Hearts In Tune

By skylieeewrites

40 0 0

"Hearts in Tune" Jake, a famous solo singer, gwapo, crush nang bayan pero ultimate snob at suplado. He is at... More

Prologue
Chapter 1- A Dream Come True
Chapter 2- Finally Home
Chapter 3- Misery or Destiny?
Chapter 4- Focus

Chapter 5- Hands Locked

5 0 0
By skylieeewrites

Third-Person POV

"Hi Dad!" Bungad ni Camille sa Daddy niya at dali-daling sinarado ang pintu-an ng room.

"Where's Mom?"
Tanong niya habang iniikot ang paningin sa kwarto.

"Sinundo niya sa school yung mga kapatid mo."

"Oh, I see. So, how are you feeling, po?"

"Better. How about you? How's your first day of being Jake's manager?"

Nilapag ng dalaga ang kaniyang bag na dala dala at humiga sa couch.

"Hays! Mas mahirap pa yata to kesa sa pag review ko for my PHD eh."

Umupo ito sa pagkakahiga at bumaling sa Dad niya.

"Ganyan ba talaga ugali niya, Dad? Pano ka nagtagal sa kaniya eh ang sungit-sungit niya." Pangusong sambit ng dalaga.

"Hindi naman, naninibago lang siguro sayo." May ngiting sabi ni Mike.

"Anong naninibago! Eh ayaw akong paiihin ng antipatikong yun sa banyo niya. Saan niya ko balak pagamitin ng CR eh hindi ko nga kabisado yung building except sa studio niya. Sumakit pa yung puson ko kakapigil."
Napa-buntong hininga nalang siya sa sobrang inis.

"Walang hiya talaga yon. Napaka-swapang, kala mo kung sino eh. Buti nalang dumating yung kaibigan niyang si Carl sinamahan akong maki-CR sa dressing room ng  girl group."

"Ikaw na muna mag-adjust sakanya. Medyo stressed lang siguro kase malapit na yung tour niya eh and hindi pa na sort out lahat. May pagka perfectionist din kase yan eh. Gusto niya lahat perfect and at place for all his performances." Pag-eexplain ng Dad niya.

"Eh bakit ako pag bubuntongan niya ng stress niya?" Naiinis na tugon ni Cam.

"Ako na humihingi ng tawad sa kanya. But please anak, bear with him." Sambit ni Dad na may konting pag mamakaawa sa boses.

At this point, wala talaga siyang choice. So, tumango nalang ito at ngumiti sa kanyang ama.

Pagkatapos dumalaw sa hospital ay dumiretso si Camille sa kanilang bahay.

Kumain lang ito nang hapunan at pagkatapos ay dumiretso na sa kanyang kwarto para magpahinga.

[Kinaumagahan.]

Cam's POV

*PHONE RINGING

"Urgh! Sino ba yan ang aga-aga."

/HEY, MISS ORIANA! NASAN KANA? ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA?! I HAVE A LOT OF SCHEDULES FOR TODAY TAPOS MAGPAPALATE KA DIYAN! GOSH! ANG AGA-AGA PINAPAINIT MO YUNG ULO KO. COME HERE, RIGHT NOW!/

Ouch! Parang mabibingi naman yata ako sa sigaw niya.

Pero, shacks! May trabaho pala ako. Late nako! Baka mapatay pa ako nang lalaking yon.

Dali-dali akong bumangon para mag-ayos papuntang studio at mabilis naman akong nakarating dito.

Nang akma ko nang pihitin ang doorknob ng pintuan ay siya namang pagbukas nito.

The door swung fast and hit the wall that caused me to be startled.

"Ay Tigreng Ungas!" gulat kong sambit.

"What are you standing there? Move! I'm already late for my freaking shoot!" Sumbat nito at sabay lakad palampas sakin.

Dali dali naman akong lumakad pasunod sa kanya.

"Andyan napo yung sasakyan sa labas. Pasensya na po kung nalate ako, di pa po kase ako sanay." Paliwanag ko sa kanya na hinahabol pa yung hininga.

"Edi sanayin mo sarili mo! Time wouldn't adjust to you, so do your job properly." Naiinis na bwelta nito sa akin.

May anger issues ba tong lalaking to? Parating galit.

"Yes, po." Mahinanong tugon ko sa kanya. Syempre ayoko naman ng gulo so akong nalang mag aadjust. Ako yung nalate ng gising eh.

Habang nasa sasakyan ay abala ako sa pag latag ng mga papeles sa upuan ng sasakyan para ayusin ang mga ito. Nasa backseat ako naka upo habang nasa front seat naman siya.

Mariin niya akong tinitigan sa rear view mirror.

"Urgh! Just put all those in an envelope, so messy. Be organized naman. Mawala pa mga yan dagdag hassle na naman!"

Galit na naman? Okay po ito na po liligpitin na. Napakawalang modo talagang tao to.

Habang inaayos ko ang mga papel ay biglang huminto ang sasakyan at nasubsub ako sa unahan. Napakapit ako sa baliktan niya dahilan para mabitawan ko ang mga papel na hawak at nagsiliparan ang mga ito.

"Sorry po ma'am, sir. May bigla po kasing nagovertake eh." Kinakabahang paliwanag ni Kuya Driver.

Binalingan ko si Jake ng tingin at umiwas naman ito at napa buntong hininga.

"Yan na nga sinasabe ko eh. Kanina pa kita sinasabihang ligpitin na yung mga papeles, nagkalat na tuloy dito sa sasakyan!" Halatang nagpipigil ng galit yung tono niya.

"Eto na po."
Dali dali kong kinolekta yung mga papel dahil sa sobrang taranta.

Malapit ko nang malokolekta lahat ng papel ng may isang pirasong naka ipit sa bandang kanan niya sa pintu an banda ng sasakyan.

Marahan ko itong inabot para kunin ng di namamalayang lumalamit na pala ang mukha namin sa isa't isa.

Bumungad sakin ang pabango nito with a hint of cedarwood and vetiver with warm amber and juicy grape notes.

Sinusubukan kong wag huminga sa sobrang lapit na namin ng bigla niyang kalasin ang papel sa tagiliran niya at pagalit na inabot sa akin.

"Here. Now go back to your seat, don't be clumsy."

Wow ha, clumsy? Ako ba may kasalanan na biglang pumreno si kuya driver? Kainis naman.

Bumalik ako sa kinauupu an ko at nagmasid masid nalang sa labas.

Tuluyan kaming nakarating sa aming destinasyon.

Nandito kami ngayon sa isang mountain resort kung saan gaganapin ang photoshoot ni Jake para sa teaser photos niya for his concert.

Mukhang kami nalang nga ang hininintay kase mukhang naka set up na ang lahat at nag aabang na ang lahat ng crews and staffs.

"We've been waiting for you, Mr. Vargaz." Saad ng isa sa mga Production Director.

"I'm really sorry, we just had an emergency." Bumaling ito sa akin at sinamaan ako ng tingin pagkatapos niya itong sambitin.

Grabe naman to makatingin. Edi, sorry.

"Okay, let's start!" Hudyat ng director.

"Ladies, faster please. Please do Mr. Vargaz' make up quickly, we don't have all day." Pagpapa alala nito sa mga make up artists ni Jake.

Umupo nalang ako sa tabi waiting for the atmosphere to calm down. Sobrang tense kase didto right now sa set. Lahat mukhang busy at nagmamadali.

"Hey Miss!" Tawag ng lalaking may hawak na camera sa akin.

"Ako?" Baling ko sakanya sabay turo sa sarili ko.

"Yes, you. Come here and help fix Jake's polo so that it'll look good in the pictures."

I'm also a photographer myself, so I know that everything should be at place and looking nice before taking the perfect photo.

I hastily walked towards Mr. Vargaz and reached out for his polo.

"He said fix, baka mas gulohin mo pa." Pataray na sambit nang mokong.

"I am trying po. Just stay put and let me do the job." Walang modong sabi ko sakanya.

Grabe naman pati sa pag ayos ng polo niya, di niya ako mapagkakatiwalaan? Yabang mong kumag ka ah.

I went back to my seat and just watched the shoot go on.

One of the concepts of his shoot is to sit in a picnic clothe with foods and with a dog beside him.

I scanned the pictures they took, and it looks boring. Walang kabuhay buhay. Nilagay lang nila yung aso sa tabi ni Jake tsaka kumuha nang larawab. I knew I had to butt in and speak out my suggestions.

"I think he can like lay down and hold the dog up with his two hands something like a pet and owner bonding so the pictures won't look dull."
I said while trying to explain my point.

"Yeah, that sounds nice. We could do that." The director replied na siya namang ikinangisi ko.

Hindi ata nasiyahan ang ungas kase napakamot ng ulo na parang tinatamad.

"So, can you guide Mr. Vargaz on what to do, Miss...?"

"Camille."

"Okay, Miss Camille. Would you do the honor?"

I just smiled and nodded.

Anong honor? Baka mabatukan kopa to eh.

I stepped closer and kneeled down in front of him.

"Higa na po." Mahina kong tugon sa kanya.

"Ano pa kasing kaartihan to!"

"Sumunod nalang po kayo kung gusto nyong matapos na toh. Lahat naman po tayo nagmamadali na dito." Pagpapaliwanag ko sakanya.

"Kung hindi kasi nalate kanin-"
"Ano ba?!"

Bulalas nito ng hindi ko pinatapos ang sinasabi niya at bigla itong hinawakan sa magkabilang balikat para pwersahang pahigain.

Tumingin ito sa akin ng masama pero nginitian ko lang siya ng sarkastiko.

Kinuha ko kaagad ang aso at dahan dahang inabot sa mga kamay niya.

Inabot niya ito mula sa akin at pareho kami ngayong naka akay sa aso.

Yun nga lang yung mga kamay niya ay sakin nakahawak.

Nabigla kaming pareho at tila di  makagalaw at di alam ang gagawin.

Continue Reading

You'll Also Like

191K 5.2K 96
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
3.8M 113K 64
‼️ FOLLOW DULU SEBELUM BACA ‼️ Sesama anak tunggal kaya raya yang di satukan dalam sebuah ikatan sakral? *** "Lo nyuruh gue buat berhenti ngerokok...
3M 246K 54
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
2M 56.7K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...