CAPITULO 25 - Trip

38.3K 2.2K 1.5K
                                    

CAPITULO 25 


NOBODY KNOWS, JUST WHY WE'RE HERE... ♪♫b


Madilim na ang buong bus. Ang tanging ilaw lang ay iyong sa unahan na maliit na kulay pulang parang Christmas lights. Umuugong ang umaandar na makina na sinasabayan ng tugtog sa lumang stereo. Ang kanta ay You'll Be Safe Here ng bandang Rivermaya.


Close your eyes, dry your tears

'Cause when nothing seems clear

You'll be safe here from the sheer weight

Of your doubts and fears

Weary heart, you'll be safe here...


Napangiti ako dahil bigla kong naalala si Ekoy. Iyon ang huling tugtog na pinapakinggan nito sa radio sa Bataan.


Napalis lang ang aking ngiti nang magbalik sa akin na katabi ko sa upuan si Joachim. Nang tumingin ako sa kanya ay hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa unahan. Inalis niya ang suot na sombrelo dahilan para bumagsak ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng kanyang noo.


Bakit nga ba siya nandito? Wala siyang kibo na nakahalukipkip sa tabi ko.


Ang awkward na ayaw kong makagawa ng kahit anong ingay, pero ipinahamak ako ng aking tiyan. Biglang tumunog. Wala kasi akong gana kaya kaunti lang ang aking nakain kaninang hapunan.


Nang may umakyat sa bus para magtinda ng mineral water at itlog ng pugo ay tinawag ni Joachim ang tindero. Naglabas siya ng purse at bumili ng isang balot ng pugo at dalawang mineral water. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang walang salita na iabot niya sa akin ang isang plastic na bote ng mineral.


Si Bhing sa kabilang tabi ko ay nakangiti at akmang kukunin ang isang bote ng mineral, "thank you," anito, pero binuksan ni Joachim ang isang bote at ininom nang walang pasabi.


Bumagsak ang kamay ni Bhing sa kandungan ko. Napahiya na nakangusong nagbalik ito ng tingin sa bintana. "Hmp, akala ko para sa akin. May pinagmanahan pala talaga ang bunso niyo."


Siniko ko si Bhing. "Hati na lang tayo rito sa tubig ko," bulong ko rito.


Napasinghot ako nang maamoy ang aroma ng pugo na hawak ni Joachim. Kumakalam ang tiyan ko at nababanguhan ako sa pagkain, subalit hindi talaga sa punto na gutom na gutom ako. Maraming pagkakataon nitong linggong ito na talagang bihira akong makaramdam ng gutom.


Bihira din ako na mauhaw, mapagod, o antukin. Taliwas sa itsura ko na namumutla na, nangangalumata, at nanunuyo ang mga labi. Epekto siguro ng stress sa kalagayan ni Mama.


Kaya naman pala langhap na langhap ko ang pugo dahil nagbabalat pala si Joachim. Napatitig ako sa mahahabang daliri niya at malilinis na kuko na tumutuklap sa balat ng maliit na itlog. Sa aking pagkurap ay nasa harapan na iyon ng mukha ko. Ibinibigay niya sa akin ang kanyang binalatang itlog ng pugo?


Tinanggap ko na lang kaysa mag-isip ng sasabihin kung sakaling tatangi ako. Isinubo ko nang buo ang maliit na itlog. Ah, masarap. Gutom nga yata talaga ako.

Beware of the Class PresidentWhere stories live. Discover now