Midnight's Sunshine (GxG)

By ciciligaya

2.2K 218 57

(ON GOING) AJ and Ligaya meet during a journalism workshop. What starts as a friendship soon blossoms into a... More

Midnight's Sunshine
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Character Depiction
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six

Chapter Four

58 6 1
By ciciligaya

"Ma oh, si Ate nakatutok sa cellphone e kumakain siya,"

Pinanlakihan ko ng mata si Velea at agad na ibinaba ang cellphone ko dahil tinignan ako ni Mama.

She laughed so hard. Kung hindi ko lang talaga 'to kapatid matagal ko na siyang isinako.

Tinuloy ko ang pagsubo, pero maya't-maya parin akong natingin sa cellphone ko.

Wala pa naman siyang reply. Pagkauwi ko pa lang ay agad ko nang in-update si Ligaya after ng meeting namin.

While I was finishing my food, tumunog ang messenger ko. Nagmadali akong pulutin ang cellphone ko ngunit naunahan ako ni Velea.

"Uy! May ka-chat, sino-" hindi na siya natapos sa pang-aasar niya dahil mabilis ko lang namang nahablot sakaniya ang cellphone ko.

"Velea, isa,"

Tinaas-baba niya ang kilay niya at ngumiti ng nakakaasar. "Ayieeeee!"

Binangga pa niya ang puwetan niya sa tagiliran ko, bago siya pumasok ng kwarto niya na pinagpapasalamat ko. Nakakarindi siya mang-asar e.

Napabuntong hininga ako, at tumingin sa reply ni Ligaya.

Ligaya Calaberia

Got it! By the way, ito 'yung mga handouts na ibinigay sa'kin ni Coach Tine. Masyado kasing madami, share na lang tayo, mayro'n din namang Filipino diyan.

AJ Uy •

That's too much. Thank you.


Kinuha ko ang pinggan na ginamit ko sa lamesa, habang nakatingin parin sa cellphone ko. Naka-open lang ang convo namin, para mabilis kong mabasa ang reply niya.

Wala pang dalawang minuto ay nagreply na siya. Mabilis kong pinunasan ang kamay kong puno ng dishwashing liquid.

Ligaya Calaberia

You've thanked me enough. HHAHAHA
Anong oras ka ba usually pumapasok?

Nakatitig lang ako sa tanong niya. Nakakahiya, palagi akong late. Napailing ako at sinabi na lang sakaniya ang totoo.

AJ Uy

8 o'clock, po. But if you want na maaga tayo mag-start bukas, aagahan ko na lang.

Tinapos ko munang hugasan ang pinggan sa lababo, saka naupo sa mini sofa ng kwarto ko.

Ipinatong ko ang paa ko sa higaan ko at nanood ng ramdom videos sa Facebook habang wala pang reply si Ligaya.

I paused the video I was watching and chuckled when I read her reply.

Ligaya Calaberia

No need. Ganiyang oras din naman ang pasok ko

AJ Uy •

Really? HAHAHAHHAHAHA So, 8'oclock tayo bukas?

Ligaya Calaberia

Yeeeeep. Anw, I have a question.

Napaayos ako ng upo. Nakakakaba naman 'tong babaeng 'to.

AJ Uy

Ano po?

Ligaya Calaberia

Aren't you tired of looking down on people all your life?

Nagtaka ako. I typed my reply.

AJ Uy •

Uhm pardon? I don't get it.

Ligaya's typing:

Ligaya Calaberia

I mean, you're so tall kasi HAHAHAHAHA I wonder kung napapagod ka ba kakayuko sa mga nakakausap mo, like me (⁠╥⁠﹏⁠╥⁠)

I laughed at her silliness.

AJ Uy •

I'll take that as a compliment.


Kinusot ko ang mga mata ko dahil nararamdaman ko na ang pagbigat ng mga talukap ko. Ligaya replied to my message after about ten minutes.

Nahagilap ko ang oras, malapit nang mag 10 p.m. I usually go to bed at around 8 or 9 p.m., kaya naman pala hindi na kinakaya ng mata ko.

Ligaya Calaberia

Okie! You're welcome, then.

••
Do you read books or like online books?


AJ Uy

No, reading is not my thing. Hindi kaya ng pasensya ko.

•••

They said one of the qualities you should have to be a journalist is the ability to read a lot, gather facts, and all that. HAHAHAHAHA, naligaw lang talaga ako no'ng workshop.


• Ligaya Calaberia

Oh, I see. Sayang, I want to recommend you a book pa naman.

AJ Uy

Ano po ba 'yan? Madali lang naman ako kausap e.


She reacted, haha, to my reply. Does she find me funny, or am I being too obvious?

Ligaya Calaberia

Yay! Online reading-is that okay?

AJ Uy

Sure, po, whatever you want.


• Ligaya Calaberia

Wait, hold on for a minute.

AJ Uy •

Take your time.


After I sent her my reply, hindi na kinaya ng mata kong hindi mapapikit.

***

I can't remember how many times I took a deep sigh; it's almost 9:30. Hindi parin ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko.

Nakatingin lang ako kay Ligaya na nakaupo sa bench ng school namin, malapit sa field na pinaglalaruan ng volleyball team namin.

Palingon-lingon siya sa paligid; she's obviously waiting for me. Grabe kasi 'yung isang teacher namin, overtime na nga siya, sinermonan pa kami.

I was about to message her, na papunta na ako, but bigla siyang tumayo't kinuha ang mga gamit niya at naglakad palayo.

Mas lalo akong nilamon ng hiya. Ang tagal ko siyang pinag-antay. I decided to send her a message, bago pa man siya mawala sa paningin ko.

Nakapamulsa akong naglakad papunta kung saan siya nakaupo kanina. She's on her phone, maybe reading my chat, kaya hindi niya ako napansin. Nang makaupo ako sa bench, binasa ko na 'yung reply niya.

Ligaya Calaberia

Where are you na?

AJ Uy

Where you left


Ligaya turned around and waved immediately when she saw me.

I waved back. Patakbo siyang lumapit sa akin bitbit ang dalawang envelope, mukha 'yong mabigat kaya agad ko siyang sinalubong at kinuha ang mga dala niya.

"Thanks," medyo hingal niyang sambit.

Inilapag ko ang mga envelope na naglalaman ng napakaraming copy ng handouts na sinend niya sa'kin last night.

"Sorry, pinaghintay kita.
Bigla kasing-"

Ligaya, cut to what I am about to say. She shook her head. "Nasabi na sa'kin ni Val na nagklase kayo, tinanong ko kasi sakaniya kung pumasok ka ba."

"Oh, yeah, 'yon nga." napakamot ako sa ulo ko.

She smiled at me and offered for me to sit down beside her. As I was sitting, bigla na lang naglaho ang kaba na nararamdaman ko.

Is it because of her presence? Her presence made me calm.

"So, let's start," inilabas ni Ligaya ang laman ng dalawang envelop, at hinati niya iyon.

Ibinigay niya sa'kin 'yung kalahati. Pagkatapos no'n ay may inilabas siyang notebook, nakita ko ang mga naka-listang topics.

Her handwriting is so pretty. Parang printed 'yung mga nakasulat e.

Ligaya explained to me na 'yung mga nakalistang topics ay kailangan naming gawan ng article, na ipapasa namin tomorrow morning. Tapos gano'n lang din i e-explain lang din samin 'yung corrections, ng mga coach namin.

"Ito naman 'yung feature page ng school paper natin last year. Basahin daw natin, and tignan 'yung structure ng pagkagawa."

Tumango ako sakaniya. "Ilang topic ang gagawan natin ng article ngayon?"

"Sampu,"

Malakas siyang natawa nang makita niya ang reaksyon ko.

"Kidding aside," she chuckled. "Tatlo na lang muna?"

Bumuntong hininga ako, pambira pinagkakatuwaan pa talaga ako.

"Yes, 'yan pa lang kaya ko e." amin ko.

"Ako rin,"

I looked at her. Showing her my not-convinced face. "Kunwari ka pa,"

"Seryoso ako. Hindi ko naman ginustong sumali rito."

Napatigil ako sa pagsusulat sa sinabi niya. Naramdaman niya yata ang tingin ko, kaya tumigil din siya.

"Why? If you don't mind me askin'."

She put down her pen and took a deep sigh. "I just want to lay down and do nothing; sobrang dami ko nang ginagawa."

"Did you say no?" She nodded at me.

"Yeah, I refused. But then my coach said she wouldn't let me go; ang usapan lang namin kapag hindi ako nakakuha ng award sa workshop, hindi niya ako kukunin."

"But you won."

Bumagsak ang balikat niya. "For bad,"

I chuckled because of her cuteness. She's literally pouting; I just noticed that she's an expressive type of person.

"See, napilitan ka lang pero nanalo pa," I told her, para lang maibsan kung ano man 'yung iniisip.

She's still pouting, and I can't help but to smile.

"Never mind, let's continue."

I gave her a nod, and then we continued writing. Inumpisahan ko sa topic na teenage pregnancy, mabilis ko lang 'yong natapos kasi nagawan ko na siya last year.

Magsusulat pa lang ako sa pangalawang article ko nang bigla may tumamang bola sa mesa namin. Nasapol si Ligaya sa bandang leeg niya, she covered it and then rolled her eyes nang makalapit sa amin 'yung mga players.

Basta lang nilang kinuha ang bola, at ni hindi manlang humingi ng pasensya.

Sinundan sila ni Ligaya at kinompronta. "Hey, can you be mindful while playing?"

Nakatayo lang ako sa likuran niya. Nakikita ko rin ang inis sa mukha niya, pero parang ayaw niyang magpadala. Dahil kalmado pa naman ang boses niya.

"Kami? Hindi naman namin kasalanan e."

Kumunot ang noo ko sa pabalang na sagot ng isang player. Nakapamewang siyang tinitigan ni Ligaya.

Sumingit pa ang isa niyang kasama. "Kaya nga, e. Ginawa ba namang tambayan 'yung field."

They all laughed except to the one boy who's looking at Ligaya's chest. Sumeryoso ako at hinarang ang katawan ko kay Ligaya. Sabay-sabay na napatingin sa'kin 'yung mga players, but my eyes went straight to the pervert boy.

Iniwasan niya ako ng tingin, at nagkunwaring nagkusot ng mata. Ang iba naman niyang kasama ay napatingala. I glared at them before dragging Ligaya away.

"Let's not waste our time here."

Puno ng inis ang katawan ko ngayon. Gusto ko na lang tusukin ang mata ng mokong na 'yon.

I did not even notice na hawak ko na pala ang kamay niya. Agad ko itong binitawan nang makalayo kami sa field, I did not ask for her consent e.

Ibinaba ko ang tingin ko sakaniya. "How's your neck? Tara sa clinic?"

She gently massaged it and smiled. "It's fine; hindi naman namaga."

Hindi ko tinanggal ang tingin ko sakaniya. "Sigurado ka? Sa iba na lang tayo mag-review."

She nodded repeatedly. "Yep. Doon na lang, malayo naman sa mga naglalaro."

Turo niya sa isa pang bakanteng bench. Umiling ako, at sinabihan siyang sumunod sa'kin.

"Dito tayo?" Ligaya curiously asked me nang makarating kami sa parking lot.

"Hindi, gusto ko sana sa mas tahimik. Kung ayos lang sa'yo, but if not, we can stay here." sagot ko sakaniya at nilabas ang susi ng motor ko sa bulsa ko.

She smiled at me. "Okay lang. Mas gusto ko rin sa tahimik, hindi mo naman siguro ako ibebenta 'diba?"

"Ba't pa kita ibebenta e, na-mine na kita."

Pati ako nagulat sa lumabas sa bibig ko. Hindi tuloy ako makatingin sakaniya dahil narinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.

Ang corny ko 'ba? Dude, she's still chuckling.

We have to keep it cool, AJ. Come on!

Nagpaalam na lang ako sakaniya na kukunin ko lang 'yung motor ko. Pumayag naman siya, at hindi parin mawala-wala 'yung ngiti niya.

Napailing ako sa ginawa ko at pinaandar ang motorsiklo ko. Binalikan ko siya sa at napasimangot siya.

"Hindi ka ba sumasakay sa motor?" Tanong ko rito, kasi nagsalubong talaga 'yung kilay niya e.

"Ang taas naman," kumento niya, habang nakatingin sa motorsiklo ko.

Natawa ako. "Abot mo 'yan,"

Pinaningkitan niya ako ng mata, akala pa yata niya ang nang-aasar ako. "Trust me,"

Naramdaman ko ang higpit ng kapit niya sa balikat ko nang sumampa siya.

"Komportable ka na?"

"YES!"

Kung kanina lang ay takot siyang sumakay, ngayon para siyang bata sa lawak ng ngiti niya.

I drove away from our school, and while driving, I asked her, kung wala ba silang gagawin sa class niya, 'gaya ko nga ay excused din siya.

"This is so fun!" She loudly yelled behind. Sa lakas ng boses niya ay napatingin sa amin 'yung mga nakakasalubong namin.

Hinayaan ko lang siya na gawin ang gusto niyang gawin sa likod. I saw her in my side view mirror; itinaas niya ang dalawa niyang kamay habang nakapikit ang mga mata niya.

I smiled widely, I am glad she's enjoying herself.

Habang nasa daan kami ay nakakita siya ng ice cream shop. She requested to stop for awhile, bumili siya ng dalawa. Tig-isa namin; we ate it together beside the road.

She's very talkative; madami siyang ikinikuwento. Tulad na lang ng mga struggles niya as a performer and a student, nakakatuwa pa nga dahil, she shared a glimpse of her childhood.

Paborito niya raw talaga ang ice cream, and when she feels tired, bumibili lang siya ng ice cream. Nakikinig lang ako sakaniya, making sure she doesn't feel unheard.

I never thought that we would be this comfortable with each other. Her vibe is so welcoming, and I felt seen for the first time. Hindi ko nga naramdaman na ngayon lang ang una naming pag-uusap e, sobrang gaan niya lang kasing makisama.

I've made the decision to take her to the Ethel Garden. Paloob ang lugar na ito, kaya hindi siya masyadong matao.

"It's so beautiful," Ligaya whispered when we finally entered the garden.

Ngumiti ako. "Want to have a walk around?"

She happily nodded. "Yes, please; I want to explore this place."

The garden is adorned with lush greenery, vibrant flowers, and gently swaying trees, creating a serene backdrop for this mesmerizing spectacle.


We walked around the garden, nasa unahan ko siya at nakasunod lang ako sakaniya.

"Matagal na ba 'to?" Huminto siya at hinawakan ang kulay dilaw na bulaklak sa gilid namin.

"Prolly a month; hindi lang siya kasi sobrang nakikita." Sagot ko naman.

Tumingala siya at tinignan ako. "E, paano mo nalaman 'tong lugar?"

"I live near here. Dito na rin ang madalas kong tambayan kapag sobrang ingay na ng environment ko,"

"Ayaw mo sa maingay?" Diretsong tingin niyang tanong.

I nodded as we continued walking. "Nahihilo ako kapag sobrang ingay."

"Hala, sorry, maingay ako e." Natatawa niyang sambit, natawa na rin ako.

"Bearable naman 'yung ingay mo,"

Sinamaan niya ako ng tingin, pero muli rin siyang natawa. Nakangiti akong umiling-iling. Napatuloy na kami tapos naging tourist guide pa niya ako.

Tapusin lang daw namin mag-ikot ikot bago kami ulit gumawa ng article. Pumayag na ako, mapipiga na rin utak ko e.

I watched her while she was taking a photo of every flower she saw. I did not plan this to make a move toward her. I just want her to breathe for awhile. I may not know her that well or everything she's handling, but mas mabuti nang kahit papaano gumawa ka ng paraan para matulungan 'yung isang tao in your own little way.

Everyone deserves a break anyway.




A/N: HI TO MY AJ, I DEDICATE THIS CHAP TO U !!!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 115 18
Meeca Vanja's been doubting her boyfriend, Dominic, lately because of his actions. Nanlalamig na, ika nga. She's been trying to figure out what she d...
5.2M 131K 41
Ruby O'Brian was born into this world of guns and war. After being away at school she comes back to some News. Ruby has been promised to marry one of...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
10M 302K 52
Anna Krause is in her senior year and more than ready to leave high school behind and start a new fresh life without homework, what she didn't expect...