The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.6K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 151

111 10 3
By breakerdreamer


Chapter 151:

        Natuloy sa pag alis si aki patungong america kasama ang kanyang ina, samantalang si sakuragi naman ay naiwan sakanya ang responsibilidad sa kompanya nila. Madaming nagulat nang ipamalita sa tv ang nangyari kay Don fermin, madami ang nabahala at natakot sa maaaring mangyari sa kompanya. Specially, ang board of directors ay mag limang buwan na kasing coma ang lolo ni sakuragi kaya ang ilang mga nagtatrabaho sa kompanya ay agad napag usapan ang tungkol sa kung sino ang mauupo bilang CEO. Nalaman iyon ni sakuragi kaya agad niyang kinausap ang secretary ng kanyang lolo at inaral ang lahat lahat tungkol sa kompanya.

Ngayong araw ang mismong meeting tungkol sa pinag uusapang temporary CEO, nalaman ng buong board of directors na ang apo ni don fermin ang mamamahala hanggang sa gumaling na ng tuluyan si don fermin.

"Sir, nasa loob na po ang lahat, hinihintay na po kayo." Ani ng secretary, bumuntong hininga naman nang malalim si sakuragi dahil sa nararamdamang kaba. Limang buwan na magmula ng mangyari ang insidenteng iyon, nababahala siya sa maaaring kahinatnan ng meeting.

Tumayo si sakuragi maging ang apat nitong kaibigan na si sokomo, hajime, jun at sachi.. lumapit si sachi para ayusin ang necktie ni sakuragi na nagusot dahil sa kakahila ni sakuragi.

"Wag mong higpitan, hindi ako makahinga e." Anas ni sakuragi kay sachi. Natawa ang tatlong lalaki sa sinabi nito habang nailing naman si sachi.

"Masanay kana sakuragi, ikaw na ang hahawak ng kompanya ng lolo mo. Hindi naman pwedeng nakapang bahay ka lang, dapat magmukha kang presintable sa paningin nila." Ani sachi kay sakuragi na tumango nalang.

"Ay bahala na, kinakabahan kasi ako." Ani sakuragi

"Pinag aralan mo naman ang lahat ng detalye sa kompanya niyo Diba?" Tanong ni hajime

"Oo, pero parang may kulang e." Ani sakuragi

"Ah sir, tara na ho! Baka mainip po sila at umalis." Pag singit ng secretary, tumango naman si sakuragi bago naglakad patiuna sa secretary nito.

Iba na ang kulay ng buhok ni sakuragi, kulay itim na ito na mahaba na aabot hanggang ibaba nang tenga nito. Nakatali lamang ito ngayon dahil iyon ang sabi ni sachi sakanya.

Pinagbuksan naman siya ng secretary ng pintuan, na agad namang tinanguan ni sakuragi bilang pasasalamat. Inalis rin ni sakuragi ang emosyon sa kanyang mukha at napalitan iyon ng kaseryosohan.

"Salamat naman at dumating kana, kanina pa kami nag iintay sayo dito." Giit ng isa sa board of directors. Tinignan ito ni sakuragi ng malamig bago naupo sa pinaka gitna. Pahaba ang lamesa at nasa pinakadulo siya nakaupo sa gitna.

"Kung nagmamadali ka, Pwede ka nang umalis. Hindi kailangan ng kompanya ang aburidong tulad mo." Anas ni sakuragi sa malamig na tono. Natigilan ang lalaki at hindi nakapag salita.

"So, ngayong nag papagaling ang lolo ko sa ospital, ako ang hahalili sa kanya bilang temporary CEO ng kompanya. Kung ang Ilan sainyo ay nababahala sa kakahayan ko." Tinignan ni sakuragi ang secretary ng kanyang lolo bago tinanguan.    "Basahin niyo ang profosal ko na inihanda para sa kompanya natin. Kayo ang bahala mag decide kung maayos ba o hindi. Lahat ng kompanyang undecided pa sa partner ship mula sa atin, ipakita natin sa kanila na sa loob lamang ng isang taon double profit ang maipapasok sa kompanya natin." Ani sakuragi sa mga kaharap, binabasa naman ng mga ito ang hawak nilang documents na naglalaman ng ideya ni sakuragi para sa kompanya nila.

Namangha ang matatanda sa naging kauna unahang profosal ni sakuragi para kompanya. Ang laking kaibahan nito nung ang lolo pa nito ang humahawak. Hindi makakaila na maganda ang ideyang ito kaya nagkatinginan ang mga ito at sabay na tumango.

"Okay, mukhang wala naman pala kaming kailangan ikabahala. Maraming salamat, umaasa kami na mas iaangat mo pa ang kompanya." Tumango si sakuragi sakanila, tumayo naman ang mga board of directors at ganon din si sakuragi, nakipag kamay ito na tinanggap naman ni sakuragi.

Nang makalabas na ang mga board of directors, doon lamang bumuntong hininga nang malalim si sakuragi. Napangiti ang secretary sa kanyang kanyang boss.

"Sir, ang galing niyo kanina. Parang hindi ko nga kayo nakitaan nang kaba e. Napakaayos niyong tignan." Ani nito kay sakuragi, ngumisi naman si sakuragi sa sinabi nito.

"Salamat. Akala ko kasi talaga hindi tatalab ang ideyang iyon e. Buong linggo ko pa namang pinag aralan iyan iyan." Ani sakuragi, ngumiti naman ang kausap nito bago tumango.

"Gusto niyo po bang maghanda na ako nang makakain niyo?" Tanong ng secretary kay sakuragi.

"No need na, dadalawin ko si lolo ngayon." Ani sakuragi, tumango ito at sumunod na kay sakuragi nang lumabas na ito ng conference room.

Nakita niya pa ang apat na nag uusap kaya nang makita nila si sakuragi ay agad silang lumapit para mangamusta sa pinag meetingan.

"Kamusta? Anong sabi nila?" Tanong ni sachi

"Approved. Hindi ko na poproblemahin pa ang pangi'question nila sa kakayahan ko. Salamat sainyo." Nakangiting sabi ni sakuragi bago tinapik sa balikat si sokomo at hajime.

"Susss, wala lang iyon. Ikaw pa ba? Malaki na rin ang naitulong mo samin no." Ani hajime

"Oo nga pala, dadalawin ko si lolo sa hospital, sasama ba kayo?" Tanong ni sakuragi sa mga ito. Nagkatinginan pa sila at masayang tumango .

"Syempre naman," masiglang sagot ng mga ito

"Sir, isesend ko nalang sainyo ang mga kailangan niyong basahin na mga documents. Pasensya na sir, pero kailangan din po kasi ng kompanya iyon e." Tumango si sakuragi bago ito tinapik sa balikat.

"Don't worry mr. Secretary, gagawin ko ang lahat para sa company ni lolo. Tsaka Pwede ka nang umuwi kung wala kanang gagawin."

"Sige ho sir, Salamat."

America,

     Healty'ng naideliver ni aki si baby saki, three months old na ito ngayon at napakalusog, walang araw na hindi ito pinipicture'ran ni aki para sa magandang memories. Gusto rin kasi nitong ipakita kay sakuragi ang baby nila habang lumalaki. Namimiss niya nang masyado si sakuragi pero kailangan niya na munang mag grow on her own. Kasama niya naman ang kanyang ina na nag aalaga sa kanyang anak habang pinag sasabay niya ang pagtatrabaho at piniling mag patuloy ng pag aaral. Hindi naging madali ang adjustment ni aki sa bagong environment, madaming mga latina ang may ayaw sa tulad niya kaya medyo nahihirapan pa si aki na makibagay sa kanila.

Nalaman pa ng ilang na may anak na siya kaya mas lalo lamang natuon ang pambubully ng iba sakanya. Until may isang lalaki ang tumutulong sakanya na iavoid ang mga bullies sa school. Tristan ang pangalan nito, and he's a gay! Alam ng karamihan ay lalaking lalaki siya, pero tanging si aki lamang ang nakakaalam na bakla ito.

"Sis, nasan ang baby cutieee ko?" Tanong ni Tristan pagkapasok palang ng bahay nila, naiiling namang sinundan nang tingin si tristan dahil sa outfit nito.

"The hell bakla, bakit ganyan suot mo? Akala ko ba ayaw mong mabuking na bakla ka?" Takang tanong ni aki sa kaibigan

"Chill ka lang, wala namang nakakita pagkaalis ko ng bahay e. Tsaka may baon akong damit pamalit." Ani tristan

"Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin sa parents mo na bakla ka, for sure naman pakikinggan ka nila." Ani aki dito

"No, Ayoko. Tsaka wag na nga natin pag usapan ang tungkol sakin. Ang pag usapan natin is, gaano ba kagwapo ang tatay ng baby cutieee ko?" Tanong ni Tristan

"Si sakuragi? Well, for me lang ha? Napakagwapo niya, matipuno ang pangangatawan at may malamig na titig na talagang kikilabutan ka." Ani aki na tila kinikilig.

"May picture ka ba niya?" Tanong muli ni tristan

"Wala e. Tsaka dati meron akong picture, kaso nawala phone ko.." ani aki

"Sayang naman. Five months na kayo ni tita dito, pero di pa tayo lumalabas para mag bar." Malungkot na ani tristan sa kaibigan, umirap si aki sa tono ng boses ng kaibigan.


"Iwan ko sayo, uunahin ko pa ba iyan, alam mo namang may anak ako Diba? Sa tingin mo magagawa ko pang magparty samantalang may anak akong nag hihintay sakin sa pag uwi. Tsaka pagod na si mommy, palagi na lang siya ang nag aalaga sa anak ko." Ani aki kay tristan na napabuntong hininga ng malalim dahil wala din naman siyang napala sa pangungumbinsi dito.


"Fine. Edi dito nalang ako mag stay hanggang mamaya, gusto ko rin namang makita itong inaanak ko. Mabuti rin na wag na tayong umalis." Giit nito na animo'y kanina ay hindi ito nangungulit sa pag alis nila. Naiiling na lamang si aki bago kinuha ang bottle na lalagyan ng gatas ni baby saki.



ŌSAKA, HOSPITAL..

    Nakarating na si sakuragi at mga kaibigan nito sa hospital kaya agad silang dumeretso sa kwarto ng lolo nito. Sa limang buwan na lumalaban ito para sa kalagayan nito, mas lalong nakakaramdam ng takot si sakuragi, anytime pwedeng bawiin ang lolo niya, kaya hanggat nakikita at nakakasama niya pa ito ay sinusulit niya ang pagkakataon.


"Sakuragi?" Tawag pansin ni sokomo


"Bakit?" Sagot ni sakuragi pabalik kay sokomo, medyo hesitant pa ito sa itatanong dahil mukhang obvious na rin naman ang sagot sa itatanong nito.


"A-ano, c-curious lang naman ako. Bat mo naisipang tanggapin ang pagmamanage ng company niyo?" Mabilis na tanong ni sokomo, nagkatinginan pa ang tatlo pang kasamahan dahil doon, siniko pa ni hajime si sokomo dahil sa walang kwenta nitong tanong.


"Hm, para sa future ng anak ko. Gusto ko, sa oras na makita ko na siya mayroon na siyang bahay na matitirhan. Ayaw ko matulad siya sa ibang bata na pinapabayaan nalang ng magulang, gusto ko ang anak ko, nasa maayos na matitirhan." Ani sakuragi na may ngiti sa labi, si sachi naman ay tila nakaramdam ng lungkot dahil doon.


Dahil kahit nirehect na siya ni sakuragi noon, ay hindi parin nawawala ang nararamdaman niya para kay sakuragi. Nag aalala si sachi na baka pag dumating na ang totoong babaeng magmamahal sakanya ay pabayaan na siya nito, close na close na sila at ayaw niyang dumating ang araw na makita niya si sakuragi na may ibang babaeng kasama.


"Oo nga naman, para sa anak ni sakuragi gagawin natin ang lahat para maging maayos ang lahat bago siya dumating dito." Pasigaw na ani sachi na ikinagulat ni hajime at sokomo,



'hindi naman dapat ganon ang maging reaction niya, bakit parang pilit na pilit.' ani sa isipan ni hajime samantalang si sokomo naman ay napatingin kay jun na nakayuko.


"Salamat Sachi, pero hindi niyo na kailangan pang gawin iyan.. ako ang gagawa non dahil anak ko naman iyon." Ani sakuragi kay sachi, wala namang naging imik si Sachi ng marinig iyon.


'hanggat hindi pa bumabalik ang babaeng iyon sa buhay ni sakuragi, may chance pa ako para baguhin ang isip niya at ako ang piliin niya.' ani sachi sa pursigidong iniisip.









Continue Reading

You'll Also Like

221K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
108K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
215K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...