Angel in Disguise

By alyloony

41.5M 828K 152K

Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything tur... More

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)
Chapter 1 *First meeting*
Chapter 2 *Kiss*
Chapter 3 *Suspicion*
Chapter 4 *Voice of an angel*
Chapter 5 *Mr. Spy*
Chapter 6 *blackmailing snatcher*
Chapter 7 *Her smile*
Chapter 8 *tears*
Chapter 9 *Painful past*
Chapter 10 *I miss you*
Chapter 11 *Mr. Seduction*
Chapter 12 *The Manager*
Chapter 13 *flashback*
Chapter 14 *Mr. Stalker*
Chapter 15 *Blessing *
Chapter 16 *Mommy and Daddy*
Chapter 17 *Stolen*
Chapter 18 *unexpected news*
Chapter 19 *The Wake*
Chapter 20 *let go*
Chapter 21 *Best friend*
Chapter 22 *Subic*
Chapter 23 *unrecognized feelings*
Chapter 24 *first move*
Chapter 25 *second*
Chapter 26 *The Goddess' Pain*
Chapter 27 *One sided*
Chapter 28 Mind vs. heart
Chapter 29 *comfort*
Chapter 30 *Request*
Chapter 31 *trapped*
Chapter 32 *hug*
Chapter 33 *burst of emotions*
Chapter 34 *I love you*
Chapter 35 *another revelation*
Chapter 36 * Tight Hug*
Chapter 37 *sandalan*
Chapter 39 *Sayonara*
Chapter 40 *questions*
Chapter 41 *beach disaster*
Chapter 42 *Venus' Plan*
Chapter 43 *Dionne's Choice*
Chapter 44 *Flight for freedom*
Chapter 45
Chapter 46 *One and only*
Chapter 47
Chapter 48 (06/09/14)
Chapter 49 (08-15-14)
Chapter 50 (08/29/14)
Chapter 51 (09/10/14)
Chapter 52 (09/11/14)
Chapter 53 (09/25/14)
Chapter 54 (10/06/14)
Chapter 55 (10/12/14)
Chapter 56 (10/19/14)
Chapter 57 (10/20/14)
Chapter 58 (10/21/14)
Chapter 59 (10/24/14)
Epilogue (10/24/14)

Chapter 38 *Enchanted*

643K 12.9K 2.5K
By alyloony

Chapter 38

*Enchanted*

 

 

 

[Maisie’s POV]

 

“this mask is so gay! Hindi ko talaga susuotin yan kahit bayaran mo pa ako ng milyones!” sabi ni kuya Jake habang nakatingin doon sa dinala kong mask niya para sa masquerade ball despedida party ko mamayang gabi

“hay naku Kuya Jake aalis na nga ako’t lahat eh hindi mo pa ko pagbibigyan! Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong mag maskara!” =___=

“talaga hinding hindi ko su-suotin yan no!” tinignan ako ni kuya at medyo hininaan niya yung boses niya “oh nakausap mo na yung Hapon na yun?” tanong niya saakin

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya “l-let’s not talk about it please..”

He just shrugged his shoulders.

After kasi ng nangyaring pag-amin ko kay Rui, hindi ko na siya cinontact pa at hindi narin niya ako naisipang i-contact after nun. Walang paramdam, wala ni isang text o tawag.

Hay

Tomorrow morning, aalis na ako papunta sa Paris. Less than 24 hours na lang ang natitirang oras ko dito sa Pilipinas. Alam kong hindi na pupunta si Rui sa despedida ko at ayun na ang huli naming pagkikita. Siguro nga matatapos na ang lahat na ganito kami ni Rui. Aalis ako ng may misunderstanding kami. Masakit at nakakalungkot isipin pero siguro mas mabuti na yung ganito. Baka sa ganitong paraan, mas madali akong makaka move on.

Sana nga lang, if ever magkikita kami in the near future.. sana… sana maging mag best friend parin kaming dalawa.

“Uhmm Japoy, Maisie, tapos ko na po linisin yung banyo..” sabi ni Dionne na kapapasok lang ng living room.

“ok! Isunod mo naman yung kitchen” utos sa kanya ni Kuya Jake

“kuyaaaa ano ba!” asar kong sabi sa kanya “aalis na kami ni Dionne eh! Tsaka ka na mag utos ng mag utos sa kanya okay?!”

 

“eh bakit ba ha?! Chimay ko yan eh! Tsaka saan mo ba siya dadalhin?!”

 

“doon nga sa salon kung saan ako magpapaayos!”

 

“eh bakit ba kailangan mo siyang isama!!” pagtutol ni kuya “pwede naman niya ayusan ang sarili niya!!”

“Kuya ano ba! Bisita ko mamaya si Dionne and I need to make sure na hindi mo siya aalilain doon!” pinanlisikan ko si kuya ng masama “she’ll come with me kahit ano ang sabihin mo!” tinignan ko si Dionne “Dionne, maligo ka na. Wag mo na intindihin si Kuya”

“p-pero…” napatingin si Dionne kay kuya at para bang natatakot na suwayin ito.

Tinignan ko si kuya ng masama

 

“okay! Okay! Fine! Lumayas na kayong dalawa!” sabi ni kuya

Nagkatinginan naman kami ni Dionne at parehong napangiti. Dali-dali naman naligo si Dionne at after that, nag paalam na kami kay kuya na aalis na kami.

“don’t be late ha” paalala ko sa kanya

“oo na! kulet mo!”

 

“naninigurado lang..”

After that, bumaba na kami sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Dumiretso na agad kami ni Dionne dahil halos ilang oras na lang ang natitirang pag-aayos saamin bago mag-start ang party.

“Maisie, nakakahiya naman sayo ikaw na sumagot ng dress ko ikaw pa sa paayos ko..” sabi ni Dionne

ano ka ba okay lang yun no! Alam ko naman na sasagutin din ni kuya yan inunahan ko lang siya…”

Napangiti naman si Dionne “salamat talaga ah. Ang bait niyong lahat saakin.. hay nakakalungkot naman aalis ka na. Pero sana talaga matupad mo ang mga dreams mo doon sa lugar na pupuntahan mo..”

I smile back at her “you too Dionne. Sana maging masaya ka. Iiwan ko na sayo ang kuya ko. Aalagaan mo yun ah? Pero wag ka rin papaalila doon.”

“oo naman! Hindi ko siya pababayaan promise yan!”

 

“a-and .. Rui too… wag mo siyang papabayaan ah..”

Napayuko bigla si Dionne “o-oo naman. I’ll always be his friend..”

“friend..” pag ulit ko sa sinabi niya.

Huminga ako ng malalim at bigla ko na lang ipinark yung kotse sa gilid ng kalsada.

“uhmm Maisie bat ka huminto?” nagtatakang tanong saakin ni Dionne

Tinignan ko siya

“Dionne, please tell me the truth, meron ba kahit katiting na pag-asa sayo si Rui?” deretsahan kong tanong sa kanya

Nakita ko naman ang gulat sa expression ng mukha ni Dionne ng dahil sa tanong ko. Agad-agad niyang iniwas ang tingin niya saakin.

“M-maisie, b-bat mo naman na-tanong yan..?”

“Because I’m in-love with Rui” napatingin bigla si Dionne saakin ng dahil sa sinabi ko “I love him Dionne.. mula nung highschool kami, hanggang ngayon, mahal na mahal ko si Rui. Wala akong ibang lalaking minahal, siya lang…”

Halos manlaki ang mata ni Dionne ng dahil sa sinabi ko “M-maisie.. hindi ko alam na ganun pala.. I’m sorry.. I’m really really sorry…” hinawakan niya ang kamay ko “hindi ko sinasadya.. hindi ko expected na magkakagusto siya saakin.. “

I give her a weak smile “bat ka naman nagsosorry sa isang bagay na wala kang kasalanan? Don’t worry, hindi ako galit na minahal ka ni Rui. Sa totoo nga hindi na ako nagtaka kung bakit siya nahulog sayo.. It’s just that, I want to know kung ano ba si Rui para sayo..”

Napahinga ng malalim si Dionne and she avoided my gaze again “I-I’m sorry pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Y-you see, may iba akong mahal Maisie…”

 

I slightly smile “then I guess ma bo-broken-hearted ang best friend ko” tumingin ako sa labas “sana pag dumating ang panahon na yun, may tao sanang mag co-comfort sa kanya..”

 

“I’m sorry.. I’m really sorry..”

Tinignan ko ulit si Dionne at hinawakan ko yung kamay nila “wag ka mag sorry dahil wala kang kasalanan.. isa pa alam ko naman talaga kung sino ang gusto mo”

“h-ha?”

 

“wag ka mag-alala gusto ka rin ng taong yun sadyang sobrang indenial lang siya. Di bale magpapaganda tayo ng bongga ngayon para naman matauhan na ang taong yun at makita niya kung sino ang pinapakawalan niya!”

Napangiti naman bigla si Dionne. I smiled back then I started the engine at pinaandar ko na ang kotse ko papunta sa salon.

[Dionne’s POV]

 

“I want you to make her look elegant” sabi ni Maisie doon sa make-up artist na mag-aayos saakin.

“yun lang pala! Simpleng simple!” sagot ng make-up artist “let’s see…” inangat niya ang mukha ko at tinitigan ako “hindi naman kailangan ng girl na to ng make over eh. Maganda na siya as is! Ang kulang na lang sa kanya ay onting blush kasi medyo pale ang kulay niya. Tell me te, anemic ka ba?” tanong niya saakin

“h-ha?” napahawak naman ako sa pisngi ko “hindi naman. Pero puyat kasi ako lately”

 

“ay kaya naman pala! Naku iwas iwas sa pag pupuyat! Di bale ako na bahala sa beauty mo! Mas pagagandahin pa kita!” sabi niya saakin at inumpisahan na niya akong ayusan.

Sa kabilang upuan naman, nakita ko ring sinisimulan nang ayusan si Maisie.

Simple lang yung ginawang ayos saakin. Natural make up lang at itinali lang into half pony tail ang buhok ko tsaka ikinulot sa dulo. Pero after kong maayusan, napangiti naman ako.

Iba talaga nagagawa ng make up! Napapaganda ako! Mwahahahaha. Ma-inlove kaya saakin si Japoy?

Uwaaaaaaaa ano ba tong iniisip ko! Bakit ba sumasagi sa isip ko na magugustuhan ako ng amo ko?

Hay.

Si Jake Marquez. Gwapo, mayaman, sikat, malinis, at mabango… napakalayong mangyari na sa isang kagaya ko mahuhulog ang loob niya. Baka mas possible pang maging puti ang uwak kesa sa mainlove siya saakin eh.

“ang ganda mo Dionne!” sabi saakin ni Maisie after kong maisuot yung cocktail dress na pinili niya para saakin “naku maiinlove si kuya niyan sayo! Promise!”

 

“eh? Hehehe imposible naman yang sinasabi mo”

“paano magiging imposible ang isang bagay na nangyayari na?”

 

“h-ha?”

“wala! Ay ito pala..” may inabot siya saakin na isang mask “dahil masquerade yung party, hindi pwedeng mawala yan. Wear it during the party pero pwede mo naman na siyang alisin pag patak ng midnight..”

“okay!” sabi ko sa kanya at kinuha ko yung mask ko.

Sumakay na kami ulit ni Maisie sa kotse niya at dumiretso na kami sa reception ng party. Marami-rami naring guest ang nandun sa party. Bago kami bumaba ng kotse, isinuot ko na yung mask ko pero si Maisie hindi niya muna isinuot yung kanya dahil sasalubungin daw niya yung mga bisita niya at para makilala siya ng mga ito. Pagkababa namin ng kotse, ang dami agad ang sumalubong kay Maisie kaya naman medyo napahiwalay na ako sa kanya nun. Naging occupied narin kasi siya sa pag e-entertain sa mga guest niya. Naisipan kong humanap muna ng upuan pero hindi na ako nakapag-paalam nun kay Maisie dahil busy na siya sa pakikipag usap sa mga bisita niya. Siguro ang daming makakamiss sa kanya pag-alis niya.

Nagikot-ikot ako doon sa reception area at naghahanap ng kakilala kaso lahat naman ng tao dito puro naka maskara kaya wala ding saysay ang paghahanap ko. Napadapo ang tingin ko doon sa isang table at nakita kong may nagiisang lalaki na nakaupo doon habang nakapangalumbaba at busying busy sa pagpipindot ng cellphone niya.

Napangiti ako bigla.

At last nakahanap narin ako ng kakilala ko! Ang nagiisang taong walang suot na maskara dito sa party na ito.

Agad ko siyang nilapitan

“oy Japoy!”

 

“ay isda!” sabi niya ng magulat siya sa biglaan kong pagsulpot sa likod niya “ay bwiset! Nahulog yung mga zombies ko dito sa nilalaro ko!! Ikaw kasi nang-gugulat ka!” yamot na sabi niya saakin

Natawa naman ako sa expression niya.

“mwahahahaha nakakatawa ka!”

 

“heh! Manahimik ka diyan chimay!”

Napatigil bigla ako sa pagtawa “teka paano mong nalaman na si Dionne ako eh nakamaskara ako?” O___O

“yang boses mo, yang galaw mo at yang pagtawag mo saakin na Japoy. Tanga na lang kung sino ang hindi makakilala sayo” =___=

Napatakip ako ng bibig “ay oo nga no!” tinignan ko si Japoy “uwaaaa Japoy ang gwapo gwapo mo ngayon! Bagay sayo ang naka tux”

“matagal ko nang alam na gwapo ako, hindi mo na kailangang ipagdiinan pa“ tinignan ako ni Japoy “bagay din sayo yang gayak mo ngayon..”

Napangiti naman ako sa sinabi ni Japoy at ramdam na ramdam ko ang kakiligan tagos to the bones!

“talaga? Bagay ba saakin tong ayos ko? Pati itong dress? Maganda ba ko ngayon?”

Japoy smirk “oo bagay na bagay sayo ang naka maskara. Mas maganda ka ng ganyan. HAHAHAHAHA”

Nawala naman bigla yung ngiti sa mukha ko. Nakakainis naman. Akala ko pa naman nagustuhan niya yung ayos ko. Kung sabagay hindi naman niya nakikita yung mukha ko dahil naka-mask ako pero alam ko naman na kahit makita niya akong naka-ayos hindi parin siya magagandahan saakin. >__<

Nag-start na yung program. Syempre nag speech si Maisie. Isa-isa ring nagbigayan ng mga farewell messages ang malalapit na kaibigan at kamag-anak niya. Maging si Japoy ay nagsalita. Pero parang may kulang.

Napatingin ako sa paligid ng reception area then bumulong ako kay Japoy

“Japoy, hindi ba pupunta si Rui ngayon?”

 

“bat mo siya hinahanap?”

uhmm w-wala.. kasi di ba kaibigan siya ni Maisie? Bat wala siya?”

 

“eh ano naman kung wala siya dito? Di siya kawalan” yamot na sagot ni Japoy saakin “kung namimiss mo siya edi tawagan mo! Hmpf” =__=

“h-huh?”

 

“ewan ko sayo!”

Tumayo na si Japoy at lumapit doon sa buffet table para kumuha ng pagkain. Nagsisimula narin kasing magkainan yung mga guest.

Ano kaya problema ni Japoy at bakit parang mainit na naman ang ulo niya? Baka naman hindi niya nadala yung alcohol niya.

Tumayo narin ako at sumunod kay Japoy papunta doon sa buffet table. Marami-rami din akong nakain dahil ang sasarap ng pagkain dito. Namiss ko tuloy ang mga luto ni daddy at ni kuya. Pareho kasi silang chef at unlike me, sobrang gagaling nila magluto.

“hay busog!” sabi ko matapos kong maubos yung pagkain ko

ang takaw mo pero puro kain lang naman ang alam mong gawin. Hindi ka naman marunong magluto” sabi ni Japoy saakin.

“pero kaya naman kitang ipag-bake ah?” ^__^

 

“heh! Hindi ko kailangan yan!”

 

“ang highblood mo talaga. Wait lang ah, punta lang ako sa comfort room” sabi ko sa kanya

Tumango lang siya kaya naman iniwan ko muna siya sa table at naglakad papunta sa rest room. Habang naglalakad ako , bigla na lang naging dim yung ilaw sa loob ng reception at binuksan na ang ilaw ng disco ball. Nagsitayuan ang mga guests at mga nagsayawan sa gitna ng dance floor.

Umpisa na ng totoong party.

Tumuloy na ako sa restroom. Pagpasok sa restroom, may nakita akong isang babae na naghuhugas ng kamay sa sink. At first, hindi ko siya mamukaan dahil sa mask niya pero agad ko rin naman siyang narecognize ng makita ko ang suot niyang dress.

“Maisie!”

 

“oh Dionne. Nawala ka bigla kanina.”

 

“hehe sorry. Kasama ko ngayon si Japoy..”

“ah kaya pala..”

 

“uhmm Maisie.. s-si Rui hindi ba siya pupunta?”

Parang biglang natigilan si Maisie sa tanong ko pero agad din siyang ngumiti

“uhmm hindi eh. I wasn’t able to give him the invitation kaya malamang hindi na siya pumunta..”

“p-pero bakit? Ayaw mo bang magpaalam manlang sa kanya?”

“it’s okay Dionne. Ay una na pala ko, inaantay nila ako sa labas eh. Just enjoy the party..” lumabas na si Maisie ng comfort room pero bago siya tuluyang makalabas, naaninag ko ang mukha niya.

She’s sad, and she’s in pain. Kahit na nakasuot siya ng maskara, kitang kita parin sa mata niya kung gaano siya kalungkot ngayon.

I think I need to do something.

Agad akong lumabas ng restroom para puntahan si Japoy pero saktong pagkalabas ko, nakita ko siya na halos kalalabas lang din ng restroom

“uy Japoy!” nilapitan ko agad siya “Japoy may cellphone number ka ba ni Rui?”

“ha?!” sigaw niya. Medyo hindi kasi kami magkarinigan ni Japoy gawa ng sobrang lakas na tugtog na nangagaling sa streo at idagdag pa ang tawanan at hiyawan ng mga tao na nagsasayaw sa dance floor.

Medyo lumapit pa ako ng onti sa kanya “sabi ko kung may cellphone number ka ba ni Rui!” this time medyo mas malakas ang pagkakasabi ko sa kanya.

Nakita ko namang kumunot ang noo niya.

“oh bakit?! Di ka na makatiis?! Miss mo na agad?! Pakipot ka pa eh! May gusto ka rin naman pala sa kanya!”

“h-ha? Ano ba yang sinasabi mo?”

“sus! yung totoo wala ka talagang gusto saakin! si Rui talaga gusto mo! Wag ka na magpakipot pa! doon ka na sa kanya at sagutin mo na yang Hapon na yan!” =__=

“t-teka Japoy—“

Hindi niya ako pinakinggan at naglakad palayo saakin.

Bat kaya ang sungit ng isang yun?

Hinabol ko naman agad si Japoy at nakita kong nagpunta na siya sa dancefloor at nakikisali na doon sa sayawan.

“u-uy Japoy” hinatak ko yung braso niya

 

“ano ba! Istorbo ka sa pagsasayaw ko! Doon ka na! chupi!”

 

“Galit ka ba saakin?”

 

“bat naman ako magagalit sayo ha?!”

 

“e-eh bat mo ko sinisigawan?”

“K-kasi malakas yung sound system! Para marinig mo ko!!”

 

“eeeh galit ka eh!”

 

“hindi nga sabi kulit mo! Lumayas ka na dito!!”

 

“p-pero…”

 

Mas naging lively yung beat nung kanta at nagulat na lang ako ng biglang magtatalon yung mga tao sa paligid ko habang nakataas yung kamay nila at enjoy na enjoy sinasabayan yung tugtog. Bigla na lang akong natabing nung isang lalaki na nasa likuran ko kaya naman napatumba ako sa harapan ni Japoy.

“aray ko!” T__T

Hinawakan ni Japoy ang magkabila kong braso at medyo napayakap ako sa kanya para hindi ako tuluyang matumba

“okay ka lang?” tanong niya saakin habang inaalalayan ako

“ah oo medyo natapilok lang ako dahil sa—“ napatigil ako sa pagsasalita ng iangat ko ang tingin ko kay Japoy at doon ko lang narealize na sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa “s-sa t-takong ko..” pagtatapos ko sa sinasabi ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang any minute, kakapusin ako ng hininga. Nakatingin ako sa mata ni Japoy at parang nalulula ako. Hindi ako halos makagalaw sa pwesto ko. Scratch that. Parang ayoko ng umalis sa pwesto ko.

Biglang huminto yung lively na tugtog at nagpalit na nang kanta. This time, pang slow dance.

 

 ♪ “There I was again tonight, forcing laughter, faking smiles

Same old, tired place lonely place” ♪

 

Isa-isa naman nag slow dance yung mga tao sa paligid namin ni Japoy at nakipagsayaw sa kani-kanilang mga partners.

 

♪ “Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy

Vanished when I saw your face” ♪

Medyo umayos ako ng pagkakatayo at humiwalay ng kaunti kay Japoy

♪  “All I can say is it was enchanting to meet you” ♪

“s-sorry” sabi ko sa kanya at napatingin ulit ako sa mata niya.

Hindi siya nag react pero hindi niya din inaalis ang titig niya sa mga mata ko. This time, walang bakas ng pagkainis ang mga tingin niya kundi yung parang tingin na gusto niya akong tunawin dito.

  

♪  “Your eyes whispered, "Have we met?" across the room, your silhouette

Starts to make its way to me” ♪

 

“h-heheheh t-tara balik na tayo sa upuan?” sabi ko sa kanya

Patalikod na sana ako kaso nagulat ako ng bigla niya ulit ako hatakin palapit sa kanya.

 

♪ “The playful conversation starts, counter all your quick remarks

Like passing notes in secrecy” ♪

 

“t-teka Japoy.. b-bakit?”

 

“let’s dance..”

 

“h-ha?”

♪ ”And it was enchanting to meet you

All I can say is I was enchanted to meet you” ♪

 

Bago pa mag function ng maigi yung utak ko at i-absorb yung sinabi niya, nagulat na lang ako ng bigla niyang ilagay yung kaliwang kamay ko sa braso niya at naramdaman ko na lang ang isang kamay niya na nakapalibot sa bewang ko at yung isa naman ay hawak hawak ang kanang kamay ko.

And before I knew it, we are swaying with the beat of the song

♪ ”This night is sparkling, don't you let it go

I'm wonder-struck, blushing all the way home

I'll spend forever wondering if you knew

I was enchanted to meet you” ♪

 

Halos hindi ako mapakali habang nagsasayaw kami ni Japoy. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kinakabahan, ninenerbyos, kinikilig, natatae, naiihi, at kung ano-ano pa. Pero ang pinaka nangingibabaw sa lahat ay yung saya.

Lalo pa’t parehong nakapako ang tingin namin ngayon sa mata ng isa’t isa.

♪  “The lingering question kept me up, 2 a.m., who do you love?

I wonder 'til I'm wide awake” ♪

 

“are you okay?” tanong saakin ni Japoy

 

“h-ha? O-oo naman! B-bakit naman hindi?”

 

“nanginginig ka eh”


♪ “Now I'm pacing back and forth, wishing you were at my door

I'd open up and you would say” ♪

 

Doon ko lang din napansin na grabe nga ang panginginig ko. Tofu sino ba naman kasi ang hindi manginginig dito sa sobrang kakiligan? Sinasayaw ka ng isang taong sikat at gwapo. Isinasayaw ka ng taong nagpatibok sa puso mo.

♪ “It was enchanting to meet you

All I know is I was enchanted to meet you” ♪

 

“hehehehe m-medyo nilalamig lang ako kaya ako nanginginig” pagpapalusot ko kay Japoy

ganun?”

Nagulat na lang ako ng biglang bitiwan ni Japoy ang kanang kamay ko at pareho na niyang ipinatong ang dalawa niyang kamay sa palibot ng bewang ko.

 

♪ “This night is sparkling, don't you let it go

I'm wonder-struck, blushing all the way home

I'll spend forever wondering if you knew” ♪

 

Naramdaman ko na unti-unting gumagalaw ang kamay ni Japoy mula sa bewang ko papunta sa likod ko hanggang sa magka-lock na ang dalawa niyang kamay sa likod ko at para bang nakayakap na kami sa isa’t isa habang nagsasayaw.

Napalunok ako bigla.

Shocks. Ano na tong nangyayari? God, wag sana akong atakihin sa puso ng dahil sa sobrang kakiligan na nararamdaman ko, please. >///<

 

♪ “This night is flawless, don't you let it go

I'm wonder-struck, dancing around all alone

I'll spend forever wondering if you knew

I was enchanted to meet you” ♪

 

“nilalamig ka pa?” bulong niya saakin

“h-hindi na..” sabi ko

“eh bakit nanginginig ka parin?” nakangiting tanong niya "kinikilig ka no?"

Tofu. Aware siya sa tunay na dahilan kung bakit ako nanginginig and yet ginagawa niya parin ito =___=

♪  “This is me praying that

This was the very first page, not where the storyline ends

My thoughts will echo your name until I see you again” ♪

 

“ganyan ba katindi ang pagkakilig na nararamdaman mo ngayon at grabe kang manginig?”

 

“h-hindi ah!”

He smile again “just relax Dionne.. “

 

♪  “These are the words I held back as I was leaving too soon

I was enchanted to meet you” ♪

 

Huminga ako ng malalim at tinignan ko ulit sa mata si Japoy. Pinag masdan ko maigi ang mukha niya. Buti na lang at hindi niya isinuot yung maskara niya kaya nagagawa ko siyang titigan dito. On the other hand, buti na lang din may suot akong maskara para hindi niya makita ang grabeng pamumula ng mukha ko ngayon.

 

♪  “Please don't be in love with someone else

Please don't have somebody waiting on you” ♪

 

“Dionne, alam ko wala pang midnight, pero pwedeng paki tanggal ang mask mo?”

 

“ano?!”

“sabi ko paki tanggal ang mask mo!”

 

“p-pero pero—“ eeehhh pag tinanggal ko to makikita na niya ang mala kamatis kong mukha!

♪  “Please don't be in love with someone else

Please don't have somebody waiting on you” ♪

 

“dali na kasi!”

 

“ayoko! Panget ang itsura ko! Mukha akong clown!”

 

“palagi ka namang mukhang clown eh! Sanay na ko sa mukha mo kaya tanggalin mo na yang maskara mo”

 

“a-ayoko nga”

 

“then ako mag tatanggal..”

Bigla huminto sa pagsway si Japoy at tinitigan niya ako sa mata. Dahan dahan niyang inilapit ang kamay niya sa mukha ko at tinanggal niya ang maskara ko.

 

♪ “This night is sparkling, don't you let it go

I'm wonder-struck, blushing all the way home

I'll spend forever wondering if you knew” ♪

 

Nang mai-alis na niya ang maskara sa mukha ko, hindi siya nag react o nagsalita. Tinitigan niya lang ako maigi at hindi ko mabasa ang expression sa mukha niya.

Nagandahan ba siya? Napangitan? O wala lang?

Hindi ko siya mabasa.

 

This night is flawless, don't you let it go

I'm wonder-struck, dancing around all alone

I'll spend forever wondering if you knew

I was enchanted to meet you

 

“u-uhmm J-japoy—“

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla na lang niya ulit ako hinatak papalapit sa kanya then he gently whisper to my ears

“you’re very beautiful tonight..”

And that made me the happiest. Napapikit ako at napabulong na lang kay God.

Sana.. sana wag na pong matapos ang gabing to…

 

♪ “Please don't be in love with someone else

Please don't have somebody waiting on you....” ♪





(to be continued...)

Continue Reading

You'll Also Like

2M 76.3K 164
Sml? An epistolary.
42.9K 1.6K 39
[UNEDITED] She's Elsa Vovough. She isn't your usual naive nerd girl who is afraid to move around in a crowded environment while clutching her books a...
96.3K 3.4K 13
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #1
94.2K 4.7K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...