The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 150

119 11 6
By breakerdreamer


Continuation...

 

     Agad napigilan ang balak ni sakuragi sa pag sugod kay kotaro ng hawakan siya ni doss at uno sa braso, ramdam ng dalawa ang panginginig ng katawan ni sakuragi dahil sa galit na nararamdaman nito para sa kaharap. Tinanguan ni doss si uno bago inilayo si sakuragi doon.

"Hanamichi, huminahon ka.. alam kong mahirap para sayong harapin iyong taong gumawa nito sa lolo mo, pero wag mong hayaan na lamunin ka nang galit mo." Pagpapagaang sabi ni uno dito

Napahilamos na lamang ng palad sa mukha si sakuragi dala ng frustration, habang pinipigilan Niya ang galit na nararamdaman niya, mas lalong humuhusbong ang kagustuhan niya na saktan ito.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko? Patay na ba lolo mo?" Pagngising tanong ni kotaro, pumikit nang mariin sakuragi bago bumuntong hininga ng malalim. Bago nginisihang hinarap si kotaro na ikinagulat nito, hindi ang reaction ni sakuragi ang gustong makita ni kotaro kundi ang galit nito mismo.


"Sakuragi, wag mo siyang pakinggan, prino'provoke ka lang niya para mas lalo ka lang magalit sakanya. Pigilan mo ang galit mo." Bulong muling panayam ni uno, tumango si sakuragi sa sinabi ni uno habang tinitignan si kotaro.


"Buhay na buhay pa ang lolo ko, mukhang mauuna ka pa nga yata sakanya e. Sayang, hindi mo makikita ang apo mo bago ka mamaalam." Pang uuyam na ani sakuragi kay kotaro, gusto niyang galitin ito sa pamamaraan nang pananalita niya, kung hindi niya ito masaktan ng pisikalan, pwes sasaktan niya ito sa mga salita niya nalang.

napakunot noo naman ito sa sinabi ni sakuragi. Tila hindi nakuha ang kanyang huling sinabi?

"Anong pinag sasabi mong apo?" Giit ni kotaro, bakas na bakas sa mukha nito na naguguluhan ito. Mas tumand ang itsura nito ngayon, di tulad noon na maayos tignan.

"Anak naming dalawa ni aki, pitong buwan na siyang nag dadalang tao at ako ang ama ng dinadala niya, wala ka man lang bang balak maging mabuting lolo para sa magiging apo mo." Anas ni sakuragi, seryoso na nitong tinitignan si kotaro. Gusto niyang hintayin ang magiging reaction nito sa oras na sabihin niya ang kalagayan ng anak nito.

Nanlalaki ang mata ni kotaro sa sinabi ni sakuragi sakanya, kahit nahihirapan ay tumayo ito at hahablutin sana ang kwelyo ni sakuragi ng hawakan siya ng dalawang tauhan.

"Buntis ang anak ko? Pinagsamantalahan mo siya, Ginahasa mo ang anak ko." Pagsigaw sa galit na ani kotaro nang bintang kay sakuragi. Wala namang emosyong pinagmasdan ni sakuragi ang kaharap.

"Nah! Malaki ang respeto ko sa anak mo, hindi ko iyon gagawin kung hindi ginusto ni aki na may mangyari samin. Wag kang mag alala, aalagaan ko ang anak mo at ang magiging apo mo." Ngising saad ni sakuragi bago tumalikod at tinap ang balikat ni doss.

Ngunit huminto si sakuragi at muling may iniwang salita...


"Galit na galit ako sayo sa lahat nang ginawa mong pagpapahirap sakin, hinding hindi ko makakalimutan iyong mga iyon. Pero dahil tatay ka nang babaeng pinakamamahal ko, isinantabi ko iyon alang alang sa respetong natitira para sayo. Mahal na Mahal ko ang anak mo, kung ano mang pagkakamaling nagawa ko noon lubos na pinag sisihan ko iyon at napagbayaran ko na iyon." Anas ni sakuragi sa malamig na tono, hindi nakaimik si kotaro .

"Kayo na ang bahala sa kanya, wag niyong papatayin.. wag niyo lang pakainin sa loob ng isang linggo, pagkatapos dalhin niyo na sa presinto." Ani sakuragi kay doss at uno na kinatango ng dalawa.

"Noted. Kami na ang bahala sa kanila." Ngising sagot ng dalawa.

Hanggang sa tuluyan na ngang makalabas si sakuragi mula sa loob, doon lamang nabalik sa wisyo si kotaro.

Nagsisigaw naman si kotaro nang makalabas na si sakuragi, nakita naman agad ni lee ang kanyang amo na tila pagod na pagod kaya agad niya itong pinag buksan nang pintuan.

"Dumeretso na po tayo sa ospital, gusto ko makita ang lolo ko." May himig na kalungkutan saad ni sakuragi nang sabihin nito iyon..

"Sige ho, magpahinga na lang po muna kayo." Ani lee, pumikit lamang si sakuragi at hindi na nag salita pa.

Inistart naman ni lee ang engine at pinausad na ang sasakyan, medyo malayo ang ospital sa pinag dalhan kay kotaro. Gubat kasi ang bodegang pinag dalhan nila sa mga ito at masukal din ang dinadaanan.


Ilang minutong rin ang nakalipas nang makarating sila sa harapan ng ospital, agad nang bumaba si sakuragi at dere-deretsong tumungo sa kwarto kung saan nag papahinga ang lolo.

Naabutan niya ang mayordoma at ang ilang nagbabantay sa loob na inaasikaso si don fermin.. napatingin ang lahat kay sakuragi bago yumukod.


"Kamusta ang lolo?" Tanong ni sakuragi bago lumapit sa higaan at hinawakan nito ang kamay ni don fermin


"Ang sabi ng doctor kanina, stable na ang kalagayan ni señor mabuti nalang ho at may nag donate ng dugo kanina, naubusan na raw ho.." tumango si sakuragi, mapait siyang napangiti nang makitang ayos naman ang lolo niya.


"Salamat po, Pwede na po kayong umuwi. Mamaya nalang po kayo bumalik, dalhan niyo nalang po ako nang damit at makakain."tumango ang mayordoma sa sinabi ni sakuragi bago tinignan ang tatlong katulong. Sumunod ang mga ito nang lumabas ang mayordoma.


Ilang minuto, may kumatok sa pintuan bumukas iyon at iniluwa non si hajime, sokomo, jun at sachi..


"Sakuragi?" Napatingin si sakuragi sa mga ito nang walang emosyon.

"Nabalitaan namin ang nangyari kay sir fermin, kamusta siya?" Tanong ni sachi na medyo nahihiya pa

Tumango si sakuragi bago muling tinignan ang kanyang lolo.

"Stable na raw si lolo, kailangan lang nang pahinga para mabawi ang buong lakas niya." Sagot ni sakuragi sa mga ito.


Napatango si sachi at napatingin sa tatlong lalaki na nag tutulakan kaya sinamaan niya ito nang tingin


"A-ahm. Sakuragi, s-sorry nga pala sa mga nasabi namin sayo." Ani hajime kay sakuragi


Hindi sumagot si sakuragi sa sinabi nito kaya napapahiyang yumuko si hajime.

"Gusto sana naming bumawi sa mga nagawa naming kasalanan sayo, kung pwede lang sana.. Pwede mo ba kaming payagan na magtrabaho sa mansyon niyo?" Ani sokomo sa mababang boses, nagbabakasakaling  pumayag si sakuragi


"Sige. Pumunta nalang kayo bukas sa bahay, si lee na ang kausapin niyo sa bagay na iyan." Ani sakuragi na ikinatuwa nang apat. Napalakas pa ang pag sabi nang mga ito ng "YES"


"Salamat sakuragi, sorry talaga sa nagawa ko. Sobrang nainggit lang talaga ako sayo kaya ko nagawa iyon. Sorry talaga." Ani jun, tumingin si sakuragi sakanya nang seryoso


"Hindi sakin big deal iyong mga sinabi niyo, dahil una sa lahat kilala ko ang sarili ko. Hindi ako agad nag papaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao sa pagkatao ko. Kaya wag kanang humingi nang tawad sakin kasi wala lang iyon sakin. Madami ang problema ko kung idadagdag ko pa yan." Ani sakuragi kay jun na ikinakamot nito sa batok. Medyo nakaramdam ito nang tuwa dahil hindi niya akalain na mabuti pala itong si sakuragi.


"S-salamat." Kanda utal ni jun dito. Ngumiti lang si sakuragi nang tipid bago muling binaling ang tingin sa lolo.

Maya maya pa'y bumukas ang pintuan at iniluwa non si lee na may seryosong expression, napatingin pa ito sa apat na nandoon na yumukod pa kay lee.

"Sir, may kailangan po kayong malaman?" Ani lee kay sakuragi, tumingin naman si sakuragi kay lee bago tumango.

"Si miss aki po, nagbabalak umalis patungong ibang bansa. Matapos kasi nitong malaman ang katotohanan ay nahirapan na siyang harapin ka. Si sir rukawa mismo ang nagsabi sakin ng tumawag siya kanina." Ani lee, natulalang napatingin si sakuragi sa kung saan bago tumango.


"Hayaan niyo nalang muna siya, kung iyon ang makakabuti para sakanya sundin niyo nalang. Ayoko rin namang madamay pa siya at ang magiging anak namin dahil sa problemang meron ngayon, subaybayan niyo nalang.." ani sakuragi sa pagod na tono ng boses. Tila wala na itong lakas para makipag talo pa sa nobya niya, sa dami niyang iniisip ngayon gusto niyang gawin muna ang iniatang na kompanya na naiwan ng lolo niya ngayon.


Pag dumating ang panahon na okay na at tapos na ang kinakaharap nilang problema, babawi siya sa anak niya at pakakasalan niya ang nobya niya.


"Naiintindihan ko sir, kami na ho ang bahala kay miss aki." Tumango si sakuragi nang hindi nag sasalita bago yumukod si lee at lumabas na nang kwarto.


Meanwhile

Pinipigilan naman ni rukawa si aki sa ginagawa nitong pag iimpake, nasabi niya na kay lee ang naging desisyon ni aki kaya hinihintay niya na lamang si sakuragi na pigilan ito. Subalit magkakalahating oras na pero walang sakuragi'ng sumulpot.


"Kuya, wag mo na along pigilan...makakabuting umalis na muna ako, di ko naman pababayaan ang baby namin e. Babalik ako sa oras na okay na ako, kasama ko naman si mommy e." Ani aki kay rukawa


"Pero paano si sakuragi?" Tanong ni rukawa


"Sabihin mo nalang sakanya na para narin sakanyang itong ginagawa ko. Sa daming nangyari samin ngayon, Ayoko nang dumagdag pa sa problema niya. Kaya ko naman ito e, kakayanin ko para sa anak namin." Sagot ni aki, napahilamos palad nalang si rukawa sa kanyang mukha bago nailing.


"Hay naku! Imbes na pag usapan niyo ito, tinatakbuhan niyong dalawa ang problema." Frustrated na ani rukawa kay aki


"Immature ako kuya at gusto kung mag grow na ako lang mag isa. By this time, baka ganon din ang iniisip ni sakuragi kaya okay na rin ito sakin. Malayo sa problema." Ani aki sa kuya Niya


Continue Reading

You'll Also Like

11.6K 1.1K 62
Si Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong da...
29.6K 118 1
Makulit, Maingay, Sweet, Matalino, Friendly ganyan ilarawan ni Kiarra Kiyota ang ugali nya... Ano kayang mangyayare kung magtagpo ang landas nila ni...
3.2K 138 40
Ito ang kuwento ng buhay Basmetball Player ni Hanamichi Sakuragi. At ito ang unang hakbang sa pagtupad ni Sakuragi mna maging isanh NBA Player. Ang k...