Chase and Ace (The Art of Lif...

By niteskye

191 9 1

The Art of Life #3 Date Posted: October 30, 2023 More

Chase and Ace

2 Days After

67 4 1
By niteskye

"Dahil sa 'yo. Dahil sa 'yo, Jayce!" Her voice echoed.

Nanghihina ko siyang sinubukang abutin. My lips parted when she brushed my hand off and took a step back.

Tinawag ko ang pangalan niya at lumapit. Sinubukan ko siyang abutin ulit pero abo na lang at hangin ang dumampi sa kamay ko.

"Anak!"

Gulat akong napamulat ng mga mata, malalim ang mga paghinga. Tumambad sa akin ang puting kisame.

Naramdaman ko ang mainit na hawak sa kamay ko. Paglingon ko ay nakita ko si mama. Lumingon pa ako sa paligid at nakita ang iilang mga kaibigan at mga kapatid.

"Ace. . ." napapaos na tawag ko.

Lumapit ang iilan sa akin.

"Ace. . ." Hinanap ko siya sa paligid ngunit hindi ko nakita.

Bumalik ang tingin ko kay mama. "Ma. . . Mama, si Ace? Asan si Ace?"

"Anak. . ." She looked at me pleadingly. Nasa labi niya ang kamay ko at kita kong lumuluha. I saw pain in her eyes.

"Mama, si Ace?" Nanghihina ang boses ko, pati na rin ang katawan ko. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan nila ako.

'Tsaka ko lang napansin ang kalagayan. Nakadextrose ako. Lumingon ulit ako sa paligid at narealize na nasa ospital ako.

Sinubukan ko ulit bumangon pero nahirapan ako dahil hindi ko maramdaman ang mga binti ko. "Nasa'n si Ace? Mama, kakausapin ko si Ace."

"M-Magpahinga ka mu---"

"Ma. . . please . . ." I looked at her pleadingly. "Si Ace . . . Nasa'n si Ace?" 

Walang sumasagot sa akin. Sinubukan kong bumaba ng kama pero pinigilan nila ako. Dahil nanghihina ay nagawa nila akong hawakan.

"Ace!!!" tawag ko mula sa kwarto gamit ang natitirang lakas. "Ace!!"

Sinubukan kong kumawala at magmakaawa sa kanilang bitiwan ako. "Pupuntahan ko si Ace!"

"M-Ma, papuntahin niyo si Ace! Mag-u-usap pa kami! Hindi pwede. . ." Unti-unti akong lalong nanghina at nakaramdam ng antok.

"Ace. . ." I whispered before everything went black.

Madilim na nang magising ako. Nakita ko si mamang nakahiga ang ulo sa higaan ko. Sinubukan kong gumalaw, kahit para sana umupo pero hindi ko kaya.

Nagising si mama mula sa paggalaw ko. Agad siyang dumalo sa akin. "A-Anak. . ."

"Mama . . . si Ace?"

Mula sa pag-a-alala ay kita kong dumaan ang galit sa mga mata niya. Hindi siya nagsalita at umiwas lang ng tingin sa akin. Inayos niya ang unan ko.

"Ma, si Ace? Pumunta ba rito si---"

"Anak, please, magpahinga ka muna."

"Si Ace. Kailangan ko siyang maka-usap," I said pleadingly. "M-Ma. . . Nakikipaghiwalay siya sa 'kin. . . Hindi pwede . . ."

Tumulo ang mga luha ni mama at hinaplos ang mukha ko. Natigilan ako nang yakapin niya ako at narinig ang mga paghikbi niya.

She hugged me tightly and cried so much in my shoulder that I started worrying.

Tinanong ko siya kung anong problema pero umiling lang siya at humingi ng pasensya sa akin.

Kinabukasan ay malalim ang iniisip ko, inaalala ang naging usapan namin ni Ace at pati na rin ang pag-iyak ni mama.

Tinulungan niya akong umupo sa higaan at inayos ang unan ko.

"Ma, ano raw nangyari sa binti ko?" Nilingon ko siya.

"Hindi pa magaling ang mga binti mo . . . Kaya huwag ka munang masyadong gumalaw . . ."

"Anong sabi ng doctor?"

". . ."

"Ma."

"Gagaling naman daw 'yan. . ."

"Kailan daw?"

"Magtetherapy ka. Depende sa progress ng katawan mo."

"Gagaling bago ang competition 'di ba?"

". . ."

"Ma, 'di ba?"

"Oo."

"Magkano raw ang therapy?"

"Huwag mo nang isipin 'yon."

". . ."

". . ."

"Ma, sorry. . ." Nangilid ang mga luha ko.

Umupo siya sa tabi ko at nag-aalala akong tinignan.

"S-Sorry. . . H-Hindi ako naging maingat sa pagdadrive. . . Dagdag gastos na---"

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. "May naipon ako."

"May naipon din ako, ma. Iyon na lang ang gagamitin. Itabi niyo na lang ang inyo para sa tuition ng mga kapatid ko."

Tumango si mama.

"Kung manalo kami sa championship, malaki rin naman ang premyo roon," dagdag ko.

Hindi nagsalita si mama at napatitig lang sa akin. Niyakap niya ako. I hugged her back, consoling her.

"Nasa'n si Ace?" tanong ko ulit habang kumakain ng lunch.

Binalingan ako ni mama ng naiinis na tingin.

I sighed. "Ma, sinisisi mo ba si Ace sa aksidente ko?"

"Huwag mo nang hanapin iyon at 'di ba hinihiwalayan ka? Bakit bukambibig mo pa rin?" Ramdam ko ang galit sa boses niya.

"Mama naman. . . Baka may pinagdadaanan lang siya. Alam niyo naman ho iyon 'di ba, nagkikimkim lang . . ."

"Kung mahal ka talaga, bakit hindi nagsasabi sa 'yo?"

Napatikom ako ng bibig. "Ma, huwag ka namang manakit nang ganiyan. Nakaratay na nga ang anak mo oh. . ." biro ko.

Tumayo siya at niligpit na ang mga pagkain.

"Si mama naman oh, ako ba ang naaksidente o kayo? Ba't parang nakalimutan mo, ma, na gustong-gusto mo si Ace para sa 'kin?"

"Gusto ko ang epekto niya sa 'yo. Pero anak, kung ilang beses nang nakikipaghiwalay. . . bakit ayaw mo na lang hayaan? Bakit pinagpipilitan mo pa ang sarili mo sa kaniya?"

"Ma. . . hindi pa po kayo nasanay, love language niya lang makipaghiwalay."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ako nakikipagbiruan, Jan Caisle."

Bumuntong-hininga ako. "Ma, galit ka lang. Huwag mo nang sisihin si Ace, please. . . Wala siyang kasalanan. Tanga lang ako magdrive."

"Anak, buong buhay mo, hindi ka pa naaksidente. Alam nating lahat 'yan. Kaya nga kita pinagkakatiwalaan sa motor na 'yan dahil alam kong napakaingat mong magmaneho. Tapos ngayon, ano? Matapos nang paguusap niyo ng babaeng iyon, bigla kang maaaksidente? Kasi ano? Nakikipaghiwalay sa 'yo at pinagtutulakan ka!"

"Paano niyo po nalaman 'yan? Naka-usap niyo siya? Nasa'n siya, ma?"

Dumaan na naman ang iritasyon sa mukha niya. Kung hindi lang ako nakaratay dito ay malamang hinampas na ako nito ni mama sa inis.

Napanguso ako at kinuha ang kamay niya. "Ma, please. . . Si Ace?"

Bumuntong-hininga siya, naiiling na lang sa kakulitan ko. Labag sa loob siyang tumayo at naglakad kaya napangiti ako.

Sabi ko na, andiyan lang si Ace! She didn't mean what she said! Just like before.

Tinago ko ang ngiti ko at pilit na nagseryoso nang balingan ng matalim na tingin ni mama.

Nawala siya sa paningin ko. Nilibot ko muna ang paningin at kita ang iilang pasyenteng may kaniya-kaniyang ginagawa sa buhay. Inayos ko ang upo ko at nag-abang sa pinto.

My heart raced when I finally saw my girlfriend entering the room.

I gulped, my eyes never leaving her as she walked over my direction.

My brows furrowed when I noticed her swollen eyes. 'Yung damit niya parang iyon pa ang suot niya noong huli kaming nag-usap.

Parehas kaming tahimik hanggang sa makalapit na siya sa higaan ko. Hindi niya ako matingnan.

"Baby. . ." I called and reached for her hand.

Then, she burst into tears. Agad ko siyang hinila at niyakap. Mahigpit niya akong niyakap pabalik at humagulgol sa leeg ko.

My heart ached. Hinagod ko ang likod niya, pinapatahan siya.

"S-Sorry . . . I'm sorry . . ." she cried. "I'm sorry. . . I'm sorry. . ."

"Shhh. . ." I kissed her hair. "Hindi mo kasalanan, hmm?"

Umiling-iling siya at tinignan ako. "K-Kamusta ang pakiramdam mo?"

Napangiti ako. "Okay lang ako. . ."

She bit her lower lip, stifling her cry. I cupped her face and brushed my thumb softly on her cheek. Nagpatakan ulit ang mga luha niya.

"Baby, okay lang ako," I tried assuring her but she shook her head and sobbed. Tapos ay niyakap niya ulit ako.

Napaawang ang mga labi ko sa gulat. I chuckled as I hugged her back and carressed her hair. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko.

"K-Kasalanan ko. . . I'm sorry, I'm sorry . . ." she continued whispering.

Umiyak siya nang umiyak sa mga braso ko at paulit-ulit na humihingi ng tawad at paulit-ulit ko ring sinasabing hindi niya kasalanan.

She looked at me.

Inabot ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha. "Gusto ko mang iyakan mo 'ko, pero ayaw ko pa ring umiyak ka. . ."

Mahina niyang hinampas ang dibdib ko. I acted like in pain. Umawang ang mga labi niya at agad dumalo. Natigilan lang siya at sinamaan ako ng tingin nang makita ang ngiti ko.

I chuckled and wiped her remaining tears.

"N-Naaksidente ka na nga, pangiti-ngiti ka pa. . ."

Tumitig ako sa kaniya.

". . ."

". . ."

"Hindi totoo 'yung mga sinabi mo 'di ba? Sinabi mo lang 'yun para bitiwan kita," basag ko sa katahimikan.

Another batch of tears welled up in her eyes. "I'm sorry. . ."

I heaved a sigh of relief and pulled her into a hug. "Sabi ko na eh. Dapat hindi ko na lang dinamdam. . . Hindi sana ako naaksidente . . . Kasalanan ko, Ace. I'm sorry. . ." I whispered. "Shh. . . Tahan na. . . I'm sorry..."

Umiling siya. "K-Kasalanan ko. . ."

"Wala kang kasalanan. Hindi ako nag-ingat sa pagmamaneho."

"P-Pero---"

"Shh . . ." I whispered. 

Umahon siya upang tignan ako. Tinignan niya ang ayos ko at kita ko na naman ang nagbabadya niyang mga luha kaya hinila ko siya para halikan.

I held her cheek and brushed my lips on hers. Humikbi siya. Bumaba ang kamay ko sa leeg niya. I angled my head and kissed her passionately until she started responding.

"I love you," I whispered.

She bit her lower lip and I kissed her again.

Ilang minuto pa bago siya kumalma. Pinunsan ko ang mga natirang luha sa pisngi niya.

"Hindi ka ba umuwi?" Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri at nilagay ang iilang hibla sa likod ng tainga niya.

Hindi siya nagsalita. Bumuntong-hininga lang siya at umiwas ng tingin. May inabot siya at doon ko lang napansing may dala pala siyang pagkain.

Napanguso ako at nag-angat ulit ng tingin sa kaniya na hindi makatingin sa akin.

"K-Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. . ." sagot ko.

She lifted her gaze at me and saw the ghost of my smile. "Sinungaling."

I chuckled and pulled her by her waist. "Gutom pa 'ko."

Inabala niya ang sarili sa pagbukas ng mga tupperware habang nakapulupot ako sa kaniya, hindi maalis ang ngiti sa mga labi. I noticed her hand tremble when I rested my chin on her shoulder. I smirked and kissed her jaw.

"Nilutuan mo 'ko?" malambing na tanong ko.

Tumango siya.

Pilit kong tinago ang ngiti at sinubukang magseryoso. "Edi nakauwi ka na nga? Bakit hindi ka nagpalit?"

"Ayan pa talaga ang napansin mo, noh. Huwag mo 'kong yakapin kung nadudugyutan ka sa 'kin."

Tumawa ako at niyakap siya lalo, sinasamantala ang pagkakataon. "Sobra ka sigurong nag-a-alala sa akin, hindi mo na naisip."

Tumango siya sa sinabi ko. Humigpit lalo ang yakap ko sa kaniya.

"Kumain ka na." She shifted from her seat to look at me and handed the food.

"Ang sakit ng katawan ko. . ." pagdadrama ko at hinilot ang mga braso. 

Natigilan ako nang walang pang-a-alinlangan siyang sumandok at tinapat sa bibig ko ang kutsara.

Napalunok ako at dahan-dahang sinubo iyon.

Kung alam ko lang na ganito siya pag naospital ako, sana pala una palang, binangga ko na 'yung motor ko.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita at tinuloy lang ang pagsubo sa akin.

Inagaw ko sa kaniya ang pagkain.

"Ahh." I asked her to open her mouth para masubuan siya ng pagkain.

Napangiti ako nang ngumanga siya. Nagsandok ulit ako.

"Kahapon, anong kinain mo?" tanong ko habang sinusubuan siya.

". . ."

I sighed. "Hindi ka kumain?"

". . ."

"Di ba sabi ko huwag kang magpapalipas ng gutom . . ." Pinunasan ko ang bibig niya at inabot ang tubig. "Paano kung mahimatay ka na naman? Tapos wala ako? Ha?"

". . ."

"Please, Ace, alagaan mo naman ang sarili mo 'pag wala ako . . ."

Hindi siya nagsalita at pinagmasdan lang ako.

"Bakit . . ." Nagulat ako nang makitang naluluha na naman siya.

Umiling siya at tumingala upang pigilan ang pagpatak ng mga luha.

"Okay ka lang ba?" Itinabi ko muna ang pagkain at nag-a-alalang hinawakan ang kamay niya. "May problema ba tayo?"

Umiling siya at pilit na ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

Tinitigan ko siya at kumuha ng lakas ng loob para magtanong. "Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin no'n? What was it that time?"

She smiled weakly. Natigilan ako nang abutin niya ang pisngi ko at haplusin, as if assuring me. Umiling siya.

I sighed and just pulled her into a hug.

"I love you," I murmured against her hair.

"Mahal din kita . . ."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon mula sa kaniya. Mahina ang boses niya pero klarong klaro iyon sa tainga ko. Kumalas ako sa yakap upang tignan siya.

"Anong sabi mo. . ."

She met my eyes. Umiwas ulit siya ng tingin. Kita ko ang pamumula niya.

I held her chin and found her gaze. "I love you, Ace."

Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko bago bumalik sa mga mata ko. She sighed. "Mahal din kita."

I bit my lower lip. Halos mapunit na iyon sa laki ng ngiti ko.

"Ngayon mo talaga napiling sabihin kung kailan hindi ako makagalaw?"

Napangiti siya at umayos na ng upo. Pinagpatuloy ko ang pagsubo sa kaniya habang nangingiti-ngiti at siya, hindi makatingin sa akin.

"Busog na 'ko," aniya kalaunan. "Magpahinga ka na."

"Sarado mo 'yung kurtina," mahinang sabi ko, tinutukoy ang divider.

Nilingon niya ako.

"Bakit?" she asked.

I smirked. "Privacy."

"Nasa ospital ka na't lahat-lahat, kung ano-ano pa ring iniisip mo." Nagpatuloy siya sa pagliligpit.

Tumawa ako. "Sinasamantala ko lang hangga't sweet ang girlfriend ko."

Maya-maya rin ay sinarado na niya ang mga kurtina palibot sa higaan ko. Napangiti ako at hinila ulit siya paupo sa tabi ko.

I watched her and intertwined our fingers. I brushed my thumb softly on her hand.

"Akala ko mawawala ka . . ." mahinang aniya. "Akala ko hindi na kita makikita . . ."

"I'm sorry. . ."

She watched me kiss her hand, down to her knuckles and fingers . . . to her palm.

"May gusto ka bang sabihin sa 'kin?" tanong ko sa kaniya. Nakatitig na lang kasi siya sa akin ngayon, hindi na nagsasalita.

". . ."

"Baby." Ipinatong ko ang kamay sa hita niya. "Are we okay?"

Bumaba ang mga mata niya sa kamay ko at hinawakan iyon. She squeezed my hand and flashed a sad smile.

Umawang ang mga labi ko, lito.

"Ace. . . anong problema?" Umayos ako ng upo. 

"Please. . . huwag mo naman akong takutin nang ganito oh . . ."

". . ."

"May nangyari ba sa mga kapatid mo?"

". . ."

"Kay papa mo?"

". . ."

"Please naman oh. . . magsabi ka. . ." My voice cracked.

She bit her lower lip. "M-Magpahinga ka na lang muna . . ."

Sinubukan niyang tumayo pero hinila ko siya ulit. "Bakit ayaw mong magsabi sa 'kin?"

Umiling siya.

"Akala ko ba---"

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Shh. . . hindi 'to tungkol sa pamilya ko, okay?"

"Kung gano'n, saan?"

". . ."

"May sinabi ba sa 'yo si mama?"

". . ."

"Pinagsalitaan ka ba n---"

"Hindi, Jayce. Hindi."

My eyes reflected pain as I stared at her.

May mali. Alam kong may mali. Pero ang hirap kasi hindi siya nagsasabi. Ang hirap kasi hindi ko siya kayang piliting magsabi.

Her lower lip trembled. May sasabihin pa siya pero biglang bumukas ang kurtina.

"Tapos na ang isang oras mo." Pumasok si mama.

Agad nagpalis ng mga luha si Ace at nagmadaling magligpit. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan.

"Ano 'yang dala mo? Pinakain mo siya?" Bumalik ang tingin ko kay mama dahil sa pagtataas niya ng boses. "Kumain na 'yan!"

"Ma!" My eyes widened at her outburst.

"S-Sorry po. . ."

"Hindi pa siya pwedeng kumain nang heavy meal kasi iinom ng gamot mamaya!" iritadong sinabi ni mama kay Ace at napahilot ng sentido.

Umawang ang mga labi ko sa gulat dahil sa pakikitungo niya.

"H-Hindi ko po alam. . . So---"

"Ma, ako ang kumain. Bakit ka nagagalit kay Ace?"

Mariing napapikit si mama at napahilot ulit ng sentido. Nagmadali na si Ace at sinubukang umalis pero hinuli ko ang palapulsuhan niya.

"Bakit ka aalis?" I pulled her.

"Uuwi lang ako. . ."

"Mamaya na, please. . ."

She looked at my mother helplessly. Galit lang naman ang ibinalik nitong tingin. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"S-Saglit lang po. . . Aalis din ako, pasensya na po," sinabi ni Ace kay mama.

Mama gritted her teeth before looking at me. Maya-maya ay nagmartsa rin siya paalis.

"Bakit ka nagsosorry?"

"Jayce." She looked at me pleadingly as she held my hand. "I'm really sorry. . ."

She burst into tears again, leaving me so, so confused.

Hinawakan niya ang mukha ko at lumapit para mahalikan ako sa labi. Hinalikan niya ako nang maraming beses habang humihingi ng tawad.

She looked at me. Pain flashed in her eyes when she saw that I was caught off-guard.

She bit her lower lip. She seemed had a lot say.

"Kasalanan ko. . . K-Kasalanan ko . . . I'm sorry. . . W-Wala akong k-kwentang girlfriend. . . H-Hindi man lang kita. . ." Her lips trembled as she squeezed my hand on her lips. "S-Sana hindi na lang a-ako pumasok sa buhay mo. . . S-Sinira ko l-lang y-yung buhay mo. . . W-Wala akong karapatang magpakita. . . h-humarap s-sa 'yo. . . I'm sorry. . . I'm sorry . . ."

My lips parted at her words.

"Huli na! Ginawa mo na!" galit na ani mama na nakabalik na kasama ang nurse. May luhang lumandas sa pisngi niya at agad niyang pinunasan iyon. "Umalis ka na! Wala kang karapatan sa anak ko!"

Nalaglag ang panga ko.

"Pasensya na po. . . Pasen--"

"Umalis ka n--"

"Ma!" Nanlalaki ang mga mata ko kay mama dahil sa ginagawa niyang pagsigaw sa girlfriend ko.

Kumawala sa hawak ko si Ace at sinubukan ko pa siyang abutin pero nakalayo na siya. "Ace!"

"Ace!!" pagtawag ko at pilit na inabot ang kurtina para buksan.

Nakita ko siya, nakatalikod mula sa amin, malapit sa pinto, her shoulders shaking.

"A-Ace! Halika!" I called. "Baby, please . . ."

Muli siyang naglakad. Sinubukan kong umalis sa higaan pero pinigilan ako ni mama at ng nurse.

"A-Ace! B-Balik ka, 'd-di ba?" My voice cracked, nanghihina.

Nakita kong lumingon siya. She was crying. Sinubukan ko siyang abutin pero unti-unting nanghina ang mga kamay ko pati ang talukap ng mga mata ko.

Until everything went black again.

And I wished it just stayed that way. I wished I never opened my eyes again. So I wouldn't live a life that is never the same. 

*  *  *

February 14, 2023 | October 29, 2023

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
50.4K 794 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
34.2K 2.3K 1
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...