Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

142K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 14

2.8K 60 53
By kemekemelee

Use

Pakiramdam ko mahahati na sa dalawa ang ulo ko. Hindi ko pa nga tuluyang naimumulat ang mata ko dahil sa sobrang sakit. Nasobrahan yata ako ng inom kagabi. I can barely open my eyes right now. Shit. Kung makainom naman kasi parang walang bukas.

Wait a minute... what the heck happened last night?!

"Now, I know you won't forget me after this."

Agad akong napabangon sa pagkakahiga nang maalala ko ang nangyari. Tangina, talaga bang nangyari iyon?! Hinalikan ba talaga ako ni Simon?! Hindi ko na inalintana ang sakit ng ulo ko. Kinuha ko agad ang phone ko para i-check kung may kagagahan ba akong ginawa habang lasing ako.

Kumunot ang noo ko nang makita kong may message galing kay Simon. Punyetang buhay ito! Ano na naman kayang ginawa ko?

sgbenitez
1:11 AM

hoy
an0nq ginwsamo sakin
BkT MOK0KINISS//
gus2o mo naba ko

What?
I can't understand what you're saying.
Let's talk tomorrow.

bbkt bukqspa?
pwd nmn ngayin
tnfinamui

You should rest now.
Tell Enoch to take you home.

bkt sha p mghahatid skn
bkt nd ikw?/.

Then ditch that guy.
Meet me at the backyard.

ul000l
aywko
bBYEeee
tnginamuuuuu

sgbenitez
9:46 AM

Morning.
Nakauwi ka ba?
Let's talk when you're sober.

Tangina! Ako na lang ang nahiya para sa sarili ko. Napayuko ako at nilapag na lang sa kama ang phone ko dahil parang hindi yata nag-sink in sa akin ang lahat ng nangyari—ang paghalik sa akin ni Simon, at ang lahat ng mga sinabi ko sa conversation namin.

I swear to God. Hindi na talaga ako iinom! Punyetang alak iyan. Nilalagay lang ako lalo sa alanganin. Gulong-gulo na nga ako sa mga pangyayari tapos dadagdagan pa.

"Gising na pala ang disney princess," napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Caleb.

Hinimas ko naman ang ulo ko habang dahan-dahan ulit akong bumangon. Nakita ko namang may hawak na tray si Kuya. Mula dito ay naamoy ko kaagad yung soup kaya kumalam ang sikmura ko. Ngayon ko lang din napansin na hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit.

Paano nga pala ako nakauwi kagabi? Base sa conversation namin ni Simon, hindi ko siya kinita sa backyard kagabi. Nagtanong din siya kung nakauwi ba ako kaya sigurado akong hindi siya ang naghatid.

"Morning..." I hoarsely said. "How did I end up here pala? Sinong naghatid sa akin?"

Nilapag naman ni Kuya yung tray sa tabi ko. Hindi ko na hinintay na sagutin pa niya ang tanong ko. Gutom na gutom na talaga ako kaya kahit mainit pa, hinigop ko na yung sabaw.

"You called me. Hindi mo ba natandaan?"

Mas lalong nangunot ang noo ko. "Really? Tinawagan kita? Hindi ko matandaan."

"Oo," he nodded. "Lasing na lasing ka na kagabi. You keep on calling Simon's name. Sinong Simon ba ang tinutukoy mo?"

"Ewan ko rin. Lasing na siguro ako kaya hindi ko na rin talaga matandaan," simple kong sagot.

"And why are you with Enoch Sandoval? I think you're being too comfortable with boys."

Tumikhim naman ako. "Hang out lang naman. Nothing serious."

"Just be extra careful when you're around boys. They're still boys, after all, Darlene. I don't want you to get hurt, so please don't let your guard down just because they're being nice to you, okay?" he said, gently ruffling my hair.

Nahimasmasan na rin ako kahit papaano pagkatapos kong kumain kaya nagdesisyon na rin ako na i-check na lang ulit ang mga message sa akin ni Simon.

sgbenitez
10:30 AM

just woke up
hacked yung account ko kagabi
hindi ako yung kausap mo

Okay.

ano bang pag-uusapan?

We are invited to play in Family Feud.
Do you want to come along?
Bring your friends to watch with you.

bakit ako papayag?
kailan ba yan?

Next Monday.
Pupunta ka?

sige pupunta ako

Good. I'll see you.

Hindi ko na alam kung anong kaluluwa ba ang sumapi sa akin. Tangina parang sunod-sunuran agad ang katawan ko sa lahat ng gusto niya. But come to think of it... hinalikan niya ako kagabi para hindi ko siya makalimutan. Ibig ba sabihin, ayaw niyang magkagusto ako sa iba? Gusto ba niya na siya lang ang gusto ko?

Mapupunit na yata ang labi ko dahil sa lawak ng ngiti ko. Kung iyan ang gusto niya, edi sige pagbibigyan ko siya! Plus, that kiss meant something. I just know it. Hindi niya naman ako hahalikan kung wala siyang nararamdaman sa akin! Well, I guess I'll just have to wait until he's ready to take the plunge and confess his feelings for me. Until then, I'll keep myself available—only for him.

I guess that's just how he is. Maybe he needs time to figure things out. If that's what Simon wants, then I'm willing to wait. I'll show him that he's the only one for me. I'll show him that I'm his and his alone. Just make sure that this is all worth it, Simon.

"Darlene, mag-usap naman tayo. May nagawa ba ako?"

I sighed. "Enoch... I told you. Wala namang mali sa'yo."

"Then bakit hindi mo na ako kinakausap?" tanong pa niya.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa parking lot. Katatapos ko lang din mag-enroll pero hindi ko na isinama si Enoch dahil inaalala ko si Simon. Alam kong hindi niya naman alam ito pero pakiramdam ko nagchi-cheat ako kahit hindi naman kami.

"Need ba natin mag-usap palagi?" I shot back.

Damn, bakit ba ang laki ng school na ito? Kanina pa yata ako paikot-ikot pero hindi man lang ako makarating sa parking lot. Idagdag pa si Enoch na sunod nang sunod sa akin. I feel bad for him pero alam niya naman kung anong estado namin. Kaya nga kinausap ko siya because I thought he's cool with it.

"Hindi naman pero..." I cut him off.

"See? Kaya walang problema, Enoch."

Sinubukan pa niyang hawakan ang siko ko. "Darlene, gusto kita. Hindi ba gusto mo rin ako?"

"What..." natutop ko ang bibig ko. "Hindi ko matandaan na nagsabi akong gusto rin kita, Enoch."

"But your action says it all!"

I tapped his shoulder. "I think we're good as friends, Enoch."

Nanigas na yata si Enoch sa kinatatayuan niya kaya hindi ko na siya hinintay. Nagmadali na akong maglakad hanggang sa makarating ako sa parking lot. Finally! Pagkatapos ng ilang minuto kong pag-iikot, nakarating na din ako dito.

"Ma'am, saan po ang punta natin?"

"Daanan po muna natin yung mga kaibigan ko sa Galleria, then we'll head straight to Family Feud na," I instructed the driver and afterwards, dumiretso na rin kami sa Galleria.

I reconciled with my friends after talking with Simon. I know it was an impulsive decision pero mabuti na lang at naintindihan din nila ako. Tinanggap ulit nila ako kaya ngayon, ito ulit ang una naming pagkikita pagkatapos ng pagpapahinga ko ng ilang buwan.

Kinawayan ko sila nang makita ko sila sa Starbucks. Si Tiffany at Iris lang ang available sa kanilang apat dahil busy raw si Nicole at Ariane ngayon. Naiintindihan ko naman dahil biglaan lang din naman ang pagyayaya ko sa kanila.

Lima kaming nagma-manage ng Equinox Zone pero ako ang pinaka-head sa aming lima. Pero kahit gano'n, pantay-pantay naman ang treatment namin sa isa't isa. Nagkasundo lang naman kami dahil sa isang rason—ang suportahan ang Equinox. Later on, naging close na rin talaga kami kahit sa internet kami unang nagkakilala.

"Tiffany! Iris!" I waved at them.

Napatayo naman ang dalawa kong kaibigan habang naglalakad ako palapit sa kanila. Sumilay pa ang ngiti sa labi ko nang makita kong nag-order na rin pala sila ng iced coffee para sa akin.

"Tapos ka na ba mag-enroll?" tanong ni Tiffany.

I nodded. "Yup! Kayo ba? Ready na kayo?"

Winagayway naman ni Iris yung banner na hawak niya. "Ready na ready na!"

"Uy... thank you talaga, ha? Pasensya na rin."

"Luh siya! Ano ka ba? Naiintindihan naman namin. Thankful na lang nga kami na hindi mo talaga kami binitiwan," sagot ni Tiffany.

"Saka alam naman namin na hindi mo kami matitiis," humagikhik pa si Iris.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sila. Euphony is out of the country dahil busy siya na abutin ang pangarap niya. Kaya ngayon sila na lang talaga ang natitira kong kaibigan bukod kay Zero, Damian, at Poppy.

Inabot pa kami ng ilang minuto bago kami nakarating sa Network Center ng channel na may hawak sa Family Feud. Iginiya kami ng mga guard hanggang makarating kami sa loob. Pinaupo naman kami sa hanay na medyo malapit sa unahan. Hindi pa kami tuluyang nakakapag-ayos nang marinig ko ang tilian dahil lumabas na sila Simon mula sa backstage.

Kasunod din nila yung kalaban nila para sa araw na ito. If I'm not mistaken, they're a group of models! Kasama dito yung sikat na model na si Scarlet Alcantara. Bukod pa doon, kasama rin dito yung ex ni Kuya Caleb! Kendra Turlington is wearing a sexy smile. Ang mga mata niya ay sandaling dumako sa akin kaya ako naman ang nginitian niya.

"Gosh, ang ganda nila. Baka ma-inlove si Jagger sa isa sa kanila," pagmamaktol ni Tiffany sa tabi ko.

"Tingnan mo naman si Felix. Grabe makatitig kay Scarlet. Nanood lang yata ako dito para magselos eh?!" hirit pa ni Iris kaya natawa naman ako.

I scoffed. "OA niyo. Ang dami na kaya nilang na-meet na mas maganda pa sa kanila."

Nanatili naman ang tingin ko kay Simon habang pinapakilala niya ang lahat ng bandmates niya. Tipid lang ang ngiti niya hanggang sa magpakilala rin ang kalaban nila para sa araw na ito. Something's off with him. Hindi ko mapunto pero baka praning lang ako.

Si Simon at si Kendra ang unang sumalang. Diretso pa rin ang tingin ni Simon sa host habang matamis pa rin ang ngiti ni Kendra.

"Nag-survey kami ng 100 na pinoy and the top 6 answers are on the board. Anong gagawin mo kapag hiniwalayan ka ng jowa mo?"

Humalakhak naman kami nang makita naming si Simon ang unang pumindot sa button. Napawi nga lang ang ngiti ko nang mapansin kong wala man lang hint ng humor sa mukha niya. Anong problema niya? He should enjoy this show!

"Papayag ako," sagot ni Simon.

"Ay, papayag agad? Hindi mo man lang ba kokontrahin?" tanong ng host sa kaniya.

Nanatili ang tingin ni Simon kay Kendra na ngayon ay seryoso na rin ang mukha.

"Hindi na. Kung ayaw niya na, ano pang magagawa ko diba?"

"Sa bagay pero let's see kung iyan din ba ang sagot ng nakararami. The survey says..."

I felt a lump in my throat. Hindi man halata pero parang may namumuong tensyon sa pagitan ni Simon at Kendra. Parehas silang hindi nakangiti kaya hindi ko alam kung ayaw ba nila sa isa't isa o masyado lang nilang sineseryoso ang laro?

His answer ranked third. Ibig sabihin ay may chance pa si Kendra na sumagot.

"Itatanong ko muna kung bakit kasi baka may valid na reason kung bakit nakikipaghiwalay," seryosong sagot ni Kendra.

Natahimik ang audience dahil sa sagot niya. Mukhang nakakahalata na rin yata sila sa tensyon na namumuo sa dalawa. Hindi ko alam kung napapraning lang ba kami pero halata naman kasi. Kahit ang host ay parang hindi na rin alam ang gagawin.

"Tama! Tama!" the host cleared his throat. "Baka nga naman kasi may acceptable na reason kung bakit nakikipaghiwalay diba?"

"Right," Kendra nodded in agreement. "What if gusto lang ng tao na mag-focus sa pangarap niya diba?"

Simon's expression remained stoic. The host, on the other hand, chuckled nervously. I wanted to laugh along, but I couldn't sense any humor in their exchange. It felt like they were talking in riddles, sending indirect messages to each other.

"Mukhang nagkakainitan na tayo dito, ah! Tingnan muna natin kung nasa survey ba ang sagot ni Kendra," agap ng host.

The sound effect echoed right through my ears. Wala sa survey ang sagot niya pero parang paulit-ulit sa tenga ko ang palitan nila ng sagot kanina. Hindi na rin ako mapakali sa buong show. Pabalik-balik lang kay Kendra at kay Simon ang tingin ko.

Equinox ang nanalo para sa jackpot round. Mukhang wala rin sa mood si Simon kaya si Jagger at Levi ang pinili nilang sumagot.

"Parang badtrip si Simon, ano?" bulong ni Iris sa akin.

I shrugged. "Baka naman pagod lang?"

"Siguro nga," sagot naman ni Tiffany.

Aligaga pa rin ako kahit natapos na ang show. Trending pa nga ang episode na ito dahil sa dami ng fans na nag-aabang na maglaro ang Equinox sa Family Feud. But I know it's not just that. Netizens are buzzing with the possibility of something going on between Simon and Kendra. Their responses earlier and the lingering tension between them suggest that maybe they have a history together.

But some fans think it's all just a publicity stunt, considering the rumors that Kendra will be featured in their upcoming music video. They believe the tension is just for show, a way to generate buzz and keep the public talking. After all, any publicity is good publicity, right?

I would like to think it's the latter. Mas mabuti pang iyon na lang ang paniwalaan ko dahil maraming celebrity naman ang gumagawa ng gano'n para lang mapag-usapan.

sgbenitez

Are you busy?
Wanna come here?

why
ayos ka lang ba

I just want to hang out with you.
I missed you.

yan ganyan ka e!!!
akala mo madadala mo ko sa mga ganyan mo
wait ka lang i'll be there in an hour

After what felt like an eternity, I found myself standing in front of his condo unit. It's been months since I last stepped foot here, so I couldn't help but wonder if anything had changed here.

"Hi?" kumaway naman ako nang pagbuksan niya ako.

Dire-diretso naman akong pumasok sa loob. I looked around and noticed some changes. May mga album na nakasabit sa pader. Ang isang sulok naman ay parang ginawa nilang mural. Mas malinis na rin kung ikukumpara sa huling beses kong pagpunta dito.

"What do you want to eat?" tanong ni Simon.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. Shit. Ito nga pala ang unang conversation namin pagkatapos ng kiss namin.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?"

I frowned. "Gago wala! Ano bang pagkain d'yan? Nagugutom ako."

"Feel free to check the fridge. Magpapalit lang ako."

Tumango naman ako at binuksan ang fridge niya. Kumuha na lang ako ng chips at softdrinks dahil tinatamad na akong magluto ng kung ano. Sumalampak ako sa sofa habang hinihintay ko si Simon.

"You really prefer unhealthy foods," iiling-iling si Simon habang nakatingin sa akin.

"Hindi naman atay mo yung masisira kaya wala ka na doon!" I stuck my tongue out and continued eating.

"Anong gusto mong gawin? Let's watch movies? Maglaro tayo? Ano?" sunod-sunod kong tanong.

Simon shook his head. "I don't know."

"Anak ng tokwa ka talaga! Bakit mo pa ako pinapunta dito kung wala ka namang gustong gawin?"

"Hmm... not sure," he shrugged. "Maybe I just want your presence here. Is that a valid reason?"

Muntik ko nang mailuwa ang chips na kinakain ko. Tangina naman! Assuming lang ba ako o tama ang naririnig ko?

"Pa-fall ka," bwelta ko. "Pagkatapos mo akong halikan, magsasabi ka ng ganiyan. Hoy, kung may balak ka sa akin, willing ako maghintay."

"Darlene..."

"Ano na naman?"

He smirked. "What happened to Enoch?"

"Hindi na kami nag-uusap. Bakit?"

"Good."

Kinuha niya naman yung gitara niya. Umupo siya sa tabi ko habang kumakain ako. It's crazy to think that we're comfortable with each other kahit pa bihira lang kami mag-usap. Kahit pa alam naman namin na kailangan lang namin ang isa't isa whenever we feel exhausted. Right, that's the term. For convenience lang ang lahat ng ito.

"Simon... may tanong ako."

"Hmm..."

Napalunok naman ako bago ko nilapag yung chips sa maliit na table. Busy pa rin si Simon sa gitara niya pero alam kong nakikinig naman siya sa akin.

"May something ba kayo ni Kendra? Like ex mo ba siya or someone you know from the past?" kuryoso kong tanong.

"There are things you're better off not knowing," he said gravely, his brows furrowed as he strummed his guitar.

"So meron nga?" pangungulit ko pa.

"Darlene," tunog nagbabanta iyon.

Kendra is Kuya Caleb's ex-girlfriend. She's five years younger than Kuya, so she's only 22! And Simon here is just a year older than me. Maybe I'm just overthinking things. I don't think he's the type who's into older women.

"Ano bang masama magtanong? Curious lang naman ako. May tension kasi sa inyo kanina eh."

"Stop asking questions," he warned me.

"Then say yes or no! Ang dali lang naman."

Nabitawan ko ang chips nang biglang kalabitin ni Simon ang string ng gitara niya nang pagkalakas-lakas. Mukhang napuno na yata siya sa pangungulit ko. Simple lang naman ang tanong ko, ah? Halata kasi na affected siya kaya gusto ko lang malaman.

"She's my ex..." sagot niya sa namamaos na boses.

My throat feels parched as I struggle to find the right words. Kasasabi ko lang na hindi siya yung tipo na pumapatol sa mas matandang babae pero kinumpirma agad niya. Kendra is undeniably beautiful. Understatement pa nga yata iyon dahil sobrang ganda niya talaga! Pati nga si Kuya Caleb hulog na hulog sa kaniya kaya ngayong nalaman kong pati si Simon nagkagusto sa kaniya, mas lalo lang akong nanliit sa sarili ko.

So, that's his type, huh? A tall, sophisticated woman who carries herself with grace and confidence. A true embodiment of feminine power, like Aphrodite's right-hand woman.

Ano bang laban ko kay Kendra? Maganda nga ako pero ilang milya ang layo niya sa akin! Maganda ako pero mas maganda siya. Tangina, hindi naman ako madalas makaramdam ng insecurity pero parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil lamang na lamang si Kendra sa akin sa lahat ng aspeto.

"Ganda niya," wala sa sarili kong nasabi.

Hindi naman sumagot si Simon kaya binalot kami ng katahimikan.

"You want me here to distract yourself? Mahal mo pa?"

I heard him groan. "Darlene, that's enough."

"Why? I'm just curious. Affected ka pa yata kaya kinailangan mo pa ako dito."

"Stop," pag-uulit pa niya.

And for some reason, a mix of anger and jealousy bubbles up inside me. Galit ako dahil alam kong ginagamit niya lang ako para i-distract ang sarili niya at selos dahil alam kong may feelings pa rin siya kay Kendra! I'm just here as a replacement.

Punyeta naman! Alam ko namang hindi dapat ako nanghihimasok pero baka nga yata nag-iilusyon lang ulit ako na may pag-asa dahil lang hinalikan niya ako. Ang bobo ko talaga. Pagdating kay Simon, nailalabas ko talaga lahat ng katangahan sa katawan ko.

"So, ano ako dito? For distraction lang kasi mahal mo pa?"

"Isn't that what we agreed on? To see each other whenever we need an escape or a distraction?" he said huskily, his voice strained with suppressed emotion.

"Edi mahal mo pa nga," I pointed out.

"No."

I raised my eyebrow. "Really?"

"Darlene, don't test my patience."

"Oh, bakit galit na galit ka? Hindi ka na dapat affected diba?" tudyo ko pa kahit naiinis na rin ako.

Nagulat naman ako dahil nilapag niya yung gitara. Mabilis din ang paghinga niya nang salubungin niya ako ng tingin. Umurong pa siya ng kaunti bago niya ako hinarap.

"I said I'm not."

"Sige, sabi mo iyan eh," I smirked.

He held my gaze, and I met it without flinching. I wanted to show him that I am not affected, even though it was tearing me apart inside. After all, this was what we had agreed on. Simon needed an escape, and I am here to provide companionship.

I mustered up my courage and reached out to gently cup his cheeks. He didn't even react with my touch. Nanatili lang ang tingin niya sa akin. So, I continued to caress his face. Pinadausdos ko ang daliri ko sa lahat ng parte ng mukha niya.

And I made the most foolish decision of my entire life.

"You wanted a distraction, right? I'll give it to you," I whispered softly, inching closer to him.

His lips parted, but he remained silent.

I closed my eyes and pressed my lips against his, my fingers tracing the contours of his cheeks. Marahan ko siyang hinalikan pero nagulat ako nang gantihan niya rin ang halik ko. Masyadong malambot iyon at nakapanghihina. I feel like he is taking every ounce of my energy.

"Use me until you get over her," I said, my breath still catching in my throat from the kiss.

Continue Reading

You'll Also Like

161K 5.4K 33
3/6 Saints Series. A PLAYLIST FOR THE GIRL NAMED AMNESIA Isang gabi, may nakitang binata si Astrid sa crossing ng St.Javier at St.Regidor.Una palang...
307K 5K 43
"Matandang Mayamang Maagang Mamamatay." That's what the retired Lieutenant and multi-billionaire Frederick San Lorenzo is known for. Despite his weal...
5.1K 1.4K 44
She woke up from the deep but uncomfortable sleep. The moment everybody's been waiting for, As the brilliant sun flashes through her gentle face. Her...