LOVE IN MISTAKE

By author_na_ewan

67.2K 1.8K 108

Two person from different world. Got tangled by a mistake. Can this love find its way to forever? More

part 1
part 2
part 3
part 4
part 5
part 6
part 7
part 8
part 9
part 10
part 11
part 12
part 13
part 14
part 15
part 16
part 17
part 18
part 19
part 20
part 21
part 22
part 23
part 24
part 25
part 26
part 27
part 28
part 30
part 31
last part
special part

part 29

940 40 1
By author_na_ewan

Freen's POV

Nandito ako ngayon sa balcony kasama ang tatlong chikiting pati na rin ang mga yaya nila dahil pinapaarawan namin sila Uno, Jiro, at Thirdy. Si Becky naman ay mahimbing pa ang tulog kagabi dahil nagkapuyatan kami dahil sa triplets. Aba nagsiiyakan kagabi nagugutom ayaw sa bote gusto kay mommy, mga anak naman magtira kayo ng para kay daddy.

"Sir ok na po, pwede na natin sila ipasok" saad ni yaya bang saakin.

Kayat pinasok na namin ang tatlo sa kanilang kwarto. Ako naman ay babalik muna sa kwarto namin ni Becky. Nang bubuksan ko na ang pinto ay biglang may nareceive akong text galing sa private investigator. Kayat nagpunta muna ako sa study room ko upang basahain ang mga nakalap niyang impormasyon tungkol kay Belinda.

Pagpasok ko sa study room agad kong binuksan ang computer ko at isinend doon ang file at inopen ito. Habang nagbabasa ako ay nadaanan ko ang isang family picture, kung saan mayroong dalawang lalaki na magkamukhang magkamukha at parehong may hawak na bata. Nang titigan ko itong mabuti ay namukhaan kong si Becky yung bata, dahil nga rin sa magkamukha sila ay hindi ko alam kung sino sa dalawang bata si Becky at Belinda.

"Namatay ang tatay ni Belinda sa isang aksidente? Parang yung cause of death lang din ng mga magulang ni Becky ah. Tapos ang nanay naman ni Belinda ay nakulong 8 years ago dahil sa pagbebenta ng bawal na gamot." patuloy ko lang binabasa ang mga impormasyon tungkol kay Belinda.

Nang mapadpad ako sa impormasyon tungkol sa tatay niya ay dun ko nakumpirma na ang tatay ni Becky at tatay ni Belinda ay magkapatid. At hindi lang basta magkapatid, kambal ang mga ito.

Pagkatapos kong basahin ang lahat ng impormasyon ay mayroong teoryang nabuo sa isip ko tungkol sa aksidenteng ikinamatay ng parents ni Becky. Sa parehong araw at parehong lugar nangyari ang aksidente na ikinamatay din ng papa ni Belinda.

Tinawagan ko ang private investigator para mangalap pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa aksidente at kay Belinda.

"Kailangan kong makausap si Becky tungkol sa pinsan niya. Kahit naman anong mangyari pinsan pa rin niya ito" sambit ko sa sarili.

Mamayang hapon ko siya kakausapin. Dahil baka kapag kinausap ko siya ngayong umaga eh baka masira ang buong araw niya.

Fastforward

It's 4 in the afternoon at napagpasyahan kong kakausapin ko na si Becky about kay Belinda. Dahil kahit na anong mangyari ay kapamilya niya pa rin ito. Nandito ako ngayon sa study room ko kayat tinext ko siya na pumasok dito.

"Babe come here sa study room. We need to talk about something important." I messaged her.

Maya maya lamang ay nandito na siya. Sinalubong ko naman siya at pinaupo sa couch then kinuha ko sa table ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Belinda.

"Anong pag uusapan natin babe?" tanong niya.

"Ahm babe remember when I asked you about your relatives?" i started.

"Yeah babe, why?" she asked

I reached out the information about her father and its twin, and gave it Becky. I can see from her reaction na nagulat siya sa nalaman niya.

"I didn't know na may kakambal si papa, kasi hindi naman siya nagkukwento about sa family niya" sambit ni Becky.

"Do you also remember nung nanganak ka, when I went to fix the bills and when I came back I asked you if you leave your room?" i asked her again.

"Oo babe, nambabae ka ata nung time na yun eh" pabiro nito.

"Babe, this is not the time for a joke" saad ko

"Okay okay fine" sambit nito

"Here, look at this" sunod ko namang binigay sakanya ang nakalap kong impormasyon tungkol kay Belinda.

"Hmm? Belinda Anna Armstrong? Wow ha magkaapelyido kami. What a coincidence" saad niya

"Babe, it's not a coincidence. You share the same surname, because she's the daughter of your father's twin brother" I explained to her

"Ohh kaya pala." sambit niya "wait a minute, bakit may picture ako dito?" saad niya

"That's not you babe. That's Belinda." at mas nagulat siya sa sinabi ko

"Wait. Are you sure babe? Is this her?" she asked

"Yes babe, mahirap man paniwalaan pero hindi ikaw ang nasa picture na yan kung hindi si Belinda" saad ko

"Pero babe, pano mo siya nahanap?" tanong niya sakin

"Ilang araw na di mawala sa isip ko si Belinda simula nung makita ko siya sa ospital. Don't get the wrong idea babe ha. Kasi nacurious lang ako. Like how can I not be curious about her if she looks exactly like you. That's why kinuha ko ang information niya sa ospital and pinaimbistigahan. And bukas ibibigay ng private investigator ko yung iba pang impormasyon na nakuha niya about kay Belinda" saad ko

"Can I meet her babe?" she asked

"Ahmm you sure you want to?" balik kong tanong sakanya

"Yes babe, well she's my cousin. And siya lang din ang relative na kilala ko" aniya.

"Okay sa sabado babe, you'll meet her. But I think I need to go there first on my own to explain everything on her first, para naman di kayo magkabiglaan" saad ko

"Hmmm okay babe" saad niyang nakangiti, ngunit maya maya lang ay biglang nawala ang ngiti niya at lumabas sa mukha niya ang isang dragon. "Teka nga lang. Bat kikitain mo siya nang di ako kasama? Siguro may balak kang ipalit siya sakin dahil ako losyang na and sya fresh na fresh pa" litanya ni Becky sakin

"Hey hey babe, walang ganong mangyayari. At kahit magkamukha pa kayo, hinding hindi niya kailanman matatapan si  Rebecca Patricia Armstrong Chankimha dito" saad ko sabay turo sa puso ko.

"Sus, ayan nanaman siya. Oo na oo na. Porke alam mo pano ko masuyo eh."  aniya sabay hampas sa braso ko nang malakas

"Aray ko naman babe. Ang sakit naman nun" reklamo ko sakanya habang hinihimas himas ang braso ko. Well di naman masakit gusto ko lang kasi nang kiss. Nataranta naman siya.

"Hala babe sorry sorry. Ikaw naman kasi eh. Masakit ba?" tanong niya

"Ang sakit babe sobra. Parang kailangan ko nang kiss" saad ko sabay nguso. Tinulak naman niya ako ng mahina

"Nako Freenie, ayan ka nanaman sa mga tricks mo" saad niya

"Parang kiss lang eh, damot mo" sambit ko

"Oo eto na. Isa lang ha" saad niya at tumango naman ako.

Nang palapit na ang mukha niya ay hinapit ko ang bewang niya at hinawakan siya sa batok, and I kissed her torridly. Nagpupumiglas siya, pero maya maya lang ay bumigay din. Ilang minuto ang lumipas ay bumitaw din siya.

"Napakapilyo mo talaga, jan ka na nga baka umiiyak na mga anak natin" saad niya at tumayo na

"Kunwari ka pa nagrespond ka rin naman, mamaya ulit ha" biro ko sakanya

"Neknek mo, matulog ka mag isa sa kwarto" aniya at tuluyan nang lumabas sa kwarto.

Fastforward

It's thursday and hindi naman masyadong busy today sa office. So I decided to leave and go to Belinda's house like what we planned ni Becky, before she presents herself to her cousin.

I'm on my way now, at napadaan ako sa stall ng mga prutas. Bumili ako para naman di niya sabihing I came emlty handed. After kong bumili ay diretso na ako sa bahay ni Belinda. I parked my car sa dati kong pinagparkingan dahil hindi naman magkakasya ang sasakyan ko sa eskinita nila Belinda.

Nang malapit na ako sa bahay niya ay sakto namang nakita ko siyang lumabas upang magtapon ng basura. Kayat dumiretso na ako sa bahay niya. Papasok na sana siya nang tawagin ko siya.

"Miss Belinda?" i called her

"At sino ka naman? Kung isa ka lang din naman sa manliligaw, puwes basted ka na. At saka wala akong sakit para dalhan mo ako ng prutas. O ayan basted ka na ha, pwede ka nang umalis" saad niya

"I'm not here to court you" sambit ko

"Eh aano ka dito? Tiga DSWD ka ba? Kuya malaki na ako 25 nako, di na ako pwede sa bahay ampunan. Kaya ko nang buhayin sarili ko. Kaya kung pwede lang eh lumayas ka na, kasi magbebeauty rest nako at nakakaistorbo ka" mahaba nitong litanya, akmang papasok na siya nang pigilan ko itong muli

"It's about you father's twin" natigilan siya sa sinabi ko, at dahan dahang lumingon.

"Anong ibig mong sabihing tungkol yan sa kakambal ng papa ko?" tanong nito.

"Before ako magkwento. Pwede bang papasukin mo muna ako. Maraming tao dito sa kanto, baka marinig pa nila ang pag uusapan natin" saad ko

"Ah eh tara pasok ka" pag imbita niya sakin sa loob "upo ka dito ikukuha lang kita ng maiinom" sambit niya at umupo naman ako sa isang upuan.

"Salamat" saad ko

"Eto tubig. Pasensya ka na di naman ako mayaman para bigyan ka nang masasarap na inumin. Pero wag kang mag alala mineral naman yang tubig ko, kaya safe ka jan. Mukha pa namang hindi ka umiinom ng tubig nawasa. Pagpasensyahan mo na rin tong bahay ko, masikip lang. Sakto lang kasi pambayad ko kaya sakto lang din sakin ang kinuha ko" aniya

"No, it's okay" tugon ko naman

"Ahhh ano nga pala yung sasabihin mo abput sa kakambal ng papa ko?" tanong niya.

"Yeah ah so, your father is Richmond Armstrong right?" tanong ko and tumango naman siya "and his twin brother is Raymond Armstrong" saad ko

"Pano mo kilala ang papa at tito ko?" tanong niya

"I am Freen Sarocha Chankimha. I'm your cousin's husband. Asawa ko ang anak ng Tito Raymond mo. You never met my wife dahil umalis ang papa ni Becky, my wife and your cousin, ang tanging nabanggit lang nang asawa ko na dahilan bakit umalis ang papa niya at nagpakalayo ay dahil sa isang away. Pero di niya na nabanggit kung ano yung away na yun, dahil hindi naman daw nagkwento ang papa niya about sa alitan ng pamilya nila" paliwanag ko kay Belinda

"Kilala ko si Becky. Dahil nabanggit na siya ni papa at mama dati. Pero hindi ko pa siya nakikita ng personal" saad niya

"Here's the thing. My wife wants to meet you, kasi ikaw lang ang nag iisang relative niya na alam niya sa ngayon" sambit ko

"Panahon na rin siguro para malaman niya yung totoo. Ahm kelan ko siya pwedeng makilala?" tanong nito

"Pwede ka ba sa sabado?" tanong ko

"Pwede ako umaga, may raket kasi ako sa gabi" saad niya

"Ipapasundo na lang kita dito. Hindi pa kasi pwedeng umalis alis ng bahay ang asawa ko dahil kakapanganak niya pa lang." sambit ko

"Ikaw bahala. Ok lang din sakin, ipapasundo mo naman pala ako eh" aniya

"Ahm so sa sabado na lang. Kailangan ko na din umalis baka kailangan na din ako sa opisina. Kunin ko na lang number mo para maitext or matawagan kita if papunta na ang susundo sayo sa sabado" saad ko sakanya at binigay naman niya ang cellphone number niya.

Umalis na rin ako at bumalik sa opisina. Pagbalik ko ay naroon ang private investigator ko at naghihintay sa akin. Agad niyang ibinigay ang mga karagdagang impormasyon tungkol kay Belinda. Binasa ko naman ito agad agad.

"Are all these real?" tanong ko sakanya

"Yes sir." seryoso nitong tugon.

"Okay thank you. You may go now. Secretary ko na lang ang kakausap sayo." agad naman siyang lumabas ng office ko.

"Kailangan nang magkita ni Becky at Belinda. I know this will hurt you babe, but I hope na makaya mo to. I'm here as always. Hindi kita iiwan sa laban na to" saad ko sa sarili ng mabasa ang mga nakalap ng investigator ko.

Continue Reading

You'll Also Like

79.7K 1.5K 65
Mikaiah behind cameras. Are they true or we're just being delulu? Mikaiah au
116K 6.9K 88
"Great news! Wei WuXian has died!" "Wait- WHAT?!" "But I'm still here." The juniors (Lan Sizhui, Lan Jingyi, Jin Ling, and Ouyang Zizhen) accidentall...
58.8K 2.6K 37
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐦 𝐧𝐨𝐭 𝐣𝐨𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐚𝐜𝐤, 𝐝𝐮𝐦𝐛𝐚𝐬𝐬; 𝐚𝐧𝐝 𝐢'𝐦 𝐦𝐨𝐬𝐭 𝐜𝐞𝐫𝐭𝐚𝐢𝐧𝐥𝐲 𝐧𝐨𝐭 𝐠𝐨𝐧𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐨𝐫𝐝𝐞�...