T.S. STORIES #3: I Can See Yo...

By jekeiski

1.2K 95 2

Bago magtapos sa high school, hinihiling ni Abby na sana ay mapansin na ang kanyang lihim na pagtingin. Nang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 26

18 2 0
By jekeiski


Ang tahimik niya.

Leaves were brushing above us, as the wind blew mildly through the trees in the field. It has been a couple of minutes when I rested myself underneath the shade, with Eric on the other side. Until now, I don't have any idea what's going on with him. Gusto niya lang siguro ng kasama, I guess.

Then, I suddenly remembered Chloe, and what she had told me earlier. She's been looking for him, and he's just here, all by himself.

"How's Drix? Balita ko, tinatakasan niya ang rehearsal," pagbasag niya sa katahimikan.

"Ewan ko sa kanya. Hindi ko pa siya nakakausap simula kanina," tanging sagot ko na lang.

"I saw you with Chloe. Friends na kayo?"

I was not expecting that question. Akala ko, ako ang makakaopen up tungkol kay Chloe.

"Well, nakipagbati siya sa akin. Invited ako sa party niya, tapos she was asking kung..."

"Kung?"

Nagdadalawang-isip pa akong ipatuloy ang sasabihin ko. Kaso, no'ng lumingon ako sa kanya, parang nag-aantay pa rin siya ng karugtung.

"Kung may alam ba ako kung saan ka ba kasi hindi ka na niya nakikita?"

After a moment he heard it, he turned away. "Don't tell her where I am. I don't want to be with her."

"So, hindi ka rin pupunta sa birthday party niya?"

He shook his head. "No chance. Good luck sa'yo."

After that, tahimik ulit siya. Hindi ko na lang siya kinausap pa, hanggang sa naka-receive ako ng notif sa class group chat namin.

"Tapos na raw faculty meeting, hindi ka ba babalik—"

Paglingon ko, wala na siya. Hinanap ko siya, pero wala na talaga akong makitang Eric. Hindi ko alam kung nag-iilusyon ba ako, pinaglalaruan ng multo, o totoong si Eric nga kausap ko rito.

After our class, umuwi na ako nang mag-isa. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nahahagilap ang kumag. Naisipan ko namang tawagan siya.

First dial ko pa lang, sumagot kaagad. "Hello."

"Oh asan ka? Hindi ka ba sasabay sa akin uuwi?" kaagad kong tanong.

"Hindi, kasi binuking mo ako. Kasama na sana kita kung hindi mo 'ko tinuro kanina," aniya.

"Malay ko ba. Tsaka, saan ba kayo nagp-practice? Para antayin na lang kita."

"Wag na. Uwi ka na. Kaya ko na sarili ko," sabi niya.

"Okay. Ingat ka."

"Love you."

Bahagya akong natawa sa huli niyang sinabi bago ko binaba ang tawag. Tsaka, hindi ko rin kasi maimagine na ipapasali sa singing contest 'tong kumag. Ni hindi ko man lang siya narinig na kumanta sa tagal kay naming nagsama.

Sumakay na ako sa bike at pumedal palabas ng school gate. I looked up and the skies were still orange-pink, fading into purple. Quite mesmerized by the colors that I didn't notice enough I was lost.

I stopped over and realized I was heading home on the wrong street. I looked around and everything felt familiar to me. Parang nakadaan na ako rito, pero hindi matandaan kung kelan.

I was about to turn my bike around when someone appeared in front of me.

"Sa susunod na daan ka rito, siguraduhin mo lang na wala kang kasama. Kung hindi, mamatay siya."

I instantly got goosebumps after hearing those words from that woman. Parang bumigat ang pakiramdam ko nang sabihin niya 'yon. Kasabay pa no'n ang pagpatay-sindi ng mga ilaw sa poste, hanggang sa naglaho siya sa paningin ko.

Nang lumingon ako sa building sa tapat kung saan ako huminto, andoon na siya ang nakatingin sa akin.

'Yong kaba ko, abot hanggang langit. Dali-dali akong umalis sa lugar na iyon, and I swear, hinding-hindi na ako babalik doon.

I never did know na may kababalaghan pala rito sa place namin. Parang ayaw ko nang umuwi sa amin kasi ayaw kong mag-isa ngayong gabi. Gusto ko ng kasama.

Pumunta ako sa bahay ni Drix, pero naabutan kong walang tao ang bahay. Tinawagan ko ulit si Drix pero hindi naman sumasagot.

Dumidilim na kaya naisipan ko munang magpunta sa convenience store. Dito na lang muna ako habang hinihintay na matapos ang kumag sa rehearsal nila.

Bumili ako ng ramen noodles at kumain na lang para mahimasmasan. Baka kulang lang ako sa kain, kaya kung ano-ano ang nakikita ko lately.

Habang kumakain naman ako, hindi ko maalis sa isipan ang sinabi ng babae kanina.

"Sa susunod na daan ka rito, siguraduhin mo lang na wala kang kasama. Kung hindi, mamatay siya."

Nakakatakot siya, to be honest. Akala ko, trip-trip lang ni ale, kaso naglaho siya at nagteleport sa labas ng isang building, sabay tingin sa akin. I shook my head, trying to forget everything I saw back there.

Una, si Eric. Sunod, 'yong babae. Sino naman sunod na mananakot sa akin—

"Huy."

Nang kalabitin ang balikat ko, bigla akong napasigaw sa takot. Napahawak ako sa dibdib ko, at nang mapagtanto kong si kumag lang pala, napasapo na lang ako.

"Please, 'wag kang mananakot sa akin. Atatakihin ako sa puso," sabi ko habang tawang-tawa naman siya.

"Matakot ka talaga dahil kanina pa ako tawag nang tawag sa phone mo, 'di ka sumasagot," aniya, kaya napatingin ako sa phone ko sa bag.

Pagbukas ko ng screen, nagtaka ako kasi alas 9 na ng gabi, eh pumasok ako rito sa convenience store bandang 6 na. Ilang beses kong binuksan ang phone, parehas pa rin ang oras.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya.

"Alas 9 na, kaya nga kita pinuntahan rito kasi 'di ka nagrereply. Akala ko umuwi ka na dahil natagalan kami sa rehearsal," sabi niya.

"'Di eh, kaka-6 pa lang tapos biglang alas 9 na? Ambilis naman ata ng oras," taka kong sambit.

"Pagod ka lang ata. Tara, uwi na tayo," sabi naman niya at nag-alok siyang siya ang pepedal ng bike.

Madilim na talaga nang papunta na kami sa bahay ni Drix. Ayaw ko muna talagang matulog nang mag-isa sa apartment ko ngayon.

Pansin ko namang wala kami sa parati naming dinadaanan pauwi. "Oh saan ba tayo papunta?"

"Pauwi, malamang," aniya.

Nang nilibot ko ang aking paningin, saka ko lang na-realize na hindi dapat kami dumaan dito.

"Drix, 'wag ka dito dumaan," sabi ko sa kanya.

"Dito tayo, ang dilim sa kabilang daan."

"Eh, ayaw ko rito!"

"Bakit, anong meron dito?"

"Basta!"

"Psh, malayo na tayo. Pababalikin mo pa ba ako?"

Nang matanaw ko ang lugar kung saan ako binantaan ng isang babae, nahigpit na ako ng yakap kay Drix, habang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi niya sa akin.

"Drix, doon tayo sa kabil—"

Napahinto bigla si Drix, kaya hindi ko natuloy ang aking sasabihin.

"Teka, parang may nakalimutan ako..."

May tinignan lang muna saglit si Drix sa kanyang bag, habang may natanaw na ako sa aming harapan. Hindi ko talaga gusto ang nararamdaman ko ngayon.

"Drix, ayan na siya," sabi ko nang makita ko ulit ang babae kanina.

"Teka lang, hinahanap ko wallet ko."

Bigla namang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa mga poste sa paligid namin. "DRIX, ANO BA!"

Parang bang hindi ako napapansin ni Drix na takot na takot ako sa likuran niya habang natatanaw ko ang unti-unting paglapit ng babae patungo sa aming gawi.

"DRIX!"

Muli kong tawag sa kanya ngunit hindi na niya ako nilingon.

Sa isang iglap, nasa harapan ko ang babae at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Napasigaw na ako nang kay lakas dahil sa kaba at takot.

"Abby!"

Pagdilat ko, napabalikwas ako at habol-habol ang hininga ko. Nasa harap ko si Drix, nag-alala at nakahawak sa mga balikat ko.

"Ayos ka lang ba?"

Bigla ko na lang siya niyakap, at napahagulgol na ako sa pag-iyak. "Akala ko iiwanan mo na ako."

Tinahan naman niya ako. "Ssh, ayos lang ako. Hindi kita iiwanan. Forget everything that you saw. I'll always be here for you."

Ang lala ng bangungot ko. Akala ko, mawawala na sa akin si Drix. Muntik na akong maniwala.

Continue Reading

You'll Also Like

18.6K 1.1K 34
I once wondered what it truly means to experience freedom, to break away from the weight of expectations, the relentless competition, and the endless...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...