You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 46

106 2 1
By gytearah

CHAPTER 46 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Tyra, akala ko ba titingnan mo ang mga pictures? Bumaba ako kagabi pero nandito lahat naiwan sa sala."

Alam kong hinuhuli ni Tita Alpa ang galaw ko kaya sasabayan ko na lang siya sa kung ano ang gusto nila.

"Oo nga po, sumakit po kasi ang tiyan ko, mukhang nasobrahan sa mangga. Nag-banyo po kasi ako sa taas e hindi na po ako nakababa, halos ayaw akong palabasin ng banyo e."

Tumingin si Tita Alpa kay Tito Drammy. "Ngayon mo na tingnan habang nagkakape, gusto mo ba ng pandesal? May binili si Mang Jun sa dumaan kanina."

"Sige lang po, kukuha na lang po ako."

Wala akong ibang makita sa photo album kun'di picture ni Lolo at Lola kasama ang apat nilang anak na lalake, wala silang picture na kasama si Mama Arah, kahit isa manlang, maliban doon sa libing ni Mama.

Gano'n kaayaw ni Lola Violeta kay Mama?

Bakit nga ba nandito kami sa bahay na ito? Ito ang bahay kung saan sobrang nasaktan si Mama. Panahon na talaga para kumilos.

"Tyra, tumawag si Mang Jerry sa akin, may naghahanap daw sa iyo sa Farm."

"Sino raw po?" Tanong ko kay Tito

"Hindi ko alam kung sino. Sumama ka na sa akin, papunta na ako doon."

Pupunta pa naman sana ako kay Tito Chordie ngayon. "Susunod na lang po ako, maliligo pa po ako. Hihiramin ko na lang po 'yong motor mo, ako na lang po ang magpapa-gas. Okay lang po ba?"

"Oo, okay lang. Bilisan mo at kanina pa raw doon ang mga taong naghahanap sa 'yo."

Sino naman kaya 'yong mga naghahanap sa akin? Imposible namang 'yong kapatid  ni Tita Alpa 'yon, sabi ni Joepette ay nandoon pa rin daw sa kubo sa burol 'yong lalake.

"Sissy, where are you going? Akala ko ba hindi ka papasok today, why ka maliligo?"

"Wala nga sana akong balak pumasok kasi may pupuntahan ako pero may naghahanap daw sa akin sa Farm."

"The who?" Kunot-noo niyang tanong

"Hindi ko rin alam." Sumilip ako sa labas ng kuwarto namin, wala namang tao. "Bantayan mo ang bawat galaw ni Tita Alpa ha, mayro'n silang tinatago sa atin."

"Really? Omg! So, what's your plan?"

"Mamaya ko na sasabihin sa iyo, maliligo na muna ako." Sabi ko bago pumasok sa banyo, kailangan kong makahanap ng mas maraming ebidensya bago ang birthday ni Clarry.

"Tyra, nand'yan ka pa ba?"

Napatingin ako kay Gwy, "Buksan mo." Bulong ko habang nagsusuklay ng buhok.

"Yes Tita, why po?"

"Ang Ate Tyra mo?"

"Bakit po?" Tanong ko

"Dalhin mo itong cellphone ng Tito mo, naiwan na naman niya sa ibabaw ng mesa, may tatawagan pa naman 'yon mamaya."

"Pakilagay na lang po d'yan sa ibabaw ng bag ko Tita, paalis na rin po ako 'tsaka baka hindi po ako dito mananghalian, may aasikasuhin po ako pagkagaling sa Farm e."

"At saan ka naman pupunta?" Biglang naging seryoso si Tita Alpa.

"Why are you asking Tita?" Tanong ni Gwy

"Ah, eh, para lang alam ko. Baka kasi magtanong ang Tito ninyo tapos wala akong maisagot, mag-aalala 'yon."

Ano kaya'ng magandang palusot?

"Pupunta po siya sa Doctor, 'di ba Sissy?"

"Ha? Ah, oo. Opo Tita, sa Doctor po ako pupunta."

Nagkatinginan kami ni Tyra nang mapakunot-noo si Tita Alpa. "Galing ka na sa Doctor noong nakaraan ah, pinababalik ka ba?"

"Opo, dahil sa insomnia ko. Sa Farm nga lang po ako nakakatulog ng maayos e at saka–"

"At saka she need to find another Doctor for me, you know that I'm sick Tita and maghahanap siya ng Doctor for my heart and for my . . . you know, feeling ko kasi hindi na effective 'yong mga gamot sa akin, I need more, 'yong mas mataas ang dosage. Kailangan ko lang mabuhay, gusto ko pang mabuhay." Sabi ni Gwy at mukhang na-convince naman si Tita.

"Okay. Basta mag-iingat ka at kung kailangan mo ng pera ay magsabi ka lang sa akin–"

"Libr–"

"Babayaran na lang ninyo kapag may pera na kayo."

Napakamot sa ulo ni Gwy.

Akala ko libre na tutal marami naman silang atraso sa amin, tsk.

"Basta pagdating doon ay ibigay mo agad sa Tito Drammy mo 'yang cellphone. Sige na, lakad na at baka nga kanina ka pa hinihintay ng mga naghahanap sa iyo doon."

Pagkasarado ng pinto ay agad kong niyakap si Gwy, "Thank you." Bulong ko

"No probs Sissy! Magkaaway man tayo sa ilang bagay, magkakampi naman tayo sa lahat ng bagay."

"Ha?" Naguguluhan kong tanong.

"Basta 'yon na 'yon!" Tumatawa niyang sambit.

Hindi pa ako nakakalayo sa bahay ay nag-ring ang cellphone ni Tito Drammy.

Huminto ako saglit sa gilid.

Tumatawag si Tito Chordie. Ilang beses pang nag-ring pero hinayaan ko lang hanggang sa bigla na lang may nag-pop up na nag-text.

“Kapag hindi ka tumupad sa usapan, sasabihin ko lahat ng nalalaman ko sa mga pamangkin mo.” Text galing sa isang contact ni Tito pero iisang letter lang nakalagay, letter H.

Sino 'yon?

Mabilis kong pinaandar ang motor para mabilis akong makarating sa Farm.

"She's here." Sigaw ng isang lalake at kumaway sa akin.

Sino sila?

Inihinto ko ang motor sa gilid ng gate at tinanggal ang helmet. Kakaligo ko lang kaya bumagsak ang buhok ko, hindi na ako nakapag-pusod kakamadali.

"Perfect!" Sabi pa ng lalake, may hawak na siyang camera at tila kinukuhanan ako ng picture.

"Hi, Miss Tyra Musico?"

Tumango ako. "Good morning po." Bati ko

"Good morning iha. You're so beautiful."

"And astig." Sabi ng babae at inilahad ang kamay niya, nakipag-kamay naman ako agad.

"Tyra anak, sila 'yong mga gustong kumausap sa iyo. Ito si Benedict, si Freya, si Angela, si Markus at si Miss Reina." Pakilala ni Tito sa akin sa mga taong kaharap namin.

"Hello po." Matipid kong bati.

"Nice to meet you iha." Sabi ni Miss Reina, "Hindi na kami magpaligoy-ligoy pa, nagpunta kami dito agad matapos namin mapanood ang trending video mo."

Napakunot noo ako. "Trending video?"

"Yeah, you're so cool." Sabi ni Freya at nakipag-fist bump pa sa akin. 

"We need you. Napanood namin ang video mo, nakasakay ka sa kabayo at pinatalon mo pa 'yong itim na kabayo, sobrang nakakamangha 'yon, awesome!" Sabi pa ni Miss Reina, "Hindi mo naitatanong, may sinalihan kasi akong contest at kailangan ko ng model, I guess ikaw na ang hinahanap namin, Ikaw ang perfect para dun. Your hair, your body, your face, eyes, everything, perfect. I need you Miss Musico, I want you to be my model."

"Calves po."

"Oh, Miss Calves, I'm sorry. Payag ka ba? Photo shoot lang, limang picture, iba-ibang outfit. Pumayag na ang Tito mo, desisyon mo na lang ang hinihintay namin."

"Pasen–"

"Kalahating milyon ang premyo kapag nanalo tayo."

Halos manlaki ang mga mata ko.

Napatingin ako kay Tito.

"Half a million my dear, hati tayo, no joke. Two hundred fifty thousand for you and two hundred fifty thousand for me, nothing more, nothing less."

Ang laking pera nun, kapag nanalo kami ay may pera na ako para sa operasyon ni Gwy.

"Sige po."

"Oh, madaling kausap, I love it!"

"Kailan po ba magsisimula?"

"Next week. I'll chat you my dear. Thank you so much at pumayag ka, sure win na 'to." Nakangiti silang lahat at isa-isang nakipag-kamay sa akin.

Kung hindi sa pera ay hindi rin naman ako papayag.  Basta para sa kakambal ko, kailangan ko 'yon para sa operasyon at gamot ni Gwy kaya kailangan kong galingan para manalo, siguro'y taon ko pa 'yon kikitain kung dito sa Farm lang ako magta-trabaho. Baka kahit maghapon at magdamag ako magtrabaho ay hindi ko 'yon kikitain ng madalian.

Opportunity na ang lumalapit kaya laban!

"Tito, aalis na po ako."

"Saan ka papunta? Hindi porket may malaking pera d'yan sa photoshoot photoshoot na 'yan e hindi ka na magta-trabaho dito sa Farm."

"Hindi po ba sinabi ni Tita Alpa sa iyo? May lakad lang po ako ngayon sa Doctor, bukas naman po ay magta-trabaho ako ulit dito. Tinanggap ko lang naman po 'yong photoshoot na 'yon para kay Gwy, para sa gamot niya."

Bahagyang napakunot noo si Tito. "Gamot?"

"Ah, opo. May sakit po siya sa p-puso katulad ni Mama."

Sinadya kong sabihin sa kanya ang tungkol sa puso ni Gwy, baka sakaling makonsensiya siya. Pero hindi ko sasabihin ang tungkol sa Alzheimer's niya.

"Puso? Bakit hindi ninyo sinasabi sa akin?"

"Ah, late na po ako sa appointment ko kay Doc, Tito, mamaya na lang po natin pag-usapan sa bahay." Nagsuot na ako ulit ng helmet, "Pakibigay na lang po kay Eya itong hopia."

"Mag-iingat ka, umuwi ka agad ha."

"Opo."

Dumeretso ako agad sa address na binigay ni Tito Chordie sa akin. Sarado ang malaking restaurant pero pinapasok ako ng Guard sa labas.

"Hinihintay ka na po sa loob." Sabi sa akin ng lalake, curious akong pumasok sa restaurant.

"Tyra, dito!" Kumakaway na tawag sa akin ni Tito Chordie.

"Good morning po, pasensya na po at medyo late, may inasikaso pa po ako sa Farm."

"No, it's okay, come here."

Napahinto ako sa paglalakad ng ma-realize ko na marami palang tao sa loob ng restaurant.

My introvert side is shaking.

"A-Ano po'ng mayro'n?" Bulong na tanong ko kay Tito Chordie

"Reunion naming magkakaibigan. Sayang, ang Mama at Papa mo lang ang wala dito ngayon." Malungkot na sagot ni Tito Chordie at napabuntong hininga pero agad ring ngumiti, "Everyone, meet this beautiful girl beside me, Gee Tyra Musico Calves, isa sa anak ni Arah at Clefford." Masayang pakilala ni Tito Chordie sa akin, nakatingin lang sa akin lahat ng taong nandoon, napalunok ako.

"Mahabaging Diyos! Anak ka nga ni Arah, para kayong iisa." Sabi sa akin ng babae at niyakap ako agad, "Siya ba iyong kinu-kuwento mo sa akin Chordie?" Bumaling ng tingin sa akin ang babae, "Dalawa daw kayo, nasaan ang kakambal mo?" Asawa siguro siya ni Tito Chordie, si Tita Melody.

"Nasa bahay po ni Tito Drammy."

"Bakit kayo nandoon?" Biglang tanong ni Tita Melody, seryoso siya at bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"P-Po? Bakit po?"

"Ahh, umupo ka na muna at kumain, Tyra. Huwag mo na munang isipin ang sinabi ng Tita Melody mo."

Ngumiti na lang ako at tumango.

"Habang kumakain ka, ipapakilala ko sila sa iyo. Ito ang Tita Sharfaye mo, siya ang may-ari ng malaking library malapit sa Del Mundo University, 'yung katabi niya ay ang asawa niya, si Peter. Itong katabi naman ng Tita Melody mo ay ang Tita Monica mo, at ito namang isa ay ang Tita Xylou mo, siya ang may-ari nitong malaking restaurant."

"Hello po. Good morning po. Ako po si T-Tyra. Anak po ako ni Mama Arah at Papa Clefford, may kakambal po ako, si Gwy."

"Paano sila nagkaroon ng anak? Hayy, I miss them." Sabi ni Tita Xylou

"Mahabang kuwento po kung paano sila nagkaroon ng anak. Ahm, excuse lang po, p'wede ko po bang makausap si Tito Chordie?" Sabi ko at tumingin kay Tito Chordie.

"Doon tayo sa kabilang table mag-usap pero kukunin ko lang saglit 'yong ibibigay ko sa 'yo." Sabi ni Tito Chordie at pumasok sa isang kuwarto.

"Tyra iha, mag-iingat kayo palagi ng kakambal mo lalong lalo na sa mga Tito mo." Sabi ni Tita Melody

"Anong mga Tito? Tito lang, 'yong panganay." Sabi ni Tita Monica

Nakatingin lang ako sa kanila, tiningnan ko sila isa-isa.

"Huwag na ninyong lituhin 'yong bata." Sabi ni Tito Chordie at iniabot sa akin ang isang flash drive, "Nand'yan na lahat ng kailangan mo." Humarap si Tito Chordie sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Tyra, Si Drammy Musico, ang Tito mo. Siya ang nagtangkang pumatay sa Papa Clefford mo." Sabi ni Tito Chordie sa mismong harapan ko, napasinghap ako.


* END OF CHAPTER 46 *

A/N: Kung si Drammy ang nagtangkang pumatay kay Clefford, sino ang totoong pumatay?

  — gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 72.3K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
392K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
203K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West