LOVE IN MISTAKE

By author_na_ewan

60.4K 1.6K 108

Two person from different world. Got tangled by a mistake. Can this love find its way to forever? More

part 1
part 2
part 3
part 4
part 5
part 6
part 7
part 8
part 9
part 10
part 11
part 12
part 13
part 14
part 15
part 16
part 17
part 18
part 19
part 20
part 21
part 22
part 23
part 24
part 25
part 26
part 27
part 28
part 29
part 30
part 31
special part

last part

1.6K 39 14
By author_na_ewan

Freen's POV

Nagising ako ng maaga dahil flight namin ngayon papuntang US. Gusto ko munang itreat ang asawa't mga anak ko bago ako pumasok bilang CEO ng company. Well nagdecide si daddy na ako na ang magmanage dahil gusto na raw nitong mamalagi sa farm niya, kaya ayun siya nasa farm niya sa Nueva Ecija akala mo kung sinong marunong magtanim eh namamatay naman lahat ng tinatanim niya. Buti na lang at meron siyang mga tauhan dun.

Ginising ko na si Becky para makapagprepare na rin siya.

"Babe, gising na it's already 7 in the morning. 12 pm ang flight natin. Bangon na" paggising ko sakanya

"Hmmm okay" agad naman itong bumangon. Nag unat unat muna siya saka tumayo at dumiretso sa banyo.

Nagpunta naman ako sa kwarto ni Sky para icheck kung nakaready na ang mga gamit nila ni yaya mot.

"Yaya ready na ba ang lahat ng gamit niyo ni Sky?" tanong ko dito

"Opo sir. Maya maya eh ipapababa ko na lang po kay Mike yan" sagot nito sakin

Pagkatapos kong icheck si yaya mot at sky ay nagtungo na rin ako sa kwarto ng triplets para icheck if ready na rin sila.

"Ready na ba ang triplets?" tanong ko

"Opo sir. Naayos na po namin mga gamit nila" sagot ni Mela

"Eh yung mga gamit niyo?" tanong kong muli

"Okay na rin po sir. Nasa kwarto pa po namin, pero nakaayos na rin po" sagot din ni Nika

"Okay sige. Mauna na kayo sa baba. Then ipakuha niyo na lang kay Mike yung mga gamit ng mga bata" sambit ko

"Sige po sir" tugon naman ni yaya bang

Sabay sabay kaming lumabas ng kwarto at lumabas na rin si yaya mot at Sky. Nauna na sila sa baba at ako naman ay bumalik sa room namin ni Becky. Pagpasok ko ay kakalabas lang nito sa banyo at nakabihis na rin.

"Maligo ka na rin babe, baka mahuli tayo sa flight" saad ni Becky

"Sige babe. Mauna ka na sa baba. Ako na magdadala nitong maleta natin. Pakidala na lang yung hand carry ko" sambit ko

"Sige babe" tugon niya at lumabas na ng kwarto.

Becky's POV

Nandito kami sa sala ng mga bata at hinihintay na lang namin si Freenie. Kahit kelan talaga yung lalaking yun. Sabi saglit lang siya maliligo.

"Mike pakitawag na nga Sir mo. Babagal bagal nanaman" utos ko kay Mike. Agad naman itong pumanik sa taas at tinawag si Freenie. Maya maya lang ay sabay na silang bumaba dala ang mga maleta namin ni Freen.

"Babe wala ka na bang balak umuwi dito?" tanong niya sakin ng makababa siya

"Ano ka ba sakto lang yang dala ko for 10 days" tugon ko

"10days lang tayo babe, hindi 1month. Yun maleta ko iisa lang, ikaw tatlo. Saka magshoshopping naman tayo dun, dami dami mo pang dala" saad niya

"Bakit? Babae ka ba? Ikaw ba magsusuot niyan?" tanong ko dito nang nakataas ang isang kilay at nakapamewang

"Sabi ko nga sakto lang to sa 10days" sambit nito

"Tara na nga. Anjan na rin yung driver nila mommy may dalang van. Dun na lang yung mga gamit natin. Tapos dito tayo sa van natin" saad ko at nagsilabas na kami.

Pinauna ko nang sumakay ang mga bata at mga yaya nila. Yes kasama silang lahat. Si Mike lang ang maiiwan dahil uuwi daw ito sa probinsya nila at namimiss na daw ang pamilya niya.

"Okay we're good. Wala na bang nakalimutan?" saad ni Freen.

"Mga passports niyo nasa bag niyo na ba?" tanong ko sa mga yaya ng mga anak ko

"Opo maam, nandito po sakin mga passpirt namin" tugon ni yaya bang

"Ikaw Mika? Passport mo nasa bag mo na?" tanong ko kay Mika na nakaupo sa tabi ko

"Opo maam, nandito na po" anito.

Well I'm really fond of Mika. Nakikita ko yung sarili ko sakanya nung same age kami. Kaya't hindi ako nagsisisi na pinag aaral namin siya. Because she's returning the favor, ever since nagstart siya ng school wala pa siya ni isang subjects na mababa ang grades and a consistent dean's lister. Bilib nga ako sakanya dahil talagang nilalaban din siya outside of school.

"Okay if everything's ready. Let's go" Freen said at nagdrive na si Mike.

After ng mahigit isang oras na biyahe ay nakarating na kami sa airport.

"Mike yung van iwan mo na lang sa bahay nila mommy and dalhin mo na lang yung dati kong sasakyan pauwi sa probinsya niyo para makapasyal kayo ng pamilya mo" saad ni Freen kay Mike

"Sige po sir" sagot nito

"Saka ito. Ipagshopping mo ang mga anak mo" nag abot si Freen ng pera kay Mike

"Nako sir wag na po. Kakasweldo ko lang po" sambit nito

"Kunin mo na. Para hindi na magalaw yang sweldo mo. Para may ipon ka, lalo na't sinabi mong next year magcocollege na rin ang isa mong anak" saad naman ni Freen

"Sige po sir, maraming salamat po. Mauuna na po kami. Ingat po sa biyahe, enjoy po" tinanggap na ni Mike ang binigay ni Freen na pera at umalis na rin sila.

Pumasok na kami sa loob para ayusin ang mga dapat ayusin. After namin maicheck in ang mga bagahe, oh well inassist naman kami ng mga airport staff dahil sa pamilya ni Freen ang airport na ito kaya di na kami halos nahirapan. Nang maayos na ang lahat ay nagtungo na kami sa private lounge para maghintay sa flight namin.

"Sir, maam pwede naman po kami sa may economy lang. Kahit hindi na po sa business class" saad ni yaya mot

"Nako yaya, hindi naman kami papayag na sa economy kayo uupo tapos kami kumportable sa business class. Pamilya na namin kayo, kaya kung saan kami dun din kayo" sagot ko kay yaya mot

"Salamat po maam" aniya

Maya maya lang ay dumating ang pilot at ang mga flight steward nito.

"Good morning Mr. Chankimha and family. It is an honor to be your pilot." sambit nito at inilahad ang kamay. Nakipagkamay naman si Freen dito

"Thank you Sir." tugon ni Freen

"We're ready sir, you can board the plane now" saad nito.

Umalis na kami at nagboard na sa eroplano. Bago ako maupo ay chineck ko muna kung okay lang ba ang mga anak ko at ang mga yaya nila. Nang masigurado kong maayos na sila ay umupo na rin ako sa tabi ni Freen.

"Grabe babe, first time ko sa US. It'll be memorable lalo na kasama kita and mga anak natin" saad ko kay Freen

"I'll promise it'll be memorable. Pupuntahan natin lahat ng gusto mong puntahan" aniya sabay halik sa mga labi ko at ngumiti, pero yung ngiti niya ay nakakaloko at alam kong may binabalak siya. Lumapit siya sakin at bumulong "Baka gusto mo gawin na natin dun yung baby girl natin. Diba made in US siya" binatukan ko ito

"Ikaw kung ano ano ang naiisip mo. Wala pa ngang isang taon yung triplets tapos gusto mo na naman ng anak" saad ko sakanya

"Aray naman babe. Ayaw mo nun made in US ang baby girl natin" saad pa nito

"Manahimik ka jan, kung ayaw mo na sa labas ka ng bahay matulog pagdating natin dun" ani ko

"Sabi ko nga tatahimik ako" sambit niya at kinuha ang phone niya at naglaro. Maya maya nga lang ay nagtake off na ang eroplano.

Dahil mahaba haba pa flight namin ay natulog na muna ako. While I was sleeping, the plane encountered a strong turbulance that causes to wake me up. I immediately went to check my kids. Nakita ko rin na nagpapanic ang mga kasama namin sa business class. Dali dali akong pumunta sa kinaroroonan ng mga anak ko. Pero pinigilan ako ng isang steward.

"Ma'am please calm down, stay in your seat and fasten your seatbelt" she said

"How can I calm down? I need to check my kids" I answered. The turbulance keeps going on at hindi na ako napigilan ng steward. Pati si Freen ay tumayo na rin upang puntahan ang mga anak namin. Biglang nag announce ang piloto sa kung anong dahilan ng turbulance.

"This is your Captain Gonzaga. The plane have encountered a volcanic eruption. May I ask everyone to please calm down, stay in your seats and fasten your seatbelt. We are already looking for the nearest airport for us to have an emergency landing" saad ng piloto.

Binuhat ko si Uno at Jiro at dinala sa upuan ko ng yakap yakap. Kalong kalong naman ni Freen si Sky at Thirdy. Nang biglang may narinig kaming pagsabog. Pagsilip ko sa bintana ay umaapoy na ang makina ng left wing ng eroplano.

"Babe what do we do?" saad ko kay Freen habang umiiyak na

"Babe don't worry makakaligtas tayo dito" tugon niya

Patuloy ako sa pagdadasal na sana ay makaligtas kami, at walang masamang mangyari.

Author's POV

Patuloy pa rin sa paghahanap ng pinakamalapit na airport ang piloto, ngunit nagkakaroon na ito ng problema sa communication kaya't nahihirapan siyang kumontak sa mga tower.

Maya maya ay sumabog na rin ang right wing ng eroplano. Nag aalala na ang mag asawa sa kaligtasan nilang pamilya.

"Lord masyado pang maaga at masyado pang bata ang mga anak namin. Lord nagmamakaawa ako sana iligtas mo kami" sambit ni Becky sakanyang isipan.

"Babe. Hey babe. No matter what happens you're the person I will never regret to love. I love you always" saad ni Freen kay Becky habang tumutulo ang mga luha.

"Babe, you'll be the only man that I will ever love" saad ni Becky.

Nang walang anu-ano'y sumabog ang eroplanong sinasakyan nila Freen at Becky at bumagsak ito sa isang gubat. Agad namang nagpunta ang mga rescue sa pinagbagsakan ng eroplano ngunit wala na silang magawa dahil sa lakas ng pagsabog nito ay nagkapirapiraso ang eroplano. At wala ni isa ang nakaligtas sa aksidenteng ito.

Continue Reading

You'll Also Like

102K 4.3K 50
β₯β₯β₯ [BNHA x Fem!Reader] ❛❛𝔸𝕝𝕝 π•₯𝕙𝕖 π•£π•šπ•”π•™π•–π•€ 𝕓𝕒𝕓π•ͺ, π•Žπ• π•Ÿ'π•₯ π•žπ•–π•’π•Ÿ π•’π•Ÿπ•ͺπ•₯π•™π•šπ•Ÿπ•˜, 𝔸𝕝𝕝 π•₯𝕙𝕖 π•£π•šπ•”π•™π•–π•€ 𝕓𝕒𝕓π•ͺ...
684K 25.1K 100
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! πŸ˜‚πŸ’œ my first fanfic...
173K 3.6K 46
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...