South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5.6M 337K 213K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 69

81.7K 4.6K 4.7K
By JFstories

HYDE WAS GETTING BY.


Hindi pumapalya ang bata sa counselling appointment nito. Palagi na ring masigla at palangiti. Palagi akong naglalaan ng oras na kausapin ito, asikasuhin, at samahan kahit sa pagtulog. At masaya ako dahil ngayon ay hindi na ito nagrereklamo na kesyo malaki na raw ito.


"Jill," tawag ni Daddy sa akin. Pumasok ito sa kusina. "Naglinis ka raw sa kuwarto namin ng mommy mo kanina? Did you see a blade knife in my closet?"


"Yes po, Daddy. I cleaned your room, but I didn't see a blade knife." 


Napakamot sa ulo si Daddy. "Hmn, where did it go? Naka-lock naman ang closet ko, at nandoon lang iyon nakatago palagi kasi baka makita ng mga bata. Anyway, thank you, Jill."


Naghuhugas ako ng mga plato na ginamit sa lunch kanina nang kausapin ako ng aking hipag na si Carlyn. "Jill, gusto mong sumama sa amin? Birthday ni Sussie. May party-party."


Nilingon ko siya. Katatapos niya lang magpunas ng mesa na aming pinagkainan.


"Baka lang bet mo?" Nagkibit si Carlyn ng balikat. "Lagi ka na lang kasing nandito. Kung di ka nagtatrabaho, naglilinis ng bahay, ay nag-aasikaso kay Hyde. Para lang malibang ka naman. Malapit lang naman iyon dito at kasama natin iyong magpinsan. Grab tayo papunta, tapos ang susundo sa atin ay si Jordan."


"Uhm, puwede ba talaga akong sumama?" Hindi naman yata ako invited. Hindi rin kami close ni Sussie...


"Huy, bakit hindi?" balik-tanong ni Carlyn sa akin. "Magkakaklase tayo dati, ikaw rin ang ni-refer ko na gumawa ng invitation ng wedding nila ni Arkanghel. At saka, gusto ka rin talaga niyang maging kaibigan. Pero syempre, nasa 'yo pa rin kung papayag ka."


Ha? Gusto akong maging kaibigan ni Sussie? Napatitig ako kay Carlyn na matamis na nakangiti sa akin.


Hindi na ako nakatanggi pa kaya nang bandang 4:00 p.m. ay nakapagbihis na rin ako. Inasikaso ko na rin si Hyde dahil kasama ito at si Mara. Nagpaalam kami kina Mommy at Daddy. Pinayagan kami dahil malapit lang naman at susunduin kami mamaya ni Kuya Jordan.


Naka-Grab kami na umalis. Nagkasya kaming apat sa backseat dahil kalong naman ni Carlyn si Mara. Sa sasakyan ay doon ako sinalakay ng anxiety. Paano pala kung magulat ang mga bisita dahil hindi naman nila ako kilala. Kahit kaibigan sila ni Carlyn, outsider pa rin ako sa circle nila. 


Panay tanong naman sa akin nina Carlyn at Hyde habang nasa biyahe kami, kung okay lang ba raw ako, kung komportable ba ako o ano. Nahiya naman ako na sabihing hindi ako okay kaya umuwi na kami. Excited na kasi sila sa party.


Hanggang makarating kami sa exclusive subdivision na aming sadya ay kabado ako. Hindi rin kasi ako sanay na um-attend sa mga malalaking handaan. Hindi ko alam kung paano kikilos doon. Paano kung ma-out of place ako? At paano rin kung hindi rin pala alam ni Sussie na kasama ako ni Carlyn? Paano kung hindi pala ako nito gustong makita?


Napatingala ako sa bahay na aming binabaan. It was a two storey house. Ang bahay nina Sussie at Arkanghel dito sa Tagaytay. Nagulat ako dahil hindi iyon katulad ng aking inaasahan. Ang naiisip ko kasi ay magarbong mansiyon, may mga guwardiya. Pero hindi ganoon ang aking nakikita ngayon.


Maganda naman ang bahay kahit simple lang at hindi kalakihan. Moderno iyon, halatang bagong gawa, at sa paligid ng bakuran ay maraming iba't ibang halaman. Hindi mo lang talaga maiisip na ang isang CEO ng malaking kompanya ay dito nakatira.


Isang magiliw na ginang ang nagbukas sa amin ng gate. Stepmother daw ito ni Sussie na nagbabakasyon dito. Nang makita ako nito ay bumungisngis. "Ay, ikaw pala ang manugang ni Norma. Pakagandang babae mo, ineng, ah!"


"Baka kapatid ng hubby ko 'yarn," proud na sabi ni Carlyn dito.


Sa sala ay nagpababa na si Mara sa ina. Sumama ito sa step-mother ni Sussie na si Tita Tess. Pupunta raw sa kuwarto kung nasaan ang anak nina Sussie at Arkanghel na si Shasha. Ako naman ay patingin-tingin sa paligid. Ang linis-linis ng bahay. Moderno lahat ng appliances. Pero nasaan kaya ang mga bisita? Akala ko ba ay may party?


Hinila ako ni Carlyn sa likod ng bahay. Nandoon daw ang mga kaibigan nila sa patio. Nang malapit na kami roon ay saka ko naulinigan ang masasayang boses. Ang aking kaba at takot ay mas lalong lumaki habang papalapit kami. Ano kaya ang ugali ng mga kaibigan nila? 


Sa patio ay bukas ang lahat ng ilaw kahit pagabi pa lang. Dalawang bilog na mesa ang naroroon. Walang maraming bisita, kundi iilan lang. Wala pa yatang sampo sila roon, pero maiingay. Si Sussie ay hindi kami agad nakita. Kausap nito ang isang babae na aking namumukhaan. Si Laila na kaklase dati sa special ni Kuya Jordan!


"Birthday girl!" tawag dito ni Carlyn kaya doon pa lang ito napatingin sa amin.


Napalunok ako nang tumuon ang tingin ni Sussie sa akin. Baka magulat ito kung bakit sumama ako. Baka hindi nito magustuhan na—


"Hala, Jillian!" masayang bulalas ni Sussie na ikinakurap ko.


Pati si Laila ay napatingin na rin sa akin. "Hi, Jillian!"


Ang dalawang babae na magkatabi sa may gilid ay tumingin din sa akin at matamis na ngumiti. "Hi!" Natulala ako sa mga ito.


Paglapit sa amin ni Sussie. "Thank you for coming, Jillian!" Walang makikitang gulat o kahit pagkairita sa kumikinang na mga mata ng babae. Totoo bang masaya ito sa pagpunta ko?


Ipinakilala nila ako ni Carlyn sa mga kaibigan nila. Iyong dalawang babae pala ay sina Vivi at Zandra. Mga schoolmates din namin. Nag-matured lang ang itsura pero pamilyar ang kanilang mga mukha. Lalo si Vivi na naging kaklase ko pala dati. Hindi ko lang namukhaan agad dahil hindi naman ako palakaibigan noong highschool kami.


Si Vivi ay asawa ng pinsan ni Arkanghel na si Isaiah. Sina Zandra at Laila naman ay kaedad ni Kuya Jordan. Ahead sa amin ng taon ang dalawang babae. Ang napangasawa ng mga ito ay mga kaibigan ni Carlyn. Si Zandra ay asawa ni Michael Jonas Pangilinan at si Laila ay special friend daw ni Asher James Prudente.


Sina Zandra at Vivi ay dala rin ang kanilang mga anak. Pareho ding mga lalaki. Sina Mateo Sirach na seven years old at Vien Kernell na nine years old. Pare-pareho ding matatangkad na bata. Parang mga binata na nag-uusap sa garden ang mga ito kasama si Hyde.


Pinaupo na ako nina Zandra sa tabi nila. Si Sussie naman ay tinambakan ako ng prutas at vegetable salad. Iyon daw ang kainin ko at bawal ako ng alcoholic drinks at sisig.


Si Laila ay nakikuwit sa vegetable salad. "Baka naman magtae si Jill nito?"


"Teka, sissy, titikman ko muna," sabi naman ni Carlyn sabay kuwit din sa vegetable salad ko. "Oy, sarap, ah. 'Wag niyong ubusin, mag-uuwi ako nito mamaya!" deklara nito.


Sandali lang ay nagkakasiyahan na. Umiikot na ang tagay sa mga kalalakihan sa kabilang round table. Mayamaya ay nag-uusap na. Seryoso noong una. Ilang saglit lang ay nag-aasaran na, nagyayabangan. Nakakagulat lalo si Arkanghel. Masyado kasi itong seryoso at poised. Palaging kagalang-galang ang itsura, pero may itinatagong ingay rin pala.


Sa mesa naman namin ay mga usapan naman tungkol ko sa cooking and baking recipes, beauty regimen, at travel destinations, na syempre ay may halong kalokohan. Makukulit din ang mga babae, lalo ang hipag ko na hindi magpapatalo. Nakapagtataka lang dahil kahit hindi ako sumasali ay hindi ako nakakaramdam ng pagka-OP.


Simpleng nagmamasid lang ako habang nagkakasiyahan ang lahat. Nakakaaliw pagmasdan ang mga dating nakikita ko lang at nakakasalubong noon sa campus, 'tapos ngayon ay ito at mga kanya-kanyang pamilya na.


Ang mga dating maloloko sa high school ay mga professionals na. At ang mga babaeng kilala ko na masisispag at magagaling sa academics, ay ang mga nakatuluyan nila. You could never tell what would happen in the future.


Lumipat kami sa sala mayamaya dahil umambon sa labas. Baka raw matalamsikan ako at sipunin pa ang aking baby sa tiyan. Mabuti na rin na nasa sala na, dahil ang mga lalaki ay parang may mga tama na ng alak. Si Asher nga ay halos pumasan na kay Laila, kahit hindi pala bati ang dalawa.


Nasa sala na rin ngayon ang mga bata. Nasa may carpet sa gilid mga nakasalampak. Sina Shasha at Mara ay masayang-masaya dahil marami daw horse ang mga ito. Tatlo.


"I have two horses!" matinis ang boses ng pamangkin ko. Si Mateo at Vien daw ang horses nito.


Umalma ang anak nina Vivi at Isaiah na si Vien. "Ayoko ngang maging kabayo mo! Handsome knight na lang ako!"


Tampal sa pisngi mula sa munting palad ni Mara ang natanggap nito. "Shadap! Youw're a horse, perioddd!"


Ang 7-year-old na si Mateo na anak nina Zandra at Miko ay akmang pagapang na tatakas, kaya lang ay hinatak agad ni Mara sa kwelyo. Uungot-ungot na bumalik na lang ang batang lalaki.


Si Shasha naman ay malungkot dahil si Hyde lang ang horse nito. Gusto nito ay dalawa rin daw na horses. Inaliw na lang ito ni Hyde. Napangiti naman ako dahil sa dedikasyon ni Hyde na pasayahin si Shasaha. 


Bandang 8:00 p.m. ay dumating na si Kuya Jordan. May bitbit ang kapatid ko na box ng Conti's cake. Nagtititili si Mara pagkakita rito. "That's my daddy! He's handsome!!!"


"My daddy is handsome!!!" Ayaw naman patalo ni Shasha.


Hinalikan ni Kuya Jordan sa noo si Mara bago ito lumapit sa amin.


Sinalubong ito ni Isaiah ng tagay. "Architect, shot muna!"


Humarang naman agad si Carlyn sabay agaw ng shot glass. "Hoy, ulol! 'Wag mong painumin 'yan, ipagda-drive pa kami niyan pauwi!"


"You can stay the night," alok ni Arkanghel. Ang iba pala ay dito matutulog at bukas na uuwi ng General Trias. May isang guestroom daw na puwedeng i-occupy ng mga babae, 'tapos iyong mga lalaki ay bahala na raw sa buhay ng mga ito.


"Thanks. But maybe next time," magalang naman na sagot ni Kuya Jordan. Inabot kay Sussie ang box ng cake.


Si Mara ay ni hindi na ulit pinansin ang daddy nito na dumating. Busy na ulit ito sa dalawa nitong horses. At bati na ulit ni Shasha.


Mga 9:00 p.m. ay dinala muna ni Tita Tess sa guestroom. Nakatulog na rin kasi sina Mara at Shasha. Iyong tatlong boys naman ay maglalaro daw muna ng videogames.


Bangenge na rin ang mga lalaki. Ang dami na nilang boteng itinumba. Hindi sila tumagal sa mamahaling alak. Tanduay at Emperador ang ininom nila na chaser ay juice. Pagkatapos, ang pangbanlaw ay Red Horse.


Si Asher ay panay ang sinok sa tabi ni Laila, pero natagay pa. "Gago, taas," paungol na reklamo nito pagkatungga sa shot glass.


"Gago, baba nga lang niyan," sagot ni Isaiah na nagtatagay na naman. "O kaninong shot na? Sino na nga ba? Oy, Miko, ikaw na!"


Si Miko ang sumunod sa ikot ng tagay. Pulado na ito. "O ba't ako na naman? Katatapos ko lang, ah? Tangina, dinadaya niyo na yata ko!"


Nagtuturuan na ang mga ito sa tagay. Mayamaya ay nagkakaungkatan na ng nakaraan. Si Miko ay nagda-drama na kesyo ilang beses daw pala itong na-basted noon ni Zandra.


"Mga repa, babaero daw ako," sumbong nito, naghahanap pa ng kakampi pero hindi na deretso ang tingin.


Si Zandra naman ay busy lang sa pagpapak ng sisig sa plato.


Si Miko ay napahawak sa bibig dahil deadma ito ang asawa. "Tingnan niyo, o! Hindi man lang ako sinusuyo! Mga repa, tama ba iyon? Ha, tama ba?"


Patuloy pa rin sa pagpapak si Zandra ng sisig. Nagpakuha pa kay Sussie ng refill.


Pikon na si Miko na dinuro ang asawa. "Maka-babaero ka sa akin, pero nanlalaki ka rin naman dati!"


Doon napatingala rito si Zandra. "Hoy, kailan?!"


"Dati, di ba lalaki mo si Arkanghel?! Niloko mo ako! Hindi pa tayo pero niloko mo na ako!"


"Guys, birthday ko po," singit ni Sussie na may bitbit na mangkok ng sisig. 


Ako ay mahinang bumulong sa katabing si Carlyn. "Puwede bang umuwi na?" Nahihiya kasi ako dahil naririnig ko ang problema nila, hindi naman nila ako ka-close. Baka lang kalabisan na ako rito.


Pero nginisihan lang ako ng hipag ko. "Walang uuwi sa pamilyang ito!"


Nang sulyapan ko si Kuya Jordan ay parang balewala lang dito ang eksena. Para bang sanay na ito. Mas gusto lang nitong pasimpleng laruin ang mga daliri sa kamay ni Carlyn. Masaya na ito sa ganoon.


Si Miko naman ay ngayo'y gumugulong na sa carpeted na sahig ng sala. "Zandra!!! Bakit mo ko niloko kay Arkanghel?! Di mo ba alam, Grade 8 na, umiihi pa iyan sa higaan! Zandra!!!"


Si Arkanghel na kaka-shot lang ay tumingin kay Zandra. "Zandra, anong gusto mong gawin natin dito?"


"Hayaan mo lang 'yan diyan. Bawal 'yan matuluyan, iisa pa lang ang insurance niyan."


Ang asawa ni Isaiah na si Vivi ay kimi na lumapit. Hinakbangan si Miko sa sahig. "Hello..." mahina ang boses na salita nito. "Meron akong binibentang insurance. Meron ding St. Peter Plan, baka gusto niyo lang. Transferable kung sino ang mauunang mamatay."


Sumabat si Isaiah, "Ay, kailangan nina Asher 'yan. Noong nakaraan lang, naospital 'yang dalawang 'yan, eh. Nasobrahan sa hataw."


Mahinang tumikhim naman si Kuya Jordan sa gilid. "I think we need that, too."


Laglag ang panga ko.


Si Laila ay kumindat sa akin at pabulong na nagsalita, "Welcome to the gang, Jillian!"


Kung saan-saan pa napunta ang pag-uusap nila nang makaramdam ako ng uhaw. Wala pa naman ng laman ang pitsel ng tubig sa center table. Nagpaalam ako kay Carlyn na pupunta sa kusina sandali.


Malapit lang naman ang kusina rito sa sala. Iniwan ko na muna roon sila. Cute lang ang kusina nina Sussie at Arkanghel. Iilan lang ang mga gamit pero halatang mga bago. Masinop din ang pagkakaligpit. Nagsalin ako ng tubig at painom na sana nang makaramdam ako na tila ba may nakatingin sa akin. Naghanap ang aking mga mata. Wala namang katao-tao rito.


Iinom na talaga ako nang biglang may magsalita sa bandang ibaba ko. "Whach are youw doing?!"


"Ay!" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat dahil sa mismong baba ko iyon galing. Hindi ko napansin na may bata pala na sumunod sa akin!


Magulo pa ang buhok nito na halatang galing sa pag-higa. Ang kaliwang mamula-mulang pisngi ay may bakat pa yata ng unan. Nakayapak ito. Kulay abo ang magaganda nitong mga mata. It was Arissa Suzane Alcaraz Wolfgang. Ang tatlong taong gulang na anak nina Sussie at Arkanghel.


Bahagya akong yumuko rito. "Hi, baby girl. Makikiinom sana ako ng water."


Itinuro ng munting daliri nito ang aking tiyan. "Yowr thirsty? But yowr tummy ish already biggg!"


Napangiti ako. "Ah, because there's a baby inside my tummy."


"Wwwhat?!" Namilog ang kulay abo nitong inosenteng mga mata. "Youw swallowed a babyyy?!"


Napakamot ako ng ulo. "I mean, hindi ko nilunok. Dito nabuo sa loob ko iyong baby. And it will come out soon."


"Ohhhw..." Napanguso ito at kumilong ang ulo. Napisa ang matambok nitong pisngi sa kaliwa. "Then can youw take it out now? I want it! Give it to meee!"


Muli akong napakamot.


"Pretty please, give it to meee! I promish, Shasha won't eat it!"


"Shasha?" Sumilip sa pinto ng kusina ang isang matangkad at guwapong lalaki. Kakulay ng mga mata ng bata ang mga mata. It was Arkanghel.


"Nandiyan ba?" Sumilip din na kasunod si Sussie sa asawa. Mukhang hinahanap nila ang anak. At nang makita ang bata ay parang doon lang sila nakahinga ulit nang maluwag.


Halos mag-unahan ang dalawa sa pagkarga sa batang babae. Si Arkanghel ang nakakarga rito. "Your Lola Tess thought that you were already sleeping. Tinakasan mo raw siya."


Bumungisngis lang naman ang batang babae. Ang cute lalo ng mukha nito nang maglabasan ang maliliit na ngipin. Itinuro ako nito. "She'sh giving Shasha her babyyy! Daddiyow, I promish Shasha will not eat it! Shasha will not swallow!"


"Anak, hindi basta-basta hinihingi ang baby," malumanay na saway naman ni Sussie rito.


Sinenyasan na nito ang mag-ama na mauna nang umalis. Nag-aantok na rin si Shasha, at ang gusto pala ay magpahele sa daddy nito.


"I'm sorry, Jillian. Nakaidlip si Mama Tess kaya hindi niya napansin na pumuslit si Shasha sa guestroom. Hindi ko rin napansin nang dumaan sa sala dahil sakto na nagbanyo ako. Pasensiya ka na."


Kimi akong ngumiti. "It's okay. Ang cute nga ni Shasha..."


KAMI NA LANG NI SUSSIE SA KUSINA. Para kaming naubusan ng sasabihin sa isa't isa. May nakakailang na hangin ang namamagitan sa amin.


Si Sussie ang naunang tumapos sa katahimikan. Tumikhim muna siya. "Uhm, Jillian, ang laki na pala ng tiyan mo."


"Uh, yes." Nakita ko na hirap si Sussie sa pangangapa, kaya ako na ang naunang magsalita sa pagkakataong ito. "Gusto mo bang hawakan?" alok ko sa kanya.


Doon napangiti ang babae. "Really? Can I?" Hindi na rin niya nahintay ang aking sagot. Excited na marahan niyang kinapa ang aking tiyan. "Hala, nakaka-miss ang pakiramdam!"


Napangiti na rin ako. "Bakit ayaw niyo pang sundan mag-asawa si Shasha?"


"Gusto na sana, pero palalakihin siguro muna namin si Shasha. I-enjoy muna namin na siya pa lang ang baby namin. Saka baka gawin niya lang kasing horse ang magiging baby sibling niya, e."


Napahagikhik ako. Napatigil din ako agad nang makitang titig na titig sa akin si Sussie.


"Jillian, can we talk?"


Napakurap ako. Kalaunan ay mahinay ako na tumango. Isinara ni Sussie ang sliding door ng kusina. Doon ay matagal na namayani sa amin ang katahimikan.


Nang tumingin siya sa akin ay may maliit siyang ngiti sa mga labi. "Who would have thought that we would have colorful teenage days?"


"Hindi ko rin inakala," I agreed. I was an over-sheltered child who lived a plain life. Isang teenager na hindi palakaibigan, umiikot ang mundo sa bahay at school lang. Pero nagbago ang lahat nang maghangad ako ng nakaw na kalayaan.


"We once thought we were already rational young adults, but the truth was that we were still foolish teenagers with raging hormones. We still lacked experience and knowledge of the world, and even if we didn't intend to make poor decisions, we didn't realize we were already making them."


"Pero sa mga pagkakamali natin, Sussie, may natutunan tayo. Even if we are still far from being perfect, at least we are now stronger and wiser than before."


"Yes." Namasa ang kanyang mga mata. "Yes, Jillian. And those sudden sacrifices we made because we thought it was the right thing to do at the time, may kinapuntahan din naman."


Yes. Hindi ko pinagsisisihan ang aking mga naging desisyon, dahil bukod sa may maganda namang kinalabasan, marami rin akong natutunan; sa buhay ay naging malakas ako at matapang.


And even though my son grew up without a father, he was not deprived of anything, especially with love and attention. Nang maka-graduate ako at makapagtrabaho, mas bumawi ako sa anak ko. Higit lalo sa pamilya ko.


Sa parte naman ni Hugo, hindi man niya nakilala agad si Hyde, nakilala naman niya ang sarili niya. At hindi man siya nanalo sa puso ni Sussie noon, at least ay naipanalo niya ang pangako sa kanyang mga magulang. He was able to study and graduate without any worries. 


Ilang minuto ang naging tahimik kami ni Sussie bago siya naunang magsalita muli. "Jillian, I am so happy because you exist."  


Kumuha siya ng upuan sa may mesa na naroon at pinaupo ako. Baka raw kasi ako mangalay.


Kumuha rin siya ng upuan niya at tumabi sa akin. "Mula pa noon, Jillian, alam ko nang hindi ko maibabalik kung ano man ang nararamdaman ni Hugo para sa akin. At alam niya rin iyon sa sarili niya. Pero ang sakit din sa akin na iwan siyang mag-isa. Kasi mabait naman iyong itlog na iyon, medyo abnoy lang talaga."


"You are his first love."


Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko alam noon na may gusto siya sa akin. Mula pa kasi noong elementary, wala na iyong alam gawin kundi asarin ako at i-bully. Hindi siguro talaga marunong nang tamang pag-e-express ng sarili. Kasi kahit sa parents niya, ganiyan siya, e."


Sumasang-ayon na tumango ako. "Dinadaan niya sa kaabnormalan."


"Tumpak ka riyan!"


Mahinang nagkatawanan kami.


"Hugo used to like me before. Wala kasi siyang choice noon, e. Ang taba ko kasi kaya ako lang iyong nakikita niya. Nahaharangan ko kasi iyong view ng ibang mga babae." Tumawa pa siya nang mahina. "Pero kahit ang taba ko, nakasingit ka, Jillian." 


Nakagat ko ang aking ibabang labi, kasabay ng pagkabuo ng mga luha ko sa mata. Naririnig ko ngayon ang mga bagay na sa aking tingin ay kailangan ko na marinig.


"Noong nawala ako, dumating ka naman sa buhay niya. Hanggang sa may mga nangyari para ikaw naman ang mawala sa buhay niya. Tapos ako naman iyong naiwan sa tabi niya dahil nawala rin si Arkanghel. Noon ay kami ni Hugo ang naiwan sa isa't isa."


Sila na lang dalawa noon ang naiwan, so it was not surprising that Hugo's puppy love for Sussie at that time developed into deeper and more serious feelings.


"And then Arkanghel came back," she continues. "It would have been easier for us to get back together because we are already adults, mas malawak na ang pag-unawa sa mga bagay-bagay. Ang kaso lang, kapag adult pala ay mas marami nang isinasaalang-alang. Fear, insecurities, and ego, ilan lang 'yan."


Suminghot siya at kumuha ng tissue roll. Pinaghatian namin iyon.


"And I got tired again," sabi niya matapos suminga sa tissue. "Nabaliw rin ako noon sandali, na hiniling ko na sana hindi na lang bumalik si Arkanghel, na sana sinubukan ko na lang magmahal ng iba. Pero wala, e. Despite everything, I knew that deep inside my heart, the only man I wanted to be with was still him."


'Despite everything...' Ang mga sinabi ni Sussie ay nag-echo sa akin. It felt like everything she had gone through back then was exactly what I was going through at this moment.


"P-pero paano kung si Hugo ang pinili mo? Paano ako, Sussie?" mahinang tanong ko.


Tumutulo ang luha ni Sussie pero nakangiti pa rin siya. "Hindi mangyayari ang nasa isip mo. Kahit subukan pa nating lahat lumihis, naniniwala ako na ito na ang ating tadhana, at wala nang makakabali nito. Dito at dito pa rin tayo sa sitwasyon na ito dadalhin ng mga puso natin."


Naningkit ang luhaang mga mata ko sa kanya. "You hurt Hugo when you chose your husband."


"I know. Pero ganoon talaga. When it comes to love, kailangan talagang makapanakit minsan, kailangang maging selfish minsan."


"Ang sama mo..."


Natawa siya habang lumuluha. "Masama rin si Hugo. He hurt your feelings."


Natawa na rin ako kahit umiiyak. Para kaming mga timang na naghahalo na ang mga luha at sipon. Mabuti na lang talaga kasi may tissue kami.


"Pero alam mo ba? Kahit natuloy ka na ikasal kay Harry at hindi ako binalikan ni Arkanghel, hanggang pagtanda siguro namin ni Hugo ay mag-best friend lang kami. Kasi kahit feeling strong siya, ramdam ko iyong takot niya palagi. Kumbaga, sumusugal nga siya sa akin, pero hindi siya sumugal nang isang daang porsyento. Ang daya, 'no?"


Sumimangot ako. "Mabuti hindi mo siya pinili kasi madaya siya."


"Pero dinadaya ka rin ba niya ngayon, Jillian?"


Natigilan ako at napatitig kay Sussie. Wala akong masabi. Wala akong maapuhap na salita.


"Kay Arkanghel, may pagkakataong nasaktan at napagod din ako. Kaya naiintindihan ko kahit paano ngayon ang nararamdaman mo. Hindi kita pipilitin, kasi kanya-kanyang pace tayo."


"T-thank you..."


Tumayo na si Sussie. "Take your time, Jillian. Pakaisipin mo ang sagot. 'Wag kang mag-alala, mukha lang maiksi ang pasensiya ni Hugo, pero matigas ang bungo niyon. Mahihintay ka niya siguro kahit pa hanggang sa senior citizen na kayo." 


Bago lumabas ng pinto ng kusina si Sussie ay pumigil ang kamay ko sa kanyang pulso. Niyakap ko siya nang magaan. "Thank you, Sussie..."


Ang gulat niya ay sandali lang na nawala. Naramdaman ko ang pagganti niya ng yakap sa akin. "You're welcome, Jillian."


Binuksan niya na ang pinto ng kusina pabalik sa sala, at magkasama na kami na naglakad. Maluwag ang pakiramdam, wala nang kinikimkim sa dibdib na ano pa man. Yes, I guess I made a new friend tonight, and a good one at that.


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 487K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
224K 3.3K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
4.7M 256K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...