Beware of the Class President

By JFstories

1.8M 101K 58.8K

FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na... More

INITIUM
...
CAPITULO 1 - Pervert
CAPITULO 2 - Zero
CAPITULO 3 - Boys
CAPITULO 4 - Alone
CAPITULO 5 - Oppression
CAPITULO 6 - Awakening
CAPITULO 7 - Speech Delay
CAPITULO 8 - Decoy
CAPITULO 9 - Depression
CAPITULO 10 - You
CAPITULO 11 - Unfolding
CAPITULO 12 - Body Contact
Capitulo 13 - Let's Go
CAPITULO 14 - Joyride
CAPITULO 15 - First Step
CAPITULO 16 - Incense
CAPITULO 17 - Fever
CAPITULO 18 - Nun
CAPITULO 19 - Luggage
CAPITULO 20 - Something/Someone
CAPITULO 21 - Rosary
CAPITULO 22 - Crushed
CAPITULO 23 - Imminent
CAPITULO 24 - Companions
CAPITULO 26 - Wake
CAPITULO 27 - Brave
CAPITULO 28 - Confidant
CAPITULO 29 - Seized
CAPITULO 30 - Taken Over
FINE TEMPORE UNUM
CAPITULO 31 - Ataraxia
CAPITULO 32 - Boyfriend

CAPITULO 25 - Trip

41.7K 2.3K 1.7K
By JFstories

CAPITULO 25 


NOBODY KNOWS, JUST WHY WE'RE HERE... ♪♫b


Madilim na ang buong bus. Ang tanging ilaw lang ay iyong sa unahan na maliit na kulay pulang parang Christmas lights. Umuugong ang umaandar na makina na sinasabayan ng tugtog sa lumang stereo. Ang kanta ay You'll Be Safe Here ng bandang Rivermaya.


Close your eyes, dry your tears

'Cause when nothing seems clear

You'll be safe here from the sheer weight

Of your doubts and fears

Weary heart, you'll be safe here...


Napangiti ako dahil bigla kong naalala si Ekoy. Iyon ang huling tugtog na pinapakinggan nito sa radio sa Bataan.


Napalis lang ang aking ngiti nang magbalik sa akin na katabi ko sa upuan si Joachim. Nang tumingin ako sa kanya ay hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa unahan. Inalis niya ang suot na sombrelo dahilan para bumagsak ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng kanyang noo.


Bakit nga ba siya nandito? Wala siyang kibo na nakahalukipkip sa tabi ko.


Ang awkward na ayaw kong makagawa ng kahit anong ingay, pero ipinahamak ako ng aking tiyan. Biglang tumunog. Wala kasi akong gana kaya kaunti lang ang aking nakain kaninang hapunan.


Nang may umakyat sa bus para magtinda ng mineral water at itlog ng pugo ay tinawag ni Joachim ang tindero. Naglabas siya ng purse at bumili ng isang balot ng pugo at dalawang mineral water. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang walang salita na iabot niya sa akin ang isang plastic na bote ng mineral.


Si Bhing sa kabilang tabi ko ay nakangiti at akmang kukunin ang isang bote ng mineral, "thank you," anito, pero binuksan ni Joachim ang isang bote at ininom nang walang pasabi.


Bumagsak ang kamay ni Bhing sa kandungan ko. Napahiya na nakangusong nagbalik ito ng tingin sa bintana. "Hmp, akala ko para sa akin. May pinagmanahan pala talaga ang bunso niyo."


Siniko ko si Bhing. "Hati na lang tayo rito sa tubig ko," bulong ko rito.


Napasinghot ako nang maamoy ang aroma ng pugo na hawak ni Joachim. Kumakalam ang tiyan ko at nababanguhan ako sa pagkain, subalit hindi talaga sa punto na gutom na gutom ako. Maraming pagkakataon nitong linggong ito na talagang bihira akong makaramdam ng gutom.


Bihira din ako na mauhaw, mapagod, o antukin. Taliwas sa itsura ko na namumutla na, nangangalumata, at nanunuyo ang mga labi. Epekto siguro ng stress sa kalagayan ni Mama.


Kaya naman pala langhap na langhap ko ang pugo dahil nagbabalat pala si Joachim. Napatitig ako sa mahahabang daliri niya at malilinis na kuko na tumutuklap sa balat ng maliit na itlog. Sa aking pagkurap ay nasa harapan na iyon ng mukha ko. Ibinibigay niya sa akin ang kanyang binalatang itlog ng pugo?


Tinanggap ko na lang kaysa mag-isip ng sasabihin kung sakaling tatangi ako. Isinubo ko nang buo ang maliit na itlog. Ah, masarap. Gutom nga yata talaga ako.


Kapag hindi ako kakain, hindi ko pa mapagtatanto na gutom ako. Kapag hindi ako iinom, hindi ko rin malalaman na uhaw na uhaw na pala ako. Kapag hindi ako magpapahinga, hindi ko rin malalaman na pagod na pagod na ako. Ganoon din kapag hindi ako natulog, ay hindi ko rin malalaman na inaantok na pala ako.


Inabutan din ni Joachim si Julian sa likod ng binalatan niyang itlog ng pugo. Ang mineral water na tira niya ay ibinigay niya rin dito. Nang silipin ko si Julian ay gulat na gulat ito. Mukhang hindi ito ang nagsabi kay Joachim ng tungkol sa lakad namin.


Tiningnan ko si Bhing sa aking tabi. Wala itong contact kay Joachim kaya mukhang hindi rin dito nanggaling. Paano nalaman ng lalaki? Kailan pa ito nakatunog na aalis ako?


Matagal-tagal din ang biyahe bago kami lumipat ng panibagong bus. Nakaidlip na ako pagbaba sa sunod na terminal sa Pampanga. Napatuwid ako sa pagkakaupo dahil nakasandig pala ako sa balikat ni Joachim. Mabuti na lang at nakaidlip din siya. Sana hindi niya alam na nalawayan ko siya sa balikat.


Pagbaba namin ay madaling araw na pero kadiliman pa. Mahamog din ang hangin sa pangalawang terminal at napakalamig ng hangin. May nagtaas ng suot kong hood sa aking ulo. Pagtingala ko ay si Joachim.


"Stay here, Kena. Bibili lang kami ng ticket." Tiningnan niya si Bhing na parang nagbibilin, bago siya umalis kasama si Julian.


Si El naman at Kit ay kababalik lang. Nakabili na sila ng ticket. May inabot sa akin na isang ticket si Kit. Siya pala ang bumili ng para sa akin. "Thanks..."


Nang sundan ko ng tingin si El ay wala naman siyang violent reaction. Kailan ba nagkaroon? Itinago ko na agad ang likod ng bag ko, just in case lang maisipan niya na namang mangaladkad mamaya.


"Kena, okay ka lang? Naiinitan ka ba?" tanong ni Kit na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya.


"Ha? Hindi naman," nagtataka na sagot ko. Malamig kaya bakit ako maiinitan?


Yumuko si Kit sa akin. Napapitlag ako nang punasan niya ng kanyang panyo ang leeg ko. Habang nakayuko siya tumatama sa aking noo ang mainit at mabango niyang hininga. Nangingibabaw ang kinain niya kanina na maanghang na Mentos candy.


Seryoso siya sa pagpupunas ng aking pawis kaya nagawa ko siyang pakatitigan. Ang mga mata niya na bagaman pilyo ay nakakarahuyo sa ganda, ang matangos na ilong na pino ang nipis at taas, ay bagay na bagay sa maninipis na labi niyang natural na mamula-mula. At ang mabango at mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko... Gusto ko...


Gusto ko ko... Ang kinain ni Kit na candy kanina, gusto ko ring tikman... Meron pa ba? Baka meron pa... Titikman ko lang, lalasahan... Sa mga mapupulang mga labi niya na ako nakatitig nang bigla akong matauhan. Ha? Ano ba iyong mga naiisip ko?!


Napaatras ako sabay bukas ng hawak na plastic bottle ng mineral na binili ni Joachim sa akin. Tumungga ako roon. Nang maramdaman ang tubig sa aking lalamunan ay doon ko napagtanto na nauuhaw pala ako. Nagtataka naman si Kit na nakatingin sa akin.


Pagbalik ni Joachim ay sakto na nagtatawag na sa susunod na bus. Pumila na raw kami. Sa pagmamadali na mauna sa pila ay hindi ko na natakpan nang maayos ang plastic na bote ng hawak kong mineral. May tira pa iyon na kulang sa kalahati.


Napapaisip pa rin ako sa nangyari. Ano ba iyon? Bakit bigla akong nagkaganoon? Iyon iyong pagkakataon na aking masasabing nakaramdam ako ng init. Pero kakaibang init. Init na hindi ko maintindihan. Ipinilig ko ang aking ulo dahil ayaw kong maguluhan.


Nakapila na kami para kapag binuksan na ang bus, nang may batang babae na biglang dumaan sa aking harapan. Itim ang damit at marungis. Ang kulot na buhok ay gula-gulanit na basta lang nakatali. Bago ako makaiwas ay nabangga na nito ako sa braso. Ang lakas nito!


Ang liit nitong bata at ang nipis ng pangangatawan, pero matigas ang katawan at malakas. Bumagsak sa lupa ang bote ng mineral water na hawak ng kaliwang kamay ko. May natapong tubig sa lupa.


Yumukod ako para damputin ang plastic na bote nang mamataan ko ang pares ng paa na pag-aari ng batang bumangga sa akin. Isang dipa yata ang layo mula sa kinaroroonan ko. Nakahinto ito. At bakit nakahinto ito?


Ang likod ng paa nito ang view na nakikita ko. Luma at sira na ang suot na tsinelas ng bata. Ang sakong nito ay naglulubak na parang salat sa tubig na lupa. Nanunuyo iyon at puno ng malalalalim na kalyo.


Marahang kumilos ang paa ng bata at tumagilid. Pumihit ang katawan nito, iyon ang ibig sabihin. Lumingon ito. Kanino lumingon? Sa akin?


Pagtingin ko muli sa bote na nasa lapag ay may maliit na gurlis ng mantsa iyon sa gilid. Parang tipak ng lupa. Lupa na iba sa kinasadlakang sahig ng bote. Hindi roon galing. Parang katulad ng nakita kong pagbibitak doon sa sakong ng bata.


Nagdalawang isip na ako kung dadamputin pa ang bote o hindi na nang may sapatos na humarang sa kamay ko. Isang immaculate white Nike sneaker na pag-aari ni El!


Napatingala ako sa kanya. Napanganga ako dahil nasa harapan ko na pala siya. Nakayuko siya sa akin at nasa mga mata niya ang disgusto sa itsura ko.


May humila sa braso ko sanhi para ako mapatayo. Si Joachim na nakatutok kay El ang malamig na mga mata. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Ang boses ni Joachim ay mas malamig pa sa mga mata niya.


Sa halip na sagutin ni El ang tanong ay para siyang walang narinig na tumalikod na. Napakurap na lang ako habang nakatingin sa likuran niya.


Si Kit ay tinanong ako, "What is it this time, Kena? Ano na namang ginawa sa 'yo ni El?!"


"Kena, bakit?" usisa rin ni Bhing. Nasa likod ito namin dahil nakapila nga kami.


Maging si Julian na kanina ay walang paki sa paligid ay tumingin din sa akin. Hindi man ito nagtanong ay nasa mga mata na natatakpan ng specs ang kagustuhan na malaman kung ano ang nangyari.


Hindi ko naman magawang ituon sa kahit sino sa kanila ang aking atensyon. May humihila sa akin na kunin ang bote ko ng mineral na nalaglag. Pero sa pagyuko ko sa kinaroroonan niyon ay wala na iyon doon. Kahit ang marami-raming patak ng tubig na kanina'y natapon sa sahig ay wala na rin.


Nasaan na ang bote? Nasaan din ang tubig na natapon kanina? Natuyo na? Natuyo na agad-agad?


Naghanap ang mga mata ko sa lapag. Nakarating iyon sa isang dipa na layo mula sa kinatatayuan ko. Naroon ko natanaw ang mga patak ng tubig. Bakit meron doon? Saan galing iyon?


Dalawang hakbang mula sa kinatatayuan ko, may mga patak ulit ng tubig ako na nakikita sa lupa.


Palayo nang palayo. Magkakasunod na ang tinutumbok ay papunta sa likuran ng bakanteng bus na naroon na sa bandang dulo.


Sa parte ng terminal na may kadiliman at walang mga tao. Doon papunta ang mga patak ng tubig. At bago makarating sa dulo ay aking natanaw ang plastic na bote ng mineral water ko. Paano iyon nakarating doon?


Isang maiitim na kamay ang dumampot sa plastic na bote ng aking mineral water. Malaking kamay na kahit may kalayuan ay natitiyak ko na kamay ng matandang tao. Nang mag-angat ako ng paningin ko ay ganoon na lang ang panlalaki ng aking ulo, dahil ang nakita kong may hawak ng bote ay iyong kaninang batang babae!


Ang batang babae ay nakangiti. Kumakaway. 


Sa akin.


Oo, sa akin.


"Kena." Boses ni Joachim na nagpalingon sa akin sa kanya. "Saan ka nakatingin?"


Salubong ang makakapal niyang kilay na sumunod sa tinitingnan ko kanina. Pagbalik ko ng paningin sa may nakaparadang bakanteng bus sa dulo ng terminal ay wala na roon ang maliit na batang babae.


Pagtingin ko naman sa harapan namin ay nagpapasukan na pala ang mga pasahero sa loob ng bus. Nauna na si El na nakita ko pa sa bintana. Sumulyap lang siya sandali sa akin at hindi na ulit tumingin.


Sumakay na rin kami sa bus. Sa loob ng bus ay hinanap ko si Bhing. Mag-isa lang ito at malungkot sa kinauupuan na pangdalawahan. Sa likod nito ay naroon sina El at Julian na magkatabi.


Si Kit naman ay nasa tabi ng bintana. Nag-iisa sa may pangtatluhang upuan na kahilera ni Bhing. Naka-de quatro ang lalaki habang nakasimangot at nakakrus ang mga braso sa dibdib. Nang mapatingin kay Joachim ay umismid ang mga labi nito.


Syempre doon ako sa tabi ni Bhing naupo. Narinig ko na lang ang pag-tsk ni Joachim. Doon siya naupo sa pangtatluhang kinauupuan ni Kit, pero iniwan niyang bakante ang gitna nilang dalawa.


Si Kit naman sa kinauupuan malapit sa bintana ay lalong sumimangot. Inayos na lang nito ang suot na cap at nagsaklob ng hood.


Nang mag-check ang konduktor sa loob at makita na walang katabi sina Joachim at Kit ay magpapaakyat pa sana ito ng pasahero, ang kaso ay inilagay ni Joachim sa bakanteng gitna nila ni Kit ang backpack niya. Bago siya sitahin ng konduktor ay inabutan niya na ito ng dalawang ticket.


"Boss, I've paid for two tickets. Bayad ko na itong upuan para sa biyahe na ito dahil ayaw ko sana ng katabi."


Wala nang nagawa ang konduktor kundi tanggapin ang ticket mula kay Joachim. Parang katabi ko pa rin tuloy siya dahil ang pagitan namin ay aisle na ng bus. Chill na siyang sumandal sa sandalan ng kinauupuan.


Si Kit sa tabi sa tabi ni Joachim ay hindi na rin gumagalaw. Tulog na rin yata habang nagsa-soundtrip sa dalang iPod. Nakatagilid ang ulo habang nakasandal sa saradong bintana. Dahil naka-hood ay makikita na lang dito ay ang sideview ng matangos nitong ilong.


Sinilip ko rin ang dalawa sa likod namin. Si Julian ay nakapikit na rin. Panay ang tulog nito dahil hindi naman ito sanay sa puyatan. Hindi ito gala, walang bisyo, at maayos ang schedule ng tulog at gising palagi. Sa buong buhay nito ay ngayon lang yata ito nakaranas lumabas ng hating gabi.


Si El ang huling sinilip ko. Siya na lang pala ang gising. Sa bintana siya nakatingin. Pinapanood niya ang madilim na kalsada sa labas at ang mangilan-ngilang sasakyan at motorista na nakakasabay ng bus namin. Kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip niya, siya lang ang makapagsasabi.


Hindi ko pa rin pala nalilinaw sa kanya kung bakit kami babalik sa Bataan, pero sumang-ayon agad ako. Siguro dahil gusto ko rin talagang umalis.


Gusto kong malibang kahit saglit lang.


Gusto ko ring makita ulit ang makulit na si Ekoy at marinig ang biro nito. Ano kaya ang magiging reaksyon nito sa biglang pagdating namin? Lalo kapag nalamang marami kami? Baka mapairit iyon sa pagkasabik. Nangingiti na napapikit na rin ako upang umidlip.


Papaliwanag na pagdating namin sa Bataan. Nagdalawang tricycle kami patungo sa Limay. Si Joachim ang nagbayad sa isang tricycle at sa isa naman ay si El.


Kami ni Bhing ang nasa loob ng isang tricycle na binayaran ni Joachim. Si Joachim ang nasa likod. Sa kabila naman na tricycle na binayaran ni El ay si El sa likod habang sina Julian at Kit sa loob.


Pagbaba sa barangay na sadya namin ay inabutan ni Kit ng tag isang daang piso ang dalawang tricycle driver. "Mga boss, pang-yosi. Puwede rin kape."


May bukas ng maliit na tindahan sa gilid kahit wala pang katao-tao sa kalsada. Bumili si Kit ng Coke na ipinalagay nito sa plastic at saka dalawang Magic Flakes biscuits. Ang isang biscuit ay inabot nito sa akin.


"Thank you."


"May gusto kang drinks?"


Bago ko pa masagot ay inabutan na ako ni Joachim ng isang pouch ng Zesto orange. Bumili rin pala siya sa tindahan. Siya na rin ang nagbutas ng straw sa pouch para sa akin.


Pinuntahan din ni Joachim si Julian at tinanong kung may gusto ba itong kainin. Napangiwi naman ako dahil inuna niya pa ako kaysa sa kanyang kapatid.


Ibinili rin ni Joachim si Julian ng Zesto. Tag-isa sila saka tag-isa rin na Piattos. Si Bhing ay nagsarili ng bili. Lemon Square cupcakes ang dito at Royal na nasa plastic. Lahat kami ay nanginginain sa gilid ng kalsada maliban kay El.


Imposible na walang pera na pambili si El kaya malamang na ayaw niya lang talagang kumain. Nakatayo lang siya na parang hindi niya kami kasama. Ewan ko kung kinakahiya niya ba kami dahil mukha kaming mga PG na nanginginain dito.


Maliwanag na at naroon si El sa parte na walang bubong ng tindahan. Kung sa gabi ay para siyang umiilaw, ngayon sa liwanag ay para siyang kumikislap. Maganda kasi ang kutis niya na binagayan pa ng suot niyang light blue hoodie at white na cap. Para siyang anghel na nakaisip mag-fieldtrip mag-isa.


Naramdaman niya ang mga nakaw na sulyap ko kaya lumingon siya sa akin. Inasahan ko na ang kawalan niya ng paki at pagbawi ng tingin, kaya napaawang aking mga labi kasi hindi ganoon ang nangyari. Nakatingin lang siya sa akin.


Nakatingin lang si El sa akin. Walang kahit ano sa tingin niya, pero basta nakatingin siya. Nakatingin lang din ako. Hindi ko kayang magbawi. Hindi ko kaya dahil ang sarap-sarap niya sa mata.


Ang totoo ay gusto ko nanag lapitan si El. Gusto ko lang namang haplusin ang makinis na pisngi niya. Amuyin ang mabangong leeg niya. Padaanin ang aking dila sa balat niya hanggang—


Biglang nawala si El sa aking paningin. Ha? Doon ako natauhan. Namilog sa gulat ang mga mata ko. Ano na naman ang pumapasok sa isip ko?!


Nawala si El ay dahil may humarang palasa aking paningin. Matangkad na bulto na naka-black shirt, na pinapatungan ng black na hoodie, at black din na jogging pants sa ilalim. Nang mag-angat ako ng mukha ay ang Adam's apple sa makinis niyang leeg ang aking nakita. Sa pag-angat pa ay seryoso niyang mukha. Si Joachim.


"Gusto mo pa?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang hawak kong Magic Flakes biscuits. Ubos na. Nakain ko na ang kalahati at ang kalahati ay nahulog pala sa lupa!


"S-sorry, hindi ko napansin na nahulog!" Natatanga na dadamputin ko sana ang mga biscuits sa lupa nang pigilan ako ni Joachim.


"Kena, marumi na iyan." Hinila niya ako sa kamay papunta sa tindahan.


"Okay na ako." Ayaw ko nang magpabili. Baka kasi kandabawas-bawas na ang allowance niya sa kakagastos. Tagtipid pa naman kami ngayon.


Nagpabili pa rin si Joachim. Isang Hansel na butter at isa ulit Zesto na ang flavor naman ay mango. Pagka-total ng tindera ay naglabas si Joachim ng wallet. Hindi na iyong purse kundi iyong leather na. Ibig sabihin ay ubos na ang kanyang barya.


"Pogi, wala akong panukli," anang tindera kay Joachim nang makitang puro papel ang pera niya. Isang one thousand, dalawang five hundred, at ang pinakamababa ay one hundred pesos bill na dalawang piraso.


Naalala ko na may fifty pa ako sa bag. Hahalungkatin ko pa nga lang. Sasabihin ko pa lang na ako na ang magbabayad nang may mag-abot na ng twenty pesos na buo sa tindera. Pagtingala ko sa lalaking tumabi sa akin ay si Kit ang aking nakita.


Pagtanggap ni Kit ng sukli nitong barya ay nakabukol ang dila nito sa kaliwang pisngi nang nakakalokong tingnan si Joachim. Napapailing pa ito bago tumalikod sa amin.


Hindi man umimik si Joachim pero huling-huli ko ang pag-igting ng panga niya. Patay-malisya naman ako na binuksan na ang hawak na Hansel biscuit.


"Kena, saan na tayo? Malapit na ba?" Lumapit si Bhing sa akin. Sumisipsip na ang babae ngayon ng lollipop. "Ano pa ang tutuluyan natin? Resort ba? May pool? Hala, paano iyan? Wala akong dalang swimsuit!"


"Hindi resort ang pupuntahan natin." Hindi ko na naipaliwanag dito dahil busy ito sa pagse-senti sa bus kanina.


"Pero may malapit na pasyalan?" Hindi pa rin bumababa ang excitement ni Bhing. "Lahat naman ng lugar may pasyalan. Malamang dito rin sa Bataan ay meron, kaya gumala tayo mamayang hapon!"


Nawala na sa akin na sagutin si Bhing dahil nakaramdam na naman ako ng init. Nagpapawis ako kahit wala pa namang araw dahil maaga pa. Kinuha ko na lang ang panyo sa bulsa.


Habang nagpupunas ng pawis ay napasulyap ulit ako kay El. Nakatingin na naman siya sa akin. Partikular sa pawisang leeg ko. Nahihiya ako na napayuko. Ang lamig-lamig ay pinapawisan ako, baka isipin niya ay dahil hindi ako naligo.


Nang makatapos na kumain ang lahat ay naglakad na kami papasok sa lugar papunta sa bahay ng mga Rubio. Tanda na namin ni El ang lugar. Bandang looban iyon. Mapuno at lampas nang kaunti sa ibang kabahayan.


"Sayang, di ko nadala iyong magandang camera ng mama ko!" ani Bhing. "Sana na-record natin itong first barkada outing natin!"


Barkada? Inulit ko sa isip ang salita. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na magkaroon ng barkada, dahil ako iyong klase ng hindi palakaibigan na tao.


Pero bakit bigla ay napakasaya ko yata? Bakit parang may sariling isip ang damdamin ko? Hindi ko na ito makontrol. Bigla na lang akong nakaramdam nang matinding saya.


Ano man ang dahilan nila sa pagsama, boredom man, kuryosidad, napilitan lang, o talagang nag-aalala sila, wala na akong pakialam pa. Basta masayang-masaya ako na nandito sila at kasama ko.


Nang tumingin ako kay Joachim ay matamis na nginitian ko ang lalaki. Para siyang nagulat na nagbawi agad ng tingin. Ah, ang cute. I-kiss ko kaya siya sa pisngi?


Napangiti ako lalo nang makitang namumula ang tainga ni Joachim. Hmn, puwede ko kaya siyang kagatin?


Napahagikhik ako habang naglalakad. Si Bhing na kasabay ko ay nagtataka na rin sa akin. Nginisihan ko lang ito. Basta, masayang-masaya talaga ako.


Sa mga oras na ito ay limot ko ang lahat ng bumabagabag sa akin, maging ang aking problema sa kalagayan ni Mama. Marami akong kasama. Hindi na ako nag-iisa.


At meron pa pala akong isang kaibigan. Nandito ang kaibigan na iyon sa Bataan na tiyak na matutuwa talaga sa aming pagbabalik. Ang binatilyong bulag na si Ekoy.


Ipapakilala ko si Ekoy sa iba pa. Nakikinita ko na ang excitement sa mukha nito dahil sabik ito sa kausap. Sa kadaldalan ay tiyak na makakasundo ni Ekoy si Bhing. Malamang na ang ingay-ingay nilang dalawa.


Pakikiusapan ko rin si Kit na pahiramin si Ekoy ng iPod. Mahilig kasi sa music ang binatilyo. Nakikinita ko na talaga ang tuwa nito. Lalo na tuloy akong na-excite sa mga naiisip kong senaryo.


Pagkarating namin sa bakuran ng bahay nina Sister Gelai ay saktong kalalabas lang ng madre. May hila-hila itong sako na laman ay tila mga lumang kagamitan. Nagulat ito nang makita kami.


Hindi ito naka-uniporme ngayon na pang-madre, walang suot na kwintas na krus sa dibdib, at walang kaayos-ayos ang nakasanayan kong maayos palagi nitong mahabang buhok. At ang mga mata nito, nanlalalaim at nangingitim. Pero hindi ko na iyon para pansinin, dahil nga masayang-masaya ako ngayon.


"Sister Gelai, kumusta po kayo?" Masigla na nauna akong lumapit dito. Napatingin ako sa hila-hila nitong sako. Mukhang bigat na bigat ito roon. "Bakit kayo po ang gumagawa niyan? Nasaan po si Ekoy?"


Imposible na nasa eskwelahan ang binatilyong bulag dahil Linggo.


"Sister, natutulog pa po ba si Ekoy?" nakangiting tanong ko pa. "Puwede po kaya na kami na ang gumising sa kanya? Malamang na masusurpresa iyon dahil hindi lang kami ni El ang—"


Nakayuko na umiling si Sister Gelai. "Wala si Ekoy..."


Nakangiti pa rin ako nang mahagip ng aking paningin ang tolda na nakatayo sa loob ng bakuran. Sa isang iglap ay nabura ang pagkakangiti ko. "S-sister, nasaan po si Ekoy?"


Nang mag-angat ang madre ng mukha ay pinangingiliran na ito ng luha sa mga mata. At ang kanina'y makulay na mundo ay biglang nagdilim nang sagutin niya ang tanong ko. "Kena, patay na si Ekoy. Patay na ang kaibigan niyo."


jfstories

#JFBOTCP

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 53.7K 48
Sabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinity and beyond? Maging kasing sweet pa rin...
49.7M 950K 73
│PUBLISHED│ Tigers #1 Kyle Shinwoo
42.9M 843K 83
"Break na 'yan sa Sabado!"
15.8M 195K 61
sa tatlong taong nakalipas, maari nga kayang madaming nagbago? maari kayang makalimutan ang mga dating pinagsamahan? pwede din kayang nagtanim siya n...