Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

192K 3.6K 2K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 11

3.4K 73 50
By kemekemelee

Arrangement

Equinox skyrocketed to fame in just ten months. They garnered a massive fanbase, and their music dominated the charts for how many months. Equinox is everywhere! Iiyak siguro ang araw kapag hindi mo sila nakita sa commercial o kung hindi mo narinig ang kanta nila kahit saan ka man magpunta.

They are more than just a band with good looks. Equinox is the real deal! Their music is incredible, and they can handle any genre you throw at them. They're definitely not your average band.

Kung patuloy sila sa pag-angat, syempre mas tinodo ko rin ang paraan ko. Hindi nga rin ako makapaniwala na umabot na ng isang taon ang pagkakagusto ko kay Simon.

"You're going above and beyond for someone who doesn't even give a fuck about you. Hindi ka ba napapagod?"

Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung pang-ilang beses na akong tinanong ni Euphony tungkol sa bagay na ito. Bakit naman ako mapapagod sa banda na sinamahan ako sa tuwing mag-isa ako?

Their music has been a lifeline for me during my toughest moments. Sila lang ang kasama ko sa mga panahon na mag-isa ako kaya bakit naman ako magpapaapekto sa comments nila sa ginagawa ko? So what if I go the extra mile for them?

"You don't get it. Hindi ka naman kasi mahilig sa ganito," I answered.

"Kahit hindi ka pinapansin ni Simon?" she shot back.

"Parte iyan ng pagiging main character," I jokingly said. Kung alam niya lang na nag-uusap naman talaga kami ni Simon. Hindi man palagi pero at least nakakausap ko pa rin.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Nagkibit ako ng balikat at pinagtuunan na lang ng pansin ang template na ine-edit ko para sa cupsleeve event na ino-organize ko at ng mga kasama ko sa Equinox Zone. We are one of the biggest fansites of the band. Isa rin ako sa mga admin kaya hangga't maaari sinisikap kong maging present sa lahat ng activities ng Equinox.

"Ewan ko sa'yo. As long as hindi ka naman nasasaktan d'yan sa ginagawa mo," I smirked when Euphony finally gave up on me.

"Hindi naman talaga masasaktan ang girlfriend," I chuckled.

"Umaatake na naman ang sakit niya," sabi ni Euphony habang umiiling pa.

sgbenitez
Monday, 11:48 PM

HAI

sgbenitez
Tuesday, 10:32 PM

ouch sineen lang ako ampota

ok lang i-seen parte naman to ng pagiging disney princess

tibay moh di m ba talaga aq namimiss

sgbenitez
Thursday, 11:51 PM

hi simon

mahilig ka ba sa pusa

look mo tong pusa sa harapan ko

AY GAGI KALA KO BACK CAM

front cam pala hehe

sgbenitez
Friday, 3:46 PM

Hi, Darlene.
Sup?

Anong dahilan kung bakit nagkakaganito ako sa kaniya? I know it happened a year ago. Maaaring nakalimutan niya na rin ang lahat o baka nga inuuto niya lang ako pero hindi naman siguro masamang umasa diba?

Busy si Simon sa career na matagal na niyang inaasam. Alam kong hindi niya rin palaging hawak ang phone niya kaya naiintindihan ko kung bakit ilang beses lang kami sa isang buwan nakakapag-usap.

Ayos na rin. Buti nga nakakausap ko pa.

"Isa lang dapat," pag-uulit pa ni Simon bago siya tuluyang humalakhak.

Tinamaan na ba siya ng alak? Anong ibig niyang sabihin?! I want to slap myself right away. Hindi naman ako tanga pagdating sa ganito pero bakit pagdating kay Simon hirap na hirap na ako?!

"Are you jealous? Gusto mo bang ikaw lang ang crush ko?" matapang kong tanong.

Humalakhak naman siya.

"I think you're just hearing things. Lasing ka lang," umiling-iling pa siya.

"No, hindi pa ako lasing. Nahihilo lang ako pero hindi ako lasing. I heard it clearly, Simon. Don't you dare gaslight me."

"Narinig mo naman pala..." suminok naman siya kaya bigla siyang natawa. "Bakit mo pa tinatanong?"

And before I could even lash out, bumagsak na ang kawawang Simon sa lamesa. Narinig ko na ang malakas niyang paghilik kaya hindi ko na nagawang ituloy pa ang dapat na sasabihin ko.

Maybe that's one of the reasons why I'm holding onto that chance... even if it's just a one-percent possibility. Maybe there's a part of him who feels the same way. Maybe he meant what he said that night. Or maybe he's talking to me in his free time because he feels the same way too.

I know it's a slim chance, but a chance is a chance, right? No matter how big or small, I don't care. I just want him to know that my feelings for him haven't wavered at all. I'm always here for him, always ready. So, when he decides to be with me, he'll know I've been waiting right here for him.

Pakiramdam ko nalaglag ang puso ko nang makita ko ang pangalan niya sa notification ko. Ilang araw pa bago siya nakapag-reply sa akin pero ayos lang iyon! Ang iba nga hindi niya mine-message pabalik kaya maswerte na ako.

sgbenitez

OMG HAI
kamusta u

I waited for a few minutes, dahil isang minuto pa lang naman nang mag-chat siya sa akin. Nalukot na lang ang mukha ko kakahintay dahil mag-iisang oras na pero hindi na siya nag-reply. Tinago ko na lang ang phone ko sa sobrang inis.

Right! I should focus on our upcoming cupsleeve event. Kanina pa nakatunganga itong template sa editor ko kaya tatapusin ko na lang ngayong araw. I love organizing fan-gathering events. Bukod kasi sa mas marami akong nakikilala, masaya rin sa pakiramdam na makasama yung mga taong sumusuporta din sa Equinox. Mababait naman ang fans. Bihira lang din ako makatagpo ng warfreak na fans na tipong aawayin pa pati ang ibang fandom.

sgbenitez

I'm sorry for the late response.
Kauuwi ko lang sa Manila.
You free?

why
hangout ba ulit
missed me?

If it's alright with you.

same place ulit?

Yes.

sige. punta ako around 8 PM.

Since that night, a lot has changed between Simon and me. Whenever he has free time, he invites me over to his place. We usually just talk or listen to his compositions. Nangyayari nga lang ito kapag stressed siya or bored. Kapag naman okay siya o busy siya, parang hindi na ulit ako nage-exist sa buhay niya.

But am I okay with this setup? Absolutely. I'm fine with our secret rendezvous. I'm happy with our late-night meetings, even if they're only once or twice a month. At least he wants to spend time with me. At least we have a connection. Even though we're the only ones who know about this arrangement.

"You're going out again?" tanong ulit ni Kuya Caleb nang makita niyang nakaayos na naman ako.

I nodded. "Opo... kasama ko naman si Euphony. Baka ma-late ulit ako ng uwi kaya huwag niyo na ako hintayin," I smiled shyly. Napapadalas na rin si Kuya dito sa mansyon sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko na rin inalam dahil medyo naging tahimik si Kuya sa mga nakaraang buwan.

"Kung makagala ito parang 18 ka na. Hoy next month ka pa magiging legal baka nakakalimutan mo," saad ni Kuya, nakapamaywang siya at nakasimangot pa.

"Kaya ko na naman sarili ko saka si Euphony naman kasama ko! Kilala mo naman yung bestfriend ko diba? You met her a lot of times," pagdadahilan ko pa.

"Ihahatid kita kung ganoon..."

Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Wala ngang kamalay-malay ang kaibigan ko sa mga kagagahang ginagawa ko sa buhay! Hindi niya rin alam na ginagamit ko siyang excuse sa tuwing nagkikita kami ni Simon nang palihim. Ayaw ko rin naman sabihin sa kaniya ang mga ginagawa ko. Alam kong hindi rin siya maniniwala lalo na ngayong sikat na talaga ang Equinox.

"Para naman akong bata niyan. Kaya ko naman mag-commute," giit ko pa.

"Bakit ka pa magco-commute kung pwede naman kitang ihatid?"

Humugot ako ng malalim na hininga. Tumango na lang ako at pumayag sa gusto ni Kuya. Sasabihan ko na lang si Euphony na sakyan ang trip ni Kuya. Pwede naman akong gumawa ng dahilan at saka medyo malapit naman ang condo ni Simon sa lugar nila Euphony kaya pwede na rin.

Nilabas ko ang phone ko habang nagmamaneho si Kuya. Nakasuot lang siya ng shirt at sweatpants. Hindi na nga rin nag-abala na magsuot ng sapatos kaya naka-tsinelas lang siya. Medyo magulo pa ang buhok at parang wala sa sarili. He's been like this since he broke up with his recent girlfriend. Sa pagkakatanda ko iyon yung sikat na model. Mas bata nga sa kaniya iyon ng limang taon.

special friend ni zero

URGENT URGENT
may gala dapat ako today kaso sinabi ko kay kuya na sa inyo ang punta ko kahit hindi naman talaga
so papunta na kami dyan ngayon : ((
can u cover up for me pls
mahal mo naman ako diba

ano na namang gala yan lintek ka talaga dinadamay mo na naman ako
meet up na naman ba to
nako darlene wag mo ko damay jan baka mamaya isako ka ng ka-meet up mo
uwi ka na wag mo ko istorbohin

no hindi to meetup
retired na ko jan pls : ((
trust me hindi to kalokohan

be honest with me
tungkol muna saan yan?

fine
so matagal na kasi kaming nagkikita ni simon
kilala mo naman siya diba
kaya ayon
will tell u the complete details kapag nagkita na tayo

YUNG SERYOSO KASI
tanginang to kokonyatan kita

nagsasabi ako ng totoo...

See? Ito ang dahilan kung bakit hindi ko magawang maging open kay Euphony. Gusto ko na talagang sabihin sa kaniya ang lahat pero sa tuwing nagsasabi ako, hindi naman siya naniniwala. Kaya nagdesisyon na lang ako na sarilinin ang lahat. Wala rin namang maniniwala kahit pa magsabi ako ng totoo kaya ano pang sense?

Mahal ko ang bestfriend ko. Hindi ko kayang magsalita ng masama sa kaniya pero minsan talagang nakakatampo rin na hindi niya man lang magawang seryosohin ang sinasabi ko. Iyon na talaga ang huling attempt ko ng pagsasabi ng totoo sa kaniya. Hindi ko na uulitin iyon at hahayaan ko na lang na malaman niya ang totoo kung sakaling lumaki man ang ginagawa namin ni Simon.

"Asan na yung bestfriend mo?" tanong sa akin ni Kuya.

Dinaga ng kaba ang dibdib ko nang makita kong wala si Euphony sa gate. Ang guard lang ng mansyon ang nandoon. Hindi ba talaga siya nagtitiwala sa akin? Kilala niya naman ako. Hindi naman ako gagawa ng ikakapahamak ko kahit puro ako kalokohan sa buhay ko. Surely, I'm not responsible and disciplined like her, pero ang sakit naman na hindi niya ako pinagkakatiwalaan sa mga ginagawa ko.

I sighed in defeat. Nilipat ko ang tingin sa phone ko. May iilang message na galing kay Simon at ang message ko kay Euphony ay nanatiling delivered. Hindi na rin siya nakapag-reply.

"Kuya... uwi na lang tayo."

"Bakit? Naglalakad na dito yung kaibigan mong lalaki oh. Si Zero ba iyon?" tanong ni Kuya.

Nabuhayan naman ako nang makita ko sa malayo si Zero. Pupungas-pungas pa habang naglalakad papunta sa gate. Sumilay naman ang ngiti sa labi ko dahil kahit madalas kaming mag-away, pinagbibigyan niya pa rin talaga ako sa mga gusto ko.

"Ay, putek! Akala ko kasi hindi na tuloy. Okay na pala. Salamat sa paghatid, Kuya."

Binuksan naman ni Zero yung gate. Hawak niya pa yung phone niya habang nakatingin sa amin ni Kuya.

"Pasok ka na, Darlene. Kanina ka pa hinihintay ni Euphony sa loob," he looked at me meaningfully.

Tumango naman ako. "Oo nga!" I tried to fake a laugh. "Manonood pa kasi kami ng Gilmore Girls."

"Zero..." Kuya called him. "Ikaw nang bahala dito sa kapatid ko, ha."

"Ako na pong bahala sa kaniya," sagot naman ni Zero.

Pinagmasdan namin na umalis si Kuya hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin. Nilingon lang ako ni Zero nang masigurado namin na talagang nakalayo na si Kuya.

"Hoy, thank you."

Zero raised his brow. "Anong thank you? Akala mo libre iyon. Skin lang ng hero ang tinatanggap ko."

Tangina sinasabi ko na nga ba. Ayos na rin at least sinalba ako ng gagong ito!

"Oo na. Anong skin ba? Send mo na lang sa akin ID mo mamaya," I rolled my eyes.

"Wala pa ako ng isang epic skin ni Gusion. Baka naman."

"Basta mamaya na! Asan ba si Euphony? Bakit ikaw ang lumabas?" tanong ko.

"May ginagawa pa siya sa loob. Nakiusap lang iyon sa akin, kaya ako na lang ang lumabas. Umalis ka na raw kung may pupuntahan ka pa," he explained.

"Galit ba siya? Anong itsura niya habang sinasabi niya?"

"Maganda," he immediately answered. "Magandang galit."

Napangiwi naman ako. "Tangina makaalis na nga."

Tulad ng napag-usapan namin ni Zero, agad akong nagsend ng message kay Euphony para magpasalamat. Bumili na rin ako ng skin na sinasabi ni Zero dahil baka makalimutan ko pa kung mamaya ko pa gagawin. Magagalit na naman ang isang iyon at buong araw akong aasarin. Baka makasapak lang ako ng hindi oras.

Zero Almendrala

sent na.

SALAMAT AT MAY NAGAWA KA RING MABUTI SA BUHAY MO

tangina ka

God bless you more po. < 33

Agad kong sinuot ang sunglasses ko kahit na madilim na. Nagsuot na rin ako ng beanie hat at face mask dahil baka may makakakita pa sa akin na paparazzi. Tinakluban ko rin ang sarili ko ng pagkalaki-laking jacket para isipin nilang lalaki ako. Nagtataka naman akong tiningnan ng taxi driver, pero hinayaan ko na iyon.

Nagmadali naman ako nang makababa ako sa building na tinitirhan ni Simon. Muli kong sinilip ang phone ko para tingnan ang huling message niya sa akin.

sgbenitez

Where are you?
Did you have a change of heart?

oa naman change of heart agad
late lang ng ten minutes e
saglit lang paakyat na ako

I see.
Take care, then.

Huminga muna ako nang malalim nang makarating ako sa tamang floor. Isang buwan na ang nakalipas nang huli kong makita si Simon. Ngayon na lang ulit niya ako niyaya kaya hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Alam kong dapat masanay na ako pero kahit ganito, kinakabahan pa rin ako.

I took a deep breath before pressing the doorbell. Pinaglaruan ko ang daliri ko habang naghihintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Isang minuto yata akong naghintay bago niya tuluyang buksan ang pinto. Halos habulin ko ang hininga ko nang makita ko siya.

Tangina naman. Isang buwan ko lang siyang hindi nakita tapos ganito na agad ang changes sa itsura niya? Mas mahaba na ulit ang buhok niya kung ikukumpara sa huling beses ko siyang nakita. May highlights na rin iyon. Kulay blonde din na talagang bumagay sa features ng mukha niya. May iilang piercings na rin sa tainga at may maliit na tattoo sa kaliwang parte ng leeg.

Nakita ko na naman ang itsura niya sa mga fansite photos at pati na rin sa mga picture na ina-upload nila sa social media pero iba pa rin talaga kapag nakita mo na sa personal.

"What are you doing? Just gonna stare at me?"

"Kapal ng mukha mo. Ang tagal mo kasing magbukas ng pinto. Makakatulog na yata ako kakahintay," dire-diretso kong sinabi habang naglalakad papasok ng condo niya.

He chuckled. "Nice disguise."

"Ulol, last na ito," I said, raising my middle finger. "Last time foodpanda rider ako. Noong nakaraan pang buwan, naging si Jollibee ako tapos ngayon naman mukha akong palamunin na may motor?!"

Iiling-iling niya akong tiningnan habang tinatanggal ko ang disguise ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko. Nanatili ang tingin niya sa akin habang ginagawa ko iyon kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"What's wrong with that?" he asked, checking the beanie hat I wore.

"Sinabi ko bang may problema? Sabi ko lang naman mukha akong may ganoon. Anyway, wala bang pagkain dito?"

"Check the fridge, but I have pizza here. Jagger ordered it a while ago, but we didn't get to finish it all."

"Nanggaling sila dito kanina?" I asked.

I took a quick look around. The floor was littered with soda cans, and there were two empty pizza boxes and one unopened one. His guitar was on the couch, and the soft strains of music filled the air. His condo was a complete mess.

"Kalat naman," kinuha ko ang mga lata. "Maglinis kaya muna tayo?"

Akmang kukunin ko na ang natitirang box ng pizza pero hinawakan niya ang braso ko. Inis ko naman siyang tiningnan. Kung kaya niya manatili sa makalat na lugar pwes ako hindi ko kaya! Nag-iinit lang ang ulo ko kapag makalat ang paligid. Ayoko pa naman sa lahat yung burara.

"Hayaan mo na. Hindi naman kita pinapunta dito para maglinis," seryoso niyang sinabi.

I sighed. "Nakakairita kasi tingnan."

"Tumambay kasi sila dito kanina. Ipapalinis ko na lang mamaya."

Nagdesisyon na lang kami na manatili sa dining area ng condo niya. Kinuha niya yung box ng pizza at nilagay niya na rin sa microwave yung lechon manok na kanina pa yata niya inorder. Hinila niya ang upuan sa harap ko habang bitbit niya ang gitara niya.

How did we end up like this? I honestly never thought we'd go from being strangers to this. What's the right term for this arrangement? We see each other and talk when he's free, but most of the time it's like I don't exist, as if we never had those deep conversations.

Ah, bahala na nga! Ang dami ko namang reklamo sa buhay. Buti nga at pinapansin ako ni Simon. Ayos na ang ganitong arrangement. Ang mahalaga lang ay kahit papaano nalalapitan ko siya. Sino ba naman ang magrereklamo kung makikita ko siya ng malapitan?

"So... how's life?" I probed.

Kinuha ko naman ang pizza sa harap niya at walang pasabi ko iyong kinain. Nanatili naman ang tingin niya sa akin. Anong problema ng isang ito?!

"My life is boring. Bakit tungkol na lang lagi sa akin?"

"Alangan namang sa akin?!" reklamo ko.

"Mas ayos pa nga," sagot niya.

Nakagat ko ang dila ko sa narinig ko. Paano nga ulit kami napunta sa sitwasyon na ito?

Magmumukha na yata akong tanga kakaisip sa mga sinabi ni Simon kahit pa dalawang linggo na ang nakalipas. Punyetang party iyon! Sinubukan ko lang naman tanungin si Simon pero hindi niya raw maalala ang lahat ng sinabi niya.

"Ayoko na pumunta. Nauurat lang ako," sabi ko kay Nathan.

"Hala para kang tanga d'yan. Hindi bagay sa'yo magpa-miss kasi hindi ka naman mami-miss ng tao!"

Sumimangot ako. "Ayan nga ang punto ko. Hindi naman talaga kaya hindi na ako pupunta. Huwag niyo na nga ako i-invite."

"Kahit si Simon pa mismo ang nagsabi na pumunta ka?" sabi niya.

Tangina nitong pinsan ko! Palibhasa alam niya kung paano kunin ang atensyon ko. Kahit naiinis ako, sinikap ko pa rin siyang tingnan.

"Ulol, huwag mo nga akong ginagago. Anong oras ba para makapag-ready na ako?"

And then I found myself stuck at a party of people I've never met before. My cousin's the only one enjoying all of this. Sumimangot na lang ako nang marealize kong nauto na naman ako ng magaling kong pinsan! Bakit nga naman ako papupuntahin ni Simon dito? Hindi niya na nga ako kinausap ulit pagkatapos ng party nila.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Lumabas na ulit ako sa bahay ng kung sino mang Poncio Pilato iyon! Bumuntong hininga ako nang sa wakas nakalanghap na rin ako ng sariwang hangin. Medyo malalim na ang gabi pero mas mapayapa dito kaysa doon sa loob.

"So, uuwi ka na lang nang hindi man lang ako nakikita?"

Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Deja vu na naman punyeta. Ganito rin ang nangyari sa party na iyon! Tuwing tumatakas na lang talaga ako lagi niya naman akong nakikita at nahuhuli.

"Ano na naman sa'yo? Pumasok ka na nga doon."

He shook his head. "Aalis na rin ako."

"Same," I said, looking away. "Uuwi na ako."

My heart pounded like a drum as he approached. He was dressed in a simple black shirt and black jeans, but he looked so incredibly handsome. I forced myself to stay composed, pretending his presence wasn't affecting me in the slightest.

"Then why don't we go far away from here? Suffocated ka sa loob, at ganoon din ako."

"Huh? You want to leave this place with me?" pagkukumpirma ko pa.

Simon nodded in agreement. "Yeah," he said, his voice hoarse. "You're more fun to be with than any of those people. So, are you up for this or nah?"

And so, we started hanging out whenever we felt stifled by our lives. After these hangouts, we'd act like nothing ever happened. He'd just call me whenever he needed a break from the chaos. And that was fine with me. He enjoyed my company, and I didn't mind playing along. Maybe this arrangement wasn't so bad after all. I wanted him to know that I was always there for him, without a doubt.

Kinagatan ko ulit ang pizza habang nakatingin siya sa akin. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Gusto niyang malaman ang nangyayari sa buhay ko?

"Hindi ka ba nilalagnat?" I asked him.

Umiling siya. "I have realized that I barely know anything about you." 

"Wala namang interesting sa buhay ko," natatawa kong sagot. "Huwag na lang."

"Really..." Simon's eyes squinted. "Tell me more."

"Bahala ka nga. Ikaw may gusto nito. Kapag na-boring ka, hindi ko na kasalanan."

Simon chuckled. "Kailan ka ba naging boring?"

Natahimik ako doon. Ano nga ulit kami? Magkaibigan lang diba? Nagkikita lang kami kapag kailangan namin ng break sa buhay namin. Alright. Dapat kong itatak iyon sa isip ko para hindi ako maligaw sa patutunguhan ng lahat ng ito.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 2.4K 43
Montereal Series #3 Amara Daphne Villada is the spoiled princess of her family. Growing up in New Zealand, she had everything she wanted. Her status...
221K 4.3K 49
Bar Series #3 For Eve Ryn Sotto, time is the most powerful and important thing in the world. Ayaw na ayaw niya na nasasayang ang oras niya sa mga wal...
10.8K 590 46
They are married for convenience, but they promised to make it work. What upholds their married life if no matter how hard they try, it just doesn't...
104K 1.9K 70
Henriette Salome Sonare finds a light in the middle of the dark road. She's the wife of a promising musical theater director and playwright, Yael Alt...