Owned By A Cold-hearted Man (...

By ImaheNasyooon

39K 345 38

[O N G O I N G] WARNING: MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! More

PROLOGUE (R-18)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6 (R-18)
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (R-18)
CHAPTER 9 (R-18)
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12 (R-18)
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15 (R-18)
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 (R-18)
CHAPTER 21 (R-18)
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25

CHAPTER 5

1.1K 10 0
By ImaheNasyooon

CHAPTER 5

N I Ñ A


"WHAT?!"



Napatigil ang lahat ng tao sa loob ng coffee shop nang pumangibabaw ang malakas na sigaw ni Nadia. Mula sa pagliligpit ko ng mga tasa at pinggan na nagamit ng mga customers ay napalingon ako sa kanya. Kahit si ma'am Helen na mukhang may pinagkakaabalahan sa loob ng opisina niya ay napalabas marahil narinig din ang malakas na sigaw ni Nadia at bakas ang pagkataranta sa mukha ni ma'am Helen.




"P-paano? A-anong nangyari?" Utal utal na tanong ni Nadia. Magkasalubong ang kilay at nakatingin sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng kung sino mang kausap niya sa cellphone.





"Nadia, what happened? Why are you shouting?" Kuryosong tanong ni ma'am Helen na nilapitan pa si Nadia sa pwesto niya.




Para namang walang narinig si Nadia dahil hindi sinagot ang tanong ni ma'am Helen.




"B-bakit—p-paanong naaksidente?" Nanginig ang boses ni Nadia. Mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Napatuwid ako ng tayo, kinuha ang tray na siyang pinaglalagyan ng mga niligpit ko at lumapit sa counter.




"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko.





Nilingon ako ni Nadia. Kaunti na lang ay tutulo na ang luha sa mga mata niya. At hindi nga ako nagkamali, tuluyan ng tumulo 'yon. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang marinig ang pangalan na binanggit niya.




"S-si Selene......"





Natigilan ako. "B-bakit si Selene? Anong nangyari kay Selene?"





"Naaksidente si Selene—" hindi na napigilan ni Nadia ang hikbi na kumawala sa bibig niya. Ako naman ay lalong natigilan at segundo pa ang binilang bago tuluyang maproseso sa utak ko ang sinabi ni Nadia.





Narinig ko naman ang pagsinghap ni ma'am Helen samantalang si Ainsley ay may nagugulat na ekspresyon sa mukha.





"Nasaan na si Selene ngayon? Kumusta siya?"





"She's on the hospital now,"





Pinunasan ni Nadia ang sariling luha at tinignan si ma'am Helen. Mukhang nakuha naman ni ma'am Helen ang tingin na 'yon ni Nadia kaya tumango siya.





"Go. Selene needs you."




"Salamat, ma'am." Ako na ang nagpasalamat dahil kaagad na tumalikod si Nadia at pumasok sa staff room.





Sumunod na rin ako kay Nadia sa staff room at nagbihis. Isang mabilisang pagbibihis ang ginawa ko at sabay na rin kami ni Nadia na lumabas ng staff room. Nilingon pa namin sina ma'am Helen ay Ainsley at nagpaalam bago umalis ng coffee shop.




Ako na ang pumara ng taxi. Kinailangan ko pang alalayan si Nadia na sumakay dahil tulala na. Ako na rin ang nagsabi sa driver sa kung saan kami pupunta. Tahimik lang kaming dalawa ni Nadia at parehong may malalim na iniisip.





Paano naaksidente si Selene? Kausap pa namin siya noong isang araw. Ano ba ang nangyari?





Hindi nagtagal ay nakarating kami sa hospital na malapit lang sa sub division na tinitirhan ko. Doon mismo nag-o-OJT si Leanna.





Pagkaabot ko ng bayad ay inalalayan ko ulit si Nadia na lumabas ng taxi. Para na siyang naparalisa dahil halos hindi na niya magawang kumilos para maglakad dahil nakatulala na siya. Kailangan lang kaladkarin para kumilos.





Habang hawak si Nadia sa braso ay lumapit ako sa nurses station.




"Good morning, miss," bati ko rito.




"Good morning, ma'am,"




"Nasaan ang kwarto ni Selene Camacho Vergara?"




"Nasa ICU po. Diretsuhin niyo lang po yang hallway na yan tapos kaliwa po kayo, nandoon na po," ani ng babaeng nurse na tinanguan at pinasalamatan ko na lang.




Muli kong hinila si Nadia at tahimik naman na nagpapatianod. Pagkatapos lakarin ang napakahabang hallway ay kumaliwa ako tulad ng sabi nung nurse at mula roon ay natanaw kk ang pamilyar na pigura ng pamilya ni Selene.





Nasa labas ang mga ito ng ICU at nakaupo sa mga upuan na magkakarugtong. Maglalakad na sana siya ako papalapit nang maramdaman ang pagtigil ni Nadia. Nilingon ko siya.




"Bakit?"





Nag angat siya ng tingin at umiling. "H-hindi ko ata kaya, ate Niña.





Binitawan ko ang braso niya at pumihit paharap sa kanya. "Anong hindi mo kaya? Nadia, nandito na tayo,"





Umiling ulit siya. Ang mga mata ay nagsisimula na namang mamasa. "H-hindi ko talaga k-kaya. Ate,"




"Nads, kailangan tayo ni Selene."





"Pero nandyan naman sina Tita Janice at Tito Hernando,"





"Makikibalita at mangangamusta lang tayo. Ito 'yong mga pagkakataon na kailangan tayo ni Selene,"





Hindi kaagad siya sumagot at lumingon pa sa likuran ko. "Pero hindi ko talaga kaya. Ganitong ganito 'yong nangyari noon. Ang kaibahan lang, ako nagkasakit, si Selene nadisgrasya,"




"At pareho kayong umabot sa bingit ng kamatayan," dugtong ko sa sinabi niya. Napahinga ako ng malalim at hinawakan sa kamay si Nadia. "Wala ako rito at hindi pa kita kilala noong nangyari ang ganitong tagpo sa inyong dalawa. Pero alam ko at nakakasiguro ako na nahirapan at nasaktan din siya noong malamang nakikipaglaban ka sa sakit mo. Sigurado rin ako na hindi niya kayang makita ka sa ganoong kalagayan pero lumaban pa rin siya para sayo."





"Pero iniwan niya rin ako sa huli."





"Kaya iiwan mo rin siya?" Bwelta ko. Natahimik si Nadia at napatungo ng ulo. "Nadia, kaibigan mo si Selene. Kaibigan natin. Para na nga siyang nakababata kong kapatid e. Kailangan niya tayo. Iniwan ka niya noon, oo, pero hindi ibig sabihin niyon iiwan mo na rin siya. Bago ka niya iniwan, lumaban siya at nanatili sa tabi mo, hindi ba?"





Hindi siya nakapagsalita at mas intinungo pa ang ulo. Bumuntong hininga ako.





"Tara na."






Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tinalikuran na. Si Tito Hernando ang unang nakakita sa akin bago si Tita Janice.






"Tito, Tita," aniko.






"Niña, hija." Ani Tita Janice.




"Kumusta po si Selene? Ano pong sabi ng doktor?"





Hindi kaagad nakasagot si Tita Janice at bigla na lang umiyak. Kaagad naman siyang inalo ni Tito Hernando. Naupo ako sa tabi ni Tita at niyakap siya. Gumanti naman siya ng yakap. Hinintay kong kumalma si Tita bago siya nakapagsalita.






"Maaga raw umalis si Selene ng bahay nila papunta sa Batangas. Nakapagpaalam pa raw ng maayos kina Ledger at Theros bago umalis. Pero nitong umaga, bigla na lang daw sila nakatanggap ng tawag na nadisgrasya si Selene dahil binangga raw ng dalawang kotse na nangangarera sa mismong high way."





Natigilan ako. "I-ibig pong sabihin, si Selene 'yong nagda drive ng kotse na nabangga?"





Tumango si Tita. "Ganoon na nga, hija. Dahil sa lakas ng impak nung pagkakabunggo ay nagpaikot ikot pa raw bago tumama sa poste."





"K-kumusta po si Selene, kung ganun?" Sabat na tanong ni Nadia.





"She's not okay, hija," si Tito Hernando ang sumagot sa kanya. "Nagtamo siya ng tatlong injury at muntik pang mawalan ng hininga habang isinusugod ng ambulansya rito sa hospital."





Napasinghap kami pareho ni Nadia. "Ano pa pong sabi ng doktor? Bakit po siya narito sa ICU?"





Huminga ng malalim si Tito bago nagsalita. "Maliban sa natamo niyang injury sa kaliwang braso at paa, nagtamo rin siya ng major head injury."





Natahimik kami pareho ni Nadia at si Tita Janice naman ay napahagulhol. Nagsimula na ring humikbi si Nadia.





"K-kailan raw po s-siya magigising?" Natitigilan ko pa ring tanong.






Umiling ang ulo ni Tita. "H-hindi namin alam. Walang nakakaalam kung kelan."






"Si Czairex po, alam na po ba niya?"





Tumango si Tito. "He's on his way here now. He's mad and worried at the same time. Si Marco ang nagsabi kay Czairex dahil hindi kayang sabihin nina Ledger at Theros ang tungkol sa nangyari kay Selene. They must have been shocked. Maayos naman daw na nagpaalam at umalis si Selene kanina bago nangyari ang aksidente."






"Eh 'yong mga nakabunggo po, nakausap niyo na po ba?"






"They wants us to talk," mabilis na sagot ni Tita. Gamit ang sariling palad ay pinunasan niya ang sariling luha at galit na napatitig sa sahig. "But I don't want to talk to them. I'm not the type of person who speaks hurtful words, but I might say something if I face them. Maybe it's best to let their wounds heal before they get arrested and put in jail,"






"Dapat lang!" Asik ni Nadia. Sabay sabay kaming tatlo na napatingin sa kanya. "Dapat lang na makulong sila sa ginawa nila sa best friend ko! Hindi naman mangyayari 'to kung hindi sila nagkarera sa highway! Ano bang akala nila sa highway, race track?!"






Tumayo ako at nilapitan siya. "Kumalma ka, Nadia,"





"Ate, paano ako kakalma?" Sikmat niya. Ang magandang mukha ay hilam na ng luha. "Papaano ako kakalma kung 'yong bestfriend ko, nakaratay sa loob ng ICU na yan? Paano?"






Huminga ako ng malalim. "Naiintindihan ko, Nads. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa nangyari kay Selene. Nasasaktan din naman ako kasi nakaratay sa loob 'yong taong itinuturing kong kapatid. Mahalaga sa akin si Selene, napaamahal na siya sa akin dahil noon pa man magkakilala at nagkakasama na kami. Kaya naiintindihan ko kung nagagalit ka. Pero walang mangyayari kung papairalin mo 'yung galit mo. Hangga't maaari, Nadia, kumalma ka. Pakiusap, kumalma ka." Mahinahon na sabi ko.





"Tama si Niña, Nadia," napatingin kami kay Tito. "Lahat namang tayo galit, nag aalala at nasasaktan sa nangyari kay Selene, pero wala tayong ibang magagawa. Nakaratay na si Selene sa loob at ang tanging kailangan na lang nating gawin ay bantayan at hintayin siyang gumising." Bumuga ng hangin si Tito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Siguro nga naging masama ako sa kanya noon, pero mahal ko si Selene. Mahal ko siya bilang anak ko. Mahal ko siya tulad kung paano siya minamahal ng kuya Homer ko. Hindi man sa akin nanggaling si Selene, pero mahal ko siya bilang isang anak ko. At hindi ko kakayanin kapag nawala siya."






"We can't have a baby, Hernando and I," Tita said as she caught our attention. "I can't bear a child because of my heart problem. I feel like my heart is breaking because of what my doctor told me. I only found out about my heart condition after Hernando and I got married. I want to have a child to take care of, but I can't. Hernando and I wanted to keep it between us, but everyone found out. Our friends and family, even Homer and his wife. They cheered me up and encouraged me not to let my emotions get the best of me because it might worsen my heart condition."






"I followed their advice. I got rid of things that were harmful to me. I thought of positive things that would strengthen me. But within a month, something unexpected happened. The police and hospital nurse called and said that Homer and Sarah had an accident," Tita continued.





"We rushed to the hospital," added Tito Hernando. "But sadly, we didn't make it in time to see kuya and Sarah alive. We were directed to the morgue, and that's where we found kuya's cold body. It hurts. Really. Kuya Homer was the best brother I had. I always depended on him, even when I made friends. And when I found out that he and Sarah had an accident, it felt like a part of me was cut off."




"Kung naaksidente sina Tito Homer, bakit galit na galit ka kay Selene noon at siya ang sinisisi mo sa pagkamatay nila?" Tanong ni Nadia.





Napatungo ng ulo si Tito saka bumuntong hininga. "My reason is invalid, but I already apologized to her. I know she got upset, but she never harbored any anger towards me. Maybe Selene was disappointed, but angry? No. Because if she was, she would never have watched over and taken care of me when I was hospitalized."





"Kilala niyo naman po si Selene e, sa sobrang ubod ng bait, hindi na yata kayang magalit man lang."




"Tama ka diyan—"





"Tita! Tito!"





Sabay sabay naming napalingon at napatayo nang sumulpot sa tabi namin ang humahangos na si Czairex. Pawis na pawis siya at tumutulo pa. Magulo rin ang buhok at medyo gusot na ang office attire niya pero mas nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan.





"How's my wife? Is she okay? Anong sabi ng doktor?" Sunod sunod na tanong niya. Bakas ang sobrang pag aalala sa gwapong mukha niya.




"Czairex, hijo, calm down first," pagpapakalma sa kanya ni Tito Hernando.




Sumunod naman si Czairex at huminga ng malalim. Nang makabawi ng paghinga ay muli siyang nagtanong.





"How is she? What happened? Paano siya naaksidente—"





"Mr. Vergara." Napalingon kami nang marinig ang boses ng doktor.





"Doc Josh," ani Czairex.





"A nurse informed me that you're already here, so I came to update you about your wife's condition,"





"Yes, thank you you, doc."





"As I mentioned earlier to your family, your wife sustained three injuries, and one of them is severe,"





"Fuck. What more, doc?"





"Malakas ang impact ng pagkakabunggo ng dalawang sasakyan sa sasakyan mismo ng asawa mo. Nagpaikot ikot pa 'yon bago tumama sa poste, causing her a major head injury,"





Napa awang ang bibig ni Czairex at hindi makapaniwalang napatitig sa doktor.






"We were able to fix her broken bones on her left arm and leg. However, we were not able to immediately address the major head injury she sustained because, based on our estimate, it took a few hours before she was brought here. Although we were able to remove the blood clot in her head, she is still not in a good condition. We had to transfer her to the ICU for closer monitoring,"





"Kailan magigising ang asawa ko, dok?"





"No one knows, Mr. Vergara." Tila nanghina naman si Czairex sa narinig na sagot ng doktor. "Walang nakakaalam kung kailan siya magigising. Pero may posibilidad din na magkaroon siya ng amnesia due to the big impact of the accident. Ang sabi pa'y muntik siyang tuluyang mawalan ng hininga habang isinusugod siya rito sa hospital. Mabuti na lang at malakas ang asawa mo kaya nakaabot pa rito nang may pulso."





Nabalot kami ng matinding pag aalala matapos marinig ang sinabi ng doktor. Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa nalaman.






"Doc Josh, I have a question?" Tawag ni Czairex sa doktor.





"Yes, Mr. Vergara?"





"Asawa ko lang ba ang naisugod dito matapos ang aksidente?"





Hindi kaagad nakasagot ang doktor at nag isipa pa bago sumagot.





"No. Dalawang lalaki na sangkot din sa aksidente kaninang madaling araw. Drivers ang dalawang 'yon ng dalawang kotse na bumangga sa kotse ng asawa mo."






"What is their current condition?" Nagtitimping tanong ni Czairex, ang mukha ay nandidilim sa galit.





"I'm not their doctor, my friend is. But he didn't tell me their conditions, and I didn't ask either. So, I'm sorry, Mr. Vergara, I can't answer your question. Please excuse me,"





"Ako, hijo, alam ko," sabat ni Tita. Napatingin naman sa kanya si Czairex. "Nagpunta rito kanina ang dalawang pulis. Mapuputulan daw ng binti 'yong isa habang 'yong isa naman ay mapaparalisa pansamantala."





"Bakit pansamantala lang?" Galit na asik ni Czairex. "Dapat matagal. 'Yong panghabang buhay na. 'Yong hindi na nila magagawang makapag maneho  pa ng mabilis."




"Czairex, hijo, kumalma ka."





"Paano ako kakalma kung alam kong nakaratay sa loob ng lintik na ICU na yan ang asawa ko? Paano ako kakalma kung alam kong ano mang oras ay mag aagaw buhay ang asawa ko? Paano?!" Galit na sigaw niya.





Napipilan naman si Tita at hindi nakasagot sa galit ni Czairex. Kahit kami ay hindi nakasagot. Kung kami na mga kaibigan ay galit at nasasaktan dahil sa kalagayan ni Selene, paano pa kaya si Czairex na asawa?





"Fuck! Iniwan ko 'yong asawa ko ng maayos. Nagbilin pa ako na mag iingat siya palagi bago ako umalis para umattend ng meeting abroad. She promised me that when I come back, she'll be safe and sound. I left my wife in a good condition. I was confident that nothing bad would happen to her, but before I even arrived at my destination, Marco called and reported what happened to my wife? How can I calm down if that's what I'm going to find out?"





"Hindi ko gustong iwan si Selene pero kailangan dahil may trabaho akong kailangang gawin. Alam niyo at saksi kayo kung paano ko iniingatan at inaalagaan si Selene, tapos malalaman ko na lang na naaksidente siya at inooperahan na?" Frustrated na napahilamos ng kamay so Czairex sa sariling mukha at marahas na bumuga ng hangin. "Ano pang sinabi ng mga pulis kanina?"




"The families of the two drivers wanted to talk to us, but I refused and explained that I couldn't talk to them, especially since Selene was inside the ICU,"




"Nasaan ang pamilya ng mga 'yon? Ako ang kakausap."




"Sigurado ka ba, Rex?" Hindi ko napigilan ang magtanong. Tumango siya nang hindi lumilingon.




"I want to tell them that they should take responsibility for what they did to my wife. I can't just let this go. Doc Josh already said that my wife's life was at risk, and now she's inside the ICU. I can't just ignore this. I may be a kind person, but if my wife is involved, I won't just sit idly on the sidelines. I should do something for Selene. I want justice for my wife,"





Tulad ng sabi ni Czairex ay pinuntahan nga niya ang mga sangkot sa aksidenteng nangyari kaninang madaling araw. Nagpresinta na ako kina Tita Janice na sasamahan ko na lang si Czairex para kung sakaling may gawin siyang hindi maganda ay may pipigil sa kanya. Naiwan naman si Nadia roon dahil ayaw niyang sumama at baka kung ano lang din daw ang magawa niya.




Kumatok si Czairex ng dalawang beses sa pinto ng isang regular na kwarto. Nanatili naman ako sa likod niya habang hinihintay na bumukas ang pinto.





At nang bumukas ay sumalubong sa amin ang isang dalaga. Napanganga ang bibig ng dalaga nang makita si Czairex.





"Can we come in?" Baritonong tanong ni Czairex sa dalaga. Hindi pa man nakakasagot ang dalaga ay pumasok na si Czairex kaya kaagad akong sumunod sa kanya.





Nakita ko ang dalawang lalaki na nakahiga sa kama na magkatabi samantalang napatayo naman ang ilan nang makita kami. Narinig ko ang pagsara ng pinto pero hindi ko 'yon nilingon.





Dalawang babae at lalaki na pare parehong may mga edad na. Isang dalaga na siyang nagbukas ng pinto kanina at isang binata na mukhang kasing edad lang ng kapatid ni Selene na si Skye.





"Kayo ba ang pamilya ng dalawang driver na bumangga sa sasakyan ng asawa ko?" Walang paligoy ligoy na tanong ni Czairex.




Mukhang nagulat naman ang apat na matanda bago sumagot. "K-kami nga,"





Nilingon ko ang dalawang lalaki na nakaratay sa hospital bed at pawang mga nakakita ng multo dahil sa takot na nakareshistro sa mukha ng mga ito.






"I'm Czairex Deandre Vergara. I'm a business man. Can I have a minute with the four of you? I just want to talk to you about what happened this morning and what happened to my wife," Sa kabila ng galit ni Czairex ay nagawa niya pa ring makipag usap ng may respeto.





Nagkatinginan ang apat na matanda bago sabay sabay na tumango. Nilingon ako ni Czairex. "Stay here. I'll be back, I'll just talk to them."





Tumango ako. "Sige. Kalmahan mo lang, Rex. Hindi magugustuhan ni Selene kapag nalaman niyang nanakit ka ng matanda," bulong ko. 'Yong kaming dalawa lang ang makakarinig.





Bored naman niya akong tinignan. "Ganoon na ba ako kasama sa paningin mo? Galit ako pero hindi ako nananakit ng matanda,"





Nagkibit balikat ako. "Paalala lang. Baka makalimutan mong matatanda ang kausap mo e."




"Tsk."





Pinanood ko ang apat na matanda kasama si Czairex na lumabas ng kwarto. Nang mawala sila ay naupo ako sa kaninang inuupuan nung apat na matatanda.





"Bakit hindi ka sumama?" Napatingin ako sa dalaga nang marinig ang tanong niya.




"Maiwan daw ako rito," kaswal na sagot ko.




"Sasaktan ba niya ang mga magulang namin?" Tanong nung isang lalaki na nakaratay. Sinuri ko ang kabuuan niya at napatitig sa putol na binti niya.





Umiling ako. "Galit siya pero hindi siya nananakit ng matanda. Takot lang niyon kapag nalaman ng asawa niya,"





"T-tama ba ang narinig namin? Asawa niya ang driver ng sasakyan na nabangga namin?" Tanong naman nung isang nakaupo pero nakasandal ang likuran sa headboard ng hospital bed niya. Siya siguro 'yong naparalisa.





Tumango ako. "Siya nga. Alam niyo bang galit na galit 'yon kanina dahil nakaratay ngayon sa ICU ang asawa niya?"





Nagkatinginan ang dalawa saka sabay na humingi ng pasensya.






"Pasensya na. Hindi kasi namin napansin,"




Bumuga ako ng hangin at tinignan ang lalaking putol ng binti. "Kung ako lang kaya ko kayong patawarin, pero hindi kasi ako ang magdedesiyon sa bagay na yan e. Tatapatin ko na kayong dalawa ha?"





Tumango naman sila.




"Balak ng pamilya nung nabangga niyo na ipakulong kayo para pagbayaran ang nagawa niyo. Kung bakit naman kasi sa high way pa kayo nagkarera, e alam niyo naman na high way 'yon at hindi race track."





"Ipapakulong nila kami?"





Tumango ako. "Lumabag kasi kayo sa batas at nakadisgrasya pa. Galit na galit 'yong mga magulang, lalo na 'yong asawa."





"Bakit kailangan pa silang ikulong? Hindi mo ba nakikita, nadisgrasya rin naman sila ah?" Sabat nung dalaga. Siya naman ang nilingon ko.





"Sa tingin mo. Bakit ipapakulong ang dalawang 'to?"





"Aba, malay ko!"




Hindi ko napigilan ang sarili na irapan siya. "Siyempre, hindi mo alam! Hindi mo naman kasi alam kung ano ang sinapit nung tao e."






"P-pwede ba n-naming malaman?"





"Her left arm and leg were broken, and she also sustained a major head injury. She may also experience amnesia due to the impact on her head. No one knows when my wife will wake up," napatingin kami sa pinto nang pumasok doon si Czairex kasunod ang apat na matanda.





"S-sorry—"




"Not accepted. I don't want to hear sorry because saying sorry won't heal my wife's condition,"





Tumayo ako at naglakad papunta sa tabi ni Czairex. "Ang bilis niyo naman mag usap," usal ko pero hindi niya ako pinansin. 






"I will allow your sons to heal their wounds and recover before they are taken to jail by the police officers,"





"Salamat, Mr. Vergara, at pasensya na rin sa perwisyo na ibinigay ng mga anak namin. Hiling ko na sana siya gumaling ang asawa mo."






"I hope so. Dahil kung hindi, ako mismo ang maglalagay sa mga anak niyo sa kulungan at hindi sila hahayaan na makalabas."




"Naiintindihan namin,"





"Thank you." Nilingon niya ako bago naunang naglakad. "Let's go."






A/N: Malapit na ang Xmas, Imahes!!!! Are you all excited receiving gifts? Kasi ako, oo HAHAHAHA! Siya sana ang gusto kong matanggap pero naalala ko wala nga pala akong crush ngayon HAHAHA saya ko diba? HAHAHAHA🤣🤣🤣🤣

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 141 21
Nazaree Brothers Series "If I am given the chance to love again, I will make sure that I will not fall in love with you again." Mature Content
45.3K 1.4K 12
Book II of The Bride of the Demon series COMPLETED After the death of her baby sister, Y/n is free. She can breathe how she wants, think about what s...
Gentle touch By K

General Fiction

52.2K 1.2K 33
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...
1.5K 125 40
hangang kailan itatago ang katotohan ukol sa nakaraan ? paano kung muli mag krus ang landas nyo ano ang gagawin mo?