Write me love

By in_k1999

3.3K 201 57

In a world where words are her refuge, an anonymous writer grapples with a daunting task: writing a romance n... More

#0
#1
#2
#3
#4
#5
#7
#8
#9
#9.1

#6

214 16 5
By in_k1999

Roni's Pov

"Bakit ka nag mumura ngayon?" Nakangising tanong n'ya dahil narinig nanaman nya'ko.

"Huh? pinag sasabi mo d'yan. Assumero" sabay lagpas ko sakanya.

Sinubukan ko s'yang hindi pansinin.
Nakakairita talaga, mag kakaron nalang ng multo sa unit ko 'yong malandi pa.

Nag ang cellphone ko, it was carlo.

Sakto ang pag tawag n'ya dahil tatawagan korin sana s'ya.

[Hello roni?]

Bago ako sumagot sakanya ay nag kunwari akong umuubo.

"Hi carlo"

[May sakit ka ba?]
Tanong n'ya.

Nag kunwari uli ako. "Oo pasensya ka'na, hindi yata kita masasamahan. Sorry talaga carlo, babawi ako, promise!"

[It's okay roni, don't worry about it. Basta mag pahinga ka muna. If you want, punta ako d'yan, hindi nalang din ako pumunta?]

Nakaka-guilty pero wala na talaga akong gana pumunta, kulang nalang ay mag lagay ako ng mga puno sa condo unit ko dahil naandito lang ako magdamag. I barely go out.

"No carlo, umattend ka. Importante 'yan, don't worry about me, just please umattend ka"

[Okay fine, just update mo kong ano ng nararamdaman mo, okay?]

"Okay" tanging sagot ko.

Then he said goodbye and i dropped the call.

Sakto rin namang nag message ang lola ko sa side ni mommy, tinatanong n'ya kong busy ba'ko. Miss naraw n'ya ako, sana naman ay makabisita ako kapag hindi na'ko busy. Sigurado akong pinsan ko ang nag type non, masyado ng malabo ang mga mata ng grandparents ko para gumamit pa ng phone.

Ngayon alam ko na ang gagawin ko, ang gusto kong gawin, alam ko na kong saan ako pupunta.

I packed my thing and left, hoping na hindi dumaan roon si carlo, dahil mag tataka s'ya kong bakit walang tao sa condo ko.

It's a long drive, gladly kasama ko si borj. Tahimik lang kami pero it's not awkward and actually it's comforting. It's comforting for no reason.

Madilim narin nong nakarating ako, gusto kong i-surprise si lola dahil hindi na'ko nag reply at diretso ayos at alis.

Sa likod ng bahay ako dumaan, nakita na agad ako ng hardinero nila, matagal na s'yang nag tatrabaho rito. Hindi maramot ang grandparents ko, malaki sila mag pasahod at maganda sila makitungo kaya naman hindi na umalis ang hardinero nila ever since na natangap n'ya ang trabahong 'to.

Nilagay ko ang daliri ko sa labi ko, telling him to keep quiet.

Rinig ko ang pag tatalo ng grandparents ko, nonsense na pag tatalo lang naman. Pinag tatalonan nila kong sino na ang mas malabo ang mata.

"Ano ba yan lo at la, parehas namang malabo na ang mga mata ninyo" pag singit ko habang nag tatalo sila, nakangiti pa'ko habang sinasabi 'yon.

"Ronalisa!" Masayang bati nila sa'kin.

Agad akong umakap sakanila, nakakapagod rin yong byahe, nawala 'yon nong nayakap ko na sila.

Inabot ni lola ang juice sa mesa para sa'kin. "Ginulat mo naman kami ija, akala naman e' hindi ka manlang pupunta rito" may pag tatampo sa tono ni lola.

Tumayo ako at umakap sakanya "la, sorry na po, naging busy lang, andito na naman ako, sorry na po" panunuyo ko.

"Haynako roni, hayaan mo 'yang lola mo, pero tama ka, mabuti naman at naandito kana" pag singit ni lolo.

Inirapan naman ni lola si lolo, para silang mga teenager kong mag away.

"May boyfriend kana ba ija?" Biglaang tanong ni lola, nauutal paakong sasagot dahil kapag humindi ako ay kong ano ano ang sasabihin saakin. Kesho antanda kona raw at kaylangan ng mag asawa, kaylangan narin daw nila ng apo dahil habang tumatanda ako ay tumatanda rin sila. Pero sino namang isasagot ko kapag nag-oo ako?

I sighed. "Wala pa po" sagot ko.

At ayan na nga.

"Na'ko ronalisa, antanda mo na bakit di ka pa mag asawa. Tignan mo ang kuya mo, malapit naring ikasal 'yan. Eh paano naman ikaw?" Panenermun ni lola.

Inawat naman s'ya ni lolo kaya natawa ako.

"Lola, namiss rin kita. Sige na po, tataas na'ko, ilalagay ko muna mga gamit ko doon" pag papaalam ko.

Umakyat na'ko sa itaas para ibaba at ayusin ang gamit ko. Dito siguro muna ako ng tatlong linggo.

Tinignan ko ang kwarto na dating kwarto rin ng mommy ko noong kabataan n'ya.

Dito kami nag i-stay kapag bumibisita kami. Kaso ngalang bihira na kami bumisita rito, hindi ko pa nga nabibisita ang parents ko. Naging busy kaming lahat dahil syempre nag wowork nakami.

Bumaba ako para kumain ng dinner, nakakagutom yong byahe ko 'no.
Matapos non nag pahinga muna ako sa kwarto saglit bago lumabas uli.

"Oh ronalisa, saan ka pupunta?" Tanong ni lolo dahil papunta ako sa terrace.

Maganda at mahangin don, may mesang malapad na mahaba pero mababa lang.
Nag dala ako ng kumot at unan dahil malamig doon.

"Sa terrace po lo, mag mumuni muni" nakangiting sabi ko at tumango naman s'ya't hinayaan ako.

Nilagay ko ang unan at kumot don at humiga. Andaming bituin ngayong gabi, yon din talaga ang gusto kong makita.

Tumabi sa'kin si borj pero hindi tabing tabi, sa laki non ay kasya naman ang limang tao na nag mumuni muni.

I left out a heavy sighed. Which confused borj.

Humarap ako sakanya at ganon rin s'ya.

"May problema ba?" Tanong n'ya.

Umiling ako. "Wala naman, pagod lang"

Tumango siya at hindi nagsalita, kaya umayos na'ko ng higa para ibalik ang tingin sa langit.

Lumingon uli ako sa kanya at nakitang nakatingin siya rin s'ya sa langit at mukhang may iniisip din. Pareho kaya kami ng iniisip? Ano kayang iniisip n'ya.

"Borj, mahirap ba'ko mahalin? kasi hangang ngayon wala pa'kong boyfriend like alam mo na"

Tumawa s'ya ng mahina. Katatawanan lang ba'ko??

Nag salita s'ya matapos ako tawanan. "Alam mo roni, hindi mo dapat pinipilit 'yan. You should love yourself first in order to finally fall in love and love others. Baka hindi pa tamang oras para d'yan, darating rin 'yan"

Nakatingin parin ako sa langit habang sinasabi n'ya 'yon.

For the first time, may taong hindi nag sabi sa'kin na umibig na ng iba. But instead mahalin ko muna ang sarili ko. I'm really grateful to have borj by my side. Pero how long? hangang kailan nga ba s'ya nandyan.

That conversation made me sleepy, nagising nalang ako na pataas na ang araw.

Agad naman akong tumayo para mas matitigan 'yon. Minsan lang ako makakita ng sunrise.

"Borj, ang ganda 'no?" Tanong ko kay borj na katabi ko ngayon.

Hindi s'ya kaagad umimik.

" I love sunrise " i added.

Nakapamulsa s'ya ngayon nong tinignan ko s'ya.

"I used to like it too, but not anymore cause i hated the sunrise because it represented another day." He said with a serious voice.

That confused me.

"Used to? ibig mo bang sabihin may naaalala kana borj?" Tanong ko sakanya.

Tumingin s'ya saakin pero hindi naman mapakali ang mata n'ya. "U-uh siguro" sagot n'ya.

Ibig sabihin banon kapag naalala n'ya na lahat ay makakaalis na s'ya? iiwanan na nya'ko?

My house will feel so empty without a ghost roaming around.

"Pumasok na tayo sa loob roni, maiinitan kana dito" aya n'ya kaya pumasok narin ako.

———

"Borj's Pov—2022"

Inisip ko na, kailangan kaya ako mawawala ng tuluyan sa mundong 'to. However, I never would have thought that I would be 23, Dying because of overdose, on purpose. That was it, right? Was this how i really want to die? by ki/ling myself.

I hope no one can find me on time.

Continue Reading

You'll Also Like

118K 4.2K 95
'How I obsessively adore you' ˏˋ°•*⁀➷ started➛30/03/2024 finished➛ ˏˋ°•*⁀➷ cover by me x
218K 5.4K 20
Your daughter runs off while you were in the middle of grocery shopping because she spotted Max, her favourite driver. Meeting you, Max wants to know...
438K 30K 45
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
980K 60.6K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...