The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 145

102 15 6
By breakerdreamer


Continuation...

      Lunch time, halos lahat ng mga estudyante ay nasa hallway nakatambay, ang ilan ay patungo sa cafeteria. Hanggang sa tanghaling iyon, usap usapan parin ang nangyaring insidente sa class 1-C dahil sa ginawa ni sakuragi na panununtok sa kaklase. Nakita nga iyon ng senior subalit hindi man lang ipinagbigay alam sa president council.

"Bat nadamay tayo? Umawat lang naman tayo ah!" Bulong na saad ni sato, kasama kasi sila sa loob ng dean office dahil mga senior student sila pero hinayaan lang nila ang ginawa ni sakuragi.

"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ng lalaking dean, nakatingin ito sa grupo ni marco na wala namang pakialam. Nakatingin lamang ito ng masama kay sakuragi.

"Dean, si sakuragi ang nauna, sinuntok niya nalang bigla si marco ng wala namang ginagawa." Saad ng isa sa kasamahan ni marco na ngumisi ngisi lang.

Napatsk si sakuragi bago nailing, sa kasinungalingan nalang talaga sila maliligtas.

Bumaling naman ang dean kay sakuragi, medyo kinabahan pa ang dean kay sakuragi kaya napalunok itong inayos ang salamin sa mata.

"Totoo ba ang sinabi ng mga kaklase mo sayo sakuragi? Na ikaw ang unang sumugod?" Tanong ng dean na pilit pinapatapang ang tono ng boses.

Tumingin si sakuragi ng deretso sa mga mata ni dean bago bumuntong hininga.

"Pag sinabi ko po bang hindi, maniniwala ba kayo?" Balik tanong na saad ni sakuragi kay dean, napaiwas ito kay sakuragi ng tingin bago tumikhim.

"Depende kung meron kang ipapakitang ebidensya o kahit witness lang na magpapatunay na nag sasabi ka ng totoo." Napatsk si sakuragi sa sinabi ng dean at hindi na lamang umimik.

"Dean, ako po ang patunay.. nakita ko kung paano sinuntok ni sakuragi si marco sa room kanina ng mapadaan kami." Ani riku na nakapag pasinghap sa mga kasamahan.

Natawa naman ang grupo ni marco sa sinabi ni riku at kung ano anong mga mayayabang na salita ang sinasabi.

"Yari kana ngayon, ang yabang mo ha! Lagot ka ngayon." Saad ng isa sa mga kasamahan ni marco

"Sinuntok? Alam mo ba kung ano ang pinag mulan ng away nila kung bakit siya nasuntok ni sakuragi?" Tumango si riku

"Opo, nalaman po kasi nila na may nobya si sakuragi at buntis ito, ang balak ni marco isama si ace para puntahan iyong nobya ni sakuragi at gawan ng hindi maganda." Pag bibigay detalyeng saad naman ni kaoru, napanganga naman si marco sa sinabi nito.

"Aba't, bakit mo naman kailangang sabihin iyon ha? Marco? At talagang binalak mo pang puntahan.. wala ka na bang kadala dala ha? Ilang beses kanang dinala dito pero hindi ka man lang natuto. Gusto mo ba sa pagkakataong ito ipaexpel na kita?" Galit na sigaw ni dean kay marco.

"At ikaw naman sakuragi, bakit naman kailangang umabot pa sa pisikalan kung Pwede mo namang kausapin ng mahinahon." Pagak na natawa si sakuragi sa sinaad ng dean, imposible.

"Mahinahon? Sa tingin niyo po ba, makikipag usap ang mga iyan ng mahinahon, kung sa simula't simula ayaw na nila sakin at ugali din nilang mambully. Kaya ko naman talagang mag timpi e, ang kaso dinamay nila ang girlfriend ko na wala namang kinalaman dito. Sa oras talaga na malaman ko na may nangyari sa nobya ko, sisiguraduhin ko nawawasakin ko ang buong pamilyang gugulo sa kanya. Mark my words." Anas ni sakuragi na tinignan si marco na may pag babanta.

"H-huminahon ka hijo, ano ba ang gusto mong mangyari? Papuntahin ko ba ang mga magulang nila o two week suspension? Pero.. ipangako mo na w-wag na wag mo itong ipapaalam sa lolo mo." Nanginginig ang boses na saad ni dean kay sakuragi.

Alam kasi ng dean na kayang kayang patalsikin at bilhin ni don fermin ang buong campus kapag nalaman nito ang nangyari sa apo nito. Personal kasing pinuntahan ni don fermin ang dean ng campus kaya sobra na lamang ang takot niya sa oras na malaman ito ng lolo ni sakuragi.

"Kahit hindi ko naman ipaalam kay lolo ang mga nangyayari sakin, nalalaman niya rin naman agad." Saad ni sakuragi na ngumisi pa..

"Atsaka ang gusto ko katahimikan, iyon lang ang pakiusap ko sainyo. Ayoko ng gulo at lubayan niyo ang buhay ko habang nag aaral ako sa eskwelahang ito." Anas ni sakuragi na may malamig na tono

"N-naiintindihan ko.. a-ako na ang bahala sa kanila." Saad ni dean, lumabas naman si sakuragi mula sa loob ng dean office habang naiwan ang ilang grupo doon.

Habang naglalakad sa hallway si sakuragi hindi parin matapos ang pakikipag tsismisan ng mga estudyante sa tuwing nakikita siya, kaya lalong nag aalala si sakuragi para sa kalagayan ng kanyang nobya.

Paliko na patungong room si sakuragi ng makita siya ni hajime, sokomo, jun at sachi na gulat na gulat.

"S-sakuragi?" Gulat na puna ni sokomo at hajime

"Bakit?" Tanong ni sakuragi sa mga ito

"B-bakit hindi mo man lang samin sinabi na ikaw pala ang apo ni don fermin, ang may ari ng palayan at prutasan?" Automatic na naging blangko ang expression ni sakuragi ng marinig iyon, ang hindi niya balak na pag sabi ay nalaman din pala nila.

"Dahil wala naman akong balak sabihin iyon, gusto ko lang ng katahimikan. Hindi ko naman akalain na may ibang makakakilala sakin dito." Saad ni sakuragi sa flat na tono

"Tsk! Imposibleng hindi mo gusto ang attention nila, halata namang gusto mong gulatin ang lahat dahil binubully ka na e." Saad ni jun, umangil naman si sokomo at hajime sa sinabi ni jun. Ngumisi naman si sakuragi sa sinabi ni jun bago umiling.

"Hindi naman ako katulad mo na gagawin ang lahat para makuha ang atensyon. Tsaka wala naman akong dahilan para ipaalam kung anong klaseng buhay meron ako." Ngising pang sagot ni sakuragi bago ito naglakad at lagpasan sila, ngunit napahinto sa pag lalakad si sakuragi ng hawakan siya ni sachi sa kamay.

"S-sakuragi? T-totoo bang may nobya kana at m-magkakaanak na kayong dalawa?" Nakatalikod si sakuragi mula kay Sachi kaya hindi alam ni sakuragi kung umiiyak ba ito o malungkot lang, iba kasi ang tono nito sa karaniwang tonong ginagamit nito habang kinakausap siya nito noon.

Humarap si sakuragi dito bago tinignan si sachi ng malumanay,.

"Oo, may anak na kami ng nobya ko. Girlfriend ko na siya bago ako kinuha ng lolo ko mula sa kanagawa." Paglahad ni sakuragi na tila proud na proud din dahil nakangiti siya habang sinasabi iyon kay sachi.

Nagulat nalang si jun, hajime at sokomo ng yakapin si sakuragi ni sachi.

"Hindi m-mo ba nakikita na gusto kita, gustong gusto kita sakuragi." Umiiyak na pag confess ni Sachi kay sakuragi, bumuntong hininga si sakuragi ng malalim bago inalis ang pagkakayakap nito sakanya.

"Alam ko Sachi, ramdam at nakikita ko naman ang bawat ginagawa mo para sakin. Pero nakikita lang kita bilang kapatid, hanggang doon lang." Anas ni sakuragi na lalong ikinaiyak ni sachi, kwenilyuhan naman ni jun si sakuragi dahil sa narinig.

"Tarantado ka, alam mo naman pala pero bakit hindi mo parin siya iniiwasan at pilit mo parin siyang kinakausap?" Bulyaw na saad ni jun

"Dahil siya iyong pilit nang pilit na lumalapit sakin, sinabihan ko na siya na wala akong gusto sakanya pero siya iyong nangungulit." Saad ni sakuragi na tinulak si jun palayo kaya nahawakan ito ni hajime at sokomo nang muntik na itong matumba.

"Kahit na, hindi mo na dapat siya pinaasa. Alam mo naman palang may nararamdaman iyong tao sayo pero ikaw itong hinahayaan ang sariling magpaasa." Giit paring pakikipag talo ni jun kay sakuragi, sa ginagawa niya mas pinapalala niya ang sitwasyon, dumadami na rin ang mga estudyante na nanunuod sa kanila kaya mas lalong napapasama ang image ni sakuragi sa iba.

"Wag mo sakin ibaling ang galit at pagkabroken hearted mo ng dahil lang sa hindi ka gusto ni sachi." Balik na saad ni sakuragi bago muling tinignan si jun ng masama.

"Tama na, kasalanan ko kung bakit nagkakagulo kayo. Wag na kayong mag away." Umiiyak na pakiusap ni sachi, umamo naman ang expression ng mukha ni jun bago ito nilapitan.

"Sa susunod umiwas nalang kayo kung ayaw niyong mainvolved sa gulo ng buhay na meron ako." Saad ni sakuragi bago tumalikod at naglakad paalis sa napakaraming tao na nakapalibot sa kanila.

'ang sama pala ng ugali ng sakuragi na to! Akala ko pa naman mabait at hindi katulad ng ilang lalaki na nambubully dito sa loob ng campus.' anas ng isang estudyante na babae

'sinabi mo pa, akala mo kung umasta may ari ng school. Kung hindi lang naman dahil sa maimpluwensya niyang lolo hindi siya makakapag aral sa eskwelahang ito.' paggatong ng isang babae sa kausap nito na tumatango lang sa sinasabi nito.

Rinig na rinig iyon ni sakuragi mula sa mga estudyante, wala naman dapat siyang pakialam sa mga bulong bulungan nila, pero pag nababanggit ang pangalan ng importante sa buhay niya doon nagagalit si sakuragi.

"Wala ba kayong magawa sa buhay niyo? At ang manira lang nang buhay  ng ibang tao nakikita niyong paraan para hindi maging boring ang buhay niyo?" Malamig at walang ganang tanong ni sakuragi sa mga estudyante na nagkukumpulan.

"Bakit totoo naman ah! Feeling mo ikaw may ari ng campus para gawin ang lahat ng gusto mo porket mayaman kayo." Ngumisi si sakuragi bago natawa

"Oo mayaman kami, pero ang isiping may ari ako ng campus na ito.. well, pag iisipan ko, sasabihan ko si lolo na bilhin ito at nang maging totoo ang hinala niyo sa pagkatao ko." Pang iinis na saad ni sakuragi sa mga ito, nanlalaki ang mata ng mga babae at inis na umalis sa harapan ni sakuragi.

Naiiling na muling pinagpatuloy ni sakuragi ang paglalakad palabas na ng campus, wala na siyang lakas para makipag talo pang muli sa mga estudyante. Pupuntahan niya nalang ang girlfriend niya sa hospital at babantayan.

Nang makarating sa parking, nagulat si butler lee dahil napaaga ang dating nito. May lalakarin pa sana si butler lee, utos narin ng lolo ni sakuragi.

"Sir, b-bat ang aga niyo naman pong umuwi.. wala na po ba kayong klase?" Tanong ni lee, tumango nalang si sakuragi ng hindi nagsasalita.

"Dumeretso na ho tayo sa flower shop na nandito." Saad ni sakuragi

"Para saan ho?" Takang tanong ni lee

"Para kay aki, dumaan na rin tayo malapit sa bilihan ng mga prutas." Dagdag pa na saad nito, alanganin namang tumango si lee bago pinasibad ang sasakyan.

Ilang minuto, nabili na ni lee ang pinapabili ni sakuragi sa kanya na flower at prutas, bigla kasing sumama ang pakiramdam ni sakuragi kaya inutusan niya nalang na si lee ang bumili.

Nang makarating sa ospital, agad na dumeretso si sakuragi patungo sa room ni aki. Nakita ni sakuragi na nasa labas si rukawa at ang nanay nito na nagkekwentuhan hanggang sa makita siya ni rukawa.

"Oh! Bakit ang aga mo naman yata? Akala ko ba hapon ka pa pupunta?" Tanong ni rukawa, nakipag fist bump si sakuragi kay rukawa na kinagulat ng huli.

"Ang daming tsismosa sa school, nalaman nilang may anak na ako at nobya kaya kung ano ano nalang ang sinasabi tungkol sakin at kay aki." Napakunot ang noo ni rukawa, akira at Butler lee sa sinabi ni sakuragi.

"Hindi mo dini'deny na may anak kayo?" Tanong ni rukawa, kumunot ang noo ni sakuragi sa asta ng tono ni rukawa.

"At bakit mo naman naisip na idedeny ko ang pagbubuntis ng kapatid mo?" Tanong pabalik ni sakuragi

"Dahil sa reputasyon ng lolo mo, dahil sa oras na malaman ng ibang kabusiness partner ng lolo mo na may anak na ang apo niya sa murang edad malaking kaso iyon para sa lolo mo." Napaisip si sakuragi sa sinabi ni rukawa at naisip ang lolo niya, mukhang stress na stress na ito ng makita niya kagabi.

"Pero ayaw ko naman itanggi ang anak ko at ang nobya ko. Maiintindihan naman yata iyon ni lolo." Ani sakuragi kay rukawa

"Iwan ko lang ha? Natutuwa ako na pinaninindigan mo ang pagiging mabuting ama at nobyo sa kapatid ko sakuragi. Kaya kung sakaling magka issue man at malaman ng ilang reporters na nandito kapatid ko, wala akong pag pipilian kundi ang iuwi si aki sa kanagawa kasama si mommy." Nanlaki ang mata ni sakuragi sa sinabi ni rukawa

"What the!? Bakit naman kailangang umabot sa ganon? Ako na ang bahala kay aki, doon nalang siya tumira sa bahay." Giit ni sakuragi na ikinailing ni rukawa

"Wala kaming kasiguraduhan kung magiging okay ba si aki sainyo, alam mong masilan ang pag bubuntis niya diba? Wag mong hayaan na mapahamak ang mag ina mo dahil lang sa pagiging makasarili sakuragi. Ako na ang bahala, basta do your part para di na umabot sa iniisip ko ang pwedeng mangyari." Seryosong saad ni rukawa kay sakuragi

Malalim na napabuntong hininga si sakuragi bago tumango..

"Sige, ako na ang bahala sa bagay na iyan. Hindi ko rin naman hahayaan na mapahamak si aki at ang baby, mas lalo na si lolo ng dahil lang sa makikitid ang utak ng ibang tao. Poprotektahan ko sila sa abot ng makakaya ko." Punong puno ng determinasyon na saad ni sakuragi kay rukawa. Lihim namang napangiti si butler lee at akira sa sinabi ni sakuragi.

Continue Reading

You'll Also Like

82.7K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
5.9K 269 16
[COMPLETED] (UNDER EDITING) "How would you know if you met your other half?" "How would you know if you are meant to each other?" "Would you feel so...
18K 1.2K 74
Kilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing s...
3.2K 138 40
Ito ang kuwento ng buhay Basmetball Player ni Hanamichi Sakuragi. At ito ang unang hakbang sa pagtupad ni Sakuragi mna maging isanh NBA Player. Ang k...