BEATRIZ
I just arrived in the US. I got here early in the morning. Ilang oras na rin kaming walang communication ni Jho mula pa kaninang first layover ko
Hindi ako galit sa kanya pero galit ako sa ginawa niya. How could she lie to me? Tapos sinama pa niya mga bata sa dinner nila
Nag uber lang ako papunta sa bahay namin dito. I actually bought the house I'm staying in para if ever pumunta yung pamilya ko dito ay magiging komportable sila
Habang nasa biyahe ako ay nag send ako ng message sa secretary ko
Bea: I'll be in the office at 7am sharp.
Ms. Viray: Ok boss
Ms. Viray: There is nothing much to do in the office naman po. Isn't it better if you take a rest po muna and pumasok nalang kayo tomorrow? Hehe
Alam niya kase na ngayon ang dating ko dito sa US
Bea: I did not ask for your opinion, Ms. Viray.
Ms. Viray: Ay sorry po. I'll see you po later 🙂
"Pakialam mo ba sa personal na buhay ko?" sabi ko habang binabackread ang sinabi niya
JHOANA
Wala nang paramdam sa'kin si Bea, pero alam kong nakarating na siya sa US. Sana lang safe siyang naka-uwi
We are currently eating dinner; usual dinner dito sa bahay
"Momma, can we call dada before we go to sleep later?" Nolan
Hindi sila nakapag-usap ng dada niya nung huling call kasi na busy siya sa panonood
"Your dada is busy anak eh, kaya sorry we can't"
"But momma, you told me that we'll call dada when he arrives in the US" Nolan
"Nolan, just follow what I say, okay? If I tell you that we can't call your dada, we won't call your dada. Do you understand?" strikto kong sabi
"Okay momma" malungkot na tugon ni Nolan at tahimik na itong kumain
Wala akong gana kumain, kaya tumayo ako at bibilinin ko nga si yaya at manang
"Manang, yaya, pakiasikaso nalang mga bata ha? Dalhin niyo nalang sila sa kwarto 'pag nakabihis na sila ng pantulog, salamat"
"Sige po" manang at yaya
Pumunta na ako sa room at deretsong nag half-bath. Then deretso na rin ako sa office desk namin ni Bea, may gagawin pa akong proposal eh
Habang abala ako sa trabaho ko ay hindi ko maalis-alis sa isip ko si Beatriz. Hindi niya man lang kami magawang kumustahin kahit yung mga bata nalang at kahit hindi na ako
Pero wala eh, walang paramdam. Kaya niya kaming tiisin
20 minutes later
"Tangina" I cursed
Wala pati 'tong ginagawa kong trabaho nagka malas-malas na rin. Mali yung ginawa ko
I sent a message to Baham
Jho: Good evening, Baham! Sorry, I think I can't make the proposal until tomorrow, something's up lang kase
Instantly, I got a reply
Bea ko: Wrongly sent
Halos matumba na ako sa kinauupuan ko nang pangalan ni Bea ang nag notif
Bakit ba kasi magkaparehas na B yung starting letter ng names nila dito sa contacts koooo arghh
Nag reply naman ako
Jho: Ahh pasensya sa istorbo.
Seen
"Wow ha, seen. Galing!"
"Momma? Who are you talking with?" Nolan
Nagulat nalang ako nang magsalita si Nolan, nasa bed na pala sila ni Bella. Hindi ko namalayan na nandito na pala sila
"Nothing baby"
Iniwan ko muna yung ginagawa ko at papatulugin ko pa ang mga bata
BEATRIZ
"Boss, the board meeting is over" paalala ni Caitlin
I called for a board meeting kanina para may updates naman ako, at para na rin ma occupy ako. Hindi ko maalis sa isip ko si Jho eh
"H-ha? I-is it done?"
"Yes boss" Caitlin
"Okay"
Kami nalang ni Caitlin ang nandito. Hindi ko namalayan na nakaalis na pala silang lahat
I checked my phone ulit, nagbabaka sakaling ma wrong send ulit si Jho. Kahit wrong send lang siya ok na sa'kin, makita ko lang ang pangalan niya sa phone ko. Pero wala na, her last message was no longer followed
I left the board meeting room as Caitlin followed me. Hawak niya kasi mga file documents
Pagpasok namin sa office ko, inilapag niya ng maayos ang mga papers sa desk ko. Akmang aalis na siya nang magsalita ako
"Wait"
"Boss?" Caitlin
Kinuha ko yung isang bag na punong-puno ng pasalubong at binigay yun sa kanya
"That's yours"
"A-ano po 'to, boss?" Caitlin
"Obviously, pasalubong"
"Hehe t-thank you po" nahihiyang sabi ni Caitlin
"Sa'yo lang yan, don't share it. May binigay na ako sa iba"
"Okay boss" Caitlin nods
"Okay uhhh, you may leave my office"
She then left my office.
I thought of giving her a lot of pasalubong as a sign of my thank you na rin, kasi alam kong marami siyang ginawang trabaho habang wala ako. Tapos she maintained my office clean din at hind ko 'to inasahan which is what I'm very thankful for
JHOANA
Nasa site na ako ngayon, kasama si Baham
"Jho, kumusta naman si Nico?" Baham
"Ha? Ba't mo sa'kin tinatanong?"
"Diba magkasama lang kayo kagabi" Baham
"Sa dinner lang yun, tsaka kasama naman si Carlota"
"Hmmm parang bad mood ngayon si Architect Jhoana de Leon ah" Baham
"Ka stress mag trabaho, hindi ko pa tapos yung proposal natin. Nagka sabay-sabay na lahat ng problema haay"
"Sabay-sabay? Bakit?" Baham
"Nanay ba kita? Ba't ka ba tanong nang tanong?"
"Bad mood ka nga......makapag order na nga lang ng lunch" Baham
Dito kami sa site kakain ng lunch kasi hassle pa kung lalabas pa kami tapos babalik din naman
"Gusto ko chicken"
"Oh order ka ng sa'yo" Baham
Napahampas ako sa kanya, nantitrip pa eh
"Ouch haha, joke lang. Eto na nga oh, oorder na ng chicken" Baham
I miss Bea already 😔. Kumusta na kaya asawa ko? Iniisip niya kaya kami?
BEATRIZ
"San banda?"
"Ayun po sa street na yun oh" Caitlin points
Hinahatid ko si Caitlin sa apartment niya. Nag overtime kasi kami kanina sa trabaho, kawawa naman kung mag uuber pa lalo na't gabi na
Nang matuntong namin ang small apartment niya ay bumaba na siya ng car dala yung mga gamit niya at yung bag full of pasalubong, then bumaba rin ako para ihatid siya sa door
She's struggling sa pagbukas ng door kasi hindi niya maipasok-pasok yung key
"Hold on, I'll open my flashlight" sabi ko at binuksan ang flashlight ng phone ko
But still, nag sstruggle pa rin siya kasi marami siyang bitbit
"Akin na nga"
Kinuha ko yung office bag niya at sinuot then ako na rin naghawak lahat ng mga dala niya
Kaya she was able to open the door na
"Pasok ka po" Caitlin
Pumasok ako tapos pinatong sa table sa sala yung mga gamit niya
"Pasensya po maliit lang 'tong apartment hehe. Gusto mo po kape or tubig? Kukuhaan po kita" Caitlin
"No, no need"
I took a deep breath. Kanina ko pa kasi iniisip yung pagsusungit ko sa kanya, bad mood lang talaga ako kaya nadamay siya
"This has been bothering me since a while ago. I want to apologize for how I treated you. You know what I'm talking about, Cait. It's just that may problema lang kami ng asawa ko, kaya medyo bad mood ako? I'm sorry"
"Ok lang po yun, naiintindihan po kita. Inisip ko rin na baka pagod ka lang sa biyahe kaya ganon" Caitlin
"Yup, isama mo na yun"
"Hehe sana po maayos niyo na agad yung problema niyo ng misis mo" Caitlin
"Wala eh, ayaw yata akong kausapin. Malas ko naman na ngayong kakadating ko palang dito, away agad"
"Lambingin mo po, baka sakaling lumambot hehe" Caitlin
Napangiti ako sa advice niya haha
"Tignan ko kung kaya ko. Pero Caitlin, mauuna na ako. I really need to rest, I feel exhausted today"
"Ay pano po kung dumito ka muna? If okay lang po sa'yo? Medyo malayo pa kasi biyahe mo eh" Caitlin asks concerning
I can see it in her eyes that she's concerned about me.
I feel very tired; I need a home. I need my wife.
~~~~~
A/N: I apologize for any grammar errors you may have noticed. :)