#7

276 18 2
                                    

Roni's Pov

Hindi naman talaga pag susulat ang una kong gustong gawin. Ang totoo, pag do-doctor 'yon. Kaya siguro TOTGA ko ang medicine.

Pero hindi ko pinag sisihan ang pagiging writer, not even once. Nirerelate korin kasi sa sarili ko ang mga characters na ginagawa ko. Sa pag susulat ko napapakita ang totoong ako.

Dahil sa kakaisip ko nito e' hindi ko pa nagagalaw ang umagahan sa harapan ko.

"Roni ano bang iniisip mo?" Tanong ni borj.

Seryuso ba s'ya? akala ko ba nababasa n'ya ang isip ko.

"Hindi mo na nababasa nasa isip ko?" Tanong ko sakanya.

"Hindi konaman talaga nababasa nasa isip mo, matagal ko pang kaylangan titigan ka in order to know what you're thinking" pag amin n'ya.

I was annoyed and relieved at the same time.

"Ronalisa may kausap ka ba?" Tanong ng lola ko na-kakapasok lang sa kusina.

Umiling ako. "Ah opo, sa cellphone".
Umakto akong may katawagan talaga.

Hindi naman na nag hinala pa si lola, sinaluhan n'ya nalang din ako dahil nasa labas si lolo.

Nag pahinga muna ako saglit bago naligo, masaya gumala rito ngayon.
Presko ang hangin at maganda pa ang tanawin.

Lumabas ako ng bahay kasama si borj, para bumili ng sangkap mamaya sa tanghalian. Mag gugulay kami.

Nakasalubong konaman si sunshine, ang pinsan ko. Sinalubong n'ya ko ng may ngiti.

"Ate roni! Antagal nating hindi nag kita, nakauwi kana pala galing america?" sambit n'ya't tuwang tuwa.

"Saan ka pupunta ate?" Dagdag n'ya.

"Oo, actually mag three months na'kong nakauwi naging busy lang at tsaka pupunta ako sa palengke, bibili ako ng gulay. Ikaw saan ka pupunta? nasaan sila tita?" Tanong ko.

"Nasa bahay po, ate roni samahan na kita doon rin naman talaga ang punta ko"

Tumango ako't ngumiti. Nakahawak s'ya sa braso ko ngayon habang sinasabi saakin ang mga nag bago sa probinsya nila.

Nakakatuwa na inayos na ang kalsada rito, mas madali na ang pag da-drive kong naka kotse ka.

Speaking of kotse, iniwan ko lang 'yon.
Hindi konaman kaylangang sumakay pa dahil malapit lang ang palengke.

Tumitingin ako sa likod time to time, tinitignan si borj. Nakahalukipkip lang s'ya habang nag lalakad kami.

Natatamaan s'ya ng sinag ng araw pero wala s'yang anino.

Sa huling lingon ko ay nakakunot nuo s'yang tumingin rin sakin. Ang daldal ni sunshine kaya nakakalimutan konaring may kasama pa pala ako.

Lumapit sa'kin si borj kaya nag kunwari akong may katawagan para makausap s'ya.

"Ayos kalang" tanong ko habang naka tapat sa tenga ko ang cellphone kahit na naka power off talaga 'yon.

Sumagot si borj. "Ako ba kinakausap mo?"

"Syempre ikaw, ayos kalang?"

Umiling sya. "Hindi ako okay, boring na boring na'ko dito, wala manlang tv. Mas gusto ko sa condo mo nakakanood ako don" pag rereklamo n'ya.

"Ang kapal naman ng mukha mo kaya pala ang taas ng bill ko" mag kasalubong na kilay kong sabi.

Tinapik naman ako ni sunshine. "Ate sino kausap mo, bakit parang galit ka?"

Write me loveWhere stories live. Discover now