dahan ko iyong binaba para makita ko ang mukha niya. He sadly smiled at me.

“I’m a mess,” he answered.

Nakuha ko na ang sagot sa tanong ko.

Continue Reading

You'll Also Like

367K 11.6K 44
LOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal fait...
1.1M 21.3K 49
The Prestige Series 1 Layana never liked the idea that her first love suddenly left her without any warnings. For her, a demon is real. It has a face...
51.5K 3.3K 45
Band Series #1 || Kaye Serenity Saavedra desperately came back to Philippines after being forced to study abroad. She gets involved with Cyrus Louis...
14.8K 457 34
Date Started: November 01, 2021. Date Ended: January 19, 2022. - Sienna Dawn Conley mabait at mapagbigay. Lumaki sa mayamang pamilya kaya nakukuha ni...