Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

142K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 15

2.6K 52 16
By kemekemelee

Age

“Don’t push yourself too hard,” Simon said as he slowly pulled away from our kiss. Hinihingal pa rin at hindi na makatingin sa akin.

I bit my lower lip. Pakiramdam ko ngayon lang nag-sink in sa akin ang kagagahan na sinabi ko. I know I can’t take it back. May parte naman sa akin na iyon talaga ang gustong gawin.

Hindi ko nga lang alam kung saan ako mag-uumpisa. Masyado rin kasi akong nadala sa narinig ko kaya gusto kong kalimutan niya na si Kendra. I am here kaya hindi na niya kailangang lumingon pa sa iba!

“I mean it,” matapang kong sinabi.

“You can’t do that,” umiling pa siya.

Kailan kaya naging sila ni Kendra? Hindi umabot ng taon si Kuya Caleb at si Kendra kaya possible ba na si Simon ang boyfriend niya bago si Kuya? And maybe Kuya is triggered with Simon’s name kaya gano’n na lang lagi ang reaksyon niya sa tuwing nababanggit ko si Simon.

What a fucking situation! Ang laki ng mundo pero para kaming nagsisiksikan dahil sa connection naming lahat. Sa dami ba naman ng tao bakit sa mga kakilala ko pa? At hindi ko lang kakilala kasi kadugo ko pa!

“Bakit hindi?” huminga ako nang malalim. “Mahal na mahal mo ba kaya ayaw mo—”

“Sh—”

I shook my head. “Ayaw mo kasing maka—”

“I said shut the fuck up!” umangat-baba ang dibdib niya habang mariin ang tingin niya sa akin.

Napaatras ako dahil sa lakas ng boses niya. Umiling ako habang ramdam ko ang pamumuo ng luha ko. No, I shouldn’t cry. Alam ko namang kasalanan ko pero hindi ko naman inasahan na pagtataasan niya ako ng boses.

Sumobra na ba ako? Deserve ko ba na sigawan dahil sa pangungulit ko? Siguro nga... dapat kasi talaga alam ko ang lugar ko. Na kahit malapit na kami, may parte pa rin talaga ng pagkatao niya na hindi ko pa rin mahahawakan at hinding-hindi niya rin ipapahawak.

“Look, I'm over her and I’m not going to say it again.”

Tumango ako at nanatiling tahimik.

“You can’t do that, okay?” pag-uulit pa niya.

I smiled weakly. “Okay...”

Tiningnan niya naman ako. Mukhang naninimbang ang ekspresyon niya kaya umiwas ako ng tingin.

“I’m sorry for shouting earlier. I just let my emotions get the better of me, and...”

Simon swallowed hard, struggling to meet my gaze.

“I just don't want you to think anything more of this than there is.”

My brows furrowed in confusion. Para namang nag-tongue twister itong si gago o sadyang bobo lang talaga ako!

“Ano raw?” takang tanong ko.

Kahit nakakunot ang noo niya, napansin ko ang pagpipigil niya ng ngiti nang makita niya ang ekspresyon ko.

“Nililinaw ko lang ang sitwasyon natin,” pag-uulit niya naman.

“Ah, iyon lang naman pala. Bakit kasi may pa-tongue twister pa? Pwede naman sabihin na friends lang talaga tayo.”

He sighed. “Darlene, seryoso ako.”

“Then why are we doing this again? Alam mo namang gusto kita pero gusto mo lang akong kaibigan.”

“For distraction... for entertainment... I really don’t know...” unti-unting nanghina ang boses niya.

Napasandal naman si Simon sa sofa at tinakpan ang mukha niya gamit ang isang braso.

“Fuck... this is so hard. I just want you close, but I can’t... I can’t. I shouldn’t and...”

I can hear him murmuring pero hindi ko na naintindihan ang kasunod. Nanatili lang siyang nakasandal habang may sinasabi pa rin na parang siya na lang ang nakakarinig.

Pero ano nga ulit ang sinabi niya? He wants me close pero ano? I looked at him again. Mukhang marami siyang iniisip. Panay galaw din ang kaliwang binti niya. Animo may pinagmamadalian kahit nakaupo lang naman.

“Kaso ano?” I urged him. “Anong pumipigil sa’yo? Gusto mo ba ako?”

Sinubukan ko naman siyang yugyugin pero nanatili lang siyang nakasandal. Hindi pa rin niya ako nililingon kahit pa malakas na ang pagyugyog ko sa kaniya.

“Kaya ba hinalikan mo ako kasi gusto mo ako? Kaya ba gusto mong hindi kita makalimutan kasi gusto mo na rin ako?” niyugyog ko pa siya ulit pero parang hindi siya natitinag. “Simon ano?! Paano natin mauumpisahan kung hindi mo nililinaw?”

“Stop it...” namamaos niyang sagot. “Wala tayong uumpisahan.”

Umahon na siya sa pagkakasandal niya at muli na niya akong hinarap. Medyo pumipikit na rin ang mata niya kaya parang pinipilit na lang niya ang sarili niya.

“Ang gulo mo,” I said.

He chuckled. “I have issues, Darlene.”

“I don’t care,” matapang kong sagot.

Marahan niyang ginulo ang buhok niya. Bahagya pa siyang napayuko at napahawak sa batok niya. Narinig ko na naman ang mahina niyang halakhak.

“You mentioned before that you’re available, but only for me. Am I correct?” he asked.

I nodded. “Oo, at hanggang ngayon.”

“I am a terrible person, Darlene.”

“Alam ko,” I smirked.

Bahagyang nanlaki ang mata niya pero kinalaunan ay bigla na naman siyang napangiti. Umakto pa siya na nasasaktan habang nakahawak sa dibdib niya.

“Ouch!” he chuckled. “That hurts.”

Hindi ako umimik. Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Ang hirap niya talaga basahin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. Actually parang kinakabahan pa nga ako dahil sa ngiti niya.

“Do you still want to do this? You know, those spontaneous meetups whenever we need to clear our heads?”

I nodded without thinking that much. “Gusto ko pa rin, Simon. Gustong-gusto ko.”

“Alright,” he cleared his throat. “Ituloy pa rin natin.”

“Kakausapin mo pa rin ako?”

“If I have time,” sagot niya.

Ayos na sa akin iyon. Gusto ko pa sanang magtanong pero baka magbago pa ang isip niya. Hindi ko na lang siya kukulitin ulit. I need to understand where I stand in his life. Hindi na dapat ako lumampas doon.

Dalawang buwan ang lumipas. Ang sabi niya sa akin kakausapin niya pa rin ako kapag may oras siya. Ibig bang sabihin, dalawang buwan na siyang busy kaya until now wala pa rin siyang message sa akin?

Kahit tuldok man lang wala. Medyo active naman siya sa social media pero kahit isang message wala para sa akin. Iniiwasan niya ba ako? Sinabi niya lang ba iyon pero ang totoo hindi niya na talaga ako kakausapin?

Tangina talaga. Hanggang ngayon ang hirap pa rin talaga basahin ni Simon. Akala ko kilala ko na siya pero hindi pa rin pala. Maling-mali ako sa akala ko.

“How’s school, Darlene?” tanong sa akin ni Mommy habang nasa hapagkainan kami.

“Ayos lang po. Bearable naman and my classmates are nice din,” I answered.

Kuya Caleb is busy reviewing for the physician licensure exam. Bihira ko na nga lang din siyang makita. Madalas wala pang tulog o kung minsan ginagawa na niyang bahay yung mga coffee shop.

Hindi ko rin naman siya masisi dahil grabe rin ang pressure na nakaatang sa kaniya. Nakapasa si Kuya Adam ng isang take lang kaya hindi niya talaga pwedeng maibagsak ito. I know my parents. Comparison ang favorite nilang laro kaya hangga’t maaari sinusubukan ni Kuya Caleb na pantayan si Kuya Adam.

“May sinalihan ka na bang org? I know a lot of great orgs in your school.”

I nodded. “Meron na po.”

Lumawak naman ang ngiti ni Mommy kaya ako ngayon ang napalunok. Alam kong hindi siya matutuwa sa isasagot ko pero bahala na!

“Anong org iyan?” she asked.

Daddy looked attentive too. Napatigil pa siya sa pagkain habang inaabangan ang magiging sagot ko.

“I joined their dance troupe,” I bit my lower lip. Nag-iwas ako ng tingin at pasimple kong kinagatan ang steak dahil ramdam ko na ang nanunusok na titig ni Mommy.

“How stupid!” she said angrily.

Napayuko ako. Malapit na ring maubos ang kinakain ko kaya binilisan ko na ang pagnguya ko.

“Listen, Darlene, you’re not a kid anymore. College is a big deal, and you need to take it seriously. Instead of messing around with some silly dance troupe, why don’t you join something that will actually help you out in the future? Like the school newspaper or the research team. These groups will actually help you learn and grow as a person,” pangaral pa ni Mommy habang mariin pa rin ang titig sa akin.

“S-susubukan ko po...” I croaked.

“Ditch that dance troupe,” she added.

“I think I can multitask...” I swallowed harder. “Kaya ko naman po siguro.”

Napailing naman siya. “Then do it immediately.”

Maybe isa ito sa dahilan kung bakit para akong nakawala sa hawla kapag nasa labas ako. Pakiramdam ko nasa kulungan ako kapag nasa mansyon ako kaya nailalabas ko lang talaga ang kagaspangan ko kapag malayo ang parents ko.

I think I have a love-hate relationship with them. Mahal ko ang magulang ko pero hindi ko gusto ang pagdidikta nila sa akin. Minsan ko na ring naisip na magrebelde pero hindi ko kaya. Hindi ko sila kayang saktan.

dk. 🔒 @basuranidarlene

dk. 🔒 @basuranidarlene

bakit kasi hindi kami parehas ng brain cells nila kuya : ))

dk. 🔒 @basuranidarlene

11:11 sana i-chat mo na ulit ako

score mo sa exam 🔒 @posernizero

↪️ Replying to @basuranidarlene

(2) sana mamiss niya rin ako 😭😭😭

Hindi ko na pinansin ang reply ni Zero sa tweet ko. Magda-drama lang iyon sa akin at wala ako sa mood ngayon kaya bahala na muna siya sa sarili niya. Parehas kaming lugmok ngayon kaya baka mag-away lang kami.

Ayos lang kaya si Simon ngayon? I felt a lump in my throat while scrolling through my social media. Kanina pa ako nangangati na i-message siya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Wala tuloy akong choice kung hindi mag-scroll lang ngayon. Napahinto nga lang ako sa isang video na pinost ni Kendra. Recent lang iyon dahil ten minutes ago pa lang ang nakakalipas!

It’s just a video of her and Simon doing a popular dance challenge. I think it was taken last night since I heard Equinox was invited to a runway event in Makati. I don’t know. I just don’t know what to feel while watching their video.

Turned off din ang comments kaya hindi ko makita ang reaksyon ng mga tao. Napalunok ako. Hindi lang naman iyon ang platform kaya alam kong bubungad sa akin ang topic na ito sa Twitter. Nilayo ko na lang ang phone ko sa sarili ko. Itutulog ko na lang ito.

“Party tayo sa weekend?” yaya sa amin ni Autumn, isa sa mga classmate ko na kinalaunan ay naging kaibigan ko na rin.

I raised my hand. “G ako! G ako!”

“Alak na alak ka palagi,” humalakhak naman si Courtney habang umiiling.

Nagkaroon na rin ako ng ilang kaibigan kahit kasisimula pa lang ng semester. Maybe it wasn’t bad as I thought it would be. Idagdag pa na kasama ko rin sila sa dance troupe kaya mas lalo akong naging palagay.

I totally misjudged this place. I thought the students here would be just a bunch of spoiled brats who couldn’t speak Tagalog, but I guess I was being way too judgemental.

May mga estudyante rin pala dito na balahura rin kagaya ko. Most especially sa mga kasama ko sa dance troupe. Nagulat pa nga ako dahil marami sa kanila ang ka-humor ko.

“12 disciples nga nainom ng alak, eh. Ayos lang iyan,” I chuckled.

“Hoy, gago ka talaga!” humalakhak naman si Autumn. “Katatapos lang ng Theology natin tapos ganiyan agad lumalabas sa bibig mo.”

“Totoo naman diba?” hirit ko pa.

Courtney laughed. “Sana i-retake mo yung Theology.”

Nakakainis naman kasi! Hindi naman ako informed na may ganito pala kaming subject dito. Ano kayang connect niyan sa Biology? And who would’ve thought that this is a Catholic school!

Medyo na-culture shock pa ako dahil Jesuit priest pa ang professor namin! Mabait naman siya but I don’t like how super religious he is. Mabuti na lang marami akong kaklase na nasa parehas na sitwasyon. Doon kami nagkakaintindihan dahil hindi naman lahat ay religious.

“Punyeta ka tal—” naputol naman ang sasabihin ko nang may mga dumaang estudyante na parang nag-aaral yata ng Theology dahil sa suot nila.

Nginitian naman nila kami. Pinagdikit pa ang dalawang mga palad at yumuko. I smiled shyly. Narinig yata nila ako pero nagawa pa rin nila akong ngitian!

“Theology class isn’t as bad as you think. Well medyo minalas nga lang tayo sa professor natin but I have few friends from other department, and they enjoy the class. Nasa professor lang talaga,” kwento naman ni Autumn.

“And to think na we have to take 3 classes?! Akala ko isa lang pero hanggang next semester meron pa rin? Saan na ako pupunta nito? Baka lumagpas na ako sa langit!” bulalas ko pa.

Pinakalma naman ako ni Courtney. Tinapik niya pa ang balikat ko kaya kahit papaano natahimik na ako.

“Hayaan mo na. Kasama talaga sa curriculum kaya wala tayong choice,” pang-aalo pa ni Courtney.

“Hindi ka ba aware na this is a Jesuit school?” tanong naman ni Autumn.

I shook my head. “Hindi ko alam kasi wala naman akong pakialam. Parents ko lang naman may gusto na dito ako mag-aral.”

“Treat the Bible like a kid’s storybook, then,” Autumn chuckled. “Read it, analyze it, pick it apart, whatever. Doesn’t matter if you don’t believe it all. No need to go full-on convert.”

Sa wakas ay kahit papaano natanggap ko na sa sarili ko na ito ang kailangan kong pagtiisan sa susunod pang apat na taon. Hopefully maka-survive ako at maka-graduate. Kahit wala nang Latin honor pakialam ko d’yan! Pinoy naman ako.

May usapan kami ni Kuya Caleb ngayon kaya kikitain ko na naman siya sa Manila. Sa susunod talaga ay kukuha na ako ng lisensya para hindi ko na kailangan pang bitbitin ang driver namin kahit saan ako magpunta. Hindi na rin ako magsa-suffer sa pagko-commute sa bansang ito kapag nakalimutan kong dalhin ang kotse namin!

“Manong paki-park na lang po. Kanina pa po kasi ako hinihintay ni Kuya,” I said.

Agad akong bumaba sa kotse nang makarating kami. Hinanap ko naman si Kuya sa loob ng coffee shop at nakita kong nasa sulok siya. Mag-isa habang nakaharap sa laptop niya. May mga notes sa paligid at may kape na parang hindi man lang nabawasan.

He looked so restless. Kahit pa naka-salamin siya, kitang-kita ko pa rin ang pagod sa mata niya. Tumuloy na lang ako para puntahan siya sa kinauupuan niya.

“Kuya!” I called him. “Super busy mo naman.”

“Darlene...” he immediately smiled and pinched my cheeks. “Nandito ka na pala. Pasensya ka na. May tinatapos lang ako.”

“It’s fine. I anticipated this so there’s nothing to worry,” I said while scanning the menu.

I immediately instructed the waiter and gave my order. Binalik ko na lang ulit ang pansin ko kay Kuya na busy mag-highlight sa mga papel na nasa harap niya. Sobrang dami niyang highlighters! May mga definition of terms pa siya na minamarkahan sa mga papel.

Is this the everyday life of a med student? Kung tingnan ko pa lang si Kuya ay parang hindi ko na kaya. Tamad na tamad pa naman ako kaya parang hindi ko yata masu-survive. Average student lang naman ako. Gusto ko lang makatapos at mag-travel. Not to take another set of stress!

“Normal ba iyan sa med student?” nginusuan ko pa ang mga papel niya na may iba’t ibang kulay na.

He chuckled. “I guess so? Hindi ako makaka-survive kung hindi ako magbabasa.”

“Oh fuck. Not that part. I hate reading the most so pass na talaga,” umiling-iling ako.

“But where are you now?” he mocked me. “Biology? Isn’t that a pre-med program?”

I frowned. “Shut up! Hindi lang naman ito pre-med program. Pwede naman ako maging researcher kung gusto ko.”

“If you say so. Pwede ka pa naman mag-shift kung sakaling magbago ang isip mo,” pang-uudyok pa ni Kuya. Tinaasan pa niya ako ng kilay habang nakangisi.

“As if may takas ako kay Mommy? My goodness! Pati nga org na sinasalihan ko, mino-monitor niya! Pagshi-shift pa kaya?”

Kinuha ko naman ang iilang papel na nasa table. May mga parts ng katawan dito na mismong si Kuya ang naglagay ng label. May mga maliit pa na note para siguro gawin niyang palatandaan or key word. I don’t know. Sumasakit lang ang ulo ko kaya binaba ko na ang mga papel.

“I told you. Kung noong una pa lang kasi pero wala na tayong magagawa. Nangyari na kasi,” I heard him sigh.

“Maiba lang ako. In good terms ba kayo ni Kendra?”

Sandaling napahinto si Kuya. Mukhang may effect pa rin talaga yung babaeng iyon ah? Malapit nang mag-isang taon pero bakit parang hirap si Kuya mag-move on?

Kung makapagsalita naman ako! Ako nga halos dalawang taon na. Nahiya naman ako?!

He nodded. “We are good. Why?”

“Curious lang. Nakikita ko kasi sa Twitter alam mo na. Para raw kasing may past si Kendra at yung vocalist ng Equinox. True kaya iyon?” inosente kong tanong.

I should give myself an award! Kung makaarte ay akala mo talaga wala akong alam. I just want to hear my brother’s side. Puro na lang kasi kay Simon ang nalalaman ko.

“Ex niya talaga iyon,” simpleng sagot ni Kuya.

Ako naman ngayon ang nagulat. How can he answer my question casually?! Parang wala man lang bahid ng selos or what! Or am I underestimating my brother? Baka naman kasi naka-move on na talaga siya.

“Really? Akala ko napapraning lang yung fans. Totoo pala talaga.”

“Totoo iyon. 1 year din yata sila,” dagdag pa ni Kuya.

“But she’s older than him diba? As far as I know, 19 lang si Simon tapos si Kendra ay 22?”

“May problema ka ba sa age?” tanong pa niya.

Umiling ako. “Hindi naman sa gano’n. Syempre curious lang ako! Posible kasi na minor pa si Simon tapos si Kendra nasa legal age na noong naging sila.”

“Tama ka naman.”

Bigla naman akong nabilaukan sa narinig ko. The fuck?! Napahawak pa ako sa dibdib ko bago ko binaba ang kapeng iniinom ko.

“Isn’t that weird?” kuryoso kong tanong.

“Basta ang alam ko 16 lang si Simon tapos 19 si Kendra noong naging sila.”

“Oh, fuck. Then that’s more disturbing,” I blatantly said.

“May isip na ang 16 years old, Darlene. Alam naman siguro ni Simon ang ginagawa niya at saka maayos naman ang hiwalayan nila ni Kendra,” dagdag pa ni Kuya.

“Ah, basta ang disturbing para sa akin.”

Parang nililipad pa rin ang sarili ko habang pauwi ako sa bahay. Hindi pa rin ako mapakali sa tuwing naiisip ko ang age gap nilang dalawa. I mean may punto naman si Kuya pero hindi pa rin ako mapalagay.

Hindi ko na alam! Idagdag pa ang usapan tungkol sa video nila kagabi, mas lalo lang naging matunog ang speculations tungkol sa nakaraan nilang dalawa.

Sa tuwing nakakaramdam ako ng ganito, mas lalo ko lang tuloy gustong makita si Simon. I want to meet him and debunk all my thoughts about their relationship!

sgbenitez

hindi pa naman expired ang usapan natin diba?
pwede ba tayo magkita ngayon?

Hindi ako mapakali habang hinihintay ko ang response niya. Pagkatapos kasi ng dalawang buwan, ngayon ko lang siya ulit kinausap. Hindi rin naman kasi niya ako kinausap kaya bakit ako magme-message?! Oo, gusto ko siya pero mas mataas ang pride ko!

sgbenitez

Sorry.
Not now, Darlene.
I’m busy. Maybe next time.

Ang daya. Ang daya niya talaga! Kapag ako ang busy kahit nasa kalagitnaan ako ng gawain, gumagawa pa rin ako ng paraan para lang maisingit siya sa schedule ko!

Actually ito ang unang beses na ako ang nag-initiate na magkita kami. Sa lahat kasi ng meetups namin, siya lang ang nag-aaya tapos ako lang itong napayag.

But when it’s finally my turn, hindi man lang niya ako mapagbigyan? Ang unfair naman. Pagdating sa kaniya, gumagawa talaga ako ng paraan kahit nahuhuli na ako sa gawain ko pero kapag sa akin? Busy? Next time na lang?

sgbenitez

sige ako na lang mag-isa

Busy talaga ako.

oo nga alam ko naman
next time na lang

My message was left unread. Hindi na rin ako umasa na magbabago pa ang isip niya. Ngayon mas malinaw na sa akin na gusto niya talaga akong iwasan. Sinabi niya lang talaga iyon para paasahin ako pero ang totoo, wala na talaga siyang balak.

Maybe I was wrong for thinking that he did like me at some point. He just wanted me for his convenience, nothing more, nothing less. Perhaps my only purpose in his life was to serve as his companion whenever he needed an escape.

A distraction, to be exact.

Continue Reading

You'll Also Like

529K 8.5K 48
Due to Maeve Zahara Villacorta's parents planning everything out, even the people included in her precious 18's, she have decided to look for someone...
464K 9.6K 43
LOUISIANA SERIES #2 Maria Leiana is an ambitious young woman. Being an exceptional manager of the biggest chains of hotel made her established and se...
52.1K 3.3K 45
Band Series #1 || Kaye Serenity Saavedra desperately came back to Philippines after being forced to study abroad. She gets involved with Cyrus Louis...
802K 16.9K 48
The Prestige Series 2 Alliana had everything in life. For her, career and passion should always be her utmost priority. Not until Abes, came in the p...