Alter The Game

By beeyotch

1.5M 51.1K 22.7K

(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drow... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 12

26.2K 1.1K 549
By beeyotch

Chapter 12

Pagkatapos namin magreview ni Niko ay todo pasalamat siya sa akin. Gusto ko siyang biruin na kung talagang thankful siya ay ibigay niya sa akin iyong Jeep niya... kaso 'di naman kami ganoon ka-close. Next time siguro.

Pagdating ko sa bahay, nag-isip ako kung itetext ko ba si Atty. Marroquin. Ano kaya problema nun sa 'kin? Kasi sigurado naman ako na nakita ko siya. Sigurado din ako na hindi naman siya banlag. Hindi rin naman ako invisible.

Kung hindi lang talaga malapit na ang midterms ay 'di ko siya itetext. Kairita kaya mag-isip kung may ginawa ba akong kasalanan? Ibabacktrack ko pa lahat ng ginawa at sinabi ko. Bakit hindi na lang ako diretsuhin kung may problema o anuman? Ganyan din kasi ako nung high school tapos sinabihan ako na nakaka-ubos ako ng energy.

Totoo nga palang nakaka-ubos ng energy iyong mga ganitong tao...

'Knock knock,' ang una kong text sa kanya para 'di naman masyadong seryoso. Habang naghihintay ako ng reply sa kanya ay pinaalalahanan ko ang sarili ko na pilosopo ang taong ito kaya habaan ko ang pasensya.

'What?'

'Wrong. Ang tamang reply ay 'who's there?''

'Okay.'

'May problema ka ba sa 'kin?' tanong ko sa kanya. Dapat nga ang itetext ko ay kung may problema ba kami kaso... parang mali.

Once again, taena talaga si Mauve! Kita ng magmimidterms na ako tapos papasukan ng ganito utak ko!

'Wala naman.'

'Ah okay. Akala ko lang kasi nakita mo ko kanina sa coffee shop tapos di mo ako pinansin.'

Aba sinabi ko na sa kanya. Dami-dami ko ng iniisip, idadagdag ko pa ba 'to? At least alam niya na napansin ko 'yon.

'Yeah I know.'

'Di ka man lang nag-hi.'

'You were with someone.'

'Classmate ko.'

'Niko,' text niya na parang sure siya na si Niko ang kasama ko. Kilala niya ba si Niko? Gusto ko sana siyang tuksuhin na iniistalk niya rin ako kaya lang parang hindi ito ang tamang time and mood. Saka na kapag hindi nakasalalay sa kanya ang aking midterm grades.

'Yup. Tinuro ko lang sa kanya yung tinuro mo. Feel ko naman tama????'

Once again, napunta na naman ako sa read zone. Ayoko talaga napupunta sa read zone. Mas gusto ko pa na 'di mo binuksan iyong message ko at sinilip mo na lang sa notif. Ang aggressive nung dating na binuksan mo pero 'di mo nireplyan. Para bang power move?

Kung anu-ano na naiisip ko.

Dahil malapit na talaga ang midterms at hindi pwedeng ganito ang iniisip ko (plus dapat malaman ko na kung hinto na ba ang tutoring session namin dahil kung oo ay kailangan ko ng magpanic), tinawagan ko na siya sa FaceTime.

Agad na sumalubong sa akin iyong naka-kunot niyang noo.

"Ano?" parang tanga na sagot niya sa akin. Mukhang umuwi na siya sa condo dahil iyon ang nakikita ko sa background niya. Naka-suot siya ng white shirt tapos ay naka-salamin din. Baka nagbabasa. Usually kasi 'di naman naka-salamin 'to.

"Sungit naman nito," sabi ko.

Mas lumalim lang ang pagkunot ng noo niya. 'Di na talaga ako magtataka kung mukha na 'tong lolo pagtuntong niya ng 40 years old. Puro kunot-noo, e.

"Bakit ka tumawag?"

"Tuturuan mo pa rin ba ako?" diretsong tanong ko na wala ng paliguy-ligoy pa.

"Yan lang kaya ka tumawag?"

Tumango ako. "Ano ba pa itatawag ko sa 'yo?"

Naka-tingin siya sa akin na bahagyang naka-kunot ang noo kaya kinunutan ko rin siya ng noo. Ano ba trip nito? Parang okay naman kagabi tapos biglang may topak na naman? Masyado namang maaga para maging menopausal siya?

"Fine," sabi niya na parang pinag-isipan pa niya nang mabuti kung itutuloy niya ang outreach program niya.

Ngumisi ako. "Salamat!" sagot ko.

Medyo naiinis din ako sa pabago-bago na mood swings niya pero ayoko siyang sabayan. Kapagod. Bahala siya d'yan. Basta ang bago kong motto sa tao na 'to ay unless sabihin niya directly sa akin na may problema siya o kung anuman, chill lang ako. Masyado na akong maraming iniisip para isama ko pa ang pabago-bago niyang mood doon.

"Zoom na lang ba?" tanong ko kasi originally lunch kami pero umuwi na siya.

"Sumasakit nga mata ko," sagot niya.

"Fine... Saan ba? 'Wag malayo. Kakatamad magcommute."

Umirap siya. "Nanghihingi ka na naman ng Gcash?"

Inirapan ko rin siya. "Bibigyan mo ba ako?"

Sumandal siya sa may paanan ng couch niya. Nakaupo kasi siya sa sahig. Mukhang doon siya nagta-trabaho o kung anuman ang ginagawa niya. Sinuklay niya rin iyong buhok niya gamit ang mga kamay.

"Tinatamad akong magdrive," sabi niya.

"Di naman kita pinagddrive," sagot ko.

"Sendan kita ng Grab," sagot niya. "Nakakahiya naman sa 'yo. Baka mainitan ka sa commute," sabi niya na ramdam na ramdam ko iyong sarcasm.

Nagka-jowa na kaya iyong taong 'to? Kung meron man, sigurado ako na nakapa-haba ng pasensya ng taong 'yon... Kasi paano niya natatagalan 'tong si Atty. Marroquin? Madalas parang ang sarap niya itapon sa ilog!

"Siguraduhin mo lang na naka-charge 'yan sa credit card mo at baka bigla akong pagbayarin ng cash. Layo-layo ng condo mo."

Binwisit pa ako ni Atty. Marroquin. Kinailangan ko na na tapusin iyong FaceTime dahil malapit ko ng i-google kung paano ko siya masasakal through the phone.

Agad akong nag-ayos nung nagsend siya sa kin ng tracking link nung grab.

'Ito na, mahal na prinsipe.'

'Di yan cash ha!'

'Hindi pero dala kang cash just in case.'

Lecheng 'to! Ang layo nung condo niya tapos naka-grab ako?! Tapos baka ako pa pagbayarin? Hamak na working student lang ako! Sana pinag-Angkas niya na lang ako!

Dahil wala akong tiwala kay Atty. Marroquin, pagdating na pagdating pa lang nung sasakyan ay tinanong ko agad kung bayad na ba 'yon. Bayad naman daw. Salamat naman kasi nung tinanong ko kung magkano, almost 700 pesos kasi rush hour!

Grabe... maging Valedictorian na rin kaya ako gaya niya para sa future ay afford ko na iyong condo niya sa 42nd floor at 700 pesos na Grab ride?

Pagdating ko sa condo niya ay nag-log-in ako sa guest book. Dumiretso na ako sa elevator dahil naitawag na pala ni Atty. Marroquin na dadating ako. Malamang kasi tamad 'yon. Asa pa ako na babain niya ako sa lobby para sunduin.

Pagpasok ko sa condo niya, agad akong nakaramdam ng gutom kahit busog pa naman ako roon sa sandwich na nilibre ni Niko.

"Magoovernight ka ba dito?" tanong niya na may weird expression sa mukha. Baka natatae siya.

"Laptop saka notebook at reviewer," sabi ko kasi nakatingin siya sa backpack ko. Bahagya siyang tumango. "Kasama ba ako sa lunch mo o papanoorin lang kita?"

He gave me a deadpan look. Kasalanan niya 'yan—sa sobrang pilosopo niya sa akin ay parang naka-program na ako na naka-defense mode kapag kaharap ko siya. Dapat lagi akong may baon kapag binara niya ako. 'Di ako papatalo.

"Ano'ng lunch natin?" tanong ko habang pumasok na ako sa condo niya. Inilagay ko iyong bag ko doon sa may sahig na may carpet.

"Roasted chicken with roasted potatoes," sagot niya habang kinukuha iyong manok sa may oven. Nang makuha niya iyon ay pinatong niya sa may stove. Tumingin siya sa akin. "Baka gusto mong maglagay ng mga plato."

"Bisita ako. 'Di ba dapat pagsilbihan mo ako?"

"Parang utang na loob ko pa na papakainin kita ng lunch."

"Parang ganon na nga."

Umiling lang siya ng konti sa akin. "Nandon sa cabinet 'yung mga plato tapos nandito sa drawer 'yung utensils," sabi niya. "Don sa cabinet na katabi 'yung placemat."

Dahil mukhang masarap iyong luto niya at baka magbago pa ang isip niya at ipagkait sa akin, nagsimula na akong mag-ayos ng lamesa. Inilagay ko doon iyong placemat, plato, saka utensils. Naglagay na rin ako ng baso dahil baka isumbat niya pa sa akin 'yon.

"What do you want?" tanong niya habang hinihiwa iyong manok.

"Thighs saka wings," sabi ko. "Saka balat na rin kung ayaw mo ng balat."

For a change, wala na siyang panunumbat na sinabi sa akin. Napa-tingin kasi ako kasi baka biglang nawalan na siya ng bibig dahil parang lagi siyang may sinasabi. Naka-focus siya sa pagcacarve nung manok. Bahagyang naka-kunot iyong noo niya. Ang seryoso naman nito masyado... At dahil nagcacarve siya, napansin ko na maganda pala biceps nito. Naggygym siguro. San kaya nakaka-hanap ng oras? Kulang pa ba ang mga kaso sa docket ng courts?

"Thank you," sagot ko nang ilagay niya iyong manok sa plato ko. "Bawal 'yung balat?"

Tumingin siya sa akin. "Okay na 'yan. 'Di healthy."

"May kapatid naman akong doctor."

Napailing lang ulit siya sa akin at hindi pa rin ako binigyan ng balat. Grabe, damot!

Tahimik lang akong kumain at 'di ko na siya pinansin kahit nararamdaman ko na patingin-tingin siya sa akin. Nasa isip niya siguro na patay-gutom ako. Grabe, hindi naman! May pagkain naman sa bahay namin. Kumakain naman ako nang maayos most of the time. Kapag gabi lang after class, kung ano lang maisipan kong bilhin sa 711 ang kinakain ko.

"Thanks sa pagkain," sabi ko nung finally ay matapos na ako. Sarap talaga nito magluto! Masarap din kaya siya magbake? Paringgan ko kaya?

He just gave me a small nod tapos ay nagsimula siyang magligpit ng pinagkainan. Nahiya naman ako kaya kinuha ko iyong plato niya.

"Ako na," sabi ko sa kanya.

"Okay," sabi niya na hindi man lang sinabi sa akin na 'Maupo ka na doon. Bisita ka. Ako na dito.'

Iniwanan niya ako roon para linisin iyong lamesa. Ni hindi man lang siya nag-abala na ituro sa akin kung nasaan iyong dishrack. Talagang hinayaan niya lang ako na alamin kung nasaan ang mga bagay-bagay habang nandon na siya sa couch at may ginagawa sa laptop niya.

Dahil baka isumbat niya pa sa akin, nilinis ko na rin iyong ginamit niya sa pagluluto. Akala ko naka-libre ako ng lunch pero may free labor pala na kapalit.

"Tapos ka na?" tanong niya sa akin nang naglakad ako papalapit sa kanya.

Tumango ako. "Tapos na po. Gusto mo magvacuum din ako?"

"Next time na. Marami ka pang aaralin," sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang mas natuwa lang siya.

For some reason ay parang kumportable siya roon sa may sahig kaya doon na rin ako naupo. Naka-patong sa coffeetable niya iyong laptop. In fairness ay may ginawa pa siyang presentation. Mukhang kulang pa ang pinapadala ni Tulfo na kaso sa opisina nila dahil may time pa siyang gumawa ng PPT.

"Isesend ko sa 'yo 'yung notes," sabi niya nang maglabas ako ng notebook.

"Alam ko pero mas matatandaan ko kapag nagtakedown ako ng sarili kong notes," sagot ko sa kanya.

"Fine," sabi niya. "Kapag may hindi ka maintindihan, paulit mo sa 'kin."

Tumango ako. "Kung pwede, 'yung example na hindi complicated."

"I know."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kasi mas madaling intindihin!"

He shrugged. "May sinabi ba akong iba."

"Kilala na kita—sasabihin mo na mas kayang i-process ng utak ko 'yung mas simpleng example."

"Wala akong sinabi na ganon," he said in a familiar yet annoying way.

Nagsimula na siyang magturo. English iyong mga provision, of course, pero kapag ineexplain niya sa akin ay naka-Tagalog siya. Ang galing niya din talagang magbigay ng example. Kung pwede lang i-record ko tapos i-transcribe tapos ibenta as Oblicon For Dummies. Pakiramdam ko ay makaka-tulong iyon sa pangarap ko na maka-bili ng condo dito.

Habang nasa kalagitnaan siya ng pagdidiscuss ay nag-vibrate iyong phone ko. Tumingin ako roon kasi minsan ay importante iyong text.

'Hey thanks a lot for earlier! Was wondering if you have another free time? No pressure!'

Kaka-tapos ko lang mabasa iyong message ni Niko doon sa notif bar nang mapa-tingin ako kay Atty. Marroquin na naka-tingin din pala sa akin.

"Sorry, may nag-text lang," sabi ko.

"Can you please focus on me?" bigla niyang tanong.

Nanlaki iyong mga mata ko. "Ha?"

"Can you please focus on me while I'm teaching?" sagot niya habang kita ko iyong dulo ng tenga niya na namumula. What the fuck? Focus on ano daw?!

**

This story is already at Chapter 15 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you! 

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...