Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

192K 3.6K 2K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 3

4K 81 41
By kemekemelee

Know

“Ang hirap niyo kausap anak ng panty naman. Sabing mamaya na kasi muna makipagdaldalan!”

I didn’t mind our group leader and continued scrolling through my social media account while she was distributing the task for our group assignment. Kahapon ko pa binabantayan ang comment section sa trending video nila Simon at habang tumatagal mas lalong dumadami ang engagement!

Hindi na rin naman nakapagtataka dahil bukod sa magaling silang banda, imposible rin na hindi mapansin ang visuals nilang apat. Siguro sa ngayon may mga music label nang nagme-message sa kanila.

Lumobo rin ang followers ni Simon kaya mas lalong natabunan ang pangalan ko sa followers niya. Hindi naman ako naiinis sa nangyayari. Natutuwa pa nga ako dahil nakukuha na nila ang recognition na deserve nila!

“Hoy Alcazar!” nag-angat naman ako ng tingin kay Rhea. “Kanina ka pa walang ambag. Ano ganda lang?”

“Ano ba pwedeng sagutan d’yan? Akin na ako na lang magsasagot,” I annoyingly said.

She glared at me. “Huwag na baka mali pa ilagay mo. Bayaran mo na lang itong materials tutal mayaman ka naman para na rin may ambag ka.”

“Okay,” pagsang-ayon ko.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mata niya pero nagkibit na lang ako ng balikat. Akala niya yata mapipikon ako. Totoo naman talaga na mayaman ako at kaya ko namang bayaran. Isa pa, mas okay na rin dahil mapapadali ang buhay ko dahil magbabayad lang ako tapos may ambag na ako.

Tamad lang talaga ako mag-aral. Sapat na sa akin ang ayos lang at pasang-awa lang.

I’m also fine with people comparing me to my brothers because what they say is true. I’m not as academically inclined as they are; I tend to be a bit lazy when it comes to studying. I’m content with being average. Achieving a passing grade would make me happy, and as long as I make it through, that’s an accomplishment for me.

“S-sigurado ka? Ayos lang sa’yo na ikaw na ang sasagot nitong lahat?” tanong pa ulit ni Rhea sa akin.

I nodded slowly. “Magkano ba? Sabihin mo na sa akin para mabayaran ko na agad.”

“1,500 lang naman.”

Binaba ko muna ang phone ko. Namimilog ang mata nilang lahat habang nakatingin sa akin. Kinuha ko naman sa bulsa ko yung wallet ko at naglabas ako ng 1000 at 500 tulad ng sinabi ni Rhea.

Nanlalaki pa ang mata niya habang inaabot ko yung bayad.

“Ayos na ba?” I impatiently asked.

Ngumiti naman siya. “Ayos na ayos na ito!”

“Isusulat mo na ba pangalan ko sa 1/4 sheet of paper?” paninigurado ko pa.

“Nasa unahan ka pa nga oh!” she showed me the piece of paper. “Sigurado na ang grade mo Alcazar kaya kami nang bahala dito.”

Tumango na lang ako at binalik ang pansin sa video nila Simon. Sinilip ko ulit ang comment section para lang magbasa ng iba’t ibang mga comment. Nakakaaliw din kasi talaga magbasa lalo na dahil ang gaganda talaga ng feedback ng mga tao.

luffytaro: kanina pa nagtataka nanay ko bakit daw isang oras na paulit-ulit yung music

bunnyjungkook: and suddenly i became a dog. I CAN BARK SIR WITH A BEAUTIFUL LONG HAIR???

onehalfgojo: palibhasa 👺 kasi 🤭 you ❄ know 💋 how 😋 to 👊 get 👀 me 🧠 na 😾 e. 🤸‍♀️ one 🥴 song, 🎵 one ☝ smile, 😊 one 🙉 stare, 😤 wala ‼️ my 😻 world 🌎 starts 🤪 revolving 🔫 around 💝 you 🤭 again 😖

user123456789: ang popogi naman pakshet anong name nila?!?!?!??

After reading the comments, I visited Simon’s Instagram account. Napansin ko naman na may bago siyang story kaya hindi na rin ako nag-aksaya pa ng panahon. Pinindot ko na ang profile niya para makita ko ang story niya!

I couldn’t help but smile when I saw that it was just a simple picture of his guitar with a message on the right side. It says I woke up to an overwhelming number of messages and followers. At first, I thought I had done something wrong, but then I discovered that someone had posted our performance in Estancia! From Equinox to you, thank you so much for appreciating our music. A big shout-out also to user @kellykili for sharing our video.

Ngumuso ako at pinindot ang like button sa story niya. Naglakas na rin ako ng loob na magreply sa story niya kahit alam kong matatabunan din iyon. Baka nga hanggang message requests lang ako pero hindi bale na.

sgbenitez

congratulations!!! sana ma-discover pa kayo. deserve na deserve niyo iyan!!!💗

Hindi na rin ako umasa na magre-reply siya sa message ko. Inabot na lang din ako ng uwian pero wala man lang response. Kahit seen hindi niya rin nagawa. Ano pa nga bang aasahan ko? Alam ko naman na hindi lang ako ang nagsend ng message sa kaniya.

Inayos ko na lang ang gamit ko habang hinihintay ko si Euphony dahil kasama siya sa cleaners ngayon. Halos sabay din kasi ang uwian namin sa ibang strand kaya para akong masu-suffocate sa sobrang init. Ang dami ring estudyante na nagmamadaling lumabas sa gate!

“Darlene, sinong hinihintay mo?” tanong sa akin ni Zero.

“Bobo amputa magtatanong ka pa kung obvious naman sino hinihintay ko.”

“Si Euphony?” inosenteng tanong niya. “Bakit mo hinihintay eh hindi naman kayo sabay uuwi? Sa akin naman siya sasabay.”

“Edi kayo na!” I rolled my eyes. “Kingina ito na nga uuwi na nga ako.”

“Kanina ka pa mura nang mura. Inaano ka ba? Pitikin ko iyang bibig mo makita mo!”

I raised my middle finger. “Pakyu ka. Gago ka. Tangina mo. Punyeta ka. Ulol ka. Tarantado ka.”

Fine! I’d like to deny it, but I’m really bothered that my message to Simon was left unread and delivered. The idea that it’s just in the message requests makes my blood boil. I do feel a bit sorry for Zero for bearing the brunt of my anger, but unfortunately, I can’t take back my words!

Deserve naman nila Simon na sumikat at makuha ang pansin ng lahat pero ibig sabihin lang no’n mas lalo ring liliit ang chance na mapansin niya ako!

Damn it. Ang selfish mo naman kung pati recognition nila Simon magagalit ka Darlene? I mean nakita ko naman kung gaano sila ka-talented kaya wala akong karapatan magalit. Dapat lang talaga na makilala sila.

Hindi lang talaga kaya ng pride ko na ako ang unang nagmessage tapos hindi pa na-seen. Ang malala baka hindi pa napunta sa inbox at nasa message requests lang! Too bad for my first time making a move, huh?

Sana pala nakilala ko na lang sila noong hindi pa sila ganito kasikat. Mas madali siguro niya akong mapapansin kung sakali. Kung mamalasin ka nga naman talaga.

“Hoy ano bang pinuputok ng butchi mo, Darlene? Kung galit ka sa mundo huwag mo sa akin ibunton!” iritadong sagot ni Zero.

Nakabusangot na rin siya at napansin ko na rin na nakakuyom na ang palad niya. Inis ko naman siyang inirapan bago ko sinilip si Euphony mula sa bintana. Humalakhak naman ako nang makita ko si Euphony na nakasimangot habang naglalagay ng floor wax sa sahig.

I waved at her. “Euphony, mauna na ako!”

“Go lang, Darlene. Ingat ka!” sabi niya habang nagpapatak pa ng floor wax.

“Ingat sila sa’yo,” bulong ni Zero na sapat lang para marinig ko.

“Thanks...” I paused for a second. “Sorry rin pero tangina mo pa rin.”

“Humihirit pa talaga,” Zero chuckled.

Natawa na rin ako kaya naglakad na lang din ako palabas ng gate. Mula sa malayo nakita ko na agad yung driver namin na naghihintay sa akin kaya agad na akong pumasok sa sasakyan namin.

“Manong, you know na kung saan ang punta ko ngayon.”

Sinilip niya naman ako mula sa salamin. “Nasabi niyo na po ito kay Sir Francis?”

“Yup!” I happily nodded. “Bored na bored na po ako sa mansyon kaya palagi na po akong dadalaw kina Nathan.”

“May madadaanan po tayong Mcdo diba? Mag drive thru na lang po muna tayo saglit kasi nagugutom na po ako,” dagdag ko pa.

Tumango naman ang driver namin kaya sinalpak ko na lang ang airpods ko sa magkabilang tainga ko para makinig ng music. Hinanap ko rin sa soundcloud yung kanta na ginawa ni Simon at iyon ang pinakinggan ko.

The title is Marahuyo and it was released one year ago. The lyrics and composition were both done by him. He’s a freaking genius!

Marahuyo o labis na pagkabighani.

Akala ko love song ito pero habang pinapakinggan ko parang mas nangingibabaw ang lungkot at pangungulila niya. Hindi rin masaya ang lyrics at para bang tunog nagpapaalam siya sa kantang ito.

I wonder if this song is dedicated to someone. Is he broken, or he’s just talented?

I downloaded the song before ordering my food. Kung para nga iyon sa isang babae, ang swerte niya naman. Ano kayang feeling kapag may taong nagsulat at gumawa ng kanta para sa’yo?

It must be wonderful to be forever immortalized in the words of a poet.

“Darlene, parang napapadalas ka na dito,” komento ni Tita Precy bago niya ako salubungin ng yakap.

“Alam mo naman ang reason ko, Tita! Ang lungkot sa mansyon unlike dito mas marami at mas maingay kaya kahit papaano hindi ako malungkot.”

Tita pulled my hand. “You’re so defensive. I bet may crush ka sa mga classmate ni Nathan, ano?”

“Ang judgemental mo naman Tita!” I shook my head. “Ayaw mo ba na nandito yung favorite mong pamangkin?”

“Of course gusto ko,” she chuckled sweetly. “Stay here and I’ll prepare a snack for you.”

Nanatili na lang muna ako sa living room nila. Nagdesisyon na lang din ako na buksan ang TV nila para manood sa Netflix. Mukhang wala rin namang kaso kay Tita iyon dahil hinayaan niya lang din ako na manood.

Ilang minuto pa bago nilapag ni Tita sa maliit na lamesa yung hinanda niyang meryenda. Hindi na rin niya ako inistorbo kaya kumain na lang ako habang tahimik akong nanonood. Panay sulyap din ako sa orasan dahil malapit na ring umuwi si Nathan.

My eyes were already tearing up from the movie I was watching when I suddenly heard a bunch of noise coming from the mansion’s entrance.

“I told you. Mas lalo pang dadami ang gig niyo sa mga susunod na buwan,” narinig ko pang sinabi ng kung sino man ang naglalakad papasok ng mansyon.

“Hoy ang angas nga. Umabot na yata ng 1 million yung views ng video. Huwag mo kaming kalimutan Simon ha!”

Kinuha ko naman yung panyo sa bag ko at nagmadali na rin ako na punasan ang mukha ko. Pakiramdam ko namumula na ang mata ko dahil sa pag-iyak!

“Napanood ko na yung movie na iyan!”

Tumikhim naman yung isa. “Shut up. Huwag mo nga kaming i-spoil.”

Suminghot naman ako at natahimik na lang dahil naramdaman kong nandito na rin sila sa pwesto ko. Hindi nga ako nagkamali dahil biglang sumulpot si Nathan sa harap ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.

“What happened with your eyes?” Nathan asked me.

Pinunasan ko naman yung mata ko. “Wala lang ito. Nakakaiyak kasi yung movie.”

“Bakit naman kasi ganiyang movie ang pinili mong panoorin?”

“Malay ko bang sad pala iyan? Kung ano lang naman pinindot ko kanina!” padabog ko pang sinabi.

Pasimple ko namang nilibot ang tingin ko para hanapin si Simon. Mula sa kinauupuan ko, nakita ko siyang naglalakad papasok habang may airpods na nakasalpak sa magkabila niyang tainga. Nakalugay ang buhok niyang hanggang balikat ang haba at hindi rin siya nakasuot ng uniform.

Hindi yata siya pumasok ngayon. Simon is just wearing a simple black shirt, black jeans, and black leather boots. There is also a silver chain hanging around his neck. Kung hindi mo siya kilala mahahalata mo rin agad na nagbabanda siya dahil sa porma niya!

“Mag-uumpisa na—” napahinto naman siya dahil nakita niya ako. “—ba tayo?”

Nathan nodded. “Inutusan ko na sila Clark na ilabas yung ginawa natin. Hintayin na lang muna natin tapos start na tayo.”

I remained silent as I watched him. He sat next to a girl with short hair. My eyebrows furrowed when I noticed that they began talking about who knows what!

Mas lalo lang akong nainis nang makita kong tumawa siya habang kausap niya yung babae. Ano kayang pinag-uusapan nila? Ano bang topic ang magpapatawa sa kaniya ng ganiyan?

“Hi, Darlene! Ikaw ba yung nasa Twitter na gumagawa ng fanart ng Ghibli movies?” nagulat naman ako dahil bigla akong kinausap ng kaklase ni Nathan.

I smiled shyly. “Ako nga iyon.”

“Sabi ko na nga ba!” pinakita niya naman yung fanart na ginawa ko. “Favorite ko ito kaya ginawa ko pang wallpaper sa sobrang ganda.”

Napahawak naman ako sa batok sa sobrang hiya ko. Mukha rin namang naagaw iyon ng pansin ni Simon kasi nakita kong sumulyap din siya sa phone ng babaeng kumausap sa akin.

“Thank you!”

Gusto kong magpasalamat kay Nathan nang dumating na sila habang bitbit yung stall na tinatrabaho nila. Sumulyap din sa akin si Clark na kasama pala sa mga nagbuhat.

“Darlene!” he waved at me. “I’m so glad to see you here.”

“Tambay lang. Wala akong gagawin sa bahay eh.”

“Sakto pala kasi nandito rin ako,” ngumiti pa siya sa akin.

It took them a few minutes to settle down. Naramdaman kong tinabihan din ako ni Clark kaya umurong ako ng kaunti para hindi kami masyadong magkadikit. Hinanap ng mata ko si Simon na kasalukuyang nakatutok sa phone niya.

Kinuha ko na lang din ang phone ko at halos mapasigaw pa ako nang makita ko ang bagong notification na na-receive ko!

sgbenitez liked your message.

Gusto kong tumalon dahil kahit papaano alam kong nabasa niya ang message ko! Hindi man siya nagreply at least wala na sa message requests ang message ko. At least napansin niya man lang!

“So bale aayusin natin itong stall tapos ang iba naman sa inyo mag-aayos na ng mga freebies at stickers na ilalagay natin sa products natin,” anunsyo ng lalaki na parang tumatayong leader nila.

“Simon, ikaw ba yung naka-assign sa chibi at sa pubmats?” tanong sa kaniya ni Nathan.

Tumango naman si Simon. “Ako nga but I don’t have my laptop with me.”

“Meron ako,” sagot ni Nathan. “Pasama ka na lang dito kay Darlene na kuhain sa kwarto ko.”

“Ako na lang. Just give me the directions,” sabi pa ni Simon pero hindi na siya pinansin ni Nathan.

I refrained from smiling as I walked in his direction. His brows furrowed when our eyes met, and in that moment, I suddenly felt my heart racing.

Nakapamulsa pa siya nang lapitan ko siya. Iniwas ko na lang ang tingin ko dahil baka marinig niya ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi nga siya nagsabi ng sorry dahil sa sinabi niya sa akin last time!

Anyway, he’s already forgiven naman na kahit hindi pa siya nahingi ng tawad sa akin.

“This mansion is like a maze kaya hindi enough ang directions kapag sinabi lang sa’yo,” binasag ko naman ang katahimikan sa aming dalawa.

Hindi naman siya sumagot. Tahimik lang siyang sumunod sa akin habang umaakyat kami kaya tinikom ko na lang ang bibig ko.

Lumipas pa ang ilang minuto pero mas lalo lang yata akong nakaramdam ng awkwardness dahil hindi man lang siya nagsasalita! Hindi man lang din ako sinusubukan kausapin.

I cleared my throat. “I watched your video. Ang dami na palang views. Congratulations pala!”

“Thank you,” tipid niyang sagot.

“Siguro passion mo talaga ang pagtugtog, ano? Pinakinggan ko rin yung kanta na pinost mo sa soundcloud. Ang lungkot pero ang ganda pa rin!” I tried to sound lively.

Lumiko pa kami sa isang pasilyo habang sinusubukan ko naman siyang kausapin dahil hindi ko yata kaya na mananatili lang kaming tahimik.

“Yes, and thank you for listening.”

“Gan’yan ka ba talaga?” tanong ko sa kaniya.

Napahinto naman siya kaya nilingon ko siya. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. Mas lalo lang akong natuwa dahil ang lapit niya ngayon kaya nakita ko na ang mukha niya ng malapitan!

“And what exactly do you mean by that?” nahimigan ko ang iritasyon sa boses niya.

“Sa stage ang friendly mo. Kinikindatan mo pa nga ako pero kapag ganito na ang sungit mo na. Plastik ka ba?”

“So how should I act when you’re around? Do you expect me to be nice when clearly I don’t really know you?” he fired back which made me shut up.

“I wink wherever my eyes land while I'm performing, so please stop making assumptions and be realistic,” dagdag pa niya kaya hindi na lang ako sumagot.

Wala na ring sumubok na magsalita sa amin habang naglalakad. Hindi ko na rin alam kung anong sasabihin dahil sa mga huling sinabi niya!

Tama nga naman siya. Ano ba naman kasi itong iniisip ko? Ni wala nga kaming proper introduction sa isa’t isa. Binanggit lang ako na pinsan ni Nathan pero bukod doon wala na talaga kaya paano niya nga ako makikilala? Bobo ko rin para mag-isip na kinikindatan niya ako.

Nakakahiya ka naman Darlene!

Huminto naman ako sa tapat ng kwarto ni Nathan. Dahan-dahan kong inikot ang door handle bago ako pumasok. Naramdaman ko namang sumusunod pa rin sa akin si Simon. Umupo na lang muna ako sa kama ni Nathan bago ako nag-angat ng tingin sa kasama ko.

“There!” tinuro ko yung malaking drawer. “Nasa loob yung laptop ni Nathan.”

He nodded. “Got it.”

Ngumuso naman ako habang nakatingin ako sa malapad niyang likod.

“Darlene.”

“Huh?” nalilito niyang tanong.

I smiled. “Darlene ang pangalan ko.”

He remained silent. Nakatalikod pa rin siya sa akin habang kinukuha yung laptop ni Nathan.

“Darlene Kaye Alcazar ang full name ko. I’m only seventeen! October 7 ang birthday ko and then mahilig din akong mag-drawing pero sabi ng parents ko dapat daw maging doctor ako kaya nasa STEM ako.”

“I like spicy foods. Mahilig din akong mag make up. I also like dancing pero mahina ako sa acads, ha? Baka kasi isipin mo na matalino ako dahil nasa STEM ako,” ngumuso naman ako dahil nakatalikod pa rin siya sa akin.

Napailing ako. “Hindi lahat ng nasa STEM matatalino. May mga bobo rin at isa na ako doon,” humalakhak pa ako kaya nagulat naman ako nang lumingon siya sa akin.

“And you’re point is?” pinilig niya naman ang ulo niya.

“Sabi mo you act like that kasi you don’t really know me kaya nagpapakilala ako.”

Ilang segundo siyang natahimik bago ko narinig ang mahina niyang halakhak.

I stood there, my mouth slightly open in amazement, observing him. His hair danced in the window’s gentle breeze, his eyes sparkled with amusement, and his soft laughter had a weakening effect on me.

“So why are you doing this, Darlene?” halos manghina ako sa lambot ng pagkakatanong niya.

Darlene. I never expected my name to sound so beautiful when he spoke it. It came out gentle, calm, and absolutely fitting. It felt as if he was meant to say my name in that manner, a way that could only evoke these feelings in me.

“Because I like you,” matapang kong sinabi.

Simoy lang ng hangin ang naramdaman ko habang nakatitig kami sa isa’t isa. Siya na may hawak na laptop habang ako naman na katatayo lang dahil lalabas na rin kami.

Umiling siya. “Hindi mo naman talaga ako kilala kaya hindi mo masasabi iyan.”

Nagsimula na siyang maglakad palabas ng kwarto pero hindi ako nagpatinag.

“Then let me know you,” I challenged him.

Hindi siya sumagot. Naglakad lang siya na para bang wala siyang narinig. Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil kahit papaano nakausap ko na rin siya.

Kahit papaano napagbigyan niya na rin ako ng pansin at ayos na sa akin iyon!

Continue Reading

You'll Also Like

24.1K 1.1K 50
Batchmate Series 1 Vanity & Kirk [under revision] They called Vanity brainy, appealing, and honorable. Yet, despite these flattering remarks, Vanity...
108K 2.5K 28
HUE SERIES # 1 Rejection isn't part of Noreen Valle's vocabulary. She grew up getting everything or anything she wanted without doing much work. May...
10.8K 590 46
They are married for convenience, but they promised to make it work. What upholds their married life if no matter how hard they try, it just doesn't...
884K 40K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.