Alter The Game

By beeyotch

1.5M 51.7K 22.9K

(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drow... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 19

31.2K 1.2K 827
By beeyotch

Chapter 19

"Kamusta ang exam?" sabi ni Papa sa akin nang sunduin niya ako pagkatapos nung Consti exam.

I shrugged. "Mahirap po," sagot ko.

Pakiramdam ko naman ay naka-sagot ako, pero ayoko lang sabihin sa kanya 'yon. Expectation causes disappointment talaga madalas. I mean, kahit naman ako ang nagbabayad ng tuition ko, alam ko naman na may expectation pa rin iyong parents ko sa akin.

Basta gagawin ko na lang iyong best ko para kung anuman ang mangyari, wala akong pagsisisihan.

Tss. Ramdam na ramdam ko talaga iyong influence ni Atty. Marroquin sa buhay ko. Dati naman e yolo lang ang motto ko. Kailan pa ako natuto na 'gawin ang best ko?' Parang dati e masaya na ako kapag naka-sagot ako sa recit kahit alam ko na hindi ganoong ka-sakto iyong mga sagot ko.

"Sa Sabado na ang huling exam mo?" Tumango ako. "Gusto mong magdinner tayo nila Mama mo?"

Napa-tingin ako sa kanya na naka-kunot ang noo. Ang weird dahil hindi naman kami iyong tipo ng pamilya na nagpa-plano ng dinner sa labas. Usually sa bahay lang talaga kami... Tapos iyong pamilya namin na hindi naman talaga close in the first place, mas lalo pang naging malayo dahil sa ginawa nila kay Mauve.

"May sakit ka ba, Pa?" I asked kasi naninibago ako sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Ano? San mo nakuha 'yan?"

I shrugged. "Nag-aaya ka kasi ng dinner..."

"Masama ba?"

"Hindi naman."

Bahagya siyang tumango. Tahimik lang kasi si Papa. Ewan ko kung paano siya sa trabaho kasi kahit minsan hindi pa ako nakaka-punta sa trabaho niya. Delikado daw kasi kaya ayaw niya talaga na pumupunta kami roon. Kaya nga nung sinabi ko na mag-aabogado ako, kinausap agad ako ni Papa na basta 'wag daw sa criminal law o kaya 'wag ako sa gobyerno kagaya nung sa PAO o kaya sa Prosecutor kasi delikado talaga. Gusto ata ni Papa e magnotaryo na lang ako.

"Bakit? May gagawin ka na ba pagkatapos nung exam?"

Natigilan ako. Tumingin ako kay Papa. Bigla niya na akong sinusundo sa school tapos ngayon ay nag-aaya siya ng dinner...

"Wala naman po," sagot ko.

Tahimik lang ako buong byahe pauwi. Hindi ko alam kung mapaghinala lang ba ako o ano... pero may iba sa pakiramdam ko. Nakita ba nila ako kasama si Atty. Marroquin? May nakapagsabi ba sa kanya na nakita kaming dalawa? Pero wala naman kaming ginagawang masama. Kapag nasa labas kaming dalawa, nag-uusap lang naman kami parehas o kumakain.

Alam kaya nila Papa?

Kaya ba biglang parang bantay-sarado siya sa akin?

Pagdating ko sa bahay e nagsabi ako na sa kwarto na agad ako dahil pagod na ako. Naramdaman ko iyong pagva-vibrate ng cellphone ko at napa-tingin ako doon.

'Last two exams.'

Agad kong pinalitan iyong pangalan niya sa phone ko mula AVM at ginawa kong GLOBE. Binago ko rin iyong notification ko at saka tinanggal ko iyong message preview na option.

Ewan ko.

Alam ko naman na walang masama na magka-gusto ako sa kapwa ko lalaki pero ayoko lang ng problema kila Mama ngayon. Saka masyado pang maaga. Ayoko pang isipin.

'Wala na akong braincells,' sagot ko sa kanya.

I knew it's unfair na binago ko iyong pangalan niya saka wala naman siyang kasalanan. It's my own problem and I'll deal with it on my own. Besides, sabi naman ni Mauve na nandyan siya para sa akin. Somehow, that lightened the load. Basta alam ko na at the end of the day, nandyan iyong kapatid ko para sa akin.

'Matagal naman ng paubos 'yon.'

Natawa ako.

Bakit ba kasi big deal kung kanino ako magkaka-gusto? Marami na akong nakilalang babae. Hindi ko naman sila nagustuhan. Marami din akong kilalang lalaki. Hindi ko sila nagustuhan.

Gusto ko si Achilles V. Marroquin.

Period.

'Napaka-supportive mo talagang tao. Nakaka-touch.'

'Haha you're welcome. Pero tapos ka na sa Obli, right? The worse is over.'

'Sana nakasagot ako.'

'Just argue to the best of your ability. That prof will know kapag nag-aral ka naman.'

'Pano mo nalaman? Naging prof ka na ba?'

'Hindi. Walang oras.'

'Sayang. Masama ugali mo pero in fairness magaling kang magturo.'

'Thank you?'

'You're welcome.'

Hanggang antukin ako ay magka-usap lang kami ni Atty. Marroquin sa text. May binabasa daw kasi siya na document kaya 'di niya ako pwedeng tawagan—as if naman nagdedemand ako na tawagan niya ako. Medyo makapal din talaga ang mukha nung isang 'yon.

"May dinner daw tayo after exam mo?" Mauve asked nang magkita kami sa kusina nung naghahanap ako ng kakainin.

I shrugged. "Nag-aya si Papa bigla."

Kumunot iyong noo niya. Kabisado ko na ata si Mauve kaya alam ko na naisip niya rin iyong naisip ko. Hindi naman kasi talaga si Papa iyong tipo na nag-aaya ng dinner kaya nakakapagtaka talaga.

"Tingin mo ba..." she asked, not finishing her question.

"Baka."

Bahagya siyang tumango. "Ano'ng gusto mong mangyari?"

"Hindi ko alam," sagot ko sa kanya. "Ayoko munang isipin."

Mahigit isang buwan ko pa lang kilala si Atty. Marroquin. Ang bilis pero parang hindi din. Ang hirap ipaliwanag. Basta ayoko munang isipin siya. Alam ko kasi na kapag nalaman na nila Papa, magkaka-gulo lang lahat. Kasi kahit pagkatapos nung nangyari kay Mauve, parang wala namang nagbago sa kanila. Hindi nila tinanggap si Mauve—more of they just tolerate dahil anak pa rin nila si Mauve.

Magiging sobrang magulo lang.

I just wanted to maintain the peace for as long as I could.

"Okay," she replied. "So... tuloy 'yung dinner?"

Tumango ako. "Para lang matapos na."

"Bakit? May iba ka bang lakad?" I just shrugged pero basa agad ako nitong si Mauve. "Sabihin ko kila Papa na may exam ako kaya i-move na lang sa Sunday."

Kumunot ako. "Bakit?"

"Para makapagdate kayo," she said.

"Date mo mukha mo."

Umirap siya. "You're welcome," she sarcastically said tapos ay nagluto na lang kaming dalawa ng pancit canton at fried egg para sa midnight study snack namin.

* * *

Sinundo lang ako ni Papa sa school pagkatapos nung exam. Sinabi na rin ni Mauve na sa Sunday na lang dahil may exam siya ng Saturday. Pumayag na sila Papa. Pakiramdam ko ay may guilt din kasi sila na nararamdaman sa mga ginawa nila kay Mauve ngayon. Para bang nagtatalo iyong religion saka the fact na anak nila si Mauve kaya ganon. May inner crisis iyong mga magulang namin.

Napa-kunot iyong noo ko nang magnotify na may text ako mula sa GLOBE. Hindi pa rin ako sanay na GLOBE iyong pangalan niya. Minsan nga 'di ko siya narereplyan dahil akala ko e random message lang mula sa Globe.

'May lakad ka ba kasama block mo mamaya?'

'May dinner lang then inom tapos iyong iba balak magpunta ng La Union. Daming plano pero iba-ibang group e.'

'San ka sasama?'

'Sa yo.'

'Nasa trabaho ako.'

'So?'

'Can't call.'

'Wala naman akong sinasabi na tumawag ka.'

'Yeah right.'

'Nag-aaral kaya ako.'

'Fine fine,' sabi niya sa 'kin. 'Di ka nga sasama sa block mo?'

'Dinner lang.'

'Di ka sasama sa inom?'

'Di ko sure pero baka sumama ako pero sandali lang.'

'Okay," sagot niya. 'Text me kapag tapos ka na sa kanila. Sunduin kita.'

'San mo ko dadalin?'

'May curfew ka ba?'

'Wala naman,' sabi ko sa kanya. Sasabihin ko na lang kila Papa na sumama ako sa block ko—na totoo naman dahil sasama naman talaga ako sa dinner. Maggrab na lang ako pauwi. Ewan ko ba. Bigla akong na-paranoid.

'Pwede ba sa condo mo na lang?'

Baka kasi may makakita sa amin kapag nasa labas kami.

'I mean gusto ko lang magchill ganon,' dugtong ko. Ayoko siya ma-offend o kung anuman. Ayoko lang kasi muna intindihin 'yon.

'Okay,' sagot niya. 'We can just chill in the balcony.'

'Hindi mo naman ako ihuhulog don noh?'

'If I want to kill you, there are other ways that I can do it para hindi ako makulong.'

'So pinag-isipan mo na nga na patayin ako???'

'Not you in particular, pero kapag may client ako sa homicide, minsan naiisip ko kung paano. Brain exercise lang.'

'NBI iyong tatay ko. Di ka makakatakas.'

Tapos nag-usap lang kami tungkol sa kung paano niya ako pwedeng patayin na makaka-takas siya. Hayop talaga mga topic nito, e. Saka kinabahan ako sa kanya kasi ang dami nga palang way na pwede niya akong dispatsahin!

"San nga kayo ng mga kaklase mo?" Papa asked nang ihatid niya ako papunta sa Brent.

"Di ko pa po alam," sagot ko kasi hindi ko pa naman talaga alam kung saan.

Bahagya siyang tumango. "Text mo ko kung nasaan ka. Sunduin kita."

"Wag na po. Grab na lang ako. Baka kung anong oras na, e," sabi ko tapos buti na lang nasa Brent na kami kaya tinanggal ko na iyong seatbelt saka lumabas na agad ako ng sasakyan.

Alam na nga ata ni Papa.

Pinilit ko iyong sarili ko na hindi na isipin iyon at magfocus sa huling exam ko. Hindi ako makapagfocus sa binabasa ko. Mabuti na lang katabi ko sila Assia tapos nirereview niya si Niko. Nakikinig na lang ako sa kanila para iyon na iyong review ko.

Maaga akong natapos sa exam. Kinakabahan na naman ako kasi nakakakaba talaga kapag isa ka sa mga naunang matapos—either sobrang galing mo na alam mo talaga lahat o bobo ka na hindi naintindihan iyong mga tanong o kaya naman give up ka na lang kasi wala talagang mailalabas iyong utak mo.

Tss. Bahala na nga. Makapagtext na nga lang sa GLOBE.

'Tapos na ko sa wakas!'

'Congrats. Aga mong natapos.'

'Oo nga e. Kabado.'

'Nagdouble check ka?'

'Yup.'

'Okay. Congrats ulit. Finals na next.'

'Epal. Wag mo ipaalala. Gusto ko muna magrelax.'

'Haha you deserve it. Sama ka muna sa classmates mo. Text me kung ano gusto mong gawin.'

'Oks. Paano kapag nagenjoy ako kasama sila?'

'Then stay with them. We can meet tomorrow or some other day.'

'Di ka excited makita ako?'

'Haha why are you fishing for compliment?' he messaged. 'Also, of course I want to see you. Hindi lang ako nagmamadali because I'm here and I'm not going anywhere.'

Tangina talaga nito. Hindi lang valedictorian but best in kalandian din, e!

Sumama ako sa dinner ng block ko. Nagtext din ako kay Papa kung saan kami nagdinner pero hindi ko na sinabi sa kanya kung saan kami uminom kasi baka sundan ako. Napa-praning na ata ako.

Tinignan ko muna kung mag-e-enjoy ako sa inuman. Okay naman siya kaso may iba ako na gustong puntahan.

"Here."

Napa-kunot ang noo ko nang may iabot si Atty. Marroquin na paperbag sa akin nang maka-pasok ako sa sasakyan niya. Binuksan ko iyon at mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ko na may siopao doon.

"Your comfort food," he said nang tumingin ako sa kanya na nagtataka dahil bakit niya ako bibigyan ng siopao e kaka-galing ko lang sa dinner?

Natawa ako. "Thank you," sabi ko na natatawa.

He shrugged and then started driving. Gabi na rin kaya wala ng heavy traffic. Naka-rating kami sa condo niya tapos dumiretso na kami sa unit niya. Ang bango talaga ng condo niya na kahit sa hallway ata e may diffuser.

Pagpasok namin sa loob, inabutan ako ni Atty. Marroquin ng house slippers.

"Bago ba 'to?" I asked kasi sobrang linis pa nung binigay niya sa 'kin. Tumango siya. "Naks... Ano next? Bibigyan mo ako ng sarili kong toothbrush?"

He slightly arched his brow. "Bakit? Mag-o-overnight ka ba?"

I scoffed. "Asa ka pa," sabi ko saka naglakad palayo kasi baka mamaya e biglang dito na nga ako matulog. May sa maligno kasi ata 'tong si Atty. Marroquin kaya kung anu-ano nagagawa ko na hindi ko naman normally ginagawa.

Binaba ko iyong bag ko sa may upuan sa dining niya. Tapos dumiretso kami doon sa balcony niya. Napaawang iyong labi ko nang makita ko na inayos niya pala iyon. Akala ko tipong tatambay lang kami doon at saka naka-tingin sa mga sasakyan na dumadaan... but wow... Nag-effort pa talaga siya. May dalawang wine glass doon saka charcuterie board.

Napa-tingin ako sa loob ng condo niya nang bigla akong may marinig na tugtog. Nakita ko si Atty. Marroquin na naka-tayo roon malapit sa may vinyl player. He was playing some jazz music. Grabe... nakaka-relax. Ito lang naman ang gusto kong gawin after a long week of taking exams after exams.

"Okay lang ba iyong jazz?" he asked. "May iba pa namang choice."

"May collection ka ng vinyl?"

Tumango siya. "Di naman ganon karami," he replied. "Gusto mong makita?"

He had a whole shelf na puro vinyl lang. Pakiramdam ko maganda iyong taste niya kasi hindi pamilyar sa akin karamihan sa mga records niya. Ako kasi unground rap music ata ang gusto ko. I mean, nakikinig naman ako sa kahit ano basta trip ko. Hindi lang ako jazzy na tao. Minsan lang siguro pero depende sa mood.

"What?" he asked dahil natawa ako dahil nakita ko na nagcocollect din pala siya ng Lego.

Umiling ako. "Wala," sabi ko. "Di lang halata na nagcocollect ka ng Lego."

"I have different interests," sabi niya sa akin. "Ikaw? Ano ba'ng hobby mo bukod sa pumunta sa 711 at bumili ng siopao?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Hater talaga 'to ng siopao.

"Manood ng series."

"Anything else?"

I shrugged. "Wala masyado. Busy din kasi talaga ako. No time to explore hobbies."

He gave a slow nod. Tinignan ko iyong mga Lego niya. Hindi naman siya ganoon kadami pero feeling ko mahal kasi limited edition karamihan sa kanila.

Then we proceeded to the balcony.

Ang saya.

Ang tahimik.

Ganito lang iyong gusto ko.

"Cheers to finishing your exam," sabi niya habang hawak iyong wine glass.

"Cheers to your successful career," I said and I saw him give me a small smile.

I really thought we'd talk about... feelings. Pero ewan ko. Naka-upo lang kami doon. We were mostly silent. Ang saya. Wala rin ako sa mood na magsalita. Napagod ako sa exam saka sa pag-iisip kay Papa. This was a very much welcomed silence.

Then just like that, it was already 2AM and I needed to go home.

"Salamat sa pa-wine," sabi ko habang naka-tayo na sa may pintuan niya. Sinabi ko na kasi sa kanya na sa Grab na lang ako kasi mabilis lang naman saka pagod na siya. I was so thankful na 'di na siya namilit pa. Hindi ako kasing galing niya magbluff. Masasabi ko agad iyong kay Papa.

Bahagya siyang tumango. "Message me when you get home."

Tumango din ako. "Good night."

Aalis na sana ako nang magulat ako dahil bigla niya akong niyakap. Nanlaki iyong mga mata ko lalo na nang maramdaman ko iyong pagbuntong-hininga niya habang yakap-yakap niya ako.

"One minute," he said while we're still hugging.

"Okay?"

Naka-tayo lang kami habang yakap-yakap niya ako... tapos ay niyakap ko na rin siya. It's weird how a single hug can be a source of comfort.

"Thank you," he said when the hug was done after what was definitely longer than one minute.

"You're welcome," sabi ko na bahagyang naka-kunot iyong noo.

"Tayo na, 'di ba?"

"What?" sabi ko na nanlaki iyong mga mata.

"Ah... gusto mo ligawan kita?"

Mas lalong nanlaki iyong mga mata ko. "Ha?"

He shrugged. "I mean, I really like you and you really, really like me. Why make it complicated? Life is complicated as it is."

Napaawang iyong labi ko sa kapal ng pagmumukha niya. "Di ko alam kung paano gumagana iyong utak mo."

Natawa siya. "Life is short. I just always want to go after what I want," sabi niya tapos ay diretso siyang naka-tingin sa mga mata ko. "I want you and if you'll allow me, I want to have you in my life."

Napa-kurap na lang ako na pakiramdam ko ay mukha akong nagsseizure sa itsura ko.

"Think about it," sabi niya saka pinat iyong ulo ko na para akong aso. "Good night, Mau. Looking forward to being your boyfriend."

**

This story is already at Chapter 22 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you! 

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...