Crimson Night (Hiatus)

By SorceressPrincess

320K 8.2K 293

Si Savannah ay isang prim and proper na babae. Isang unica hija na anak ni Hiram Blackshire na presidente ng... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter Three
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10.5
Chapter 10.5
Chapter 11
Chapter 12.5
Chapter 12.5
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.5
Special Chapter
Chapter 30.5
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38.5
Chapter 38.5

Chapter 34

3.8K 107 4
By SorceressPrincess

CHAPTER THIRTY FOUR

(SAVANNAH BLACKSHIRE)

Hindi maipinta ang mukha nang nasa loob na kami ng dati kong kwarto, wala parin pinagbago ang disposition ng mga kagamitan ko dito maliban na lang sa kubre kama na halatang kakapalit pa lamang. Nagpaalam na sa amin ang maid saka lang ako pasalampak na humiga sa kama. Feels good to be home pero alam ko na panandalian lang yun. Sooner or later, I will leave this house again.

Hindi na rin ako kumontra na dito sa kwarto ko makitulog si Blake. Para ano pa? Eh akala naman ng buong lahat dito sa mansyon na kasal kami. It's not like may balak na masama ang lalaking ito. Subukan lang niya ay pektusan ko iyong singit niya.

"Ganun ba talaga ang madrasta mo?" Biglang tanong ni Blake sa'kin.

"Ang alin?"

"May pagka-bipolar. Kahapon ko pa siya napapansin ha."

"I don't know." Sagot ko na lang. "Hindi naman kami close niyon and I always avoided her kapag nandito ako sa bahay noon."

Napahinto ako sa pag-unat ng may kumatok. May nakaligtaan ba ang katulong?

"Sino iyan?" Tanong ni Blake.

"Ay! Nakaistorbo ba ako?" Boses iyon ni Queenie.

Sabay kami ni Blake na lumapit sa pintuan para pagbuksan si Queenie.

"Saan ka ba nagsusulpot, Queenie. At ang tagal mo?" I asked as I open the door. Tumambad sa paningin ko ang maruming Queenie. Magulo ang buhok at ang dating malinis niyang damit ay ngayon ay nabahiran ng mga putik.

"Oh Gee! Ano ba naman iyan, Queenie! Mukha ka ng bruha!" Komento ni Blake.

Nanghaba ang nguso niya pero mas pinili na lang na ignorahin ang komento ni Blake. "Wala akong choice eh. Walang akong mahanap na kagamitan na pwede kong gamitin para magbungkal kaya no choice kundi magkamay! Huu! Ganito ba iyong trato niyo sa akin pagkatapos kong kunin ito?" Ngayon lang namin napansin ang hawak niyang lumang notebook. "And also, I don't like this place. I conduct my own investigation here and I found out na may isa sa taohan dito na kasabwat ng LMO."

"Pano mo naman nalaman iyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Blake habang ako naman ay nakikinita ko na mangyayari ito.

"Kahapon, naamoy ko na may nakadikit na kakaibang scent sa inyo na kagaya ni Jackson. Mas lalo pa nadagdagan yung hinala ko ng makarating ako dito, it reek the same scent with Jackson! Huu! Then, may napansin ko doon sa likod ng bahay na nakabaon at nakita ko itong journal. May nakasulat na pag-aari ito ni Salvia Tyler. Sino yun?" I gasp saka kinuha iyong journal. Tyler kasi iyong maiden's name ng Mommy ko bago sila nagpakasal ni Daddy.

"Sa Mommy ko iyan!"

"Hindi ko pa nababasa yung nakasulat diyan. Anyway, I also suggest that we should leave this place. I could sense a danger in this mansion and if that happen, I don't think I could be any help."

"Why is that so?" Nakatikwas ang kilay ko.

"Is it has something to do with the eclipse tomorrow?" Tanong ni Blake.

"Uh-huh! Sooner or later I'll become a normal wolf. Kaya nga pinalayas ako ngayon ng Daddy mo dahil dun. Lalo na darating yung tanda! Kuhhh! Gagawin akong lechon lobo nun! Ay! Bakit ba napadpad tayo sa tandang yun? Ah basta, doblehin ninyo ang pag-iingat. Ako naman ay pupuntahan ko iyong kambal sa kabilang kwarto para bantayan. Mahirap na at baka kung anong mangyari sa kanila."

Iyon na din ang huli niyang sinabi bago pumunta sa kabilang kwarto.

"Ganun ba talaga ang mga kagaya nila?" Wala sa oras na tanong ko kay Blake.

"I guess so. Ganyan din kasi ang nangyari sa kanya noong nagkaroon ng eclipse."

Eclipse...

"Gusto mo bang basahin iyan?" Sabay sulyap ni Blake sa journal na hawak ko.

Tumingala ako kay Blake. "Mamaya na siguro..." Humigpit iyong hawak ko sa journal ni Mommy. Alam ko na may posibilidad na masagot ang tanong ko dito pero sa isang sulok ng dibdib ko ay hindi pa handa na basahin ang journal. Masaya ako na may pagkakataon akong mabasa yun, malaman ang sa isipan ni Mommy but at the same time ay malalaman ko kung anong pagkatao meron si Mommy. I'm also scared that if ever I'm gonna read this ay masisira ang magandang imahe ni Mommy sa isipan ko.

~*~

Ilang oras na ang nakalipas ay nagsilabasan na kaming lahat para pumunta sa Dining Room habang ako naman ay nagpaiwan muna upang bisitahin si Daddy. Ayon sa doktor ay lagnat lang daw yun dahil sa sobrang stress kaya bumalik na naman ang sakit.

Marahan binuksan ko ang pintuan ng master bedroom. Sa pagbukas ko ay bumungad sa paningin ko ang mukha ng madrasta na halatang nagulat pa na makita ako. "Savannah!"

"Titingnan ko lang si Daddy kung maayos na siya. Sabi nung katulong nakahanda na daw yung dinner natin lahat."

Pilit na ngumiti siya sa akin. "Oh okay. Thanks. But I need to skip dinner dahil may importante pa akong lakad. Okay lang ba sa'yo?"

"Importanteng lakad? Mas importante ba iyan kesa kay Daddy?"

Nag-iwas siya ng tingin. Sa pagkakaalam ko ay wala itong alam sa pamamalakad ng negosyo kaya hindi ko maiwasan na magtaka. "Don't be silly, Savannah, your Dad is much more important than this one. But since nandito ka naman at mga kasama mo ay panatag ako na iwan sa'yo si Hiram. Bye." Hinalikan niya ang pisngi ko bago umalis.

Bumuntong hininga na lamang ako nang tuluyan na itong umalis. Marahan sinara ko iyong pintuan. "Dad." Tawag ko. Ilang oras na din siyang tulog and there's no any sign na magigising ito. "Kamusta na po kayo? Galit na galit siguro kayo sa akin dahil ayaw mo akong makita..." Tumigil na lamang ako sa pagsasalita, kapag magpatuloy kasi ako ay baka mapaiyak na lamang ako. Tumabi ako sa kanya at naisipan na ibuklat yung journal ni Mommy. "Dad, alam mo ba ang tungkol sa sekreto ni Mommy?" Hindi makatiis na tanong ko kahit na alam ko na hindi niya masagot yung tanong ko.

I sigh exasperatedly. I begun reading the journal. Kung babasahin ko ito ay maganda na marinig din iyon ni Daddy kahit na tulog.

June 3, 1981 - July 30, 1981

This journal book was given by my brother last year as a gift that i finally manage graduated in college(H.U). Seriously, bakit ito pa? He knows, I never like writing stuff. Anyway, I decided to use it now-for important stuff that I might forgotten. Isusulat ko lang dito ang importanteng bagay na nangyari sa akin o impormasiyon na gagawin ko. Anyway, since ito naman ang una kong entry ay magpapakilala ako. Hi! My name's Salvia Tyler, i'm a biological scientist o biologist. I'm currently employed in wildlife organization.

Sumunod na araw ay may naghanap sa akin na isang lalaking platinum blonde hair. Pangalan niya ay Vladimir Zic, isa din siyang scientist kagaya ko. Kaya daw pinuntahan niya ako dito sa opisina ay para kukunin ang serbisyo ko sa isang secret organization na tinatawag niyang Lavyrinthos Mageia Organization. Pretty weird name, right?

Hindi ko alam kung gusto ko mapasama sa organization niya pero naattempt ako kasi malaki ang sahud. Kailangan ko yun lalo na't may sakit ang nakakabata kong kapatid.

I frowned. Nagsimula na din bumilis ang tibok ng puso ko. It was only the first entry pero parang sasabog na ang utak ko sa nabasa. Vladimir Zic at ang isang secret organization. Isa lang naman ang kilala ko na may ganun pangalan at organization. Walang iba kundi ang lavýrinthos Mageia Organization.

Gusto kong itangi sa isipan ko na hindi ito sulat ni Mommy but who am I kidding? I know her handwritting at sa kanya ito. My God, ito yung kinatakutan kong mangyari.

I was about to continue to read the next entry ng marinig ko ang ungol ni Daddy. Binaba ko yung journal doon sa side table tas hinarap si Daddy. He was having a nightmare. "Dad!"

Tila hindi niya ako naririnig kahit na ilang beses ko na siyang tinapik sa pisngi. Pero ayaw talagang magising. Napansin ko na mas lalo siyang namula kesa kanina. Sa kamay at leeg niya ay kapansin-pansin ang pangingitim.

Nakalipas na ilang minuto ay kumalma na si Dad pero hindi parin nawawala ang pangingitim niya. He still look suffering. I don't know what to do now. Why was he acting like that? I thought it was just having a high fever.

"Savannah?" Marahan pumasok si Queenie sa kwarto.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Uh, kasi ayaw ng mga kambal na maunang kumain. Gusto daw nila na sabay tayong lahat kaya inutusan ako ni Blake. Uy! Iyan ang Daddy mo? In fairn-" Napahinto siya sa pagsasalita. Napatakip ito sa ilong and disgust appeared in her face.

"What's wrong?"

"Oh Moon Goddess! What the hell is that smell? It smells like...argh!" Bigla itong tumakbo palabas. "Ang sakit sa ilong!"

Sininghot ko ang kilikili ko. Hindi naman ako mabantot ah. Langya talagang babaeng ito!

Inis na lumabas ako sa kwarto ni Dad at saka hinarap si Queenie na ngayon ay naging pulang lobo. Queenie's paws cover her noses while her tail is in her between. Umaatungal ito. "Hoy, anong problema mo? Hindi naman ako mabaho ah! At saka amoy medisina lang yung kwarto ni Dad!"

She jolted at humarap sa akin. Hindi parin bumabalik sa kanyang human form. Bumuka ang kanyang bibig, showing her white sharp teeth but there's no sounds coming out from her mouth. Kesa pilitin ang sarili na magsalita na napakaimposible ay marahas itong umiling na mali ako.

"Ewan ko sa'yo, Queenie. Bumalik ka na nga lang sa human form mo at bumaba na tayo."

~*~

Kinabuksan ay sabay kaming lahat na nag-almusal. Kinalabit ko si Blake. Tumigil sa pagnguya ng kinakain at lumingon sa akin. "What?"

"Is it just me or may sayad sa utak ngayon si Queenie? Kanina pa siya umaatungal oh." Hindi parin bumabalik sa dati niyang anyo kaya heto. Wala ni isang katulong na lumabas dahil takot na takot sa kanya.

Napasulyap siya kay Queenie na hindi parin ginagalaw ang isang malaking steak na nasa plate. "Baka hindi rare yung pagkagaw ng steak...?"

Queenie's grin before frantically shake her head.

"What I mean, anong problema niya?"

"Ganyan lang iyan. Nagsisimula na kasing umepekto sa kanya ang eclipse kaya ganyan siya. Hindi makabalik sa dati niyang anyo."

Napa-ah na lamang ako.

Naiinis siguro sa amin si Queenie kaya bigla niyang tinabing ang plato. Lumapit sa akin tas kinagat yung laylayan ng damit ko at hinila. Wala akong nagawa kundi tumayo na lamang at kinaladkad ako pabalik sa master bedroom. Kahit na hindi niya nagugustuhan ang amoy ng medisina ay pumasok parin siya sa loob. Naabutan namin si Daddy na gising na at nahihirapang tumayo.

"Dad!"

Marahas na napalingon ito sa akin. Namimilog ang kanyang mata. "Sa-lvia!" Namamasa ang kanyang mata na makita ko. Halatang wala ito sa huwisyo dahil kung hindi ay dapat na nakilala niya ako. She was calling my Mom's name. Nanginginig ang kanyang buong katawan na gustong lumapit sa akin but he was almost stumble kaya mabilis na inalalayan ko siya. "I-I k-knew it. You're still alive. Don't leave me please. Don't leave us..." Garagal ang boses na pakiusap niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Dad, hindi po ako si Mommy. Savannah po ako."

"Huwag...mo kaming iwan, Salvia. Paano na lang si Savannah...? Mahal na mahal ka namin. Hindi kita ip...ipagpapalit kahit kanino...I love you so much, Darling..." Kahit na wala ito sa huwisyo at napagkamalan ako si Mommy ay hindi ko maiwasan na mapaiyak. Halata sa boses niya na sincere ito sa sinabi. Is he dreaming about Mom's dying?

Ginantihan ko na lang siya ng yakap. "Huwag ka ng umiyak, hindi kita iiwan." Simple lang yung sinabi ko pero malaki ng ginhawa na marinig yun ni Dad. Mahal parin pala niya si Mommy. Akala ko ay kinalimutan na niya si Mommy dahil kay Geene?

"Queenie, tulungan mo naman akong ihiga si Dad." Umungol lang ito. Oo nga pala. Imposible pala yun.

Nahihirapan man ako na ibalik sa kama si Dad ay nagawa ko naman. He was still half-awake. He gave me a weak smile and caress my face. "You're still alive...I knew it." Sabi niya bago pinikit uli ang kanyang mata.

Nang makatulog na ito ng mapayapa ay inayos ko yung blanket niya tas naglakad palapit sa bintanang nakabukas. Hindi ko pinansin ang atungal ni Queenie. Mula dito sa bintana ay nakita ko ang buwan at araw na tila palapit sa isa't isa. 'When the sun and moon become as one, the force of evil will ravel upon you.' Naalala ko na naman yung sinabi ng babae sa akin.

I sigh bago bumalik ulit sa tabi ni Daddy.

"Grrr!" Queenie bump her head sa tuhod ko. Dahil sa sobrang kakulitan niya ay nasagi niya ang journal na nasa side table. Ngayon ko lang naalala yun.

"Hindi talaga kita maintindihan, Queenie. Kung nag-tantrum ka ay huwag ako yung kulitin mo kundi yung amo mo." Wika ko bago buklatin uli yung journal at nagsimulang basahin.

August 18, 1981

Hi, Journal!

It's been awhile since I written something here. Busy ako eh. Remember Vladimir? Tinanggap ko ang offer niya sa akin dahil lumalala na talaga ang sakit ng kapatid ko. Sa ilang buwan ko na rito ay hindi ako makapaniwala kung anong ginagawa ng organization na ito. This organization, studies, research and experiments humans life to develop some sort of supernatural powers. Nakakapanindig balahibo 'no? Sa maniwala kayo at sa hindi ay yun ang totoo. Kakasimula ko palang dito sa research department kaya hindi pa ganun kalawak ang nalalaman ko tungkol dito. Bahala na, basta gumaling lang ang kapatid ko ay okay na ako. Ang una kong naging kaibigan doon ay si Geene yung patay na patay kay Vladimir. Yuck. Tanda na nun tas gusto niya?

Mas pinagkatiwalaan ako ni Vladimir. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Pero ayos na, ibig sabihin nun ay isa ako sa mga best asset nila. Nung isang araw nga ay may binahagi siyang sekreto sa akin. Sekreto na hindi ko halos mapaniwalaan. Sabi niya mayroon daw ibang mundo kesa sa kinagagalawan namin. Doon daw niya nakalap yung lahat ng impormasyon tungkol sa modification ng mga tao.

Maliban doon, may black market daw dito na nagbibinta ng mga supernatural being. Ewan. Nasisiraan na kaya itong si Dr. Vladimir Zic?

Geene...

Tinutukoy ba niya ay si Geene Roth?! Paano...argh. So sumali sa illegal na organization na yun? Dahil ba yun sa kapatid niya?

Pinagpatuloy ko na lang yung pagbabasa.

September 25, 1983

Ngayon ulit ako nakapagsulat at siguro ay mapapadalas ang pagsulat ko nitong journal. Isang taon na din ang nakalipas noong pumasok ako sa organization na ito. Sa panahon nakalipas ay unti-unti ko nakilala kung anong klaseng organization na ito. Makapanindig balahibo ang ginagawa nila. Hindi ko lubos maisip na magagawa nila yun sa aming kapwa tao. They killed lots of people just for the sake of their success. Natatakot ako. Natatakot ako sa sarili na baka sa susunod na araw ay maging kagaya nila ako. Uhaw sa kapangyarihan. I just hope na hindi yun darating. Kahit gustuhin ko man umalis dito ay hindi pwede, kailangan ko parin ng pera sa sakit ng kapatid ko para magpa-chemo. Nasa stage 3 na siya ng kanyang sakit na Skin Cancer. Sana gumaling siya. Maliban sa mga sinusulat ko, tanging maganda lang siguro nangyari sa akin ngayon ay nung sinama ako ni Vladimir sa isang meeting bilang isang secretary niya. Balak kasi niyang mag-invest ng pera sa isang malaking kompanya dito. Blackshire Corporation.

Nakilala ko doon si Hiram Blackshire. Isa sa kilalang business tycoon. At the age of twenty five ay naging successful siyang businessman. Isang tingin ko palang sa kanya ay para na akong dinala sa alaapaap. What this powerful feeling? Dahil ba sa gwapo siya? Kunsabagay, makalaglag ng ano ang kagwapuhan niya, ah basta! Tindig palang niya ay hindi ko na maialis ang tingin ko. At nung napatingin siya sa akin ay parang pinako ako sa kinauupuan. Pero hindi rin nagtagal yun kasi pinaalis ako ni Vladimir. Kill joy talaga ang matanda na yun!

PS: Sa tagal ko na sa paninilbihan ay nakapagtayo na rin ako ng business. Maliit pa yun pero sigurado ako na lalaki din yun.

December 02, 1983

Akala ko noon ay yun na ang pagtatapos ng pagkikita namin ni Hiram. Pero hindi. He invited me for dinner nung magkita ulit kami doon sa national library. Na nasundan pa yun ng isa pa, i was really overwhelming with happiness whenever I'm with him. What this? I could no longer think rational, parati na lang siya nasa isipan ko. Okay pa ba ang utak ko? I think i am fallin' for Hiram but i'm scared. Paano kung malaman niya ang totoo kong trabaho? Paniguradong kamumuhian niya ako.

PS: Minsan ay naiinis na sa akin si Vladimir and I know why.

December 16, 1983 - August 18, 1988

Seriously, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto ni Vladimir na maging parte na ako sa isa sa mga team ng experiment department dahil daw sa kakayahan ko. Ayoko. Hindi ko maatim na mag-ekspiremento lalo na sa isang bata. Pero pinilit niya ako. Kapag kumontra ako ay paniguradong wala na akong trabaho. Iba talaga kapag magalit si Vladimir. hayop talaga. Kaya wala akong magawa kundi sundin siya. Kailangan eh, for the sake of my little brother. Pero hindi ako gagamit ng inosenteng tao. I am not like him, matino parin ang isipan ko. Unlike him, his twisted and ambitious! He turn human into monster. Para lang ako nasa Sci-Fi movie pero yun ang totoo.

For the love of my brother, I will do it. I will sacrifice myself. Ilang araw akong hindi pumasok dahil isinagawa ko na ang eksperimento.

Dahil sa abala ako ay hindi ko ay iniiwasan ko si Hiram. It hurt me so much but i must do it.

Sa ilang araw na isinagawa ko yung eksperimento ko ay hindi rin naman pala ako nabigo. I had done a lots of research at hindi ako makapaniwala na naging tagumpay yun. I sacrifice my limbs and I gained something that Vladimir never had. A power? Yes. I do gained power. Hindi ako nag-transform into a monster like other scientist did to innocent people. Although the only thing change was my hair, it turns into platinum blonde. I never like platinum blonde so I dyed my hair into black. Just like before. Isa pa, ayoko maging katulad ni Vladimir. His hair were also the same as mine pero ang kaibahan lang dahil yun sa katandaan na niya yun. Balita ko kasi na lagpas fifty years old na siya pero nanatili parin bata ang mukha. Nasusuka ako.

I was on my way to Vladimir's office upang i-report yung mga gawa ko pero hindi ko sinasadya na marinig ang usapan nila ng kasamahan niya.

"Once our experimentation's completed and successful. We can dominate this world including the other world." Yun ang sentence na naalala ko pa. Nakikinita ko naman kung anong balak niya noon pa man pero hindi ko lang lubos maisip na marinig ko yun mula sa kanya. Kapag mangyari yun ay baka madaming dadanak ng dugo. Hindi ko pwede hayaan yun, so i decided i will not tell him about it.

Bumalik ako sa bahay ko and only to find out na nandun si Hiram. Iniiwasan ko na siya pero ang kulit niya!

Huwag naman please. Nahihirapan na nga ako ng ilang araw dahil sa kakaisip sa kanya tas lapit siya ng lapit sa akin? Pero hindi ko na rin pinigilan ang sarili ko, he was too much for me to handle. Minsan tinanong ko sa kanya bakit niya ito ginagawa. Ang tanging sinabi lang niya mahal daw niya ako. I was too happy to hear it. PEro pano kung malaman niya ang trabaho ko? Then, I decided. Kung mahal niya talaga ako ay hindi niya ako kamumuhian. Pinagtapat ko sa kanya yung lahat ng nalalaman ko. He was devastated, akala ko nga ay hihiwalayan niya ako pero hindi. Hindi niya ako iniwan at wala daw magbabago. Dahil alam niyang ginawa ko lang yun dahil sa kapatid ko. Sinabihan ako ni Hiram, kung sakal na sakal na daw ako doon ay sumama na lang daw ako sa kanya. Kung financial naman para sa kapatid ko ay kaya niya yun tustusan. Hindi rin naman masama yung offer niya kaya pumayag ako. Isa pa, mahal ko siya. Ayoko naman kung sakali magkaroon kami ng pamilya ay nagtatrabaho parin ako sa organization na yun.

Isang araw, naisipan ko na tumiwalag na sa organization na yun. Pero hindi na naman natuloy dahil inatake na naman sa sakit ang kapatid ko. Hindi na raw magtatagal. I cried a lot. Mahal na mahal ko ang aking kapatid. Siya lang ang tanging pamilya ko tas kukunin pa siya? Lumapit sa akin si Vladimir and suggest me na may paraan pa daw para magamot yung kapatid ko.

GUSTO NIYANG SUMAILALIM SA EKSPERIMENTO NIYA ANG KAPATID KO.

Hindi ako nakapag-isip ng maayos kaya pumayag ako. Kumapit ako sa patalim pero last na yun. For exchange, i let him modify my brother. Para daw mas lalong lumakas ang kapatid ko, sinama niya sa eksperimento niya ang isang lobo. Nahanap niya daw yun sa tabing sapa. Pero para makasiguro ako na maging successful ang operasiyon ay ako yung nagpresinta na sumagawa ng operasiyon. Akala ko magiging okay since successful yung nangyari sa akin pero hindi eh. Dahil ba yun sa half-brother ko lang siya?

it happened. I should have known! Hindi dapat ako pumayag! Hindi nila napagaling si Jack! Ang kapatid ko! What worst is, hindi narin ako kilala ng kapatid ko. dahil sa takot na naramdaman ko ay umalis ako sa organization. Ibang iba na siya kesa noon. I was so scared, once he regained his memories ay baka isumbat sa akin ng kapatid ang nangyari sa kanya kaya walang sabi na lumayas ako. Sumama ako kay Hiram baon ang isang impormasiyon na pinakakaasam ni Vladimir. I'm Sorry Jack.

Nanatili parin ang sugat sa dibdib ko kahit ilang araw o buwan na ang nakalipas ay hindi parin naghilom yung sugat sa dibdib ko. Pero nawala lang yung suliranin ko nung magpakasal kami ni Hirap at nagkaroon ng anak. A beautiful daughter that bring us happiness. We name her Savannah.

September 11, 2002

It's been awhile, lumaki na din si Savannah. Ang tagal ko na palang hindi nagsusulat nitong journal. Lumang-luma ka na din, Journal. Hehe. Anyway, nandito pala kami ng pamilya ko sa Massissippi Valley. It was one of beautiful place na napuntahan namin.

September 12, 2002

This vacation supposedly to full of wonderful memories but it turns out to be my worst nightmare. We were under attack by a wolf. They were not just an ordinary wolf. They were werewolf. Red werewolf. Para talaga akong nasa movie 'no? Sci-Fi tas ngayon ay Werewolf. Kritikal ngayon ang buhay ng mag-ama ko. Sinabi daw nila kapag hindi ko binalik yung anak niya ay papatayin daw kami. Of course i will never going to let it happened. I manage to save my husband and daughter. Using 'it' pero hindi ko na ulit gagamitin yun.

September 13, 2012

Comatose ang asawa ko. Hindi ko alam kung kelan siya gigising. Sana magising na siya. Habang ang anak namin ay nag-aagaw parin ng buhay. God. Anong gagawin ko? She lost her one arm! Ang bata pa niya para mawalan ng braso!

Hindi ko hahayaan yun. Ayokong malungkot siya kaya gagawin ko ito. Kahit na comatose ngayon si Hiram ay alam ko na hindi siya papayag sa gusto ko. Hindi ko pa nasasabi ito sa kanya pero ilang buwan na akong kinukulit ng LMO na bumalik doon.

Wala akong choice kundi gawin ito. Bumalik. Nasa kanila ang lahat ng kagamitan na kinakailangan ko.

September 16, 2002

Malaking tuwa ni Vladimir na malaman niyang bumalik ako pero malaking disgusto niya nang malaman niyang may anak at asawa na ako. Alam ko naman kung bakit eh. Dahil mahal niya ako but i don't feel the same way. In fact, it was the exact opposite pero kailangan ko gawin. Pero ganun pa man binigyan niya ako ng isang batang babae na magka-edad lang ni Savannah, pwede ko daw gamitin ang batang ito para sa anak ko. subalit akala ko ay ganun lang kadali. May kapalit din pala yun. Kailangan ko daw ibigay sa kanya ang impormasiyon na kinakailangan niya. Anong gagawin ko? Kung hindi ako papayag, hindi niya ako papayagan na gamitin ang mga kagamitan niya.

September 18, 2002

The operation was successful, my baby's gonna be okay now. I know i'd done bad things but it was for my baby sakes. I used up my power on her para isipin panaginip lang yun. On the other hand, Vladimir already know the information i had. It was because of my DNA, you see, i had this rarest DNA the out of one hundred percent ay ako lang ang meron. Kaya kahit anong gawin ni Vlad ay hindi siya magtatagumpay.

January 23, 2003

Everything's back to normal o yun ang paniniwala ko. I find out there was a side effect sa operasyon na yun.

Journal...I'm dying. Alam ko na mamatay ako. Ayoko pang mamatay. Kailangan pa ako ng mag-ama ko.

Si Savannah...She needs me. I don't want her to end up like me. Ginawa ko ang lahat para hindi magaya sa akin si Savannah. I silently went to the Black Market and did a little searching for cure.

Then...I met HER...

Author's Note: Annnggg sakkkiittt ng utak ko sa kakasulat nitong chapter. Huhuhu! (Hoping na may nasagot na kunting katanungan sa isipan ninyo.) Hahah!

Continue Reading

You'll Also Like

277K 21K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

248K 12.6K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
557K 20.5K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...
32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...