Tales Of Romance (A Short Sto...

By rhodselda-vergo

2.9K 370 24

"When life went disastrous, love came to balance everything. " Tales Of Romance Volume 1 This short-story rom... More

Her Beautiful Mistake
C-1 Her Beautiful Mistake
C-2 Her Beautiful Mistake
C-3 Her Beautiful Mistake
C-4 Her Beautiful Mistake
C-5 Her Beautiful Mistake
C-6 Her Beautiful Mistake
C-7 Her Beautiful Mistake
C-8 Her Beautiful Mistake
C-9 Her Beautiful Mistake
C-10 Her Beautiful Mistake(Finale)
Escaping The Arranged Marriage(Teaser)
C-2 Escaping The Arranged Marriage
C-3 Escaping The Arranged Marriage
C-4 Escaping The Arranged Marriage
C-5 Escaping The Arranged Marriage
C-6 Escaping The Arranged Marriage
C-7 Escaping The Arrange Marriage
C-8 Escaping The Arranged Marriage
C-9 (Finale): Escaping The Arranged Marriage

C-1 Escaping The Arranged Marriage

119 12 0
By rhodselda-vergo

HINDI alintana ang three inches na takong ng sandals ni Nicole sa bilis ng kaniyang takbo. Ilang minuto na lang kasi ay male-late na siya sa job interview. Nakaabot siya sa pasarang elevator ngunit naipit naman ng pinto ang laylayan ng kaniyang dress.

Nang mahila niya ang damit ay nawalan siya ng balanse. Tumili siya nang sumubsob sa lalaking naka-suit at nakatayo sa kaniyang harapan. Hindi siya nito napigil kaya dumausdos siya pababa. Aksidenteng nadakma pa niya ang bumubukol sa ibaba ng puson ng lalaki.

"Ano 'yong nahawakan ko?" tanong pa ng dalaga sa sarili. Napaluhod na siya sa sahig.

Akala niya'y magagalit ang lalaki ngunit inakay pa siya nito patayo. Tulalang napatitig siya sa seryoso at pinagpala sa kaguwapuhang mukha ng lalaki.

"Be careful," sabi ng lalaki sa baritonong tinig.

"Pasensiya na po, hindi ko sinasadya," aniya.

Animo nahipnotismo at hindi siya makakilos. Nabitawan na ng lalaki ang kaniyang mga braso ngunit hindi pa rin siya lumalayo rito. Pinulot pa nito ang nahulog niyang panyo at inipit sa kaniyang kamay.

"Please stop staring at me, lady," sita ng lalaki. Nasungitan na nga siya nito.

"S-Sorry. Nagulat lang po ako."

Umatras naman siya ngunit hindi maalisan ng tingin ang lalaki. Bukod kasi sa nakaaakit nitong mukha, may kahawig dito ito na kilala niya.

Pumihit siya paharap sa pintuan pero hindi matiis ang atraksiyong sa lalaki. Panay ang lingon niya rito ngunit tila robot itong walang pakiramdam, ni hindi siya magawang sipatin.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay nauna na siyang lumabas at muling . tumakbo patungong HR office. Pagdating sa opisina ay napawi ang kaniyang kaba nang maabutan doon si Richard.

"You're late," bungad sa kaniya ni Richard.

Kaagad naman siyang umupo sa silyang katapat ng lamesa ni Richard. Ito ang baklang kaibigan niya na hinikayat siya'ng mag-apply sa kumpanya ng mga ito.

"Nagmamadali pa ako, ikaw lang pala ang makakaharap ko!" singhal niya sa kaibigan.

Tinapik ni Richard ang kaniyang pisngi. Hindi halatang bakla si Richard dahil lalaking-lalaki itong manamit, magsalita sa harap ng ibang tao, maliban kay Nicole. Hindi kasi alam ng pamilya ni Richard na bakla ito, maliban na lang sa yumao nitong ina.

"Huwag ka na magreklamo. Simulan na natin ang interview," angil naman ni Richard.

"Kailangan pa ba ng interview? Ipasa mo na ako, please."

"Pasensiya ka na, bakla. Need kong sumunod sa rules ng company. Kaya sinabi ko na agahan mo ang punta rito kasi maraming aplikante para sa CEO's office staff. Once nahuli ka, wala ka ng chance."

Hindi na lamang siya nagreklamo. Naalala naman niya ang lalaking nakasabay sa elevator. Napagtanto niya na may hawig ang lalaki kay Richard.

Kinalabit niya sa braso ang kaibigan at nagkuwento. "May sasabihin pala ako, bakla. Kanina may nakasabay akong lalaki sa elevator. Kahawig mo siya pero mas pogi ng tatlong paligo sa 'yo. Matangkad siya, matikas, malaki ang katawan."

Napaisip din si Richard. "Ah, baka si Kuya Rendel 'yon."

"Kuya mo 'yon?" Napamulagat siya.

"Yes. Siya na ngayon ang CEO ng company since na-stroke si Daddy."

"Pero sabi mo noon ay magpapakasal na ang kuya kaya ayaw mong makilala ko."

Ngumisi si Richard. "Hindi natuloy 'yon. Arranged marriage lang naman 'yon. Maraming babaeng naipakilala si Daddy kay Kuya na dapat pakasalan kaso lahat ayaw niya. Iyong ibang planong arranged marriage, wala pang balita kung matutuloy. Choosy rin kasi sa babae si Kuya."

"Talaga? Meaning, single ngayon ang kuya mo?" Bigla siyang na-excite.

"Yes, bakla."

Tinapik niya sa kanang braso ang kaibigan. "Bakla, baka puwedeng ilakad mo naman ako sa kuya mo, oh," hirit niya.

Pinag-ikot ni Richard ang mga mata. "Nagsisimula ka na namang lumandi, haliparot ka!"

"This time, titiyakin ko na hindi ako mabibigo. Lahat na lang ng crush kong lalaki ay taken na, eh."

Wala pa namang naging boyfriend since birth si Nicole pero mabilis siyang ma-attract sa mga guwapong lalaki. Hindi niya maintindihan bakit hindi siya nagugustuhan ng mga crush niya. Marami namang nanliligaw sa kaniya pero hindi niya gusto.

Isang taon pagka-graduate niya ng college sa kursong secretarial management ay nagpasya siyang lumayas. Natuklasan kasi niya na gusto siyang ipakasal ng kaniyang ama sa anak ng isa sa business partners nito. Anim na buwan na siyang palipat-lipat ng tirahan makatago lang sa ama.

Ang problema, pinutol lahat ng daddy niya ang financial support sa kaniya. Na-hold nito ang bank account niya, kaya obligado siyang magtrabaho. May bagong apartment din siyang inuupahan doon sa Subic Bay.

Kinuha ni Richard ang resume ni Nicole. "Sige, ipapasa na kita sa final interview. Bukas ay kailangan mo na magsimula sa trabaho. Pero kailangan muna kitang ma-orient ngayon," sabi nito.

Napatayo si Nicole at lumapit sa kaibigan. Niyakap niya ito buhat sa likuran.

"Thank you, bakla!"

"Sa CEO office ka maa-assign, ha? Assistant ka ni Kuya Rendel."

"Gusto ko 'yan, bakla!" Umupo rin siya ulit sa tapat ni Richard.

"Huwag mong landiin ang kuya ko, Nicole! Sinasabi ko sa 'yo, baka magka-trauma ka sa lalaki."

Malapad siyang ngumiti. "Hindi ako mabibigo kung tutulungan mo ako, Richard."

"Anong tulong?"

"Bigyan mo ako ng facts tungol sa kuya mo. Ilang taon na ba si Rendel?"

"Trenta na si Kuya. He's a cold-hearted guy. Imposibleng magugustuhan ka niya. Ayaw niya sa maharot na babae at maingay."

"Aakitin ko siya," determinadong sabi niya.

Napabuga ng hangin si Richard. "Mahirap makuha ang loob ni Kuya. Hindi rin kami close kasi lumaki siya sa lolo namin sa Maynila. Takot nga ako sa kanya kasi once nalaman niya na bakla ako, bubugbugin niya ako." Bumakas sa mukha ni Richard ang lungkot.

Naawa naman dito ang dalaga.

"Ganito na lang, once napaibig ko ang kuya mo, hihimukin ko siya na tanggapin ang tunay mong pagkatao," sabi niya.

"Sure 'yan, ah?"

"Oo. Basta magtiwala ka sa akin."

Napangiti naman si Richard at sumang-ayon sa kaniyang plano. Binigyan siya nito ng impormasyon hinggil sa ugali ni Rendel.

Kinabukasan ng Martes ay maagang nag-report si Nicole sa Guevarra Car and Trucks Auction building. Na-orient na siya ni Richard at naabisohan ang ibang staff sa opisina ng CEO. Dumiretso na siya sa opisina ng CEO. Kasunod niyang dumating ang babaeng sekretarya ng CEO, si Sena, na unang pinakilala sa kaniya ni Richard. May edad na ito, masungit ang hilatsa ng mukha.

"Good morning po, Ate Sena!" nakangiting bati niya sa ginang.

"Good morning din!" Sinuyod pa siya nito ng tingin.

Maiksi lang ang laylayan ng suot niyang maxi dress na pula, terno sa kaniyang three inches sandals. Wala namang sinabing dress code si Richard at puwede kahit anong damit.

"Halika rito, Nicole," tawag ng babae.

Sumunod naman ang dalaga kay Sena sa workplace nito. May anim na lamesa na magkatapat sa bawat gilid ng hallway. Madadaanan iyon papasok sa mismong opisina ng CEO.

Binigyan siya ni Sena ng listahan para sa dapat niyang gawin. "Ang magiging trabaho mo ay assistant ng CEO rito sa opisina. Pero maaring may unexpected siyang utos sa 'yo na wala sa listahan. Puwede ka rin niyang isama sa mga lakad niya. Ayaw ng CEO ng makupad kumilos at mabagal mag-isip. Ayaw niya na inuulit ang kaniyang sinasabi," sabi ni Sena.

Kinuha naman niya ang listahan ng trabaho niya. Kahit hindi niya kabisaduhin ang nakasulat sa papel, may ideya na siya sa trabaho dahil sinabi ni Richard.

"Sige po. Gagawin ko lahat ng nasa listahan," aniya.

Meron din siyang sariling lamesa malapit sa pintuan ng mismong opisina ng CEO. Merong intercom doon kung saan maririnig kung may tatawaging staff ang CEO. Hindi umano nale-late sa oras ng pasok nito ang CEO kaya dapat ganoon din sila.

Alas-nuwebe ng umaga ang dating ng CEO. Isang minuto bago ang takdang pagdating nito ay nagtungo na sa coffee lounge ng opisina si Nicole upang ihanda ang kape ng CEO.

Sinunod niya ang naisulat ni Richard sa papel na sangkap at proseso para sa kape ni Rendel. Kabisado ni Richard ang lasa ng kape ni Rendel dahil nahuli nito kung paano magtimpla ang kapatid. Ang gusto umano ni Rendel ay hot dark coffee with condensed milk sa umaga. Nagkakape rin umano ito sa tanghali pero malamig naman with cinnamon powder.

"Ang arte naman ng CEO," maktol niya habang nagtitimpla ng kape.

Pagkatapos maihanda ang kape, inayos naman ni Nicole ang kaniyang damit. Inilugay lamang niya ang ga-baywang at maalong buhok na abuhin. Hinila pa niya pababa ang collar ng kaniyang damit upang makita ang cleavage.

Pagpatak ng alas-nuwebe ay lumabas na siya ng lounge dala ang tasa ng kape na naipatong sa bilog na stainless tray. Tinawag na siya ni Sena at minamadali. Dumating na umano ang CEO.

Rumampa naman siya palapit sa opisina ng CEO at pinindot ang button ng doorbell sa gilid ng pintuan. Kaagad namang bumukas ang pinto kaya diretso ang pasok ng dalaga.

Todo ngiti siya habang palapit sa lamesa ng CEO. May binabasang papeles ang binata. Si Rendel nga iyong lalaking nakasabay niya sa elevator, ang CEO.

"Good morning, sir!" masiglang bati niya. "Here's your hot coffee, kasing hot n'yo po!" Inilapag niya sa lamesa ang tasa ng kape.

Nag-angat naman ng mukha ang binata at diretso ang tingin sa kaniyang mga mata pero may pagtataka.

"Who are you?" kunot-noong tanong ng CEO.

"Ako po 'yong babae sa elevator kahapon. Naalala n'yo po ba?"

"I'm asking for your name."

Tumabang ang kaniyang ngiti dahil sa pagsusungit ng CEO. Nagpakilala na lamang siya nang maayos. "I'm Nicole Galvez, twenty-five years old, your new office assistant, sir!" Tuwid siyang tumayo at ang mga kamay ay nasa likuran.

Naglaro ang paningin ng binata sa kaniyang katawan. "Who hired you?"

"Nag-apply po ako rito at pinalad namang nakapasa. Graduate po ako ng secretarial management kaso wala pang experience. Unang course ko po ay BS Pshychology pero hindi ko natapos."

Akala niya'y makukuha na niya ang interest ng binata ngunit hindi na siya nito pinansin.

"You may leave," sabi lang nito.

"May utos pa po ba kayo, sir?"

"Wala. Tatawag ako kung meron."

Hindi pa rin siya kumilos at gusto pang titigan ang guwapong CEO. Gusto niyang makita ang reaksiyon nito sa kape na natimpla niya.

"Tikman n'yo po muna ang kape kung gusto n'yo ang lasa," aniya.

"Later. You may go." Ayaw pa rin siya nitong tingnan.

Tumalikod na lamang siya at napairap. Bago tuluyang lumabas ay muli niyang sinipat ang binata, saktong napatingin din ito sa kaniya. Wari lumukso ang puso niya nang magsalubong ang mga titig nila ni Rendel. Mabilis naman itong umiwas at kinuha ang tasa ng kape.

Hinintay niya na makahigop ito ng kape. Nang makitang wala namang reaksiyon ang binata ay lumabas na siya.

Continue Reading

You'll Also Like

38.7K 2.6K 8
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
1.8M 72.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.8M 60.2K 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only o...