NAKAW NA SANDALI (Complete)

By xharles-story

132K 1.4K 114

ang storyang ito ay kathang isip lamang, ito ay nag laman nang mga sexual na karanasan. happy reading! More

PROLOGUE
part 1
part 2
part 3
part 4
part 5
part 6
part 7
part 8
part 9
part 10
part 11
part 12
part 13
part 14
part 15
part 16
part 17
••••••••••
part 18
part 19
part 20
part 21
part 22
part 23
part 24
part 25
part 26
part 27
part 28
part 29
part 30
part 31
part 33
F I N A L E

part 32

548 6 0
By xharles-story

Ⓒ︎Ⓗ︎Ⓐ︎Ⓟ︎Ⓣ︎Ⓔ︎Ⓡ︎: 32


( Ziggy's pov )

I was hurt. Hindi ko inaakalang ganito kasakit para sa akin ang makita siyang may kayakap na iba. Kung dati kinakaya ko naman, kung dati okay lang naman sa'kin, ngayon hindi ko na kaya. Para akong sinasaksak sa sobrang sakit. Yung selos na hindi lang basta selos, yung selos na ginigiba yung puso ko sa hapdi at kirot.

Bakit niya sa akin nagawa 'yun? Bakit niya ako pinaasa at niloko. Kung hindi naman na talaga ako mahalaga sa kaniya, dapat nung una pa lang sinabi na niya sa akin. Dapat tinanggihan niya yung alok kong kasal.

Badtrip ako sa kaniya. Sobrang badtrip. Gusto ko siyang hanapin at puntahan sa mga oras na 'yun at komprontahin. Gusto ko itanong sa kaniya kung ano ang ibig sabihin ng picture. Pero natakot ako, na baka sabihin niya sa akin ang totoo. Na hindi naman talaga niya ako mahal. Na ayaw niya talagang makasal sa akin. Na nagpapanggap lang siya. Na nagsinungaling siya noong sabihin niya sa aking mahal niya rin ako.

Baka, mahal pa niya ang gagong ex niya. After all this years, hindi pa rin ba niya nakakalimutan ang lalaking 'yun? After all this years, siya pa rin ba ang mahal niya?

Sumisikip ang dibdib ko dahil sa sakit na ramdadam ko ngayon sa puso ko. Parang may sumusuntok dito. Parang may pumipiga. Parang may sumasaksak.
Masaya magmahal. Masaya makaramdam ng pagmamahal mula sa taong mahal mo pero...ganun din kasakit masaktan. Lahat ng sayang naramdaman ko sa mga nakalipas na araw na kasama ko siya'y lahat natabunan ng sakit na'to.

Hindi ko kaya. Hindi ko kakayaning malaman na mahal pa niya ang ex niya. Hindi ko kakayanin na iwan niya ako. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Ikababaliw ko.
Bakit kasi ganito kahirap ang buhay? Bakit hindi pweding kami na lang dalawa agad? Bakit kailangan pa naming dumaan sa mga pagsubok? Bakit ang hirap magmahal?

Kailangan ba talagang masaktan muna bago sumaya? Sa totoo lang medyo napapagod na ako. Napapagod na akong masaktan. Palagi na lang akong nahihirapan kapag nagmamahal ako.

Ilang taon akong nagdusa dahil sa pagmamahal na hindi ko mailabas. Dahil sa damdaming hindi ko naiparamdam sa taong gusto kong mahalin. Minsan na siyang nawala sa akin. Minsan na siyang naging pagmamay-ari ng iba. Minsan na akong nalugmok sa pagkabigo nang maramdaman ko at mabuo sa isip ko na hindi talaga kaming dalawa ang nakatadhana para sa isa't-isa.

Bakit hindi na lang ako nagmahal ng iba? Sana ganun na lang kadali. Yung kapag naisip mong kalimutan siya'y makakalimutan mo na. Pero hindi eh, ilang araw kang hindi makakatulog kakaisip sa kaniya. Ilang araw kang iiyak. Ilang buwan kang aasa na balang araw ay darating din siya. Kahit sino ipilit mong isiksik sa puso mo'y hindi mo magagawa. Kasi kapag mahal mo siya, para na siyang nakatatak sa puso mo, hindi maalis-alis.

Minsan gusto ko siyang sisihin sa lahat ng nangyari sa akin. Kasalanan kasi niya lahat ng toh. Kasalanan niya kung bakit ko siya minahal ng ganito. Nananahimik lang ang buhay ko. Pero dumating siya. Minahal niya ako at ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal niya. Don din nagsimulang mabuo ang damdaming hindi ko kailanman naisip na mararamdaman ko. Ang magmahal ng gaya niya, na katulad ko ng kasarian.
Alam ko namang naging manhid ako. Na nasaktan ko din siya. Alam ko umiyak din siya noon. Alam ko nahirapan din siya dahil kinamumuhian ko siya. Pero sana man lang naghintay siya sa akin, sana hinintay niya nung mga panahong minahal ko na siya. Kung nagtiis lang siya sa akin ng kunti pang panahon, baka naging kami kaagad. Baka nagkaroon ako ng pagkakataong iparamdam sa kaniyang mahal ko siya.

Pero siguro nainip lang siya at dala na rin ng sakit na dulot ko'y naghanap siya ng pagmamahal sa iba. Pagmamahal na ibinigay sa kaniya ni Tyron. Alam ko masaya silang dalawa. Alam ko pareho nilang mahal ang isa't-isa kasi saksi ako sa pagmamahalan nila nung nasa college pa kami.

Sa mga panahon pa lang na yun, nahihirapan na ako. Labis-labis na yung pagsisisi ko. Labis-labis na yung sakit na naramdaman ko. Pero sino ba naman ako para bawiin siya? Ako lang naman ang lalaking hindi tumanggap sa kaniya. Ako lang naman ang lalaking makitid ang utak.
Kaya heto ang nangyari. Nagdurusa ako sa kasalanan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Ang akala ko tapos na ang lahat ng paghihirap at tuluyan na kaming sasaya na dalawa.

Ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo nang mapapayag ko siyang pakasalan ako. Ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo sa tuwing magkasama kaming dalawa. Hindi ko lang sinabi sa kaniya pero siya ang bumubuo ng araw ko.
Hindi ko kailangan ng kahit na sinong babae at mas lalong hindi ako papatol sa lalaki dahil alam ko sa sarili ko na siya lang naman ang lalaking kaya kong mahalin. Siya lang ang kailangan ko. Siya lang ang kokompleto sa buhay. Basta ang alam ko, siya ang buhay ko.

Pero...ngayon, mabuo pa kaya ang mga pangarap ko sa piling niya? Matupad ko kaya ang mga plano para sa aming dalawa? Matatawag ko pa ba siyang asawa ko? Makatitira pa kaya kami sa iisang bahay? Sabay pa kaya kaming tatandang dalawa? Sabay pa kaya kaming gigising sa araw-araw? Baka hindi pero bakit ang sakit isipin.

Pinahid ko ang mga luhang nag-unahan sa pagpatak. Kanina ko pa pinipiglan pero hindi ko kaya. Hindi ako madaling maiyak pero pagdating sa kaniya, hindi ko na makontrol ang sarili ko.
Sumasabay ang hampas ng alon sa dalampasigan sa pagpatak ng mga luha ko. Ang tunog na nagagawa ng dagat ay nagpapadagdag sa sama ng loob ko. Para bang dinadamayan niya ako sa kabiguan ko.

Kapag naaalala ko ang pagyayakapan nilang dalawa, lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko matanggap na nahawakan at nayakap ulit siya ng lalaking 'yun. Wala na siyang karapatan ngayon dahil may pamilya na siya. Kung nandon lang ako baka siguro mata lang niya ang walang latay. Kapag naiiisip kong kagustuhan din siguro ni Dwight na yakapin siya'y nawawala ang lahat ng lakas ng loob ko. Mahirap kasing ipaglaban ang taong hindi ka naman mahal.

Mabuti na lang dito ko naisipang pumunta dahil dito malayo ako sa kaniya. Hindi ko alam kung hahanapin pa ba niya ako o hindi pero sa ngayon, gusto ko muna lumayo. Kahit na malayo ang lugar na 'toh, pinuntahan ko pa rin dahil hindi ko muna kayang manatili sa lugar na malapit sa kanila.

Nakatanaw lang ako sa dagat ng biglang dumilim at nagsunod-sunod ang pagkulog at pagkidlat. Sa isang iglap, nagsibagsakan ang mga ulan. Hindi ako gumalaw. Masyado akong lutang para isiping tumakbo at sumilong pa. Dito lang muna ako kahit basang-basa na ako.

ZIGGY? BALIW KANA BA? GUSTO MO BANG MAG PAKAMATAY HUHH? Bakas ang galit kay Tita Mariel sa akin

HALIKA NA NGA. Hinila niya ako patayo habang hawak-hawak niya ang payong.
Hinila niya ako papunta sa bahay nila. Pinapasok niya ako habang pinapagalitan.

ANO BA KASING PROBLEMA MONG BATA KA? GANON NABA KALALA AT GUSTO MO NANG MAGPAKAMATAY? NAKO ZIGGY! TUMATAAS ANG DUGO KO SAYO. ALAM MO, HINDI MO DAPAT PINAPAHIRAPAN ANG SARILI MO. MATUTO KA NAMANG PAHALAGAHAN DIN ANG SARILI MO. bulyaw niya sa akin.

Nakatulala lang ako. Wala na akong lakas para magsalita pa.

SIGE NA AT UMINOM KA NANG TUBIG AT MAG BIHIS. sabi niya.

Sinunod ko siya. Pumasok ako sa kwarto at imbes na magbihis ay agad naupo lang ako sa likod ng pintuan habang nakatulala pa rin.

Ilang oras ko lang siyang hindi nakausap at nakita'y namimiss ko na siya kaagad. Gusto ko na ulit siya makita. Gusto ko na ulit marinig ang boses niya. Muli na namang bumuhos ang luha ko. Kailan ba titigil ang luha ko.

Nagbihis lang ako ng maramdaman ko na ang ginaw dala ng pagkabasa ng suot ko. Pagkatapos kong magpatuyo ay nahiga na lang ako sa kama baka sakaling dalawin ako ng antok. Sa pagpikit ko pa lang ng mga mata ko, larawan niya kaagad ang nakita ko. Mga alaala naming dalawa ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko kaya hindi ko namalayan kung anong oras ako nakatulog.

Nagising ako ng maghahapunan na dahil sa paggising sa akin ni Tita Mariel. Siya ay kapatid ni Mommy. Pero kinumbinsi ko siyang wag sabihin na sa kaniya ako pumunta. Baka kasi hanapin nila ako sa kaniya. Hindi sa umaasa akong mag-aalala sila't hahanapin ako, naninigurado lang ako para hindi nila ako masundan.

Pakiramdam ko na gusto akong tanungin ni Tita sa mga nangyayari pero hindi niya ginawa. Mas mabuti ng ganito dahil ayaw ko din sana muna pag-usapan.
Nang matapos akong kumain ay bumalik ako sa kwarto at natulog ulit kahit alam ko namang hindi naman talaga ako tuluyang sinasakop ng tulog. Oo nga't nakapikit ako at parang nakatulog pero yung diwa ko gising na gising pa rin.

Kinabukasan ay ginising ako ni Tita. Pinakain niya ako nang agahan. Nang makakain ako ng kunti dahil wala akong ganang kumain ay nagpunta ulit ako sa dalampasigan. Naupo ulit ako rito habang nakatanaw sa dagat habang malalim ang pag-iisip.
Hinahanap kaya niya ako ngayon? Panigurado alam na niyang nakita ko ang picture dahil hindi ko sinasadyang maiwan ang cellphone ko sa bahay nila. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko hindi ko naisip pa ang cellphone ko. Dumiretso na ako dito.
Malalim pa rin ang pag-iisip ko ng bigla akong makarinig ng sigaw.

ZIGGY? ZIGGY.?? Tarantang tawag sa akin ni Tita kaya naalarma ako. Mukhang may hindi magandang nangyari.

ANO HONG NANGYARI TITA?  Sinalubong ko siya. Bakas sa mukha niya ang takot.

WAG KANG MABIBIGLA HA.  umiiyak niyang sabi kaya mas lalo akong kinabahan.

BAKIT PO? tanong ko sa kanya na may halong kaba

SI...SI...utal na sagot ni tita na tila bang gulat na gulat ito

ANO HO KASI YUN TITA? inis kung tanong kasi ako parang kinakabahan na din sa kung anong pwede kong marinig galing sa kanya

SI...SI... SI DWIGHT DAW NAAKSIDENTE..... iyak niyang sabi

Parang may sumabog na bomba sa tenga ko dahil sa sinabi ni Tita. Nabingi ako at sumiklab ang kaba sa dibdib ko. Sumalakay ang takot sa puso ko. Hindi pwedi. Natulala ako.

Nagmadali akong tumakbo papunta sa kotse ko. Bubuksan ko na ang kotse ng biglang hindi ko makapa ang susi ko sa bulsa. Nagmadali akong bumalik sa bahay para hanapin ang susi pero hindi ko pa rin mahanap. Tangina nasaan ba ang susing yun.

Please Dwight, don't die. Bigla napalitan ng takot ang puso ko na baka mawala na nga ng tuluyan si Dwight. Kung kanina may inis ako dahil sa nakita kong picture, ngayon naman basta buhay siya hindi ko na iisipin pa ang nakita ko. Papatawarin ko siya. Hahayaan ko na siya sa kung ano ang gusto niya. Kaya sana, wag niya akong iwan. Hindi ko kakayanin.

TITA YUNG SUSI NANG KOTSE KO?  Taranta kong tanong kay Tita ng bumaba ako sa sala.

HINDI KO ALAM, SAAN MO BA INILAGAY? tanong niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko tapos nawawala pa ang susi ko.

HINDI KO PO MAKITA EH. PAHIRAM PO AKO NANG SASAKYAN MO TITA PLEASE.. sabi ko kay Tita. Hindi ako mapakali, napasapo ako sa mukha sa sobrang frustrations.

PAANO YAN HINIRAM NANG TITA PEARL MO ANG KOTSE KO. ZIGGY, BILISAN MO. KRITIKAL DAW ANG LAGAY NI DWIGHT. sa sinabi ni tita'y tuluyan na akong nawala sa sarili.

HINDI PWEDE TO DWIGHT....PLEASE LUMABAN KA.... patakbo akong lumabas ng bahay

Hindi ko alam kung saan ako hihiram nang masasakyan ko.. takbo ako nang takbo hanggang sa naka kita ako nang taxi, kaya agad naman ako sumakay at pinabilisan ang pag mamaneho...

DWIGHT PLEASE........PLEASE DWIGHT.....PLEASE......

••••••••••
Nako po. Parang di maganda ang sitwasyon ng dalawa ah.

Chapter 33 will be posted as soon as possible. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

228K 35.5K 92
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
165K 3.8K 63
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
86.9K 3.3K 7
2 tom dylogii ,,Agony"
108K 4K 22
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !