Tales Of Romance (A Short Sto...

By rhodselda-vergo

2.9K 370 24

"When life went disastrous, love came to balance everything. " Tales Of Romance Volume 1 This short-story rom... More

Her Beautiful Mistake
C-1 Her Beautiful Mistake
C-2 Her Beautiful Mistake
C-3 Her Beautiful Mistake
C-4 Her Beautiful Mistake
C-5 Her Beautiful Mistake
C-6 Her Beautiful Mistake
C-7 Her Beautiful Mistake
C-8 Her Beautiful Mistake
C-9 Her Beautiful Mistake
C-10 Her Beautiful Mistake(Finale)
Escaping The Arranged Marriage(Teaser)
C-1 Escaping The Arranged Marriage
C-2 Escaping The Arranged Marriage
C-3 Escaping The Arranged Marriage
C-4 Escaping The Arranged Marriage
C-5 Escaping The Arranged Marriage
C-6 Escaping The Arranged Marriage
C-7 Escaping The Arrange Marriage
C-8 Escaping The Arranged Marriage

C-9 (Finale): Escaping The Arranged Marriage

97 11 0
By rhodselda-vergo

HINDI pa umalis si Nicole at gusto pa ring kausapin si Rendel. Pinuntahan niya sa opisina nito ang binata ngunit wala ito roon. Natataranta na siya dahil sumabay pa ang mensahe ni Alex at atat na siyang sunduin. Nagligpit na lamang siyang gamit at umalis.

Umaasa siya na makakausap ni Richard si Rendel at maipaliwanag ang totoong relasyon nila. Ibubunyag na umano ni Richard ang sikreto sa pamilya upang maalis ang maling akusasyon ni Rendel sa relasyon nila ni Nicole.

Pagdating ni Nicole sa apartment ay naghihintay na roon si Alex kasama ang Kuya Alonzo niya, pangalawa sa panganay.

"Huwag mo na paghintayin pa si Daddy, Nicole. Lumalala ang sakit niya," ani Alonzo. Pumasok na ito sa apartment at sinimulang hakutin ang gamit niya.

Ginatungan pa ni Alex ang litanya ni Lorenzo. "Paano mo natiis mabuhay nang ganito, Nicole? Halos ayaw kang padapuan ni Mommy ng lamok, 'tapos tumira ka sa mainit na lugar na ito na maraming lamok at ipis?"

Hindi niya pinansin ang mga kapatid na mas maarte pa sa kaniya. Noon ay katulad din siya ng mga ito, mata-pobre. Pero nagbago ang lahat nang malagay siya sa posisyon ng mahihirap.

Kinausap na niya ang may-ari ng apartment at binayaran ang natitirang upa at bill ng kuryente. Sumama siya sa mga kapatid na walang imik pero walang awat sa pagluha.

Pagdating ng bahay ay kaagad siyang nagtungo sa kaniyang kuwarto at doon humagulhol.

Dalawang linggo ang lumipas pero wala pa ring balita si Nicole tungkol kay Rendel. Wala pang update sa kaniya si Richard.

Nakalabas na ng ospital ang daddy niya at katulad ng inaasahan niya, itinuloy nito ang deal sa kaibigang negosyante. Sa gabing iyon ng Lingo darating ang pamilya ng lalaking pakakasalan niya. Nakabihis na siya ng pulang dress at inayos ang kaniyang buhok pero naroon pa rin siya sa kuwarto.

Mayamaya ay may kumatok sa pinto kasunod ng tinig ni Alex. "Nicole, lumabas ka na riyan!"

Lumapit naman siya sa pintuan at binuksan. "Bakit ba kayo nagmamadali?" maktol niya.

"Parating na ang mga bisita. Ayusin mo ang sarili mo."

Nakasimangot siyang sumunod kay Alex at inalalayan pa siya pababa ng hagdanan. Dumiretso na sila sa dining room kung saan nakahain ang maraming pagkain. Naroon na rin ang kaniyang ama at dalawa pang kuya.

"Maupo ka na, hija," nakangiting wika ng kaniyang ama. Pinaghila pa siya nito ng silya sa tabi nito.

Lumabas naman si Alex upang salubungin ang mga bisita.

Pinagpapawisan nang malamig si Nicole at hindi mapakali sa kaniyang upuan. Pumayag na siya sa desisyon ng daddy niya at wala na siyang pagkakataong tumakas. Wala pa ring sagot sa mensahe niya si Richard. Iyon na lang ang pag-asa niya upang malaman kung ano ang nangyari kay Rendel. Maaring galit pa rin ito sa kaniya.

Hawak niya ang kaniyang cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Rendel. Dumating na ang mga bisita pero hindi niya magawang tingnan.

"Good evening, Guevarra family!" bati ng kaniyang ama sa mga bisita. Napatayo pa ito.

Natigilan si Nicole nang umugong sa kaniyang pandinig ang apelyido na binanggit ng daddy niya. Nag-angat siya ng mukha at napatingin sa dalawang lalaki na kapapasok, kasama ng ginoong nakaupo sa wheelchair. Kamuntik na niyang mabitawan ang hawak na cellphone dahil sa pagkagimbal.

"R-Rendel, Richard?" gilalas niyang sambit.

Hindi nga siya nagmalikmata, naroon sina Rendel at Richard, parehong nakasuot ng black suit. Kumaway pa sa kaniya si Richard na nakangiti, ngiting bakla.

Umupo na ang mga bisita sa kabilang side ng lamesa katapat nilang mag-anak. Tumapat sa kaniya si Rendel na seryoso pero sa kaniya lang nakatingin. Nabaling naman ang atensiyon niya sa cellphone na may pumasok na mensahe mula kay Richard. Sinabi nito ang totoong nangyari.

Nakausap na umano nito si Rendel at lumantad ng totoong kasarian. Natutuwa ang dalaga dahil hindi naman nagalit ang tatay ni Richard nang malaman ang sikreto nito, ganoon din si Rendel.

Nagsimula ang pag-uusap ng mga tatay nila ni Rendel at pormal na nagkasundo para sa arranged marriage. Hindi makapaniwala si Nicole na si Rendel pala ang may hawak sa kapalarang pilit niyang tinatakasan noon.

"Mabuti naman at magkakilala na pala itong mga anak natin, pare. Hindi na sila mahihirapang makisama sa isa't isa," sabi ng daddy ni Rendel.

"Oo nga, pare. Matutuloy na rin ang kasunduan natin," wika naman ang ama ni Nicole.

Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ng dalaga.

Pagkatapos ng hapunan ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalaga na makausap ang future husband niya. Niyaya niya ito sa cottage sa hardin at inalok ng red wine. Magkaharap silang lumuklok sa bench. Tanging makitid na lamesang pahaba ang nakapagitan sa kanila.

"Matagal mo na bang alam ang kasunduan ang mga tatay natin?" tanong niya sa binata.

"No. Ang alam ko lang ay may kaibigan si Daddy na nakasundo sa isang arranged marriage. Hindi ako aware na ang daddy mo pala 'yon. Akala ko naman ay hindi na matutuloy kasi walang update si Daddy tungkol doon. Siguro kasi naglayas ka kaya naudlot ang kasunduan. Pero last week, nakiusap sa akin ang daddy mo na kung puwede pa bang matuloy ang kasunduan nila ni Daddy. Nag-alangan pa ako noong una. Kasi hindi maganda ang nangyari sa atin. Pero kinausap ako ni Richard at sinabi ang totoo."

"Naniwala ka na hindi kita pinagtaksilan?"

Bahagyang napayuko si Rendel. "I'm sorry. Nagpadala ako sa emosyon ko noon at hindi ako aware sa relasyon ninyo ni Richard. Magaling magtago ng sikreto si Richard, at matagal na pala siyang nagtitiis. I feel sorry for him."

"Natakot kasi si Richard na baka hindi ninyo matanggap na bakla siya. Kasi nga baka bugbugin mo siya at itaksil ng pamilya ninyo."

"I had fault, too. Napansin ko na noon na medyo malambot kumilos si Richard at binalaan ko siya. Sinabi ko na kung babakla-bakla siya ay bubugbugin ko siya at palalayasin. Mga bata pa naman kami noon."

"Kaya pala natakot na siyang lumantad. Pero salamat at tinggap n'yo pa rin si Richard."

"Of course, he's my brother. Kahit ano pa ang pagkatao niya, tatanggapin namin dahil parte siya ng pamilya."

Napangiti siya at tumayo. Lumipat siya sa tabi ni Rendel. "Eh, ako, tanggap mo ba?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin, Nicole." Humarap ito sa kaniya at may dinukot sa bulsa ng pants. Pagkuwan ay ginagap nito ang kaniyang kaliwang kamay. Hawak naman ng isang kamay nito ang binuksang pulang kaheta na may lamang singsing. "Will you marry me?" mayamaya ay tanong nito.

Walang kurap na tumitig ang dalaga sa singsing. Ginupo na siya ng walang kawangis na galak. Pagkuwan ay sinalubong niya ang malagkit na titig ni Rendel.

"Kahit hindi mo ako tatanungin, pakakasalan kita," mangiyak-ngiyak niyang turan.

Lumapad ang ngiti ng binata at dagling isinuot ang singsing sa kaniyang palasingsingan. Pagkatapos ay sabik nitong pinaghinang ang kanilang mga labi.

"Thank you, Nicole! Salamat dahil tinuruan mo akong magmahal," ani Rendel nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Salamat din sa pagsalba sa pamilya ko mula sa mabigat na problema. Pero hindi 'yon ang dahilan kaya kita pakakasalan, ah. Pakakasalan kita dahil mahal kita, Rendel."

"Alam ko. I will marry you because I love you." Muli siya nitong hinalikan, na sabik naman niyang tinugon.

"Siya nga pala, Rendel, may sasabihin ako," naiilang na sabi ni Nicole.

"Ano 'yon?" Mataman namang tumitig sa kaniya ang binata.

Napakagat pa siya sa kaniyang ibabang labi. "May ninakaw pala akong brief mo noon," bunyag niya.

"Ano? Paano mo nanakaw?"

"Noong pumunta ako sa bahay ninyo kasi sumama ako kay Richard. Hinanap kasi namin iyong kuwintas na naisanla ko sa kanya. Pumasok kami sa kuwarto mo at nakapuslit ako ng brief sa closet mo."

Napailing si Rendel. "Kaya pala may nawawala akong brief, iyong paborito ko pa."

"Iyong lawlaw na ang garter?" amuse niyang saad.

"Oo. Gusto ko 'yong isuot kasi presko."

Natawa siya. "Ang yaman mo, nagtitiyaga ka sa maluwag ang garter na brief?"

"Ano naman ang masama?"

"Wala naman." Kumapit siya sa kanang braso ng binata at inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. "Kapag asawa na kita, ibibili kita ng maraming brief," sabi niya.

"I like that. Excited na akong maging asawa ka, Nicole."

"Ako rin."

Niyakap naman siya in Rendel at hinagkan sa noo.

Dalawang linggo lang ang preperasyon sa kasal nina Nicole at Rendel. Simpleng kasal lang ang hiling ng dalaga ngunit binigyan siya ni Rendel ng mala-royal family wedding na ginanap sa isang beach resort sa Subic Bay.

Pagkatapos din ng kasal ay tumulak papuntang France ang mag-asawa para sa honeymoon. Sabay nilang binuo ang mga pangarap para sa kanilang pamilya. Ilang buwan lamang ang nakalipas ay biniyayaan sila ng malusog na anak na lalaki.

Wakas
-----------------------------------------
A/N
Thank you for reading!
Available na rin ang audiobook version nito. Just search the title sa gustong makinig. Until sa next story 😘

Continue Reading

You'll Also Like

51.6K 2.7K 23
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
105K 3.4K 27
Charlotte Del Fuego , the Governor's only daughter who's living her life to the fullest, literally young, wild and free.The untameable queen. What...
227K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...