JHOANA
Habang binibihisan ko si Nolan ay umiiyak na naman siya. Nag reready na kasi kami dahil maya-maya ay dadating na si Nico. Nandito rin pala si Carly, isasama ko siya sa dinner namin
"Sure ka Jho, ilalabas natin si Nolan ng ganito? Baka mas maganda kung wag na muna siya ilabas?" Carly's concern
"Gusto ko kasing ma unwind siya. Kung dito lang kami sa bahay, wala, kada sulok ng bahay maaalala niya lang dada niya"
*someone's knocking at the door*
"Ako na Jho" Carly at binuksan niya ang pinto ng kwarto ni Nolan
"Ma'am nasa sala na po si sir Nico" manang
"Ah ganun ba manang. Sige uh, Carly kunin mo na si Bella, mauna na kayo sa baba"
"Okkk" Carly
Binuhat ni Carly ang cute na si Bella na naglalaro sa bed ng kuya Nolan niya
"Hmmmm nanggigil ako sa'yo, paka cute mong bata ka" Carly at pinanggigilan yung anak ko jusko
Then bumaba na sila pareho
"M...momma?" Nolan sobs
"Yes anak?"
"I m...miss dada very m...much" Nolan sobs
"I know anak, I know. I'm sorry if you have to go through this" sabi ko sabay hawak sa face niya and rub my thumb sa cheeks niya
Bakit ko pa kasi pinayagan si Beatriz sa business collaboration na yun? 🤦♀️
CARLY
Nag didinner na kami ngayon sa labas. Ang sarap kumain grabe, lalo na 'pag libre haha
"Excuse me, cr lang ako" sabi ni Nico samin
"Ok" Jho nodded
"Wait tito Nico, did you say cr?" Nolan
"Yes, why buddy?" Nico
"Can I come with you, tito? Momma, can I go with tito Nico? I want to pee" Nolan
"Ok baby" Jho
"Let's go, buddy" Nico to Nolan
Sinabay na ni Nico si Nolan papunta sa cr. Si Bella naman ay tahimik na nanonood sa cellphone ni Jho habang pinapakain
"Jho, buti pumayag si Bea dito? Himala ah" sabi ko sabay subo ng food
Jho sighed
"Teka, wag mong sabihin....."
"Oo, hindi niya alam" Jho
"Gaga ka, nahihibang kana ba? Hindi ka nagpapaalam sa asawa mo? Or kahit konting pasabi man lang?"
I can't believe this. Nako kung hindi ako sinama ni Jho edi sana nagmuka na silang pamilya ni Nico jusko
"Kilala mo naman si Bea diba? Madaling magselos, ayoko lang na mauwi na naman lahat sa away, tapos magtatampo" Jho
"Oh alam mo naman pala? Jho, sa ginagawa mo ngayon, hindi mo ba naisip na mauuwi at mauuwi ito sa pag-aaway niyo?"
"Eh kasi nakakahiyang tumanggi kay Nics. Alam mong mabait siya samin ng mga anak ko" Jho
"Pag si Nico, Jho, sinasabi ko sa'yo. 'Pag yun nahulog sa'yo"
"Gaga, pinagsasabi mo diyan. Magkaibigan lang kami. Isa pa, sa tingin mo magagawa kong lokohin si Beatriz?" Jho
"Eh hindi lang natin alam"
"Mahal ko asawa ko, Carly. Siya lang" Jho
"Naks haha. Oh sha sige na, kumbinsido na ako"
Ganito naman talaga kasi si Jho, malapit sa kahit na sino. Gaya rin ni Baham, close rin sila.
BEATRIZ
Nasa layover ako ngayon, kaya may time ako to check for updates sa phone ko
Agad akong nag message kay Jho syempre
Bea: Hi love! Nasa layover ako now hehe. Kumusta na kayo? I miss you already, love
Bea: And the kids also! 😂
Wala pang reply si Jho, baka nagpapahinga na sila. Nasa 9pm na siguro yung oras sa Pilipinas ngayon
Habang naghihintay ako ng reply ni Jho ay nag ig muna ako. While watching ig stories, bigla kong na view yung ig story ni Carly
*a video kung saan nasa labas sila nag didinner, kumakain sila kasama yung kids and Jho*
But I think I heard that Jho is talking to someone who is clearly not Carly, and then the voice that Jho is talking to sounds like a lalake?
"Hindi man lang nagsabe na lalabas sila" sabi ko sa sarili ko
I sighed
Hindi ko maalis sa isip ko kung sino yung kausap ni Jho. Sana lang waiter yung kausap niya
Pero para mapanatag ako ay nag reply ako sa ig story ni Carly
@_beadel: Hey, Carly! Kumusta?
She replied immediately
@carlyhernandez: Eto busog na busog haha. Anong meron?
@_beadel: I just wanted to ask kung kumusta yung dinner niyo with Jho and the kids?
@carlyhernandez: Super busog, nag-enjoy yung mga bata
@_beadel: Kayong apat lang ba yung lumabas?
It took a while bago makapag reply si Carly, kaya kinabahan na ako
@carlyhernandez: Hindi, kasama namin si Nico hehe
@_beadel: Ah ok, sige salamat.
JHOANA
"Momma! Momma! Wake uppp, dada's calling momma" paggising ni Nolan sa'kin
Nako nakatulog ako sa kakabantay sa kanya sa panonood ng tv. Bella is already sleeping next to me pero si Nolan ay nanonood pa ng tv, nandito kasi sila sa bedroom namin ng dada nila
"Ha? Ay oo nga, nasa layover siguro siya" sabi ko habang ina-aninag pa ang nag riring kong cellphone
I answered Bea's video call
*Jho and Bea's video call*
"Hi love, kumusta? Kumain ka na ba? Sorry nakatulog ako ha? I forgot to text you, sorry" sunod-sunod kong sabi
Dim dito sa room kaya hindi ako makita masyado sa video call. But Bea doesn't seem to have a good aura
*Bea sighed* "Where have you been, love?" Bea
"Ha?" sabi ko
"Saan kayo pumunta?" Bea at medyo iba na ang tono ng boses niya, pero hindi naman yung galit
Okay sasabihin ko na, hindi dapat ako naglilihim sa asawa ko
"Ah kanina pala love, nag dinner lang kami sa labas"
"Okay? Who were you with?" Bea
"Sinama ko si Carly........tapos love, uhmmm....si Nico kasi yung nag-aya ng dinner"
"Nico" Bea
"Mm mm"
"Kung hindi ba ako nagtanong, you wouldn't have told me that you went out with Nico?" Bea at hindi na talaga maganda yung tono ng boses niya
"Love, eto kana naman"
"Anong eto na naman? You are going out with a guy nang hindi ko alam, Jho" Bea
"Anong mali don? Kaibigan ko yung tao, love, at isa pa kasama naman namin si Carly"
"Or sinama mo lang siya para hindi ka ma guilty" Bea
"Guilty saan? Bakit ako maguguilty? Saan na naman ba nanggagaling mga pinagsasabi mo, Beatriz?"
"Jho, linoloko mo ba ako?" Bea
"Linoloko?! Hindi!"
Bumangon ako sa kama dahil napalakas ang boses ko, baka kung ano pa ang isipin ni Nolan samin ng dada niya
"Anak, watch your sister sleep, okay? I'll just go to the balcony" sabi ko kay Nolan na busy sa panonood
"Okay momma" Nolan
May unan naman sa tabi ni Bella kaya safe pa rin siya
Nang nasa balcony na ako ng room ay nagsalita si Bea sa phone
"Ayaw mong iparinig sa bata na linoloko mo ako?" Bea
"Hindi ka ba titigil diyan, Beatriz? Kung iniisip mong linoloko kita, edi sige. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin"
*call ended*
Pinatayan niya ako ng call.
Eto na nga ba sinasabi ko
"Paano niya iisipin na niloloko ko siya?" sabi ko sa hangin
For God's sake, hinding-hindi ko ipagpapalit ang asawa ko. No matter what trials we go through, sa kanya pa rin ako lagi
Dahil mahal ko si Bea at ng mga anak namin.
~~~~~
A/N: I apologize for any grammar errors you may have noticed. :)