Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

136K 2.8K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 10

2.5K 67 25
By kemekemelee

Replay

“Teka lang! Teka lang! Bakit parang nagmamadali ka yata? Akala ko ba gagawin pa natin yung project sa Reading and Writing?”

Napakamot ako sa batok ko habang nakatingin kay Euphony. Inayos ko rin ang screen ng laptop ko habang naka-video call kami. Kanina pa kasi kami nanonood ng movie pero muntikan nang mawala sa isip ko na Friday nga pala ngayon!

“I have things to do. Pwede ba next time na lang natin i-set? After na lang siguro ng new year. Please?” I pleaded.

“Akala ko ba i-bi-binge watch pa natin yung Gilmore Girls?” rinig ko naman ang pagtatampo sa boses niya mula sa kabilang screen.

“Uy, babawi ako! Promise talaga. May pupuntahan lang talaga ako ngayon. Nangako na ako sa tao.”

Kumalat na rin sa social media na under na ng Celestial Records ang Equinox. Big break talaga sa kanila iyon dahil malaking music label ang Celestial Records along with Crown Records and TVM Music. Araw na lang talaga ang bibilangin bago tuluyang maging matunog ang banda nila.

“Sino naman iyan? Another kausap mo na naman from the yellow application?” kuryoso niyang tanong.

Mariin akong umiling. “Uy, hindi ah! Kaibigan ko lang iyon. May party lang kasi kaya pupunta ako.”

“Kaibigan? He or she?”

Sumimangot ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Euphony o hindi. Kapag naman kasi sinabi ko, sure akong hindi siya maniniwala sa akin. Ang sasabihin niya lang kulang ako sa kain or nangangarap lang ako.

So I decided to keep it to myself. Hahayaan ko na lang siyang magulat someday. Kasalanan niya rin iyon kasi hindi siya naniwala sa akin!

“She,” I lied.

“Oh, okay. Ingat ka! Basta panoorin natin next time, ah? At saka huwag mo akong unahan sa Gilmore Girls! Mamaya malaman ko na lang na nasa last season ka na pala. Magtatampo talaga ako.”

“Oo na! Oo na! Manonood lang ako kapag kasama ka. Happy ka na?” I chuckled.

I ended our video chat right away. Ang sabi sa akin ni Simon sa bahay daw ng lead guitarist nila ang party which is si Jagger sa pagkakaalam ko. Invited din si Nathan kaya sasabay na lang ako sa pinsan ko para pumunta doon.

Agad kong inayusan ang sarili ko pagkatapos ng video chat namin ni Euphony. Sinigurado ko na mas magiging maganda ako ngayong gabi para hindi na lumingon si Simon sa iba! I only want him to focus on me. Sa akin lang dapat ang atensyon niya.

“Ayos ng porma ah. Saan punta mo?” bungad na tanong sa akin ni Kuya Caleb.

Ilang araw na kasi siyang nandito sa mansyon. Ang sabi niya sa akin dito raw muna siya hanggang new year. Pabor naman sa magulang namin lalo na kay Mommy. Alam kong gusto niya rin itong si Kuya Caleb kaya parang araw-araw may party dito sa bahay sa dami lagi ng pagkain.

“Party lang. Kasama ko po si Nathan,” sagot ko.

“Susunduin ka niya?”

I nodded. “Yup. Bakit? Ihahatid mo ba ako kung hindi?”

“Oo sana. Wala na akong ihahatid eh,” malungkot niyang tugon.

“What? Anong nangyari sa inyo ng girlfriend mo? Break na kayo?”

Tumayo naman si Kuya at pinaglaruan ang susi ng kotse niya. Nakasuot lang siya ng puting shirt at cargo shorts pero ang gwapo pa rin talaga niya tingnan. Inayos niya rin ang salamin na suot niya bago siya tuluyang nakalapit sa akin.

“Sabihin mo kay Nathan na i-send na lang sa akin ang address. Madali lang naman sa Waze iyon,” pag-iiba ng topic ni Kuya.

Hindi ko na rin pinilit na tanungin pa si Kuya. Halata namang iniiwasan niya ang tanong ko. Kuya Caleb looks restless pero parang pinipilit lang na maging masaya.

“Uh okay po. Saglit lang. Chat ko muna siya.”

kumikinang inang nathan

huy huwag mo na ako daanan
si kuya na maghahatid sa akin
send mo na lang sa kaniya address

hay salamat sa diyos nawalan ng sagabal sa buhay ko 🙏🙏🙏🙏

luh putanginamo

official fan ni god from today 😇🙏

kahit si lord mapapamura sayo e
pakyu c u na lang

“Okay na po. Nagsend na ba si Nathan ng message sa’yo?” tanong ko.

He nodded. “Oo, kaka-message niya lang. Let’s go?” Kumapit naman ako sa braso ni Kuya habang naglalakad kami palabas ng mansyon.

Napansin ko ang tamlay sa boses ni Kuya Caleb. Kahit gusto ko mang tanungin siya kung anong nangyari, alam kong hindi rin siya magsasabi. Hihintayin ko na lang siguro na magkwento siya kapag comfortable na siya.

“Anong meron sa party na iyan? May birthday ba?” tanong ni Kuya habang nagda-drive siya. Ang isang kamay niya ay tinutulak ang salamin paangat sa bridge ng ilong niya habang ang isang kamay naman ang nakahawak sa steering wheel.

“Hindi birthday. Celebration lang kasi yung friend namin ni Nathan nakapasok na sa Celestial Records,” I answered.

“Oh... kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan na musician?”

“Recently lang naman. Baka nga familiar na sa’yo yung banda,” I said while checking my phone.

Ngayon ko lang napansin na may message pala si Simon sa akin. Kaninang umaga pa pala iyon tapos natabunan lang. Hindi kasi ako nag-open ng Instagram dahil buong araw kaming nanood ni Euphony sa discord.

sgbenitez

Pupunta ka ba mamaya?

otw na

“Anong banda?” tanong ni Kuya.

“Equinox po,” sagot ko.

Napansin ko naman ang biglaang pagbabago sa ekspresyon ni Kuya. Humigpit rin ang hawak niya sa manibela kaya nagtaka ako.

“May problema ba Kuya?” I asked him.

“Kung tama ang pagkakatanda ko. May member ba sila na Benitez ang apelyido?”

I nodded. “Meron nga. Vocalist nila. Bakit? You know Simon?”

Yumuko ulit ako dahil naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Nagreply pala si Simon. Akala ko nga hindi na niya mapapansin ang message ko dahil busy na siya.

sgbenitez

Nathan is here. Asan ka?

ay hinahanap ako
miss mo ba ako
easy ka lang otw na nga

Take care.

Ang sungit naman! Ang tigas din talaga ng isang ito. Napakahirap amuhin sa chat. Halatang pinoprotektahan talaga ang sarili. Tinago ko na lang ang phone ko at hindi na nagreply. Siya naman ang i-la-last message ko ngayon. Palagi na lang kasing ako.

“Simon? First name basis kayo?” napalingon naman sa akin si Kuya.

“Friends kami. Bakit?”

Binalik niya ang tingin sa daan. “Nagtanong lang.”

“Kilala mo ba siya?” tanong ko pa ulit.

“Familiar lang. Nadaan sa feed ko,” simpleng sagot ni Kuya.

Pumasok kami sa isang familiar na subdivision sa Makati. Nagtaka naman ako dahil hindi na hinarang ng guard si Kuya. Tinanguan pa siya ng guard na para bang madalas na siyang pumupunta dito.

Magtatanong pa sana ako nang huminto na kami sa tapat ng malaking mansyon. Mas malaki iyon sa mansyon namin! Siguro dalawang beses ang laki nito. Napaawang pa ang labi ko habang naghihintay kami ni Kuya sa labas ng gate.

“Uy, bakla. Ang tagal mo!” bungad ni Nathan.

Namilog pa ang mata niya nang makita kung sino ang kasama ko. Ibebeso ko na sana siya nang itulak niya ako para lang salubungin ang Kuya ko.

“Punyeta ka talaga,” inirapan ko naman si Nathan.

“Hi, Kuya Caleb!” Nathan kissed Kuya’s cheek. “Lalandi muna kami ni Darlene ngayon, ah?”

“Alam kong maganda kapatid ko pero ingatan mo iyan, ah? Bawal iyan mapunta sa gago,” pabirong banta pa ni Kuya.

Nathan laughed. “Hindi naman gago si Simon.”

“Hala anong sinasabi mo d’yan?!” pasimple ko namang kinurot si Nathan.

Dumako ang tingin sa akin ni Kuya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakitaan ko ng lamig ang tingin niya pagkatapos sabihin ni Nathan iyon.

“Simon?” inosenteng tanong ni Kuya. “Anong meron sa kanila ni Darlene?”

“Ay, eme ko lang po,” napakamot pa si Nathan sa batok niya. “Alam niyo naman magaling ako magbiro diba? Tingnan niyo oh kita na ngala-ngala ni Darlene kakatawa.”

Pilit naman akong natawa. “Oo nga, Kuya.”

Kinurot ko ulit si Nathan sa likuran niya. Ilang segundo pa bago kami nginitian ni Kuya. Ginulo niya rin ang buhok ko bago niya paglaruan ang susi niya.

“Darlene, text ka na lang kapag magpapasundo ka na. Enjoy kayo d’yan!”

“Thank you, Kuya!” I waved at him.

Pinapasok na kami ng guard pagkaalis ni Kuya. Medyo mahigpit din dito dahil bago ka pa makapasok ng mansyon kailangan pa ng face recognition. Kung hindi ka pa nakakapunta dito, kailangan mo pang tawagan yung kakilala mo para lang ma-confirm na kaibigan ka nga nila.

Halos mag-umapaw ang buong mansyon sa sobrang dami ng tao. Hindi ko ito inexpect! Ang akala ko maliit na party lang. Ang akala ko handaan lang kaya paanong mahahanap ko si Simon kung ganito karami ang tao dito?!

I suddenly felt the urge to go home. Gusto ko na lang na tawagan si Kuya at baka hindi pa iyon nakakalayo dito. Kada lakad din namin laging may kinakausap si Nathan kaya pakiramdam ko out of place ako dito. Puro schoolmate yata nila ang invited dito. Ako lang siguro ang naiiba.

“Nathan...” kinalabit ko naman siya. “Maybe this is a wrong idea. Uuwi na lang ako.”

“Ano?! Ngayon ka pa aatras? Huwag ka na umuwi. Hahanapin natin si Simon para sa’yo,” sinubukan niya naman akong hilain pero umiling ako.

“Huwag na. Tatawagan ko na lang si Kuya para magpasundo,” pagpoprotesta ko.

Nathan frowned. “Ano ka ba?! Ikaw nga itong gustong-gusto pumunta dito diba? Bakit biglang nagbago ang isip mo?”

“Baka naman nagkakamali lang si Simon. Hindi naman yata ako invited dito.”

Sandali pa kaming napahinto dahil biglang may kumaway kay Nathan. Nilibot ko na lang ang tingin ko habang nakikipag-usap ang pinsan ko. May malaking pool pala dito pero napansin kong marami na ring tao doon. Masyado ring malakas ang music sa loob ng mansyon kaya kahit nasa labas kami rinig na rinig ko pa rin.

Kahit saan ako lumingon, parang kilala lahat ni Nathan. Kinakawayan kasi nila ang pinsan ko. Ang iba nakikipagbeso pa sa kaniya.

“He invited you because he wants to see you. Hindi ba malinaw na sign iyon? Pagdating sa ganito ikaw ang matalino sa atin, ah? Bakit parang ikaw ang natatanga ngayon?”

“Iba si Simon sa lahat ng nakilala ko,” I sighed. “Mahirap siyang basahin.”

“Edi magsalamin ka.”

I glared at him. “Putangina mo talaga kausap.”

Kumuha naman si Nathan ng makakain para sa amin. Hinila niya rin ako patungo sa isang table kaya agad akong umupo dahil nangangawit na ang paa ko. Nilabas ko na lang ang phone ko para mag-Facebook. Wala rin naman pala akong mapapala dito. Ayaw ko rin naman makipag-socialize ngayon kaya bahala na.

sgbenitez

Nandito ka na?

bat mo ko hinahanap

Kasi bisita kita?

ganiyan ka ba sa mga bisita mo

Syempre.

ah so di pala ako naiiba
gege

What are you talking about?
Kumain ka na ba?

ewan ko

Nice answer.
🙂

Binaba ko ang phone ko para kumuha ng nachos. Napansin kong puro kaklase pala ni Nathan itong kasama namin sa table. Puro topic kasi tungkol sa mga kaklase nila ang pinag-uusapan nila.

Kainis naman! Humikab na lang ako sa sobrang antok at buryo. Anong klaseng party ito?! Wala pa akong ginagawa pero ubos na social battery ko. Mas lalo pang nakakairita kasi hindi ko man lang makita ang pakay ko ngayong gabi. Sayang naman yung outfit at makeup ko.

“Darlene!”

Nagising naman ang diwa ko nang makita kong may tumawag sa akin. Si Clark pala iyon. Mukhang kararating niya lang din at may bitbit din siya na vape.

I waved at him. “Hi, Clark.”

“Kasama ka pala dito. Akala ko namamalikmata lang ako kanina,” kwento niya naman.

Umurong naman ako nang umupo siya sa tabi ko.

“Ah, si Simon kasi e pinapunta ako dito.”

“Si Simon?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Hindi nga?”

Nakaramdam naman ako ng iritasyon. Bakit ba ganito sila magreact? Imposible ba talaga na mapansin ni Simon ang isang tulad ko? Para bang lugi si Simon sa ganda kong ito?! Excuse me lang ha?!

I grunted in frustration. “Oo nga. Bakit ba ayaw niyo maniwala?”

Kinuha ko naman yung San Mig Apple sa bucket at diretsong ininom. Hindi naman ito nakakalasing. Actually parang juice nga lang sa akin.

“Hindi naman sa gano’n. Buti na lang andito ka rin! Tagal na kitang hindi nakita eh,” he smiled at me.

“Darlene, langoy lang kami,” paalam ni Nathan sa akin. “At huwag kang uuwi ha. Babatukan kita punyeta ka.”

“Huh? Uuwi ka?” si Clark na biglang sumingit.

I rolled my eyes. “Dito lang ako.”

Kami na lang ni Clark ang naiwan sa table. Napansin kong may kaniya kaniyang mundo rin ang mga tao dito. Paano ba naman kasi?! Kanina pa yata ako tingin nang tingin at baka sakaling mapadpad si Simon dito.

“So, anong plano mo ngayon?” tanong ni Clark.

“Honestly hindi ko alam. I’m starting to get bored now,” I yawned.

“Then why don’t we have fun?” he suggested.

“What fun?”

Nag-angat naman ako ng kilay nang hilain niya ako. Pasimple pa siyang humawak sa kamay ko habang naglalakad kami papasok ng mansyon. Hinayaan ko na lang din dahil okay na rin na may kasama ako kahit papaano.

Mas marami ang tao sa loob ng mansyon. Sobrang lakas din ng music kaya halos hindi na kami magkarinigan ni Clark. Nakita kong kumuha siya ng dalawang baso at inabot niya ang isa sa akin.

“Ano iyan?” pasigaw kong tanong.

“Shot na!” inunahan niya naman akong tunggain iyon kaya sumunod ako.

Pumikit ako habang dire-diretso kong ininom yung baso na puno ng alak. Naramdaman ko ang pagkahilo pero bahagyang uminit din ang katawan ko pagkatapos kong inumin iyon.

“The alcohol is kicking in so let’s dance!” anyaya ni Clark sa akin.

Ngumiti naman ako at nagsimulang sumayaw kahit pa hindi ko kakilala ang kasama ko dito. Mukhang hindi rin naman nila alintana dahil wala silang pakialam kung sino man ang katabi nila.

“Levi! Levi! Levi!”

My focus redirected to where the chant is coming from. Kahit nahihilo ako pilit akong sumingit para lang makita yung isang miyembro ng Equinox. Siya yung drummer na naka-buzz cut. May hawak din siyang malaking bote ng alak at para bang chini-cheer nila ang lalaki para inumin ng diretso iyon.

“See?!” Levi smiled at the crowd. “I told you I can do it.”

We all laughed after hearing his statement. Sinubukan niya pang sumayaw ng budots pero ilang segundo lang nagsuka na siya kaya mas lalo kaming nagtawanan. Kaya mo pala ha?

Napailing na lang ako at gumilid dahil ramdam ko na ang pagkahilo ko. Ilang minuto pa nang maramdaman kong tumabi rin sa akin si Clark. Inabutan niya ulit ako ng nachos kaya kahit papaano nawala ang hilo ko.

“Nage-enjoy ka na ba?” he asked.

I shrugged. “Hindi ko alam.”

Kaya lang habang lumalalim ang gabi, mas lalo lang akong nakaramdam ng dismaya. Hinayaan ko na lang si Clark sa loob at nagdesisyon ako na lumabas. Nakalimutan kong nasa pool pala si Nathan kaya pumunta ako doon para sana hanapin siya.

Bumuntong hininga na lang ako nang makita kong wala na siya sa pool. Baka nasa loob na pala siya at hindi ko namalayan? Tangina naman. Ayaw ko nang bumalik sa loob.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa maliit na kubo. May maliit na lamp post tapos medyo may kalayuan na rin iyon sa mansyon. Malapit din sa garden yung kubo kaya siguro sinadya ito para gawing tambayan.

I like the idea. May ganito rin kami sa mansyon pero duyan lang iyon. Ang kubo na malapit sa garden ay magandang konsepto. Maybe I should suggest this to my parents. Pwedeng tambayan or gawing lugar para makapag-review.

“Hindi ka ba nag-enjoy sa loob?”

Napatalon naman ako nang marinig ko ang boses na kanina ko pa hinahanap. To my surprise, nakita ko si Simon sa loob ng kubo. May mga pagkain sa harap niya at may dalawang bote rin ng alak. Bitbit niya rin ang gitara niya at mukhang kanina pa siya dito base sa itsura niya.

My mind is brimming with thoughts, but I can’t seem to find the right words to express them. Hindi ba ito ang gusto kong mangyari kanina pa? Ang makita si Simon? Pero bakit parang naubusan ako ng sasabihin ngayon?

“Or are you lost? Asan yung kasama mo?” dagdag niya pang tanong.

“Wala naman akong kasama,” sa wakas nakapagsalita na rin ako.

He started strumming his guitar. Hindi naman siya kumanta. Kinalabit niya lang ang string habang nakatingin sa akin.

“Lakad ka lang ng diretso tapos kumaliwa ka,” he said which made me raise my brows because of confusion.

“Hindi naman ako nanghihingi ng direksyon.”

“Oh... hindi ka ba babalik sa mansyon?”

Umiling ako at naglakad papasok sa loob ng kubo. “Hindi na. Ayoko doon.”

Kinuha niya naman yung isang baso at sinalinan ng alak. Dire-diretso niyang tinungga iyon bago niya ako lingunin. Mag-isa lang ba siyang umiinom? For what reason?

“Bakit naman?”

Sinandal ko ang ulo ko sa pader at ipinikit ang mata ko dahil sa hilo na nararamdaman ko. Fuck. Pakiramdam ko malapit na akong masuka sa dami ng nainom ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong mga inumin yung binigay sa akin ni Clark.

“Ang boring kasi wala ka doon. Kanina pa kita hinahanap,” sagot ko, nakapikit pa rin ang mga mata ko.

“Parang hindi naman.”

Nagmulat ako ng mata. I shifted my weight and looked at him. Bahagyang nakatungo ang ulo niya habang mahina pa rin niyang kinakalabit ang string ng gitara.

“Ay, desisyon ka?” I shook my head. “Boring nga kasi. Nasaan ka ba kasi kanina?”

“Nandoon din,” he replied.

“Bakit hindi kita napansin?” I asked him.

Kinuha ko naman yung isang baso at sinalinan din ng alak. Ininom ko iyon nang isang diretso. Halos masuka ako habang nilalapag ko yung alak. Pumikit na lang ako at hinilot ang sentido ko.

“Because you’re busy with someone else,” he simply said.

“Someone else? You mean Clark?” natatawa kong tanong sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Nagsimula siyang kumanta na sapat lang para marinig naming dalawa. Hindi ko alam kung lasing na ba siya o talagang si Simon na itong kausap ko

“Look at the stars. Look how they shine for you... and everything you do.”

Sinalubong ako ng namumungay niyang mga mata. Medyo pumipikit na iyon pero kahit gano’n, malambing at namamaos pa rin ang boses niya. Hindi pa rin talaga nakakasawang pakinggan.

“Yeah... they were all yellow,” he chuckled.

“Are you drunk?”

Umiling naman siya habang natatawa pa rin.

“I came along. I wrote a song for you... and all the things you do.”

Napalunok ako nang mag-iwas na siya ng tingin sa akin. Akala ko malalagutan na ako ng hininga! Sobrang bigat ng paraan ng pagtitig niya. Hindi ko yata kayang suklian iyon.

“And it was called yellow,” I heard him chuckle.

Baliw na ba siya? Ano kayang nakakatawa sa kanta?

Huminto naman si Simon sa pagkanta. Nagtaka naman ako kaya nilingon ko siya. Nakasandal lang siya habang nakapikit ang mga mata niya.

“Congratulations nga pala,” I softly said.

I took the liberty to freely admire him. He is simply... breathtaking. His delicate features were a feast for the eyes, from his long, fluttering eyelashes to his perfectly sculpted nose and kissable pink lips.

“Masaya ako para sa’yo. Alam mo bang habang pinapanood kita sa stage pakiramdam ko ako na yung pinakamasayang tao sa mundo? Sobrang nakaka-proud lang. Alam kong deserve na deserve mo rin iyon,” pagpapatuloy ko pa dahil nakapikit naman siya.

Hindi ko alam kung tulog na ba siya o nakapikit lang siya. Ang alam ko lang ngayon mas malakas na ang loob ko. Siguro dahil na rin sa tama ng alak.

“Malayo ang mararating niyo,” I concluded.

Napangiti ako at pinikit ko na rin ang mata ko. Ilang minuto kaming naging tahimik. Siguro parehas na kaming tinamaan ng alak. Baka tulog na rin siya pero ako? Hindi ko kayang matulog sa ganitong pagkakataon.

“Darlene? Nandito ka ba?”

Umahon ako sa pagkakasandal ko nang marinig ko ang boses ni Clark mula sa malayo. Nilingon ko si Simon na nakamulat na pala ang mata. Narinig niya ba ako kanina o nakaidlip siya tapos nagising lang dahil sa boses ni Clark?

Hindi ko naman sinagot si Clark kaya ilang minuto lang natahimik na rin ang paligid. Siguro akala niya wala ako dito kaya umalis na siya.

“Bakit hindi mo pinuntahan?” tanong ni Simon.

“Ayoko nga,” mariin kong sagot.

“Good.”

Namilog ang mata ko. Anong ibig niyang sabihin?! Naghuramentado naman ang puso ko sa sinabi niya. Putangina hindi naman ako tanga sa ganito pero bakit pagdating kay Simon litong-lito ako?!

I swallowed harder. “Anong good?”

He chuckled again. Mas malakas na iyon kaysa sa nauna pero may bahid iyon ng pang-aasar. Nanatili ang tingin ko sa malayo dahil hindi ko yata siya kayang titigan ngayon.

“Hindi naman yata pwedeng dalawa kami ni Clark ang gusto mo. Isa lang dapat, Darlene.”

Ano raw?

Tama ba ang narinig ko?

I fucking need a replay. Hindi ko alam kung tinamaan na ba ako ng alak kaya kung ano ano na lang ang naririnig ko.

“Isa lang dapat,” pag-uulit pa ni Simon bago ulit siya humalakhak.

Continue Reading

You'll Also Like

97.1K 4.1K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
120K 2.9K 46
Gaano ba kahirap tumanggi at unahin ang sarili? Yung halos hayaan mong pag-malupitan ka na ng mga tao. Yung pagbayad sa mga utang na hindi naman ikaw...
427K 6.1K 24
Dice and Madisson
796K 16.8K 48
The Prestige Series 2 Alliana had everything in life. For her, career and passion should always be her utmost priority. Not until Abes, came in the p...