LOVE IN MISTAKE

By author_na_ewan

60.9K 1.6K 108

Two person from different world. Got tangled by a mistake. Can this love find its way to forever? More

part 1
part 2
part 3
part 4
part 5
part 6
part 7
part 8
part 9
part 10
part 11
part 12
part 13
part 14
part 15
part 16
part 17
part 18
part 19
part 20
part 21
part 22
part 23
part 24
part 25
part 27
part 28
part 29
part 30
part 31
last part
special part

part 26

1.1K 43 1
By author_na_ewan

Author's POV

"Babe, magpaCS ka na lang kaya. Ahhh aray ko! Aray ko po!!" sambit ni Freen habang hawak ni Becky ang buhok niya. Hinila naman ni Becky si Freen palapit sakanya.

"Anong CS ang sinasabi mo?! Eh kung ikaw kaya ipaCS ko ha?!" sigaw ni Becky sa tapat ng tenga ni Freen

"Nagbibiro lang naman ako babe. Aray aray aray! Wag na kasi sa buhok humawak masakit na anit ko. Aray! Dito ka na lang humawak sa braso ko" binitawan naman ni Becky ang buhok ni Freen at humawak sa braso ni Freen.

"Okay mommy you're ready to push. 1, 2, 3. Push" pagkasabi ng midwife ay nag umpisa nang umire si Becky.

"AHHHHHHHH!! Babe! Aray ko!" sigaw ni Freen sapagkat nakagat ni Becky ang braso nito na kanina pa niya hawak.

Makalipas ang mahigit isang oras na pag ire, pagsigaw, at pagkagat ni Becky sa braso ni Freen ay successful nitong nailabas ang kanyang mga anak. Dahil na rin sa sobrang pagod ay nawalan na nang malay si Becky matapos niyang mailabas ang ikatlo niyang ipinagbubuntis.

Kasalukuyan nang nasa private room niya si Becky. Natutulog ito, maski na rin si Freen ay mahimbing ang tulog na nakahiga sa couch. Naalimpungatan si Becky nang pumasok ang mga kaibigan nila.

"Hi Patricia, congrats!" bungad na bati ni Nam

"Fren, grabe congrats!" sambit ni Irin at sabay yakap sa kaibigan.

"Congrats Patricia girl!" - Kade

"Congrats Patricia. Buti kinaya mo yung tatlo" - Noey

"Congrats Pat. Nga pala nasan si Freen?" saad ni Heng

"Ayun oh tulog na tulog. Akala mo siya ang napagod umire" sambit ni Becky sabay turo kay Freen na natutulog sa couch.

"Hay nako, paanong di mapapagod yan eh nung umalis kayo sa opisina eh hawak hawak mo siya sa buhok. Tawang tawa nga mga empleyado ni Freen. Kasi ang angas angas daw niya sa company, pero pagdating kay Pat eh tiklop siya" saad ni Irin at nagsitawanan silang lahat.

Habang nagkukwentuhan sila ay may kumatok sa pinto. Agad naman itong pinagbuksan ni Heng, dahil siya ang pinakamalapit sa pinto.

"Oh heto na pala ang mga baby eh" sambit ni Heng. Nagsigawan naman sila Irin, Nam, at Kade kayat biglang nagising si Freen.

"Ha! Ano!? Ano!?" sambit ni Freen dahil sa pagkagulat.

"Oa naman Freen. Anjan na mga anak mo" saad ni Nam.

Agad namang ipinasok ng tatlong nurse ang mga bata na nakalagay pa sa kanikanilang crib.

"Wait, bakit puro blue?" takang tanong ni Irin.

"Ano pa nga ba? Edi tatlong Freenie nanaman" sagot ni Becky

"Walang nakalusot kahit isang babae?" malungkot na tanong ni Nam.

"Syempre di ko pa nabubuo ang basketball team ko kaya wala pang muse" sagot naman ni Freen na lumapit agad sa mga anak niya.

"Hoy! Tama na yan. Akala mo ata eh madali lang umire. Ginagawa mo naman akong baboy" reklamo ni Becky.

"Pwede naman ako ang muse sa basketball team niyo no" singit ni Kade

"Nako, kung ikaw lang din. Wag na lang" pang aasar ni Noey

"Magtigil nga kayo. Syempre si Becky ang muse namin" sambit ni Freen, sabay lapit kay Becky at hinalikan ito sa noo.

"Teka. May ipapangalan na ba kayo sa mga anak niyo?" tanong ni Noey

"Meron na. Kaya wag na kayong magsuggest. Sayang lang laway niyo" sabat ni Freen kay Noey

"Ay sayang. Ang ganda pa naman isunod sa pangalan ko eh" sambit ni Heng

"Mahal, kung sa pangalan mo isusunod ang mga bata, wag na please lang. Shut up ka na lang okay?" pangbabara ni Nam sa kasintahan niya

Habang nagkukwentuhan sila ay pumasok ang isang staff ng hospital.

"Good afternoon po Mr. Chankimha. Papapirmahan ko lang po itong documents para maprocess na po yung birth certificate ng mga bata" saad nito

"Patingin nga ako ng mga pangalan" sambit ni Nam at agad namang iniabot ni Freen ang mga papel

"Uno Gabriel, Jiro Isaac, Thirdy Elijah" pagbasa ni Nam sa mga pangalan ng mga bata.

"San mo naman nakuha mga pangalan nila pre?" tanong ni Noey

"Yung first name nila is numbers, uno is spanish for one, jiro is japanese for 2, and Thirdy is english for 3. And yung mga second name nila eh kinuha ko sa bible" paliwanag ni Freen.

"Kailan ka pa naging anak nang Diyos pre?" pabirong tanong ni Heng

"Siraulo" maikling sagot ni Freen

"I love their names. Diba mga inaanak" sambit naman ni Kade na hawak na ang isa sa mga baby

"Hoy dahan dahan sa paghawak ng anak ko. Wala ka pa namang boyfriend di mo mapapalitan yan" saad ni Freen

"Sino namang nagsabing wala akong boyfriend?" sagot ni Kade

"May boyfriend ka na?!" sabay sabay nilang tanong

"Grabe naman kayo. In chorus talaga? Ano kayo choir? And yes may boyfriend na ako" confident na sagot ni Kade

Nagtinginan na lang silang lahat na parang nagtataka pa na may boyfriend na ang kaibigan nila. Maya maya lang ay dumating na ang mommy at daddy ni Freen.

"Let me see my apos" sambit ni Hera sabay lapit sa mga bata

"Ang gugwapo naman ng mga apo ko. Manang mana sa lolodad" ani naman ni Helios.

"Anak bat blue lahat to?" takang tanong ni Hera

"Wala mommy bokya tayo. Lalaki silang tatlo" sagot ni Becky kay Hera.

"Ay wala pa akong princess. Pero okay lang, look oh we already have 4 little Freenies" tuwang tuwang saad ni Hera

"Mom naman, Freen na lang. Ang laki laki ko na Freenie pa rin tawag niyo sakin. Saka nakakahiya, nandito pa naman mga kaibigan ko" singit ni Freen

Habang nagrereklamo si Freen sa mommy niya ay nagpipigil naman nang tawa ang daddy at mga kaibigan niya.

"Sige subukan niyong tumawa. Di niyo talaga makikita mga anak ko" tinignan ni Freen nang masama ang mga kaibigan niya, sabay sabay namang tumalikod ang mga ito. "I can see your shoulders shaking. I said don't laugh eh" sambit ni Freen

"Nako anak tama na yan. Ahm may pangalan na ba ang triplets?" tanong ni Hera

"Yes mom, meron na po" saad ni Freen at iniabot ang mga papel sa ina upang ito na mismo ang magbasa

"Uno, Jiro, and Thirdy. Ang cute naman nang pangalan nang mga apo natin Honey. Pero teka lang pano natin malalaman kung sino si Uno, si Jiro, at si Thirdy?" sambit ni Hera

"Ah wag po kayong mag alala mommy. Napaghandaan na po namin yan ni Freenie. Babe kunin mo yung mga damit nila" utos ni Becky kay Freen at agad naman nitong kinuha ang mga damit ng mga anak sa bag nila.

"Here mom. Bumili kami ng mga damit na may numbers para di tayo malito." saad ni Freen habang pinapakita ang damit ng kanyang mga anak

"Aww so cute naman. Sana lang hindi lumaking may kapilyuhan yung apat. Lalo na at kamukhang kamukha ng daddy" singit ni Nam

"Hala. Nagbago na kaya ako. Grabe ka naman sakin Nam" sambit ni Freen.

"So pano yan anak? eh tatlo lang kasama niyo sa bahay. Kailangan niyo pa ulit manguha nang mga bagong mag aalaga sa triplets" pag aalalang tanong ni Helios kay Freen.

"Don't worry dad. Nacontact na nang yaya ni Sky yung dalawa pa niyang pamangkin at pinsan niya. Kaya mas dadami na kasama namin sa bahay. Dad baka naman tulungan mo ako. It's hard to raise 4 kids" saad ni Freen sa ama nito

"Matanong nga kita anak" ani ni Helios sa anak

"Yes dad ano yun?" sagot naman ni Freen

"Ako ba ang gumawa niyang apat na cute na bata na yan?" tanong nito sa anak

"Hindi po" tugon nito

"Sinong tatay nila?" tanong muli nito

"Ako po" sagot ni Freen.

"So who's responsible for them?" tanong ulit ni Helios

"Ako po dad" sagot nit sa ama

"Oh kaya mo na yan. Bakit idadamay mo pa ako" pabirong saad ni Helios sa anak napasimangot na lang si Freen. Habang ngumingisi naman ang mga kaibigan niya pati na rin si Becky at Hera

"Syempre naman anak di namin pababayaan ang mga apo namin. Syempre mahal namin ang apat na chikiting" sambit ni Hera. "Pero yung mga bata lang at si Patricia. Ikaw? Bahala ka may trabaho ka naman sa company. Saka malaki ka na" dugtong pa ni Hera.

"Grabe naman mom, parang di niyo ako anak ah" reklamo ni Freen sa ina

Nagkwentuhan lang silang lahat. Hanggang sa isa isa na ring nagsiuwian ang mga kaibigan nila. At huling umalis ang parents nila.

"Babe magpahinga ka na. Ako na ang bahala kila Uno, Jiro, at Thirdy. Alam ko namang pagod kang umire" pagbibiro ni Freen kay Becky.

"Ay talagang ikaw ang magbabantay sakanila. Alangan namang ako, eh ako ang napagod kakaire sakanilang tatlo. Oh alam mo na pag umiyak ha" saad ni Becky.

"Opo madam. Check the diaper first, if hindi nagpoop, gutom." sambit ni Freen

"Okay good. Sige na goodnight" ani ni Becky

"Goodnight our muse. I love you" sambit ni Freen sabay halik sa labi ni Becky.

"I love you too team captain" tugon naman ni Becky at natulog na ito. Si Freen naman ay nakangiting pinagmamasdan ang kaniyang mga anak.

Continue Reading