You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 51

111 0 0
By gytearah

CHAPTER 51 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Mga in*til talaga kayo! Nandoon na pala kayo eh, nakita na ninyo! Bakit hindi pa ninyo pinatay? Ano pa'ng hinihintay ninyo, pasko?! Mga t*nga talaga!!" Sigaw ni Rumel pagdating ng nga tauhan niya sa North.

"Tinatawagan po namin kayo pero hindi kayo sumasagot kaya umuwi na lang kami dito." Sagot ng isang lalake, agad siyang tinutukan ni Rumel ng baril.

"Ang usapan natin ay hindi kayo babalik dito na hindi dala yung kambal o libro o 'yong susi, pero ni isa sa tatlong 'yon ay wala kayong dala! Mga walang pakinabang! Ang dapat sa inyo'y mamatay!!" Isa-isang tinutukan ni Rumel ang mga tauhan.

Nilapitan ni Shielo si Rumel at hinimas-himas ang likod. "Ang init ng ulo mo Darling, hayaan mo na sila, ngayon lang naman sila pumalpak. Kapag pinatay mo ang mga 'yan, wala na tayong ipapalit sa kanila. Sige ka, ikaw rin, lalo lang nating hindi makukuha ang mga kayamang inipon ni Arah, kalmahan mo lang darling." Sabi ni Shielo sabay halik sa batok ni Rumel.

"Yung libro at susi ang ipahanak mo, hayaan mo na 'yong kambal. Kahit hindi natin sila patayin, mamamatay din ang dalawang 'yon, mas okay na magdusa sila sa sakit nila kaysa tayo ang pumatay. Wala na tayong kasalanan, nahirapan na sila sa sakit nila. Easy lang darling, tagal nating plinano 'to oh. Magtatagumpay tayo!" Yumakap si Shielo kay Rumel, "Si Mike, itakas na natin 'yong anak mo."

Napabuntong hininga si Rumel. "Kung hindi lang nagpakamatay ang anak natin, kasama sana natin siya ngayon, katulong sa mga plano natin." Sabi ni Rumel, napabuntong hininga rin si Shielo.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nagpakamatay si Olivia, ang anak natin.. matalino 'yon, naging tanga lang talaga sa pag-ibig." Napailing na lang si Shielo, "Kayo!" Sigaw ni Shielo

Napasinghap ang mga tauhan.

"Sigurado ba kayong patay na ninyo iniwan si Junnie? Baka humihinga pa ninyo iniwan yun, 'pag may nakakita doon, tutulungan 'yon, kapag nabuhay pa 'yon, yari tayo! Dapat inilibing na ninyo ng buhay! Dapat nagsigurado na kayo!" Sigaw ni Shielo

Nagkatinginan ang mga tauhan ni Rumel. "H-Hindi na po humihinga, tadtad 'yon ng baka at wala na pong tutulong dun dahil inihulog na namin siya sa bangin." Sabi ng isa sa tauhan ni Rumel at sumang-ayon naman ang lahat.

"Siguraduhin ninyo, malili*ntikan kayo sa akin!" Sigaw pa ni Shielo at humawak sa braso ni Rumel.

"Ano ba ang sakit nung kambal na alaga mo?"

"Darling, marami.. hindi ko na kailangang isa-isahin sa iyo. Namana nila 'yon sa Mama nila, dapat lang sa kanila 'yon. Yung mga Tito nilang Sundalo ang sumira ng buhay ko, buhay natin, kaya sisirain din natin ang buhay nila. Balita ko'y malapit na ang birthday nung anak ni Drammy, taniman natin ng bomba ang palibot ng bahay nila pati na rin 'ying Farm." Sabi ni Shielo at humalakhak.

"Huwag naman 'yong Farm darling. Kapag napatay na natin ang mga Musico, sa atin 'yon mapupunta, hindi na natin kailangan pang magnakaw para magkapera, yayaman na tayo." Nakangising sambit ni Rumel sabay
halik kay Shielo.

ELY's POINT OF VIEW ★

Minahal ko lang naman talaga si Olivia dahil akala ko siya ang Nanay ni Eya, parehong-pareho talaga kasi sila ni Tyra. Katawan, 'yong mga suot na damit at alahas, yung amoy.

Hay, ilang beses na akong naloko, dapat talaga hindi lang puso ang pinapagana, dapat may utak din.

Dahan-dahan kong inaalis ang pagkakayakap ni Eya sa akin. Alas dies na at parang may narinig akong umaandar na motor. Baka bumalik na naman 'yong mga magnanakaw ng manok sa poultry.

Dumaan ako sa likod-bahay patungo sa poultry pero wala namang tao.

Dumeretso ako sa may gate, may nadatnan akong tao, nakaupo sa motor, hinihilot-hilot ang mga kilay niya gamit ang hintuturo at hinlalaki niya.

"Tyra?" Tumingin siya sa akin, "Ano'ng nangyari sa 'yo?" May tumutulong dugo galing sa ilong niya. "Gabi na, bakit hindi ka pumapasok sa loob?"

Umiling siya. "Nagpapahangin lang. Si Eya?"

"Tulog na, kanina pa pagkababa ng tawag mo. Okay ka lang ba? Kanina nagmamadali kang umalis tapos tinawagan ka namin at nakausap ka namin sa cellphone tapos biglang nandito ka na ulit ngayon, namumutla. Ano ba'ng nangyari?" Nag-aalala king tanong, ngumiti lang siya at umiling.

"Puwede mo ba akong alalayan papunta sa duyan at saka gusto ko ng maligamgam na tubig." Hirap niyang sambit, inalalayan ko siyang maglakad papunta sa duyan, bumalik ako sa kubo namin at kumuha ng maligamgam na tubig.

Pagbalik ko sa duyan at hinihilot niya na naman ang kilay niya.

"Ito na yung tubig, uminom ka muna."

"S-Salamat."

"Masakit ba ang ulo mo? Bakit mo ginaganyan ang kilay mo?"

"Ginagawa ko 'to kapag nahihilo ako o kapag sobrang sakit ng ulo ko. Salamat."

Iniwan ko muna siya saglit, bumalik ako sa gate at isinarado yun. Dumeretso din ako ulit sa kubo para kumuha ng basang bimpo at jacket.

"Suotin mo muna, malamig ngayon." Pagkasuot niya ng jacket ay hinawakan ko siya sa pisnge, pinunasan ko ang natuyong dugo sa may ilong niya.

Napatingin ako sa labi niya, napalunok ako. Pagtingin ko sa mga mata niya ay nakatingin din siya sa akin.

Malungkot ang mga mata niya, ibang-iba sa nakikita ko noon, palaban. Parang ngayon pakiramdam ko nanghihina siya.

"I love you." Bulong niya at pilit na ngumiti.

"T-Tyra.."

"Alagaan mo ang anak natin.."

"Tyra, aalagaan natin. Mahal din kita." Hinalikan ko siya sa noo.

"At alagaan mo rin ang kakambal ko."

"Ha?" Kunot-noo kong tanong, bigla niya akong hinalikan sa labi kaya hindi na ako nakapagtanong pa.

-

"Thank you Mami, ang dami po nito."

Naalimpungatan ako, kinapa ko si Eya sa tabi ko, wala na siya.

Paglabas ko ng kubo ay nadatnan kong magkayakap si Eya at Tyra.

"Hi Dada! Good morning po. Grabeng surprised po ito! Ang dami ko pong hopia oh, iba-ibang flavor, dala po ni Mami. Kain po tayo Dada, gusto po ba ninyo ng kape?"

Kay Tyra ako tumingin.

"Ipagtitimpla kita." Sabi ni Tyra at tumayo para pumunta sa maliit naming kusina.

"Inom ka ng tubig ha."

"Opo Dada. Dada, ang happy ko po, katabi po pala natin matulog si Mami SB kagabi?"

Napatingin ako ulit kay Tyra.

Katabi namin?

Pero kagabi, pagkatapos nung- Ah, sabi niya iwan ko daw siya sa duyan, kahit gusto ko siyang samahan ay ayaw niya, doon na lang daw siya magpalipas ng gabi.

"Dada?"

"Ha? Ano 'yon Eya?"

Napasimangot si Eya. "Ang dami ko na pong naikuwento tapos wala po pala kayong narinig."

"Sorry na, may iniisip lang."

"Ang aga po n'yan ha. Magkape na po kayo, baka inaantok pa po kayo."

"May naalala lang talaga. Sige na, ubusin mo na 'yang kinakain mo." Kunot-noong lumapit si Eya sa akin at tiningnan ako sa mukha.

"Nanaginip na naman po ba kayo o may nangyari kagabi?"

Nagkatinginan kami ni Tyra.

"Eya, 'lika na dito bebe, maliligo ka na 'di ba? Huwag mo na tanungin nang tanungin ang Dada mo."

Inabot ni Tyra sa akin ang kape. "Paliliguan ko lang si Eya tapos uuwi na ako, ikaw na ang bahala sa kanya."

"Mami, hindi na po ba kayo babalik?"

Hinawakan ni Tyra si Eya sa kamay. "Nandito naman ang Dada mo, hindi ka naman niya pababayaan, love na love ka niya 'di ba? At love din kita s'yempre. May mga aasikasuhin lang ako." Tumingin si Tyra sa akin, "Hindi ako sure kung makakabalik pa ako," Tumingin ulit siya kay Eya. "Pero s'yempre para sa iyo babalik ako. Yung usapan natin ha."

Tumango si Eya at yumakap kay Tyra. "Magpapakabait po ako palagi at aalagaan ko po si Dada gaya ng sabi ninyo."

Aalis talaga siya?

Bakit?

Ano ba talagang nangyayari sa kanya, ano'ng problema? Bakit parang nagpapaalam siya?

Matamlay siya at namumutla.

"Sinabi ng Mami SB mo na alagaan mo raw ako?" Tanong ko kay Eya, tumango naman siya.

"Ang dami po naming pinag-usapan kanina habang natutulog ka pero secret lang po 'yon, sabi ni Mami ay sa amin lang po 'yon, walang makakaalam kahit na sino." Sabi ni Eya at lalo lang akong na-curious.

"Tyra.."

"Hindi mo pa iniinom ang kape mo, lalamig na 'yan. Eya, tara na, may pupuntahan pa ako, dapat maganda ka bago ako umalis."

Naiwan akong tulala, may mali talaga eh, may kakaiba sa mga kilos at sinasabi ni Tyra.

"'Tol!"

"Uy 'tol!" Muntik na akong mapaso ng kape.

"Lalim ng iniisip ah, hukayin na natin."

"Wala akong iniisip, inaantok pa kaya tulala." Sabi ko sabay higop ulit ng kape.

"Tumawag sa akin si Gwy, hinahanap ang Ate niya, nandito ba?"

"Oo pero huwag mong sabihing nandito si Tyra, baka puntahan pa dito, ayoko siyang makita."

"Eh on the way na kasama ang Boss Drammy natin. Hindi ko naman sinabi na nandito si Tyra pero pupunta daw talaga siya dito para sa iyo, gusto ka raw niyang makausap." Sabi ni Joepette, "'Tol, kung ako sa iyo, kausapin mo si Gwy ng deretsahan, sabihin mo na sa kanya lahat ng gusto mong sabihin, masaktan man siya at least nasabi mo ang totoo, maiintindihan niya naman siguro 'yon."

Tama si Joepette. Kung patuloy ko lang iiwasan si Gwy, walang mangyayari.

"Sige 'tol, kakausapin ko siya mamaya. Pero 'tol, p'wede mo bang kausapin si Tyra? Para kasing ang tahimik niya tapos namumutla, baka may problema siya, baka sabihin niya sa iyo, ayaw niya kasing sabihin sa akin e, nag-aalala ako. Gusto ko siya tulungan."

"Sige 'tol, ako na ang bahala, sasabihin ko sa iyo agad. Baka naman pagod lang, alam mo namang hindi rin yun nagpapahinga."

Pag-alis ni Joepette ay pumasok ako sa kubo para kumuha ng towel, maliligo na ako para magaan ang pakiramdam bago magtrabaho.

"I love you anak."

Napasilip ako sa maliit na butas ng kubo.

"I love you too Mami Tyra."

Hindi naman siguro ako nabibinge, tama naman siguro ang narinig ko.

Tinawag niyang anak si Eya at Mami Tyra na ang tawag ni Eya sa kanya?

"Huwag pasaway sa Dada ha, kumain ng marami lalo na kapag gulay at saka ang vitamins mo huwag kalimutan inumin. Sa tanghali ay matulog din ha, huwag pasaway kay Aleng Adela at Mang Jerry."

"Opo Mami."

Nasa labas sila, sinusuklay ni Tyra si Eya.

Ang sarap nila pagmasdan, sana palaging ganito.

"Mami.."

"Yes anak?" Tanong ni Tyra at ngumiti.

"Kapag natapos na po ba yung trabaho na sinasabi mo, makakasama ka na po ba namin? Ako, si Dada tapos ikaw."

Ngumiti si Tyra. "Basta tandaan mo na love na love kita. Pahinge nga ng kiss si Mami." Hinalikan naman siya ni Eya ng ilang beses sa pisnge.

"Wait lang po Mami, ipapakita ko lang itong maganda kong damit kay T'yang Adela. I love you po." Tumakbo si Eya papunta sa kabilang kubo.

"Tyra.."

Nagulat siya ng lumabas ako.

"N-Nandiyan ka pala."

"Sinabi mo na kay Eya?"

Tumango siya. "Naiintindihan niya naman, pero hindi pa lahat, pero masaya naman siya na ako ang Mami niya. Ayaw ko na rin kasing magsayang ng oras gaya ng sinabi ko sa Tatay mo, matagal ko 'tong hinintay."

"Pero bakit parang nagpapaalam ka?"

Pilit siyang ngumiti. "Ikaw na ang bahala kay Erra, alam ko namang hindi mo siya pababayaan."

"Tyra!"

May tumulo na namang dugo galing sa ilong niya, pinunasan niya agad pati na rin ang luha niya.

"Dahil dito!" Bulong niya at tinuro ang ilong niya, "Akala ko okay na, akala ko magaling na ako Ely, pero ito na naman, bumalik na naman 'yong sakit ko!"

* END OF CHAPTER 51 *

A/N: Ano kaya'ng sakit ni Tyra?

- gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

46.4K 796 89
Sabina Maliari is a woman with an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smar...
31.3K 561 50
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
372K 11.4K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...
8.6K 338 20
Mature content | R -🔞 | SPG "REINCARNATION SERIES 1" Ang kwentong ito ay tungkol kay Sage Axis Ferrer Arseo, isang mabangis na killer machine na na...