Alter The Game

By beeyotch

1.5M 51.1K 22.7K

(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drow... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 10

28.6K 1.1K 584
By beeyotch

Chapter 10

Ngayon ko lang na-realize na wala pala akong pwedeng kausapin sa mga kakilala ko in real life. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o kung ano. Tss. Mas okay na rin 'to. Hirap din ng maraming kaibigan pero parang nasobrahan ata ako sa pagka-konti.

'Is it normal for your friend to tutor you in all your subjects?' pagta-type ko sa Google.

Mukha akong tanga! 'Di ko naman pwedeng tanungin si Mauve kasi alam ko na mas lalo lang akong hindi titigilan non. Naghahanap kasi talaga ng kakampi 'yon sa bahay. Kampi naman kami pero—ah, basta! Ayoko muna sabihin hanggang 'di ko rin alam kung gutom lang ba ako o kung ano na ba talaga nangyayari.

Hindi ko rin pwedeng tanungin si Tin dahil chismosa 'yon. Si Assia naman, parang tinurukan ng anestisya sa sobrang manhid. Mas lalo namang hindi ko pwedeng tanungin si Judge dahil baka tanggalan ako ng trabaho non.

Hmm... si Niko kaya?

Dito ko talaga nakita na desperado na ako dahil kahit si Niko ay parang willing na ako tanungin.

Napunta ako bigla sa Reddit at Quora pero parang imbes na maliwanagan ako ay mas nalito lang ako dahil iba-iba iyong sagot nila. Pinaka-maraming sagot ay tanungin ko raw mismo iyong tao. Malamang! E 'di kung kaya kong gawin e hindi na ako nag-google.

Nakaka-miss naman iyong mga panahon na flavor ng siopao lang ang problema ko.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyong boses ni Tin sa may malapit sa tenga ko.

"Ano 'yan..." sabi niya na naka-ngisi. Mabilis kong sinubukan na isara iyong monitor, pero mas mabilis iyong mga mata ni Tin. May mga tao talaga na hindi alam ang salitang privacy.

"Wala."

"May jowa ka na?"

"Wala."

"May crush?"

"Wala."

"May—"

"Judge!" sabi ko sabay tingin sa may pintuan ni Judge. Napa-tingin din doon si Tin. Mabilis akong umalis sa may pwesto ko para layasan si Tin. Alam ko kasi na hindi niya ako tatantanan. Maka-punta nga muna sa CR. Kapag tinanong ako kung bakit nawawala ako, sabihin ko na lang na may LBM ako. Hindi naman siguro ako ku-kwestyunin ni Judge don kung sakali.

Naglalakad ako papunta sa may Dunkin para bumili ng kape doon. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko iyong pag-vibrate ng cellphone ko.

Parang alam ko na agad kung sino iyon dahil kung hindi siya, iyong mga scammer lang naman na nagsasabi na bibigyan nila ako ng trabaho ang nagtetext sa akin. Pero ayokong ilabas dahil mamaya ma-snatch pa. Isisisi ko sa kanya kapag nawalan ako ng cellphone.

Pagdating ko sa Dunkin, umorder agad ako ng kape. Believable naman siguro iyong 30 minutes ako na nawala. Ngayon ko lang naman ginawa 'to. Kabanas kasi si Tin. 'Di naturuan ng boundaries ata nung nasa kinder pa.

'Kailangan nga exam niyo?'

'Seryoso ba na itututor mo ako?'

'Tutulungan magreview. Tutor? Ano ka? Kinder?'

Bahagya akong pumikit at saka huminga nang malalim. Nasaan na ba iyong kape ko? Umagang-umaga e sinisimulan ako ng taong 'to.

'Obli, Crim 2, Consti, Persons subjects mo, right? O baka kailangan mo rin ng tulong sa Ethics?'

'Para sa taong nag-offer tumulong, napaka-attitude mo.'

'Attitude?'

'Oo.'

'Ah,' reply niya. Impossible na ganito na 'to kabilis kausap. Naka-titig lang ako sa screen. After a few seconds, lumabas na iyong typing bubbles. Sinasabi ko na nga ba na hindi pwede na ganon lang ang sagot niya. 'Dapat ba parang baby ka kapag kakausapin?'

Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ko iyong salitang baby.

Sa dinami-dami ng salita sa English dictionary, bakit baby pa ang napili niyang salita?!

Tsk! Madadagdagan na naman iyong Google search ko.

'Ewan ko sayo,' sagot ko sa kanya bago pa kung san mapunta iyong sasabihin niya. Mas okay kausap 'to si Atty. Marroquin kapag alanganing oras. Parang buang siya kapag normal na oras. Dami sigurong trabaho sa office.

'San ka ba pinakahirap? Obli?'

'Yes,' sagot ko habang iniinom iyong iced coffee ko. At least mas relaxed na ako ngayon kahit subukan niya akong bwisitin.

'Kailan ulit midterms?'

'In two weeks.'

'Exact dates?'

'Ayan. Okay na?' message ko sa kanya pagkatapos kong i-send iyong mismong calendar ng midterms na post ng school namin.

'Thanks,' he replied. 'Needless to say, you should still study on your own. I can see you Friday night to Sunday night for the review since malapit na iyong exams mo.'

'Di ba abala sa work mo?'

Grabe naman kasi. Bilang public lawyer, ang dami niya kayang ginagawa. Monday to Friday diretso 'yon. Tapos gusto niya, Friday night hanggang Sunday night ay tutulungan niya ako? Wala na siyang time magpahinga non.

Pahaba na nang pahaba iyong Google search ko.

'Di naman. Mas kailangan mo ng tulong.'

Hayop na 'to.

'Magtthank you na sana ako kaso buti di ko sinabi.'

'Sa personal mo na lang sabihin.'

'Di ako nagtthank you sa personal. Shy type ako.'

'Di halata. Kahit sa personal, makapal mukha mo.'

'Sa yo lang kasi epal ka.'

'I see.'

Nanlaki iyong mga mata ko nang mapansin ko na 30 minutes na pala ang lumipas! Puro kapahamakan lang talaga ang dala sa akin ni Atty. Marroquin! Pagdating ko tuloy sa office, tinanong ako ni Judge kung san ako nanggaling. Kinailangan ko pang galingan iyong pag-arte ko na may LBM ako at masakit ang tiyan ko. Naawa ata sa akin kaya pina-uwi na ako agad.

Sobrang nakaka-tempt kung didiretso na ba ako sa bahay o pupunta sa school. Ethics lang naman subject ko ngayon. Kapag umuwi ako, pwede rin naman akong mag-aral don... Saka hindi naman sigurado kung papasok si Sir. Medyo pala-absent kasi 'yon.

Hmm... Sa bahay na nga lang ako mag-aaral tutal deserve ko rin naman magpahinga.

Pagdating ko sa bahay, nagluto agad ako ng pagkain para hindi na ako bababa mamayang gabi. Malapit na talaga akong bumili ng sarili kong microwave at ref.

'Coverage niyo ng midterms ay Obli lang?'

'Yes. Mamaya mo na isipin. Willing to wait. Unahin mo clients mo. Sayang tax ng mga Pilipino.'

'Nagrequest ng resched yung prosecution. Bakit naman kita uunahin kaysa sa mga mamamayang pilipino?'

Kapal talaga ng mukha nito! Imbes na makapagrelax ako ay binu-bwisit na naman ako.

'Filipino citizen din ako.'

'Nagbabayad ka ba ng tax?'

'Naka-withhold na.'

'Naks. Alam niya 'yon.'

'Hater.'

Hindi na ulit siya nagreply, mabuti na lang. Nagdesisyon muna ako na kumain tapos matulog. Nagising ako ng bandang 6PM. Gusto ko sanang bumaba para uminom ng kape kaya lang ay naririnig ko iyong boses nila Papa sa baba.

'Compiled Obli Reviewer.pdf.'

Binuksan ko iyong file na sinend sa akin ni Atty. Marroquin. 20 pages. Ang igsi naman nito. Medyo kaduda-duda.

'20 pages lang talaga to?'

'Yes. Hanggang dyan lang ang attention span mo.'

'Gusto ko magthank you kaya lang parang di mo deserve.'

'Basahin mo muna yan. Yan yung pinaka-gist. Ididiscuss ko sa yo yung iba.'

'Okay. Di mo naman ako papagalitan kapag di ko nagets?'

'Hindi. Kapag hindi mo na-gets, ibig sabihin hindi ako magaling mag-explain.'

Madalas nakaka-bwisit si Atty. Marroquin, pero minsan may mga sinasabi siya na ganito. Hindi talaga pure evil ang mga tao.

'Ilang araw kailangan mo para matapos 'yan?'

Tss. Kakasabi lang na mabait siya!

'Ilang oras lang!'

'Lol okay. Sabihan mo ko kapag tapos ka na.'

Pakiramdam ko ay may hate-induced fuel ako kaya in less than two hours ay natapos kong basahin iyong sinend niya sa akin na reviewer. Hindi lang iyon simpleng pagscan dahil may pakiramdam ako na tatanungin niya ako tungkol doon. Kapag hindi ako nakasagot ay kukutyain niya na naman ako—kilala ko na ang mga galawan niya.

Para lang sigurado ay dinaanan ko ulit iyong mga naka-highlight.

'Tapos na ako.'

'Sigurado ka?'

'Oo. Mas marunong ka pa sa mga mata ko.'

'Di kasama utak nung nagbasa ka?'

'Kung nasa harap lang kita, sasakalin kita.'

'Lol.'

Huminga ako nang malalim. Ako iyong may pangangailangan sa Obli... Kailangan ko ng mahabang pasensya.

'Kaya mo pa bang magreview o at capacity na yung utak mo?'

'Kaya ko pa. Ang tanong, kaya mo pa bang magturo o at capacity na iyong pasensya mo?'

'Kaya ko pa.'

'Sabi mo e.'

'Paano kita tuturuan?'

'Idk.'

'May zoom ka?'

'Yup.'

'Okay,' he replied tapos ay nagsend siya ng link sa akin. 'Doon na lang para magshare screen ako para mas madali.'

Napaawang iyong labi ko. Grabe... may share screen? Gumawa pa siya ng visual aids?!

'Okay pero sure ba kasi pwede naman na sa weekend pa.'

'Work break. Kakatapos ko lang basahin yung discoveries.'

'Sure yan ha.'

'Oo nga bilisan mo kanina pa ako mag-isa sa zoom.'

Buti talaga hindi naging prof 'to dahil napaka-sungit at pilosopo. Pakiramdam ko siya iyong tipo na pina-plastic ng mga estudyante at tumatawa kahit corny naman iyong jokes tapos biglang kapag evaluation e bagsak siya.

Medyo nanibago ako sa itsura ni Atty. Marroquin. Naka-puting t-shirt siya at saka mukhang naka-suot siya ng reading glass. Nakaupo ata siya sa may sahig dahil iyong background ay iyong couch niya.

"Ready na?" tanong niya.

Tumango ako. "Nabasa ko naman na saka naaral ko na 'to dati. Nalilito lang talaga ako kapag nagtatanong na."

He gave a small nod. "We'll start with the basics," he said. "An obligation is a juridical necessity to give, to do, or not to do," he began.

Seryoso akong nakikinig sa kanya habang nagtuturo siya. Ang... galing niya magturo. Tagalog lang siya all throughout sa explanation niya ng mga provisions. Nagbibigay din siya ng examples sa law saka example na mas madaling maintindihan. Ibinibigay niya rin iyong rationale ng mga provision para gets iyong logic.

Mali pala ako—siya iyong tipo ng prof na mabu-bwisit ka sa attitude pero gusto mo pa rin i-take kasi magaling magturo.

"Gets mo ba?" he asked.

Tumango ako. "Gets ko na."

He nodded at saka may sinulat siya doon sa notebook niya. Nandoon siguro iyong notes niya. "Iyon lang naman iyong difference ng resolutory saka suspensive condition. Basta iisipin mo na kapag suspensive, suspended muna—ibig sabihin, wala pang obligation hanggang hindi pa nangyayari iyong condition. Iyon iyong keyword mo—suspensive, suspended."

Iyon lang naman pala meaning nun! Hindi naman kasi tinuturo sa amin sa klase. Kapag kasi law school na, since matatanda na kayo, expected na papasok kayo na nabasa niyo na lahat at alam niyo na. I mean, nabasa ko naman... ang mahalagang tanong ay naintindihan ko ba?

Atty. Marroquin continued with his lecture. Nung bandang 11PM na, nakita ko na naghikab na siya.

"Tigil na muna tayo," sabi ko kasi kahit ganito ako, may konsensya naman ako.

He nodded. Hindi na nag-inarte. Mukhang inaantok na rin.

"Kung may nalilito ka pa, bukas ko na lang ulit ipapaliwanag."

"Okay," sagot ko. "Pero sa weekend na talaga. Nako-konsensya ako."

"Meron ka non?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo, hirap mo ka-bonding."

Tumawa siya kahit halata talaga sa buong pagmumukha niya na antok na antok na siya. "No, really, it's fine."

"E nakakahiya nga—"

"Wag ka na mahiya. Gusto ko naman iyong ginagawa ko."

Tangina talaga nito! 'Di na naubos ise-search ko sa Google!

**

This story is already at Chapter 13 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you! 

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...