Helaina

By peritwinklexx

6.5K 195 19

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Helaina at Valentine. One is committed, and the other is kinda pl... More

Helaina
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 26

131 4 2
By peritwinklexx

Nanatili kaming magkayakap ni Valentine hanggang sa natapos ang pag-ikot ng ferris wheel. Pinilit niya pa ako kanina na tingnan ang kagandahan nung view nung nasa itaas kami. Pero tumanggi ako. Natatakot kasi talaga ako, eh. Yung para bang feeling ko ay katapusan ko na. Na malapit na akong malagutan ng hininga.

"I'm really sorry, Helaina. Hindi ko talaga alam." Aniya.

"It's okay, Val." Sagot ko. Tipid ko siyang nginitian. "Di mo naman rin kasi alam. At ewan ko ba bakit nawala sa isipan ko na may takot pala ako sa heights." Tinitigan niya ako saglit.

"Baka makalimutan ko," may kinapa siya sa kanyang bulsa. Nakita kong may isang maliit na pouch siyang inilabas galing dito. "Regalo ko 'to sa'yo." Kinuha niya ang laman nun.

Napakurap ako ng maraming beses nang makita ko ang isang gold necklace na may key pendant.

"Hey, I think that's too much." Sabi ko. "Ang dami mo ng naibigay sa akin ngayon, Val."

Hindi niya ako pinansin. Tinanggal niya ang pagkaka-lock nung kwintas at umikot siya sa likod ko. Hinawi niya ang buhok ko at ikinabit ang kwintas. Habang ginagawa niya yun ay hinawakan ko ang pendant nito. Tiningnan ko rin ito at napasinghap ako ng makita ko ang pangalan ko na nakaukit dito.

"It looks good on you." Puri niya sa akin pagkabalik niya sa harap ko. Uminit na naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Nambola ka pa. Pero thank you." Sabi ko. Kumindat siya sa akin at ngumisi.

Ilang sandali ang nakalipas ay binuksan niya ang frontseat ng sasakyan niya.

"Ihahatid na kita." Sabi niya.

"Pero ayaw ko pang umuwi." Nguso ko. "Can you take me somewhere else, please?"

"Di pwede. Baka magalit sa akin ang pinsan mo kapag pinagbigyan kita."

"Si Dominic? Ba't naman siya magagalit?" Kunot noo kong tanong. "Teka nga, textmates ba kayo? Close na kayo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Pasok na. Ihahatid kita. Tapos." Hindi niya man lang sinagot ang mga tanong ko.

Umirap ako sa kanya at padabog na sumakay sa sasakyan niya. Panira 'to. Birthday ko naman, eh. Sana pinagbigyan na lang niya ako. Tsk! Magkatexmate ba talaga sila ng pinsan ko?

"Dahan-dahan naman. Baka masira mo 'tong sasakyan ko." Saway niya sa akin.

"Tss!" Irap ko sa kanya. Mabilis siyang umikot at umupo sa driver seat.

Tinatahak na namin ang daan pauwi. Napatingin ako sa labas habang inaalala ang mga nangyari sa akin sa araw na 'to.

Napasulyap ako sa 'driver' ko ngayon. Napangiti ako sa sarili ko habang iniisip ang mga ginawa niya para sa akin ngayon.

Thank you kasi nakita ako ni Valentine kanina sa sementeryo. Dahil kung hindi, siguro hanggang ngayon ay nandun pa rin ako, nagdadrama.

Tumigil ang sasakyan ni Valentine dahil sa red light. Kunot-noo siyang tumingin sa akin.

"You know what, you're creepy." Sabi niya.

"Why?" Tawa ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Kanina ka pa kasi nakangiting nakatingin sa akin." Sagot niya. "Pinagnanasaan mo ba ako?"

Napamulagat ako sa tanong niya. Pinagnanasahan talaga?! Ganun?!

"Oy, hindi ah!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Kapal niyo po. Pinagnanasaan? Agad-agad?! Grabe 'to!"

"Tss! Aminin mo na, Helaina. Di naman ako magagalit, eh." Mapresko niyang sabi. "Sanay na ako sa mga ganyan."

"Really, huh?" Halakhak ko. "I'm not lusting over you, Val."

"Kunwari ka pa." Tawa niya. Pinatakbo na niya ulit ang sasakyan niya dahil nag-go signal na ang traffic light.

Tawa ako ng tawa dahil sa mga pinagsasabi ni Valentine. Ipinagpipilitan niya talaga na pinagnanasahan ko siya. Grabe 'tong lalaking 'to. Ang feeling!

"You know, you can fantasize with my body any time you want." Pilit niya pa. Sabay kaming napasulyap sa isa't isa. Kumindat pa siya at ngumisi sa akin.

"Mukha mo, Val." Irap ko.

"Gwapo?" Hagalpak niya.

Hindi na ako nagsalita. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana at sinisikap na magpigil ng tawa. God, Valentine's crazy. Really!

HININTAY kong makalabas ng sasakyan si Valentine. Nag-ring kasi ang phone niya nung paglabas ko. Nakatayo ako ngayon sa may gate ng bahay nila Dominic.

Kinapa ko ang kwintas na ibinigay ni Valentine. First time kong makatanggap ng ganitong kwintas. Iyong regalo sa birthday ko. Usually kasi mga damit, pabango at accessories ang natatanggap ko maliban sa necklace.

Bakit kaya susi ang pendant nito? Tinitigan ko ang pangalan kong nakaukit dito. Magkano kaya ang magpagawa ng ganito? Yung may nakaukit na pangalan? Maybe I'll ask him na lang mamaya.

Kumalabog ang sasakyan ni Valentine. Binitawan ko ang pendant sa kwintas na ibinigay niya at hinayaan iyon sa may dibdib ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ba't di ka pa pumasok?" Tanong niya.

"Eh, hinintay kita." Ngisi ko. Napakurap naman siya sa sinabi ko. Bakit?

"T-tara na nga." Aniya saka nag-iwas ng tingin. Nauna siyang pumasok sa gate. Kumunot naman ang noo ko. Anyare dun?

Nagmadali akong sumunod sa kanya. Kumapit agad ako sa braso niya nang maabutan ko siya. Bahagya pa siyang natigilan sa ginawa ko. Lumingon siya sa akin. Kinindatan ko siya at nginisihan. Akala mo ikaw lang ang marunong nito ha.

"Shit!" Narinig ko pang bulong niya.

Kumatok agad si Valentine sa pintuan nila Dominic. Naka-tatlong subok na siya pero wala pa ring nagbubukas sa amin.

"Wala yata sila." Sabi ko. Pero imposibleng walang tao dahil nakabukas naman ang mga ilaw nila sa taas.

Pinihit ni Valentine ang doorknob at laking pasalamat ko kasi bukas ito.

"Galing mo--"

Napatili ako bigla dahil may narinig akong pumutok galing sa loob. Tapos biglang nagliwanag ang sala ng bahay nila Dominic.

Napanganga ako sa dami ng tao na nandito ngayon sa bahay ng pinsan ko. Nandito yung mga kaibigan ko sa dati kong school. Kumpleto din ang barkada namin.

"HAPPY BIRTHDAY HELAINA!" Sabay-sabay nilang sigaw. Nagkikislapan din ang mga flash ng camera nila.

"Oh, my God!" Bulong ko sa sarili ko.

"Happy birthday, Helaina." Bulong naman ni Valentine sa akin. "Surprise?"

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Naabutan ko ang mukha niyang may malaking ngisi sa mga labi.

"Alam mong may ganito?" Wala sa sarili kong tanong. Tanging kindat lang ang isinagot niya sa akin at naglakad siya ng tuluyan, papasok sa bahay ng pinsan ko.

"Happy birthday, bestfriend!" Bati ni Shane sa akin at hinila niya ako papasok.

"Happy birthday, girl!" Bati rin ng magkapatid na sina Bub at Tamar sa akin. Sabay pa nila akong hinalikan sa pisngi ko.

May suot na party hats ang mga taong nandito ngayon. Nakakatawa nga kasi parang bata ang binigyan nila ng surprise party. May mga kulay pink din na balloons na nagkalat sa sala.

Natuwa ako sa mga pagkaing nakita ko sa mesa. May two layers na cake, chocolate fountain, may mga cupcakes, mango float, carbonara at mga bowls na may lamang iba't-ibang uri ng chocolates. I'm sure, matutuwa ang kambal kung nandito sila. Paborito kasi nila ang mga chocolates.

"Happy birthday, couz!" ngisi ni Dominic sa akin. Lumapit ako sa kanya at inakbayan naman niya ako. "I know you're shocked." Tumawa pa siya.

"Who wouldn't, right? First time kaya na may nagsurprise party sa akin." Nguso ko.

"It's Valentine's idea." Ani Ysha na kararating lang na may dalang inumin. Binigyan niya kaming dalawa ni Dominic.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Valentine. Ang dami namang pakulo ng lalaking 'yon! Nakakawindang! Pero aaminin ko. Nakakatuwa talaga ang mga ginagawa niya. Nakakataba ng puso. Feeling ko tuloy importante ako sa kanya.

Nakita ko siyang kausap ang mga kaibigan naming lalaki. Kumaway pa ang iilan sa kanila nang makita nila akong nakatingin sa kanila. Ilang saglit lang din ay lumingon na si Valentine sa akin. Sabay kaming napangisi.

Then I felt someone snaked his arms around my waist. Inalis agad ni Dominic ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Happy birthday, babe." Bati ng boyfriend ko. Si Gael.

"Gosh, you're here!" Di makapaniwalang sabi ko. Di pa rin kasi talaga sila magkasundo ng pinsan ko. Tapos nandito pa siya sa bahay nila.

"Yup! Shane invited me." Sagot ni Gael. "I missed you, babe." Dagdag pa niya. Dumampi agad ang mga labi niya sa mga labi ko.

Niyakap ko rin pabalik si Gael. I guess this is the right time that we'll talk about our relationship.

"I already forgive you, babe. Pero sana, sana naman talaga ay wag mo ng uulitin yun. I don't want to lose you. Please, wag mo na talagang uulitin yun." Bulong ko sa kanya habang magkayakap kami, not minding those eyes who are looking at us.

"I'm sorry, babe. I really promise I won't do it again." Ani Gael. Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya. He then cupped my face and kiss me fully on my lips again.

"Ehem! Ehem! Wag po kayong masyadong PDA dito kasi nakaka-bitter ang ka-sweetan niyo sa mga katulad kong single." Sita ni Shane.

Single? Single my ass! Anong tawag niya sa relasyon nila ni JL?

Nakihalubilo kami ni Gael sa kanilang lahat. Karamihan kasi sa mga inimbita nila ay yung mga kakilala naming dalawa. Ipinakilala ko rin si Gael sa mga kaibigan ko sa dating pinapasukan ko. Todo puri sila sa aming dalawa. Kesyo bagay na bagay daw kami, parehas daw kaming may hitsura, etc., etc., blah! Blah! Blah!

Habang lumalalim ang gabi ay unti-unti ng nagsiuwian ang mga bisita ko. Ang iba sa kanila ay mga lasing na. Kaming dalawa ni Gael ang naghatid sa kanila sa may gate.

"May regalo nga pala ako sa'yo." Ani Gael habang naglalakad kami pabalik sa loob ng bahay ng pinsan ko.

"Hindi ka na sana nag-abala pa." Sabi ko.

"Eh, sa gusto kitang bigyan. Pero mamaya ko na ibibigay. Nasa sasakyan ko kasi yun."

Biglang huminto si Gael sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nagtataka ko siyang tiningnan. Niyakap niya ako at isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Hey, babe! Baka matumba tayo!" Angal ko. Madami kasi ang nainom ko kaya medyo lasing na ako.

"Shhh.. let's stay like this for awhile." Bulong niya. Unti-unti ko na rin siyang niyakap pabalik.

"I'm really sorry for being an asshole babe. Pinagsisihan ko na talaga yun." Ani Gael. "Sorry talaga. Sorry. Sorry."

Napatitig ako sa kawalan dahil narinig kong humikbi si Gael. He really must be sorry, huh?

"Shh.." tahan ko sa kanya. "Kalimutan na natin yun. Okay?''

Humigpit ang pagkakayakap ni Gael sa akin.

"Thanks babe. I love you." Bulong niya.

"I love you too, babe."

Ilang saglit ay magkahawak-kamay kaming bumalik sa loob ng bahay nila Dominic. Nadatnan namin silang nag-uusap sa may mesa kung saan nakahanda ang mga pagkain. Napatingin pa silang lahat sa amin. Nakita kong umiling ang mga kaibigan kong babae. Nag-iwas ng tingin naman si Valentine.

Tiningnan ko ang mga kamay namin ni Gael. I hope giving him a chance is worth it. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magloko siya ulit.

Maya-maya lang ay nagpaalam na si Valentine. Tinapik siya sa balikat ng pinsan ko at may kung ano na ibinulong sa kanya. Niyakap naman siya ng mga kaibigan kong babae. They're really getting close now, huh?

"Helaina, mauna na ako." Paalam sa akin ni Valentine. "Una na ako, pare." Tumango si Gael sa kanya.

Nakalabas na si Valentine. Bigla kong naramdaman na kailangan ko siyang sundan kaya nagpaalam ako kay Gael.

"Susundan ko na muna si Valentine." Sabi ko. "May sasabihin lang ako sa kanya."

"Wag na. I-text mo na lang." Pigil niya sa akin.

"Hindi. Saglit lang 'to." Tumayo ako para hindi na niya ako mapigilan. Buti na lang tinawag siya ng pinsan ko at niyayang uminom.

Nagmadali akong lumabas ng bahay. Nakita ko si Valentine na naglakad patungo sa driver seat ng sasakyan.

"Val, wait!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ng makalapit ako. "Baka magalit si Gael pag kinausap mo ako."

"Ba't naman siya magagalit?" Balik tanong ko sa kanya. "Anyways, gusto kong magpasalamat ulit."

"Wala yun. Ikaw pa. Malakas ka sa akin, eh." Ngisi niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. At ewan ko kung bakit naramdaman kong may biglang nagtulak sa akin para yakapin si Valentine.

"Thank you. Di mo alam kung gaano mo ako napasaya sa araw na 'to." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Masaya ka ba talaga, Helaina?" Tanong niya.

"Sobra, Val." Tango ko. "Kung alam mo lang."

"Masaya ako kasi napasaya kita." Bulong niya.

Pero di nakaligtas sa akin ang malungkot na boses ni Valentine.

Continue Reading

You'll Also Like

865K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...