Ang Alalay Kong Astig! ( Publ...

By Sweetmagnolia

26.7M 622K 144K

Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl... More

ANG ALALAY KONG ASTIG
[1] MAY POGI SA KALSADA
[2] THE ASSIGNMENT
[3] HI KLASMEYT!
[4] ANG BAGUHAN
[5] TROPA
[6] BAGONG ALIPIN
[7] CALL OF DUTY
[8] BOY OR GIRL
[9] ATTACK OF THE ENEMIES
[10] PATIENCE 101
[11] WHO'S THE BOSS?
[12] DRAMA QUEEN
[13] WARM WELCOME
[15] IKAW SI SUPERGIRL
[16] TRUE HEART
[17] DATE CRASHER
[18] MY FULL-TIME SERVANT
[19] THREE IS A CROWD
[20] KISSPIRIN
[21] THE CHOICE AND THE CHOICES
[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN
[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE
[24] ADJUSTMENT DAY
[25] THE SET-UP DATE
[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD
[27] BACK TO EARTH
[28] I AM ALEX
[29] IT'S NOT OVER
[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)
[31] PUSH THE LIMITS
[32] I SURRENDER
[33] BECAUSE I LOVE YOU
[34] CROSSROADS
[35] A LOVE TO WAIT FOR
[36] LIKE A REPLAY
[37] THE RISE OF THE RIVALS
[38] CHANCE TO BET
[39] GUT INSTINCT
[40] LIGHTS FADING OUT...
[41] SHOW MUST GO ON
[42] EDGE OF TRIALS
[43] I WILL REMEMBER YOU
[44] RUN TO YOU
[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)
EPILOGUE

[14] MORE DO'S & DON'TS

552K 13.1K 3.5K
By Sweetmagnolia

                                    *****

Maagang nagising si Blake. Ang unang bagay na sumagi sa utak niya ay kung papaano makakaganti sa nakikitirang babae dahil sa ginawa nito sa kanila ni Lizette. Kaagad siyang nag-shower at nag-ayos ng sarili. Paglabas na paglabas niya ng kuwarto ay diretso niyang kinatok ang pinto ng dalaga.

 “Maya open the door!”

 Walang sumasagot. Pinihit niya ang door knob. Naka-lock.

“Maya, I said open the door!”

Wala pa ring sagot. Bumalik siya sa sariling kuwarto at kinuha ang cellphone. Tinawagan niya ang babae ngunit hindi rin nito sinasagot ang telepono.

Lumapit siya sa kanyang study table. Dinampot ang isang pirasong papel na pinaghirapan niyang gawin bago matulog. Tumungo siya sa baba ng bahay at muling hinanap ang nawawalang babae. Lumapit siya sa mga abalang nakaunipormeng katulong at isa-isa ang mga itong tiningnan. Hindi niya pa rin makita ang taong hinahanap.

 “Guys did you see Maya? The new girl here?”

“Hindi po sir.”

“Yaya Cora did you see Maya?”

“Nakita ko siya kaninang naglalakad papunta doon," sabay nguso ng matandang katulong sa pasilyo papuntang swimming pool.

 "Sandali. Tumulong ba siya sa housework?” kunot noong tanong niya.

Sabay-sabay na umiling ang mga katulong.

“Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng yun!” iritableng sabi niya habang binabaybay ang direksiyong itinuro ni Aling Cora.

“Three hundred eighty two, three hundred eighty three, three hundred eighty four….”

Natigilan siya sa narinig at agad niya itong nabosesan. Sinundan niya ang boses ng nagbibilang. Nagmumula ito sa gym.

Binilisan niya ang paglalakad. Hindi na siya makapaghintay na masermunan ang babae. Ngunit habang papalapit siya sa gym, unti-unting bumagal ang kanyang mga lakad hanggang sa napahinto siya sa mismong pintuan. Tila nahipnotismo siya sa nakitang tanawin.

“Three hundred ninety, three hundred ninety one….”

Si Alex. Seryosong-seryosong nagsi-sit up. Nakasuot ito ng itim na cycling shorts, midriff top at rubber shoes. Nakatali nang mataas at mahigpit ang mahabang buhok. Kitang-kita ang maputi’t makinis na balat. Hulmang-hulma ang  ang magandang hubog ng katawan.

 “Three hundred ninety nine, four hundred…Whooh!”

Humiga ang dalaga sa exercise mat nang makumpleto ang pagbibilang. Ilang ulit muna itong huminga ng malalim bago tumayo at nagpunas ng pawis. Nagulat ito nang makita ang napapamaang na si Blake sa may pintuan.

 “Huh? Blake anong ginagawa mo diyan?”

Hindi makasagot si Blake. Nangingibabaw ang malakas na kabog sa kanyang dibdib na lalo pang lumakas nang lumapit sa kanya ang babae. Pawisan ngunit maaliwalas at masigla ang mukha nito. Namumula-mula ang pisngi at labi. Makintab ang leeg at balikat dulot ng pagpapawis. May ibubuga din pala ang size ng boobs. Pantay na pantay ang mga braso. Flat na flat ang tiyan. Maliit ang bewang. Mahahaba at magaganda ang hubog ng mga hita.

Napansin ni Alex ang natutulalang mukha ng kaharap. Natatawa siya sa isipan sa reaksiyon nito, mukhang pati sa kanya ay inaatake ito ng pagkababaero. Napapangiting hinawakan niya ito sa ulo at ginusot ang buhok. 

“O ang laway mo baka tumulo. Tsk, tsk, tsk.”

Napapailing na nilampasan niya ang di makapagsalitang lalaki. At nang matauhan ito ay agad siya nitong sinundan.

 “Hey Maya!”

Nilingon niya ang lalaki. Napalunok ito habang pilit iniiwas ang mga mata sa kanya.

“Bakit?” patay malisyang tanong niya.

“D-don’t you dare think na natuturn-on ako sayo ha. N-Na-amaze lang ako kanina kung totoo ngang nakatapos ka ng four hundred sit ups," medyo namumula ang mukha at nauutal na paliwanag nito sa naging reaksiyon.

Napangisi lang siya saka muling tumalikod. Hindi siya apektado kahit maturn-on man ito. Sa pagkababaero ng lalaki kahit yata sa posteng may palda ay matuturn-on ito. Napapailing ulit na itinuloy niya ang paglalakad.

“ WAIT!!!”

 “Ano na naman?" napapabuntong-hiningang tugon niya.

 “W-Why are you not helping the other maids?” mahina’t may kaamuhang sambit nito.

“Kailangan ko ba talagang tumulong? Baka naman imbes na makatulong ako, lalo lang akong makapagpagulo.”

 Iniabot sa kanya ni Blake ang isang pirasong papel.

 “Ano naman to?” kunot noong tanong niya.

 “Things you should do and follow while you’re in my house.”

 Walang reklamong tinanggap niya ang papel at itinuloy ang paglalakad.

 “Hey you should read that!”

 “Oo na. Babasahin ko to mamaya!...Nakakagigil ang aga-aga mang-inis!”

Naiirita siyang pumasok ng kuwarto at pabalibag na isinarado ang pinto. Ginusot niya ang hawak na papel at itinapon ito sa may dresser.

“Nababaliw ka na yata Alex eh. Sino ba naman kasi ang nagsabing ibuwis mo ang buhay mo para sa antipatikong lalaki na yan!” pagalit niya sa sarili.

Magkasalubong ang kilay na dinampot niya uli ang ibinatong papel at naku-curious na binasa ang nakasulat dito.

Things to do and follow while staying at Blake Monteverde’s house.

 1. Wake up at 5:30 am.

2. Clean your room regularly.

3. Cook at least one dish a day.

4. Clean Blake’s room 3x a week.

5. It’s Maya’s job to bring foods and drinks in Blake’s room.

6. Always follow Blake’s instruction about household chores.

7. Clean at least one portion of the house a day.

8. Do some gardening on weekend.

9. Clean the swimming pools once a week.

10. Expect to do errands for Sophia in behalf of Blake.

11. Give Blake a body massage at least once a week.

12.Study with Blake at least 30 minutes a day (in the house only, campus is excluded).

13. Allow Blake to hang out alone with friends two times a week.

14. Be very respectful to Blake’s privacy.

15.Do not interfere to Blake’s personal matters if not asked.

 “AAAAAAH!!!”

Inis na inis na ginusot niya uli ang papel, ibinato sa sahig at inapak-apakan.

“Magpapakamatay ka na nga tapos aalipinin ka pa!!!!! Aaaaa!”

Iritableng pumasok siya ng banyo. Nagbabad siya sa tubig hanggang sa lumipas ang init ng kanyang ulo. Lumabas siya ng banyo nang maaliwalas na ang mukha ngunit hindi pa man siya nakakabihis ay may kumakatok na.

Tok. Tok.Tok.

 “Bakit?” blangko ang mukhang bungad niya.

Napalunok si Blake sa hitsura ng nagbukas sa kanya. Nakatapis lamang ito at halos tumutulo pa ang basang buhok.

 “I-I need a glass of water.”

“Hindi mo ba nakikitang kakaligo ko lang. Alangan namang bumaba ako ng nakatapis. Wala ka bang ibang pwedeng mautusan?”

 “It’s written in the paper. Things to do…remember?”

Tumahimik ng ilang sandali si Alex at pinigilan ang sarili na muling mairita. Tiningnan niya na lamang ng masama ang kaharap at hindi na nakipagtalo pa.

 “Pwes, hintayin mo ang tubig mo magbibihis lang ako!”

 “Bilisan mo ha," ngingisi-ngising utos ng lalaki.

 “Oo na kamahalan!”

Pagkabihis na pagkabihis ni Alex ay kaagad siyang bumaba upang kumuha ng tubig. Nagtitimping inihatid niya ito sa kuwarto ng lalaki. Pagkatapos ay bumalik siya sa sariling silid upang ipagpatuloy ang pag-aayos ng sarili. Nagsuklay siya ng buhok.

Tok. Tok. Tok.

 “Bakit?” bungad niya pagkabukas ng pinto.

 “I need another glass of water.”

 “Teka, naka-heater ka ba sa kuwarto? Ba’t ang bilis mong mauhaw?”

 “Maya are you going to follow or what?!”

 “Oo na. Bababa na!”

Alam niyang nagpopower trip na naman ang lalaki kaya upang makasiguradong hindi na ulit ito manghingi ay nagbitbit na siya ng isang pitsel ng tubig. Pagkatapos itong  maihatid ay bumalik ulit siya ng kuwarto upang ayusin naman ang gagamiting bag pagpasok sa eskwela.

Tok. Tok. Tok.

“Ano naman ngayon? Kape? Juice? Iced tea? Softdrinks? ANOOO?!!!”

 “Let’s eat breakfast together," mahinahong sagot ni Blake.

  “O-okay…” napapahiyang sagot ni Alex.

  

                                                                        -------

Break ng klase. Nasa tambayang canteen sina Blake at Alex. Kasama ng lalaki ang mga barkada sa isang mesa samantalang nasa hiwalay na mesa naman ang dalaga kasama si Grace.

“Maya nagtataka ako bakit lagi na kayong magkasama ngayon ni Blake. Ano ba ang relasyon mo sa kanya? Di ba dati parang iwas na iwas yan sayo?”

Nag-isip ng isasagot si Alex.

“Madalas kasi kaming magkita sa isang lugar na pareho naming pinupuntahan.”

“Saang lugar?”

 Mabilis ulit na nag-isip ng isasagot si Alex. “Ah…sa car racing," nakangiting sabi niya

“Nagka- car racing ka Maya?!" namimilog ang mga matang bulalas ni Grace. "Ang cool mo rin pala!"

“Hindi naman ako sumasali, nanonood lang. Medyo napapadalas lang ako ng punta doon lately kasama yung iba kong mga kaibigan kaya nagkikita kami lagi ni Blake.”

“Ah kaya pala parang barkadang-barkada na ang dating nyo ngayon. Pero bakit ayaw mong maki-join sa mga barkada niya dito sa UP?”

“Tama na yung kay Blake lang ako nagnonose bleed sa pakikipag-usap. Englisero’t englisera kasi lahat ng mga kaibigan niya dito. Pero ka-close ko rin naman yung mga barkada niya sa labas lalo na yung mga nasa racing.”

“Huh? si Marianne,” sambit ni Grace habang nakatingin sa babaeng pumapasok ng canteen.

Napalingon din si Alex sa tinitingnan ng kausap. Namumukhaan niya ang babae. Ito yung minsang nagbanta sa kanya.

 “Grace sino ang babaeng yan?”

“Si Marianne, ex ni Blake. Hiwalay na sila pero kung makaasta akala mo ay girlfriend pa rin siya ni Blake," wika ni Grace habang nakaingus sa nasabing babae.

 

“Parang ang dami mong alam tungkol kay Blake, Grace.”

Napansin ni Alex ang pamumula ng mukha ng kausap. Lihim siyang napangiti. Hindi man nito aminin, ramdam niyang isa ito sa mga nagkakagusto sa kay Blake.

Ibinalik niya ang mga mata kay Marianne. Lumapit ito sa mesa nina Blake at tumabi sa lalaki. Napatingin sa kanya si Blake. Gusto niya sana itong pandilatan ng mga mata ngunit naalala niya ang isa sa mga nakasulat sa ibinigay nitong papel. Hindi siya pwedeng makialam sa personal nitong buhay.

Inilabas niya ang papel sa bag upang muli itong basahin ng mabuti.

“Ano yan Maya?” usisa ni Grace.

 “Ah…mga bilin ng nanay ko," nakangiting sagot niya.

Kunot noong nagseryoso siya sa pagbabasa. Nag-isip siya ng malalim at nilingon si Blake nang may matatapang na mga tingin.

“Pasensiya ka na Grace pero kailangan ko nang umalis. May importante lang akong gagawin," sabay tayo niya.

“S-Sige. Kita na lang ulit tayo sa next class," nalilitong sagot ni Grace sa bigla-bigla na lamang pamamaalam niya.

Lumapit siya sa mesa nina Blake. Napatingin sa kanya ang lalaki at inginuso niya dito ang pintuan bilang ipahiwatig ditong kailangan na nilang umalis. Umiling ito at ipinagpatuloy lamang ang masayang pakikipagkuwentuhan sa mga kasama habang dikit na dikit sa pagkakatabi ang ex-girlfriend.

Hindi siya umalis sa kinatatayuan. Napatingin ulit sa kanya si Blake. Muli niyang inginuso ang pintuan at bago pa man makatanggi ang lalaki’y pinandilatan niya ito ng mga mata. Natigilan ito ng ilang sandali at bahagyang nag-isip.

“E-Excuse me guys. I have to go.”

 Napipilitan itong tumayo.

“Ano na naman ba? Napaka-killjoy mo talaga?” iritableng sabi nito pagkalabas na pagkalabas nila ng canteen.

“May pag-uusapan tayong importante,” seryosong sagot niya.

 “About what?”

“Tungkol dito…” sabay wagayway niya sa papel. "Meron tayong mga revisions na gagawin. Kailangan muna natin itong pag-usapan ng mabuti bago i-finalize.”

Napangisi si Blake sa narinig at bigla itong huminto. “Sinong may sabing pwede kang magbigay ng opinyon about the rules I wrote?”

“Blake ako ang involve sa mga nakasulat dito. Hindi porke’t nakikitira ako sa inyo ay tatanggalan mo na ako ng karapatan para sa sarili ko. Di ba parang kontrata na rin itong nakasulat dito? Kaya dapat parehong party ang pumapayag sa kasunduang ito!"

Nag-isip ng ilang saglit si Blake. Nag-alinlangan siya sa gusto ng babae. Kilala niya ito, manlalamang ito hangga’t kaya. Ngunit hindi niya rin nagawang tumanggi lalo na’t naghihintay ito ng sasabihin niya nang magkasalubong ang mga kilay.

 “Fine! Let’s discuss it but the final approval is still mine!” madiing pahayag niya.

Naghanap sila ng tahimik na lugar. Naupo sila sa lilim ng isang malaking puno. Naglabas ng ballpen si Blake, kumuha ng bagong papel na masusulatan at ipinatong ito sa isang makapal na libro.

“Okay let’s start.”

“No. 1, wake up at 5:30 am…Eh papano kung puyat ako?” reklamo agad ni Alex.

“At bakit ka naman mapupuyat? Do you have other works at night?”

“Halimbawa pag napuyat sa pag-aaral o kaya dahil sa pagsama-sama sayo lumabas sa gabi. Manghihina naman ang katawan ko niyan. Mababa pa mandin ang functuality rate ko kapag kulang sa tulog. Sige ka hindi kita mapagsisilbihang mabuti.”

Tumingin sa katabi si Blake at nakataas ang kilay na nag-isip.

“Okay let’s add something in this rule….Wake up at 5:30am unless you went to bed at late night.  What else?”

“Yan cook at least one dish a day. Sino kakain sa mga lulutuin ko? Idagdag mo dyan na kakain ka!” ani Alex habang dinuduro-duro ang papel.

Tiningnan ni Blake ng masama ang dalaga.

“Bakit ayaw mo? Eh di burahin mo na lang! Alangan namang magluto ako tapos walang kakain. Sino ang kakain? Mga maids eh sure namang mas masasarap pa sa akin magluto ang mga yun kaya tiyak na mas gugustuhin nilang kainin ang sarili nilang luto."

“Fine! I’ll change it….Cook at least one dish a day but Blake must eat it.”

“Hindi mo pa talaga tinanggal na lang ha!” nguso ng babae.

“Kakain na nga ako yet you’re still complaining. Dapat nga ako ang magreklamo!…What else?”

“Clean Blake’s room 3x a week….Yan! Iyan! Ano yan? Ang laki-laki ng kuwarto mo sa tingin mo makakaya kong linisin mag-isa yun. Baguhin mo yan. Okay lang akong maglinis pero dapat tutulungan ako ng ibang maids.”

Kaagad namang sumunod ang lalaki at binago ang nakasulat. “Okay…Clean Blake’s room 3x a week with the help of other maids. Ano pa?”

Kinuha ni Alex ang papel at muling binasa ito ng seryoso. “Clean at least one portion of the house….Counted na dito ang paglilinis ko sa kuwarto ko, di ba?” nakangiting tanong niya.

“Of course not!" madiing tutol ni Blake. "That’s cheating? How would I know kung naglilinis ka ng kuwarto mo everyday.”

“Sabi mo portion of the house. Bakit hindi ba bahagi ng bahay niyo ang tinutuluyan kong kuwarto?”

“Okay I’ll change it thanks for giving me an idea," sabay hablot ni Blake sa papel mula sa kausap at ngingisi-ngising nagsulat. "Clean at least one portion of the house a day (Maya’s room is excluded)”

Nakasimangot na binigyan ni Alex ng matatapang na mga titig ang lalaki.

"Don’t give me that look. That’s why we’re sitting together now to finalize things. Hindi naman pwedeng lahat na lang ay pabor sayo…What else?”

“Give Blake a full body massage….Yan! Ano yan? Sexual harrasment yan ah! At ba’t naman kita mamasahein? Tanggalin mo yan diyan baka gusto mong bali-bali ang mga buto mo pagkatapos ng masahe!”

Tumawa si Blake. “Sexual harrasment? I get a massage regularly dahil madalas nananakit ang katawan ko after racing. Naisip ko lang na ikaw na ang gumawa nito instead na lumabas pa ako. Huwag ka ngang malisyosa sa pangit mong yan pag-iinteresan ba kita?”

“Ayoko! Hindi ako marunong. Burahin mo yan. Sasamahan na lang kita pag magpapamasahe ka! Masahe ka diyan, gusto mo pagbuhul-buhulin ko yang mga joints mo! ”

 “Okay fine! I’ll remove it. There’s no need to overreact. Anything else?”

Unti-unting nagseryoso si Alex. “Eto, eto ang pinakaimportante… Allow Blake to go out alone two times a week. Hindi ako pumapayag," matigas na wika niya.

Agad na nag-react si Blake. Bigla itong napatayo sa narinig.“At bakit hindi ka pumapayag? You mean everytime na aalis ako gusto mong kasama ka?”

 Nakangiting tumango ang dalaga.

 “Wow Maya! You are trying to be funny here! What's your intention? Would you mind explaining it?!”

 “Ayokong ma-bore sa bahay," maiksing sagot ni Alex.

“Yan lang? Dahil lang diyan kaya ayaw mo akong palabasin mag-isa. Eh ang hirap-hirap mong kasama dahil napakapakialamera mo. You should understand that I’m a guy who’s still enjoying his youth. Papaano ako makakadiskarte kung may pakialamerang babaeng bubuntot-buntot sa akin?!” namumula ang pisngi sa inis na ika ng lalaki.

“Okay. Simula ngayon hindi na ako makikialam. Ipinapangako ko na wala na akong maririnig at wala na akong makikita sa anumang pinagagagawa mo basta’t isama mo lang ako lagi," nakangiti at mahinahong sabi ni Alex.

“No I don’t agree! If you can’t accept my conditions then maybe you should stay in other people's house!”

“Kung yan ang gusto mo eh di sige... aalis ako ngayon din. At hindi ko na rin kailangang maghanap ng ibang bahay.”

Biglang natigilan si Blake. “W-What do you mean?”

“Babalik na lang ako sa amin at susundin ko na lang ang gusto ng Mama ko na mag-transfer. Sa palagay ko mas magiging madali pa ang buhay ko kapag ginawa ko ito kaysa sa sumunod diyan sa mga nakalista sa papel na yan! Karma ko yata ito sa pagsuway ko sa magulang ko.”

 Nagtatampong tumayo si Alex. Tinalikuran niya ang lalaki at saka nagsimulang maglakad papalayo.

 “Maya wait…”

  Hindi niya pinansin ang tawag. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.

 "Wait!"

 Nagkunwari pa rin siyang walang naririnig.

 “FINE! I’LL ACCEPT IT! Let’s talk about it more. Come back here!”

Huminto siya at dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Subalit agad din siyang nagkunwaring seryoso at matamlay na humarap sa lalaki. Kunway nagtatampo pa ring naglakad pabalik dito.

Muli silang naupo sa ilalim ng puno.

“What did you just promise?” sambit ni Blake.

“Na hindi na ako makikialam. Wala akong maririnig at wala akong makikita.”

 “Are you sure you can really do that? You are very impulsive, you know.”

 Itinaas ng dalaga ang kanang kamay at itinapat ito sa dibdib. “One hundred percent sure. Promise.”

 “Okay I’ll change it…”

 Nagsulat uli si Blake.

“Now that most of the changes made are in favor of you…Are you happy?” sarkastikong tono ni Blake matapos magsulat.

 Paulit-ulit na tumango si Alex. Abot tenga ang ngiti nito at halatang hindi maitago ang saya.

Napamaang si Blake nang makita ang nakangiti’t maaliwalas na mukha ng kausap.Nagtataka siya kung bakit nitong mga huling araw ay parang unti-unting gumaganda sa mga paningin niya ang babae.

 “Maya…”

“Bakit?” nakangiting tugon ng dalaga nang may namimilog na mga mata.

 “N-never mind.”

  

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 69.5K 43
Rohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost t...
915K 54.9K 123
Si Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man...
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."