Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

142K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 8

2.5K 74 34
By kemekemelee

Back

Seeing Simon was indeed a breath of fresh air. Mas naging productive ako sa nakalipas na linggo dahil lang nakita ko siya. I think mas effective pa nga siya kaysa sa mga vitamins na iniinom ko. Ibulsa ko na lang kaya si Simon para hindi na ako tamarin?

Kinuha ko na lang ang duffel bag na dinadala ko tuwing may dance class ako. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto. Ang bilis lang talaga ng araw dahil sabado na naman ngayon. May dance class na naman kami at may malaking chance din na makita ko ulit si Simon ngayon!

Inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko habang bumababa ako sa hagdan. Nang makarating ako sa baba, dumiretso ako sa library para magpaalam kay Mommy at Daddy. May dalawang araw kasi silang day off tapos mamaya naman night shift ulit sila kaya andito sila ngayon.

“If that’s the case then maybe we can send Adam to Poland. What do you think?” hindi pa ako tuluyang nakakapasok nang marinig ko ang sinabi ni Mommy.

Bahagyang nakabukas ang pinto ng library kaya nanatili muna ako sa kinatatayuan ko para pakinggan ang usapan nila ni Daddy. Lumapit pa ako ng kaunti sa pinto para tingnan kung ano ba yung binabasa nila ni Daddy.

May iPad naman sa harap nila at iilang mga libro na siguradong binabasa nila kanina pa. Nakaupo si Mommy habang hinihilot ang sentido niya. Si Daddy naman ang pumipindot sa iPad para mabasa nilang dalawa.

“Matilda, may pamilya na si Adam. Hindi papayag ang anak natin,” sagot naman ni Daddy.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Ipapadala ba nila si Kuya sa Poland? For what reason?

“I don’t trust Caleb for this one. Mas matagal na ang experience ni Adam. He’s the best candidate for this research. Five years lang naman, Francis. Bata pa ang mga anak ni Adam kaya pwede pa silang mag-adjust,” iyon naman ang punto ni Mommy na hindi ko pa rin maintindihan.

Daddy smiled weakly. “Let’s give Caleb a chance. Magtiwala ka naman sa anak mo.”

“Bahala na,” umiling si Mommy. “Matagal pa naman iyan. Kumain na lang muna tayo.”

I straightened my back when she spotted me. I noticed her pale expression, and she kept glancing at Daddy, as if they were communicating with their eyes.

“I came here to see you before I go out,” tinuro ko naman ang pinto at alanganin akong ngumiti.

“Kanina ka pa ba d’yan?” tanong ni Daddy.

I shook my head. “Kabababa ko lang po. Aalis po pala ako.”

“Where are you going?” Mommy asked me.

“Sa dance class lang po.”

“Dance class?” nahimigan ko ang pandidiri sa tanong ni Mommy.

“Sabado lang naman po yung dance class,” I reasoned out.

Naningkit ang mata ni Mommy. “Instead of preparing for med school, you’re wasting your time attending a cheap session. Dancing won’t get you anywhere!”

Yumuko naman ako dahil ramdam kong nagtutubig na ang mata ko. Bukod sa narealize ko na ayaw ko palang maging doctor, alam ko rin sa sarili ko na may puwang pa rin talaga ang pagsasayaw. Hindi naman sa gusto ko gawing profession, masaya lang talaga ako sa ginagawa ko.

“Last year puro ka drawing. Ngayon naman puro ka sayaw. Kailan mo ba seseryosohin ang tinatahak mo, Darlene? Hindi ko makitang nage-effort ka! I want you to enroll to special science classes! Quit dancing,” her voice thundered like a lion fuming with rage.

“Matilda, that’s enough. Bata pa naman si Darlene at saka past time lang naman niya yata iyan. Hayaan mo na,” sinubukan naman akong ngitian ni Daddy.

I tried to fake a smile. “O-opo, past time ko lang naman po.”

“See?” he gently squeezed Mommy’s hand. “You have nothing to worry. Darlene knows what she’s doing. Trust your daughter.”

“She’s one step closer to college! Hindi na dapat iyan bini-baby,” she shot back.

Kung nandito si Kuya Adam, alam kong hindi ganito ang mangyayari. She’s nice sa tuwing nandito ang paborito niyang anak. Kapag wala naman, bumabalik na siya sa dati. Naiintindihan ko naman dahil hindi ako matalino tulad nila Kuya.

“It’s okay, anak. You can go,” Daddy assured me.

“Salamat po. I’ll go ahead,” I tried to smile at them.

Mommy glared at me. “Don’t forget the goal, Darlene.”

Tuluyan na nga akong nawala sa mood nang makaalis ako sa bahay. Mabuti pa si Daddy ang neutral lang pagdating sa akin. Alam ko namang disappointed din siya sa akin pero at least maayos naman ang pakikitungo niya sa akin.

Sa ganitong pagkakataon, iisang tao lang ang nasa isip ko. Kinuha ko ang phone ko para mag-send ng message.

Caleb Aidan Alcazar

kuya, free ka ba mamaya?
gusto ko sana magsleepover dyan kung pwede lang naman.

what happened to my baby
are you okay?

baby mo mukha mo
anw okay lang kuya
gusto ko lang tumambay dyan

go lang. anong oras ka pupunta?

mga 8 pm siguro

okay. may gusto ka ba kainin?

ramen po : ((

edi magluto ka

ok

buldak lang meron dito

sige na nga hmpk

Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko dahil pumayag si Kuya na tumambay ako sa condo niya! Isang buwan ko na kasing hindi nakikita si Kuya. Huling beses ko siyang nakita noong dumalaw pa siya sa mansyon. Medyo matagal na rin kaya ngayon excited na ulit akong makita siya.

Late na ako nang makarating sa dance studio. Nagmadali na rin akong ilagay sa locker ang duffel bag ko para masundan ko pa ang dance steps dahil nagsisimula pa lang naman sila.

“First time mo ma-late. Anong nangyari?” bulong ni Wendy sa akin habang sinusundan namin si Miss Cherry.

I pouted. “Traffic lang. Umaambon na kasi kanina habang nasa byahe ako.”

Napansin ko naman ang pasimpleng sulyap ni Ryker sa akin habang sumasayaw ako. Tinaasan ko na lang siya ng kilay kaya naman bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Nakita naman ni Froilan iyon kaya bigla siyang natawa.

“Uy, ano iyan?” kantyaw na naman ni Froilan.

“Hey, what’s all the noise?” tanong ni Miss Cherry kaya natahimik sila Froilan.

Agad namang napayuko si Froilan. “Wala naman po Miss. Si Ryker po kasi.”

“Huh? Anong ako?” inosenteng tanong ni Ryker.

“Sumusulyap po kasi sa crush niya,” Froilan choked back a chuckle.

Kumunot na naman ang noo ko dahil sa narinig. Mas lalo akong nawala sa mood dahil nag-umpisa na naman silang mang-asar! Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay yung kapag pinagsabihan ko hindi nakikinig. Mukha namang naintindihan iyon ni Ryker pero itong si Froilan ayaw pa ring tumigil.

I gritted my teeth in annoyance. Naririnig ko pa rin ang tawanan nila pero isinantabi ko na lang para mag-focus sa tinuturo ni Miss Cherry.

“Darlene, picture na raw kayo ni Ryker mamaya,” pangungulit pa ni Froilan.

“Let’s do a basic waacking,” ani Miss Cherry.

The movements were sharper than before. I had to extend my arms further than usual and make use of the space to make a clean movement. Kaya lang hindi ako makapag-concentrate dahil sa ingay nila Froilan sa likuran ko!

“Tangina naman. Gusto mo bang i-stapler ko yung bunganga mo para matahimik ka?!” pikon kong sinabi kay Froilan.

Sumabog na ako sa sobrang inis! Natahimik pa tuloy ang buong klase dahil sa pagsigaw ko. Noong nakaraang linggo pa kasi ako nagtitimpi pero hindi ko na matiis ang pang-aasar nila dahil hindi na nakakatuwa. Idagdag pa na kanina pa ako badtrip dahil sa nangyari sa mansyon.

“Hala easy ka lang. Ang pikon mo naman masyado,” inangat naman ni Froilan ang kamay niya.

“Pikon?!” I laughed. “Last week pa ako nagtitimpi sa inyo. Pinagsabihan ko na kayo pero hindi kayo nakikinig sa akin.”

Lumapit naman si Ryker sa amin para hawakan sa balikat si Froilan. Masama na rin ang tingin ni Froilan sa akin pero hindi ako nagpatinag. Nakakapikon na kasi!

“Pasensya ka na, Darlene. Totoo namang crush kita pero nasobrahan na yata kami,” si Ryker iyon.

Namilog naman ang mata ko sa narinig. I mean aware naman ako na crush niya ako pero nakakagulat na sa kaniya ko mismo narinig. Inamin niya talaga ng diretso sa harap ko at ng maraming tao!

“Ryker...” natutop ko ang bibig ko. “I don’t know what to say.”

“Ayos lang. Hindi ko naman sinabing i-crushback mo ako.”

I sighed. “Fine, isang picture lang.”

Akala mo nakarinig ng magic word si Froilan dahil bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nakarinig na naman ako ng hiyawan kaya sinamaan ko sila ng tingin.

“Hala ayos lang,” napakamot pa siya sa batok niya. “Kahit huwag na.”

“Sige huwag na lang. Madali naman akong kausap,” sagot ko.

“Uy, joke lang!” bawi naman niya. “S-salamat.”

“Tapos na ba kayo?” si Miss Cherry iyon na nakalimutan na naming nagtuturo pa pala. “Last na iyan, ha? Mamaya niyo na ituloy ang ligawan niyo pagkatapos ng klase ko.”

Natahimik na nga ang buong klase pagkatapos ng gulong nangyari. So far mas nakakapagod pa lalo ang lesson namin ngayon. May involve na rin na basic waacking kaya parang nabigla ang katawan ko. Nag-unat na lang ako ng braso bago ako magpalit ng damit.

Pagkatapos kong magpalit ng damit, nakita ko namang inaabangan ako ni Ryker kaya hinablot ko ang hawak niyang cellphone.

“U-uy, bakit mo kinuha iyan?” he asked me.

Nagkibit naman ako ng balikat. “Picture?”

“Selfie tayo?” hindi niya makapaniwalang tanong.

“Ayaw mo?” akmang ibabalik ko naman ang phone pero umiling siya.

“G-gusto ko,” napansin ko namang namula ang pisngi niya.

Inangat ko naman ang phone niya para makapag-picture kami nang maayos. Pilit akong ngumiti bago ko pinindot ang capture button. Naka-ilang take pa kami bago ko binalik ang phone niya.

Agad akong dumiretso sa elevator at hindi na nagsalita. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin bago ko pinindot ang ground floor.

“Thank you, Darlene.”

I nodded. “You’re welcome.”

“Uuwi ka na?” simple niyang tanong.

“Hindi pa.”

Dahil wala naman kaming usapan na kumain sa bistro ngayon, ako lang din ang mag-isang pumunta doon. Napansin ko naman na medyo makulimlim na naman kaya tahimik akong nagdasal na sana hindi umulan ngayon dahil wala akong dalang payong.

Kaso hindi yata ako malakas kay Lord.

Bumuhos ang malakas na ulan bago pa ako makarating sa bistro. Tinakbo ko na lang tuloy hanggang sa makarating ako sa loob. Mabuti na lang may jacket ako kaya hindi ako masyadong nabasa.

Nag-uumpisa na sila Simon nang maabutan ko sila sa loob. Hanggang ngayon naninibago pa rin ako sa buhok niyang hindi na gano’n kahaba pero bagay pa rin naman. Umupo ako sa upuan na medyo may kalayuan sa stage pero sapat na para makita sila.

“Maulang gabi sa inyong lahat,” bati naman ni Simon.

“Dahil maulan ngayon syempre dapat kumanta rin kami ng related sa ulan, hindi ba?” humalakhak naman siya bago dumako ang tingin sa akin.

Sandali naman akong natulala nang makita ko ang kumpleto niyang mga ngipin. Nakangiti siya habang kinakalabit niya ang string ng gitara.

“Lagi na lang umuulan. Parang walang katapusan.”

Yumuko ako at tahimik kong kinain ang chicken wings na inorder ko. Rinig ko pa rin ang malakas na ulan sa labas kaya wala akong choice kung hindi ang magpatila na lang muna bago lumabas.

“Tulad ng paghihirap ko ngayon. Parang walang humpay.”

Nanatili ang tingin ko kay Simon na parang dinadama pa ang kanta. Nakahawak siya sa mikropono at nakapikit. Kunot na kunot ang noo at parang nahihirapang banggitin ang lyrics.

“Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap na limutin ka ay ‘di pa rin magawa.”

Magaling talaga siyang performer. Kahit hindi siya heartbroken, nagmumukha siyang malungkot ngayon habang kumakanta. Kung titingnan mo ay parang totoo ngang iniwan siya habang umuulan.

Lumipas ang halos dalawang oras bago ako nagdesisyon na umuwi na. Ayos na sa akin na nakita ko si Simon ngayon! Kahit saglit lang at least nasilayan ko man lang. Next week ulit!

Patakbo kong tinawid ang kalsada dahil ibang direksyon naman ang sasakyan ko ngayon. Mabuti na lang may waiting shed dito kaya kahit papaano may sisilungan ako. Hinubad ko na lang ang jacket ko at pinatong sa ulo. Nakasuot pa naman ako ng cropped top sa loob pero hindi bale na.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang si Simon naman ang makita kong tumatawid papunta sa direksyon ko. Kumunot naman ang noo ko. Bakit nandito siya? Diba dapat nasa kabila siya?

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.

“Uuwi na,” sagot niya na para bang obvious.

“E diba doon ang daan mo?” tinuro ko yung kabilang kalsada. “Bakit nandito ka?”

“Doon ang daan ng pinuntahan ko last week,” paglilinaw niya.

I nodded. “Ah, so hindi ka umuwi no’n?”

“How about you? Bakit nandito ka? Diba dapat ikaw ang nandoon?”

Bumahing naman ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Napansin ko naman na medyo tumataas na ang tubig dito dahil wala pa ring tigil yung ulan. Halos punuan din ang mga jeep at bus na dumadaan!

“Uuwi ako sa Kuya ko,” sagot ko.

Damn it. Puti pa naman ang sneakers na suot ko ngayon! Kung alam ko lang na uulan edi sana hindi ko ito sinuot ngayon.

Nag-angat ako ng tingin kay Simon na may hawak na payong. May nakasukbit pa rin na gitara sa kaniya habang nakatitig siya sa kalsada.

“Kung mamalasin ka nga naman oh!” reklamo ko. “Babaha pa talaga kung kailan puti yung sapatos ko tangina talaga!”

Hindi naman siya sumagot kaya sumimangot na lang ako. Inangat ko na lang ang paa ko dahil tumataas na talaga yung tubig at baka maging brown na ang kulay puti kong sapatos.

“Kapag ba nag-drawing ako ng araw titigil ang ulan?” I asked him kahit hindi ko alam kung sasagot siya.

He looked at me. “What?”

“Hindi mo alam iyon? Sabi noong bata ako kapag nag-drawing ka raw ng araw titigil daw ang ulan,” agaran kong sagot.

“I don’t know,” he shrugged.

Bumuntong hininga na lang ako habang pinapanood ko ang unti-unting pagtaas ng kulay tsokolate na tubig. Napansin ko namang nakatitig sa akin si Simon habang tinataas ko ang paa ko.

“Wala kang payong?” tanong niya.

“Kita mo naman diba? Jacket lang ang meron ako,” pikon kong sagot.

“Saan ka ba bababa?” he asked me again.

I frowned. “Sa Recto pa.”

Sumimangot pa ako nang maalala ko kung gaano kabaha doon kapag ganitong maulan. Tangina bakit ba kasi doon nakatira si Kuya?

Ilang segundo siyang natahimik bago siya muling nagsalita.

“Doon din ako bababa,” sabi niya kaya napatingin naman ako sa kaniya.

“Weh? Hindi nga?”

His brows furrowed. “Oo nga.”

Natutop ko ang bibig ko at hindi na lang sumagot. Malaki naman ang Recto kaya baka nga doon talaga siya bababa. Binaling ko na lang ang pansin ko sa mga dumadaan na jeep hanggang sa may huminto na sa harap namin. Medyo maluwag na iyon kaya pinilit ko na lang na tumayo kahit alam kong mababasa ang sapatos ko.

“May jeep na,” he informed me.

“Rest in peace to my white sneakers,” I even waved to my poor shoes.

I heard him chuckle. “Darlene, sumakay na tayo.”

Kahit hindi ako nagsabi, naramdaman ko naman na pinayungan niya ako habang naglalakad kami papunta sa jeep. Hindi rin ako gaanong nabasa dahil sa ginawa niya. Ako ang naunang pumasok sa jeep. Sumunod naman siya at tumabi sa akin.

Napansin ko na nabasa ang iilang parte ng buhok niya. Basa rin ang gilid ng shirt niya pati na rin yung lalagyan ng gitara niya.

“Hoy, nabasa ka pati yung lalagyan ng gitara mo!”

“It’s okay,” tipid niyang sagot.

Tumango na lang ako at kumuha ng pera sa wallet ko. Hindi ko na siya hinintay kaya inunahan ko na siya na magbayad para sa amin!

“Bayad po. Dalawa pong Recto iyan. Kasasakay lang,” I smiled triumphantly.

“Hey, you don’t have to do that.”

I smirked. “Edi quits na tayo.”

Kumunot naman ang noo niya pero nakita ko ang pagpipigil ng ngiti sa labi niya. Ginulo niya naman ang buhok niya at yumuko na lang dahil bumabangga na ang ulo niya sa bubong ng jeep.

Mas lalong dumami ang pasahero kaya mas lalo kaming nagkadikit dahil na rin sa sobrang siksikan. Amoy na amoy ko ang pabango niya. It smells like fruit. Mabango iyon at hindi rin masakit sa ilong!

Kaya lang napansin ko naman na mas lalong tumataas ang baha. Sinilip ko iyon mula sa bintana at sa tantya ko aabot na iyon hanggang binti. Bumabagal na rin ang takbo ng jeep dahil sa taas ng baha.

“Dito na,” sabi ko kay Simon.

Nauna naman siyang bumaba sa akin. Nakita ko pang binuksan niya ang payong habang hinihintay yata ako na bumaba. Hindi ko na binigyan ng meaning iyon. May basic human decency naman siguro siya kaya niya ginagawa ito.

Medyo malayo pa ang lalakarin namin kaya napahiyaw naman ako nang makababa na ako sa jeep. Tangina lagpas tuhod ko na pala ang baha!

“Putangina ang lamig,” reklamo ko.

“Let’s start walking,” he urged me.

Nag-umpisa naman kaming maglakad pero sobrang bagal lang ng kilos ko. Malakas pa ang ulan at sobrang daming tao na nag-aabang ng jeep para lang makauwi.

Ang hirap kumilos dahil sa baha kaya inabot na kami ng ilang minuto pero wala pa kami sa kalahati ng Recto.

“Saan ba ang punta mo? Ayos na ako. Kaya ko na ito mag-isa,” I said trying to convince him.

Umiling siya. “Continue walking.”

I frowned. Nagsimula ulit akong maglakad pero may naapakan akong kung ano kaya napatili naman ako!

“The fuck?!” napamura naman si Simon nang bigla akong kumapit sa kaniya.

Bumitaw naman ako. “S-sorry.”

“At sabi mo pa kaya mong mag-isa, huh?” tudyo naman niya kaya natahimik ako.

Hindi na ako kumibo. Naglakad na lang ako kahit hirap na hirap na ako. Sobrang lakas pa ng ulan tapos nilalamig na ako.

Bumahing naman ako kaya napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ako ni Simon at iiling-iling niya akong tiningnan. Kuryoso ko naman siyang tinitigan habang tinatanggal niya ang nakasukbit na gitara sa kaniya.

“Isabit mo sa balikat mo,” inabot niya sa akin iyon.

“Huh? Kitang nahihirapan na nga yung tao tapos ipapabitbit mo pa sa akin? Hoy hindi porket crush kita pwede mo na akong alipinin, ha?!” inis ko naman siyang inismidan bago ako padabog na naglakad ulit.

“You leave me no choice. Take this and I’ll carry you on my back,” he said seriously, handing me his guitar.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nanatili ang kamay niyang nag-aabot sa akin ng gitara habang ang isang kamay ay nakahawak sa payong at pinapayungan ako. Basang-basa na ang buhok niya at ang shirt naman na suot niya ay may mga talsik na rin ng tubig.

He cocked his head to the right. “What? You’re just going to stare at me and wait for the water to reach the top of our heads?”

Kinuha ko naman yung gitara at sinukbit ko sa balikat ko. Inurong ko iyon para mapunta sa likuran ko. May bahid naman ng pagkamangha sa mukha ni Simon nang makita niyang nakasabit sa akin ang gitara niya.

Bahagya siyang yumuko para makakapit ako sa kaniya. Kumapit naman ako sa balikat niya at dahan-dahan kong inangat ang sarili ko. Nasalo niya naman ako kaya napahigpit ang kapit ko sa kaniya. Inabot niya naman sa akin ang payong kaya ngayon ako ang may bitbit ng gitara at ang nagpapayong sa amin habang buhat niya ako.

“Hindi ka ba mahihirapan? Ang taas ng baha tapos buhat mo pa ako?” nag-aalala kong tanong.

“Just trust me,” sagot niya kaya natahimik na lang ako.

Basic human decency pa rin naman siguro ito diba? Mataas ang baha at nilalamig na ako kaya natural lang na magpakita siya ng act of kindness sa akin.

Mabagal ang paglalakad namin sa baha pero kung ikukumpara iyon sa bilis namin kanina, masasabi kong mas mabilis ngayong siya lang ang naglalakad sa amin. Nakagat ko na lang ang labi ko habang sinisikap ko siyang payungan.

“Hindi ba ako mabigat?” tanong ko pa.

Wala akong natanggap na sagot kaya ngumuso na lang ako. Ang hirap talaga kausap ng isang ito!

“Kainis talaga. Wala talaga sa balak ko na umuwi kay Kuya. Kung hindi lang ako pinagalitan ni Mommy kanina baka sa mansyon ako dumiretso at hindi dito,” I bursted out, kahit alam kong naririnig ako ni Simon.

I heard him sigh. “What happened?”

“Nalaman kasi ni Mommy na na-attend ako ng dance class. Syempre nagalit kasi wala naman daw connect iyon sa pagdo-doctor.”

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako.

“Wala na nga akong choice sa course ko pati ba naman sa hobbies?” kwento ko pa.

“Do what makes you happy,” he said, making me cover my mouth in surprise.

“It is better to take the risk than to live the rest of your life with regret,” dagdag pa niya.

Humigpit naman ang pagkakakapit ko sa kaniya. Naramdaman ko rin na inangat niya ako ng kaunti kaya sumubsob ang mukha ko sa balikat niya. Nanatili na lang akong tahimik hanggang sa makarating na kami sa tapat ng building na tinitirhan ni Kuya.

“We’re here,” mahinahon niyang sinabi sa akin.

“Simon...” I called his name. “Thank you.”

Hindi naman siya sumagot kaya bumaba na ako sa pagkakabuhat niya. Hinarap ko naman siya at inabot ko yung payong. Tinanggal ko na rin yung pagkakasabit sa akin ng gitara.

“Makes me wonder. Saan ka ba talaga uuwi ngayon?” tanong ko pa ulit.

Nanatiling seryoso ang mukha niya. “Malapit lang din dito.”

“Are you sure?” pagkukumpirma ko pa.

“Yes,” he answered hoarsely.

I nodded. “Ingat ka. Thank you ulit!”

Muli niyang ginulo ang buhok niya nang maisabit niya na ulit ang gitara. Binitbit niya yung payong at nagsimula na siyang lumusong sa baha. Nanatili yata akong nakatayo doon ng ilang minuto hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Kahit basang-basa ako, hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang umaakyat ako papunta sa unit ni Kuya. Ilang beses ko pa yatang kinurot ang sarili ko para lang ma-confirm na hindi nga ako nananaginip!

I pressed the doorbell when I reached the correct floor. Wala pang isang minuto nang pagbuksan ako ni Kuya. Medyo magulo pa ang buhok niya at halatang kababangon lang.

“Hey, bakit basang-basa ka?!” inabot naman ni Kuya ang duffel bag ko habang naglalakad ako papasok ng condo niya.

“Lumusong ako sa baha,” I answered in a sing-song voice.

He arched an eyebrow. “And why are you smiling? Ngayon lang yata ako nakakita ng taong tuwang-tuwa pa na lumusong sa baha.”

“Nothing...” I smiled. “Akin na yung mga ramen mo!”

“Nasa cabinet,” tunog nagdududa pa rin iyon. “Pero magbihis ka muna baka lagnatin ka.”

I happily nodded. “Okay!”

He watched me in disbelief. Iiling-iling na lang si Kuya habang pinagmamasdan ako na pasayaw-sayaw pa habang naglalakad papasok ng bathroom niya.

Binuksan ko na ang shower at parang tanga na naman akong napangiti. Bahala na nga kung anong mangyari! I don’t care how long this may take. 2 months ba kamo? Ayos na sa akin kung lumagpas pa doon! Six months or even one year! Subukan niya ako at makikita niyang hibang pa rin ako sa kaniya.

Maybe my cousin is right. I’m a hopeless case, and I should admit myself to the hospital now.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 1.4K 44
She woke up from the deep but uncomfortable sleep. The moment everybody's been waiting for, As the brilliant sun flashes through her gentle face. Her...
802K 16.9K 48
The Prestige Series 2 Alliana had everything in life. For her, career and passion should always be her utmost priority. Not until Abes, came in the p...
161K 5.4K 33
3/6 Saints Series. A PLAYLIST FOR THE GIRL NAMED AMNESIA Isang gabi, may nakitang binata si Astrid sa crossing ng St.Javier at St.Regidor.Una palang...
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...