Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

141K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 9

2.5K 65 66
By kemekemelee

Star

After a few more weeks, Simon and his band proudly announced that they would be the opening act for Fractured’s first-ever concert at the SM Mall of Asia grounds. This would be a big break for them! Fractured is one of the most popular bands in the country, and serving as their opening act would be a great opportunity for their band to gain exposure and recognition.

I didn’t hesitate for a second and immediately bought a ticket for the concert scheduled for December 24. That would be two weeks from now. Hindi rin naman ako fan ng Fractured. Pupunta lang ako para sa opening act and maybe I’ll go home after their performance.

Marami rin ang natuwa sa anunsyo ng banda. Habang tumatagal kasi mas sumisikat na rin sila sa social media. Tuwing binibisita ko nga ang account nila parang araw-araw yatang nadadagdagan ang followers nila. Natutuwa ako sa achievements nila dahil deserve naman nila iyon.

“Can you come with me? Please?” pangungulit ko pa kay Euphony pero umiling siya.

“Pasensya ka na, Darlene. December 24 kasi iyan. Ayaw ni Mama na wala ako sa bahay kapag Noche Buena. Next time na lang siguro,” she smiled meekly, gently squeezing my hand.

Dumako naman ang tingin ko kay Zero na biglang nagtaas ng kilay nang mapansin ako.

“Pass din ako,” sabi niya kahit hindi ko pa naman niyayaya.

I raised my middle finger. “Pakyu! Assuming amputa akala mo ba gusto kitang kasama? Wala akong balak yayain ka!”

“Ay, gano’n ba?” napakamot naman siya sa batok niya. “Inunahan ko lang. Bigla ka kasing natingin sa akin. Akala ko ako naman yayayain mo.”

“Ulol, kung ikaw lang din huwag na lang.”

Zero frowned. “Laki talaga ng galit mo sa akin, ano?”

Pumagitna naman sa amin si Euphony kaya parehas kaming napahinto. Ramdam ko pa rin ang masamang tingin sa akin ni Zero pero hindi ko na lang iyon pinansin.

“Tama na iyan. Mag-aaway na naman kayo para kayong mga bata,” saway ni Euphony.

“Kailan ka pa kasi naging fan ng Fractured? Hindi ko kasi masyado bet mga kanta nila. Ang ingay tapos ang sakit sa tenga,” komento pa ni Zero habang naghihintay na magloading yung nilalaro niya sa phone.

“Hindi naman Fractured yung pinunta ko doon,” I rolled my eyes. Syempre si Simon ang pinunta ko!

Umupo naman si Euphony sa tabi ko. Yayayain ko sana siya na samahan ako kaya dinayo ko pa siya dito sa mansyon nila Zero na kung saan kasambahay din siya. Bumili kasi ako ng dalawang ticket para may kasama ako.

Pucha naman! Ang pangit naman pumunta ng concert ng ako lang mag-isa. Kung hindi pwede si Euphony, sino na lang ang isasama ko?!

“E ano pang point kung hindi ka naman pala nila fan? Sayang naman yung ticket. VIP pa tapos hindi ka naman pala fan,” tanong ni Euphony na wala pa ring ideya sa kahibangang ginagawa ko nitong mga nakaraang buwan.

I smiled sheepishly. “Para sa opening act nila. Magaling na banda iyon I swear!”

“Uy, parang alam ko iyan. Nakikita ko na iyan sila sa Tiktok. Wait alalahanin ko yung name,” sandali namang napahinto si Euphony para mag-isip. “Ah, tanda ko na! Equinox iyon diba? Palatandaan ko lang yung mahabang buhok ng vocalist nila.”

Oo, yung soon-to-be boyfriend ko!

“Nadali mo! Madalas ko na kasi silang nakikita sa mall at sa mga local cafe. Ang laki ng potential nila tapos ang ganda rin ng songs. Check mo sa Spotify kapag may time ka.”

In an instant, Euphony’s eyes turned to slits. “Maganda ba talaga ang songs o may crush ka sa banda nila? Kilala na kita, Darlene.”

“May crush iyan panigurado,” singit naman ni Zero na nakikinig pala kahit busy maglaro!

“Grabe naman kayo! Maganda rin naman talaga songs nila. Bonus na lang yung may itsura silang lahat,” napangiwi naman ako.

“Sino sa apat?” tanong ni Euphony.

Ngumuso ako. “Yung vocalist.”

“Ah, gwapo nga! Ini-stalk ko nga iyon sa Instagram. Parang model ang datingan. Ang haba ng buhok tapos mukhang foreigner, ano? Ang tangkad pa,” kwento pa ni Euphony kaya sumimangot naman ako.

Tumikhim naman si Zero. “Sino iyan? Grabe naman makapuri kulang na lang ubusin lahat ng adjective sa dictionary ah.”

“Back off,” I jokingly pushed Euphony. “Mahiya ka naman sa girlfriend. Nasa harapan mo lang oh.”

Kumunot naman ang noo ko nang abutan ako ni Euphony ng turon. Anong gagawin ko sa turon?! Kasama ang kailangan ko hindi turon!

“Anong gagawin ko sa turon?!” pikon kong tanong.

“Kakainin mo,” umamba pa siyang susubuan ako. “Kulang ka yata sa kain kaya kung ano ano na sinasabi mo.”

Iniwas ko naman ang mukha ko. “Tangina nito oh! Hindi na lang maging supportive na friend. Tama bang gawain iyan ng kaibigan?”

My shoulders slumped as I went home. The concert was still two weeks away, and I resigned myself to spending that day alone. Marami namang tao doon kaya siguradong hindi ako magmumukhang lonely. Ang mahalaga makita ko ang Equinox sa unang performance nila sa gano’n karaming tao!

Binagsak ko ang sarili sa kama habang nakatitig ako sa kisame. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang maalala kong may isang tao pa pala akong hindi nayaya. Oo nga naman! Sa lahat ba namang ng pwede kong yayain, siya pa talaga ang nakalimutan ko?!

“Oh, ano na naman ba?!”

Humalakhak naman ako nang marinig ko ang reklamo ni Nathan mula sa kabilang linya. Nanatili ang tingin ko sa kisame habang kausap ko ang pinsan ko.

“Free ka ba sa December 24?” I asked him.

“Ay, te? For your information, Noche Buena iyan ah baka nakakalimutan mo lang.”

I smiled weakly. Another Noche Buena na paniguradong ako lang din naman ang mag-isa. May duty ang parents ko habang si Kuya Adam naman ay nasa abroad. Si Kuya Caleb naman may balak na kasama ang mga classmate niya. Hindi niya naman ako pwedeng isama sa bar dahil underage pa ako.

“Para sa concert ng Fractured. Opening act sila Simon doon diba? May dalawa akong VIP ticket and wala akong kasama,” I said, silently wishing that he will come with me.

“Bakla ka talaga ng taon,” narinig ko pa ang tili niya sa kabilang linya. “Bakit hindi mo sinabi agad?! Syempre go na go ako d’yan!”

“Wala nang bawian iyan, ha? Sasamahan mo ako!”

“Iba na yata yung tama mo kay Simon. Halos dalawang buwan na iyan ah tapos crush mo pa rin? Bihira yata sa’yo iyan,” sabi ni Nathan.

“Ah, basta! Kapagod maghanap ng crush kaya tambay muna ako kay Simon ngayon,” pagdadahilan ko pa kahit sa totoo lang hindi ko na rin alam kung bakit hindi na ako naa-attract sa iba.

Sinubukan ko na rin na tumambay sa mga dating site o kaya maghanap ng pwedeng ibang crush pero it all leads to comparison with Simon. Ang ending lagi ay hinahanap ko ang qualities ni Simon sa ibang lalaki kaya nagdesisyon ako na huwag na lang.

Besides may something kay Simon na nagsasabi sa akin na magiging worth it din ang lahat ng ito. For now, I’ll enjoy this moment hanggang sa ma-satisfy ako.

“Magandang umaga po! Merry Christmas po Ma’am!” nakangiting bati sa akin ni Manang Ethel habang pumapailanlang sa buong mansyon ang malakas na tugtog ng mga Christmas carol.

Mas lalo lang akong nagulat nang makita ko si Mommy at Daddy na nagsasabit ng decoration sa Christmas tree. Rinig ko rin ang impit na tawanan ng mga bata mula sa labas.

God, don’t tell me?

“Dad, guni-guni ko lang po ba or boses po nila Primo ang naririnig ko sa labas?” I asked him.

“You’re not imagining things, anak. Nandito ang Kuya Adam mo,” masigla niyang sagot.

“Oh, really?!” nanlaki naman ang mata ko. “I thought sa ibang bansa sila magpapasko.”

Mommy smiled. “Dito na raw sila magpapasko kaya nag-file na rin kami ng leave ng Daddy mo.”

Kaya naman pala maganda ang mood ni Mommy. Dito naman pala magpapasko ang paborito niyang anak. Not that I envy Kuya Adam. It’s just an obvious fact. Kahit si Kuya Caleb alam kong nahahalata niya rin iyon.

Sandali pa akong nag-unat ng braso bago ako dumiretso sa garden. Mula sa malayo kita ko na agad si Kuya Adam kasama si Ate Celine. Buhat buhat ni Ate Celine si Primo habang si Odette naman nakaupo sa duyan na pinagawa ni Daddy para sa aming magkakapatid.

“Hi, Darlene!” Ate Celine greeted me with a warm smile.

I kissed her cheek and waved at Primo, gently giggling on her lap. Tinapat ko pa ang palad ko para lang salubungin ang maliit niyang kamay na gusto akong abutin.

“Primo likes you talaga,” komento pa ni Ate Celine.

Ngumiti naman ako. “I like him as well, Ate. Bibong bata oh!”

“How about me, Darlene? Don’t you miss your Kuya?” singit naman ni Kuya.

“Of course I do!” I pouted before hugging him. “Sorry Kuya hindi ako nakapunta sa birthday ni Primo.”

Kuya Adam tousled my hair like what he always do. “It’s alright. May exam ka that time diba? Mas mahalaga iyon.”

Nilapitan naman ako ni Odette na kabababa lang sa duyan. Yumuko naman ako para lang mahalikan niya ako sa pisngi ko.

“Good morning, Tita Darlene!”

“Hi, pretty. I missed you,” I pinched her nose.

Maingay ang bahay sa tuwing nandito ang mga bata. Lalo na si Odette na sobrang kulit at si Primo naman na grabe kung makabungisngis. My parents are fond of them as well. Hindi na rin nakapagtataka na gumawa pa sila ng paraan para lang makapag-leave sa trabaho.

Binuhat ko naman si Odette na kasalukuyang kumakain ng lollipop ngayon. Hindi naman siya gano’n kabigat kaya naman madali lang siya buhatin.

“How about Kuya Caleb? Dito rin ba siya mamaya?” tanong ko kay Kuya.

“I don’t know. Ask him,” sagot ni Kuya.

I nodded. “Alright. I’ll talk to him.”

“Or if you want sunduin na lang natin mamaya?” suhestyon pa niya.

I like the idea. Minsan ko na lang kasi makasama si Kuya Adam sa byahe kaya magandang chance sana iyon para makapagkwentuhan kami ng kami lang. Kung wala lang sigurong concert mamaya baka pumayag na ako.

“I’m afraid I have to say no,” ngumuso ako. “I have a concert to attend later.”

Kuya Adam arched his brow. “Concert? Saan at kaninong concert?”

Saglit ko namang binaba si Odette dahil gusto na raw niyang bumalik ulit sa duyan. Pinagpagan ko na lang muna ang sarili ko bago ako tumayo.

“Sa Fractured po. Malapit lang naman kasi sa MOA grounds lang naman mamaya,” sagot ko.

“I see. Hanggang anong oras iyan? Makakaabot ka ba sa Noche Buena?” he worriedly asked.

“I guess? Kung hindi traffic at masusundo agad ako then baka makaabot ako. 7 pm ang start tapos 9 pm matatapos,” dagdag ko pa.

Tumango-tango naman si Kuya. “Want me to fetch you after kong daanan si Caleb?”

“Oh my God! Gusto ko iyan Kuya!” sa sobrang tuwa ko nayakap ko pa si Kuya Adam.

Narinig ko pa ang mahina niyang halakhak bago niya ulit guluhin ang buhok ko. Bahagya naman akong tumingala para ngitian si Kuya. I love my brothers so much. They never failed to treat me like a princess. Siguro kung uutusan sila na kunin ang langit para sa akin, sigurado akong gagawin nila ang lahat maibigay lang iyon.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng outfit at makeup ko. Hinanda ko na rin ang banner na ginawa ko para sa Equinox mamaya. I need to stand out kaya nga sa VIP section ang kinuha ko para mapansin ako ni Simon. Gusto kong malaman niya na sinusuportahan ko siya.

Halos tatlong oras akong nag-edit ng banner na paniguradong makakaagaw ng pansin ng lahat. Hindi naman iyon gano’n kalaki dahil may protocol din ang organizer pagdating sa sizes ng banner. Kahit hindi malaki ang banner, ginawa ko ang lahat para mapansin pa rin iyon sa limitadong size nito.

Nagsuot ako ng itim na ruffled halter top na pinaresan ko ng wide leg jeans. Hinayaan ko ring nakalugay ang mahaba kong buhok at binawian ko na lang sa makeup ko. Nagdagdag pa ako ng butterfly sa eyeliner. I highlighted my thick and full shaped lips. Mas lalo akong nagmukhang morena sa itsura ko, but I freaking love it!

“You’re going out?” nag-angat naman ng tingin sa akin si Mommy na kasalukuyang nanonood ng Netflix series sa TV.

I nodded. “Concert lang po. I’ll be back before 10.”

“Concert sa ganitong araw? Really, Darlene?” bakas na naman ang iritasyon sa boses ni Mommy kaya kinuyom ko ang palad ko.

I’m all set! Maayos na ang overall look ko. Nakahanda na ang banner ko. Presence ko na lang ang kulang sa venue pero mukhang mapupurnada pa ang plano ko dahil sa galit nito ni Mommy sa akin.

“Uuwi naman po ako. Sa MOA grounds lang naman po kaya medyo malapit lang,” I answered politely. Kailangan ko nang magpakumbaba dahil masisira ang araw ko kung hindi ito matutuloy.

“Maraming araw para sa concert, Darlene. I’m sure may next time pa para sa kung sino man iyan!” giit pa niya.

No, you don’t get it. This is a once in a lifetime opportunity for the man I like. Minsan lang ito kaya kailangan kong makita iyon. I cannot miss this event. Ito ang stepping stone nila at hindi pwedeng hindi ko makita iyon!

I shook my head. “Minsan lang po ito saka uuwi naman po ako. Kasama ko rin po si Nathan!”

“Uuwi ang Kuya Caleb mo. Ilang oras na lang bago ang Noche Buena tapos aalis ka pa?”

Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Kuya Adam. Kinindatan niya naman ako bago niya lingunin si Mommy.

“Ako na pong bahala kay Darlene. Dadaanan ko po siya mamaya pagkatapos kong sunduin si Caleb,” Kuya Adam said.

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang at nandito si Kuya Adam. Favorite pa naman siya ni Mommy at alam kong kapag siya na ang nagsabi, walang duda na pagbibigyan agad siya.

Mommy sighed. “Ikaw na ang bahala sa kapatid mo, Adam.” Tiningnan naman ako ni Mommy nang masama bago tumango. “Mag-iingat ka rin, Darlene.”

“Thank you po,” I forced a smile.

Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Kuya Adam. Bumuntong hininga na lang ako bago ko siya nilingon. I smiled weakly.

“Kuya, thank you. Akala ko talaga hindi na ako makakaalis ngayon.”

He pinched my cheeks. “Anything for our baby. Ingat ka doon at mag-enjoy ka!”

“I will, Kuya. Message mo na lang po ako kapag nandoon na kayo ni Kuya Caleb,” I kissed Kuya’s cheek.

Natahimik ako habang nasa byahe. Nagdesisyon na lang din ako na bisitahin ang account ni Simon para silipin kung may bagong update sa kaniya. May bago naman siyang story and it was posted 2 hours ago. Picture lang iyon ng pagkain at may maliit na note na thank you.

I closed my phone and decided to take a nap. Nagising na lang ako nang makarating na kami sa SM Mall of Asia. Halos mag-umapaw na rin ang lugar sa dami ng tao kaya nahirapan pa kami makahanap ng pwedeng babaan.

kumikinang inang nathan

wru

ikea bakit

nakngputa anong ginagawa mo jan

gagawa na ako ng pamilya
mamimili ako gamit namin

pakyu anong kagaguhan yan
asan ka na andito na ko

punta ka na lang dito

ayoko ang layo

ulol ang lapit lang talaga ng parking

ayaw ko nga tangina mo
bumaba ka na dito

Kaya lang natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa IKEA. Nakakainis talaga itong si Nathan! Kumain pa talaga kahit isang oras na lang bago magsimula ang concert. Sumimangot ako nang makita ko siyang mag-isang kumakain.

“Uy, ganda mo bakla!” nakangiting bungad sa akin ni Nathan.

Padabog ko namang hinila ang upuan sa harap niya. Naramdaman ko ring kumalam ang sikmura ko nang makita ko yung kinakain niya.

“Meatballs gusto mo?” inangat niya naman yung meatballs. “Solid ng meatballs dito. Try mo.”

“Dalian mo na punyeta. Kanina pa talaga pwedeng pumasok doon,” pagalit kong saad.

“Teka lang!” sabi niya habang nginunguya pa yung meatballs. “Ubusin ko lang ito tapos gora na tayo.”

Kinuha ko naman yung isang plato niya pati yung meatballs para maubos na. Mabilisan kong nginuya iyon at nilunok. Ininom ko na rin yung tubig na nasa harap niya. Nanlalaki naman ang mata ni Nathan habang nakatingin sa akin.

“Kinain mo ang meatballs ko!” madrama niyang saad.

I raised my middle finger. “Oh, ubos na. Halika na sa concert grounds!”

“Tangina mo hindi ko kakalimutan ang araw na ito. Inagaw mo ang meatballs ko.”

Hindi ko na inintindi ang sinabi ni Nathan. Habang naglalakad kami panay reklamo lang siya tungkol sa meatballs na inagaw ko sa kaniya. Ilang minuto pa bago kami nakarating sa concert grounds. Medyo mahaba na ang pila pero mabilis lang naman ang pagpapapasok.

Binigyan kami ng wristband at souvenir card bago makapasok. Mabuti na lang at hindi pa gano’n karami ang tao sa section namin kaya nakasingit pa kami ni Nathan sa barricade. Uminom na lang muna ako ng tubig dahil sa uhaw at init.

Halos isang oras ang hinintay namin bago nagsimula ang concert. Nang magsimula nang magbago ang lighting sa stage, narinig ko na agad ang hiyawan ng mga audience.

“Fractured! Fractured! Fractured!”

Kumunot naman ang noo ko. Hindi ba nila alam na may opening act pa bago ang Fractured? Kadalasan inaabot ng 45 minutes ang opening act bago lumabas ang main event.

“Damn, I’m so excited to see Fractured. Are you a fan?” tanong sa akin ng katabi ko na hindi ko naman kilala.

“Not really, but I’m here for their opening act,” I proudly answered.

Nakita ko namang nalukot ang mukha niya. “Oh... there’s an opening act? That’s boring.”

Pakiramdam ko nag-init ang ulo ko sa narinig pero isinantabi ko na lang muna dahil ayaw ko naman na maghanap ng away. Ngumiti na lang ako habang hinihintay ko sila Simon na lumabas.

“Fractured! Fractured! Fractured!”

Nag-umpisa naman akong sumigaw nang makita ko ang apat na silhouette habang umaangat ang LED screen! Nang makita na namin ng malinaw ang mukha nila narinig ko naman ang pagkadismaya ng crowd.

“Nasaan ang Fractured? Sino iyan?” rinig kong komento ng fan.

“Akala ko ba concert ng Fractured ito?” dagdag pa ng isa.

“Opening act daw iyan. Tiisin mo na lang. 45 minutes lang naman yata.”

Sumikip ang dibdib ko sa narinig pero hindi bale. Balang araw pagsisisihan nila ang ganitong mga komento nila kapag sumikat na sila Simon!

Hindi na ako nakarinig pa ng introduction galing sa Equinox. Nagsimula na iyon sa pagtugtog agad nila. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Simon.

He was beaming with pride, a wide smile stretching across his face as he gazed at the sea of faces before him. My heart swelled with emotion as he began to sing, his soft, husky voice filling the air. I’m so fucking proud of him.

“Ano ba iyan?! Fractured naman ang gusto namin. Bakit bibigyan niyo kami ng hindi kilalang banda?!” rinig ko pang komento ng mga fan.

“Hoy bumaba na kayo ng stage. Ilabas niyo ang Fractured!” sigaw pa nila.

Alam kong naririnig nila ang rude na komento ng mga fan pero parang hindi nila dinamdam iyon. Nakita ko pa ang ngiti sa mga labi nila habang nag-uumpisa silang tumugtog.

So I took a deep breath and decided to shout at the top of my lungs. “Go Equinox! Go Equinox! Go Equinox!”

Iwinagayway ko pa ang banner para makita nila Simon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong dumako ang tingin niya sa akin at sa banner na hawak ko. Nakita ko ang maliit niyang ngiti kaya nagpatuloy ako sa pagsigaw.

“Mahal ko kayo Equinox!” sigaw ko ulit.

I continued cheering for them kahit ako lang ang mag-isang gumagawa no’n.

Ramdam kong napatingin sa akin ang mga tao pero wala na akong pakialam. I just want to encourage them. I want to make them feel that there are people who’s anticipating for their performance. Na kahit marami mang masamang komento sa kanila, hindi sila dapat magpaapekto.

Gusto kong malaman nila na naniniwala ako sa kanila. You can do it Simon, right? Alam kong kaya mo iyan. You are born for it—to be a star. Ikaw yung dapat na tinitingala, pinagmamasdan sa malayo, at ginugusto.

“I talk a lot of shit when I’m drinking, baby
I’m known to go a little too fast
Don’t mind all my friends, I know they’re all crazy
But they're the only friends that I have.”

Nagulat ako sa kantang iyon dahil malayo iyon sa genre na madalas nilang kinakanta. It sounds so lively. Upbeat ang kanta at hindi ako makapaniwala na kaya niya rin pala ang ganitong genre! It fits him perfectly.

“I know I don’t know you
But I’d like to skip the small talk and romance, girl
That’s all I have to say so, baby, can we dance?”

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatalon dahil nag-umpisa na rin si Simon na tumalon sa stage. The crowd cheered for them! Nawala na rin ang mga masamang komento sa kanila. I smirked. Natauhan siguro sila dahil masyado silang judgemental.

“Uy, ang gwapo ng mga member. Anong name ng band na iyan?” rinig kong tanong ng fan kaya lumingon ako.

I smiled. “Equinox!”

“Follow ko sila mamaya,” sagot pa niya.

“Yes, and try to listen to their songs. I swear magaganda rin.”

“I’ll take note of it. Maganda itong kanta nila kaya sure ako na maganda rin ang iba,” she smiled at me.

Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko habang nanonood ako sa kanila. Umindak na rin ang lahat habang sinasabayan sila Simon. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang saya! Mukhang nage-enjoy din sila sa stage.

“Here we go again, another drink I’m caving in
Stupid words keep falling from my mouth
You know that I mean well
My hands were meant for somewhere else
Your eyes are doing naughty butterflies.”

Simon has this effortless, untamed charm that makes him irresistible. He’s got this laid-back vibe, dressed in a simple white sando and jeans that hang loosely on his hips. His hair is messy but in a way that looks intentional, like he just rolled out of bed and still managed to look stunning.

He raked his fingers through his hair and I think the crowd almost fainted because of his action.

“Putangina mo ang pogi mo!” komento pa ng taong parang kanina lang bina-bash pa sila.

“Ang pogi mo Simon sana maanakan mo ako!” sigaw ko kahit alam kong hindi niya naman ako maririnig.

Narinig ko naman ang tawa niya habang kumakanta siya. Kumunot ang noo ko. Narinig niya ba iyon?! Imposible naman sa dami ng nasigaw, malabong narinig niya ang sinabi ko.

“Wow!” I heard Simon’s husky chuckle. “That was wild. We almost lost track of time because you guys are amazing!”

“One last song! One last song! One last song!” the crowd said in unison.

Humalakhak naman si Simon bago uminom ng tubig. Nagtilian na naman ang mga tao dahil lang sa simpleng pag-inom niya ng tubig. Umiling na lang ako dahil kahit ako parang inugat na habang pinapanood siya.

“Tangina bakla. Pagkatapos ng concert na ito, sure na akong sisikat na talaga sila,” siniko ako ni Nathan.

I nodded. “Sigurado rin ako.”

“I’m afraid we have to say goodbye for now, but don’t worry, we have upcoming gigs so we can meet again! You can check the schedule on our social media accounts,” anunsyo pa ni Simon. Kita ko naman mula dito na pinagpapawisan na siya pero ang gwapo pa rin talaga niya tingnan.

“We love you Equinox!” sigaw pa nila.

“Fan niyo na ako!” napangiti naman ako nang marinig ko iyon.

Deserve na deserve nila. Lumipas kasi ang 45 minutes at nag-enjoy din ang lahat sa performance nila. Bukod sa magaling sila, ibang klase rin talaga ang karisma ni Simon pagdating sa pagiging front act. Magaling siya mang-hype ng crowd.

“Ano? Itutuloy pa ba natin hanggang Fractured?” tanong sa akin ni Nathan.

Tumango ako. “Oo, tapusin na lang natin. Sayang naman kung hindi natin panonoorin yung Fractured.”

So we decided to enjoy the concert of the main event. Magaling din naman ang Fractured pero parang mas nahatak ng Equinox ang fans dahil habang lumalabas kami, bukambibig na ng lahat ang banda.

“Kamusta ang concert?” bungad na tanong sa akin ni Kuya Adam.

Nakasandal naman si Kuya Caleb sa kotse kaya kinailangan ko pa siyang batukan bago niya ako mapansin. Busy kasi sa phone niya kaya hindi man lang napansin ang pagdating ko.

“Sobrang saya Kuya!” I happily answered.

“Oh, dito ka na pala. Ang lakas ng sigawan doon. Rinig na rinig namin dito,” sabi ni Kuya Caleb.

“Yeah... ang wild ng crowd. Nabuhusan pa kami ng tubig at mga bula kanina!” humalakhak pa ako habang pinupunasan ang sarili ko.

“Mabuti naman nag-enjoy ka. Halika na uwi na tayo,” Kuya Caleb gently pulled my hand.

May inabot naman na donut at milktea si Kuya Adam sa akin. Ilang segundo pa akong nagtaka bago ko kinuha yung paper bag.

“Kainin mo muna. Alam kong gutom ka at matatagalan pa bago tayo makauwi kasi traffic,” nakangiting sinabi ni Kuya Adam.

“Thanks, Kuya!”

Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan. Ako ang umupo sa passenger seat habang si Kuya Caleb naman ang nasa backseat. Mukhang iritado pa rin at tutok na tutok sa phone.

“Hoy Kuya!” I called Kuya Caleb. “Busy ka sa phone mo, ah? Sino ba iyang kausap mo bakit parang galit na galit ka?”

“Nothing,” tipid niyang sagot.

“Don’t mind him. May LQ lang iyan sila ng girlfriend niya,” Kuya Adam chuckled.

“Shut up, Kuya!” giit naman ni Kuya Caleb.

Umiling na lang ako at nagdesisyon na ilabas ang phone ko para magscroll sa social media. Mas naagaw nga lang ng pansin ko ang notification galing sa Instagram ko. A message from an unexpected person caught me off guard, my eyes widening in surprise as I read it.

sgbenitez

Thank you for cheering us on a while ago. I really appreciate it.

no worries. galing niyo sobra!!!
kaproud. ❤️

Free ka next Friday?

bakit? idi-date mo na ba ako?
uy grabe kahiya naman!!!
🤭

No.

tigas naman niyan lods

Sama ka sa house party.

anong meron

Celebration, because we landed a spot with Celestial Records.

OMG
deserve
CONGRATULATIONS!!!
sabi ko na kaya niyo yan e

Thank you, Darlene. ❤️

“Oh, you’re smiling. Sino iyang kausap mo?” tanong sa akin ni Kuya Adam.

Agad kong tinago ang phone ko habang nangingiti. Binuhos ko na lang ang pansin ko sa donut na binigay ni Kuya Adam. Nakangiti pa rin ako habang kumakain.

“Just a friend...” I answered, smiling.

Song used: Can We Dance by The Vamps

Continue Reading

You'll Also Like

24.3K 650 35
Camellia Fortalejo is willing to do everything just to get the attention of the future Mayor of Isla Felice, Dominique Aranda. She will chase him and...
51.6K 3.3K 45
Band Series #1 || Kaye Serenity Saavedra desperately came back to Philippines after being forced to study abroad. She gets involved with Cyrus Louis...
306K 5K 43
"Matandang Mayamang Maagang Mamamatay." That's what the retired Lieutenant and multi-billionaire Frederick San Lorenzo is known for. Despite his weal...
161K 5.4K 33
3/6 Saints Series. A PLAYLIST FOR THE GIRL NAMED AMNESIA Isang gabi, may nakitang binata si Astrid sa crossing ng St.Javier at St.Regidor.Una palang...