Hidden Pages

Por Chencheniah

4 3 0

ANDRIANA KATE HERMOSA slash Bookworm. Babaeng handang ipagpalit ang lahat para lang sa libro. Parang baliw na... Más

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17

CHAPTER 15

0 0 0
Por Chencheniah

CHAPTER 15

Masyado akong maraming vacant time ngayon kaya naisip ko na tumambay muna rito sa cafeteria habang umiinom ng iced coffee. Wala rin akong maisip na gagawin. Mabuti pa si Venzyl, nagdi-date sila ni Zyrel. Ako kaya? Kailan kaya ako yayayain ni Trevor?

Celeste, what page ka na sa Until We Meet Again? rinig kong sabi nang babae sa may katabi kong mesa. Tuloy ay naantig ang interest kong making sa kanila. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko nahanap ang libro ko. Gusto ko nga sanang maktsismis sa kanila kaso parang ang awkward naman kapag ganoon. Hindi ko kasi sila kilala and for sure magtataka sila.

Sa mga pinagsasabi nila, parang nawalan ako ng gana. Nakapanghihina. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako, sasaya, mabahala, o ano. Pakiramdam ko ay hindi ko na alam ang gagawin basta nalaman ko na lang na nandito na pala ako sa labas ng cafeteria dala ang iced coffee pero wala nang straw at hindi ko alam kung saan ito nalaglag o naiwan ba.

Nakikita ko talaga panginginig ng kamay ko na kahit cellphone ay hindi ko na magawang hawakan ng maayos. Iyong mga tao sa paligid ko ay parang wala ng boses at tila naging mabagal ang kanilang mga kilos. Hindi ko na alam. Nalilito na ako. Para na akong nababaliw na ewan.

Hey. Andriana, a-are you okay?

Para akong nagising at natauhan nang yugyugin ako ni Trevor. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-alala at tinatanong kung bakit ako nagkaganito. Gusto ko mang ibuka ang mga bibig ko para magsalita ngunit hindi ko magawa. Parang ang hirap na.

Whos that guy? rinig kong tanong ng isang babae sa likod ko at nagsimula na naman ang iba na magbulong-bulongan.

Oh see, I am right. Andriana, is such a f*cking daughter of a bitch! Pinagsabay ba naman ang dalawang lalaki!

Can you just stop your f*cking mouth?! Mag-aral ka ng mabuti, huwag puro dada, biglang sigaw ni Trevor doon sa mga babaeng kung anu-ano na lang ang pinagsasabi tungkol sa akin. Lets go, aniya at saka marahan akong hinila papunta rito sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. I rented this car for us to go on our first ever romantic date. Hindi na lang ako kumibo pa at hinayaan ko na lang siya. Wala akong ideya kung saan kami papunta medyo nagtaka rin ako kung bakit parang kabisado na niya ang lugar. I prepared this for three days. I want to surprise you and I want this date to be romantic that no one can ever have, tayo lang. Nakangiti pa siya habang sinasabi iyon pero bakit hindi ko man lang magawang suklian ang ngiti niyang iyon? Parang mas lalo akong nasaktan. Dont mind them. Naiingit lang siguro iyon sila sa iyo dahil nagkagusto sa iyo si Kervey at minahal ka ni Trevor, dugtong pa niya dahil siguro napansin niyang tahimik lang ako.

Hindi ko na siya sinagot pa hanggang sa hininto niya ang kotse at ilang segundo lang ay lumabas na ng kotse saka pinagbuksan ako ng pinto. Napakunot ang noo ko nang wala man lang kahit isang ilaw ang lugar at tanging ilaw lang ng kotse ang nagsisilbing liwanag. Napapansin ko ang sobrang lawak ng kapatagan at kitang-kita ang city lights sa kalayuan.

Siguro mga isang minuto ang nakalilipas nang paisa-isang lumiwanag ang mga bumbilya sa lupa at na siyang gumagawa ng daan na puno ng red roses petals papunta sa isang mesa sa may dulo. Sobrang romantic talaga na kahit sinong babae ay kikiligin kapag ganitong effort ang ginagawa ng boyfriend nila pero itong mabigat sa dibdib ko ay tila hindi matatapatan ng kilig ngayon. Kahit na ngayong sabay kaming humahakbang papunta sa dulo ay mas lalong bumibigat.

Napakagat-labi pa ako ng iabot niya sa akin ang isang bouquet ng pulang rosas. S-Salamat, tanging usal ko.

Anything for you, my Andy. Humila pa siya ng upuan saka sumenyas sa akin. Have a seat, aniya at sumunod naman ako.

Thank you. Iyon lang ang tugon ko saka umiwas kanya ng tingin.

Is there something wrong? You look bothered kasi, aniya at nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

Wala, sabi ko na lang sabay ang pilit na ngiti. Thank you, Trevor. Sobra kong na-appreciate lahat ng efforts mo. Yumuko ako at kunwari tinitingnan ang mga kubyertos para hindi halata ang pamumuo ng mga luha ko. God knows how thankful I am because He gave me such a kind man in my life. Gusto ko pa nga sanang humiling na sana rito ka na lang palagi sa tabi ko—

Im always here for you no matter what happen, Andriana. I am not Genie but I will grant all your wishes, my love. Inabot pa niya ang kanang kamay ko.

Pilit na lang akong ngumiti saka nag-angat ng tingin sa kanya at tumango-tango bilang sang-ayon. I dont want to ruin this night kasi alam kong napaka-special ito para sa kanya but how about the one whos waiting for him? I dont want to be selfish in this situation.

Lets eat? aniya at tumango naman ako. Binigyan niya ako ng pagkain at pinaghiwa pa ako ng steak. He even gives me a half glass of wine kaya tinikman ko kaagad. Say ah? aniya at utumatiko na lang akong napanganga nang nasa tapat na ng bibig ko ang maliit na hiwa ng steak.

Say ah, sabi ko rin at binuksan naman niya ang kanyang bibig. Medyo Malaki ang hiwa ng steak ang naisubo ko sa kanya kaya parihas kaming natawa nang muntik na siyang mabilaukan. Im sorry.

Habang tumatakbo ang oras at mas lumalim na ang gabi ay kitang-kita talaga ang napakagandang mga bituin sa kalangitan. Napakapayapa ng paligid at ang lamig ng simoy ng hangin. Napaigtad nga lang ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. Iyong tipong hindi kami nag-uusap pero alam namin kung ano ang pinag-uusapan ng puso namin.

Kung sakaling babalik ka sa mundo ninyo, magkikita pa ba kaya tayong muli? wika ko at narinig ko pa ang mahinang tawa niya.

Ayokong bumalik doon. Pero kung babalik ako roon, isasama naman kita, sagot pa niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap. Ayokong mawalay sa iyo. Tutuparin ko pa iyong pangako kong sasamahan kita kahit anong mangyari.

Paano kung may isang importanteng dahilan para bumalik ka roon?

Pasinghal pa siyang natawa. Ano naman iyon?

Pilit kong pinigilan ang mga luha kong kanina pa gustong lumabas. Ayokong umiyak dahil paniguradong magdududa siya. Ayokong ipahalata sa kanya ang kalungkutang nararamdaman ko. Kapag naaalala ko iyong mga sinasabi ng mga babae kanina sa Cafeteria ay parang may bagay na tumusok sa puso ko.

FLASHBACK

Habang nakikinig sa tsismis nila ay kunwari iniinom ko ang iced tea ko para hindi masyadong hatala. Gusto ko kasing marinig kung ano na ang nangyayari sa buhay na naiwan ni Trevor doon.

Celeste, naaawa talaga ako kay Trevor. Paano kung hindi siya magigising? Paano na ang anak niya? wika ng isa na siyang ikinagugulat ko at muntik pa akong mabilaukan.

Kaya nga. Noong una, nagagalit ako kay Alisha dahil akala ko malandi siya pero iyon pala hindi. Ayaw lang niya na malaman ng parents niya na buntis siya sa anak nila ni Trevor.

Si Jake naman kasi eh, nangingialam pa. Bina-blackmail pa si Alisha na kapag hindi niya hihiwalayan si Trevor ay isusumbong siya nito sa kanyang parents tungkol sa pagbubuntis. Knowing na sobrang obsess niya kay Alisha kaya ginawa niya rin iyon. Sobra talaga akong nanggigil kay Jake, gusto ko siyang patayin.

Mabuti na lang talaga at nalaman ng ate ni Trevor na buntis si Alisha. Sobrang saya ko nang tanggap nila ang bata at si Alisha, iyon nga lang ang problema ay kalian magigising si Trevor mula sa pagka-coma?

END OF FLASHBACK

Hindi ko alam kung ano ang plano ng tadhana natin. But I am always praying na sana ikaw na lang. Na sana tayo na lang ang pagsamahin ni God hanggang sa huli. Hindi ko pinagsisihan na mapunta ako sa mundo ninyo. I considered it a blessing—youre the blessing, Andriana. Naramdaman ko pa ang paghigpit pa niya lalo ng yakap. Hindi na ako nagsalita pa at pumikit na lang ako. Pinapahalagahan ko na lang ang oras na kayakap ko siya—na nahahawakan ko pa siya. Babe, look! May shooting stars sa itaas!

Awtomatiko naman akong napamulat at napatingala sa maningning na kalangitan. Tama nga siya at may mga shooting stars ngang dumadaan. Make a wish, Trevor.

I wish that I could spend my whole life to girl that I love the most. Make a happy family with her, aniya saka naramdaman ko ang mainit at madamdaming halik sa sentido ko. Ikaw, anong wish mo? tanong pa niya sa akin at tila excited na malaman kung anong hiling ko.

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay pumikit lang ako para humiling ng tahimik. Sana nga maging masaya ako sa naging hiling ko kung sakaling magkatotoo ito. Sana makakaya ko kung anong magiging resulta nito. Sana maging masaya kami pareho sa naging desisyon ko. Sana maiintindihan niya ako.

Hindi mo na kailangang marinig ang wish ko. Para sa ating dalawa rin naman iyon, sabi ko na lang dahil naghihintay talaga siyang sasabihin ko ito.

Okay, sang-ayon naman niya at binigyan ako ng ngiti. Ngiting paniguradong mami-miss ko sa susunod na araw.

Masyado nang lumalim ang gabi kaya napagpasyahan na naming umuwi. We even take a pictures bago namin iiwan ang lugar. Cellphone ko lang ginamit namin para may maiwan akong ala-ala niya. Kahit ngayong nasa byahe kami pauwi ay ayokong bitiwan ang kanyang kamay. Gusto ko siyang hawakan at damhin iyong pagmamahal na ibinigay niya sa akin.

Trevor, can you do me a favor? tanong ko sa kanya nang makarating kami rito sa bahay.

What is it, babe? Hinawi pa niya ang ilang hibla ng buhok ko.

Pwedengpwedeng sa kwarto ko na lang ikaw matutulog? Nagdadalawang-isip pa ako pero iyon naman talaga ang gusto ko.

Bakit? May problema ba?

Wala naman. Gusto ko lang, sabi ko at binigyan pa niya ako ng nang-aasar na tingin na may kasamang ngiti. Kung ano man iyang nasa kukuti mo ngayon, hindi iyan totoo.

Eh bakit nga? pangungulit pa niya.

Gusto lang kitang yakapin, paliwanag ko pa.

Yakap lang?

I rolled my eyes dahil parang inaasar na ako. Kung ayaw mo, eh di wag na lang.

Joke lang. Ito naman. Ginugulo pa niya ang buhok ko. Anything for you, sabi ko nga hindi ba?"

Napangiti ako pero iyong puso ko—hindi kayang ngumiti. Iyong pinapakita ko sa kanya ay kabaliktaran sa kung ano ang nararamdaman ko. Ayokong matulog ngayong gabi. Ayokong pumikit kahit isang segundo dahil natatakot ako na baka pagdilat ko, wala na siya. Baka iniwan na niya ako.

Matulog ka na, bulong pa niya pero umiiling-iling lang ako habang nakayakap sa kanya. Inaantok na ko. Sige na, matulog na tayo.

Tumango ako pero hindi ako pumipikit. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya na parang sinasaulo ko lahat ng detalye. Kung ilang sukat ang ilong niya. Kung gaano kahaba ang pilik-mata niya. Kung gaano kakapal ang kanyang kilay. Kung gaano kakinis ang mukha niya at kung gaano kapula ang mga labi niya.

Sana makasama ko pa siya hanggang bukas ng umaga bago siya makabalik sa mundo nila.

Biglang nanumbalik ang hiling ko kanina at natatakot sa katotohanang malapit nang magmadaling-araw. Sana hindi ganoon ang hiniling ko. Sana sinabi ko na lang na hanggang sa mga susunod na araw na lang. Sana pwede ko bang bawiin ang hiling ko na iyon.

Seguir leyendo

También te gustarán

228K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
803K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...